Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang...
-
Upload
edrick-glenn-ramoran -
Category
Documents
-
view
901 -
download
22
description
Transcript of Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang...
7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…
http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 1/44
KAMALAYAN SA STEM CELLS BILANG LUNAS SA MALULUBHANG SUGAT SA BALAT
TULAD NG MALALANG PAGKASUNOG AT MGA GENETIC SKIN DISEASES
Isang Pananaliksik na Ipinasa sa
Universidad ng Santo Tomas
Fakultad ng Farmasya
Departamento ng Farmasya
Bilang Parsyal na Pagtugon sa mga Kahingian
sa Filipino 2
Mga tagapanaliksik:
Buiza, Aimeriel
Dela Rosa, Angela Beatrice
Dy, Evan Eriele
Ramoran, Edrick Glenn
Sado, Franz Lorenz
1C – Pharmacy
Marso 2013
7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…
http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 2/44
PAGKILALA
Kami ay lubos na nagpapasalamat sa aming tagapayo, Gng. Rhodelia Mendoza, na
naglaan ng panahon upang maibahagi ang kanyang kaalaman na nagbigay daan upang
matapos namin ang aming pananaliksik. Hindi magiging posible ang pananaliksik na ito kung
wala siya.
Nais naming pasalamatan si Dra. Grace Lopez, M.D., Cosmetic o Clinical Dermatologist,
isang dalubhasa sa balat at gumagamit ng stem cells bilang gamot sa sakit sa balat, sa
paglalaan ng panahon upang makapanayam siya. Sa tulong niya, higit kaming naliwanagan sa
aming paksa at nasagot din ang mga tanong na kailangan patunayan sa pananaliksik na ito.
Lubos din ang pagpapasalamat namin sa mga tumugon sa aming pagsisiyasat, mga mag-aaral
ng Medisina mula sa iba't ibang unibersidad.
Sa aming mga magulang, maraming salamat sa pagsuporta at paggabay sa amin, hindi
lamang sa pananaliksik na ito kung hindi sa lahat ng aming ginagawa. Pinasasalamatan din
namin ang aming mga kaibigan at kamag-aral na umalalay at nagbahagi ng kanilang mga
kaalaman upang higit na maisaayos ang pananaliksik.
Higit sa lahat, kami ay nagpapasalamat sa Panginoon na nagbigay sa amin ng
kaalaman, pasensya at lakas ng loob upang matapos at maging matagumpay ang pananaliksik.
Iniaalay namin sa Iyo ang lahat ng paghihirap, karanasan at kaalaman na nakuha mula sa
pananaliksik na ito. Ito ay para sa Iyo.
Mga Tagapanaliksik:
Buiza, Aimeriel
Dela Rosa, Angela Beatrice
Dy, Evan Eriele
Ramoran, Edrick Glenn
Sado, Franz Lorenz
i
7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…
http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 3/44
ABSTRAK
Ang pananaliksik na “Kamalayan sa Stem Cells bilang Lunas sa malubhang sugat sa
balat tulad ng malalang pagkasunog at mga genetic diseases” ay isinagawa upang patunayan
na mula sa mga pagsisiyasat at panayam na ang stem cells ay epektibo at ligtas (walang side-
effects) sa balat ng tao.
Upang mangalap ng mga datos, nagsagawa ng pagsisiyasat sa mga mag-aaral ng
medisina at nakipagpanayam sa isang doktor, Dra. Grace Lopez, M.D., na may sapat na
kaalaman sa paksang sinasaliksik. Ayon sa resulta ng sarbey, kahit na hindi pa tuwirang
itinuturo sa kolehiyo ang stem cells, may angking kaalaman pa rin ang mga mag-aaral tungkol
dito mula sa mga nababasang libro o artikulo na nagtataglay ng mga impormasyon at pag-aaral
tungkol sa paksang ito. Marami rin ang naniniwala na epektibo ang stem cells kahit hindi pa nila
nararanasan ang naturang therapy. Ayon naman kay Dra. Grace Lopez, totoong epektibo ang
stem cells sa balat ng tao at marami ng Pilipino ang sumailalim dito. Dagdag pa niya, ito ay
epektibo sa pagbibigay lunas kahit sa mga genetic skin diseases tulad ng eczema at psoriasis.
Ang kasalukuyang ginagamit na stem cell ay xenogenic na galing sa tupa. Ito raw ang kanilang
ginagamit dahil ito ay napatunayang may epektong panterapeutika at napag-aralan na ng higit
sa 40 taon.
Napatunayan ng pag-aaral na ito na ang stem cells ay kasalukuyan nang ginagamit sa
bansa. Samakatuwid, ito ay epektibo at maaaring gamitin sa panggagamot sa mga sakit sa
balat pati na rin sa pagpapaganda nito. Pinatunayan din na isa ang paggamit ng stem cells sa
mga hakbang upang mapaunlad ang larangan ng Medisina sa bansa at makatuklas ng mga
lunas hindi lamang sa balat kung hindi sa higit na marami pang karamdaman na hanggang sa
ngayon ay wala pang lunas.
Susing salita: Stem Cell Therapy, eczema, psoriasis, xenogenic
ii
7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…
http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 4/44
TALAAN NG MGA NILALAMAN
Pagkilala..............................................................................................................................i
Abstrak................................................................................................................................ii
Kabanata 1: Suliranin at Kaligiran ng Pananaliksik.............................................................1
Kaligiran ng Pananaliksik.........................................................................................2
Suliranin...................................................................................................................2
Layunin ng Pananaliksik..........................................................................................2
Kahalagahan ng Pananaliksik..................................................................................2
Saklaw at Limitasyon................................................................................................3
Kahulugan ng mga Katawagan.................................................................................4
Balangkas Konseptwal..............................................................................................6
Kabanata 2: Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral..........................................................7
Kabanata 3: Metodolohiya....................................................................................................22
Kabanata 4: Paglalahad at Pagsusuri ng Datos...................................................................24
Kabanata 5: Paglalagom, Konklusyon at Rekomendasyon..................................................32
Bibliyograpiya........................................................................................................................35
Appendix...............................................................................................................................37
Appendix A: Talatanungan........................................................................................37
Appendix B: Liham Pahintulot...................................................................................38
Appendix C: Mga Litrato kasama si Dra Grace Lopez, M.D......................................39
7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…
http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 5/44
TALAAN NG PIGURA
Pigura 1.........................................................................................................6
Pigura 2........................................................................................................22
Pigura 3........................................................................................................24
Pigura 4........................................................................................................25
Pigura 5........................................................................................................26
Pigura 6........................................................................................................26
Pigura 7........................................................................................................27
Pigura 8........................................................................................................27
Pigura 9........................................................................................................28
Pigura 10......................................................................................................28
Pigura 11......................................................................................................29
Pigura 12......................................................................................................29
Pigura 13......................................................................................................30
Pigura 14......................................................................................................37
Pigura 15......................................................................................................38
Pigura 16......................................................................................................39
Pigura 17......................................................................................................39
7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…
http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 6/44
KABANATA 1
Suliranin at Kaligiran ng Pananaliksik
I. Kaligiran ng Pananaliksik
Ayon sa United States Department of Health & Human Services, National Health
Institute (2012), ang Stem Cell Therapy ay isa sa mga makabagong paraan ng panggagamot na
patuloy na pinag-aaralan ng mga eksperto. Ito nga ba ay epektibo at makapagpapabuti sa
kalusugan ng tao?
Ang stem cells ay mga specialized cells na nagbibigay buhay sa higit pang specialized
cell na makatutulong sa katawan upang bumuo ng isang mekanismo ng self-regeneration o self-
repair . May dalawang uri ng stem cells: a.) Embryonic Stem Cells, na nakahiwalay sa inner cell
mass ng blasto cyst, at b.) Adult Stem Cell , na matatagpuan at makukuha mula sa iba’t ibang
tisyu ng katawan. (Elsin, Y. M. 2003).
Lumalabas sa mga saliksik na ang stem cells ay mayroong maraming benepisyo na
maaaring maibigay sa tao. Nakapagbibigay lunas ito sa mga sakit ng iba’t ibang parte ng
katawan ng tao tulad ng diyabetis, Parkinson’s Disease, Alzheimer’s Disease, Arthritis, mga
sakit sa balat at iba pa. Sinasabi din na may anti-aging na epekto ito o nakapagpapabata sa
pamamagitan ng pagpapalakas ng pagbabagong paggaling at pagpapalakas ng resistensiya ng
katawan. Ang katawan ng tao ay gumagamit ng sariling stem cell upang gumawa mismo ng
higit na malakas, malusog at matibay na katawan laban sa sakit. Habang nagkaka-edad ang
tao, ang stem cell ay parehong nagkukumpuni ng mga nasirang tisyu at organo, pati na rin ang
pagpapalit ng mga stem cell na nawala sa paglipas ng panahon.
Binigyan ng pansin sa pananaliksik na ito ang epekto ng Stem Cell Treatment sa balat
ng tao. Ang balat ay may kakayahang patuloy na mag self-renew habang nabubuhay ang isang
tao o hayop dahil sa presensya ng adult stem cells na nagbibigay ng mga panibagong cells
para palitan ang mga sira o patay na mga cells. Kapag nasusugatan ang isang tao, ang balat
ay may kakayahang i-regenerate ang sarili nito hanggang sa ito ay gumaling. Ngunit, kapag ang
sugat ay masyadong malubha tulad ng malalang pagkasunog ng balat o kaya naman ay mga
genetic skin diseases, hindi kaya ng balat na ayusin ang sarili nito ng walang tulong medikal.
Ang bawat pamamaraan ng panggagamot ay sinasaliksik at pinauunlad upang
makatulong at mapabuti ang pamumuhay ng tao. Ipinakikita sa pananaliksik na ito ang mga
kasalukuyang mga paraan na naisagawa upang i-regenerate ang balat sa pamamagitan ng
stem cell technology.
7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…
http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 7/44
II. Suliranin
Ang suliranin na pagtutuunan ng pansin at nais bigyang kasagutan at kalinawan ng mga
mananaliksik ay kung maaari bang gamitin ang stem cell therapy sa panggagamot ng mga
malulubhang sugat tulad ng malalang pagkasunog ng balat at mga genetic skin diseases at ang
kamalayan ng mga mag-aaral ng Medisina sa bisa ng Stem Cells. Nais ring bigyang kasagutan
ng pananaliksik na ito ang mga katanungan ng karamihan tulad ng kung ano ang uri ng stem
cells ang ginagamit sa panggagamot na ito at kung anu-ano ang mga side-effects na maaaring
makuha mula rito.
III. Layunin
Mula sa suliraning nabanggit, nais ng mga mananaliksik na masukat ang kamalayan ng
mga may kaalaman sa larangan ng agham partikular na ang mga mag-aaral ng medisina, sa
Stem Cell bilang lunas sa mga sakit sa balat.
Nais din nilang mabigyang linaw ang isipan ng mga tao tungkol sa mga positibong
epekto ng Stem Cell Therapy sa balat ng tao. Matapos nito ay nais ding bigyang diin ng mga
mananaliksik ang mga sakit at karamdaman sa balat na maaaring mapigilan, o mabigyang
lunas ng paraang ito.
Layunin din ng mga mananaliksik na makapagpahayag ng mga patunay na mula sa mga
panayam ng mga dalubhasa o eksperto sa larangang ito tungkol sa pagiging epektibo ng Stem
Cell Therapy sa balat ng tao.
At bilang buod ng buong pananaliksik na ito, nais din nilang mapatunayan at maipakita
kung malalampasan nga ba ng mabubuting epekto ang ilang mga komplikasyon ng Stem Cell
Therapy.
