Filipino MT1A Filipino2 Riverside
-
Upload
juan-alegarbes -
Category
Education
-
view
115 -
download
3
Transcript of Filipino MT1A Filipino2 Riverside
G R O U P 1
APPENDICITIS
ANO ANG APPENDICITIS?
• Ang Appendicitis ay pamamaga o impeksyon ng appendix, isang bahagi ng ating bituka. Ang karamdamang ito ay isa sa pinaka-karaniwang dahilan kung bakit inooperahan ang tao.
• Sapagkat ang appendix ay isang di-kilalang bahagi ng ating katawan, ito’y sumusulpot lamang sa usapan kung may appendicitis, kaya kalimitan, sinasabi ng mga nagpapakonsulta sa klinika na:
• “Doc, may appendix ata ako.” bagamat lahat ng tao ay pinanganak na may appendix. Ang totoo, inaalis ang buong appendix sa operasyon para sa appendicitis (ang proseso ang tinatawag na ‘appendectomy’).
• Ngunit hindi dapat ikabahala ito ng mga na-operahan, sapagkat ang mga katungkulan ng appendix sa katawan ay kayang-kaya na saluhin ng ibang bahagi ng ating “immune system”.
ANO ANG SANHI NG APPENDICITIS?
• Isang kasabihan na ang sanhi ng appendicitis ay ang paglundag, pagtalon, o ang paggawa ng anumang aktibidades na pisikal pagkatapos kumain.
• Kasabihan din na ang pagkain ng partikular na mga prutas, gaya ng pakwan o bayabas, ang sanhi ng Appendicitis. Ang mga ito ay walang basihan sa mga pag-aaral tungkol sa Appendicitis.
SINTOMAS NG APPENDICITIS
• Sakit ng tiyan – ito ang pinakamahalagang sintomas ng Appendicitis. Ang sakit ng tiyan na ito ay karaniwang naguumpisa sa gita (sa bandang itaas ng puson) at gumagapang patungo sa kanan at ibang bahagi ng tiyan (sa kanan ng puson)
• Masakit na masakit• Mahapdi at makirot• Sa bandang tagiliran / kanan ng puson• Lagpas na ng 24 oras• Hindi nawawala sa mga pain reliever• Kawalan ng ganang kumain• Pagsusuka at liyo• Lagnat• Pagtatae o pagtitibi• Pagiging ‘kalos’ o panghihina
PAANO MALALAMAN KUNG TALAGA BANG MAY APPENDICITIS?
• Ito ay maaaring matukoy at matiyak ng isang doktor, sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa pasyente, at sa pag-eeksamin ng tiyan.
• Maari siyang mag-request ng laboratory examinations gaya ng CBC (complete blood count) at urinalysis. Ang pagsusuri gamit ng ultrasound sa tiyan ay nakakatulong rin sa pagtukoy at pagtiyak ng diagnosis na Appendicitis.
BAKIT KAILANGANG OPERAHAN ANG APPENDICITIS?
• Dahil ang impeksyon ay nasa loob ng tiyan, kinakailangan ng surgery o pag-oopera upang alisin ang appendix.
• Ang mga gamot, tableta man o injeksyon, ay hindi kayang supilin ang impeksyon na ito.
• Isa pa, operasyon lamang ang tanging paraan upang alisin kaagad ang impeksyon bago ito kumalat sa ibang bahagi ng bituka—isang nakakatakot na kondisyon na maaaring makasira ng bituka o ikamatay ng pasyente.
ITO ANG MAARING MANGYARI KAPAG NAPABAYAAN ANG APPENDICITIS
MAY PARAAN BA PARA MAKAIWAS SA APPENDICITIS?
• Sa ngayon, walang paraan para umiwas sa Appendicitis, pero sa pagpapanatiling malusog ng inyong, katawan, mas madaling makakarecovernsa pagkakasakit gaya ng Appendicitis at sa operasyong isasagawa para dito.
W A K A S