Filipino Panitikan (Module 2 Aralin 2.1-2.5)

7
Tanka Tulang mula Hapon na binubuo ng 31 na pantig. Pabula Ginagamit sa mga kuwentong ito ang mga hayop bilang tauhan. Manonood Elemento ng dula ang sumasaksi sa pagtatanghal nito Direktor Siya ang nagbibigay ng interpretasyon sa iskrip ng dula, Ama ng maikling kwento : Edgar Allan Poe, Ama ng sinaunang pabula: Aesop 20. Ano ang ikinaiba ng dula sa ibang genre ng panitikan? A. Ito ay binibigkas nang maindayog. B. Ito ay itinatanghal. C. Ito ay masining na isinasalaysay. D. Ito ay mayaman sa supernatural na pangyayari. 21. Ano ang kadalasang ipinapakita sa isang dula? A. Kabayanihan ng mga tauhan B. Pinagmulan ng isang bagay C. Nagaganap sa buhay ng tao D. Kagandahan ng kapaligiran 24. Mayaman ang batang binusog ng pabula. Ano ang nais ipahiwatig nito? A. Matalino ang bata sapagkat nagbabasa ng pabula. B. Mayaman ang bata sa kaalaman tungkol sa mga hayop. C. Matalino at may mabuting asal ang batang natuto sa mga pabula. D. Maraming maibabahagi sa iba ang batang maraming nabasang kuwento. 25. Ano ang ibig sabihin ng paglagas ng Cherry Blossoms sa mga Tanka ng Hapon. A. paglipas ng panahon C. Mainit na ang panahon. B. Malapit na ang taglamig . D. Nalanta na ang Cherry Blossoms 27. Paano naiiba ang tanaga sa Pilipinas at Tanka ng Japan? A. May tugma sa tanaga sa Tanka ay wala. B. Mas mahaba ang Tanka kaysa sa tanaga. C. Malalim ang kahulugan ng Tanka, ang tanaga’y mababaw D. Ang paksa ng tanaga ay tungkol sa pag-ibig, ang Tanka ay sa panahon MGA BANSA JAPAN- Bihasa Sa Teknolohiya/The Land of the Rising Sun/ Lupang Sinisikatan ng Araw SOUTH KOREA- May Matatag Na Hukbong Militar/ Morning Freshness CHINA- Mayaman Sa Kultura At Kaugalian / The Red Dragon of the East/ The Sleeping Giant TAIWAN- Kinikilala Ang Karapatan Ng Kababaihan/ MONGOLIA- Sanay Sa Malayang Pamumuhay/ The Land of the Blue Sky MYANMAR- The Golden Land of Burma PAUNANG PAGTATAYA (87-94)

Transcript of Filipino Panitikan (Module 2 Aralin 2.1-2.5)

Page 1: Filipino Panitikan (Module 2 Aralin 2.1-2.5)

Tanka Tulang mula Hapon na binubuo ng 31 na pantig.

Pabula Ginagamit sa mga kuwentong ito ang mga hayop bilang tauhan.

Manonood Elemento ng dula ang sumasaksi sa pagtatanghal nito

Direktor Siya ang nagbibigay ng interpretasyon sa iskrip ng dula,

Ama ng maikling kwento : Edgar Allan Poe, Ama ng sinaunang pabula: Aesop

20. Ano ang ikinaiba ng dula sa ibang genre ng panitikan?

A. Ito ay binibigkas nang maindayog.

B. Ito ay itinatanghal. C. Ito ay masining na isinasalaysay.

D. Ito ay mayaman sa supernatural na pangyayari.

21. Ano ang kadalasang ipinapakita sa isang dula?

A. Kabayanihan ng mga tauhan

B. Pinagmulan ng isang bagay

C. Nagaganap sa buhay ng tao

D. Kagandahan ng kapaligiran

24. Mayaman ang batang binusog ng pabula. Ano ang nais ipahiwatig nito?

A. Matalino ang bata sapagkat nagbabasa ng pabula. B. Mayaman ang bata sa kaalaman tungkol sa mga hayop.

C. Matalino at may mabuting asal ang batang natuto sa mga pabula.

D. Maraming maibabahagi sa iba ang batang maraming nabasang kuwento.

25. Ano ang ibig sabihin ng paglagas ng Cherry Blossoms sa mga Tanka ng Hapon. A. paglipas ng panahon C. Mainit na ang panahon.

