Filipino THESIS: Ang Hinagpis at Kabiguan ng mga Tao sa Likod ng Salamin ng Pag-ibig
-
Upload
nelijah-nuada -
Category
Data & Analytics
-
view
1.439 -
download
18
Transcript of Filipino THESIS: Ang Hinagpis at Kabiguan ng mga Tao sa Likod ng Salamin ng Pag-ibig
1
Kasawian:
Ang Hinagpis at Kabiguan ng mga Tao sa Likod ng Salamin ng Pag-ibig
___________________________________________________________
Isang Tesis na Isinumite sa
Departamento ng mga Wika
Kolehiyo ng Sining at Agham
Miriam College
______________________________________________
Bilang isa sa mga Tugon sa
Mga Kahingian para sa Kursong
Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik
_____________________________
nina
Christine Catuncan
Giana Hari
Nelijah Nuada
Kloe Tamor
Mayo 2017
2
Abstrak
Ang pananaliksik na ito ay isinagawa para sa layuning malaman ang mga
kasagutan sa likod ng pagkaka-ugnay ng kasawian sa pag-ibig at ng tao. Inilagay dito ang
mga dahilan sa koneksyon ng tao at kasawian sa pag-ibig sa likod ng emosyonal,
sikolohiyal, sosyal at pilosopikal na pakikitungo. Sinuri dito ang mga bagay na higit na
nakaka-apekto sa pag-uungay ng mga tao sa kasawian sa pag-ibig. Ito ay maaring tungo
sa sariling karanasan, pakikitungo sa ibang tao, o mga pisikal at sosyal na bagay. Napag-
alaman na ang edad na 18 hanggang 29, ay kung saan mas nakaka-ugnay ang mga tao sa
kasawian sa pag-ibig, ito nga ay dahil sa taon na ito hindi pa matatag ang gulang para sa
pangmatagalan na relasyon sa pag-ibig. Sa mga bagay/kaganapan na ibinigay namin, ang
pagkatuto mula sa karanasan mula sa ibang tao o sa sarili o mula sa Social Media ay ang
pangunahing kadahilanan bakit sila ay nakaka-ugnay. Sa kabuuhan ng pananaliksik na
ito, masasabing ang kasawian o kalungkutan sa pag-ibig ang naghuhubog sa mga tao
upang maging matatag at gumulang at maraming nakaka-impluwensiya sa kasawian sa
pag-ibig ng mga tao dahil lahat ng tao ay may nararamdaman na pag-unawa sa mga
karanasan at kalungkutan ng ibang tao.
3
Talaan ng mga Nilalaman
I. PANIMULA
Panimula 4
Kaligiran ng Pag-aaral 5
Paglalahad ng Suliranin 6
Kahalagahan ng Pag-aaral 7
Rebyu ng Kaugnay na Literatura 8
Teoretikal at Konseptwal na Balangkas 11
II. METODOLOHIYA
Disenyo ng Pananaliksik 13
Metodolohiya 14
Mga Kasapi 14
III. RESULTA 15
IV. DISKUSYON 26
V. BUOD, KONKLUSYON, REKOMENDASYON
Buod 28
Konklusyon 28
Rekomendasyon 29
VI. MGA SANGGUNIAN 30
VII. APPENDIKS 33
4
Kabanata 1
Panimula
Ang buhay natin ay kaakibat na ng mga pangyayari at karanasang nagbibigay kulay at
kabuluhan. Mabuti man o masama ang ating karanasan ay maaaring makapagpatibay o
makapagpahina ito sa bawat isa lalo na sa usapang pag-ibig. Ang aming pananaliksik ay
tungkol sa pagsubok na humahamon sa ating katatagan, at iyon ang pagkasawi. Ang
aming grupo ay aalamin ang iba’t-ibang pananaw ng karamihan pagdating sa larangan ng
pag-ibig, malaman kung gaano nga ba karami sa ngayon ang sang-ayon o tutol sa pag-
ibig, at bakit nga ba may mga relasyong hindi nagtatagal at nauuwi na lang sa pagkabigo
at pagkawasak ng taong naiwan o nasaktan. Nais naming malaman ang mga bagay
tungkol sa mga taong nakakaranas ng pagkasawi sa pag-ibig at bakit nga ba
naaapektuhan ang mga tao dahil sa pagkaramdam ng lungkot, maski naranasan man nila
ito o hindi. Sinu-sino nga ba ang mga kadalasang nakakaranas ng mga ganitong
pangyayari ng pagkabigo?
Layunin ng tesis na ito ang malaman kung bakit nga ba may mga taong sawi at bigo sa
pag-ibig lalo na sa panahon natin ngayon na ang mga kabataan ay maaga nang
namumulat sa pag-ibig. Kaya kami ay kakalap ng impormasyon sa mga edad na 18
hanggang 29, lalaki man o babae. Aming aalamin sa mga respondente ang mga
katanungan gaya ng pananaw nila sa pag-ibig.
