eal of artnership Araling Panlipunan - ZNNHS
Transcript of eal of artnership Araling Panlipunan - ZNNHS
Republic of the Philippines
Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula
Araling Panlipunan Ikatlong Markahan- Modyul 1 Paikot na Daloy ng Ekonomiya
Zest for Progress
Zeal of Partnership
9
Name of Learner: ___________________________
Grade & Section: ___________________________
Name of School: ___________________________
2
Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: May Lanie A. Caliao
Editor: Richard C. Abadies
Tagasuri: Kimberly Cler G. Suarez
Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Genie O. Roque
Tagalapat: Allan S. Caballero
Ma. Angelieca S. Epanto
Kimberly Cler G. Suarez
Tagapamahala: Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI
OIC, Schools Division Superintendent
Visminda Q. Valde, EdD
OIC, Assistant Schools Division Superintendent
Raymond M. Salvador, EdD, CESE
OIC, Assistant Schools Division Superintendent
Juliet A. Magallanes, EdD
CID Chief
Florencio R. Caballero, DTE
EPS - LRMDS
Alma L. Carbonilla, EdD
EPS – Araling Panlipunan
3
Alamin Ang modyul na ito ay naglalayon na maipaliwanag ang bahaging
ginagampanan ng mga bumubuo sa paikot na daloy ng ekonomiya.
Balikan
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa sagutang papel.
1. Isa sa mahalagang elemento na sinusuri sa pag-aaral ng maykroekonomiks
(microeconomics) ay ang konsepto ng demand na idinidikta o nagmumula sa
mga konsyumer. Alin sa sumusunod ang tamang pagpapakahulugan sa konsepto ng demand?
A. Ito ay tumutukoy sa mga produktong kahalili ng mga pangangailangan ng
isang konsyumer.
B. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa (willing) at kayang (able) bilhin ng mga konsyumer sa iba’t ibang halaga o presyo.
C. Ito ay tumutukoy sa kabuuang dami ng produkto na mabibili sa bawat presyo kung ang konsyumer ay makakabili ng lahat ng kanilang
pangangailangan. D. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa (willing) at kayang (able)
bilhin ng mga konsyumer.
2. Kapag ang kurba ng demand ay gumagalaw mula sa itaas, pababa, at
pakanan o downward slopping, ito ay nagpapahiwatig ng/na _____________________.
A. Walang kaugnayan ang presyo ng demand sa presyo
B. Hindi nagbabago ang presyo ayon sa demand
C. negatibong ugnayan ng presyo sa dami ng demand D. positibong ugnayan ng presyo sa dami ng demand
3. Malaki ang papel ng pamahalaan upang mapanatili ang katatagan ng presyo
sa pamilihan. Alin sa sumusunod ang nagpapaliwanag nito?
A. Panghuhuli sa illegal vendors na nagkalat sa paligid
B. Pagtatakda ng price ceiling at floor price upang magkaroon ng gabay sa presyo ng mga bilihin
C. Pagtataguyod ng mga batas sa pangangalaga sa karapatan ng mga konsyumer
D. Patuloy na paghihikayat sa mga maliliit na negosyante na palawakin pa
ang negosyo
4
4. Ano ang tawag sa patakaran ng pagtatakda ng pinakamataas na presyo ng mga produkto o serbisyo?
A. Price ceiling B. Floor prices
C. Market clearing price D. Price support
5. Sa ekonomiks, pinag-aaralan kung paano tutugunan ang walang katapusang
pangangailangan ng tao. Ang gawaing ito ay tungkulin ng prodyuser. Ano ang tawag sa dami ng produkto na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser?
A. Demand C. Produksiyon B. Ekwilibriyo D. Supply
Tuklasin Gawain: JUMBLED LETTERS
Ayusin ang mga ginulong letra sa puzzled box upang maibigay ang hinihinging
kasagutan sa mga gabay na tanong. Kung maisasaayos mo ng tama ang mga letra sa puzzle ay may mabubuo kang salita sa unang kolum nito.
1. K R O A M N O M E K O S K I
2. A M A P H A N A A L
3. A B A M S Y A N A H
4. G I N S A V S
5. Y A H A B - A L A K A K L
Mga gabay na tanong:
1. Ano ang tawag sa dibisyon ng ekonomiks na nakatuon sa kabuuang ekonomiya? 2. Sino ang bumubuo ng mga produkto at serbisyong panlipunan?
3. Sino ang nagmamay-ari at tagatustos ng mga salik sa produksiyon? 4. Ano ang tawag sa pera o kitang hindi ginamit sa pagkonsumo o hindi ginastos sa
pangangailangan? 5. Sino ang may tanging kakayahan na lumikha ng kalakal at paglilingkod?
