Dulot Ng Maagang Pakikipagtalik Ng Mga Kabataan

27
“DULOT NG MAAGANG PAKIKIPAGTALIK NG MGA KABATAAN” ____________________ Ang pamanahong papel na ito ay inihada sa Departamento ng Information Technology ____________________ Bilang pagtupad isa sa mga pangangailangan sa Asignaturang Filipino II pagbasa at pagsulat tungo sa pananaliksik Na si John Kennedy N. Rosales

Transcript of Dulot Ng Maagang Pakikipagtalik Ng Mga Kabataan

Page 1: Dulot Ng Maagang Pakikipagtalik Ng Mga Kabataan

“DULOT NG MAAGANG PAKIKIPAGTALIK NG MGA KABATAAN”

____________________

Ang pamanahong papel na ito ay inihada sa Departamento ng Information Technology

____________________

Bilang pagtupad isa sa mga pangangailangan sa Asignaturang Filipino II pagbasa at pagsulat tungo sa pananaliksik

Na si

John Kennedy N. Rosales

BSIT123

Page 2: Dulot Ng Maagang Pakikipagtalik Ng Mga Kabataan

Talaan ng Nilalaman

Pasasalamat . . . . . . . . i.

Dedikasyon . . . . . . . . . ii.

KABANATA I

A. Introduksyon . . . . . . 1-2

B. Layunin ng Pagaaral . . . . . 3

C. Kahalagahan ng Pagaaral . . . . 4

D. Saklaw at limitasyon

ng pag aaral . . . . . 5

E. Depinisyon ng Terminolohiya . . . . 6

KABANATA II

Mga kaugnay na pag aaral at literatura . . . 7-12

KABANATA III

Metodolohiya

a. Disenyo ng pananaliksik . .. . . 13

b. Instrumento ng pananaliksik . . . . 14

Talaan ng sanggunian . . . . . . 15

Page 3: Dulot Ng Maagang Pakikipagtalik Ng Mga Kabataan

“Pasasalamat” 

Ako ay taos-pusong nagpapasalamat sa mga sumusunod na mga

indibidwal na siyang tumutulong at umudyok sa akin upang matapos ko itong

pamanahong papel na ito.Kay Ginoong Julio Cueto, ang aming kagalang-galang

na guro sa asignaturang Filipino II. Nagpapasalamat po ako sa walang sawang

paggabay at pagbibigay ng magandang payo na siyang makakatulong upang

mabuo at magawa ng maayos ang pamanahonang papel na ito.Sa aking mga

magulang, lubos akong nag papasalamat sa inyo sa pag gabay ninyo sa akin at

sa pag bigay ninyo sa akin ng pera para matapos ko ang pamanahong papel

kung ito.Sa aking mga kaibigan, maraming salamat sa inyo sa walang sawang

pagtulong ninyo sa akin. Salamat sa lahat ng tulong na ginawa ninyo para sa

akin. Lubos din akong nagpapasalamat sa aking girlfriend na si Allen na

nagsilbing inspirasyon at laging nagpapaala-ala sakin na gawin ang

pamanahong papel na ito. At higit sa lahat sa ating mahal na Panginoon, lubos

ang aking pagpapasalamat sa iyo sapagkat binigyan ninyo ako ng kaalaman at

kalakasan upang sagayon ay maisagawa ko na ng nasa tama at nasa ayon ang

proyektong ito.

Maraming Salamat sa inyo!!!