5
Kaligiran ng Pag-aaral
Binibigyan ng pansin ng pananaliksik na ito ang kasawian sa pag-ibig ng mga
Pilipino at kung ano ang kanilang mga nararamdaman o karanasan tungkol dito. Layunin
ng pag-aaral na ito ang makita ang mga iba’t-ibang pananaw ng karamihan pagdating sa
larangan ng pag-ibig. Nais din masulyapan ng mga mananaliksik kung gaano karami ang
mga ayon o tutol, sa pag-ibig. At sa huli, aalamin ang mga epekto ng kasawian sa
kaugalian at mga kinalilibangan ng mga tao dahil sa kanilang nararamdaman.
6
Paglalahad ng Suliranin
Ang Pag-aaral na ito na may paksang Kasawian: “Ang Hinagpis at Kabiguan ng
mga Tao sa Likod ng Salamin ng Pag-ibig” ay naglalayong sagutin ang mga sumusunod
na suliranin:
1. Paano nailalarawan ng mga tao ang pag-ibig?
2. Ano-ano ang mga posibleng dahilan bakit nakakaugnay ang mga tao sa mga bagay
patungkol sa kasawian sa pag-ibig?
3. Bakit naaapektuhan ang mga tao ng pagkaramdam ng kalungkutan sa pag-ibig maski
kung sila ay nakaranas man o hindi?
4. Nakaka-apekto ba ito sa paraan ng pag-iisip o ugali ng isang tao?
5. Sinu-sino ang kadalasang nakaka-ugnay sa mga bagay na tungkol sa kasawian sa pag-
ibig?
7
Kahalagahan ng Pag-aaral
Sa dami ng mga iniisip natin araw-araw, kailangan ayusin natin ang ating utak para hindi
tayo magsasayang ng oras sa mga bagay na hindi dapat natin masyadong binibigyan ng
pansin. Masasabi na ang kasawian ay isa sa mga bagay na nakakaapekto sa ating pag-
iisip at paggawa ng desisyon dahil sa mga damdamin at emosyon na dinudulot nito. Ayon
sa “Hierarchy of Needs” na ginawa ni Abraham Maslow (1943), ang mga tao ay
nangangailangan ng pagmamahal at pakikisama sa ibang tao. Ito ay nagbibigay sa atin ng
kabuluhan sa ating buhay dahil nararamdaman natin na tayo ay tinatanggap at minamahal
ng ibang tao. Walang tao na pwedeng mabuhay na mag-isa lamang kaya kailangan na
marunong tayong makitungo sa iba at dapat alalahanin natin ang ating mga
nararamdaman dahil pwede itong makasama o makakabuti sa atin. Layunin ng tesis na ito
ang malaman ang mga iba’t-ibang epekto ng kasawian sa mga kabataan at bakit ito
mabilis na lumaganap sa pop culture ng mga Pilipino ngayon.
8
Rebyu ng Kaugnay na Literatura
Ayon sa librong “Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo” (Bautista, 2012), ipinapaliwanag
dito ng manunulat na si Ramon Bautista na isang guro sa UP Diliman tungkol sa mga
bagay-bagay na kinakaharap ng mga taong sawi. May mga bagay na kinakailangan
munang intindihin bago ito basahin. Tunay nga naman kasi na ang panahon natin ay
nagbabago. Mayroong mga bagay na hindi na katulad dati, tulad na lamang ng mga
kabataan ngayon. Kailangan pa rin natin silang patnubayan sa kanilang mga gawain,
hindi yung dapat tanggapin na lang natin. Matalino nga raw ang mga kabataan ngayon.
Sila na ang pipili kung sino ba ang gusto nilang paniwalaan. Ika nga ni Ramon Bautista
na, “There is more to life than love.” Wala nga daw gamot para sa tanga, at mag-aral ng
mabuti kung ayaw mong maging taong grasa at “huwag mag-BF for the sake of having
one.” Ito ang iba sa mga nakalakip sa kanyang libro na makakapagbigay payo sa mga
makakabasa nito upang maiwasan ang kasawian.
Kapalit ng pag-ibig, isang artikulo isinulat ni Ramon M. Bernardo (Bernardo, 2017)
tungkol sa usaping pag-iibigan o relasyon ng isang lalaki at isang babae. Ito ay kung bakit
marami ang nakakadarama ng kabiguan, kasawian, kalungkutan at paninibugho kapag
hindi natugunan ang nadarama nilang pagmamahal sa isang tao. May mga gumagawa pa
ng karahasan, nagwawala at nasisiraan ng isip dahil pinagtaksilan o pinagpalit sa iba o
kaya hindi pinansin o niloloko kaya ng taong pinag-ukulan nila ng tinatawag nilang
wagas na pagmamahal. Hindi nila matanggap ang naranasan nilang kabiguan.