B. Malapit na ang taglamig. D. Nalanta na ang Cherry Blossoms

27. Paano naiiba ang tanaga sa Pilipinas at Tanka ng Japan?

A. May tugma sa tanaga sa Tanka ay wala.

B. Mas mahaba ang Tanka kaysa sa tanaga. C. Malalim ang kahulugan ng Tanka, ang tanaga’y mababaw

D. Ang paksa ng tanaga ay tungkol sa pag-ibig, ang Tanka ay sa panahon

MGA BANSA

JAPAN- Bihasa Sa Teknolohiya/The Land of the Rising Sun/ Lupang Sinisikatan ng Araw SOUTH KOREA- May Matatag Na Hukbong Militar/ Morning Freshness

CHINA- Mayaman Sa Kultura At Kaugalian / The Red Dragon of the East/ The Sleeping Giant

TAIWAN- Kinikilala Ang Karapatan Ng Kababaihan/ MONGOLIA- Sanay Sa Malayang Pamumuhay/ The Land of the Blue Sky

MYANMAR- The Golden Land of Burma

PAUNANG PAGTATAYA (87-94)

Page 2: Filipino Panitikan (Module 2 Aralin 2.1-2.5)

ARALIN 2.1

A. Panitikan: Tanka ni Ki no Tomonori at Haiku ni Bashō ( Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat ) - Hapon

- Tanka at Haiku

PAGKAKATULAD

Ang Tanka at Haiku ay ilang anyo ng tula na pinahahalagahan ng panitikang Hapon. Sa mga tulang ito layong pagsama-samahin ang mga ideya at imahe sa pamamagitan ng kakaunting salita lamang.

- parehong anyo ng tula

- parehong nagpapahayag ng masidhing damdamin ang Tanka at Haiku.

PAGKAKAIBA

Tanka - ginawa noong ikawalong siglo

- ang pinakaunang Tanka ay kasama sa kalipunan ng mga tula na tinawag na Manyoshu o Collection of Ten

Thousand Leaves. - Tatlumpu’t isa ang tiyak na bilang ng pantig na may limang taludtod ang tradisyunal na Tanka.

- Karaniwang hati ng pantig sa mga taludtod ay: 7-7-7-5-5 / 5-7-5-7-7

- Karaniwang paksa ng Tanka ay pagbabago, pag-ibig, at pag-iisa.

- Tatlo sa mga taludtod ay may tig-7 bilang ng pantig samantalang tig-5 pantig naman ang dalawang taludtod.

- Nagiging daan ang Tanka upang magpahayag ng damdamin sa isa’t isa ang nagmamahalan (lalaki at babae).

- Ginagamit din sa paglalaro ng aristocrats ang Tanka, kung saan lilikha ng tatlong taludtod at dudugtungan naman ng ibang tao ng dalawang taludtod upang mabuo ang isang Tanka.

Haiku

- ginawa noong ika-15 siglo.

- ikalima hanggang ikawalo siglo, isang sistema ng pagsulat ng Hapon ang nilinang na mula sa karakter ng pagsulat sa Tsina upang ilarawan ang tunog ng Hapon: Kana - “ hiram na mga pangalan”

- bagong anyo ng tula

- panahon ng pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas lumaganap nang lubos ang Haiku - binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludturan.

- pinakamahalaga ang pagbigkas ng taludtod na may wastong antala o paghinto - Kiru: cutting / kahawig ng sesura sa ating panulaan

- Kireji: salitang paghihintuan o “cutting word”.