IV. Kahalagahan ng Pananaliksik
Ang napiling paksa ng mga mananaliksik ay may malaking posibilidad na
makapagpabuti sa pamumuhay ng mga ordinaryong tao dahil sa maaari nitong (kung
mapapatunayan) maibsan ang paghihirap na dinaranas ng tao o pasyente mula sa mga
karamdamang nabanggit, at maaari din itong makapagsasalba ng buhay.
2
7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…
http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 8/44
Bagaman nakapokus ang pananaliksik na ito sa tulong na maaaring maibigay ng Stem
Cell Treatment sa mga karamdaman sa balat ng tao, hindi lamang dito natatapos ang mga
benepisyo na maaaring idulot ng paraang ito sa tao. Ang stem cell treatment ay marami pang
paggagamitan at marami pang mga sakit na kayang lunasan. Kung mapapatunayang tunay
ngang epektibo ito at maaaring maging lunas sa nakararaming Pilipino, magiging napakagaling
at kapakipakinabang ang Stem Cell Therapy sa ating bansa. Magiging maganda ang lagay ng
kalusugan ng mga tao, at magdudulot ito ng pagbuti ng pagtatrabaho ng bawat isa, na magiging
daan tungo sa pagbuti rin ng ekonomiya ng bansa.
Ito rin ay makapagpapaunlad ng larangan ng medisina at iba pang Health Care Professions.
Maaari itong maging makabagong paraan ng panggagamot, at malutasan din ang patuloy na
mabilis na pagbabago ng mundo kung saan pabata na ng pabata ang nagkakasakit ng malala,
at umiikli ang life span o buhay ng tao.
V. Saklaw at Limitasyon
Hango sa iba’t ibang mga pag-aaral at mga kaugnay na literaturang nakalap ng grupo,
maraming uri ng Stem Cell Therapy . Ang pananaliksik na ito ay tatalakay lamang sa epekto at
tulong na maaaring ibigay ng stem cell treatment sa balat ng tao partikular na sa paggagamot
ng malalang pagkasunog ng balat at ilang generative skin diseases. Kasama rito ang proseso,
epekto nito sa tao, at kaligiran nito.
Walang eksperimentong isinagawa kaya naman ang mga impormasyong nakalap ay
hango lamang sa mga survey at panayam sa mga taong may kinalaman dito tulad ng mga
doktor at mga pasyenteng may karanasan sa stem cell treatment .
Ang pagsasaliksik na ito ay nakatuon lamang sa kamalayan ng mga mag-aaral ng
Medisina na may suporta mula sa mga kaugnay na literatura na nakalap ng mga mananaliksik.
Hindi pagtutuunan ng pansin ng grupo ang moral at ethical na bahagi nito, sapagkat
alam nilang maselan ang usaping ito, lalo na sa simbahan.
3
7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…
http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 9/44
VI. Kahulugan ng mga Katawagan:
1. Adipose tissue – ito ang tinatawag na taba na kadalasan pag sumasailalim sa
liposuction ay ang tinatanggal
2. Allogeneic – nanggaling sa isang tao na katugma ng pasyente at nasisiguradong walang
sakit ang iimplantang stem cell
3. Anticoagulants – isang uri ng gamot na pumipigil sa pagbuo ng dugo para matigil ang
pagdurugo.
4. Astrocyte – isang uri ng pang-alalay na glial cell na natatagpuan sa nervous system.
5. Autologous – nanggaling sa mismong pasyente ang iimplantang stem cell.
6. Blastocoel – ang lukab na puno ng tubig sa loob ng blastocyst , isang maagang yugto ng
nagdedevelop na embryo.
7. Blastocyst – isang embryo na hindi pa nakakapag implant . Gawa ito sa 150 cells galing
sa cell division na nagaganap pakatapos ng fertilization. Ang Blastocyst ay isang bilog
na gawa ng cells sa labas (ang trophoblast ), isang lukab na puno ng tubig (ang
Blastocoel ), at ang kumpol ng cells sa loob (ang inner cell mass).
8. Cell Culture – artipisyal na pagpapalaki ng cells para sa experimental na pananaliksik.
9. Eczema – pamumula, pangangati at pag papantal-pantal ng balat. Ang eczema pag
kinamot ay maaring magkaroon ng pagsusugat at pagdurugo.
10. Fertilization – ang pagsasama ng panlalaking sex cell (sperm/ punla) at ng pambabaeng
sex cell (egg)
11. Glial cell – isang uri ng cell na umaalalay sa iba pang uri ng cell.
12. HIV - Human Immunodeficiency Virus ay isang retrovirus na mabagal magpadami at nag
dudulot ng AIDS o Accuired immunodeficiency Syndrome na isang nakakahawa na sakit
na sumisira sa immune system ng isang tao at maaring magkaroon ng sakit na cancer
dahil dito.
13. In vitro – salitang Latin na nangangahulugang “sa loob ng salamin” ito ay ginagawa sa
isang test tube o petri dish na isang artipisyal na kapaligiran
14. In vitro fertilization - isang paraan kung saan pinagsasama ang egg cell at ang sperm
cell sa isang artipisyal na kapaligiran tulad ng laboratoryo.
15. Inner cell mass (ICM) – ang kumpol ng mga cell sa loob ng blastocyst . Ito ang
pinagmumulan ng embryo at ang embryo naman ang pinagmumulan ng fetus. Ito ang
maaring gamitin upang makagawa ng embryonic stem cells.
16. Multipotent – pagkakaroon ng kakayahang maging higit na madami sa isang uri ng cell
4
7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…
http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 10/44
ng katawan.
17. Neural stem cell – isang stem cell na natatagpuan sa adult neural tissue na nakakagawa
ng neurons at pang alalay na glial cell.
18. Precursor type – ito ay uri ng stem cell na nanggaling sa tumubo na na parte ng katawan
ito rin ang tinatawag na Organ specific na stem cell.
19. Psoriasis – ang pagdami ng bagong skin cells dahil sa maling pagkakakilala ng immune
system ng katawan sa isang normal na cell
20. Regenerative medicine – isang bahagi ng medisina na pinag-aaralan at gumagamit ng
lunas na stem cell upang makakumpuni ng sirang tisyu at maayos ang mga nasirang
bahagi ng katawan.
21. Somatic cell – lahat ng cell sa katawan ng tao maliban na lang sa mga sex cells (egg at
sperm) ay tinatawag ring adult cells
22. Species-specific – ito ang klase ng stem cell kung saan nabibilang ang embryonic stem
cell. Ito ay nanggagaling sa isang hindi pa tumutubong parte ng katawan tulad ng nasa
isang fetus o embryo. Maari itong makadulot ng tumor o makasira ng iba pang cell.
23. Therapeutic cloning – ang proseso ng paggamit ng somatic cell nuclear transfer (SCNT)
para makagawa ng cells na kapareho ng cells ng pasyente. Sa pagsasama ng isang
somatic cell nucleus at enucleated egg ng pasyente, ang doktor ay makakakuha ng
embryonic stem cell mula sa nagawang embryo na maaaring gamitin upang ma-
r egenerate ang tisyu na kapareho ng nasa katawan ng pasyente.
24. Xenogeneic – nanggaling sa mga hayop katulad ng tupa o kuneho ang stem cell .
5
7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…
http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 11/44
VII. Balangkas Konseptwal
Pigura 1
Stem Cells
Embryonic Cells
mula sa fertilized eggcells (embryo)
Hindi pa lubusang
ginagamit dahil sa isyu
ng pagiging ethical
Adult Stem Cells
mula sa mga tisyu at
organo ng tao o hayop
Ginagamit na sa
kasalukuyan partikular
sa balat ng tao
Stem Cells bilang
gamot sa sakit sa balat
Psoriasis
Eczema
Skin Cancer
Cosmetic repair
6
7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…
http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 12/44
KABANATA 2
Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
Ang kaugnay na literatura at pag-aaral para sa pananaliksik na ito ay nagbibigay pansin
sa mga pag-aaral sa Adult stem cells at ang kaakibat nitong epekto sa katawan ng tao. Ang
mga literatura ay tumatalakay sa mga patunay na ang Adult stem cells ay mabisang panggamot
sa mga sakit na hanggang sa kasalukuyan ay wala pang lunas. Ang kabanatang ito ay
magsisimula sa pagtalakay sa paglalarawan sa stem cells, kasunod ang iba't ibang uri at gamit
ng naturang cells. Marami ng pag-aaral ang ginawa at kasulukuyang ginagawa upang
mapalawak pa ang kaalaman sa stem cell technology . Marami pa ring mga katanungan na
pumapalibot dito. Sa pananaliksik na ito, mahalagang maunawaan ng mambabasa ang mga
karaniwang kaalaman sa pag-aaral ng stem cells.
Ang Stem Cells
Ang stem cells ay mga unspecialized cells na maaaring mag self-renew o magkaroon ng
differentiation upang maging ganap na matured cells na may natatanging tungkulin sa katawan.
Ito ay matatagpuan sa mga mature na tisyu na bubuuin ng katawan upang palitan ang mga
sirang cells sa mga tisyu at organo. (Elsin, Y. M. 2003).
Ang mga stem cells ay makikila mula sa iba pang mga uri ng cells dahil sila ay maaaring
maging tissue - o - organ - specific cells na may natatanging tungkulin. Sa ibang mga organo,
katulad ng bone marrow , ang mga stem cells ay naghahati-hati upang palitan ang mga sirang
tisyu. Subalit, sa ibang organo katulad ng pancreas at puso, ang stem cells ay naghahati-hati
lamang sa bibihirang kondisyon. (US Dept. of health & Human Services, National Health
Institute, 2012)
May dalawang uri ng stem cells, ang Embryonic stem cells na mula sa mga embryo at
ang Adult stem cells na matatagpuan sa katawan ng tao partikular sa mga tisyu at organo.
Ang Embryonic stem cells, kagaya ng imunumungkahi ng kanyang pangalan, ay mula sa
mga embryos. Karamihan nito ay mula sa mga embryos na nabuo mula sa mga itlog na
nafertilized sa pamamaraan ng in vitro vertilizaton. Hindi sila mula sa mga itlog sa katawan ng
isang babae. (US Dept. of health & Human Services, National Health Institute, 2012 )
Ang Adult stem cells ay makikita sa maraming mga tisyu at organo, kasama na dito ang
utak, bone marrow, blood vessels, balat, ngipin, atay at puso. Sila ay pinaniniwalaang tira-tira
7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…
http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 13/44
mula sa isang partikular na bahagi ng bawat tisyu (stem cell niche). Sa karamihan ng mga tisyu,
may mga ebidensyang nagsasabing ang ibang uri ng stem cells ay pericytes, mga cells na
binubuo ng pinakalabas na bahagi ng blood vessels. Maaari rin na ang stem cells ay walang
tinag sa mahabang panahon hanggang sila ay ma-activate ng pangangailangan ng katawan
upang mapanatili nito ang kalusugan ng mga tisyu o di kaya makagamot ng sakit o tissue injury .
Kakaunti lamang ang bilang nito sa bawat tisyu at kapag ito ay natanggal sa katawan, ang
kakayahang maghati ay limitado, na magreresulta sa pagkahirap ng pagproduce ng mga stem
cells sa hinaharap. (US Dept. of health & Human Services, National Health Institute, 2012 )
Medikal na aplikasyon ng Epidermal stem cells
Ayon kina Gaelle Lapouge at Cedric Blanpain ng Université Libré de Bruxelles (2004),
ang balat daw ng tao o hayop ay may kakayahang mag-regenerate habang nabubuhay ang
mga ito dahil sa pagkakaroon nito ng mga Adult stem cells. Matapos masugatan ang isang tao,
may kakayahan ang balat na pagalingin ang sarili sa loob ng ilang araw o lingo. Ngunit, kung
ang sugat na natamo ay masyadong malubha, ang balat ng tao ay wala ng kakayahang
pagalingin ito ng walang tulong pang-mediko.
