Filipino Paper
-
Upload
trigger-maxima -
Category
Documents
-
view
617 -
download
0
Transcript of Filipino Paper
Mga Isinaplakang Musikang Pilipino: 1950-1980
Villa M. Gonzalez
Ipinasa nina:
Barnido, Jessica
Garcia, Hanna
Mendoza, Grace
Sy-Alvarado, Wilhelmino
Te, Ivan
1 Psy-5
Ipinasa kay:
Bb. Aurora Domingo
1
TALAAN NG NILALAMAN:
1. Panimula 3
2. Kabanata I 5
3. Kabanata II 7
4. Kabanata III 10
5. Kabanata IV 15
6. Konklusyon 22
7. Listahan ng sanggunian 23
2
PANIMULA
Kapansin-pansin ang pagiging malikhain ng mga Pilipino. Mula sa arkitektura, literature, sining, mga palabas at pagsasadula. Ngunit sa lahat ng mga ito, masasabing ang musika ang pinakahihiligan nating mga Pilipino. Ito ay isang napakahalagang aspeto sa ating buhay. Hanggat maaari, lalapatan natin ng himig o tunog ang ating mga sinasabi upang maging kaaya-ayang musika. Kaya sa papel na ito, makikita ang pagkahilig natin sa musika, mula pa noong sinaunang panahon.
I. Layunin ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay aming isinagawa upang tuklasin ang nakaraan na ngayo’y lipas ng mga plaka. Layunin din namin ang alamin ang hisoriya, at makita ang hitsura nito. Bukod doon, ito ay aming isinagawa upang mabigyang halaga ang mga nasabing plaka at ang mga taong lubos and dedikasyon sa musika lalo na sa pangongolekta nito. Layunin din ng pag-aaral na ito ang magtala ng mga kanta o mga likhang Pilipino na nailagay sa plaka.
II. Kahalagahan ng Pag-aaral
Mahalaga ang pag-aaral na ito sa mga mamamayang Pilipino, lalo na sa mga kabataan ngayon, upang malaman nila ang kahalagahan ng mga plakang Pilipinong hindi nabibigyan ng pansin. Mahalaga ring magkaroon tayo ng ideya sa galing at husay ng mga musikero noong nagdaang taon.
Sa parte naming mga estudyante, ito ay mahalaga dahil ito ang daan upang aming malaman o matuklasan ang kagandahan ng mga plaka at mga kantang nakapaloob dito.
3
III. Saklaw at Limitasyon
Tanging mga orihinal na gawa lamang ng mga Pilipino ang saklaw ng pag-aaral nito. At dahil hindi na madalas gamitin ang mga plakang ito sa kasalukuyan at bihira ng makakita ng mga bagong gawa, limitado lamang ang proyektong ito sa mga taong nangongolekta.
Hindi rin ito magiging posible kung hindi pumayag ang kolektor na ipakita, ipahawak, at ilathala ang kanyang koleksyon dahil na rin sa ito nga ay luma na at madaling masira kung hindi iingatan.
4
5
6
KABANATA II
Ang mga plakang nasa koleksyon ni G. Gonzalez ay nilika sa pagitang noong dekada 50 hanggang dekada 80. Narito ang ilan sa mga sikat na recording artist noong mga panahon iyon:
Dekada 50
Unang sumabak si Diomedes Maturan sa mga palahok sa pagkanta at umusbong ang kanyang pag-sikat nang manalo siya bilang kampeon sa isang palabas noong 1958 na pinamagatang “Tawag ng Tanghalan”. Dahil sa magaling niyang interpretasyon sa kantang “Rose Tattoo”, nakakuha siya ng papel sa pelikulang “Rose Tattoo ng Buhay Ko” kung saan nakasama niya si Charito Solis.
Ilan pang mga klasikong awitin na kanyang pinasikat ay ang “Dahil Sa’yo” at “Gabi at Araw” ni Velarde. Noong 1984, nakakuha siya ng Cecil Award in Outstanding Light Classical Vocal Recording para sa kanyang rendisyon ng ‘Gaano Ko Ikaw Kamahal’ na isinulat ni Ernani Cuenco (Wikipedia).
Dekada 60
Si Sylvia La Torre ay isang personalidad sa radyo, mang-aawit at artistang Filipino na anak ni Leonora Reyes at ang tanyag na direktor ng Sampaguita Pictures na si Olive La Torre kaya di dapat pagtakhan ang pag-imbulog niya sa larangan ng pelikula. Kilala din siya sa kanyang mataas na sopranong boses.
