EsP 9-Modyul 2

24
Aralin 2 LIPUNANG PAMPOLITIKA, PRINSIPYO NG SUBSIDIARITY AT PRINSIPYO NG PAGKAKAISA Inihanda ni: ARNEL O. RIVERA Ang GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos.

Transcript of EsP 9-Modyul 2

Page 1: EsP 9-Modyul 2

Aralin 2

LIPUNANG PAMPOLITIKA, PRINSIPYO NG SUBSIDIARITY AT PRINSIPYO NG PAGKAKAISAInihanda ni: ARNEL O. RIVERAAng GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos.

Page 2: EsP 9-Modyul 2

Panimula:

• Isa sa pinakamasayang

bahagi ng buhay high-

school ang paghahanap ng

mga matatalik at tunay na

kaibigan.

• nagsasama-sama ang mga

magkakatulad ang mga

INTERES, HILIG, o

PANGARAP.

Page 3: EsP 9-Modyul 2

Panimula:

• Ang pamayanan ay parang isang BARKADAHAN.

Sama-sama silang bumubuo ng mga sistema kung

paano haharapin ang mga hamon sa buhay. May

mga kwento silang pinagdadaanan at nabubuo

ang kanilang kultura.

Page 4: EsP 9-Modyul 2

Ano ang kultura?• Kultura ang tawag sa mga

nabuong gawi ng pamayanan.

• Ito ang mga tradisyon,

nakasanayan, mga

pamamaraan ng pagpapasya,

at mga hangarin na kanilang

pinagbahaginan sa paglipas

ng panahon.

• Gabay ang mga tradisyong ito

sa mga hamon sa

kinabukasan.

Page 5: EsP 9-Modyul 2

Lipunang Pampolitikal

• Habang lumalaki ang mga grupo, nagiging mas

mahirap na pakinggan ang lahat at panatilihin ang

dating nakukuha lamang sa bigayan at

pasensiyahan.

• Sa dami ng interes at nagkakaiba-ibang pananaw,

mas masalimuot na ang sitwasyon. Hindi na lamang

iisang kultura ang mayroon, maraming kultura ang

umiiral na pare-parehong nagnanasa ng

pagyabong.

Page 6: EsP 9-Modyul 2

Lipunang Pampolitikal

• Pampolitika ang tawag sa paraan ng

pagsasaayos ng lipunan upang masiguro na

ang mga bawat isa ay malayang magkaroon

ng maayos na pamumuhay, makamit ang

pansariling mithiin sabay ang kabutihang

panlahat.

• Pinangungunahan ito ng pamahalaan.

Page 7: EsP 9-Modyul 2

Tungkulin ng pamahalaan sa lipunan

1. Gumawa ng mga batas na naglalaman sa mga

pagpapahalaga at adhikain ng mga mamamayan.

2. Magtatatag ng mga estruktura na maninigurong

nakakamit ng mga tao ang kanilang batayang

pangangailangan.

3. Mag-iipon, mag-iingat, at magbabahagi ng yaman sa

pamamagitan ng pagbubuwis at pagbibigay-serbisyo.

4. Magpapatupad ng batas upang matiyak ang soberanya

at mapanatili ang seguridad at kapayapaan sa loob ng

bansa na kailangan sa pagiging produktibo ng lipunan.

Page 8: EsP 9-Modyul 2

Isang kaloob ng tiwala

• Ang pamamahala ay usapin ng pagkakaloob ng

tiwala. Nagiging pinuno ang isang tao dahil sa tiwala

ng mga nasasakupan.

• Ang mga pinuno ay may matatayog na pangarap na

maaaring maabot sa pakikipagtulungan sa iba. May

talas sila ng paningin upang makita ang potensiyal

ng grupo o pamayanan. Mulat sila sa mga

katutubong yaman ng grupo at ang mga potensyal

sa pag-unlad nila nang sama-sama.

Page 9: EsP 9-Modyul 2

Ang lipunan ay hindi pinapatakbo

ng iilan. Kailangan pa ring

makilahok ng taumbayan, gawin

ang kayang gawin ng bawat isa, at

ibahagi ang bunga ng paggawa sa

bayan.

Page 10: EsP 9-Modyul 2

Ang proyekto ng pinuno ay

hindi proyektong para sa

kanyang sarili. Ito ay proyekto

para sa kanya at para sa

kaniyang pinamumunuan.

Page 11: EsP 9-Modyul 2

PRINSIPYO NG

PAKIKIPAGTULUNGAN

(SUBSIDIARITY)

• Tumutulong sa pamahalaan ang

mga mamayan na magawa nila ang

makakapag paunlad sa kanila na

walang makakahadlang sa kalayaan

ng mga mamayan mula sa pinuno

sa pamamagitan ng pag –aambag

sa estado ng kanilang buwis, lakas

at talino.