Ang kagandahan ng kaugnay na literaturang ito ay ipinaliliwanag nito kung paano
nakatutulong ang stem cells sa paggamot ng mga malulubhang paso at ilang karamdaman sa
balat.
Ang negatibong impormasyon naman na matatagpuan rito ay ang pagsasabi kung
paano mare-reprogram ang mga Skin stem cells na ito para maging Pluripotent stem cells na
lumalabag sa batas ng ating simbahan.
Ang Adult Stem Cell Therapy
Isa sa mga pinakapinag-aaralan ngayon ay ang stem cells (Adult stem cells) dahil sa
nakikitang mga potensyal nito sa pagtuklas sa mga lunas ng mga pambihirang sakit.
Ang mga Adult stem cells ay nasa buong katawan natin at nagsisilbing natural na
nakagagamot. Ang mga cell na ito ay mayroong napakataas na potensyal at lubos na
makapangyarihan. Ang mga Adult stem cells ay ginagamit nang lunas para sa kanser sa loob
na ng 40 na taon. Ang cells na nagmumula rin sa sariling katawan ng pasyente ang ginagamit
upang gamutin ang kanyang karamdaman. Walang posibilidad na tanggihan ng sariling
8
7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…
http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 14/44
katawan ang bagong tisyu na nagawa mula rin sa sariling katawan, kaya naman sinasabing
ligtas at epektibo ito, at nakapagbibigay ng positibong medikal na resulta.
Ayon sa mga resulta mula sa cardiac, pulmonary, at vascular na mga proseso, ang Adult
stem cell procedure ay tunay na ligtas tulad din ng mga kumbensyunal at kasalukuyang mga
kalunasang isinasagawa.
Ang Adult stem cells ay kinukuha mula sa sariling dugo ng pasyente sa pamamagitan ng
paggamit ng standard blood draw. Sa Regenocyte Therapeutic, ang mga natural na stem cells
na nasa dugo ng tao ay nililinang upang maging milyon-milyon.
Ayon sa pag-aaral na pinamagatang Generalized Potential of Adult Neural Stem Cells
na isinagawa nina Clarke, Diana L; Johansson, Clas B;Wilbertz, Johannes;Veress, Biborka;et al
noong taong 2000, sinasabi rito na ang differentiation potential ng mga stem cell sa katawan ng
isang adult ay inakalang limitado sa mga cell lineages na makikita sa mga organo kung saan
sila nakuha ngunit may mga patunay na may mga stem cell na may mas malawak na
differentiation repertoire. Ipinapakita sa pag-aaral na ito na ang mga neural stem cell mula sa
utak ng mga adult na daga ay makakatulong sa pagbuo ng chimeric chick at embryo ng mga
daga upang makabuo ng mga cells ng lahat ng germ layers. Ipinapakita nito na ang isang adult
neural stem cell ay may malawak na developmental na kapasidad at maaaring magamit para
mag-generate ng iba’t ibang uri ng cell para sa transplantation sa iba’t ibang sakit.
Regenocyte Adult Stem Cells.
Ang Regenocyte Adult stem cells ay pinapadala sa international treatment center at
isinasalin na kung saan ito kailangan ng pasyente sa pamamagitan ng ineksyon. Ito ay
nagsisimula ng muling paglago ng higit na mabuting daloy ng dugo sa mga apektadong bahagi
ng katawan ng pasyente. Ang layuning ng prosesong ito ay palitan ang mga nasirang cells at
palaganapin ang pagbunga ng mga bagong blood vessels at tissues, upang matulungan at
mapabuti ang may problema sa ating katawan tulad ng mga iba’t ibang organs.
(http://www.regenocyte.com/adult-stem-cell-therapy.html)
Ang Pangunahing Papel ng Adult Stem Cells: sa kanyang therapeutic na Perspektibo
Hango sa pag-aaral na pinamagatang The Key Role of Adult Stem Cells: Therapeutic
Perspectives (2008), ang mga adult stem cells ay hinihiwalay sa mga adult na tisyu, umbilical
7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…
http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 15/44
cord, dugo at iba pang mga hindi embryonic na pinanggagalingan, at kaya nitong baguhin ang
sarili at maging maraming uri ng tisyu at uri ng cell tugon sa pathiphyiological na stimuli . Ang
mga klinikal na aplikasyon ng mga adult stem cells at progenitor cells ay may potensyal sa
regenerasyon ng mga cell ng dugo, balat, buto, cartilage, at muscle ng puso, at may potensyal
rin sa mga degenerative na sakit. Ang mga multi-pluripotent na Adult stem cells ay may
kakayahang baguhin ang kanilang phenotype bilang tugon sa trans-differentiation o paghahalo
at maaaring isama ang mga therapy na isinasaayos ng pharmacological na modulasyon.
Halimbawa, ang pagpapagalaw ng mga endogenous na stem cell at pagdirekta sa kanila sa
loob ng isang tisyu para magsimula ng isang regenerasyon. Ang mga Adult stem cells ay
maaari ring makapagbigay ng paraan para sa gene therapy , at ang mga genetically engineered
na Adult stem cells ng tao ay nakapagpapakita ng tagumpay sa paggamot ng isang genetic na
karamdaman.
Ang pagkuha ng Embryonic stem cells mula sa mga embryo ng tao ay nagsusulong ng
ethical, legal, relihiyoso, at pulitikal na mga katanungan. Ang potensyal ng paggamit ng stem
cells para sa pag-generate ng mga tisyu ng tao ay paksa ng mga pampublikong debate. Ang
mga stem cells ay kailangang gamitin sa isang standardisado at kontroladong mga kondisyon
upang makasiguro sa ligtas na mga kondisyon para sa mga pasyente. Ang isang kritikal na
punto ay ang pag-alam sa mga kapahamakan ng tumourigenicity ; ang isyung ito ay mas
konektado sa embryonic kumpara sa Adult stem cells. (Pessina A., Gribaldo L. 2006)
Mula naman sa panulat nina Hombach-klonisch, Sabine; Panigrahi, Soumya; Rashedi,
Iran; Seifert, Anja; Alberti, Esteban noong 2008 na pinamagatang Adult Stem Cells and their
Transdifferentiation Potential – Perspectives And Therapeutic Applications, ang mga stem cell
ay mga multipotent progenitors na kayang baguhin ang kanilang mga sarili ng may malawakang
potensyal ng pag-unlad sa isang tisyu sa loob ng binigay na oras. Ang mga normal na stem cell
sa isang adult na organismo ay responsable sa pagbabago at pagsasaayos ng mga luma o
sirang tisyu. Ang mga Adult stem cell ay makikita sa halos lahat ng tisyu sa mga panahon ng
pag-unlad. Sa pag-aaral na ito, ipinakikilala sa mga mambabasa ang mga pangunahing mga
impormasyon tungkol sa nasabing paksa. Inilarawan dito and mga napiling paraan ng
pagbubukod ng mga stem cell at marka ng mga stem cell para sa iba’t ibang populasyon ng
stem cell . Kabilang dito ang mga marka para sa endothelial progenitor cells
(CD146/MCAM/MUC18/S-endo-1, CD34, CD133/prominin, Tie-2, Flk1/KD/VEGFR2),
hematopoietic stem cells (CD34, CD117/c-Kit, Sca1), mesenchymal stem cells
10
7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…
http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 16/44
(CD146/MCAM/MUC18/S-endo-1, STRO-1, Thy-1 ), neural stem cells (CD133/ prominin, nestin,
NCAM), mammary stem cells (CD24, CD29, Sca1), at intestinal stem cells (NCAM, CD34, Thy-
1, CD117/c-Kit, Flt-3). Ang hiwalay na seksyon ay nagbibigay ng pinaikling kabuuan ng mga
klinikal na pagsusuri na isinagawa kamakailan lamang na kinipapalooban ng mga stem cells na
patungo sa pagsasaayos ng mga nasirang myocardium. Sa huling bahagi ng pag-aaral na ito,
napaisip ang mga mananaliksik tungkol sa paksa at ang patuloy na pagpapaunlad rito.
(Hombach-klonisch, Sabine; Panigrahi, Soumya; Rashedi, Iran; Seifert, Anja; Alberti, Esteban
2008).
Stem Cells sa Tissue Engineering
Ang pag-aaral na ito ay may pamagat na Adult stem cells in tissue engineering . Ito ay
isinagawa nina Thomas Hodgkinson, Xue-Feng Yuan at Ardeshir Bayat noong taong 2009. Ito
ay mula sa journal na Expert Review Medical Devices. Sinasabi rito na ang tissue engineering
ay isang mabilis na umunlad na paksa ng pag-aaral na kailangan tuparin ang pangako nito sa
paglilinaw at pagpapaliwanag ng potensyal na aplikasyon ng Adult stem cell sa klinikal na
pagsasanay. Kamakailan lamang, napag-alaman na ang mga particular na Adult stem cells ay
may kakayahang mag transdifferentiate . Inakala na ang matagumpay na aplikasyon ng Adult
stem cells ay ang pinakamahalaga sa paglikha ng totoong biomimetic na tisyu. Kahit na ito ay
malawakan pa ring pinapalaganap, iminumungkahi ng mga pag-aaral na sa mga susunod na
panahon, ang bone-marrow na mula sa stem cells ay maaaring hindi na makonsidra bilang
pinakaangkop na kandidato para gamitin sa tissue engineering . Ang hiwalay na pag-aaral ay
matagumpay na nag-engineer ng mga tisyu in vitro at in vivo gamit ang hair follicle at Adipose
derived stem cells. Dahil sa kanilang potency , abundance at noninvasive na paraan ng
pagkuha, ang mga populasyon na ito ay ang sinasabing pinakamaayos na napag-aralan
hanggang sa kasalukuyan. Ang pag-aaral na ito ay may layunin na talakayin ang kandidatong
adult stem cell na populasyon na sumusubok na ma-asess ang pinakamagagandang paksa ng
isang pag-aaral.
Stem Cells bilang Kinabukasan ng Regenerative Medicine
Ang mga medikal at siyentipikong interes sa stem cells ay base sa kagustuhan na
makahanap ng mapagkukunan ng mga bago at malulusog na tisyu para magamot ang mga
1
7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…
http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 17/44
organo na sira o apektado ng anumang sakit. Napagalaman naman na ang mga organo tulad
ng balat at atay ay kayang iregenerate ang kanilang mga sarili kapag ito ay nasira, ngunit hindi
pa alam kung bakit at paano nagkaroon ng ganitong kakayahan ang mga tisyung ito
samantalang ang iba ay wala. Ayon sa mga bagong pananaliksik, ang mga stem cells daw ay
ang susi sa mga regenerative na kakayahan na ito. May mga tiyak na mapagkukunan ng stem
cells sa mga tisyu na mula sa mga may gulang na tulad ng bone marrow na may abilidad na
baguhin ang sarili sa iba’t ibang klaseng uri ng cell ng nasabing tisyu na kasing tagal ng buhay
ng isang organismo. Gayun pa man, ang mga cells na may abilidad na hatiin at baguhin ang
sarili para maging specialized cells ng iba’t ibang klase ng tisyu ay bihira sa may mga gulang
na. Ang walang limitasyon na potensyal ng mga hindi pa nagbabagong mga cell ng isang
embryo ang nagbigay daan sa mga Embryonic cells para maging pokus ng siyentipikong
interes. Mula pa noong 1998, pinaunlad ni James Thomson ng Unibersidad ng Wisconsin-
Madison ang unang Embryonic stem cell na mula sa tao. Ang atensyon na nakuha nito ay dahil
sa mga siyentipikong ulat na nagpopokus sa potensyal ng mga stem cell na makagamot ng
mga degenerative na karamdaman. Ang mga bagong kaalaman na ito na tinatawag na
regenerative medicine ay may layuning malaman kung paano at bakit ang mga stem cells, mula
man sa may gulang na o sa mga embryo, ay may kakayahang maging specialized na tisyu, at
may layunin din ito na paunlarin ang potensyal nito sa mga therapy na may kinalaman sa
pagpapalit ng tisyu na magbabalik ng mga nawalang kakayahan ng mga nasira ng organo. Ang
listahan ng mga sakit na maaring target ng mga stem cell therapy ay nagpapakita lamang kung
bakit ang stem cells ay nagbibigay ng malaking pag-asa para sa pagpapaunlad ng medisina.