9
Ipinapaliwanag ng artikulong ito tungkol sa tila nga ba napakabigat at napakahirap ang
pag-ibig na walang hinihintay na kapalit. Pero meron din naman itong punto. Bakit kapag
nagmahal ka, umaasa kang mamahalin ka rin? Ibig bang sabihin, kailangan mahalin ka
rin ng taong mamahalin mo. Kung tapat at halos ibigay mo na ang buong buhay mo sa
kanya, ay hindi ka pa pala magagawang mahalin. Ilan ito sa mga katanungan natin sa isip
sa tuwing nakararanas ang iba sa atin ng isang matinding pagkabigo. Hindi ka man
mahalin nito, aalalahanin mo pa rin ang kanyang kapakanan, kabutihan, kaligtasan,
kapayapaan ng isip, at maayos na buhay at kinabukasan. Dito masusubukan kung gaano
mo kamahal ang isang tao, walang sukatan, walang sukli at walang kapalit.
“Totoo ba ang happy ending? Karapat-dapat ba ang isang tao ng pangalawang
pagkakataon? Bakit kung sino pa ‘yung nagmamahal, sila pa ‘yung nasasaktan?” Ilan ito
sa mga katanungang hinugot mula sa librong “Para sa Hopeless Romantic” ni Marcelo
Santos III (Santos, 2014). Isa itong kwento ng lihim na umiibig, umaasang babalikan,
naghahangad na mamahalin, natatakot nang umibig muli, nagsusumikap na makalimot, at
ng isang nag-aasam ng maligayang pag-iibigan. Ang nobelang para sa mga taong iniwan
at ipinagpalit, para sa mga taong naging panakip-butas, mga nangangarap na mahalin,
umaasang balikan, para sa naghahangad ng happy ending at para sa mga hopeless
romantic o para sa madaling salita, mga taong sawi sa pag-ibig. Lahat ng tao ay may
kanya-kanyang kuwento ng pag-ibig. Mga kuwentong tayo mismo ang nagmimistulang
manunulat. Mga sariling buhay pag-ibig na nais nating magkaroon ng happy ending.
Ngunit tila nga ba na kaunti lamang ang nabibiyayaan ng mala fairytale na pag-iibigan.
10
Ang kuwento ng nasabing nobela ay umiikot sa buhay ng mga karakter patungo sa
kanilang paglalakabay patungo sa magpakailanman. Kinatatampukan ito ng limang tao na
pilit na lumalaban sa masalimuot na mundo ng pag-ibig: sina Maria, Ryan, Becca, Nikko,
at Faye. Kahit man nasaktan sa kani-kanilang landas upang makamit ang tunay na
layunin na magmahal at mahalin nngg kapalit, pilit pa rin silang lumalaban upang
magwagi o makakuha kahit lamang kakarampot na ligaya o tagumpay sa larangan ng
giyera ng mga puso.
11
Teoretikal at Konseptwal na Balangkas
Ang “triangular theory of love” ay isang teorya ng pag-ibig na isinulong ng
sikolohiya na si Robert Sternberg. Ayon sa kanya, mayroong tatlong komponent ng pag-
ibig na binubuo ng intimacy, passion, at decision/commitment na komponent.
Ang Passion ay maaaring maiugnay sa pisikal na atraksyon o emosyonal na
stimulasyon. May tatlo itong depinisyon:
1. Malakas na pakiramdam na pagkasabik o pagkagulilat dahil sa pagkakagawa ng isang
bagay
2. Malakas na pakiramdam (tulad ng pagkakagalit) na nagiging dahilan kung bakit ang
mga tao ay nakagagawa ng mga delikadong bagay
3. Malakas na pakiramdam na pagkalibog o pagkagusto sa isang tao
Ang Intimacy ay ang pagkakalarawan ng mga damdamin ng pagkakalapit o
attachment ng isang tao sa isang tao. Ito ang nagiging sanhi kung bakit nagiging mas
matibay ang pagkakabuklod sa pagitan nitong dalawang tao.
Ang Commitment naman, ‘di tulad ng dalawang naunang komponent, ay
nagdadawit ng conscious decision upang mapanatili ang relasyon ng bawat isa. Ang
desisyong ito ay madalas na nalalaman sa pamamagitan ng lebel ng satispaksyon na
siyang ibinibigay ng isang katuwang mula sa kanilang relasyon.
12
Isa rin sa mga naunang teorya pagdating sa pag-ibig ay nilinang ni Sigmund
Freud (1938, September 23). Ang kanyang teorya ay sumesentro sa paligid ng
pangangailangan ng “ego ideal”. Ang depinisyon nito ay ang imahe ng isang tao kung
saan gusto ng isa na maging katulad niya.
Isa pang teorya ay ipinakilala naman ni Maslow. Ang herarkiya ni Maslow ng
pangangailangan ay nilalagay ang kakayahan sa limitasyon ng potentialities isa sa
pinakamataas. Pinapanatili niya na kung sino ang nakaabot sa kakayahang ito ay kayang
magmahal.
13
Kabanata 2
Disenyo ng Pananaliksik
Ang pananaliksik na ito ay gagamit ng deskriptibong uri ng sarbey. Tinatangka ng
pag-aaral na ito na alamin ang kaalaman, damdamin, kaisipan at pananaw ng mga tao sa
mga bagay patungkol sa kasawian sa pag-ibig. Nais rin ng pananaliksik na ito na suriin
ang mga dahilan at epekto kung bakit nakaka-ugnay ang mga tao tungkol sa kasawian sa
pag-ibig maski man may karanasan o hindi.