Nagsimula ang kanyang pag-awit noong limang taong gulang siya na sumali sa mga paligsahan sa pag-awit noong 1938 sa Maynila. Nag-umpisa din siyang lumabas sa teatro noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Noong 1948, nakasama niya sa Manila Grand Opera House ang malalaking pangalan sa teatro katulad nina Bayani Casimiro at Katy de la Cruz. Nag-aral si La Torre sa Konserbartoryo ng Musika sa Unibersidad ng Santo Tomas pagkatapos ng digmaan.
7
Una niyang awitin ang "Si Petite Mon Amour" sa ilalim ng Bataan Records noong 1950 ngunit lumipat siya sa kalaunan sa Villar Records.
Gumawa siya ng pelikula noong 1948 at lumipat sa Sampaguita Pictures kung saan niya nakatambal si Ramon Revilla sa pelikulang Ulila ng Bataan. Siya ang tinaguriang "Reyna ng Kundiman" noong dekada 1950 at 1960 (Wikipedia).
Dekada 70
Si Claire de la Fuente ay isang mang-aawit noong 70’s na sumikat sa kanta niyang, “Sayang”. Tinagurian siyang “the Karen Carpenter of the Philippines” dahil sa pagkakahawig ng boses niya sa yumao ng bokalista. Ang kanyang unang album noong 1977 ay ang pinakasikat sa Pilipinas.
Siya din ay bininyagan ng titulong “Queen of Tagalog Songs”, kung saan si Rico J. Puno ang lalaki bersyon. Tinawag din siyang “Jukebox Queen”, kasabayan nina Imelda Papin at Eva Eugenio at tinaguriang “Asia’s Sweetest Voice” na siya ring pinuri ng mga sikat na mang-aawit tulad nina Stevie Wonder, Aretha Franklin at Richard Carpenter ng “The Carpenters”.
Isa rin siyang matagumpay na business woman kung saan siya ang president Integrated Metropolitan Bus Operators Association (IMBOA) at kinokonsider na pinakamakapangyarihan sa industriya ng pampublikong transportasyon.
Dekada 80Binansagang “Disco Queen of the Philippines” noong 80’s, si
Ella Del Rosario ang dating bokalista ng bandang “Hotdog”. Dalawang beses din siyang pinarangalan bilang Most Versatile Soloist ng Aliw Awards (Cultural Heritage, 2006).
Noong dekada 50 simulang sumikat ang mga komiks ni Mars Ravelo. Taong 1951, natunghayan ng mga Pilipino ang paglipad ni Darna sa pelikulang “Darna” ng Royal Films sa direksyon ni Fernando Poe. Si Rosa Del Rosario ang gumanap bilang Darna, Si Cristina Aragon Bilang Valentina, habang si Mila Nimpa naman ang
8
aktres na gumanap kay Narda. Halatang-halata na kinagiliwan ito ng mga Pinoy dahil kumita ito ng malaki sa takilya (Leomo, 2005).
Kung tatanungin ang mga kabataang Pinoy ngayon kung sino ang kanilang paboritong superhero, tiyak na marami sa kanila ang babanggit sa pangalan ni Darna. Talaga ngang napakalakas ng kamandag ni Darna sa mga Pilipino. Simula pa lang ng ilabas siya noong 1950, hanggang ngayon ay hindi maitatangging siya na ang ating pinakapaboritong heroine sa panitikang Pilipino at popular na kutura (Leomo, 2005).
Ayon naman sa aking mga magulang, noong dekada 60 sumikat ang mga awiting “Bongga Ka ‘Day” at “Sumayaw, Sumunod”. Ang mga kanta namang “Mamang Sorbetero” at “Manila” ang mga nagpapaindak ng sayaw noong 70’s.
Ang ilan naman sa mga sumikat na awitin at sayaw noong dekada 80 ay “Hataw Na” at “Kapag Tumibok Ang Puso”. Usong-uso pa noon ang mga kagamitang tulad ng mga betamax, betamax rewinder at blank tape na bihira nang gamitin ngayon. Ang mga damit nila noon ay mga acid wash at faded na pantalon at dyaket, rubbershoes at mahahabang medyas.
Mahilig din ang mga bata sa larong tex, jolen, sipa na gawa sa tingga at straw na tali. Usong-uso noon ang jeprox look na puting pantaas at bell bottom na pambaba, buhok nila ay tis-tis sa gilid at mahaba ang likod. Para sa mga babae, nakatali sa gilid ng ulo ang ponytail.