Ilan sa kanila - tulad ng Parkinson’s disease, diyabetis, sakit sa puso, Alzheimer’s disease at
spinal cord injury - ay mayroon lamang kakaunti o walang lunas kaya naman milyun-milyong
mga tao ang naghahanap ng lunas para rito. (Committee on the Biological and Biomedical
Applications of Stem Cell Research, at Board on Life Sciences National Research Council
Board on Neuroscience and Behavioral Health Institute of Medicine, 2002).
Adult stem cells at ang kanyang kahalagahan sa cell therapy
Para sa kanilang mga natatanging katangian, ang mga stem cells ay nangangako na
magkaroon ng pangkalahatang gamit sa klinikal na panggagamot, lalo na sa regenerasyon ng
mga organo at mga tisyu ng katawan ng tao. Ang paksang ito ay nakatatanggap ng
malawakang atensiyon mula sa mga espesyalista mula sa iba’t ibang sang ay ng agham at
walang duda na ito ang isa sa mga pinakasikat na paksang pinag-aaralan ngayon sa medisina
12
7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…
http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 18/44
ng bagong milenyo. Sa komunikasyong ito, ang mga awtor ay tumalakay sa dalawang
pangunahing pinagkukunan ng stem cells na angkop sa cell-based therapy . Ang una ay ang
mga stem cells na mula sa embryonic tissues at ang pangalawa naman ay mula sa mga adult
tissues— Adult stem cells. Sa ngayon, ang pangangalap at ang therapeutic na gamit ng
Embryonic stem cells ay maaaring iugnay sa napakaraming problema na parehong metodikal at
ethical. Ang pag-uutilize ng Adult stem cells sa cell bases therapy ay isang solusyon sa
kasalukuyang estado ng replacement therapy. Gayunpaman, kailangan pa rin nating mag-
angkin ng kamalayan na hindi ito isang kompromiso ngunit isa sa mga pinakamabuting paraan
para gamutin ang iba’t bang klaseng karamdaman. Hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw
kung anong paraan ang higit na angkop na at na sa atin pa rin kung anong paraan ang ating
pipiliin para sa ikabubuti ng nakararami. Kung ikokonsidera ang kasalukuyang estado ng
kaalaman, imposibleng mahulaan kung anong uri ng stem cells ang makapagbibigay ng
mabubuting resulta. Matinding mga pananaliksik ang kinakailangan na gawin at patunayan sa
pamamagitan ng pagsasagawa nito at kailangan ding maayos na ang mga ethical na isyu na
kasama nito. (Filip S, Mokrý J, Hruška I, 2003)
Stem Cell Therapy : A New Treatment for Burns?
Ang stem cell therapy ay lumabas bilang isang maaasahang bagong paraan sa halos
lahat ng aspeto ng medisina. Ang malawak na magkaibang uri ng cells ay pareho na ngayong
kinukuha sa natural (Embryonic at Adult stem cells) o artipisyal na paraan (induced pluripotent
stem cells or iPSCs) at ang kanilang tadhana ay naging kontrolado na salamat sa patuloy na
pananaliksik sa larangang ito. Tayo ay nasa simula ng makabagong panahon sa medisina na
may maraming aplikasyon para sa stem cell therapy , hindi lamang bilang isang monotherapy,
pati na rin sa iba pang istratehiya tulad ng organ transplantation o standard drug treatment .
Nakakalungkot isipin na mayroon pa rin itong mga seryosong preclinical na suliranin tulad ng
differentiation, cell fusion, senescence at signalling crosstalk sa mga growth factors at
biomaterials na nananatiling hadlang para sa ganitong uri ng paraan ng panggagamot. Ang mga
malulubhang pagkasunog ng balat ay may maraming indikasyon para sa stem cell therapy,
kasama na rito ang pagbababuti ng paggaling ng mga sugat, pagpapalit ng mga nasirang balat
at perpektong regenerasyon ng balat – kasama ang skin appendages at reduced fibrosis – pati
na rin ang systemic effects tulad ng pamamaga, hypermetabolism at immunosuppression. Ang
layunin ng pagaaral na ito ay ilarawan mabuti ang mga napatunayang katangian ng stem cells
at i-delineate ang mga bagong paraan sa stem cell field , sa konteksto ng pagkasunog ng balat
13
7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…
http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 19/44
at paggaling ng mga sugat. (Anna Arno , Alexandra H. Smith , Patrick H. Blit , Mohammed Al
Shehab , Gerd G. Gauglitz and Marc G. Jeschke, 2011)
An update review of stem cell applications in burns and wound care
Ang pangunahing layunin ng panggagamot sa mga cutaneous na paso at sugat ay para
ma-restore ang mga nasirang balat, parehong structural at functional na aspeto, pabalik sa
orihinal na katayuan nito. Ayon sa mga makabagong pananaliksik, makikita na malaki ang
potensiyal ng stem cells sa pagpapaganda ng kalidad ng paggaling ng mga sugat at pagre-
regenerate ng balat at mga appendages nito. Ang mga stem cell based therapeutic na
istratehiya ay nagbibigay ng mga bagong prospects sa medical na teknolohiya para sa mga
sugat at paso. Ang pananaliksik na ito ay may layuning magbigay ng isang bagong overview ng
mga aplikasyon ng stem cell therapy sa mga pamamahala ng mga paso at sugat. (Burd,
Andrew; Huang, Lin, 2012)
Stem cell strategies in burns care
Ang pag-asam ng kakayahan na palitan ang nasirang tisyu sa proseso ng regenerasyon
ay makapagbabago sa epekto, pamamahala at kalalabasan ng mga paso. Ang kasalukuyang
pagkakaintindi sa stem cell based modulation at therapy kasama ng kanilang potensiyal nakaunlaran ay makapagdadala sa pag-asam na ito sa kaganapan. Ang papel na ito ay
magbibigay ng background sa istratehiya ng paggamit ng stem cells sa panggagamot ng mga
paso at inaalam din nito ang aktwal o inaasam na aplikasyon kung saan mababago nito ang
pangangalaga sa mga paso sa buong mundo. ( A. Burd, K. Ahmed, S. Lam, T. Ayyappan, L.
Huang, 2007)
Stem cells and their applications in skin-cell therapy
Ang stem cell biology sa balat ay isang field ng life sciences na mabilis na umuunlad.
Parami ng parami ang mga ebidensiya na ang balat ay nagrerepresenta ng isang malakihang
reservoir para sa Adult stem cells (kasama ang mesenchymal, hematopoietic at neural stem
cells) kasama rin ang epidermis. Alam na natin na ang balat ay madaling pagkuhanan at
immune privileged , ang mga skin stem cells ay hindi lamang magbibigay ng pag-asa para sa
1
7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…
http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 20/44
pagsasaayos ng balat ngunit may naglalahad ng kasalukuyang estado ng pananaliksik sa
paksang ito at tinatalakay ang pagkakaroon, plasticity, at mga potensyal na gamit ng skin stem
cells. (Chunmeng Shi ,Ying Zhu, Yongping Su, Tianmin Cheng, 2006)
Gene therapy of skin adhesion disorders
Ang gene therapy ay isang potensiyal na paraan ng panggagamot para sa mga
malalalang karamdamn na namamana na kung saan ay may maliit na tsansa na mahanapan ng
lunas. Kasama na rito ang mga malulubhang sakit tulad immunodeficiencies at metabolic
disorders pati na rin ang mga hindi gaanong malubha na may kinalaman sa hindi magandang
kalidad ng pamumuhay at pang matagalang symptomatic treatments, tulad ng muscular
dystrophy, cystic fibrosis o thalassemia. Ang skin adhesion na mga depekto ay nabibilang sa
parehong grupo. Para sa mga hindi gaanong malulubhang uri, ang gene therapy o
transplantation ng cultured skin na mula sa mga genetically corrected epidermal stem cells, ay
nagrerepresenta ng isang magandang therapeutic option, at isang potensyal na paraang ng
panggagamot. Ang mga kasalukuyang pag-unlad sa gene transfer at stem cell culture
technology ay ginagawang mas malapit ang option na ito. Ang papel na ito ay kritikal na
tumatalakay sa progreso at mga bagay na inaasam mula gene therapy para sa mga skin
adhesion defects, at mga factors na naglilimita sa pag-unlad nito. (Cavazza, 2012)
Skin: a promising reservoir for adult stem cell populations
Ang Plasticity ng adult cells ay nakita sa mga post-natal na tisyu noong mga nakaraang
taon at nakahalina sa atensyon sa regenerative medicine. Ang balat ang pinaka-malaking
organo sa ating katawan. Ang adult skin ay mayroong epidermis, dermis, at appendages tulad
ng buhok at glands na kaugnay ng epidermis ngunit nakabaon sa malalim na bahagi ng dermal
layer. Ang skin stem cell biology ay naging pokus ng interes sa kasalukuyang life science. Angmga stem cells na may limitadong differentiation na may potensyal sa regenerasyon at
pagsasaayos ng epidermis ay kilala na maging sa mga naunang dekada. Ang mga
kasalukuyang pag-aaral ay naglalahad na ang mga adult skin tissues ay mayroong mga cell
populations na may pluripotent na katangian. Ang mga mulitipotent na stem cells mula sa mga
hair follicle at non-follicular na balat, parehong epidermal at dermal na tisyu, nakita na
1
7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…
http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 21/44
mayroong differentiation na kapasidad para mag-regenerate ng maramihang cell lineages.
Mula sa mga kasalukuyang datos, ang haypotesis ay ang balat raw ay maaaring magsilbing
reservoir ng mga Adult stem cell populations, kasama na ang mga committed stem cell
populations at Pluripotent stem cell populations na parehong nasa epidermal at dermal tissues.
Alam naman nating madali itong i-access, ang mga stem cells sa balat ay hindi lamang
magbibigay ng isang experimental model para sa skin biology ngunit makapagbibigay rin ito ng
isang experimental model para sa pag-aaral ng epithelial –mesenchymal interactions ng iba
pang mga organo sa labas ng balat. Ang mga stem cell populations sa skin tissues ay kaya ring
magkaroon ng extensive therapeutic implications sa pagpapalit ng balat at maari ring
magsilbing isang alternatibong mapagkukunan ng stem cells sa labas ng balat. Ang in site
activation at mobilization ng stem cell populations sa balat ay isang magandang paraan para i-
renew at ayusin ang epidermis, dermis at mga appendages.