- Kawazu: “palaka” na nagpapahiwatig ng tagsibol - Shigure; “ unang ulan sa pagsisimula ng taglamig”

- mas pinaikli pa sa Tanka

- labimpitong bilang ang pantig na may tatlong taludtod - 5-7-5 /5-5-7/ 7-5-5

- tungkol sa kalikasan at pag-ibig

Page 3: Filipino Panitikan (Module 2 Aralin 2.1-2.5)

ARALIN 2.2

A. Panitikan: Ang Hatol ng Kuneho Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat

- Korea

- Pabula

Kaligirang Pangkasaysayan ng Pabula sa Korea

Ang mga hayop ay hindi lamang mga nilikhang gumagala sa kapatagan at kabundukan. Ang mga ito ay may simbolong ugnayan sa bansa at sa mga mamamayan nito. Sa Korea, mahalaga ang

ginampanan ng mga hayop sa kanilang mitolohiya at kuwentong bayan . Ayon sa kanilang paniniwala,

noong unang panahon daw ay may isang tigre at oso na nagnais maging tao. Nang bumaba sa lupa ang kanilang diyos na si Hwanin ( diyos ng kalangitan) ay humiling ang isang tigre at isang oso na maging

tao. Ang sabi ni Hwanin ay magkulong sa kuweba ang dalawa sa loob ng 100 araw. Dahil sa marubdob

na pagnanasang maging tao ay sumunod sa ipinag-uutos ang dalawa. Pagkalipas lamang ng ilang araw ay agad ding lumabas ang tigre subalit nanatili sa loob ng kuweba ang oso. Pagkalipas ng 100 araw ay

may isang napakagandang babae ang lumabas ng kuweba. Ang babae ay natuwa sa kaniyang itsura at kinausap muli si Hwanin . Nagpasalamat siya sa diyos at muling humiling na sana ay magkaroon siya ng anak. Pinababa sa lupa ng diyos ang kaniyang anak na si Hwanung ( anak ng diyos ng kalangitan) at

ipinakasal sa babae. Sila’y nagkaanak at pinangalanang Dangun. Si Dangun ay naging hari. Pinaniniwalaang dito nagsimula ang pagkakaroon ng simbolong hayop ang iba’t ibang dynasty sa Korea.

Ano ang pabula?

-sinaunang panitikan sa daigdig

- Aesop: “Ama ng mga Sinaunang Pabula” dahil sa napabantog niyang aklat, ang Aesop’s Fable

- isang maikling kuwentong kathang-isip lamang. - ang mga tauhan ng kuwento ay pawang mga hayop

- ahas: TAKSIL - pagong; MAKUPAD

- kalabaw; MATIYAGA

- palaka: MAYABANG - unggoy: TUSO

- aso: MATAPAT

- bubuyog: MAPAGLARONG MANLILIGAW

ARALIN 2.3 Panitikan : Ang Kababaihan ng Taiwan : Ngayon at Noong Nakalipas na 50 taon

(Isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina)

- Taiwan - Sanaysay

SANAYSAY

-Ang sanaysay ay isang matalinong pagkukuro ng sumulat tungkol sa isang paksa

- Ito ay isang genre o sangay ng panitikan na nasusulat sa anyong tuluyan na maaaring tumalakay sa anumang isyu sa kapaligiran maging tao, hayop, pook, pangyayari, bagay, at guniguni.

- Alejandro Abadilla: ang sanaysay ay pagsasalaysay ng isang sanay

- Mananaysay: manunulat ng sanaysay

- Alejandro Abadilla: Ama ng Makabagong Tula

Page 4: Filipino Panitikan (Module 2 Aralin 2.1-2.5)

ARALIN 2.4 A. Panitikan: Niyebeng Itim (Isinalin sa Filipino ni Galileo S. Zafra)

Maikling Kuwento – Tsina ni Liu Heng

Kilala ang mga Tsino sa pagpapahalaga sa kanilang pamilya. Makikita sa mga nakakaangat na

pamilya ang pagsasama-sama sa iisang bubong hanggang sa ikalimang henerasyon. Higit din nilang

pinapahalagahan ang anak na lalaki kaysa sa babae dahil ang lalaki ang magdadala ng apelyido ng pamilya. Lalaki rin ang inaasahang magtatrabaho para sa pamilya at ang babae naman ang

mangangalaga sa tahanan. Kwentong makabanghay

-binibigyang-diin ng sumulat ay ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o ang madulang pangyayari

