ELE KT R ONIKO KONG ANG AK LAT

19
[Type here] [Type here] [Type here] (Subtitle) Philippine School Doha Intermediate Department SY 2021-2022 ANG AKLAT KONG ELEKTRONIKO Inihanda nina: Kayumanggi L. Monsanto, MED Jessie A. Timay, MAFIL Enrique H. Salazar, EDD Isinaayos kasama si: Jessilyn F. Mariano, MPA, MSIT (Isang Gabay sa Pag-aaral ng Wikang Filipino)

Transcript of ELE KT R ONIKO KONG ANG AK LAT

Page 1: ELE KT R ONIKO KONG ANG AK LAT

[Type here] [Type here] [Type here]

(Subtitle)

Philippine School Doha Intermediate Department SY 2021-2022

ANG AKLAT

KONG

ELEKTRONIKO

Inihanda nina:

Kayumanggi L. Monsanto, MED

Jessie A. Timay, MAFIL

Enrique H. Salazar, EDD

Isinaayos kasama si:

Jessilyn F. Mariano, MPA, MSIT

(Isang Gabay sa Pag-aaral ng Wikang Filipino)

Page 2: ELE KT R ONIKO KONG ANG AK LAT

TINTA 5

MONSANTO.TIMAY SALAZAR

Kaligirang Kasaysayan

PILIPINAS. Isang malaparaisong lugar na matatagpuan sa Timog- Silangang

Asya. Lahat ng mga tao sa lugar na ito ay namumuhay ng matiwasay at masagana. Iba-

ibang uri ng pamumuhay ang tumawid sa bawat pamilya. Nabuhay ang lahat sa

pangangaso, pangingisda, pagsasaka at pagmimina. Napakalawak ng kanilang yaman

na kahit iilang pamilya pa ang dadayo sa bawat dako ay kakayaning buhayin ng yaman

ng lugar.

Naging maayos na sana ang pamumuhay ng mga mamamayan nang may mga

lamang-lupa na gustong pagharian ang mundo ng mga tao, nagsimula silang manggulo

at maghasik ng lagim. Mula noon, ang tahimik at matiwasay na lugar ay naging isang

masukal at magulong paraiso.

Sa mundo ng pantasya at imahinasyon ay makikilala mo ang mga lamang-lupa

na gustong pagharian ang santinakpan. Mga maiitim na nilalang na magdudulot ng

katapusan sa masasayang pamumuhay ng mga tao.

Upang mailigtas ang mamamayan at ang mga tao sa panggugulo ng mga

lamang-lupang ito, isa ka sa pinakamapalad na nilalang na inatasan at napiling iligtas

ang mga tao. Sa iyong katalinuhan, kasipagan at kabaitan ay matutulungan mong

matalo ang mga masasamang nilalang sa kanilang pananakop.

Halika na BATA, simulan mo na ang pakikipaglaban, gamitin mo ang iyong

husay at galing sa paggapi at isalba mo ang mundo at ang buong lipi!

Page 3: ELE KT R ONIKO KONG ANG AK LAT

TINTA 5

MONSANTO.TIMAY SALAZAR

Sa pagsisimula mo ng iyong panibagong laban, idikit mo rito ang iyong napiling

karakter:

Ito ang mga bato na kailangan mong makuha upang mailigtas mo

ang mga tao. Makukuha mo ang mga ito mula sa mga pagsubok na iyong

pagdadaanan.

Handa ka na ba sa iyong pakikipaglaban, Bata?

Page 4: ELE KT R ONIKO KONG ANG AK LAT

TINTA 5

MONSANTO.TIMAY SALAZAR

Kumusta ka, Bata! Naalala mo pa ba ako?

Ako ulit ang tutulong sa iyo upang ikaw ay

magtagumpay sa iyong panibagong

pagsubok. Pinabilib mo ako sa ginawa mong

pagtalo kay NUNO SA PUNSO. Ngayon ay

may bago ka na namang kalaban.

Halika na, kilalanin mo na siya!

Page 5: ELE KT R ONIKO KONG ANG AK LAT

TINTA 5

MONSANTO.TIMAY SALAZAR

UNANG YUGTO:

Laban 2: Ang Pakikipaglaban sa KAPRE

Ang KAPRE ay isang nilalang na sumakop sa lugar

pa rin na kung saan mahahanap ang tahanan ng

mga tao. Alipin pa rin niya ang mga nanay at mga

anak sa bawat tahanan. Hindi makakaligtas ang

mga tao sa kanyang pagbabantay dahil sa kanyang

higanteng katawan at maliksing isipan.

Page 6: ELE KT R ONIKO KONG ANG AK LAT

TINTA 5

MONSANTO.TIMAY SALAZAR

Hahaha! Ang tapang mo, Bata! Ano ang pwede

mong magawa sa liit mong iyan? Makikipaglaban

ka sa akin? Sa yugtong ito ay kailangan mong

maipakita na matalino ka. Kung magiging mahusay

ka sa iyong pagsagot sa hamon na ibibigay ko sa iyo

ay makukuha mo mula sa akin ang ikalawang

BATO: ang PILAK!!!

