Filipino · 2021. 6. 8. · 6 Suriin Suriin NATIN… Teoryang Pampanitikan Romantisismo-ay...

16
1 Filipino Ikaapat na Markahan – Modyul 7: Mga Saloobin at Teoryang Pampanitikan na Napapaloob sa Nobelang El Filibusterismo Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Pangalan ng Mag-aaral: _______________________ Taon at Seksyon: ___________________________ Pangalan ng Paaralan:___________________________ ___________________________

Transcript of Filipino · 2021. 6. 8. · 6 Suriin Suriin NATIN… Teoryang Pampanitikan Romantisismo-ay...

Page 1: Filipino · 2021. 6. 8. · 6 Suriin Suriin NATIN… Teoryang Pampanitikan Romantisismo-ay nagpapahalaga sa damdaming nakapaloob sa akda.Ito ay makikita sa mga akdang tumatalakay

1

Filipino Ikaapat na Markahan – Modyul 7:

Mga Saloobin at Teoryang Pampanitikan na

Napapaloob sa Nobelang El Filibusterismo

Republic of the Philippines

Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

Pangalan ng Mag-aaral: _______________________

Taon at Seksyon: ___________________________

Pangalan ng Paaralan:___________________________

___________________________

Page 2: Filipino · 2021. 6. 8. · 6 Suriin Suriin NATIN… Teoryang Pampanitikan Romantisismo-ay nagpapahalaga sa damdaming nakapaloob sa akda.Ito ay makikita sa mga akdang tumatalakay

2

Alamin

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-

unawa at pagpapahalaga sa nobelang El Filibusterismo bilang isang obra

maestrang pampanitikan

Ang mag-aaral ay nakapagpapalabas ng

makabuluhang photo/video documentary na magmumungkahi ng

solusyon sa isang suliraning panlipunan sa kasalukuyan

• Nasusuri ang tauhan na may kaugnayan sa :

- mga hilig/interes/kawilihan

- kagalakan, kasiglahan

- pagkainip

- pagkayamot;pagkatakot;pagkapoot

- pagkaaliw

- pagkalibang at iba pa (F10PN-IVi-j-87)

• Nasusuri ang nobela batay sa pananaw/teoryang:

- romantisismo

- humanismo

- naturalistiko

- Feminismo

- realismo

- at iba pa (F10PB-IVi-j-93)

• Nabibigyang-pansin ang ilang katangiang klasiko sa akda

(F10PB-IVi-j-94)

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Arsie M. Albite, Manelyn O. Flores Tagasuri: Evelyn A. Mier, Jill B. Lubguban, Rovilla Opada Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Katherine S. Suarin Tagalapat: EPS Florencio R. Caballero, DTE Tagapamahala: SDS Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI ASDS Visminda Q. Valde, EdD ASDS Raymond M. Salvador, EdD, CESE ASDS Juliet A. Magallanes, EdD EPS Florencio R. Caballero, DTE EPS Josephine L. Tomboc, EdD

Page 3: Filipino · 2021. 6. 8. · 6 Suriin Suriin NATIN… Teoryang Pampanitikan Romantisismo-ay nagpapahalaga sa damdaming nakapaloob sa akda.Ito ay makikita sa mga akdang tumatalakay

3

PAALALA: HUWAG SULATAN ANG MODYUL NA ITO. MAGHANDA NG SARILING SAGUTANG PAPEL.

Maligayang pagdating sa ikapitong modyul, kaibigan. Nagagalak akong

natapos mo nang buong husay ang ika-anim na modyul. Ang galing mo! Mayroon

na naman tayong panibagong aralin na tatalakayin sa modyul na ito.

Halika’t samahan mo akong lakbayin ang bagong aralin, kung saan

tatalakyin natin dito ang mga saloobin at mga teoryang pampanitikan na

napapaloob sa Nobelang El Filibusterismo. Upang maging makabuluhan ang iyong

pag-aaral, may mga nakahandang gawain para sa iyo. O ano, handa ka na ba?

Tara Na! Simulan na natin!

Balikan

Ooooops! sa nakaraang aralin, tinalakay natin ang mga angkop na

salitang ginagamit sa paghahambing at batid kong alam mo na rin ang mga

pangyayari mula sa 19 hanggang sa 25 kabanata ng nobela. Ngayon sagutin mo

ang aking inihandang katanungan.

Gawain A: Panimulang Pagtataya

Panuto: Isulat ang angkop na paghahambing gamit ang gabay na salita na

nasa loob ng panaklong. Isulat ang sagot sa patlang.