Page 4: Dulot Ng Maagang Pakikipagtalik Ng Mga Kabataan

“Dedikasyon”

Inaalay ko ang pamanahong papel nito sa aking mga magulang, dahil sa

inyo natapos ko ang pamanahong papel kung ito. Inaalay ko din ang aking

pamanahong papel sa aking guro na si Ginoog Julio Cueto, salamat po sa

inyong walang sawang pag tulong sa akin sa pagbuo ng aking

pananaliksik.Inaalay ko din Ito sa aking mga kaibigan sapagkat kung wala kayo,

siguro hindi ko matatapos ito. Sa DELTAN CONNECTIONS INTERNET CAFE,

salamat sa libreng oras sa computer at libreng imprenta nitong pamanahong

papel kong ito. At higit sa lahat sa ating Diyos, Ama, salamat sa pagbibigay mo

sa akin ng karunungan para matapos ko ito. MARAMING SALAMAT!!!

Sa inyong lahat salamat, ang lahat ng ito ay para sa inyo. Ang tagumpay

ko ay tagumpay ninyo din!!!

Page 5: Dulot Ng Maagang Pakikipagtalik Ng Mga Kabataan

Kabanata I

Ang Suliranin at Kaligiran nito

A. Introduksyon

Ang pananaliksik na ito ay nakapukos sa mga dulot ng maagang

kaalaman sa pakikipagtalik sa murang isipan ng mga kabataan. Pinili ko ang

paksang ito sapagkat upang malaman ang mga posibleng maging dulot ng

maagang pag aasawa. Ang paksang ito ay kaugnay sa iba’t-ibang

aspeto(pisikal,mental,atbp.) at sa pag-aaral,kalusugan at kinabukasan ng

mga kabataan.

Sa kasalukuyang panahon, marami nang mga kabataang napapariwara

bilang isang epekto ng maagang kaalaman sa pakikipagtalik. Ang iba ay

kinokonsidera nila ito na parang isang simpleng bagay na maaaring gawin sa

anumang oras. Ngunit, ano nga ba ang ibig sabihin ng pakikipagtalik?

Ayon sa biolohikal na kahulugan, ang pakikipagtalik ay isang paraan ng

isang babae at isang lalaki upang makabuo ng kanilang magiging supling sa

pamamagitan ng kanilang maselang bahagi ng katawan. At ayon naman sa

bibliya, ginamit ang salitang nakilala, kung kaya’t ang pagtatalik ay ang

pagkilala ng lalaki sa kanyang asawa, gayon din ng babae sa kanyang

esposo.Ito rin ay isang gawain na dapat ay ginagawa lamang ng dalawang

taong natamo na ang sacramento ng kasal; kung kaya ito ay masasabi na

sagrado. Ito rin ay isang paraan ng pagpapakita ng pagmamahalan ng isang

mag-asawa lamang. Hindi ito dapat ginagawa ng mga kabataan, lalo na ang

Page 6: Dulot Ng Maagang Pakikipagtalik Ng Mga Kabataan

mga minor de edad. Ngunit, kadalasan may mga kabataan pa rin na

pumapasok sa ganitong gawain dahil sa hindi tamang paggamit ng kaalaman

sa pakikipagtalik.

Ang kaalaman ito ng mga kabataan ay mahalagang malaman

para maiwasan ito. Ang maagang pagbubuntis ay napapanahon ngayon. At

ang papel na ito ay makatutulong upang masugpuan ang dumaraming bilang

ng mga kabataang napapasali sa gawaing pakikipagtalik. Ito rin ang gigising

sa isipan ng mga kabataan sa kadahilanan ng dumarami nang bilang ng mga

kabataang naliligaw sa landas. Minsan alam nila na naliligaw na sila ng

landas, at minsan naman ay wala silang kamalay-malay dahil na rin sa dulot

ng kanilang kapaligiran. Matagal na isyu na ang maagang pagbubuntis na

siyang isang dulot ng maling paggamit ng kaalaman sa pakikipagtalik, at

habang tumatagal, lalo itong lumalala, kung saan siyang nagging dahilan ng

pagpili ng paksang ito upang mapag-aralang mabuti. Sa pagtatalakay ko ng

paksang ito malalaman ninyo ang mga magiging bunga ng maagang

pagaasawa.