Adult Stem Cells
Ang pag-unlad ng isang multicellular na organismo ay makakamit sa pamamagitan ng
mga pangyayari na naka pre-program sa genome. Ang mga pangyayaring ito ay sumailalim ng
cellular proliferation, lineage commitment, lineage progression, lineage expression, cellular
inhibition at isang regulated apoptosis. Ang sunud-sunod na na paglaganap ng mga cells sa
pamamagitan ng mga pangyayaring ito ay nagreresulta ng pagkabuo ng mga differentiated cells, tisyu, at organo na bumubuo sa isang indibidwal. Kahit na ang karamihan sa mga cell ay
lumalaganap sa pamamagitan ng pagkakasunud-sunod na ito, may ilang mga cells ang iniiwan
ang pag-unlad na continuum para maging mga reserbang precursor cells. Ang mga reserbang
prescursor cells na ito ay kasama sa tuloy-tuloy na pangangalaga at pagsasaayos ng mga tisyu
at organong ito sa kabuuan ng haba ng buhay ng isang indibidwal. Kamakailan lamang ay
ipinapalagay na ang mga precursor cells sa mga postnatal na indibidwal ay limitado sa mga
lineage-committed (multipotent, tripotent, bipotent, and unipotent) progenitor cells at lineage-
uncommitted pluripotent (epiblastic-like, ectodermal, mesodermal, at endodermal) stem cells napara lamang sa ilang mga tisyu. Gayunpaman, ang mga pag-aaral na isinigawa ni Young at
kanyang mga kasamahan ay nagpakita ng presensya ng dalawang kategorya ng mga precursor
cells na mahahanap sa loob ng mga organo at tisyu ng mga postnatal na hayop. Ang mga
reserbang precursor cells na ito ay nagbibigay ng patuloy na pangangalaga at pagsasaayos ng
organismo matapos ito maipanganak. (Henry E. Young, Asa C. Black, 2004)
1
7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…
http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 22/44
Ang mga mananaliksik ng pag-aaral na ito ay nagsagawa ng mga pananaliksik tungkol
sa mga literatura na may kinalaman sa Adult stem cells at mga potensyal na aplikasyong
pangklinika. Ang pokus ng pag-aaral na ito ay sa mga adult stem cells at nagsama rin ng mga
resulta mula sa mga pag-aaral ng mga hayop na nagtataglay ng potensyal na Adult stem cell na
gagamitin sa panggagamot ng mga pasyente. Matapos ang mga isinigawang pag-aaral ang
kaalaman ng mga mananaliksik tungkol sa Adult stem cells ay higit na lumaki kaysa sa mga
nauna ng kaalaman tungkol dito. Ang mga resulta mula sa mga pag-aaral ng hayop at mga
pangkilinkal na pagsusuri sa tao ay nagpapakita na may mga kapaki-pakinabang na abilidad
para sa paglago, pagsasaayos, at regenerasyon ng mga nasirang cells at tisyu ng katawan ang
adult stem cells. Ang tulong na maibibigay ng Adult stem cells sa medisina ay tunay ngang
napakalaki. (David Prentice, 2003)
Epithelial Skin Stem Cells
Mula sa aklat na Handbook of Stem Cells sinasabi na ang balat ay isang kumplikadong
tisyu na gawa sa nakabalangkas na kombinasyon ng mga uri ng cells. Ito ay may malawak na
regenerative na kapasidad at mayroong iba’t ibang uri ng stem cells (SCs). Ang Embryonic at
Adult stem cells ay mayroong mga pagkakaiba. Ang literaturang ito ay nakapokus sa mga
epithelial skin stem cells (ESSCs) sa mga postnatal na balat ng daga. Ang mga pag-aaral na
hindi isinagawa sa tao ay higit na napagkukuhanan ng impormasyon at hindi gaanong
nalilimitahan ng mga isyung ethical. Ang mga ESSCs ay inaakalang makikita sa isang
specialized area ng hair follicle na tinatawag na “ the bulge” . Ang mga cell Nonhuman studies
allow for high flexibility and increased depth of study and are less restricted na makikita rito ay
nagtataglay ng abilidad na mag-differentiate sa ibang mga cell lineage rin kapag sumasailim sa
mga kondisyon na tulad ng stress upang mag-regenerate ng hindi lamang hair follicle ngunit
pati na ng mga sebaceous gland at epidermis. Sa balat ng isang matanda, ang stem cells ay
alam bilang mga slow cycling cells na nagpapanatili ng bromo-deoxy-uridine (BrdU) DNA label
sa loob ng matagal na panahon. Kung paano nagagawang mapanatili ng mga cell na ito ang
kanilang mga kakayahan tulad ng self-renewal at differentiation ay hindi pa rin alam hanggang
ngayon. Kung ang mga cell na ito ay iba mula sa kanilang progeny o kung ang lokasyon na
17
7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…
http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 23/44
tinatawag na niche, ang nagtuturo sa kanila upang maging stem cells ay nanatili pa ring isang
bukas na tanong. Ang trabaho ay nagsimula na upang ipaliwanag ang mga mekanismo na
nagkokontrol sa mga cells na ito sa balat ng daga. Ang pagsubok na ihiwalay ang mga slowly
cycling cells at malaman ang mga marka ng ESSCs na maaaring magbigay ng mga kakaibang
katangian ng mga cells na ito ay nalampasan na. Nagbukas ito sa mga panibagong mga
kaalaman para sa hinaharap na pag-intindi sa kung ano ba ang nagpapanatili sa mga cells na
ito sa isang dormant ngunit potent na estado. (Tudorita Tumbar, Elaine Fuchs, 2013)
Epithelial Skin Stem Cells
Ayon sa aklat na Methods in Enzymology, ang mga pangunahing pag-unlad sa pag-
unawa ng epithelial skin stem cells ay nakamtan na. Ito ay naging posible dahil sa mga
makabagong paraan ng labeling , tracking, isolating, at characterizing na nakapagpayaman sa
populasyon ng stem cells. Ang literaturang ito ay naglalaman ng mga in vivo at in vitro assays
na nag-aanalisa ng mga skin epithelial stem cells. Ang kahulugan ng stem cell ay lubos nang
nagagamit. Ang hindi malabong pagkakakilanlan ng stem cell na nakapaloob sa isng tisyu ay
hindi pa rin posible. Ang mga limitasyon na ito ang humahadlang sa mga pag-aaral na may
layuning magbigay ng impormasyon tungkol sa cellular mechanisms sa isang stem cell
compartment. Ang literaturang ito ay naglalaman ng mga kasalukuyang paraan ng pag-aanalisa
ng mga hair follicle stem cells, kumpara sa iba pang epithelial compartments, dahil ang hair
follicle ang lubos na napag-aralan sa kasalukuyan. (Tudorita Tumbar, 2006)
Skin Tissue Engineering
Ayon sa aklat na Comprehensive Biomaterials, ang pagsasama ng pagpapagaling, cell
biology, at skin tissue engineering na pananaliksik ay patuloy ng isinasagawa sa loob ng 60
taon. Sa literaturang ito, makikita ang anatomiya ng balat at mga tungkulin nito, ang proseso ng
paggaling ng sugat, at mga pagsusubok na may relasyon sa pagpapagaling ng sugat na
kinakaharap ng tissue engineering . May ilang mga biomaterials na nasuri para sa kanilang mgapotensyal na gamit bilang mga pamalit sa balat para mapalitan o maregenerate ang balat na
may normal pa ring istruktura at gamit. Gayunpaman, halata naman na ang perpektong pamalit
sa balat ay hindi umiiral. Ang mga problema at pagsubok na mayroon ang mga pamalit sa balat
na ito ay ang mga sumusunod: mababang mekanikal na katangian, kawalan ng biocompatibility,
kaunting structural differentiation, limitadong vascularization, at pagkakaroon ng sugat.
7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…
http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 24/44
Gayunpaman, isang artikulasyon sa pagitan ng skin tissue engineering at regenerative medicine
ang maaaring makapagbigay ng mga transpormasyon sa larangang ito na humantong sa
abilidad na i-restore ang istruktura at gamit ng balat. Sa pamamagitan ng kombinasyon ng
manipulasyon ng stem cell, angiogenesis control, maunlad na bioactive molecules, at maunlad
na biomaterials, maaaring maging posible ang pagkakaroon ng isang awtentkong pamalit sa
balat o isang engineered composite na nakapagdudulot ng regenerasyon ng balat. (Q.
Zeng, L.K. Macri, A. Prasad, R.A.F. Clark, D.I. Zeugolis, C. Hanley, Y. Garcia, 2011)
Tissue engineering of skin
Ayon sa aklat na Burns, ang engineering ng mga pamalit sa balat at ang kanilang mga
aplikasyon sa mga pasyente ay nabigyang katuparan. Gayunpaman, ang mga cell biologists,
biochemists, technical engineers, at mga doctor ay patuloy pa ring nahihirapan sa pagbuo ng
mga pamalit sa balat na maaaring i-transplant sa malalaking bilang, kung possible ay sa isa
lamang na surgical na interbensyon na walang iiwang malubhang sugat. Ang pagbuo ng isang
dermo-epidermal na pamalit ay mabilis na nagvavascularize na pangunahing sumusuporta sa
isang stratifying epidermal graft sa isang biodegradable matrix , na maaari isagawa ng isang
surgeon, ay isa na ngayong matinding layunin. Ang layuning ito ay maabot habang sinusunod
ang mga kinakailangan upang maging ligtas at ang mga batas ng ekonomiya. (Sophie Böttcher-
Haberzeth,Thomas Biedermann, Ernst Reichmann, 2010)
The Next Generation of Burns Treatment: Intelligent Films and Matrix, Controlled Enzymatic
Debridement, and Adult Stem Cells
Ang literaturang ito na mula sa journal na Transplantation Proceedings ay inilarawan
ang isang teknolohiya na base sa nanoengineered multifunctional acellular biologic scaffolds na
inihalo sa mga pantapal sa sugat at mga films ng parehong uri. Ang paraang ito ay
nagpapahintulot ng piniling pagpapadala at pagpapalabas ng mga protektadong biomaterials at
bioactive substances sa isang sugat o nasirang tisyu habang isinasagawa ang piling anchoring
at adhesion ng mga endogenous circulating repairing cells tulad ng mesenchymal stem cells,
upang magkaroon ng mabilis at higit na physiologic na proseso ng pagpapagaling. Naipakita rin
sa literaturang ito ang bagong kontroladong enzymatic debridement na proseso upang
makapagdulot ng higit na epektibong scarolysis ng nasunog na tisyu. Sa gabay ng mga nauna
ng in vitro at in vivo na datos, nakumbinsi ang mga mananaliksik na maaaring isama sa
paraang ito ang iba pang gamit ng adult stem cells, tulad ng endometrial regenerative cells,
upang higit na mapaunlad ang vascularization ng mga ito na may malaking potensyal sa pag-
1
7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…
http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 25/44
aaral ng regenerasyon ng tisyu at organo. Malaki rin ang tulong nito sa panggagamot ng mga
pasyenteng may malubhang paso sa pamamagitan ng pagbabago ng paraan ng panggagamot
ng mga sugat na ito sa hinaharap. (H. Drago, G.H. Marín, F. Sturla, G. Roque, K. Mártire, et al.,
2010)
Adult Stem Cells for Tissue Repair — A New Therapeutic Concept?
Ang adult stem cell ay may kakayahang gumawa ng bagong stem cell at ayusin ang
nasirang parte ng katawan. Ang embryonic stem cell ay maaaring bumuo ng panibagong parte
ng katawan kaysa ayusin ang nasirang parte dahil dito posibleng madoble ang parteng iyon.