5
SAMBAHAYAN
Aralin
1 Paikot Na Daloy Ng Ekonomiya
Suriin
MGA MODELO NG PAMBANSANG EKONOMIYA
Unang Modelo
Ang unang modelo ng pambansang ekonomiya ay naglalarawan ng simpleng
ekonomiya. Ang sambahayan at bahay-kalakal ay iisa. Ang lumilikha ng produkto
ay siya ring konsyumer. Ang supply ng bahay-kalakal ay demand nito sa
sambahayan.
Ang kita sa simpleng ekonomiya ay ang halaga ng produksiyon sa isang
takdang panahon. Inaasahan na ang halaga ng produksiyon ay siya ring halaga ng
pagkonsumo sa produkto. Upang lumago ang ekonomiya, kinakailangang maitaas
ng kaukulang actor ang kanyang produksiyon at pagkonsumo.
Simpleng Ekonomiya
Kokonsumo ng mga produkto
Lilikha ng mga produkto
Ikalawang Modelo
Ang pag-iral ng Sistema ng pamilihan sa pambansang ekonomiya ang tuon
ng ikalawang modelo. Ang sambahayan at bahay-kalakal ang pangunahing sektor
dito. Sila ay binubuo ng iba’t ibang actor. Sa puntong ito magkaiba ang sambahayan
at bahay-kalakal.
May dalawang uri ng ng pamilihan sa pambansang ekonomiya. Ang unang
uri ay ang pamilihan ng mga salik ng produksiyon o factor markets. Kabilang dito
ang pamilihan para sa kapital na produkto, lupa, at paggawa. Ang ikalawang uri ay
6
pamilihan para sa tapos na produkto o commodity. Kilala ito bilang goods market o
commodity markets.
Ang sambahayan ay may demand sa produkto ngunit wala itong kakayahang
lumilikha ng produkto. Ang bahay-kalakal ang tanging may kakayahang lumikha
nito subalit bago makalikha ng produkto, kailangan ng bahay-kalakal na bumili o
umupa ng mga salik ng produksiyon. At dahil tanging ang sambahayan ang may
supply ng mga salik ng produksiyon, makikipag-ugnayan ang bahay-kalakal sa
sambahayan sa pamamagitan ng mga pamilihan ng mga salik ng produksiyon.
Sa paggamit ng mga kapital na produkto, kailangang magbayad ng interes
ang bahay-kalakal, halimbawa sa paggamit ng lupa, magbabayad ang bahay-kalakal
ng renta o upa at sa paggamit ng paggawa, magbibigay ito ng pasahod. Dahil sa
sambahayan din nagmumula ang entreprenyur, may kita itong nakukuha mula sa
pagpapatakbo ng negosyo. At ang kita ng entreprenyur ay nabibilang na kita ng
sambahayan.
Matapos ang produksiyon, makikipag-ugnayan ang bahay-kalakal sa
sambahayan sa pamilihan ng kalakal at paglilingkod. Dito bibili ang sambahayan ng
produkto na pantugon sa pangangailangan o kagustuhan nito. Gagamitin ng
sambahayan ang natanggap na kita upang makabili ng produkto. Sa pananaw ng
sambahayan, ito ay gumagastos sa pagbili ng produkto. Kung saan gumagastos ang
sambahayan, doon kumikikita ang bahay-kalakal. Mamalas dito ang
interdependence ng sambahayan at bahay-kalakal. Ang dalawang aktor ay umaasa
sa isa’t isa upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan at kagustuhan.
Mapapansin din na kumikita ang isang sektor sa bawat paggastos ng ibang
sektor. Dahil dito, may dalawang pagsukat sa kita ng pambansang ekonomiya. Ang
isa ay sa pamamagitan ng halaga ng gastusin ng sambahayan at bahay-kalakal. Ang
isa naman ay sa pamamagitan ng kabuuang kita ng sambahayan at bahay-kalakal.
Ang kabuuang kita ay naglalarawan din ng produksiyon ng pambansang ekonomiya.
7
Paggasta Kita
Input para sa produksiyon Lupa, paggawa,
at kapital
Ang Bahay-Kalakal at Samnahayan sa Pamilihan ng Tapos na Produkto at
Salik sa Produksiyon
Ikatlong Modelo
Tatlo ang pamilihan sa ikatlong modelo. Ang mga pamilihan ay para sa salik
ng produksiyon, commodity o tapos na produkto, at para sa mga pinansiyal na
kapital.