14
Mga Pamamaraan
Ang unang hakbang na aming patutunguhan ay ang paggawa ng sarbey.
Kailangan makagawa ng mga tanong na malawak at may kaugnayan sa pag-ibig upang
makakakuha ng impormasyon na maiintindihan at para hindi mahirapan ang mga sasagot.
1. Kukuha kami ng 120 o mas higit pa na mga tao na may edad na 18 hanggang 29
upang sagutin ang aming sarbey.
2. Pagkatapos ay isusulat namin lahat ng datos at sagot at ihahambing namin ang mga
kaibahan at pagkaka-parehas ng mga ito base sa kanilang mga edad at kasarian.
3. Sa huli, hahanapin ang mga karaniwan na pinanggalingan ng kasawian sa mga
kabataan ngayon.
Mga Kasapi
Ang mga respondente ay nabibilang sa edad na 18 hanggang 29, lalaki man o
babae. Napili namin ang mga edad na ito dahil ayon kay Jeffrey Arnett (Arnett, 2014)
ang tawag sa edad na 18 hanggang 29 ay “emerging adult”. Sa yugto na ito ang panahon
kung saan nakamit na nila ang pisikal at sekswal na gulang. Sa gulang din na ito
nararanasan ang ‘di matibay na relasyon sa pag-ibig. Ang mga kalahok ay di lalagpas sa
bilang na 120. Ang mga respondente na maaring sumagot ay maaring may karanasan sa
pag-ibig o wala.
15
KABANATA 3
Resulta
Makikita sa kabanatang ito ang mga datos na nakalap mula sa survey na pinasagot
sa mga taong 18-29 na taong gulang. 112 ang kabuuang bilang na sumagot sa survey at
karamihan sa kanila ay mga estudyante sa kolehiyo pero meron din mga tapos na sa
kanilang pag-aaral o nagtratrabaho na.
1. Kasarian at Edad
Sa kasarian, makikita na 92.9% sa mga sumagot ay mga babae habang ang natitirang
7.1% naman ay lalaki. Makikita rin na karamihan na sumagot sa survey ay mga 18 na
taong gulang habang ang pinaka-kaunti naman ang 29 na taong gulang dahil walang
sumagot dito.
2. Katayuan/Estado
16
Sa katayuan o estado ng mga tao, 61.6% sa kanila ay walang asawa o kabiyak, 21.4% ang
nasa isang relasyon, 16.1% ang nalilito, at 0.9% naman ang kasal na. Nakikita dito na
karamihan sa mga tao ngayon ay walang kabiyak at kaunti lang ang may asawa na.
Medyo marami rin ang mga taong nasa isang relasyon at nalilito.
3. Naranasan mo na ba umibig?
77% ang mga taong nagsabi na sila na ay nakaranas nang umibig, 8.9% naman ang hindi
pa nakaranas ng pag-ibig, at 13.4% naman ang hindi pa alam. Marami nang mga tao ang
nakaranas na ng pag-ibig sa kanilang buhay pero may mga tao na hindi pa alam kung
naramdaman na nila ang pag-ibig.
4. Nakaranas ka na ba ng kasawian sa pag-ibig?
17
10.7% ang mga taong nagsabing hindi nila alam kung nakaranas na sila ng kasawian sa
pag-ibig, 15.2% naman ang hindi pa nakaranas nito, at 74.1% naman ang nakaranas na ng
kasawian sa pag-ibig. Makikita dito na maraming tao ang nakaranas na ng kasawian sa
pag-ibig sa kanilang buhay.
5. Sa tingin mo ba “love is everywhere?”
Karamihan sa mga tao ang nagsabing “oo” na ang pag-ibig ay nakikita kung saan-saan.
84.8% ang sumagot nito habang 8.9% ang sumagot ng “hindi’ at 6.3% ang sumagot ng
“hindi ko alam”.
6. Maari mo bang ipaliwanag ang iyong sagot?
18
Dito ipinaliwanag ng mga tao ang kanilang mga pananaw kung ang pag-ibig nga ay
matatagpuan kung saan-saan. Ang madalas na sagot dito ay maraming uri ang pag-ibig at
pwede ito manggaling sa kahit na anong bagay o tao kaya masasabi nila na ito ay hindi na
kailangan hanapin dahil pwede itong matagpuan kung saan-saan.
7. Madalas ka bang:
- Humugot
- Manood ng pelikula tungkol sa pag-ibig
- Makinig sa mga kanta tungkol sa pag-ibig
- Magalit sa tuwing nakakakita ka ng magkasintahan
- Mahilig gamitin ang mga salitang "sawi", "ampalaya", "bitter" o "walang forever"
- Magbigay ng payo sa mga taong sawi/may pinagdadaanan sa isang relasyon
19
Ang madalas na ginagawa ng mga tao ay ang manood ng pelikula tungkol sa pag-ibig sa
67.9% pero marami rin ang nagbibigay ng payo sa mga taong sawi/may pinagdadaanan
sa isang relasyon sa 66.1%. Kaunti naman ang mga taong nagagalit sa tuwing nakakakita
sa ng magkasintahan sa 16.1% lamang. 45.5% ang mga humuhugot, 61.6% ang nakikinig
sa mga kanta tungkol sa pag-ibig, at 28.6% ang mahilig gamitin ang mga salitang “sawi”,
“ampalaya”, “bitter”, o “walang forever”.