Maaari din namang bumuo ng tumor ang paggamit ng embryonic stem cell . Sinisira nito ang
ibang cell habang ito ay lumalaki at gumagawa ng bagong parte ng katawan. Ang adult stem
cells ay maaring makuha sa bone marrow o sa dugo na dumadaloy sa katawan ng tao.
Kalimitan kapag ang stem cell na galing sa isang babae ay ilalagay sa isang lalaki o ang stem
cell na galing sa isang lalaki na ilalagay sa babae, nadiskubreng nagkakaroon ng Y
chromosome sa babae at karagdagang X chromosome sa mga lalaki. (Martin Körbling, M.D.,
Zeev Estrov, M.D., 2003)
Tissue Engineering
Ayon sa aklat na Comprehensive Nanoscience and Technology, ang tissue engineering
ay nangangako ng solusyon para sa kakulangan ng donor organ sa pamamagitan ng
pagsasama-sama ng mga kaalaman mula sa larangan ng cell biology, material science,
engineering, at surgery para i-regenerate o palaitan ang mga nasirang tisyu. Ang mga cells,
biomaterials, at bioreactors ay ang tatlong bahagi ng standard tissue engineering paradigm at
ang tagumpay ng pagsasagawa ng maayos na engineered na tisyu ay nakasalalay sa
pagsasama-sama ng mga bahaging ito. Ang pagpili ng pagkukunan ng cell, scaffold generate
material, at uri ng bioreactor ay nakadepende sa uri ng engineered na tisyu. Ang mga cell na
gagamitin ay dapat maaring malakihan; ito ay nagpapalala ng interes ng sa paggamit ng stem
cells sa regenerative medicine. Ang mga biomaterials ay kinakailangang mayroong pisikal at
bayolohikal na katangian bilang suporta sa paglago ng tisyu. Ang mga bioreactors ay
kinakailangang magbigay ng perfusion depende sa particular na uri ng stimuli para maging
maunlad ang cell viability at ang mga gamit ng tisyu. Mayroon ng mga maliliit ngunit
matagumpay na klinikal na aplikasyon ng tissue engineering sa mga pasyente, kinapapalooban
2
7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…
http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 26/44
ito ng tissue-engineered trachea, bladder, blood vessel, at balat. (L.L.Y. Chiu, Z. Chu, M.
Radisic, 2011)
Adult Stem Cell Research Avoids Ethical Concerns
Ayon sa artikulong ito, ang Adult stem cell ay mas mahina at mabagal mag -regenerate
hindi katulad ng Embryonic stem cell . Ngunit napag-alaman na ng mga bihasa na kahit ganito
ang kanilang natuklasan tungkol sa Adult stem cells ay mas mapakikinabangan ang Adult stem
cells dahil ang mga stem cell na ito ay hindi makapagdudulot ng tumor at hindi makasisira ng
iba pang mga cells. Base sa naging resulta ng ginawang experimento sa mga zebra fish,
nalamang may potensyal ang Adult stem cell na bumilis ang pag-regenerate katulad ng
potensyal ng Embryonic stem cell. ( Erika Celeste, 2010)
Skin provides Australia's first adult stem cells for rare genetic disease.
Nalaman ng mga bihasa na ang mga pasyenteng may kakaibang genetic diseases ay
mayroong mga stem cell sa kanilang balat na maaring maging gamot sa kanilang sakit. Ang
mga stem cell na ginagamit ay mga iPS o Induced pluripotent stem cells na nakuha sa
pagreprogram o pagbago ng cell upang makagawa ng bago o ibang uring cell na naangkop.
(University of Melbourne, 2011)
Potential of Stem Cells for Skin Regeneration Following Burns
Ang Embryonic stem cells ay dating inisip na maaring maging gamot ng mga nasugatan
at nasunog / nalapnos ang balat. Ito ay napapaligiran ng maraming etikal na isyu ng simbahang
Katoliko kaya't minabuting ng mga bihasa na pag-aralan ang Adult stem cells. Sa isinagawang
pag-aaral, nadiskubre ng mga bihasa na maaring makatulong ang Adult stem cell sa
pagpapabilis ng paggaling ng mga sugat ng mga biktima ng pagkasunog ng balat. Ang Adult
stem cells din ay nakakapagregenerate ng mga glands katulad ng keratinocytes, sebaceous
glands at sweat glands ngunit hindi pa nakakatiyak kung gumagana ba taalaga ang mga glands
na nanggagaling sa mga stem cells na ito. (Wei Lu, Yong Jie Zhang, Yan Jin, 2009)
2
7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…
http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 27/44
Kabanata 3
Metodolohiya
I. Deskripsyon
Matapos makakalap ng mga pangkaligirang impormasyon ay nangalap ang mga
mananaliksik ng impormasyong susuporta sa kanilang paksa. Upang maisakatuparan ang mga
ito, ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng pagsisiyasat o sarbey na may hindi bababa sa 50
na tagatugon at nakipagpanayam sa ekspertong may sapat na kaalamang may kinalaman sa
paksang Stem Cell Therapy .
II. Proseso
Pigura 2
Nagkalap ng impormasyonukol sa stem cells partikular
ang adult stem cells namaaring magbigay lunas sa
mga sakit sa balat,depinisyon, gamit at mga
kaugnay na pag-aaraltungkol dito
Nagsagawa ng sarbey sa mga mag-aaral ng medisina na may sapat na
kaalaman sa Stem cells upangmapatibay ng mga mananaliksik angkanilang pagaaral na ang stem cell aymabisang gamot sa malubhang sakit
sa balat
Matapos magsagawa ng sarbey samga mag-aaral ng medisina, isang
eksperto o doktor naman angnakapanayam. Ito ay doktor namay karanasan sa paggamit ng
adult stem cell technology kasamana rin dito ang mga mananaliksiksa Stem Cell laboratory tulad ng
sa Makati Medical Center.
Nilapatan ng naaayongstatistika ang mga nakalap na
impormasyon mula sa mgataga-tugon. Ginamit ito upangpatunayan na ang adult stemcell ay epektibo at ligtas na
pamamaraan ng panggamot,partikular sa balat.
7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…
http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 28/44
Panayam:
Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng isang panayam sa isang dalubhasa sa mga
sakit sa balat na si Dra. Grace M. Lopez, M.D., miyembro ng Philippine Association for Primary
Skin Health, nagtayo ng Philippine Skin Health Foundation kung saan siya ay kilalang
nagtuturo sa mga kapwa doktor ng mga dagdag na kaalaman at mga bagong pamamaraan ng
paglunas ng mga sakit sa balat. Naghanda ang mga mananaliksik ng mga katanungang nais
nilang mabigyang linaw.
Inalam ng mga mananaliksik ang mga esensyal na kaalaman ukol sa Adult Stem Cell
Treatment ang ang kasalukuyang estado nito sa larangan ng panggagamot sa mga sakit sa
balat.
Matapos ang panayam ay nilagom ng mga mananaliksik ang mga datos at
impormasyong kanilang nakuha mula kay Dra. Lopez at ginawa ring daan tungo sa pagbuo ng
kanilang konklusyon.
Sarbey:
Ang mga mananaliksik ay gumamit ng purposive sampling o pagkakaroon ng
requirement sa pagpili ng mga taong may kakayahan at angking kaalaman sa paksa.
Mga mag-aaral ng Medisina mula sa iba’t ibang unibersidad, upang malaman ang
pangkalahatang kaalaman at hindi lamang sa isang unibersidad, ang naging mga tagatugon ng
sarbey na naglalaman ng mga katanungan ukol sa kamalayan ng mga tagatugon sa Stem Cell
Therapy . Ang mga resultang nakuha mula rito ang ginawang datos ng mga mananaliksik upang
gumawa ng mga analisis at kasagutan sa mga layunin at suliraning naipahayag sa unang
kabanata.
23
7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…
http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 29/44
KABANATA 4
Paglalahad at Pagsusuri ng Datos
Ang kabanatang ito ay magtatalakay at magbibigay ng higit na pagpapaliwanag sa mga
resultang nakalap ng mga mananaliksik mula sa pagsisiyasat at panayam na isinagawa. Ang
pagsisiyasat ay nagkaroon ng 50 na tagatugon mula sa iba't ibang mag-aaral ng Medisina ng
iba't ibang Unibersidad. Samantalang, ang panayam naman ay isinigawa sa Medical Skin
Health Clinical and Cosmetic Dermatology Clinic sa tulong ni Dra. Grace M. Lopez, M.D., isang
doktor na dalubhasa sa mga sakit sa balat, nagtuturo at tagapagsalita sa iba’t ibang mga
kapulungan na may patungkol sa mga sakit sa balat. Mula sa mga resulta ay napatunuyan ng
mga mananaliksik na ang Stem cells ay mabisang gamot sa sakit sa balat.
Survey :
Narito ang mga katanungang nakapaloob sa sarbey at ang mga resultang nakalap :
Pigura 3
Sa katanungnang ito, maaaring tanggapin ng mga mananaliksik ang kasagutang oo at
hindi sapagkat ito ay nagtatanong lamang kung nagkaroon na ang mga tagatugon ng
pagkakataong makapagsagawa ng masinsinang pag-aaral tulad ng isang pananaliksik na
kanilang isinasagawa ngayon.
Ang mga sumagot ng oo ay mas makapagpapalakas sa pagpapatibay na ang paksang
ito ay makahulugan at nararapat lamang bigyang pansin. Ang mga sumagot naman ng hindi ay hindi tahasang nagpapahayag ng kawalang
kasaysayan pag-aralan ang paksang ito ngunit maaaring mayroon silang kaalamaan, at
maaaring isa pa rin itong pinagbibigyang pansing paksa subalit ay wala silang pagkakataong
makapagsagawa ng isang pormal at masinsinang pag-aaral tungkol dito.
OO
44%
HINDI
56%
Nagkaroon na ba kayo ng pagkakataong mapag-aralan kung ano angStem Cells at Stem Cell Therapy /Treatment ?
7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…
http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 30/44
Pigura 4
Ang mga kasagutan ng mga tagatugon sa katanungang ito ay nagbigay sa mananaliksik
ng pagkakataong malaman kung alin sa dalawang pinakamalawak at kilalang proseso ng stem
cell ang mas binibigyang pansin sa kasalukuyan, at maaaring naghahayag ng pagtanggap athindi lubos na pagtanggap nito sa lipunan.
Ayon sa pananaliksik, ang Embryonic Stem Cells nga ang maaaring nagdudulot ng hindi
gaanong magandang imahe sa stem cell treatment sapagkat ito ang paraan ng pagkuha ng
stem cell mula sa isang embryo na binubo ng eggs na na-fertilize sa pamamagitan ng in vitro
mula sa mga taong walang kakayahang magbuntis o infertile. Ang paraan ng pagkuha ng stem
cell na ito ang nagdudulot sa simbahan at sa maraming tao tanggihan at hindi tanggapin ang
stem cell bilang isang ganap na paraan ng panggagamot dahil ito ay may malaking epekto sa
usaping moral at etikal ng sambayanan.
Ang Tissue Stem Cells na mula naman sa Adult Stem Cells ang paraan ng pagkuha ng
stem cells na walang nilalabag na isyung moral at etikal. Isa ito sa mga nais na ring bigyang
kasagutan ng mga mananaliksik: may uri ng stem cell treatment na hindi maiuugnay sa
pagiging imoral, kaya naman maaaring maging ganap itong paraan ng paggagamot sa mga
may sakit lalo na sa mga nangagnailangan nito, at maaari itong ipalaganap sa lipunan, sa mga
tao mang may matibay na etikal at moral na paniniwala o wala.