9
KABANATA III
I. Biografia ng Kolektor:
Pangalan: Villa M. Gonzalez
Gulang: 66 taon
Tirahan: 88 Stma. Trinidad, City of Malolos Bulacan
Eskwelahang Pinasukan: Tagbaya Elementary School
Tagbaya, Ibaja, Aklan
Paaralan Vocational: Tenedor de Libro at Musika (Book and Cd Kepper) Office Procedure
Mga magulang: Amado T. Gonzalez at Natividad Mangilog
Mga kapatid: Federico M. Gonzalez, Juanita M. Gonzalez, Lonita M. Gonzalez, Rosalino M. Gonzalez, Eliseo M. Gonzalez at Bernardita M. Gonzalez
Nakasal kay: Tolentino Estrella
Nahalal na kagawad ng Barangay: 1994-1002
Nahalal na kapitan ng Barangay: 2002-2007
Saan Matatagpuan ang kanyang Koleksyon: Sa kanilang Bahay na pinamana sa kanya ng kanyang mga magulang.
10
II. Pokus:
Ang kanyang pagiging kolektor ng plakang Pilipino:
Una sa lahat, mahilig kasi akong makinig sa awiting sariling atin sa namana ko pa sa aking ina at ama na lagi akong kinakantahan ng mga kundiman, awiting bukid at iba pang sikat na mang-aawit ng kanilang panahon. Noong bata pa lang kasi ako, siguro noong ako’y nasa elementarya at malapit nang mag High School ay nakita ko na ang mga plaka ng binibili ng aking mga magulang at mga nakatatanda kong kamag-anak na kanilang pinakikinggan at pinag-uusapan tuwing sila ay magkikita-kita. Nang bata bata pa kasi ako ay pag-aaral lang talaga ang aking pokus kaya’t hindi ko pa masyadong nahihiligan ang musika at ang mga plakang laging bukambibig ng aking mga magulang. Ngunit, hindi ko na talaga maiaalis ang pagkahilig ng aking pamilya sa musika sa sadyang parang naging kabiyak na ng aming pamilya. Kaya’t di naglaon ay natutunan ko na ring mahalin at bigyan ng pamsin ang mga plakang ito. Halimbawa na lamang ay, habang ako ay nag-aaral ng aking leksyon sa kolehiyo ay lubos na pinakikinggan ko ang mga plakang ito na para bang nakapagbibigay sa aking ng matinding ligaya at nahihiligan ko lalaong mag-aral. Tumutulong din ako noon sa paglilinis ng mga plaka ng aking ama sa kanyang silid, sabi pa nga niya ay dapat ituring ang mga itong parang aking sariling kapatid; parang parte na ng aming pamilya. Kitang–kita ko pa ang matagal at mabusising paraan nang paglilinis ng aking ama ng kanyang mga plaka. Pamilya na talagang maituturing ang mga ito sa mga Gonzales.
Ikalawa, nang ako’y nag-aaral pa ay nagsimula na rin akong bumili ng mga plakang ito na ibinibigay ko sa aking mga magulang dahil hindi na rin sila gaanong nakabinbili at nakakapagkolekta. Kasabay pa rin nito ang paglilinis ko at pangangalaga ng mga plakang Pilipino na nakaimbak sa kwarto ng aking mga magulang. naalala ko pa nga ang mga ngiti ng aking ama kapag nakikita niyang nililinis ko ang kanyang mga plaka, sabi pa kasi niya,
11
gayang-gaya ko na raw ang paraan nang paglilinis na gusto niya sa kanyang mga plaka. Ito kasi ang paraan na nakikita ko sa kanya noon. Mula noon, nakita ko na ang paglago ng koleksyon ng aking mga magulang at mga kamag-anak ng mga plakang Pilipino.