8. Sa iyong palagay, bakit mo ito ginagawa?
20
Maraming dahilan ang mga tao kung bakit sila gumagawa ng iba’t-ibang bagay dahil sa
kasawian. Pinakita ng mga tao na iba ang kanilang paraan ng pagraos ng kasawian dahil
hindi naman lahat ng bagay ay kanilang kinagigiliwan kaya humahanap sila ng gagawin
para hindi sila patuloy na masawi.
9. Maihahaintulad mo ba ang mga hugot tungkol sa pag-ibig na iyong nababasa/narinig sa
buhay mo?
Marami ang mga tao na sumagot na ang mga “hugot” tungkol sa pag-ibig na kanilang
nabasa o narinig ay naihahalintulad nila sa kanilang buhay. Ang mga sumagot ng oo ay
63.4%. Samantalang sa hindi naman makaramdam ng pagkakahalintulad ng mga “hugot”
sa buhay nila ay bumibilang sa 23.2%. Ang mga hindi naman sigurado ay nasa bilang ng
13.4%.
10. Pumili ng mga dahilan bakit nakaka-ugnay ka sa kasawian sa pag-ibig:
- Personal na karanasan sa pagkabigo sa pag-ibig
21
- Mga naririnig o nakikita na kwento tungkol sa Pag ibig (ex. Social media,
teleserye etc.)
- Karanasan ng kasawian mula sa ibang tao
Umabot sa bilang na 71.4% ang mga tao na nagsabing nakaka-ugnay sila sa kasawian sa
pag-ibig dahil naririnig o nakikita nila ito sa Social Media, teleserye, atbp. Sumunod
naman 65.2% na sumagot ito ay dahil sa personal na karanasan. 63.4% naman ang
dahilan ito ay galing sa karanasan ng kasawian mula sa ibang tao. Huli naman ang 2.7% n
nag dahilan na ito daw ay dahil sa ibang rason.
11. Paano mo nalaman ang bagay tungkol sa kasawian sa pag-ibig?
- Nakikita sa social media/telebisyon/babasahin
- Mula sa karanasan
- Mula sa mga kaibigan/kakilala
22
Nasa bilang ng 84.8% ang sumagot na mula sa kaibigan/kakilala nila nalaman ang bagay
tungkol sa kasawian. Ang sumagot naman na nakikita nila ito sa Social
Media/telebisyon/babasahin ay 80.4%. 66.1% naman ang bilang ng ito ay nalaman mula
sa karanasan. At 0.9% ang ibang rason.
12. Masasabi mo bang marami nang tao ang may alam tungkol sa mga hugot/kasawian
sa pag-ibig?
Nasa humigit kumulang 91.1% ang sumagot na marami nang tao ang may alam sa mga
hugot/kasawian sa pag-ibig. 3.6% naman ang nagsasbing hindi. Ang iba naman ay ‘di
makapagpasya sa natirang 5.4%.
23
13. Bakit sa tinggin mo marami ang nakaka-ugnay dito?
Ang mga kasagutan nila kung bakit marami na ang nakakaalam nito ay marami ang
nagsabing dahil ito sa impluensya na henerasyon natin at Social Media. Ang iba naman
ay nagbigay ng dahilan na ito ay natural lang na nangyayari sa ating buhay, ika nga
walang perpekto, pero lahat ay nagmamahal.
14. Masasabi mo bang mabuti ang dulot ng mga hugot/kasabihan tungkol sa kasawian sa
pag-ibig?
24
Nasa bilang ng 44.6% ang maraming sumagot na ito ay mabuti. 32.1% naman ang tila
naguguluhan at “di alam. 23.2% ang tutol sa mabuting dulot nito.
15. Ano ang nagiging epekto ng pagiging sawi sa iyong buhay?
- Nalulungkot tuwing nakakakita/nakakarinig ng mga bagay tungkol sa pag-ibig
- Natuto nang maging mas maingat sa pag-ibig
- Nawawalan ng tulog/gana kumain
- Hindi nakakapagtrabaho ng taimtim/mabuti dahil maraming iniisip
- Umaasa na lang at wala nang ibang iniintindi
Sa bilang na 83%, marami ang sumagot na sila ay natuto nang maging mas maingat sa
25
pag-ibig. 45.5% naman ang nalulungkot tuwing nakakakita/nakakarinig ng mga bagay
tungkol sa pag-ibig. 25% ang umaasa na lang at wala nang ibang iniintindi. Parehas
20.5% ang nagsabing nawawalan sila ng tulog/gana kumain at hindi nakakapagtrabaho ng
taimtim/mabuti dahil maraming iniisip dahil dito. 13.4% naman ang nagbigay ng ibang
dahilan.