- Sa kuwento naman ng tauhan, nakapokus ang mga pangyayari sa tauhan upang mabigyan ng

kabuuang pag-unawa ang mga mambabasa tungkol sa kanila. - tagpuan: ang pook/lugar na pinangyarihan ng kwento. Karaniwan ay maraming paglalarawan tungkol sa

pook - hindi lamang pisikal kundi pati na rin ang mga pangkalahatang pag-uugali ng mga tao roon, ang

kanilang mga kilos/gawi, mga paniniwala, pamahiin, at pananaw sa buhay.

ARALIN 2.5 A. Panitikan: Munting Pagsinta

Dula – Mongolia Mula sa Pelikula ni Sergei Bordrov

Hinalaw ni Mary Grace A. Tabora

ELEMENTO NG DULA AY

1. Iskrip

Pinakakaluluwa ng isang dula

Lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip

Walang dula kapag walang iskrip

2. Gumaganap o Aktor

Ang mga aktor o gumaganap ay ang nagsasabuhay sa mga tauhang nasa iskrip

Sila ang bumibigkas ng diyalogo

Sila ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin

ila ang pinanonood na tauhan sa dula

3. Tanghalan

Anumang pook na pinagpasyahang pagdausan ng isang dula ay tinatawag na tanghalan

4. Direktor

Ang direktor ang namamahla at nagpapakahulugan sa isang iskrip ng dula

Siya ang nag-iinterpret sa iskrip mula sa pagpasya sa kaayusan ng tagpuan, ng kasuotan ng mga

tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan 5. Manonood

Sa kanila inilalaan ang isang dula

Sila ang sumasaksi sa pagtatanghal ng mga aktor

Page 5: Filipino Panitikan (Module 2 Aralin 2.1-2.5)

KULTURA NG BANSANG PINAGMULAN

PANITIKAN KULTURA SA PILIPINAS

Kahit na makabago ang paraan ng pamumuhay, napapanatili pa rin ang

mga nakaugaliang tradisyon kagaya ng pagsamba sa mga diyos sa templo.

Haiku at Tanka Makabago rin ang paraan ng kanilang pamumuhay ngunit napapanatili pa rin ang

kaugaliang tradisyon kagaya ng pagsamba ng mga santo.

Ang mga hayop sa Korea ay may mahalagang ginagampanan sa kanilang

mitolohiya at kuwentong bayan. Dahil

ayon sa kanila ang mga hayop ay hindi lamang nilikhang gumagala sa

kapatagan at kabundukan, kundi sila rin

ay nagsisilbing simbolong ugnayan sa bansa at sa mga mamayan.

Pabula Ang Pilipinas naman ay naniniwala sa mga masalamangkang nilalang sa kalikasan

kung saan pinaniniwalaan ng mga Pilipino

na ang mga ito ang siyang nangangalaga sa kalikasan. Ang kulturang ito ay buhay

pa sa probinsya kung kaya’t marami pa rin

ang sumasamba sa mga anito’t diwata sa mga panahon ngayon.

Hindi nakakatanggap ng pantay na karapatan ang mga kababaihan.

Sanaysay Pantay ang karapatang natatanggap ng kababaihan at nirerespeto rin sila.

Lalaki ang nagtatrabaho at babae ang

nasa bahay na siyang nagbabantay sa

mga anak.

Maikling Kwento May kahawig ang dalawa ngunit kalimita’y

pareho ang babae at lalaki ang

nagtatrabaho.

Paghahanap ng babaeng

mapapangasawa sa murang edad

Dula Karaniwan sa tamang edad naghahanap

ng babaeng mapapangasawa ang mga lalaki.

MGA ARAL SA KWENTONG “ANG HATOL NG KUNEHO” (KOREA) Mga Tauhan Tama ba ang naging hatol ng kuneho sa suliranin ng tigre at lalaki? Bakit?