1. _______(ganda) sina Paulita Gomez at Maria Clara.

a. sing b. kasing c. magkasing d.magkasin

2. Si Simoun ay __________(mautak) kaysa kay Padre Damaso.

a. mas b.higit c.lalo d. napaka

Aralin 4.7

Mga Saloobin at Teoryang Pampanitikan na Nakapaloob sa Nobelang El Filibusterismo

Page 4: Filipino · 2021. 6. 8. · 6 Suriin Suriin NATIN… Teoryang Pampanitikan Romantisismo-ay nagpapahalaga sa damdaming nakapaloob sa akda.Ito ay makikita sa mga akdang tumatalakay

4

3. Sina Basilio at Isagani ay__________(bait) katulad ng kanilang mga

magulang.

a. magkasing b. magkasim c. sim d. sing

4. ____(talas) ng punyal ang galit ni kabesang Tales sa mga prayle.

a. sin b. sing c sim d. kasing

5. Ang mga pangarap ni Basilio ay _________(tayog) ng nagtaasang gusali sa

syudad.

a. kasin b. kasing c. magkasing d. magkasin

6. Ano ang ginawa ni Padre Irene nang dumalo siya sa pagtatanghal

ng mga artista?

a. nagsuot ng napakahabng abito

b. nagkubli ng kanyang katauhan sa pamamagitan ng huwad na

bigote

c. nagsuot ng peluka

d. wala sa nabanggit

7. Saan nagkakilala sina Padre Irene at Serpolette?

a. Alemanya

b. Estados Unidos

c. Madrid

d. Paris

8. Kaninong palko ang naiwang walang tao hanggang sa matapos

Ang pagtatanghal?

a. kay Simoun

b. kay Padre Florentino

c. kay Mr. Jouy

d. kay Don Tiburcio

9. Bakit nagsi-alisan ang mga binate nang magsimula na ang

ikalawang yugto ng palabas?

a. Dahil hindi nila nagustuhan ang unang palabas

b. Dahil natupad ang kanilang kahilingan

c. Dahil naaalibadbaran sila sa mga kilalang taong kasama nila

d. Dahil may kaaway silang panauhing di-kilala

Page 5: Filipino · 2021. 6. 8. · 6 Suriin Suriin NATIN… Teoryang Pampanitikan Romantisismo-ay nagpapahalaga sa damdaming nakapaloob sa akda.Ito ay makikita sa mga akdang tumatalakay

5

10. Bakit hindi natuloy ang pagsayaw ng Can-Can ng mga artistang

Pranses?

a. Dahil ayaw ng mga prayle

b. Dahil kulang na sila sa oras

c. Dahil dumating ang mga imbestigador ng Pamahalaan

d. Dahil nahihiya sila sa mga kalalakihan

Tuklasin

Alam mo ba?

Alamin natin ang ilang mga mahalagang tauhan sa Nobelang El Filibusterismo sa Kabanata 26-31. Malalaman din natin ang kanilang hilig at interes maging ang kanilang mga saloobin o damdaming nangingibaw sa nobela. Tara na!

Mga Tauhan Hilig/Interes Damdaming

Nangingibabaw

Basilio Mabait na estudyante, matapat sa kapwa sa

kabila ng sinapit na kasawiang-palad ng

kanyang ina at kapatid

Pagmamahal sa pamilya at kay Juli

Isagani Pamangkin ni Padre

Florentino, isang estudyante may mataas

na paninindigan

May matibay na

paninindigan at pagka matapang sa pagtanggap

ng mga responsibilidad

Juli Dalagang labis na mapagmahal, kaya

gumawa ng paraan para

matubos sa mga tulisan ang amang si Kabesang

Tales at mailigtas sa bilangguan ang

kasintihang si Basilio

Pagmamahal sa amang si kabesang Tales at pagka

matapat sa kasintahang

si Basilio

Padre Fernandez Isang paring simbolo ng liberal na kaisipan sa

Unibersidad

Maka-Pilipino

Page 6: Filipino · 2021. 6. 8. · 6 Suriin Suriin NATIN… Teoryang Pampanitikan Romantisismo-ay nagpapahalaga sa damdaming nakapaloob sa akda.Ito ay makikita sa mga akdang tumatalakay

6

Suriin

Suriin NATIN…

Teoryang Pampanitikan

Romantisismo- ay nagpapahalaga sa damdaming nakapaloob sa akda. Ito ay

makikita sa mga akdang tumatalakay sa mga paksang pag-ibig, mga awit at korido

na ang pinapaksa ay buhay-buhay ng mga prinsesa at prinsipe. Isa sa mga halimbawa ng kathang gumamit ng romantisismo ay ang “Ibong Adarna” at “Romeo

at Juliet”.

