EDSA

3
Ang Himagsikan ng Lakas ng Bayan, na tinatawag ding EDSA Rebolusyon ng 1986 ay isa sa mga mahahalagang kaganapan sa kasaysayan ng ating bansa. Ito ay isang mapayapang demonstrasyon na nagtagal ng apat na araw mula Pebrero 22 - 25 ng taong iyon. Sa kasalukuyan ay ipinagdiwang natin ang ika – dalawampu’t limang taon ng pagkakaisa ng bawat Pilipino upang ipaglaban ang kalayaan sa pamahalaan at karapatan ng bawat isa para sa ating bansa. Ngunit sa mga katulad ko na bata pa at hindi nasaksihan ang mga pangyayari sa EDSA at ang tanging alam lamang ay ang ilang detalye na nakasulat sa mga libro tungkol dito. Kaya naman nais kong ibahagi ang aking mga natuklasan sa likod ng makasaysayang kaganapang ito. 1. Ano ang dahilan at umusbong ang EDSA Revolution? Nag-ugat ang nasabing rebolusyon sa serye ng mga kilos protesta ng mga tao laban sa diktaturyang pamumuno ni Ferdinand Marcos, lalo na noong napaslang si Ninoy Aquino noong 1983. Nagkaisa ang mga Pilipino sa panahong ito upang ipaglaban ang karapatan at kalayaan ng bawat isa laban sa katiwalian at bulok na sistema ng pamahalaan. 2. Ano ang mahahalagang naganap sa panahon ng EDSA Revolution? Ang tagumpay na mapatalsik si Ferdinand Marcos mula sa kapangyarihan ay isa sa mga maituturing na pinakamahalagang pangyayari na naganap sa panahon ng EDSA Revolution. Ilan pa sa mga mahahalagang naganap sa panahong ito ay ang paglabas ng katotohanan sa likod ng naganap na “Snap Election” sa pagitan ni Ferdinand Marcos at Cory Aquino, ipinahayag ang katiwaliang ito ni Juan Ponce Enrile sabay ng pagtanggi niya kay Marcos bilang Commander in Chief ng Sandatahang Lakas. Nagkaisa ang mga pari, seminarista at mga madre sa pangunguna ni Jaime Cardinal Sin at ng mga taong bayan na naimpluwensiyahan ni Agapito “Butz” Aquino at Cory Aquino. Tumiwalag rin sa pamamahala ni Marcos si Ramos. Ang paglabas ng katotohanan at suporta mula sa mga nakakataas ang siyang nagpalakas sa iba pang Pilipino na lumaban para sa kalayaan.

Transcript of EDSA

Page 1: EDSA

Ang Himagsikan ng Lakas ng Bayan, na tinatawag ding EDSA Rebolusyon ng 1986 ay isa sa mga mahahalagang kaganapan sa kasaysayan ng ating bansa. Ito ay isang mapayapang demonstrasyon na nagtagal ng apat na araw mula Pebrero 22 - 25 ng taong iyon. Sa kasalukuyan ay ipinagdiwang natin ang ika – dalawampu’t limang taon ng pagkakaisa ng bawat Pilipino upang ipaglaban ang kalayaan sa pamahalaan at karapatan ng bawat isa para sa ating bansa.

Ngunit sa mga katulad ko na bata pa at hindi nasaksihan ang mga pangyayari sa EDSA at ang tanging alam lamang ay ang ilang detalye na nakasulat sa mga libro tungkol dito. Kaya naman nais kong ibahagi ang aking mga natuklasan sa likod ng makasaysayang kaganapang ito.

1. Ano ang dahilan at umusbong ang EDSA Revolution?

Nag-ugat ang nasabing rebolusyon sa serye ng mga kilos protesta ng mga tao laban sa diktaturyang pamumuno ni Ferdinand Marcos, lalo na noong napaslang si Ninoy Aquino noong 1983. Nagkaisa ang mga Pilipino sa panahong ito upang ipaglaban ang karapatan at kalayaan ng bawat isa laban sa katiwalian at bulok na sistema ng pamahalaan.

2. Ano ang mahahalagang naganap sa panahon ng EDSA Revolution?

Ang tagumpay na mapatalsik si Ferdinand Marcos mula sa kapangyarihan ay isa sa mga maituturing na pinakamahalagang pangyayari na naganap sa panahon ng EDSA Revolution. Ilan pa sa mga mahahalagang naganap sa panahong ito ay ang paglabas ng katotohanan sa likod ng naganap na “Snap Election” sa pagitan ni Ferdinand Marcos at Cory Aquino, ipinahayag ang katiwaliang ito ni Juan Ponce Enrile sabay ng pagtanggi niya kay Marcos bilang Commander in Chief ng Sandatahang Lakas.