Page 7: Dulot Ng Maagang Pakikipagtalik Ng Mga Kabataan

B. Layunin ng Pag-aaral

Ang mga layunin ng pag-aaral na ito ay para malaman at maintindihan

ang posibleng dulot ng maagang kaalaman sa pakikipagtalik sa murang

isipan ng mga kabataan.

Ang tiyakang layunin ng pag-aaral na ito ay:

1. Upang malaman ang maaaring epekto ng maagang kaalaman sa

pakikipagtalik ng mga kabataan.

2. Upang malaman kung anu-ano ang mga posibleng dulot ng maagang

kaalaman sa pakikipagtalik.

3. Upang malaman kung anu-ano ang mga epekto nito sa mga aspetong

pisikal, mental, emosyonal, espiritwal at sosyal.

4. Upang malaman kung anu-ano ang mga pinagmulan ng maagang

kaalaman sa pagkikipagtalik ng mga kabataan at,

5. Upang gisingin ang mga kabataan sa mga katotohanang nakapalibot sa

kanilang kapaligiran nang lalong maiwasan ang sitwasyon gaya ng maagang

pagbubuntis.

6. Upang mabigyan o magkaroon ng rekomendasyon sa maaring negatibong

epekto nito sa buhay ng mga kabataan.

Page 8: Dulot Ng Maagang Pakikipagtalik Ng Mga Kabataan

C. Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay mayroong nais ipaabot para sa mga estudyante,

mga magulang, mga guro at tagapayo, lipunan at pati na rin mismo sa mga

mananaliksik.

Sa mga estudyante, ang pag aaral na ito ay ginawa upang maimulat ang

kanilang isipan sa ganitong isyu upang maiwasan ang maaring masamang

dulot nito.

Sa mga magulang naman, ito ay binuo upang magabayan pa ng husto

ang kanilang mga anak at mapigilan ang maagang pag-aasawa gayun din

ang pagbubuntis.

Sa mga guro’t tagapayo naman, ito ay upang makagawa ng isang

programa o aktibidad ukol sa isyung ito at mahikayat ang mga kabataan sa

mga bagay na kapaki-pakinabang bukod sa pagtatalik.

Samantalang sa mismong lipunan naman, ito ay upang maiwasan ang

lumalalang bilang ng panggagahasa at iba pang krimeng kaugnay nito at isa

pa ay upang maipaabot sa pamahalaan ang mga posibleng sanhi nito at

maiwasan ang problema ng komunidad hinggil dito. At syempre, para na rin

sa mga mananaliksik, upang makapagbigay ng magandang solusyon ukol sa

isyu na ito at makapagbigay ng kaalaman sa sino mang makababasa nito.

Page 9: Dulot Ng Maagang Pakikipagtalik Ng Mga Kabataan

D. Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa maagang kaalaman at pagkamulat ng

isipan ng mga kabataan.. Ang kadalasang hanguan ng kaalamang ito na

posibleng makaapekto sa pisikal, emosyunal, mental, sosyal at espiritwal na

aspeto ng mga kabataan, at kung anu-ano ang maaring maging aksyon ng

mga nakatatanda upang ang kaalamang iyon ng mga kabataan ay hindi

maghatid sa maling landas. Ang pagaaral na ito ay umiikot sa edad mula

labing isa(11) hanggang labing siyam(19) na taong gulang. At ang iba pang

posibleng magdulot ng problema ng kabataan at iba pang hindi nabanggit sa

pananaliksik ay sakop ng pag-aaral na ito.