Humanismo- ay nakatuon ang pansin sa pagpapahalaga sa tao. Ito ay isang pag-aaral patungkol sa pananaw ukol sa paniniwala o prinsipyo ng tao.

Realismo – Ipinakikita ang katotohanan. Ipinalalasap nito ang katotohanan ng buhay maging ito man ay hindi maganda. Layunin nitong ilahad ang mga

pangyayari sa tunay na buhay.

Eksistensyalismo- Ipinakikita sa pananaw na ito na ang tao ay malayang

magpasiya para sa kaniyang sarili upang mapalutang ang pagiging indibidwal nito at nang sa gayon ay hindi maikahon ng lipunan. Sa paniniwalang ito ay inihanap

ng katibayan ang kahalagahan ng personalidad, kapangyarihan at kapasyahan ng tao laban sa katwiran ang binibigyan ng timbang o halaga.

Feminismo – Nasusuri ang kalagayan ng kababaihan at pagkakapantay-pantay ng kalagayan ng kababaihan at kalalakihan sa lipunan at maging sa panitikan. Layon

nitong labanan ang anumang diskriminasyon, eksploytasyon, opresyon, at ang tradisyonal na pananaw sa kababaihan. Ang kwento ay umiikot sa damdamin ng

isang babae.

Naturalismo - Ito ang teoryang nag-uugnay ng siyentipikong pamamaraan sa pilosopiya sa pamamagitan ng paniniwalang lahat ng nilalang at pangyayari sa

sangkalawakan ay natural at ang lahat ng karunungan ay maaaring dumaan sa

masusing pagsusuri.Hindi naniniwala sa mga bagay na super natural.

Klasisismo – Teoryang pinananaig ang isipan kaysa damdamin. Ang mga tauhan ng mga akdang klasismo ay nakaaangat sa karaniwang buhay. Pinahahalagahan

ang pagiging marangal at maginoo sa pananalita at maging sa pagkilos. Ang pagtatalakay sa paksa ay sadyang iniingatan. Ang “Florante at Laura” ay isang

halimbawa ng klasismo.

Page 7: Filipino · 2021. 6. 8. · 6 Suriin Suriin NATIN… Teoryang Pampanitikan Romantisismo-ay nagpapahalaga sa damdaming nakapaloob sa akda.Ito ay makikita sa mga akdang tumatalakay

7

Katangian ng Akdang Klasiko:

Pagkamalinaw

Pagkamarangal Pagkapayak

Pagkamatimpi Pagkaobhetibo

Pagkakasunod-sunod

Pagkakaroon ng Hangganan Para mas lalong maging malinaw ang iyong kaalaman sa pagsusuring pampanitikan ay simulan mong basahin ang Kabanatang ito at tingnan ang halimbawang suri bilang gabay mo sa susunod na gawain. Sagutin mo rin ang mga katanungan na nasa ibaba. Halimbawa sa Pagsusuri

Kabanata 26 Mga Paskin (Buod)

Maagang bumangon sa higaan si Basilio dahil marami siyang dapat gawin.

Una na rito ang pagpunta ng hospital para dalawin ang kanyang mga pasyente.

Plano rin niyang pumunta ng unibersidad para asikasuhin ang grado sa medisina at makipagkita kay Makaraig upang kunin ang hiniram na pera. Ang naipon

niyang pera ay nagugol niya sa pagtubos sa pagpapaalila ni Juli at pagbili ng isang maliit na dampa para tirahan ng kasintahan at ng lolo nitong si Tandang Selo.

Hindi siya makahingi ng salapi kay Kapitan Tiago sa pag-aalalang isiping kinukuha na niya ang manang ipinangako sa kanya.

Habang naglalakad si Basilio patungo sa hospital ay napansin niya ang grupo ng mga mag-aaral na maagang nagsipag-uwian. Maingay nilang pinag-

uusapan ang mga mag-aaral na sangkot sa paglulunsad ng himagsikan. Nakarating siya ng San Juan de Dios at noon niya nalaman sa isang kaibigan ang

nagaganap na kaguluhan sa paligid at sinabing napakaraming sangkot na estudyante. Nakadama ng takot si Basilio na baka masangkot ang kanyang

pangalan. Iniwan niya ang kausap at sinabing may dadalawin pa siyang pasyente.

