Fili 103 - Multiple Personality Disorder

download Fili 103 - Multiple Personality Disorder

of 14

description

Final Report in Fili103

Transcript of Fili 103 - Multiple Personality Disorder

PowerPoint Presentation

Ulat ni : Jashwin Benedict C. UllalBSCE-V01

Multiple Personality Disorder

Ano ang Multiple Personality Disorder ? Ang Multiple Personality Disorder ( kilala ngayon bilang Dissociative Identity Disorder), ay isang uri ng sakit sa pag-iisip kung saan ang pasyente ay nagkakaroon ng MAHIGIT SA ISA o IBA pang katauhan na kumokontrol sa kanyang pagkilos at pag-iisip. Madalas , ito ay sanhi ng pang-aabuso sa kanilang pagkabata .

Ang PAGPAPALIT ng mga katauhan (alters) ay sinasabing madalas at hindi mapigilan, kung saan ang pasyente ay nawawala sa kanyang kamalayan o mental consciousness. Sa ganitong pagkakataon, ang mga alaala ay nahahati sa ibat ibang katauhan. Kadalasang bumabalik ang mga alaala ng madalas na pang-aabuso sa kanilang kabataan.

Ano ang ALTERS ? Ang mga alters ay may sariling edad, kasarian o lahi. Bawat isa ay may katangi-tanging kilos, tindig o paraan ng pakikipag-usap na wala sa iba. Minsan sila ay mga kathang-isip lamang o minsan ay mga hayop din. Ang switching o pagpapalitan ng mga alters na kumokontrol sa pasyente ay maaaring tumagal ng ilang minuto o araw.

Ano ang Sintomas ng Multiple Personality Disorder

Kilala sa pagkakaroon ng mahigit sa isang katauhan ang sakit na Multiple Personality Disorder. Nakapaloob din sa sakit na ito ang kawalan ng kakayahan ng pasyente na gunitain ang kanyang mga personal na impormasyon na kung minsan ay hindi na maituturing na pagiging makakalimutin.

Iba pang SintomasDepresyonMood SwingsPagpapakamatay Sakit sa pagtulog ( insomnia atbp.,) Madalas na pagkabagabag Pagkalulong sa Alkohol at DrogaMga Sikotikong Sintomas ( hallucinations )Di-normal na pagkain

Sybil Isabel Dorsett( 1923 1998 )

Ang Babaeng May Labing-anim na Katauhan

Sino si Sybil Isabel Dorsett?Si Sybil Isabel Dorsett o kilala rin bilang Shirley Ardell Mason ay isa sa pinaka-kilalang pasyente na may MPD. Sa kaso niya, mayroon siyang 16 katauhan na papalit palit sa kanyang pag-iisip. Ito ay naging resulta ng madalas na pang-aabuso ng kanyang ina sa kanya noong siya ay bata pa sa pamamaraang pisikal at sekswal at sa mga sunod sunod na dagok sa kanyang buhay .

Kilalanin natin ang ibat ibang Sybil Vicky ang katauhan na siyang nakaalam ng lahat ng pangyayari sa tuwing nagkakaroon ng SwitchingRuthie bata ; nakakita ng pagtatalik ng kanyang magulangBlonde- ang katauhan para sa sex.Helen matatakutin at laging depresMarjorie masiyahin at kalmado

Peggy Louisiana- kumakatawan sa lahat ng galit niya sa kanyang ina .Clara relihiyosa Marcia- nakararamdam din ng nararamdaman ni Sybil ngunit mas matindi nga lang. Vanessa magaling sa pianoMary pasan ang bigat ng buwanang dalawSybil Ann- halos kapareho din ni HelenNancy galit sa Katoliko ngunit mataas ang ambisyon sa pulitikaPeggy Lou at Peggy Ann takot at galit

Dalawang Lalaking Katauhan :Sid hinango niya mula sa kanyang ama Mike mula naman sa kanyang lolo

Mga Obra Maestra ni Sybil

N0 TO CHILD ABUSESalamat sa Pakikinig