Page 7: ELE KT R ONIKO KONG ANG AK LAT

TINTA 5

MONSANTO.TIMAY SALAZAR

Hawak ko na Bata ang ikalawang pagsubok na iyong

gagawin sa Ikalawang Laban, huwag kang mag-alala,

tutulungan pa rin kita. Talasan mo pa rin ang iyong

isip dahil ikaw pa rin ang gagawa ng mga ito, ako ay

tanging gabay lamang.

Page 8: ELE KT R ONIKO KONG ANG AK LAT

TINTA 5

MONSANTO.TIMAY SALAZAR

IKALAWANG MARKAHAN

MODYUL 1: PANGNGALAN

(150 minuto)

Ikalawang Laban: BATONG PILAK

Page 9: ELE KT R ONIKO KONG ANG AK LAT

TINTA 5

MONSANTO.TIMAY SALAZAR

Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang mapag-uuri-

uri ang pangngalan ayon sa katangian at tungkulin na makatutulong sa

pagpapahayag at pagsasalaysay ng ideya at kaisipan. Sa partikular, ikaw

ay inaasahang:

1. natutukoy ang mga pangngalan at mga uri nito sa pangungusap;

2. naibibigay ang paksa ng napakinggang usapan;

3. naipahahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa isang

napakinggang usapan/balita; at

4. naisasalaysay muli ang napakinggang balita sa tulong ng mga

pangungusap.

Lahat ng ito ay makakatulong sa iyo na maging isang mahusay na

tagapagbalita (newscaster) na maaaring isa sa iyong pagpipiliang

propesyon sa hinaharap.

ANO ANG DAPAT KONG MALAMAN?

Page 10: ELE KT R ONIKO KONG ANG AK LAT

TINTA 5

MONSANTO.TIMAY SALAZAR

TUNGKULIN NG MAGULANG • Pinapaalala ang pagsagot sa mga gawain at pagsasanay.

• Tinitiyak na maayos at kumpleto ang pagsagawa ng mga gawain at

pagsasanay sa aklat.

• Ginagabayan ang anak sa pagpasa ng mga pasulit at proyekto sa Google

Classroom.

• Natutulungan ang anak sa pag-unawa sa mga gawain sa bawat aralin.

• Natitingnan kung maayos ang pagsagawa ng proyekto.

TUNGKULIN NG MAGULANG

Page 11: ELE KT R ONIKO KONG ANG AK LAT

TINTA 5

MONSANTO.TIMAY SALAZAR

ANO ANG ALAM KO?

“Kung ikaw ay Masaya!”

Iguhit ang sa patlang kung ang salita ay pangngalan at

kung ang salita ay hindi pangngalan.

Isulat ang iyong sagot sa notbuk.

__________1. Ilog _________6. kumakanta

__________2. ospital _________7. parke

__________3. makintab _________8. bakuran

__________4. maging _________9. pista

__________5. naglalaba ________10. upuan

Page 12: ELE KT R ONIKO KONG ANG AK LAT

TINTA 5

MONSANTO.TIMAY SALAZAR

ANO-ANO ANG MGA ITO?

“Sa Aking Bahay-Kubo”

Kabisado mo ba ang kantang “Bahay-Kubo”? Subukan mo itong

pakinggan at sabayan ang pag-awit. Nagustuhan mo ba? Isulat mo nga sa

loob ng kahon ang mga prutas at gulay na binanggit sa kanta. Isulat ang

iyong sagot sa notbuk.

PANGNGALAN

Sa kanta, lahat ng mga prutas at gulay ay mga halimbawa ng

pangngalan. Ano ba ang pangngalan? Bakit kailangan natin itong pag-

aralan?

Katulad mo, bilang isang bata, ikaw ay binigyan ng pangalan ng

ng iyong mga magulang. Ang pangalan mo ay halimbawa ng

Page 13: ELE KT R ONIKO KONG ANG AK LAT

TINTA 5

MONSANTO.TIMAY SALAZAR

ANO-ANO ANG MGA ITO?

pangngalan. Lahat ng mga tao, bagay, hayop at lugar ay may mga

katawagan at ang mga katawagang ito ay tinatawag na mga pangngalan.

Upang lubos mong maintindihan ang aralin natin, basahin mo ang

pagpapaliwanag dito.

Ang mga pangngalan ay katawagangna tumutukoy sa tao, hayop,

bagay, lugar at pangyayari. Maaaring mahimay ang pangngalan ayon sa

kaurian, katuturan, kasarian, kailanan, kaanyuan, kalikasan, at

katungkulan.

Ayon sa Katangian

1. Pantangi - tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao, bagay,

hayop, pook, pangyayari, at iba pa. Karaniwang

Page 14: ELE KT R ONIKO KONG ANG AK LAT

TINTA 5

MONSANTO.TIMAY SALAZAR

ANO-ANO ANG MGA ITO?

nagsisimula sa malaking titik.

Halimbawa: Pilipinas, Adidas, Panagbenga

2. Pambalana - tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao, pook,

hayop, bagay, pangyayari, at iba pa. Karaniwang nagsisimula sa

maliit na titik.