Nagkaisa ang mga pari, seminarista at mga madre sa pangunguna ni Jaime Cardinal Sin at ng mga taong bayan na naimpluwensiyahan ni Agapito “Butz” Aquino at Cory Aquino. Tumiwalag rin sa pamamahala ni Marcos si Ramos. Ang paglabas ng katotohanan at suporta mula sa mga nakakataas ang siyang nagpalakas sa iba pang Pilipino na lumaban para sa kalayaan.

Ang pagpapakita ng pagkakaisa ng libu – libong Pilipino ng magkapit – bisig sila sa palibot ng Kampo Crame upang ipadama ang kanilang naisin at panawagan sa pangunguna nina Cardinal Sin, Enrile, Ramos, Aquino at iba pa.

Ang pagharang ng mga madre, pari, mga kalalakihang walang armas at mga kababaihang kasama ang kaanak mula sa mga tangkeng ipinadala ni Marcos at ang pag – aalay ng panalangin mula sa mga tao sa simbahan at kani – kanilang bahay. Ito ay nagpakita ng tapang ng bawat isa na harapin ang panganib at pananalig sa Diyos na magiging maayos ang lahat.

Ang pagtatapos sa hirap ng Pilipino ay nagsimula ng hindi na sumunod ang mga tropa ng sundalo sa utos ni Marcos bagkus ay pumanig na ang mga ito sa mga nakikipaglaban para sa kalayaan.

Page 2: EDSA

Ang pagwawakas ng mapayapang rebolusyon na naganap noong ika – 25 ng Pebrero na siyang maituturing na pinakamagandang araw para sa mga Pilipinong nakipaglaban para sa kalayaan. Ito rin ang araw ng iproklama si Gng. Cory Aquino bilang kauna-unahang babaeng pangulo ng bansa at Salvador P. Laurel bilang pangalawang pangulo .

3. Ano ang mga naging epekto ng EDSA Revolution sa mga mamamayang Pilipino?

Nagdulot ang EDSA Revolution sa mga mamamayang Pilipino upang magising ang mga damdaming makabansa at magkaisa upang ipaglaban ang kalayaan para sa bansa at pamahalaan.

Sa pangkasalukuyang panahon, ang EDSA Revolution ang siyang nagsisilbing pagpapatunay na ang mga Pilipino ay malaya at ito ay inspirasyon sa bawat isa na ang Pilipino ay handang lumaban at iaalay ang buhay para sa bayan.

4. Kahalagahan ng EDSA Revolution sa ating kasaysayan.

Ang EDSA People Power ay isa sa mga maituturing na mahalagang kaganapan sa ating bansa dahil na rin sa kahalagahang dinulot nito hindi lamang para sa ating bansa kung hindi pati na rin sa iba pang bahagi ng mundo. Ilan sa kahalagahan nito ay ang mga sumusunod;

a. Ang pagkakaisa at pagsasakripisyo ng buhay mga Pilipino sa panahon ng EDSA Revolution ay nagpakita ng tunay na pagnanais natin na matamo ang kalayaan at mawakasan ang katiwalian dito na kung saan ito ay napansin, sinuportahan at hinangaan ang ating bansa ng iba noon at ngayon.

b. Ipinaramdam ng mga Pilipino ang damdaming makabansa ng ipaglaban nila ang karapatan ng bawat isa at kalayaan n gating inang bayan.

c. Ipinakita sa naganap na mapayapang pag-aaklas laban sa diktaturyang pamamahala na kayang makamit ang ninanais na kalayaan kung magkakaisa ang bawat isa upang sugpuin ang katiwalian at matamo ang hangaring magkaroon ng demokratikong pamahalaan.

d. Ang EDSA Revolution ang siyang naging inspirasyon ng iba pang bansa sa Asya at iba pa na ipaglaban ang karapatan at kalayaan na magkaroon ng reporma sa bansa’t pamahalaan.

e. Ipinakita rin sa kaganapang ito sa ating kasaysayan na tunay tayong ginagabayan ng Diyos at dininig niya ang dasal ng bawat isa na matamo ang kalayaan sa ating bansa.

Ang EDSA Revolution ay isang pagpapatunay na makakamit natin ang kalayaan para sa ating bansa sa tulong ng bawat isa. Ang mga alaala sa kaganapang ito ay mananatiling inspirasyon sa bawat Pilipino na kaya nating lumaban sa mapayapang pamamaraan sa tulong ng maykapal.

Page 3: EDSA