Dumating si Basilio sa hospital at dinatnan sa isang klinika ang kaibigan

niyang katedratiko. Inakbayan siya nito at mahinahong nagtanong. Tinanong siya kung nagpunta ba siya sa salu-salo ng mga estudyante noong nakaraang gabi.

Naguluhan si Basilio at inakala niyang kamakalawa ng gabi kung saan kausap niya si Simoun ang tinutukoy ng nagtatanong. Itinanggi ni Basilio na miyembro

siya ng samahan ng mga estudyante na sangkot sa himagsikan at sinabing nagbigay lang siya ng ambag. Pagkasabi ni Basilio ay pinapauwi siya at sinabihang

sunugin ang anumang dokumentong maaaring magsangkot sa kanya sa samahan. Hindi nabahala si Basilio sapagkat wala siyang anumang itinatagong

dokumento maliban sa mga sulat pangklinika.

Nagtanong si Basilio kung sangkot ba si Simoun at Kabesang Tales sa

nangyaring kaguluhan. Sinabing, wala silang kinalaman at tanging mga estudyante lang ang may kinalaman sa kaguluhan.Tila nabunutan ng tinik sa

dibdib si Basilio. Umalis Si Basilio at upang higit na malaman ang buong pangyayari ay naglakas-loob siyang nagtungo sa unibersidad. Ang nalaman lang

niya ay tungkol sa paskin na ipinaaalis na ng Vice Rector upang ipadala sa

Page 8: Filipino · 2021. 6. 8. · 6 Suriin Suriin NATIN… Teoryang Pampanitikan Romantisismo-ay nagpapahalaga sa damdaming nakapaloob sa akda.Ito ay makikita sa mga akdang tumatalakay

8

pamahalaan. Naglalaman ang mga paskin ng pagbabanta, pagpugot ng ulo at pananalakay. Noon naalala ni Basilio ang sinabi sa kanya ni Simoun. “Sa oras na

kayo’y itiwalag nila ay hindi na kayo makakatapos ng pag-aaral.” Nabuo ang hinala ni Basilio na may kinalaman si Simoun sa mga paskin.

Naglakad muli si Basilio na ang direksyon ay ang unibersidad pakay niyang

magtanong tungkol sa kanyang grado at alamin ang tunay na kalagayan ng mga estudyante. Nadaanan niya ang pangkat ng mga estudyante na dati-rating masaya

kung nagkakatipon-tipon. Ngayon ay tahimik na at ang iba’y halatang may takot sa

mukha. Nakita niya si Sandoval at binati ngunit nagbingi-bingihan lang ito at hindi siya pinansin. Kabaligtaran naman ito ni Tadeo na masayang-masaya sapagkat

walang pasok sa paaralan. Nakita niya ang paparating na si Juanito Pelaez na namumutla at lalong nakuba dahil sa takot. Inusisa niya ito tungkol sa nangyari,

sinabi nitong wala siyang nalalaman na may halong nerbiyos. Nakita nilang may papalapit na guwardiya sibil at sa takot ni Pelaez na dakipin ay nagmamadali na

itong umalis.

Nagpatuloy si Basilio sa kanyang paglalakad patungo sa unibersidad.

Nadatnan niya na sarado na ang opisina ng sekretaryo at napansin niya ang kakaibang kilos ng mga nasa loob ng gusali. Akyat-panaog ang mga prayle

gayundin ang mga militar. Nakita ni Basilio si Isagani na noon ay halata na ring namumutla bagama’t bakas parin ang kakisigan. May kausap ito at ang malakas

na boses ay nagpapahiwatig ng hindi pagkabahala. Narinig ni Basilio ang lahat ng sinabi ni Isagani at kahit mahal niya ang kaibigan ay nagpasya siyang umalis at

talikuran ito. Nagtungo siya sa bahay ni Makaraig. Napuna niya ang senyasan ng

ilang mga tao doon ngunit huli na nang makita niya ang nagbabantay na guwardiya sibil sa harap ng bahay. Hindi na siya makaurong. Kasama si Makaraig

ay hinuli siya ng mga guwardiya sibil.

Gabay sa Pagsusuri: 1. Uri ng Panitikan:

Nobela

2. Paglalapat ng Teoryang Pampanitikan:

Realismo

3. Tema o Paksa ng Akda:

Nagkaroon ng kaguluhan dahil sa paskin na naglalaman ng pagbabanta,

pagpugot ng ulo, at pananalakay.