Ang resultang nakalap ng mga mananaliksik na nagsasabing mas marami ang
nakapagsagawa na ng pag-aaral sa Tissue Stem Cells mula sa Adult Stem Cells ay
nagpapatunay na mas katanggap-tanggap ito, at maraming pag-aarala na ang isinagawa upang
patunayan na isa itong epektibong paraan ng panggagamot, at may posibilidad na ito ay sakit
sa balat.
Tissue Stem Cells na
mula sa Adult Stem
Cells
84%
Embryonic Stem cells
16%
Kung oo ang sagot sa unang tanong, anong uri ng stem cell angginagamit bilang lunas sa mga sakit sa balat tulad ng pagkasunog ng
balat at genetic skin d iseases ?
7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…
http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 31/44
Pigura 5
Ang sagot na oo, na mas nakararami kaysa sa hindi, ay nagpapahayag ng kaalaman ng
mga mag-aaral ng medisina, maging nasa unang taon man ito o mas mataas, na ang Adult
Stem Cell ay may pagkakaiba sa Embryonic Stem Cell , maaaring malaki ang pagkakaiba na ito
ayon sa kanilang magkakaalam o kahit maliit lamang. Ang mahalaga ay nagkakaroon ng
dibisyon ang dalawang uri ng stem cell treatment at ito ay nagpapahayag na may kanya-
kanyang pagkakaiba at may katangi-tanging karakteristik ang dalawa na nagsisilbing paraan ng
pagbubukod dito.
Pigura 6
Ang kasagutan sa tanong na ito ay nagbigay sa mga mananaliksik ng pagkakataong
malaman kung ayon sa kaalaman ng mga mag-aaral mula sa medisina, gaano mag kaliit o
kalawak ang kaalamang ito, ay nagsasabi at nalalaman nila kung may mabuting naidudulot nga
ang stem cell therapy/treatment sa kalusugan ng tao, hindi ikinokonsidera ang moral o etikal na
aspeto na ito. Kaya naman nagpapatibay ang malaking bahagi ng mga tagatugon na sumagot
na oo, sapagkat ipinapakita nitong tunay na nakapagpapagaling ito at maaaring isa ang sakit sa
balat sa mga sakit na malulunasan nito.
OO
84%
HINDI
16%
Ayon sa inyong pansariling kaalaman, iba ba ang Adult Stem Cell saEmbry onic Stem Cell ?
OO
94%
HINDI
6%
Sa inyong palagay, epektibo ba at nakapagbibigay nga ba ng mabutingepekto ang Stem Cell Therapy /Treatment ?
26
7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…
http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 32/44
Pigura 7
Ang mas malaking bahagi ng sagot sa katanungnag ito na oo ay mas nakapagpapatibay
na may kaalaman ang mga tagatugon, maaaring nagmula sa iba’t -ibang paraan ukol sa stem
cell bilang lunas sa mga karamdaman sa balat tulad na lamang ng pagkasunog o genetic skin
deseases.
Pigura 8
Ang follow-up na katanungang ito na nalamangan ng mga sumagot ng oo kaysa hindi,
ay higit na pinagtitibay naman ang pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik na tunay
ngang nakapagpapagaling ng mga sakit sa balat ang stem cell therapy .
Pinagtitibay din nito na marami na ang mga naging pag-aaral, mga artikulo, balita sa
telebisyon, o maging mula sa mga kakilala ng mga tagatugon, na naging dahilan ng kaalaman
nila sa pagpapagaling ng stem cell therapy sa mga sakit sa balat, ang nagbibigay ng positibong
epekto nito sa kalusugan.
OO
68%
HINDI
32%
Nakapagsagawa na ba kayo ng pag-aaral o nakapagbasa na ba kayo ngmga artikulo o aklat na tungkol sa paggamit ng stem cells bilang lunas
sa mga sakit sa balat tulad ng pagkasunog ng balat at genetic skin
diseases ?
OO
60%
HINDI
40%
Kung oo ang sagot sa tanong sa itaas, naging maganda at positibo baang mga nakalagay dito?
27
7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…
http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 33/44
Pigura 9
Ang sagot sa tanong na ito ay nagbigay sa mga mananaliksik ng pangkalahatang
kaalaman ng mga mag-aaral sa medisina sa maaaring maging masamang epekto rin ng stem
cell matapos ito magbigay ng magandang epekto bilang kalunasan sa sakit sa balat, o
anumang uri ng sakit basta’t ito ay naisagawa sa pasyente.
Higit na marami ang tumugon ng wala, na maaaring magpahayag na walang tiyak naside effect na nakasasama sa tao ang stem cell . Maaaring mayroon itong side-effect ngunit
ayon na rin sa pananaliksik ay ito ay depende sa bawat isa, kung paano tatanggapin ng
katawan ang stem cell , kaya naman iba iba ang reaksyon ng bawat tao rito, ngunit mas
nakalalamang na wala dahil sa mga sagot ng tagatugon at ayon na rin sa pananaliksik.
Pigura 10
Ang follow-up na katanungang ito ay nagpapakita at nagbigay daan sa mga
mananaliksik na ang mga nakasaad sa itaas ang mga pinakakilalang side-effect ng stem cell
treatment. Ayon sa pananaliksik, ang rejection at impeksyion nga ang nangununa sa listahan ngside-effects na ito dahil nga iba iba ang katawan ng bawat tao kaya naman maaaring maganda
ang responsiveness ng isa, ngunit masama sa isa. Maaaring i-reject ng katawan ang stem cell
lalo na kung hindi ito adult stem cell na nagmula mismo sa iyong sarili kundi ang iba pang uri ng
stem cell lalo na ang embryonic stem cell sapagkat ito ay isang foreign body sa katawan.
Maaaring hindi lamang tumugon ang katawan at hindi magbigay ng kahit anong epekto ito sa
MAYROON
28%
WALA
72%
May alam ba kayong mga side effects na pwedeng makuha mula rito?
25%
25%
17%
9%
8%
8%8%
Kung mayroon ano/ano-ano ang mga ito?
Kanser
Impeksiyon
Rejection
Pagbaba ng timbang
2
7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…
http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 34/44
kalusugan, ibig sabihin ay parang walang nalagay na stem cell , o maaari ring naming tanggihan
ito at magdulot ng mas malalang impeksyon at komplikasyon. Ngunit ayon sa pag-aaral ay
kaunti lamang ito at ito ay depende sa katawan ng tao, kaya naman nais bigyang linaw ng mga
mananaliksik ang kahalagahan ng pagsasagawa ng mga pagsusuri o tests muna sa pasyente
bago ito sumailalim sa stem cell therapy upang maiwasan ang pag-reject o impeksyon at
komplikasyon.
Pigura 11
Ayon sa pananaliksik at hindi na rin lingid sa kaalaman ng marami na ang stem cell ,
bilang isang komplikado at matrabahong proses ng pagpapaganda ng kalusugan ng tao ay
hindi biro ang halagang ibinabayad upang maisagawa ito sa pasyente. Ayon sa iba’t ibang
pananaliksik, nagsisimula ang stem cell therapy sa labinlimang libong piso (Php 15,000) at
umaabot maging hanggang sa isa o dalawang milyong piso (Php 1,000,000 – Php 2,000,000)
depende sa uri ng stem cell , sa dami ng ilalagay sa katawan at sa kalimitang gagawin ito. Ang mga sumagot ng oo ay nagpapahiwatig na nakikita ng mga tagatugon na mayroong
kamahalan ang prosesong ito at nakikita rin nilang tama lamang at makatarungan ang halaga
kung ang epekto na rin lamang sa kalusugan ang pag-uusapan, o ang sinasabi nga nilang
worth it ang pera sa panggagamot na ito dahil maaaring tunay nga at lubos na gumaling ang
pasyenteng kanilang nalamang sumailalim sa stem cell therapy.
Pigura 12
OO64%
HINDI
36%
Sa tingin mo, tama lang kaya o sulit nga ba ang malaking halaga nakailangan para sa Stem Cell Treatment ?
OO
90%
HINDI
10%
Mairerekomenda mo ba ito sa nakararaming Pilipino?
29
7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…
http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 35/44
Ayon sa kasagutan ng mga tagatugon na mas nakararami ang oo, ay irerekumenda nila
ang stem cell therapy bilang kaganapang lunas para sa mga karamdaman ng tao.
Ipinapahiwatig nito na tunay ngang maganda ang naidudulot nito sa kalusugan dahil nagmula
na rin ang mga kasagutang ito sa mga mag-aaral ng medisina na may kaalaman sa kalusugan
ng tao.
Maaaring ang mga sumagot ng hindi ay dahil sa moral o etikal na aspeto, o maaari rin
naming dahil masyadong malaking halaga ang kailangan upang maisagawa ang prosesong ito.
At kung ibabase sa ekonomikal na kalagayan ng bansa ay hindi pa ito handa upang gawing
pangunahing lunas ang stem cell therapy .
Pigura 13
Ayon sa kasagutan ng mga tagatugon na mas maraming sumasang-ayon na
nalalampasan ng mas mabuting epekto ng stem cell ang isyu hinggil sa pagiging imoral nito ay
nagpapatunay na mabuti talaga ang epekto nito sa kalusugan ng tao. Maaaring hindi ito
tanggapin ng lipunan at ibang sekta ng lipunan ngunit hindi maitatangging may higit na
maganda at positibong dulot ito sa tao, sa agham at sa kalusugan.
OO
78%
HINDI
22%
Kaugnay sa isyu hinggil sa pagiging unethical ng Stem Cell Therapy/Treatment , naniniwala ka ba na higit na matimbang ang
mabuting epekto nito sa kalusugan ng tao kaysa sa pagigingunethical nito?
7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…
http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 36/44
Panayam:
Si Dra. Grace Lopez, M.D. ay isang clinical at cosmetic dermatologist na aming
nakapanamayan tungkol sa stem cells, ang mga klase, gamit, at epekto nito. Tinanong ng mga
mananaliksik sa kanya kung anong uri ng stem cells ang ginagamit sa paggagamot ng iba’t
ibang mga sakit tulad ng malalang pagkasunog ng balat at kanyang sinabi na mayroong tatlong
klase ng stem cells na ginagamit: autologous, xenogeneic, at allogeneic. Ang autologous stem
cell transplantation ay ang paraan kung saan ang stem cells na ginagamit ay mula sa pasyente
mismo. Ang mga xenogenic stem cells naman ay mga stem cells na mula sa mga hayop tulad
ng mga tupa at kuneho na may malakas na immune system kaya sila ang mga pinagkukunan.
Ang allogenic stem cells naman ay mga stem cells na galing sa isang donor na maaaring isang
kamag-anak o kaibigan na walang sakit at may kaugmang stem cells para hindi ito tanggihan ng
katawan ng pasyente.
Tinanong ng mga mananaliksik kung saan kinukuha ang mga stem cells at ang kanyang
tugon ay maaari itong kuhanin mula sa bone marrow at mga adipose tissue o taba. Isa rin sa
mga katanungan ng mga mananaliksik kung ano ang ipinagkaiba ng embryonic stem cells at ito
raw ay tinatawag na species-specific na maaaring makasira sa mga cells at magdulot ng cyst o
tumor kaya hindi nila ito ginagamit. Ang ginagamit lang nila ay ang precursor type na stem cells
o organ-specific dahil ito ay tumubo o mature na at hindi tulad ng embryonic stem cells na
tutubo pa lamang, kaya maaaring tumubo ang panibagong organ na maaaring magdulot ng
komplikasyon.