Nag-iimpok ang mamimili bilang paghahanda sa hinaharap. Hindi nito
gagastusin ang isang bahagi ng natanggap na kita. Ang bahagi ng kita na hindi
ginastos ay tinatawag na impok (savings). Kabilang sa naturang pamilihan ang mga
bangko, kooperatiba, insurance company, pawnshop, at stock market.
Samantala sa pagtagal ng panahon, hindi lamang pagtubo ang iniisip ng
bahay-kalakal. Ninanais din nitong mapalawak ang negosyo sa iba’t ibang panig ng
bansa. Maaaring hindi sapat ang puhunan nito sa pagpapalawak ng negosyo. Ngunit
maaaring patuloy naming gaganda ang negosyo nito kung lalawak ang sakop ng
prosuksiyon. Dahil dito, maaaring manghiram ang bahay-kalakal ng karagdagang
pinansiyal na kapital. Hihiram ang bahay-kalakal sa sambahayan sa pamamagitan
ng pamilihang pinansiyal. Ang paghiram ng bahay-kalakal ay may kapalit na
kabayaran. Babayaran nito ng interes ang hiniram na interes ang hiniram na
puhunan.
Ang isang bahagi ng interes na binabayaran ng bahay-kalakal ay magiging
kabayaran sa sambahayan. Kumikita ng interes ang sambahayan mula sa pag-
iimpok. Ito ay dahil nagagamit ang nilagak nitong ipon bilang puhunan ng mga
bahay-kalakal. Para sa sambahayan, ang interes ay kita. Para sa bahay-kalakal, ito
ay mahalagang gastusin.
Bahay Kalakal
PAMILIHAN NG KALAKAL
AT PAGLILINGKOD
PAMILIHAN NG SALIK NG
PRODUKSIYON
Pagbili ng kalakal
at paglilingkod
SAMBAHAYAN
Pagbebenta ng kalakal
at paglilingkod
Sahod, upa, at tubo Kita
8
Paggasta
SAMBAHAYAN
Input para sa produksiyon Lupa, paggawa,
at kapital
Sa ikatlong modelo, ang kita ng pambansang ekonomiya ay maitatakda ng
kabuuang gastusin ng sambahayan at bahay-kalakal. Kasama na rito ang gastusin
sa pamumuhunan ng bahay-kalakal at kita ng sambahayan sa pag-iimpok.
Upang maging matatag ang ekonomiya, kailangang may sapat na ipon ang
sambahayan. Kailangan din na may sapat na dami ng bahay-kalakal na handang
mamuhunan. Inaasahan na sa pamumuhunan ng bahay-kalakal, tataas ang
produksiyon ng mga kapital na produkto. Inaasahan na darami rin ang
mabubuksang trabaho para sa paggawa. Sa ganitong modelo ng ekonomiya,
mahalagang balance ang pag-iimpok at ang pamumuhunan.
PAMILIHANG PINANSIYAL:
PAG-IIMPOK (SAVINGS) AT PAMUMUHUNAN (INVESTMENTS)
Pamumuhunan Pag-iimpok
Bahay Kalakal
PAMILIHAN NG KALAKAL
AT PAGLILINGKOD
PAMILIHAN NG SALIK NG
PRODUKSIYON
Pagbili ng kalakal
at paglilingkod
Kita
Pagbebenta ng kalakal
at paglilingkod
Sahod, upa, at tubo Kita
PAMILIHANG PINANSIYAL
9
Pagyamanin Gawain: TAMA o MALI
Isulat ang T kung ang sumusunod na pahayag ay tama at M naman kung mali.
_____ 1. Ang sambahayan ang nagmamay-ari sa salik ng produksyon.
_____ 2. Sa unang modelo ng pambansang ekonomiya, ang sambahayan at bahay-
kalakal ay magka-iba.
_____ 3. Ang paglago ng pambansang ekonomiya ay nakabatay sa pagtaas ng
produksiyon
_____ 4. Ang kalakalang panlabas ay ang pakikipagpalitan ng produkto at salik ng
pambansang ekonomiya sa mga dayuhang ekonomiya.
_____ 5. Ang mga pambublikong paglilingkod ng pamahalaan ay nakabatay sa
pangangailangan at kagustuhan nito.
Isaisip
Gawain: FILL IT RIGHT
Ibigay ang bahaging ginagampanan ng mga aktor at pamilihan sa paikot na
daloy ng ekonomiya.