Page 12: EsP 9-Modyul 2

PRINSIPYO NG PAGKAKAISA

(SOLIDARITY)

• Tungkulin ng mga mamayan ang

magtulungan at ng pamahalaan ang

magtayo ng mga estruktura upang

makapagtulungan ang mga

mamayan.

Page 13: EsP 9-Modyul 2

Ang LIPUNANG PAMPOLITIKA ay isang ugnayang

nakaangkla sa pananagutan ng pinuno na

pangalagaan ang nabubuong kasaysayan ng

pamayanan. Ang pag-unlad ng isang lipunan ay

hindi gawa ng pinuno, gawa ito ng pag-ambag ng

talino at lakas ng mga kasapi sa kabuuang

pagsisikipa ng lipunan.

Page 14: EsP 9-Modyul 2

Ang pag-unlad ng

lipunan ay hindi

gawa ng pinuno.

Gawa ito ng talino

at lakas ng mga

kasapi sa

kabuuang

pagsisikap ng

lipunan.

Page 15: EsP 9-Modyul 2

Ang namumuno ay hindi espesyal

na nilalang na hiwalay sa

kasaysayan ng tao at bayan.

Nangunguna lamang sila sa grupo,

hindi nasa itaas ng iba. Utang na

loob nila sa taumbayan na

ipinaubaya sa kanila ang

pangunguna sa bayan.

Page 16: EsP 9-Modyul 2

Kapwa “boss”

ang pangulo at

ang

mamamayan.

Tulad ng isang

barkada, walang

sinuman ang

nangunguna.

Page 17: EsP 9-Modyul 2

“Boss” ng bayan ang pangulo –

magtiwala ang bayan sa

pangunguna ng pinuno dahil

may makikitang higit at dakila

ang pinuno para sa kasaysayan

at kabutihang panlahat.

Page 18: EsP 9-Modyul 2

“Boss” naman ng pinuno ang

taumbayan – walang gagawin

ang pinuno kundi ingatan,

payabungin, at paunlarin ang

mga karapatan at kalayaan

ng mga tao sa bayan.

Page 19: EsP 9-Modyul 2

Ang tunay na “Boss” ay ang

KABUTIHANG PANLAHAT –

ang pag-iingat sa ugnayang

pamayanan at ang

pagpapalawig ng mga tagumpay

ng lipunan.

Page 20: EsP 9-Modyul 2

• Bakit mahalaga ang prinsipyo ng

pakikipagtulungan at pakikipagbukluran

sa loob ng lipunan?

• Bakit mahalagang makita ang

pagpapatakbo sa lipunan bilang kapwa-

pananagutan ng pinuno at mamamayan

PAGPAPAHALAGA

TAKDA:

Page 21: EsP 9-Modyul 2

References:

• Edukasyon sa Pagpapakatao 9– Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015 , DepEd

• EsP 9 M2 Lipunang Pampolitika by Ian Mayaan Retrived02 May 2017 from https://www.slideshare.net/justinemayaanpatricio/module-2lipunangpampolitikaprinsipyongsubsidiarityatprinsipyongsolidarity

• MODYUL 2: Lipunang pampolitika, prinsiplyo ngsubsidiarity at prinsipyo ng pagkakaisa by Mary KrystineP. Olido Retrived 02 May 2017 from https://www.slideshare.net/RalphIsidro/modyul2-lipunangpampolitikaprinsipyongsubsidiarityatprinsipyongpagkakaisa2-1

Page 22: EsP 9-Modyul 2

Isulat kung ano ang tinutukoy sa pangungusap.

NO ERASURES. Wrong Spelling Wrong.

1. Ang tawag sa mga nabuong gawi ng

pamayanan.

2. Tawag sa paraan ng pagsasaayos ng lipunan

upang masiguro na ang mga bawat isa ay

malayang magkaroon ng maayos na

pamumuhay.

3. Tumutulong sa pamahalaan ang mga

mamayan na magawa nila ang makakapag

paunlad sa kanila na walang makakahadlang

sa kalayaan ng mga mamayan.

Page 23: EsP 9-Modyul 2

Isulat kung ano ang tinutukoy sa pangungusap.

NO ERASURES. Wrong Spelling Wrong.

4. Tungkulin ng mga mamayan ang

magtulungan at ng pamahalaan ang magtayo

ng mga estruktura upang makapagtulungan

ang mga mamayan.

5. Ang tunay na “Boss” ay ang ___________.

Page 24: EsP 9-Modyul 2

SAGOT:

1. Kultura

2. Pampolitika

3. PRINSIPYO NG PAKIKIPAGTULUNGAN

(SUBSIDIARITY)

4. PRINSIPYO NG PAGKAKAISA

(SOLIDARITY)

5. Kabutihang Panlahat