26
Kabanata 4
Diskusyon
Batay sa mga resulta, makikita na maraming mga tao ang nakaranas na ng pag-
ibig at kasawian sa kanilang buhay. Ang nakapagtataka lang dito ay marami rin sa mga
taong ito ay walang kabiyak o relasyon kaya lumalabas ang tanong na “Paano mo
masasabing ikaw ay sawi sa pag-ibig kung hindi ka pa nagkaroon ng relasyon?” Kung
baga “Paano mo nalaman na masakit o masarap ang pag-ibig o kahit na anong bagay
kung hindi mo pa ito nararanasan o pinagdaanan?” (Hume, 2007)
Ang pag-ibig nga ba ay matatagpuan kung saan-saan? Marami naman ang
naniniwala na totoo ito. Ang pinaka madalas na sagot ng mga tao dito ay ang pag-ibig
kasi ay nanggagaling kung saan-saan. Hindi kailangan na ikaw ay nasa isang relasyon
upang makaranas ng pag-ibig dahil pwede ito manggaling sa iyong mga magulang,
kaibigan, mga hayop, at iba pang mga bagay na nagpapasaya sa iyo. May mga nagsasabi
rin na ang pag-ibig naman ay darating sa tamang panahon at dahil dito ay natuto silang
pumili ng tao na sa tingin nila ay nararapat sa kanila. Maraming mga masamang
nangyayari sa mundo at dahil dito ay may mga tao na hindi masyadong binibigyan ng
pansin ang pag-ibig o kasawian o kaya naman sinasabi na wala silang panahon pa dito.
Pero sa halip ng mga masasamang bagay sa mundo, ang pag-ibig pa rin ang munting
nagpapatakbo nito.
Tayong mga Pilipino ay wagas magmahal at naiuugnay natin ang ating sarili sa
maraming bagay na may kinalaman sa pag-ibig kaya kahit gaano man tayo kasawi o
nasaktan, nagagawa pa rin nating malibang o mapasaya ang ating buhay at pati na rin ang
27
mga buhay ng mga tao sa ating paligid. Nakakagawa tayo ng mga hugot, tinatangkilik
natin ang mga sawing kanta na OPM o kaya mga pelikula, at nagbibigay tayo ng mga
payo sa iba.
Bagaman nagdudulot ito ng sakit sa ating buhay, hindi tayo nananatiling
malungkot o matamlay dahil marami tayong naiisip na gawin dahil sa kasawian na may
aral kahit na gaano pa man yan kababaw. Kailangan din natin irespeto ang mga
damdamin ng mga ibang tao dahil iba ang kanilang nararamdaman at pananaw ukol sa
pag-ibig. May mga tao na gustong ilabas o ipakita ang kanilang mga emosyon at meron
namang mga tao na gusto lang manahimik.
Sa pangkalahatan, hindi naman natin maiiwasan ang masaktan at may mga
sitwasyon na hindi natin alam kung paano natin ito tutunguhan kaya minsan ay kailangan
humingi ng payo sa iba kahit na hindi pa sila nakaranas ng pag-ibig o magkaroon ng
kabiyak. Maraming nakakaimpluwensiya sa ating pag-iisip at ito ay nagdudulot ng
maraming tanong at takot sa atin kaya nagagawa nating magtanong o magkwento sa iba
tungkol sa buhay pag-ibig natin. Sa huli ay lahat tayo ay gusto ng pag-ibig sa buhay natin
kahit na minsan ay mapili tayo kung saan o kanino ito nanggagaling.
28
Kabanata 5
Buod
Ang kasawian sa pag-ibig ay nararanasan kung ikaw ay may kaalaman sa umibig
at nakatangpo na ng kalungkutan o kabiguan pagdating sa romantikong relasyon. Ang
mga tao ay likas na nakakaramdam ng pagkahabagin tungo sa ibang tao, o ‘di kaya maka-
ugnay sa isang bagay tungo sa sariling karanasan o ‘di kaya sa ibang tao. Ang mga bagay
na maaring magkapagbigay sa mga tao ng dahilan upang maka-ugnay sa kasawian ay
tungo sa Social Media o sa ibang tao. Ang pag-ibig ay ‘di mabubuo kung wala ang iisang
component, ito nga ay passion, commitment, at intimacy, kung isa man dito ay wala tiyak
na makakaramdam ng kasawian o ‘di kaya walang pag-ibig talaga. Ang paggamit ng mga
tao ng “hugot” ay naging kasama na ng kultura ng ating bansa kung saan ang mga
Pilipino ay nakaka konekta sa ibang tao ng kanilang hinanakit sa pamamagitan nito. Sa
bandang huli ang kasawian sa pag-ibig ay may maibabahagi ding magandang dulot sa
isang tao, upang matuto na sila, at naka-ambag sa kultura ng ating bansa.