4. Mga Tauhan

• Basilio

• Juanito Pelaez

• Macaraig

• Isagani

5. Katangian ng akdang kalsiko:

Pagkaobhetibo

6. Mga Saloobin/damdamin sa Akda:

• Pagkatakot

• Pagkabalisa

• Pagkagalit

• Pag-alala

Page 9: Filipino · 2021. 6. 8. · 6 Suriin Suriin NATIN… Teoryang Pampanitikan Romantisismo-ay nagpapahalaga sa damdaming nakapaloob sa akda.Ito ay makikita sa mga akdang tumatalakay

9

Pagyamanin

Wow! Ang galing mo na sa pagsusuri ng mga teoryang pampanitikan. Binabati kita

sa iyong mapanuring pag-iisip. Hindi pa riyan nagtatapos ang ating mga gawain

mayroon pa akong inihanda para sa’yo para mas lalo pang mapalawak ang iyong

kaalaman hinggil sa paksa. Subukin pa natin ang iyong kaalaman sa pagsusuri.

Sundan ang mga gabay na tanong sa pagsusuri sa ibaba.

Gawain A. Panuto: Basahin ang piling bahagi ng kabanata 27 sa El Filibusterismo at pagkatapos suriin ito gamit ang mga gabay na tanong sa ibaba.

Kabanata 27 (Ang Prayle at ang Pilipino)

Masigla pang nagtatalumpati si Isagani nang lapitan siya ng isang kawani na nagsabing gusto siyang makausap ni Padre Fernandez, isa sa mga propesor ng lalong mataas na kurso. Namutla ang binata; kagalang-galang ang propesor at ihinihiwalay niya ito sa mga binabatikos na prayle. “Ano ang gusto sa akin ni Padre Fernandez?” tanong niya sa kawani na nagkibit-balikat lamang at sumenyas na sumunod na lamang siya. Si Padre Fernandez ang prayleng umayaw sa pakikipaglaro ng baraha kina Don Custodio at sa Kapitan Heneral nang ang Kanyang Kamahalan ay dumalaw sa Los Baños. Nakaupong naghihintay ito kay Isagani sa isang maliit na pwesto nito sa isang silid ng Unibersidad, malungkot, kunot-noong wari’y alalim ang iniisip. Napatindig ito nang Makita ang pagpasok ng binata, binati at nakipagkamay ito, isinara ang pinto at saka nagpalakad-lakad. Nakatayo naman ang dumating, naghihintay na kausapin ng prayle. “Senyor Isagani”, mayamaya’y wika nito sa madamdaming tinig, “mula sa bintana’y narinig kong nagtalumpati kayo. Kahit ako ganitong tisiko, matalas naman ang aking pandinig at saka talagang gusto ko kayong makausap. Iginagalang kong lagi ang bawat kabataang malinaw magsalita’t may sariling disposisyon at paraan ng paggawa…at hindi hadlang kung nagkakaiba man kami ng palagay at kaisipan. Ayon sa narinig ko, kagabi’y nagkaroon kayo ng hapunan…huwag sana kayong humingi ng dispensa.” “Hindi ko gustong humingi ng dispensa”, sambit agad ni Isagani. “Lalong mabuti! Patunay iyan na naninindigan kayo sa bunga ng inyong ginawa. Makasasama naman kung tatalikuran ninyo iyon…hindi ko naman kayo pinupuna po sinisisi sa mga sinabi ninyo roon kagabi. Higit sa lahat, importanteng malaya kayong makapagsalita tungkol sa mga Dominiko…sayang at ngayon lamang namin kayo naging estudyante at baka hindi sa susunod na taon. Halaw mula sa Kabanata 27 “Ang Prayle at ang Pilipino”

Sundin ang mga gabay sa Pagsusuri

1. Uri ng Panitikan:_______________________________________________ 2. Paglalapat ng Teoryang Pampanitikan:__________________________

3. Tema o Paksa ng Akda:__________________________________________ 4. Mga Tauhan_____________________________________________________

Page 10: Filipino · 2021. 6. 8. · 6 Suriin Suriin NATIN… Teoryang Pampanitikan Romantisismo-ay nagpapahalaga sa damdaming nakapaloob sa akda.Ito ay makikita sa mga akdang tumatalakay

10

5. Katangiang Akdang Klasiko:_____________________________________

6. MgSaloobin/damdamin sa Akda:_________________________________

Wow! Ang galing mo naman….ngayon mas lalo mo pang ikahusay ang isang

gawaing inihanda para sa sayo.

