EPP 4 · 2021. 3. 21. · PAGLILIPAT O DI TUWIRANG PAGTATANIM •Ginagawa ito pagkatapos na...
Transcript of EPP 4 · 2021. 3. 21. · PAGLILIPAT O DI TUWIRANG PAGTATANIM •Ginagawa ito pagkatapos na...
EPP 4
EPP4WEEK30
Mga Wastong Pamamaraan
sa Pagpapatubo ng
Halamang Ornamental
Mga Pamamaraan
ng Pagtatanim.
TUWIRANG PAGTATANIM(DIRECT PLANTING)
•Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng dible
(dibble). Magbutas sa lupa sa pamamagitan
ng paggamit ng dible para ibaon ang buto.
Maari ring isabog ang mga buto ng hindi na
humuhukay ng butas sa lupa.
PAGLILIPAT O DI TUWIRANG PAGTATANIM
•Ginagawa ito pagkatapos na
magpatubong mga buto sa isang
punlaan. Ililipat ang punla kapag
maari na itong mabuhay sa natural na
kondisyon ng panahon.
Iba’t ibang Paraan
ng Pagpaparami
Halaman
MULA SA BUTO
•Ito ang pinaka-karaniwan at
pinakasimpleng paraan ng pagpaparami
ng halaman.
PAGTATANIM NG MGASANGA
•Sa ganitong pamamaraan ang halaman
ay tumutubo sa pamamagitan ng
pagputol ng sanga nito at ilalagay sa
lupa upang tubuang muli ng panibagong
ugat.
PAGSUSUPLING O GRAFTING
•Sa paraang ito isinisingit ang sanga sa
isang halamang ina. Ang tawag sa
pinutol sa sanga ay scion. Isisingit ang
scion sa stock at babalutan ito ng
tape.
PAG-UUGAT O MARCOTTING
•Sa ganitong pamamaraan, ang
sanga ng halaman ay pinauugatan
habang nakakabit sa isang
halaman.
Mga maaaring paraan ng
pagbebenta ng
halamang ornamental
TINGIANG PANINDA
•Ito ay isang direktang bumibili ang
mga mamimili sa mga nagtatanim,
maaaring magkaroon ng malaking tubo
sa ganitong paraan at kadalasang
ginagawa sa bakuran o lugar pamilihan.
PAGTITINDA SA MGAMIDDLEMAN
•tinatawag ring mga mangangalakal
ang mga midlleman na bumibili ng
direkta at maramihan sa mga
nagtatanim at ibinebenta naman ito
sa pamilihan.
BENTAHAN SA NAGTATANIM
•pumunta ng direkta ang mga namimili,
nakakamura ang mamimili dito
sapagkat hindi na gumagastos ang mga
magsasaka sa pagpapadala ng mga
produkto sa pamilihan.
KONTRATANG PAGBEBENTA
•maaaring ibenta sa mga kompanya
o middleman na nagdadal naman sa
mga malalaking pamilihan.
PAGBEBENTA SAKOOPERATIBA
•maaaring ibagsak ng mga nagtatanim sa
isang kooperatiba at dito naman
kukuha ang mga namamakyaw o
malalaking tindahan.