Konklusyon
Kaming mga mananaliksik ay umabot sa konklusyon na maraming mga tao pala
ang nakaranas nang umibig, ngunit ito ay nauuwi lamang sa kasawian. Dahil dito, sila ay
natuto nang maging mas maingat pagdating sa larangan ng pag-ibig. Sila rin ay
natututong humugot, o kaya nanonood na lamang ng mga pelikulang angkop sa kanilang
nararamdaman. Nalaman din namin na ang pag-ibig ay may iba’t-ibang kahulugan sa
29
mga tao at iba rin ang kanilang mga pananaw tungkol dito. Ang pag-ibig ay hindi lamang
may kaugnay sa romansa pero pati na rin ang pagmamahal sa pamilya at mga kaibigan.
Walang hanggan at possibilidad ang pag-ibig kaya hindi dapat hayaan ang pagkabigo sa
buhay dahil lang nasaktan ka na. "Love is everywhere", ika-nga nila. Maraming
nagagawa ang pag-ibig sa isang tao at kasama doon ang pagiging mas maingat sa
paghahanap o pagtagpo nito. Ang pagmamahal sa isang tao ay masakit, dahil marami ang
pwedeng lumabas na mga problema pero dapat hindi ito ginagawang hadlang para
tumigil o bawasan ang ating pagmamahal.
Rekomendasyon
Ang mga mananaliksik ay nais na ibahagi ang kanilang mga nakalap na
impormasyon mula sa iba’t ibang boses at pananaw ng mga nakakaugnay sa usaping
kasawian ng mga respondente ukol sa aming pananaliksik na may pamagat na: “Hinagpis
at Kabiguan ng mga Tao sa Likod ng Salamin ng Pag-ibig”. Ang pananaliksik na ito ay
nakatuon sa mga taong nasa edad 18 hanggang 29 taong gulang. Nirerekomenda ng mga
mananaliksik na dapat may espesipikong kahulugan o batayan ang kasawian sa pag-ibig,
kung ito ba ay romantiko o filial piety na uri ng pagmamahal. Tinanong sa survey ang
mga pananaw ng mga tao sa kasawian pero iba-iba ang kanilang kaalaman at pakikitungo
sa mga tao o sitwasyon na kaugnay ng kasawian.
Ang mga respondente ay dapat din pinalawak sa edad na bababa sa 18 at tataas
din sa edad na 29. Ayon sa Health Link BC (Staff, 2016) , ang mga kabataan na edad 18
30
pababa ay namumulat sa maagang romantikong pag-ibig dulot ng Social Media at sila ay
madaling maapektuhan ng ibang tao kaya maaring sabihin na may kaalaman at karanasan
na rin sila sa relasyon. Ayon naman sa Bundrant (Bundrant, 2012), para naman sa edad
30 pataas, ito ang yugto ng buhay kung saan nakatuon ang tao sa pag-aalala sa sosyal na
katayuan at hinahanap ng pagtanggap sa ibang tao. Kaya’t maaaring makaranas din sila
ng kasawian sa pag-ibig pag dating sa relasyon sa ibang tao.
Ang mga “hugot” tungkol sa kasawian ay dapat mag silbing gabay lamang sa
ating pamumuhay o relasyon sa ibang tao, hindi ito dapat laging makakaapekto sa iyo ng
masama. Isang magandang halimbawa ang pabago-bagong relasyon at ang kawalan ng
pagkatotoo sa iyong kabiyak, makikita na tila ba nasasama lang sila sa opinyon ng
lipunan tungkol sa “kasawian sa pa-ibig” at ginagawa itong masama.
31
Kabanata 6
Mga Sanggunian
Allott, R. (1992). Evolutionary aspects of love and empathy. Journal of Social and
Evolutionary Systems, 15(4), 353-370. doi:10.1016/1061-7361(92)90023-7
Bautista, R. (2012). Bakit hindi ka crush ng crush mo?. Philippines: (PSICOM
Publishing, Inc.)
Bernardo, R. M. (2017, February 12). Kapalit ng pag ibig.
http://www.philstar.com/punto-mo/2017/02/12/1671490/kapalit-ng-pag- ibig
Bundrant, M. (2012, july 3). INLP Center. Retrieved from www.inlpcenter.org:
http://inlpcenter.org/six-stages-of-human-growth-and-development/
Burton, N. (2015, May 22). Empathy Vs Sympathy. Retrieved March 15, 2017,
from https://www.psychologytoday.com/blog/hide-and-seek/201505/empathy-vs-
sympathy
Ego ideal. (2016, October 8). Retrieved May 01, 2017, from
https://en.wikipedia.org/wiki/Ego_ideal
Sternberg, R. (1938, September 23).
https://en.wikipedia.org/wiki/Triangular_theory_of_love#Early_theories_of_love
Hume, D., & Millican, P. F. (2007). An enquiry concerning human understanding.
Oxford: Oxford University Press.
Jeff rey J Arnett, R. Ž. (2014, December). Research Gate. Retrieved from
www.researchgate.net:https://www.researchgate.net/publication/269393724_The_new_lif
e_stage_of_emerging_adulthood_at_ages_18-29_years_Implications_for_mental_health
32
Maslow, A. (1943) A theory on human motivation. Psychological review, Volume
50(4), July 1943, 370-396
McLeod, S. (2016). Maslow’s Hierarchy of Needs. Retrieved from
https://www.simplypsychology.org/maslow.html
Santos, M. (2014) Para sa hopeless romantic. Quezon City, Philippines: VIVA
PSICOM Publishing Corp.