Gawain B. Basahin ang Spoken Poetry ni Jennybeans na nakabatay sa kanyang sariling pananaw sa lipunang kanyang ginagalawan.

Reyalidad ng Lipunan

ni jennybeans

Wala ka bang napapansin sa ating lipunang ginagalawan

Laganap ang krimen, gulo at pamamahalang di maintindihan

O baka kagaya ka rin ng iba na nagbibingi-bingihan

Sa baya'y walang pakialam at nagbubulag-bulagan

Ang mga lider na ating binoto at niluklok sa posisyon

Di lahat sa kanila ay may magandang intensyon

Kasi ang iba, imbes na ituon ang atensyon sa paggawa ng mga resolusyon

Ayon! Nasisilaw sa malaking halaga ng pera at nangunguna sa korapsyon

May mangilan ngilan rin tayong alagad ng batas

Na hindi ginagawa ang trabaho ng patas

Pag may dinukot kang pera at sa kanila iniabot

Aba, kahit may bayolasyon ka, ikaw ay lusot

Di rin nawawala ang sistema ng palakasan

Pag may kilala ka sa opisina ng pamahalaan

Ang pagpila ng mahaba ay di na kailangan

Kasi di ka pa nakakarating may numero ka na, diretso pa sa unahan

Siguro ang reyalidad ng lipunan ay ganyan talaga

Kung nakakalamang-lamang ka ay ikaw ang bida

Pero kung ikaw ay kagaya ng iba, ay wala rin namang problema

Tayong mga Pinoy naman ay madiskarte at mapagtiis diba?

Ngunit mas maganda pa rin na mapuksa ang mga kanser ng lipunan

Sa pamamagitan ng pagpapahayag ng ating mga nalalaman

At huwag mahihiyang iparinig ang ating boses sa karamihan

Dahil lahat tayo ay may magagawa para sa ating bayan

Panahon na rin siguro upang gumising ka

Bumangon at makilahok na Di naman kailangang makibaka at magwelga

Sapat nang sa lipunan ay may pakialam ka Sundin ang mga gabay sa Pagsusuri

1. Uri ng Panitikan:_________________________

2. Paglalapat ng Teoryang Pampanitikan:___________________

3. Tema o Paksa ng Akda:__________________________________

Page 11: Filipino · 2021. 6. 8. · 6 Suriin Suriin NATIN… Teoryang Pampanitikan Romantisismo-ay nagpapahalaga sa damdaming nakapaloob sa akda.Ito ay makikita sa mga akdang tumatalakay

11

4. Mga Tauhan________________________________

5. Mga Saloobin/damdamin sa Akda:______________________

6. Katangiang Akdang Klasiko:___________________________

Isaisip

Dahil naging matagumpay ka sa pagsagot sa mga inihandang gawain.Bigyan

natin ng paglalahat ang mahalagang konsepto na iyong napag-aralan.

Dugtungan ang pahayag upang maibahagi mo ang iyong natutunan.

Natutunan ko sa araling ito_______________________________________. Nalalaman ko na sa pagsusuri ay_________________________________.

Wow! Ang galing mo naman kaibigan at nakuha mo ang ating aralin sa

modyul na ito. At para mas maikintal pa natin ang ating natutunan ngayon.Sagutin natin ang gawin sa ibaba.

Panuto:Pagtambalin ang Hanay A sa Hanay B. Isulat ang titik sa

tamang sagot.

Hanay A Hanay B

____________1. Nagsasabi na ang tao a. Realismo

ay rasyunal na nilalang na may kakayahang

maging makatotohanan at mabuti. b. Naturalismo

____________2. Pagpapalutang ng damdamin kaysa isipan

____________3. Naniniwalang walang malayang kagustuhan c.Feminismo

ang isang tao dahil ang kanyang buhay ay hinubog

lamang ng kanyang heredity at kapaligiran.

____________4. Batayan sa pangangailangan

ng pagbabago ng babae upang mabuo ang kanyang sarili d. Romantisismo

____________5. Layon nitong ipakita ang karanasan ng tao at lipunan e. Humanism

Page 12: Filipino · 2021. 6. 8. · 6 Suriin Suriin NATIN… Teoryang Pampanitikan Romantisismo-ay nagpapahalaga sa damdaming nakapaloob sa akda.Ito ay makikita sa mga akdang tumatalakay

12

Tayahin Binabati kita kaibigan! Walang katulad ang iyong ipinamalas na sikap at

tiyaga upang iyong matamo ang kasanayan sa modyul na ito. Napakahusay mo! Ngayon ito na ang huling pagsubok na aking ibibigay sa iyo. Galingan mo pa. Alam

kong kayang-kaya mo ito. Sige na, gawin mo!