Sa aming palagay, tama ang naging hatol ng kuneho. Dahil unang una, nag-iwan ng salita ang tigre na dapat lamang na kanyang tuparin. (Hindi naman talaga dapat siya tutulungan ng lalaki dahil natatakot siya na makain nito, ngunit nangibabaw ang awa niya kaysa sa takot. At sinabi ng tigre na tatanawin niya yun bilang isang malaking utang na loob at hinding hindi niya ito kakainin kung sakaling tutulungan siya nito.) Kaya tama lamang na bumalik siya sa pagkakahulog sa balon upang malaman niya ang kahalagahan ng pagtupad sa usapan. Na kailangan niyang panagutan ang bawat salitang sinasabi niya. Gaya nga sa paaralan, kapag nagtakda ka ng oras na 9 ng umaga, 9 ng umaga ka darating kasi kung hindi, sa susunod na magtakda ka ng oras, hindi na sila susunod kasi alam na nilang di ka tutupad. Kagaya ng nangyari sa tigre at ang lalaki. Kung ikaw ang hahatol sa sitwasyon gagawin mo rin ba ang ginawa ng kuneho? Ipaliwanag.

Oo naman. Dahil gaya nga ng nasabi namin sa unang katanungan, upang matuto siyang panagutan ang kanyang mga salita at upang maranasan niya uli ung hirap ng pagmamakaawa. Gaya ng ginawa ng lalake na halos lumuhod na para lang di siya makain ng tigre. Habang kung babalikan ang posisyon na nasa balon pa lamang ang tigre, tinupad naman ng lalake ang pagtulong niya sa tigre habang siya ay hindi. Kaya't gagawin ko rin ang hatol ng kuneho sapagkat tama naman ito. Magbigay ng isang kasabihang maaaring mahalaw sa pabulang nabasa. Ipaliwanag.

"Huwag kang magtiwala sa di mo kakilala". Isang kasabihan na maaring maipasok sa pabula. Hindi dapat kaagad pinagkatiwalaan ng lalake ang tigre sapagkat hindi pa naman niya ito lubhang kilala. Hindi naman niya alam kung tapat ba ito o manloloko kaya't dapat di niya ito pinagkatiwalaan. Kaya't nasa huli nga talaga ang pagsisisi, pinili niyang paniwalaan ang tigre kaya't siya tuloy ang napurwisyo.

Page 6: Filipino Panitikan (Module 2 Aralin 2.1-2.5)

Sa iyong palagay, kung nakapagsasalitang muli ang mga nilalang sa kalikasan natin ngayon, ano kaya ang kanilang hatol sa ating mga tao? Bakit?

Sa aming palagay, kung nakapagsasalita muli ang mga nilalang sa kalikasan natin ngayon ang kanilang magiging hatol sa atin ay nanaisin nilang maparusahan tayong mga tao sapagkat, aminin man natin o hindi, naging abuso tayo sa paggamit ng kalikasan, maging sa pagtrato natin sa mga hayop. Nagiging makasarili tayo dahil iniisip lamang natin ay ang ating kapakanan. Hindi natin sila pinapangalagaan at patuloy lamang sinisira at pinapatay, kung kaya't makakapagsalita sila ngayon ay marahil mga masasakit na salita ang kanilang maiibibitiw sa atin sapagkat imbis na payabungin natin ang kalikasan at ang mga hayop ay pinapatay lamang natin ang mga ito at kung darating ang takdang panahon kung sila man ay tuluyang masira, babalik satin ang lahat ng ito at ating pagbabayaran. Bakit mahalagang pag-aralan ang pabula? Mahalagang pag aralan ang pabula dahil ang pabula ay naglalahad ng iba’t ibang paguugali ng mga hayop na maihahambing natin sa mga tao. Ito rin ay tumutulong upang mapalago ang isipan ng mga tao dahil sa mga aral na nakapaloob ito. Dahil din dito, nalalaman natin kung anu-anong mga kultura ang meron sa lugar na pinanggalingan ng pabula. At syempre kailangan natin ito pag-aralan upang maisalin pa natin ito sa darating pang henerasyon. Ang Hatol ng Kuneho Bilang kabataan na pag-asa ng bayan, ano ang maimumungkahi mo upang maiwasan ang pang-aabuso sa sumusunod: a. Hayop Mahihinuha mo ba sa pabulang ito ang kultura at kaugalian ng mga taga –Korea?