MGA AKTOR SA PAIKOT NA DALOY
NG EKONOMIYA BAHAGING GINAGAMPANAN
1. Sambahayan
2. Bahay-kalakal
3. Pamahalaan
4. Panlabas na Sektor
MGA URI NG PAMILIHAN BAHAGING GINAGAMPANAN
1. Product Market
2. Factor Market
3. Financial Market
4. World Market
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang ugnayan namamagitan sa sambahayan at bahay-kalakal?
Ipaliwanag
2. Ano ang mahalagang papel na ginagampanan ng pamahalaan sa
ekonomiya?
3. Bakit kailangan ng ekonomiya ang panlabas na sektor?
10
Tayahin
Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat mo sa sagutang papel.
1. Ano ang inilalarawan ng paikot na daloy ng ekonomiya?
A. Kalakalan sa loob at labas ng bansa
B. Kita at gastusin ng pamalaan
C.Transaksiyon ng mga institusyong pinansyal
D. Ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya
2. Ang sambahayan at bahay kalakal ay iisa. Alin sa mga sumusunod na modelo ng
pambasang ekonomiya ito tumutukoy?
A. Ikaapat na modelo
B. Ikalawang modelo
C. Ikatlong modelo
D. Unang Modelo
3. Halimbawang ikaw ay napunta sa isang pulo na walang tao at sakaling walang
pagkakataon na ikaw ay makaalis agad doon, alin sa sumusunod ang hindi
kabilang sa nararapat gawin upang mabuhay?
A. Bubuo ng sariling damit
B. Gagawa ng sariling bahay
C. Maghahanap ng pagkain
D. Subukang lumangoy upang makaalis
4. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng unang modelo ng pambansang
ekonomiya?
A. Hindi umaasa ang sambahayan sa bahay-kalakal.
B. Inaasahan na ang halaga ng produksiyon ay siya ring halaga ng pagkonsumo
ng produkto.
C. Isinaalang-alang ng sambahayan at bahay-kalakal ang kanilang mga
desisyon sa hinaharap.
D. Magkaiba ang sambahayan at bahay-kalakal.
5. Ang lumikha ng produkto ay siya ring konsyumer. Alin sa mga modelo ng
pambansang ekonomiya ito tumutukoy?
A. Unang Modelo
B. Ikalawang Modelo
C. Ikatlong Modelo
D. Ikaapat na Modelo
11
6. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng ikalawang modelo ng pambansang
ekonomiya?
A. Ang kita ng pambansang ekonomiya ay maitatakda ng kabuuang gastusin ng
sambahayan at bahay kalakal.
B. Ang sambahayan ang lumikha ng produkto ay siya ring konsyumer.
C. Ang sambahayan ay may demand ngunit wala itong kakayahang lumikha ng
produkto.
D. Sumisingil ng buwis ang pamahalaan upang kumita
7. Ang mga sumusunod ay kabilang sa pamilihan ng mga salik ng produksiyon o
factor markets maliban sa:
A. kostumer
B. lupa
C. paggawa
D. pamilihan para sa kapital na produkto
8. Kilala ito bilang goods market o commodity markets. Alin sa sumusunod ito
tumukoy?
A. Pamilihan ng mga hilaw na sangkap
B. Pamilihan ng mga piling mamimili
C. Pamilihan ng mga pribadong tao
D. Pamilihan ng mga tapos na produkto o commodity
9. Ipinapalagay na may dalawang aktor sa isang ekonomiya- ang sambahayan at
bahay kalakal. Anong modelo ng ekonomiya ito tumutukoy?
A. Ikaapat na modelo
B. Ikalawang modelo
C. Ikatlong modelo
D. Unang Modelo
10. Ang sambahayan ay may demand sa produkto ngunit wala itong kakayahang
lumilikha ng produkto. Ang bahay-kalakal ang tanging may kakayahang lumikha
nito. Subalit bago makalikha ng produkto, ano ang unang dapat isaalang-alang
ng bahay-kalakal?
A. Kailangan ng bahay-kalakal na bumili o umupa ng mga salik ng produksiyon
B. Kailangan ng bahay-kalakal na maghanap ng mga manggagawa
C. Kailangan ng bahay-kalakal na gumawa ng isang desinyo ng produkto
D. Kailangan ng bahay-kalakal ng matalinong tagapamahala
11. Bukod sa pamimili at paglikha ng produkto, ano pa ang nagiging mahahalagang
gawaing pang-ekonomiya ng bahay-kalakal sa ikatlong modelo ng pambansang
ekonomiya?