Nagsimula akong makilalang kolektor ng mga plakang Pilipino ng aking mga kaibigan at katrabaho pagkatapos kong magpakasal sa aking katuwang na si Tino. Nang kinasal kasi ako at nagbalak nang bumukod ng tahanan sa aking mga magulang ay ipinamana na sa aking ng aking mga magulang ang kanilang plaka. Sabi kasi nila ako lang raw ang nagtitiyagang mag-alaga sa mga ito kaya nararapat lamang na isama ko ito sa aking pagbukod ng tahanan sa aking mga magulang. hindi na ako tumanggi kahit alam ko na sila talaga ang natatanging kolektor ng mga ito. Isinama ko ang mga ito sa aking bahay at iba sa aking opisina. Kaya na lamang nakita ng aking mga kaibigan na mahilig ang aking pamilya sa pangungolekta ng mga plakang Pilipino. Nakakatuwang isipin na pati ang aking asawa ay nakikisabay sa aking kagustuhan sa mga plakang Pilipino. Nakikita ko rin kasing nililinis at inaalagaan niya ang mga ito. Paminsan-minsan ay pinakikinggan naming mag-asawa ang mga plakang ito, kasama na ang mga kundiman, kantang pang-pag-ibig at mga kanta ng buhay. Ang ilan pa sa aking koleksyon na masasabi ko ng koleksyon ng aking pamilya ay ibinibigay o inireregalo sa amin ng aking mga kaibigan at kamag-anak. Masarap talagang isipin na lubos na naging kolektor na ang batang dati ay hindi man lang pinapansin ang ganitong mga bagay.
Paano po ang ginagawa ninyo sa mga plaka ninyo samantalang ang teknolohiya sa panahon ngayon ay mga CD na?
Kalian nga lang ay nasira ang player ko ng plaka. May gumagawa pa rin naman ng mga ganito kaya lang may kahirapan na rin maghanap ng pin nito na kailangan ding palitan pag napupudpod sad alas nang pagpapatugtog. Yung mga plaka ko naman, talagang
12
itinatago ko na lamang yan bilang bahagi ng koleksyon ko at ng aking pamilya. Hindi ko ibebenta ang mga iyon kahit wala na sa teknolohiya dahil mga collector’s item na ang mga iyon. Kahit lumipas ang mga ilang henerasyon, mayroon akong souvenir ng bahagi ng aking kasaysayan at musika. Minsan naiisip ko na katulad pa yan ng sinaunang plantsa na nilalagyan pa ng uling para lamang makapag-unat ng mga damit. Ang mga henerasyon ngayon, sa litrato at kwento na alang nalalaman ang mga iyon. Hindi na nila nakita ang mismong lumang plaka. Pero kung ikaw ay nakagtago noon, maipapasa mo pa sa mga bagong henerasyon. Hindi man ito uso sa ngayon, maraming kaugnayan sa ating kultura at musika ang maipapasa sa ating kasaysayan. Lalo na itong mga plaka ng aking pamilya, hindi lang siya souvenir na pruweba, kundi ang mga nilalaman nito ay talagang authentic na musikang Pilipino at mga koleksyon na maituturing na mga hard-to-find.
Paano ninyo po pinangangalagaan ang mga ito at magkano ang halaga ng unang plaka sa kanyang kolekyon?
Madali lng naman itago at i-preserve ang mga plakang iyan dahil matitibay ang mga ito. Bukod sa may kani-kaniyang lalagyan ang bawat plaka, may sarili akong lalagyan para sa mga ito. Sa paraan na nakita ko ng paglinis ng aking ama sa plakangng ito, lubos na nasa magandang kondisyon pa ang ang aming mga plaka. Kailangan din na mainggt ang paghawak sa mga plaka para hindi magasgasan. Ang importante lang sa mga plakang ito ay huwag mabasa at magasgas. Para din naman CD ang mga iyan sa panahon ngayon, may kalakihan nga lang. Dahil ipinamana lang sa akin gang mga plakang iyan marahil ay nasa P0.50 pa ang unang plaka sa koleksyon ng aking pamilya. Mahal na yan sa panahon ng aking mga magulang. Iyan ang halagang aking natatandaan.
13
Ika-28 ng Enero 2008
Ako, si Villa M. Gonzales na nakatira sa 88 Stma. Trinidad, City of Malolos, Bulacan ay pumapayag na mailathala ng grupong nakipanayam ko, ang aking interbyu at ang mga koleksyong plakang Pilipino ng aking pamilya.
14
KABANATA IV
Side A Side B
1.Pamagat: Dalaga’t Binata
Umawit: Sylvia La Torre
Nagsaplaka: Villar Records
2.
Pamagat: Sa Libis ng Nayon
Umawit:Sylvia La Torre
Nagsaplaka: Villar Records
3.
Pamagat: Halina’t Magsaya
Umawit: Sylvia La Torre
Nagsaplaka: Villar Records
1.
Pamagat: Tunay na Ligaya
Umawit: Sylvia La Torre
Nagsaplaka: Villar Records
2.