Itinanong din ng mga mananaliksik kung anong mga uri sakit ang kayang pagalingin ng
stem cells at sinabi niya na kaya ayusin ang pinsalang dinulot ng mga sakit tulad ng eczema at
psoriasis kung ito ay natuklasan ng maaga. Kaya rin daw nitong pagalingin ang sakit na HIV
dahil ito ay nakakapag-alis ng virus nito.
Ang ginagamit nilang stem cells ay ang xenogeneic na galing sa mga tupa. Ito raw ang
kanilang ginagamit dahil ito ay napatunayang may epektong panterapeutika. Inusisa rin ng mga
mananaliksik ang mga posibleng idulot na side-effects ng paggamit ng stem cells at sinabi ni
Dra. Lopez na maaari ngang hindi ito tanggapin ng katawan sapagkat ito ay intuturing nitong
isang foreign body . Idinagdag din niya na isang kontraindikasyon ang paggamint ng stem cells
sa mga anticoagulants, kaya hindi ito maaaring isagawa sa mga pasyenteng gumagamit ng
anticoagulants tulad ng warfarin, at hindi rin ito maaaring ibigay sa mga buntis para matiyak ang
kaligtasan ng kalusugan.
3
7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…
http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 37/44
KABANATA 5
Paglalagom, Konklusyon at Rekomendasyon
Ang kabanatang ito ay naglalaman ng paglalagom ng buong pananaliksik, konklusyonna nabuo mula sa mga resultang nakuha at mga rekomendasyon base sa mga suliraning
kinaharap habang isinasagawa ang pananaliksik na ito.
Paglalagom
Ilan sa pinakamahahalagang layunin ng pananaliksik na ito ay patunayan kung maari
bang gamitin at epektibo ba ang stem cell sa panggagamot ng mga malulubhang sugat tulad ng
malalang pagkasunog at mga genetic skin diseases; at ang pagtuklas sa kamalayan ng mga
Pilipino sa Stem Cell Therapy. Upang maisakatuparan ito, kinailangan ng mga mananaliksik na
maghanap ng mga kaugnay na mga pag-aaral at literatura para sa pag-unawa sa stem cells;
ano ito? Ano-ano ang iba't ibang uri nito? May mga side-effects na bang natuklasan?
Nagagamit na ba ang teknolohiyang ito ngayon sa bansa? Ilan sa mga natuklasan mula sa mga
kaugnay na pagaaral ang mga sumusunod:
Ayon sa United States Department of Health & Human Services, National Health
Institute (2012), ang Stem Cell Therapy ay isa sa mga makabagong paraan ng panggagamot na
patuloy na pinag-aaralan ng mga eksperto. May dalawang uri ng Stem Cells, ang embryonic
stem cells na mula sa mga embryo at ang adult stem cells na matatagpuan sa katawan ng tao
partikular sa mga tissues at organs. Ayon kina Gaelle Lapouge at Cedric Blanpain ng Université
Libré de Bruxelles (2004), ang balat daw ng tao o hayop ay may kakayahang mag-regenerate
habang nabubuhay ang mga ito dahil sa pagkakaroon nito ng mga adult stem cells. Matapos
masugatan ang isang tao, may kakayahan ang balat na pagalingin ang sarili sa loob ng ilang
araw o lingo. Ngunit, kung ang sugat na natamo ay masyadong malubha, ang balat ng tao ay
wala ng kakayahang pagalingin ito ng walang tulong pang-mediko. Ang adult stem cells ay
kinukuha mula sa sariling dugo ng pasyente sa pamamagitan ng paggamit ng standard blood
draw. Sa Regenocyte Therapeutic, ang mga natural na stem cells na nasa dugo ng tao ay
nililinang upang maging milyon-milyon.
7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…
http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 38/44
Matapos matuklasan ang mga preliminaryong kaalaman ay nagsagawa ng survey ang
mga mananaliksik. Nagkaroon ng 50 tagatugon ang mga mananaliksik na may pangunahing
layunin na matuklasan kung ginagamit ba talaga ang stem cells bilang lunas sa sakit sa balat at
kung may natuklasan ng side-effects ang paggamit ng Stem Cells. Ang naging target population
ng mga mananaliksik ay mga Medicine Students mula sa iba't ibang Unibersidad, sapagkat sila
sa lahat ng mga kursong ang tiyak na may kaalaman sa stem cells. Ninais ng mga mananaliksik
na maintindihan ang pagkakaiba ng adult stem cell at embryonic stem cell ; kung paano at saan
ito nakukuha; kaya nagsagawa rin ng mga panayam sa mga eksperto o doktor ang mga
mananaliksik upang mapagtibay ang resulta ng survey at makumpirma kung nagagamit na nga
ba talaga ang stem cell sa panggagamot sa sakit sa balat.
Konklusyon
Matapos ang isinagawang sarbey sa mga mag-aaral ng medisia at panayam sa isang
dalubhasang si Dra. Grace Lopez, M.D. na may angking kaalaman sa paksa ng pag-aaral ay
nakabuo ang mga mananaliksik ng konklusyon ukol sa pag-aaral na ito sa stem cells bilang
lunas sa mga sakit sa balat tulad ng pagkasunog at genetic skin diseases.
Masasabi ng mga mananaliksik na kahit na hindi pa tuwirang itinuturo sa kolehiyo ang
paraan ng panggagamot na gamit ang stem cells, may angking kaalaman pa rin ang mga mag-
aaral tungkol dito dahil sa mga nababasang libro o artikulo na nagtataglay ng mga
impormasyon at pag-aaral tungkol sa paksang ito. Maraming mga mag-aaral ng medisina ang
naniniwala na mas matimbang ang mabuting epekto ng paggamit ng stem cell sa katawan
kaysa sa mga unethical na isyu na kasama nito. Masasabing maganda itong senyales na may
kamalayan ang bahagi ng lipunang may kinalaman sa agham lalo na ang mga nagnanais
maging doktor.
Ginagamit na sa ilang mga ospital tulad ng Makati Medical Center sa bansa ang stem
cells bilang paraan ng panggagamot ng mga sakit sa balat tulad ng malubhang pagkasunog at
genetic skin diseases.
Ang Adult Stem Cells at Embryonic Stem Cells ay napatunayan ding may malaking
pagkakaiba mula sa paraan ng pagkuha o pag-culture, paraan ng paglagay nito sa tao
hanggang sa epekto nito. Napatunayan rin na ang uri ng Stem Cells na ginagamit sa
33
7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…
http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 39/44
panggagamot ng mga sakit sa balat na nabanggit ay mga Tissue Stem Cells na mula sa Adult
Stem Cells.
Ilan sa mga side-effects sa katawan ng tao ang paggamit ng mga stem cells tulad ng
impeksiyon, rejection ng ating katawan, kanser, anemia, at iba pa.
Pinatunayan ng pananaliksik na ito na ang stem cells ay kasalukuyan nang ginagamit sa
bansa. Samakatuwid, epektibo ito at maaaring gamitin sa panggagamot sa mga sakit sa balat
pati na rin sa pagpapaganda nito. Marami na ring Pilipino ang sumailalim sa panggagamot
gamit ang stem cells na walang naramdamang side-effects hanggang sa ngayon.
Nagpapatunay din ito na marami na ring Pilipino ang nakaaalam sa ganitong klase ng
teknolohiya ng panggagamot.
Rekomendasyon
Patungkol sa mga mag-aaral o mananaliksik kaugnay ang stem cells. Inirerekomenda
ng mga mananaliksik na magkaroon ng mas malawak na target population. Maliban sa mga
mag-aaral ng Medisina ay mas mainam kung isasama rin ang mga mag-aaral na may kursong
Molecular Biology at mga kursong kaugnay ng Biotechnology at ang mga pasyente na dumaan
na sa proseso ng stem cell treatment . Sa pamamagitan nito, higit na mapagtitibay na ang stem
cells ay epektibo at walang side effects na naggaling mula sa mga nag-aaral tungkol dito at ang
mga nakaranas na ng teknolohiyang ito. Inirerekomenda rin ang higit na maraming panayam
mula sa mga propesyonal at doktor na nanaliksik at gumagamit ng ganitong uri ng
panggagamot. Sa tulong nila, mas mauunawaan at maipapaliwanag ang pananaliksik at higit sa
lahat, magiging higit na konkreto ang pananaliksik.
34
7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…
http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 40/44
BIBLIYOGRAPIYA
A., D. (2003-2004). Adult Stem Cells: 19 Issues L. & Med. 265.
Atala, A. (2013). Handbook of Stem Cells (2nd edition). NC: nthony Atala Wake Forest
University Department of Urology Winston-Salem,.
Burns. (2010). review , 450-460.
Cavazza A., M. F. (2012 Aug 13). Gene therapy of skin adhesion disorders. Curr Pharm
Biotechnol. , 10.
De Luca M., P. G. (2009). Gene therapy of inherited skin adhesion disorders: a critical overview.
Ducheyne, P. (2011). Comprehensive Biomaterials.
Elsin, Y.M. (2003). Tissue Engineering, Stem Cells & Gene Therapies. New York: Springer-
Verlag.
Friedman, Lauri S., and Hal Marcovitz. Is Stem Cell Research Necessary? Referencepoint
Press, 2009.
Haerens, Margaret. Embryonic and Adult Stem Cells. San Diego: Greenhaven Press, 2009.
Henry Young, A. B. Adult Stem Cells. Macon, Georgia: Department of Pediatrics, Mercer
University School of Medicine.
Irina Klimanskaya, R. L. (2006). Methods in Enzymology. 1-534.
Kilner, John, et al. Basic Questions on Genetics, Stem Cell Research and Cloning: Are These
Technologies Okay to Use? Grand Rapids: Kregel, 2002.
Marzilli, Alan. Stem Cell Research and Cloning . New York: Chelsea House, 2007.
Mummery C., Sir Wilmut I., Van A., De, et. al., (2010). Stem Cells: Scientific Facts and Fiction.
U.S.A : Elsevier Inc., Academic Press
Panno, Joseph. Stem Cell Research: Medical Applications and Ethical Controversy. New York:
Checkmark, 2006.
Potten, Christopher S., Robert B. Clarke, James Wilson, and Andrew G. Renehen, eds. Tissue
Stem Cells. New York: Informa Healthcare, 2006.
Prentice, David A. Stem Cells and Cloning . 2nd ed. San Francisco: Benjamin Cummings, 2008.
7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…
http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 41/44
Robert Lanza, John Gearhart, (2009). Essentials of Stem Cell Biology. U.S.A. : Elsevier Inc.,
Academic Press
Shi Y., Clegg D.O., (2008). Stem Cell Research and Therapeutics. California, U.S.A.: Springer
S. T. Q. Zeng, L.K. Marki. Stony Brook, NY, USA : State University of New York-Stony
Brook,.
Snow, Nancy E., ed. Stem Cell Research: New Frontiers in Science and Ethics . Notre Dame,
IN: University of Notre Dame Press, 2005.
Taupin, P., (2008). Stem Cells and Regenerative Medicine, Volume III: Pharmacology and
Therapy. New York : Nova Publishers Inc.
Van Zyl, B., (2009). How Adult Stem Cell Therapies Can Save Your Life: Medicine's Best Kept
Secret . U.S.A : iUniverse Inc.
Wertz, Dorothy C. “Embryo and Stem Cell Research in the USA: A Political History.” Trends in
Molecular Medicine 8 (2002): 143-146.
7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…
http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 42/44
APPENDIX
Appendix A: Talatanungan
36
Pigura 14
7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…
http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 43/44
Appendix B: Liham Pahintulot
3
Pigura 15
7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…
http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 44/44
Appendix C: Mga Litrato kasama si Dra Grace Lopez, M.D. (Pebrero 9, 2013)
Pigura 16
3