A. Pag-iimpok at pamumuhunan
B. Pamimigay ng mga produkto sa mga tao
C. Pagkunsumo sa sarili nitong produkto
D. Pagbibinta ang mga produkto sa murang halaga
12
12. Ang mga sumusunod ay pamilihan sa ikatlong modelo maliban sa:
A. Pamilihan para sa commodity o tapos na produkto
B. Pamilihan para sa mahihirap na mamamayan
C. Pamilihan para sa pinansiyal na kapital
D. Pamilihan para sa salik na produksiyon
13. Sa ikatlong modelo ng pambansang ekonomiya ay nag-iimpok ang mga mamimili
bilang paghahanda sa hinaharap. Hindi nito gagastusin ang isang bahagi ng
natanggap na kita. Anong tawag sa bahagi ng kitang ito na hindi ginastos?
A. Deposit
B. Donation
C. Insurance
D. Savings
14. Alin ang hindi kabilang sa pamilihang pinansiyal?
A. Banko
B. Kooperatiba
C. Insurance Company
D. Sari-sari Store
15. Kung ang kabuuang kita ni Earl ay ₱25,000. 00 at ang kanya namang kabuuang
gastusin ay ₱21, 000. 00 magkano ang maaari nyang ilaan para sa pag-iimpok?
A. ₱1, 000. 00
B. ₱2, 000. 00
C. ₱3, 000. 00
D. ₱4, 000. 00
13
Karagdagang Gawain
Gawain: IPANGKAT MO
Isulat sa unang hanay ang mga konsepto na may malawak ka nang kaalaman
at sa ikalawang hanay naman ang mga konseptong nangangailangan pa ng malawak
na kaalaman.
paikot na daloy paggasta
pag-angkat at pagluwas sambahayan
bayaring nalilipat bahay kalakal
buwis subsidiya
dibidendo upa
MALAWAK ANG KAALAMAN HINDI MALAWAK ANG KAALAMAN
Pamprosesong Tanong:
1. Matapos mong sagutan ang Gawain, papaano mo bibigyan ng grado ang
iyong sarili base sa lawak ng iyong pangkaunawa sa paksa?
2. Papaano mo kaya higit na mauunawaan ang mga paksang hindi pa
malalim ang iyong kaalaman? Patunayan.
14
Susi sa Pagwawasto
Balikan
1. B
2. C
3. B
4. A
5. D
TUKLASIN
1. MAKROEKONOMIKS
2. PAMAHALAAN
3. SAMBAHAYAN
4. SAVINGS
5. BAHAY-KALAKAL
TAMA O MALI
1. T
2. M
3. T
4. T
5. T
ISAISIP
1. Paikot na daloy
2. Pamhalaan
3. Buwis
4. Impok
5. Public Revenue
6. Bahay-kalakal
7. Pamilihang Pinansiyal
8. Sambahayan
9. Export
10. Import
TAYAHIN
1. D 11. A
2. D 12. B
3. D 13. D
4. B 14. D
5. A 15. D
6. C 7. A
8. D 9. B
10. A
15
Sanggunian:
Ekonomiks Araling Panlipunan, Modyul para sa Mag-aaral, pp. 228-235
Ekonomiks Araling Panlipunan, Gabay sa Pagtuturo, pp.161-163
1
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land
Here the trees and flowers bloom
Here the breezes gently Blow,
Here the birds sing Merrily,
The liberty forever Stays,
Here the Badjaos roam the seas
Here the Samals live in peace
Here the Tausogs thrive so free
With the Yakans in unity
Gallant men and Ladies fair
Linger with love and care
Golden beams of sunrise and sunset
Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX
Hardworking people Abound,
Every valleys and Dale
Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,
Ilongos,
All of them are proud and true
Region IX our Eden Land
Region IX
Our..
Eden...
Land...
The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer One night I had a dream. I dreamed
that I was walking along the beach
with the LORD.
In the beach, there were two (2) sets
of footprints – one belong to me and
the other to the LORD.
Then, later, after a long walk, I
noticed only one set of footprints.
“And I ask the LORD. Why? Why?
Why did you leave me when I am sad
and helpless?”
And the LORD replied “My son, My
son, I have never left you. There was
only one (1) set of footprints in the
sand, because it was then that I
CARRIED YOU!
I think that I shall never see
A poem lovely as a tree.
A tree whose hungry mouth is prest
Against the earth’s sweet flowing
breast;
A tree that looks at God all day,
And lifts her leafy arms to pray;
A tree that may in Summer wear
A nest of robins in her hair;
Upon whose bosom snow has lain;
Who intimately lives with rain.
Poems are made by fools like me,
But only God can make a tree.