Pamagat: Katakataka
Umawit: Sylvia La Torre
Nagsaplaka: Villar Records
3.
Pamagat: Sa Bukid
Umawit: Sylvia La Torre
Nagsaplaka: Villar Records
Side A Side B
1.
Pamagat: Maligayang Araw
Umawit: Sylvia La Torre
Nagsaplaka: Villar Records
2.
Pamagat: Banahaw
Umawit: Sylvia La Torre
Nagsaplaka: Villar Records
3.
Pamagat: Buhay Nayon
1.
Pamagat: Ang Paglalaba
Umawit: Sylvia La Torre
Nagsaplaka: Villar Records
2.
Pamagat: Ang Dalagang Nayon
Umawit: Sylvia La Torre
Nagsaplaka: Villar Records
3.
Pamagat: Pook na Kaakit-akit
15
Umawit: Sylvia La Torre
Nagsaplaka: Villar Records
Umawit: Sylvia La Torre
Nagsaplaka: Villar Records
Side A Side B
1.
Pamagat: Pag-ibig Mo Langit Ko
Umawit: Claire de la Fuente
Nagsaplaka: Dyna Products, Inc.
2.
Pamagat: Paminsan-minsan
Umawit: Claire de la Fuente
Nagsaplaka: Dyna Products, Inc.
3.
Pamagat: Kailangan Ko’y Ikaw
Umawit: Claire de la Fuente
Nagsaplaka: Dyna Products, Inc.
1.
Pamagat: Unang Pag-ibig
Umawit: Claire de la Fuente
Nagsaplaka: Dyna Products, Inc.
2.
Pamagat: Nakaw na Pag-ibig
Umawit: Claire de la Fuente
Nagsaplaka: Dyna Products, Inc.
3.
Pamagat: Dapat
Umawit: Claire de la Fuente
Nagsaplaka: Dyna Products, Inc.
Side A Side B
1.
Pamagat: Leron-Leron Sinta(3:10)
Umawit: P. D.
Nagsaplaka: AM Records
Note: tugtog sa Bumbong(single-note tube) at Tulali( bamboo flute)
1.
Pamagat: Pamulinawen(2:50)
Umawit: P. D.
Nagsaplaka: AM Records
Note: tugtog sa Bumbong(single-note tube) at Tipang- Klung( bamboo piano)
Side A Side B
1.
Pamagat: Kitang-kita Ko
1.
Pamagat: Buksan ang Puso
16
Umawit: Claire de la Fuente
Nagsaplaka: Dyna Products, Inc.
2.
Pamagat: Minsan
Umawit: Claire de la Fuente
Nagsaplaka: Dyna Products, Inc.
3.
Pamagat: Sayang
Umawit: Claire de la Fuente
Nagsaplaka: Dyna Products, Inc.
Umawit: Claire de la Fuente
Nagsaplaka: Dyna Products, Inc.
2.
Pamagat: Kasal
Umawit: Claire de la Fuente
Nagsaplaka: Dyna Products, Inc.
3.
Pamagat: Kitang-kita Ko
Umawit: Claire de la Fuente
Nagsaplaka: Dyna Products, Inc.
Side A Side B
1.
Pamagat: Saranggola ni Pepe
Umawit: Celeste Legaspi
Nagsaplaka: Blackgold Records
1.
Pamagat: Lahat ng Gabit Bawat Araw
Umawit: Celeste Legaspi
Nagsaplaka: Blackgold Records
Side A Side B
17
1.
Pamagat: Kay Hirap Pala ng Iwanan
Umawit: Diamedes Maturan
Nagsaplaka: Villar Records
1.
Pamagat: Dinggin
Umawit: Diamedes Maturan
Nagsaplaka: Villar Records
Side A Side B
1.
Pamagat: Kita’y Laging Mamahalin
Umawit: Tessie Miranda
Nagsaplaka: Silahis Records
1.
Pamagat: Ikaw ang Dahilan
Umawit: Tessie Miranda
Nagsaplaka: Silahis Records
Side A Side B
1.
Pamagat: Ako’y Mahalin ng Buong Puso
Umawit: Silahis Trio
Nagsaplaka: Silahis Records
1.
Pamagat: Luha sa Aking Mata
Umawit: Tessie Miranda
Nagsaplaka: Silahis Records
Side A Side B
1.
Pamagat: Araw ng Pasko
Umawit: Jun Matillin
Nagsaplaka: Canary Records
1.
Pamagat: Pasko sa Puso Ko
Umawit: Joey Abando and Baby Gil
Nagsaplaka: Canary Records
Side A Side B
18
1.