Staff, H. (2016, january 27). health link bc. Retrieved from www.healthlinkbc.ca:
https://www.healthlinkbc.ca/health-topics/te7221
White,J. N. & Ciccarelli, S.K. (2014). Psychology (Third Edition). Singapore:
Pearson Education Limited
33
Kabanata 7
Apendiks
Mahal na respondente,
Magandang araw! Kami ay mag-aaral mula sa Miriam College na sina
Kloe Tamor, Nelijah Nuada, Christine Catuncan at Giana Hari ng klase ng Filipino 102.1,
na naglalayong mangalap at magsulat ng pananaliksik sa paksang “Kasawian: Ang
Hinagpis at Kabiguan ng mga Kabataan sa Likod ng Salamin ng Pag-ibig”. Hinihiling po
naming ang inyong tulong sa pagsagot ng aming inihandang kwestyuner. Ang pagsagot
nito ay opsyonal at boluntaryo lamang. Asahan ninyo na anumang bagay na naibahagi
ninyo sa amin ay mananatiling konpidensyal. Maraming salamat!
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Lagyan ng tsek (√) ang kahon
ng napiling sagot, kung may patlang punan lamang ito.
PANGALAN (opsyonal): _______________________________________
*Paaralan, Kurso at Taon : ____________________________________
*Contact No. : _______________
A. Kasarian
❏ babae
34
❏ lalaki
B. Edad: ______
C. Katayuan/Estado
❏ Walang asawa/kabiyak ❏ Nasa isang relasyon
❏ Nalilito/MU/It’s complicated ❏ Kasal
D. Naranasan mo na bang umibig?
❏ Oo ❏ Hindi pa
❏ Hindi ko alam
E. Nakaranas ka na ba ng kasawian sa pag-ibig?
❏ Oo ❏ Hindi pa
❏ Hindi ko alam F. Sa tingin mo ba “love is everywhere”?
❏ Oo
❏ Hindi pa ❏ Hindi ko alam
G. Maaari mo bang ipaliwanag ang iyong sagot sa letrang F?
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
H) Madalas ka bang (maaring marami ang piliin): ❏ Humugot
❏ Manood ng pelikula tungkol sa pag-ibig ❏ Makinig sa mga kanta tungkol sa sawing pag-ibig
❏ Magalit sa tuwing nakakakita ka ng magkasintahan
35
❏ Mahilig gamitin ang mga salitang “sawi”, “ampalaya”, “bitter”, “walang forever” ❏ Magbigay ng payo sa mga taong sawi/may pinagdadaanan sa isang relasyon
H. Sa iyong palagay, bakit mo ito ginagawa? ________________________________________________________________________
____________________________________________________________________
J. Maihahaintulad mo ba ang mga hugot tungkol sa pag-ibig na iyong nababasa/narinig sa buhay mo?
❏ Oo
❏ Hindi ❏ Hindi ko alam
K. Pumili ng mga dahilan bakit nakaka-ugnay ka sa kasawian sa pag-ibig: (Maaaring marami ang piliin)
❏ Personal na karanasan sa pagkabigo sa pag-ibig
❏ Mga naririnig o nakikita na kwento tungkol sa Pag ibig (ex. Social media, teleserye etc.) ❏ Karanasan ng kasawian mula sa ibang tao
Iba pa: ___________________________________________
L. Paano mo nalaman ang bagay tungkol sa kasawian sa pag-ibig? (Maaaring marami ang piliin)
❏ Nakikita sa social media/telebisyon/babasahin ❏ Mula sa karanasan
❏ Mula sa mga kaibigan/kakilala Iba pa: ___________________________________________
M. Masasabi mo bang marami nang tao ang may alam tungkol sa mga
hugot/kasawian sa pag-ibig? ❏ Oo
❏ Hindi ❏ Hindi ko alam
N. Bakit sa tinggin mo marami ang nakaka-ugnay dito?
________________________________________________________________________________________________________________________________________________
____
36
O. Masasabi mo bang mabuti ang dulot ng mga hugot/kasabihan tungkol sa kasawian
sa pag-ibig?
❏ Oo ❏ Hindi
❏ Hindi ko alam P. Ano ang nagiging epekto ng pagiging sawi sa iyong buhay?
❏ Nalulungkot tuwing nakakakita/nakakarinig ng mga bagay tungkol sa pag-ibig
❏ Natuto nang maging mas maingat sa pag-ibig ❏ Nawawalan ng tulog/gana kumain
❏ Hindi nakakapagtrabaho ng taimtim/mabuti dahil maraming iniisip ❏ Umaasa na lang at wala nang ibang iniintindi
Iba pa: ___________________________________________________________________
Q. Mga nais na idagdag na puna kung mayroon: ______________________________________________________________________
37