Halimbawa: bansa, korporasyon, pista

Konkreto at Di-konkreto

Ang mga pangngalan ay maaari ring pangkatin sa kongkreto at di-

kongkreto.

1. Kongkreto - pangngalang nahahawakan, nakikita, nalalasahan

at iba pang nagagamitan ng pandama.

Halimbawa: gatas, kapatid, kotse

2. Di-konkreto - pangngalang tumutukoy sa kalagayan o

kundisyon.

Halimbawa: pagmamahal, gutom, kapayapaan

Page 15: ELE KT R ONIKO KONG ANG AK LAT

TINTA 5

MONSANTO.TIMAY SALAZAR

ANO-ANO ANG MGA ITO?

Ayon sa Tungkulin

Naayon sa sakop o uri ng katuturan ang mga pangngalan. Maaari

itong tahas, basal, hango, lansak o patalinghaga.

1. Tahas - pangngalang nararanasan ng isa sa mga limang

pandamdam (paningin, pandinig, panlasa, pakiramdam at

pang-amoy) at may katangiang pisikal.

Halimbawa: tubig, bundok, pagkain

2. Basal - pangngalang tumutukoy sa mga kaisipan o konsepto

na hindi nararanasan ng limang pandamdam at walang pisikal

na katangian. Nasa anyong payak ang lahat ng pangngalan

basal.

Halimbawa: wika, yaman, buhay

3. Lansakan o Palansak - pangngalang tumutukoy sa isang

kalipunan o karamihan. Maaaring maylapi ito o wala.

Halimbawa: madla, sangkatauhan, kapuluan

Naintindihan mo ba ang talakayan dito? Ngayon ay alam

mo na kung bakit dapat mong matutunan ang mga ito.

Page 16: ELE KT R ONIKO KONG ANG AK LAT

TINTA 5

MONSANTO.TIMAY SALAZAR

ANO-ANO PA ANG MGA ITO?

“Ang Pangngalan ay ….”

Iangkop ang mga salita sa ibaba sa mga kategorya na nasa

talahanayan. Isulat ang iyong sagot sa notbuk.

aso Jose unggoy pista mesa

kaarawan lapis pinsan bakuran Manila

Bilugan ang mga pangngalang PANTANGI at ikahon ang mga

pangngalang PAMBALANA sa pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa

notbuk.

___________

___________

___________

___________

___________

___________

___________

___________

___________

___________

TAO BAGAY HAYOP LUGAR PANGYAYARI

1. Ang kapatid kong si Maria ay nagdidilig ng halaman.

2. Hiniram ni Marc ang aklat mong Pinagyamang Pluma.

3. Pumunta kami sa parke kanina, maganda pala ang Al Bidda Park.

4. Mga kaklase, ipinakilala ko sa inyo ang tatay ko, si Peter Reyes.

5. Bumili ng sapatos ang kuya ko, gawang Marikina ito.

Page 17: ELE KT R ONIKO KONG ANG AK LAT

TINTA 5

MONSANTO.TIMAY SALAZAR

ANO-ANO PA ANG MGA ITO?

Upang mas mapatunayan mo na naintindihan mo ang aralin natin

ay buksan mo ang iyong aklat na Pinagyamang Pluma.

1. Gawain 1: Sagutin ang Madali Lang Iyan, pp. 16-17.

Sa palagay ko ay naunawaan mo na ang aralin natin, subuking

sagutin ang mga sumusunod na gawain:

- Gawain 2: Pangngalan

- Gawain 3: Uri ng Pangngalan

- Unang Mahabang Pasulit

Page 18: ELE KT R ONIKO KONG ANG AK LAT

TINTA 5

MONSANTO.TIMAY SALAZAR

“Ang Paborito ng Tatay Ko”

Isulat sa dayagram ang mga paborito ng tatay mo Isulat ang

iyong sagot sa notbuk.

Ikutin mo ang iyong bahay, magtala ng mga konkretong gamit na

mahahanap mo. Isulat ang mga ito sa loob ng larawan. Isulat ang iyong

sagot sa notbuk.

TAO

•_________

•_________

BAGAY

•_________

•_________

HAYOP

•_________

•_________

LUGAR

•_________

•_________

PANGYAYARI

•_________

•_________

ANO ANG NATUTUNAN KO?

1. ________________ 6. _______________ 2. ________________ 7. _______________ 3. ________________ 8. _______________ 4. ________________ 9. _______________ 5. ________________ 10. ______________

Page 19: ELE KT R ONIKO KONG ANG AK LAT

TINTA 5

MONSANTO.TIMAY SALAZAR

Ang iyong tatay ay ang haligi ng tahanan. Siya ang gumagawa ng

paraan upang mabuhay ang pamilya. Gamit ang Venn Diagram, itala mo

ang mga kaisipan kung paano siya naging isang mabuting ama. Buksan

ang iyong Google Classroom at doon mo mahahanap ang template ng

iyong gawain.

- Pagbuo ng Venn Diagram (Tanong Ko, Sagot Mo)

- Ikalawang Mahabang Pasulit

ANO ANG NATUTUNAN KO?