Oo maaring mahinuha ang kultura at kaugalian ng mga taga-Korea sa nasabing pabula. Dahil ayon sa librong “Panitikang Asyano” ang mga hayop ay mahalaga ang ginagampanan sa kanilang mitolohiya at kuwentong bayan. Dahil ayon sa kanila ang mga hayop ay hindi lamang nilikhang gumagala sa kapatagan at kabundukan, kundi sila rin ay nagsisilbing simbolong ugnayan sa bansa at sa mga mamayan. Isinalin sa Filipino ni: Vilma C. Ambat Buod ng "Ang Hatol ng Kuneho"

Noong unang panahon, ang mga hayop ay nagsasalita at nakakapagpapahiwatig ng kani- kanilang saloobin, may isang tigreng naligaw sa gubat upang maghanap ng pagkain. Habang naglilibot ay di sinsadyang nahulog siya sa isang malalim na hukay. Sigaw ng sigaw ang tigre upang humingi ng tulong hanggang sa may narinig siyang yabag ng isang tao. Nagulat at natakot ang tao dahil baka siya’y kainin ng tigre. Ngunit nakiusap ang tigre at tinulungan naman siya ng tao. Nangako ang tigre na hindi niya ito sasaktan. Ngunit hindi naman niya ito natupad dahil sa oras na umahon ang tigre mula sa hukay ay agad nitong pinaiuktan ang tao. Bago pa man tuluyang kainin ng tigre ang tao ay pinigilan niya ito upang makahingi ng payo sa ibang mga nilalang sa paligid kung karapat – dapat ba siyang kainin ng tigre o hindi. Nagbigay ng opinyon ang puno ng Pino at ang baka na parehas sang –ayon sa pagkain ng tigre sa tao. Ngunit, biglang dumating ang lumulukso-luksong kuneho. Hiningan nila ito ng hatol at sa huli’y pinabalik ng kuneho sa dating posisiyon ng tigre at tao. Agad namang tumalon ang tigre sa hukay ng hindi nag-iisip kaya sa huli’y naging ligtas ang tao at nagpatuloy sa kanyang paglalakay at masaya namang lumukso paalis ang kuneho. Ano ang Pabula?

Ito ay isang maikling kuwentong kathang isip lamang na karaniwang isinasalaysay sa mga kabataan para aliwin gayundin ang magbigay ng pangaral. Pawang mga hayop ang tauhan dito na kumakatawan o sumasagisag sa mga katangian o pag-uugali ng tao. Itinuturo nito ang tama, patas, makatarungan at makataong ugali at pakikitungo sa ating kapawa. Lumalaganap ito dahil sa magandang aral sa buhay na ibinibigay nito. b. Kalikasan

Upang maiwasan ang pang-aabuso sa mga hayop, unang una dapat alamin natin ang ating mga limitasyon. Dahil ang lahat nga ng bagay ay may limitasyon. Limitasyon sa pagkakatay, pagpapakain, pag-aalaga atbp. Pangalawa, Dapat natin silang alagaan ng may pag-iingat, tratuhin natin silang mga tao na may nararamdaman din.

Page 7: Filipino Panitikan (Module 2 Aralin 2.1-2.5)

Gaya ng naunang sagot, kailangan alamin pa rin natin ang ating mga limitasyon. Dahil ito ang unang unang sanhi kung bakit naaabuso ang kahit ano. Kailangan natin isaisip na kung di natin pangangalagaan ang ating kalikasan ay darating ang araw na baka mawala ang mga ito. Tigilan natin ang pagkakaingin, pagsusunod ng plastik, pagpuputol ng puno, pagkakalat at marami pang iba. Dahil alam naman natin na nakasasama ito sa ating kalikasan. Pwede namang magputol ng puno ngunit kailangan ito palitan. Matuto tayong magrecycle ng mga gamit upang hindi tayo kuha ng kuha sa ating kalikasan.