Pamagat: Bistado na Kita
Umawit: Manuel Matilin
Nagsaplaka: Octoarts, Int’l.
1.
Pamagat: Ako’y Mahal Mo Rin
Umawit: Manuel Matilin
Nagsaplaka: Octoarts, Int’l.
Side A Side B
1.
Pamagat: Mr. DJ
Umawit: S. Lebay and Baby Gil
Nagsaplaka: Octoarts, Int’l.
1.
Pamagat: Ako’y Litong-lito
Umawit: Ella del Rosario
Nagsaplaka: Octoarts, Int’l
Side A Side B
1.
Pamagat: Gumising Ka
Umawit: Bong Valenzuela
Nagsaplaka: Octoarts, Int’l.
1.Pamagat: Magbago Ka
Umawit: Bong Valenzuela
Nagsaplaka: Octoarts, Int’l.
Side A Side B
1.
Pamagat: Aking Minamahal
Umawit: N. Aragon
Nagsaplaka: Silahis Records
1.
Pamagat: Nawa’y Lumigaya Ka
Umawit: Tessie Miranda
Nagsaplaka: Silahis Records
19
Side A Side B
1.
Pamagat: Madaling Araw
Umawit: Leopoldo Silos
Nagsaplaka: Villar Records
Note:Kasama ang Villar Symphonettes and piano
1.
Pamagat: Luha sa Kalipay
Umawit: Leopoldo Silos
Nagsaplaka: Villar Records
Note:Kasama ang Villar Symphonettes and piano
Side A Side B
1.
Pamagat: Paalam
Umawit: Leopoldo Silos
Nagsaplaka: Villar Records
Note:Kasama ang Villar Symphonettes and piano
1.
Pamagat: Parang Kahapon Lamang
Umawit: Leopoldo Silos
Nagsaplaka: Villar Records
Note:Kasama ang Villar Symphonettes and piano
Side A Side B
1.
Pamagat: Kundiman- Pag-ibig
Umawit: Conching Rosal
Nagsaplaka: Villar Records
2.
Pamagat: Kundiman- Pangarap
Umawit: Leopoldo Silos
Nagsaplaka: Villar Records
20
Side A Side B
1.
Pamagat: Barangay (2:20)
Umawit: Chino Toledo
Nagsaplaka: AM Records
Note: kasama ang 50 Bata edad 8- 15
1.
Pamagat: Tugtugin sa Bukid (3:10)
Umawit: Chino Toledo
Nagsaplaka: AM Records
Note: kasama ang 50 Bata edad 8- 15
21
KONKLUSYON
Batay sa aming nagawang pananaliksik, nagkaroon kami ng mas malawak na ideya tungkol sa mga origihinal na musikang Pilipino noong unang panahon. Dahil sa pamanahunang papel na ito, nalaman naming ang iba’t ibang mahahalagang personalidad noong kapanahunan ng aming mga magulang.
Hindi lamang iyon, natutunan namin kung paano makitungo sa mga kolektor tulad ni G. Gonzalez. Dahil sa aming pakikipanayam sa kanya, marami kaming nalaman hindi lamang tungkol sa kanyang pagiging kolektor, kundi pati na rin sa kulturang Pilipino.
Nakakatuwa pong isipin na kahit tayo ay mabilis na umiikot sa modernisadong mundo, mayroon pa ring iilan na may dedikasyong preserbahin ang mga ganitong uri ng musika.
Higit po sa lahat, habang ginagawa namin ito, marami kaming natutunan tungkol sa uri ng pamumuhay noong mga panahong 50’s hanggang 80’s. Sa mga nabasa at naibahagi sa amin ng aming magulang noong kapanahunan nila, naging malaking bahagi po ito sa aming kaalaman.
22
LISTAHAN NG MGA SANGGUNIAN
Leomo, Nastassa.2005.Si darna at ang babaeng tunay.Unibersidad ng Pilipinas.Diliman, QC.http://webminer.mis.yzu.edu.tw/cayley/dissertation/ga_temp/5145
573.phtml#0.175237281411 .
Remollino, Alexander Martin.2001.Huwag hayaang maulit. http://www.tinig.com/v7/v7id.html
http://tl.wikipedia.org/wiki/Sylvia_La_Torre
http://en.wikipedia.org/wiki/Claire_de_la_Fuente
http://www.globalpinoy.com/ch/index.php
http://sawikaan.net/text.html
23