Panuto: Ilarawan kung anong damdamin ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang tamang sagot.

1. “Kung ang Diyos na itinuturo nila ay totoo at hindi isang pandaraya…dahil sila mismo ang unang-unang hindi naniniwala at sumusunod sa kanya!” A. Pagkagalit B. Pagtatampo C. Pagkatakot D. Pagkainip

2. “Kahanga-hanga! Sa oras ng kapayapaan, iniwan mo kami”.

A. Paghanga B. Panunuya C. Pagkapoot D. Pagkatuwa

3. “Ipinapayo ko sa iyo na tumiwalag ka agad. Punitin at itapon ang lahat ng papeles na magpapahamak sa iyo”. A. Pagkatakot B. Pagkakawanggawa C. Pagkayamot D. Pagmamalasakit

4. “Kung ang nasasaad sa paskin ay sang-ayon sa ating damdamin at mithiin ay mabuti ang kanilang ginawa at dapat pasalamatan”. A. Pagsuporta B. Pagpapasalamat C. Pagbubunyi D. Pagkatakot

5. “Tiyak na gagaling ka, pahiran lamang ng agwa bendita ang lugar na masakit

o may karamdaman!” A. Pagkatakot B. Pagkakawanggawa C. Pagkayamot D. Pagmamalasakit

Para sa bilang 6-10. Basahin mabuti ang bawat aytem at piliin ang tamang

sagot. Isulat ang titik lamang.

Page 13: Filipino · 2021. 6. 8. · 6 Suriin Suriin NATIN… Teoryang Pampanitikan Romantisismo-ay nagpapahalaga sa damdaming nakapaloob sa akda.Ito ay makikita sa mga akdang tumatalakay

13

6. Sino ang nagpatawag kay Isagani habang ito ay nakikiusap sa mga

kapwa niya mag-aaral?

A. Simoub

B. Padre Fernandez

C. Padre Irene

D. Don Custodio

7. Ayon kay Isagani, Sino ang dapat sisihin sa kawalan ng mabuting puso

at asal ng mga kabataan?

A. mga prayle

B. mga magulang

C. pamahalaan

D. mga kastila

8. Sino ang sinasabing makakalaban ni Kapitan Tiyago sa sabong pagdating

sa langit?

A. San Rafael

B. San Miguel

C. San Pedro

D. San Vicente

9. Paano tinanggap ni Juli ang balita tungkol kay Basilio?

A. Nahimatay

B. Napasigaw

C. Napaiyak

D. Nabalisa

10. Sino ang sinasabing makatulong sa suliranin ni Juli?

A. Hermana Penchang

B. Padre Camorra

C. Kapitan Tiyago

D. Simoun

Panuto: Para sa bilang 11 hanggang 15, suriin ang piling bahagi nang nobela kung

anong pananaw/teoryang pampanitikan ang nakapaloob sa mga sumusunod na

pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot.

11. Pakiramdam ni Juli, kapag ginawa niya ang bagay na iyon ay

isusumpa niya ang sarili. Makailang ulit ng may nagpayo na kung gagawa

lamang siya ng pagpapakasakit ay maililigtas niya sina Kabesang Tales at Basilio.

A. humanismo B. realismo C. feminismo D. romantisismo

12. Maitim na anino ng Kapitan Heneral ang paglalarawan kay Simoun ng lahat.

A. Humanismo B. Imahismo C. Romantisismo D. Realismo

13. Malaya niyang naipahayag ang kanyang iniisip nang walang kinatatakutan.

A. Romantisismo B. Klasisismo C. Himanismo D. Realismo

14. “Napakaganda ng bayang ito, Kamahalan. Ang mamamayan ay mababait at

masunurin, sila’y mapagtiis…nabubuhay silang patuloy na umaasa lamang”.

A. humanismo B. realismo C. naturalismo D. idealismo

Page 14: Filipino · 2021. 6. 8. · 6 Suriin Suriin NATIN… Teoryang Pampanitikan Romantisismo-ay nagpapahalaga sa damdaming nakapaloob sa akda.Ito ay makikita sa mga akdang tumatalakay

14

15. Ipinangalandakan ni Ben Zayb sa peryodikong El Grito na tama siya sa

madalas sabihing hindi nakabubuti sa kalagayan ng Pilipinas ang pagtuturo sa

kabataang Pilipino.

A. humanismo B. realismo C. naturalismo D. klasisismo

Binabati kita at napagtagumpayan mo ang lahat na mga gawain. Para

mas madagdagan pa natin ang iyong kaalaman may inihanda ako sa iyong

isa pang gawain.

A. Ipaliwanag ang kahulugan ng pahayag:

1. Diyos Ko!...Sa paningin Mo’y walang mayaman, walang mahirap,

walang maputi o maitim. Ikaw ang magagawad sa amin ng

katarungan!

B. Ibigay ang pagpapahalagang hinhihingi/inilalahad ng sumusunod na

mga sitwasyon:

1. Ang paglapit ni Juli kay Padre Camorra

2. Ang ginawa ni Padre Camorra kay Juli

Karagdagang Gawain

Walang duda! Ikaw ay napakahusay kaibigan. Natitiyak kong ang iyong bagong natutunan sa modyul na

ito ay naitatak na sa iyong puso’t isipan kaya’t saan ka man magpunta at anuman ang iyong mararanasan ay

mailalapat mo ito. Maraming salamat kaibigan! Mabuhay

ka!

Page 15: Filipino · 2021. 6. 8. · 6 Suriin Suriin NATIN… Teoryang Pampanitikan Romantisismo-ay nagpapahalaga sa damdaming nakapaloob sa akda.Ito ay makikita sa mga akdang tumatalakay

15

Pagyamanin Gawain A at B

Nakadepende na sa guro ang pagwawasto

gamit ang rubrik sa pagsusuri

gamit ang rubric sa pagsusuri.

Karagdagang Gawain

Nakadepende na sa

guro ang pagwawasto

gamit ang rubrik sa

pagsusuri.

Tayahin

1. A 6. B 11.C

2. B 7. A 12.B

3. D 8. C 13.B

4. A 9. A 14.A

5. D 10. B 15. D

Balikan

1.C 6.B

2. A 7.D

3.B 8.A

4.A 9.B

5.A 10.C

Sanggunian

Mga pagdulog at teoryang pampanitikan: Batayan ng paglinang HOTS sa

pagtuturo/pagsusuri ng mga akdang pampanitikan. Philippines.

Villafuerte, Patrocinio, and Bernales, Rolando. Pagtuturo ng/sa Filipino: Mga teorya at

praktika. Philippines, 2008.

Susi sa Pagwawasto

Isaisip

1.Humanismo-e

2. Romantisismo-d

3.Naturalismo-b

4.Feminismo-c

5.Realismo-a

Page 16: Filipino · 2021. 6. 8. · 6 Suriin Suriin NATIN… Teoryang Pampanitikan Romantisismo-ay nagpapahalaga sa damdaming nakapaloob sa akda.Ito ay makikita sa mga akdang tumatalakay

16

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer

One night I had a dream. I dreamed

that I was walking along the beach

with the LORD.

In the beach, there were two (2) sets

of footprints – one belong to me and

the other to the LORD.

Then, later, after a long walk, I

noticed only one set of footprints.

“And I ask the LORD. Why? Why?

Why did you leave me when I am sad

and helpless?”

And the LORD replied “My son, My

son, I have never left you. There was

only one (1) set of footprints in the

sand, because it was then that I

CARRIED YOU!

I think that I shall never see

A poem lovely as a tree.

A tree whose hungry mouth is prest

Against the earth’s sweet flowing

breast;

A tree that looks at God all day,

And lifts her leafy arms to pray;

A tree that may in Summer wear

A nest of robins in her hair;

Upon whose bosom snow has lain;

Who intimately lives with rain.

Poems are made by fools like me,

But only God can make a tree.

Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom

Here the breezes gently Blow,

Here the birds sing Merrily,

The liberty forever Stays,

Here the Badjaos roam the seas

Here the Samals live in peace

Here the Tausogs thrive so free

With the Yakans in unity

Gallant men And Ladies fair

Linger with love and care

Golden beams of sunrise and sunset

Are visions you’ll never forget

Oh! That’s Region IX

Hardworking people Abound,

Every valleys and Dale

Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,

Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,

Ilongos,

All of them are proud and true

Region IX our Eden Land

Region IX

Our..

Eden...

Land...