Page 10: Dulot Ng Maagang Pakikipagtalik Ng Mga Kabataan

E. Depinisyon ng Terminolohiya

WHO- World Health Organization

STD- Sexually Transmitted Disease

AIDS- Acquired Immune Defieciency Syndrome

Premarital Sex – mga menor de edad na maagang nakikipagtalik

Live-in – ang pagsasama ng dalawang tao na hindi pa ntatanggap ang

sakramento ng kasal

Aborsyon – pagpapatangal ng nabuong sangol sa sinapupunan ng ina

Menarche – unang buwanang dalaw ng isang babae

Teenage pregnanacy – ito ang maagang pagbubuntis ng isang dalaga

Page 11: Dulot Ng Maagang Pakikipagtalik Ng Mga Kabataan

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Dayuhan na pag-aaral

Ang dayuhang pag-aaral na ito ay nagsasaad ng mga dulot ng maagang

kaalaman sa pakikipagtalik sa mga kabataan gaya ng maagang pagpasok sa

pakikipagtalik, maagang pagbubuntis, pagtigil sa pag-aaral, pagkasira ng

kinabukasan at iba pa:

Ayon sa Wikipedia Encyclopedia, ang teenage pregnancy sa Estados

Unidos ay nangangahulugan na ang isang batang babae ay nagdadalang tao.

Samantala, Sa Britanya naman, may legal na depinisyon kung saan ang

isang babae ay sinasabing “maagang nagbubuntis” kung siya ay nabuntis

bago sumapit ang kanyang ika-labinwalong kaarawan. Ang terminolohiyang

ito, sa araw-araw na pananalita ay nagpapatungkol sa isang babae na wala

pa sa legal na edad, na nagkaka-iba-iba sa iba’t-ibang parte ng mundo, na

nabubuntis.

Ayon pa rin sa Wikipedia, ang average na edad ng “menarche” (unang

buwanang dalaw/regla) sa Estados Unidos ay 12.5 taong gulang, pero ito ay

nag iiba-iba parin ayon sa etnisidad at timbang ng isang babae, at ang unang

obyulasyon ay nanatiling hindi regular hanggang ilang buwan matapos ang

“menarche.” Sa kasalukuyan, ang average na edad ng menarche ay patuloy

na bumababa. At kahit na ang maagang pagkakaroon ng kakayahan na

manganak ng isang babae ay isang dahilan ng maagang pagbubuntis, hindi

Page 12: Dulot Ng Maagang Pakikipagtalik Ng Mga Kabataan

pa rin dapat isawalang bahala ang iba pang mga salik na umaambag sa

pagbubuntis ng isang dalaga.

Sa isang pananaliksik ni Robertson et. al, nagawa niyang alamin

ang mga impormasyon na sumusuporta sa “teenage pregnancy” bilang isang

isyung sosyal sa mga mayayamang bansa. Ito ay ang mga sumusunod:

mababang lebel ng pinag-aralan, kahirapan, at ang hirap ng buhay ng mga

anak ng mga dalagang ina. Kadalasan sa mga mayayamang bansa, ang

“teenage pregnancy” ay nagdadala ng “social stigma” o ang kahihiyan sa

lipunan sa karamihan ng mga komunidad at kultura. Sa mga dahilang ito,

nagkaroon ng mga pag-aaral at kampanya na naglalayong alamin ang mga

dahilan at limitahan ang numero ng maagang pagbubuntis. Sa ibang mga

bansa at kultura, partikular sa mga hindi pa gaanong masaganang mga

bansa, ang teenage pregnancy ay saklaw ng kasal at hindi nagdadala ng

“social stigma.”

May isang pag-aaral na ginawa ng Kaiser Family Foundation, sinabi na

ang maagang pag-aasawa at ang mga tradisyunal na “gender roles” o ang

bahaging ginagampanan ng kasarian sa isang tao ay kabilang sa mga

importanteng salik na nakakaapekto sa dami ng mga babaeng maagang

nagbubuntis. At sa mga sociedad na hindi karaniwan ang maagang pag-

aasawa, ang maagang pagkakaroon ng karanasang sekswal at ang

kakulangan sa paggamit ng mga kontraseptib ang mga dahilan. Ayon pa rin

sa naturang pag-aaral, gumawa sila ng sarbey tungkol sa sekswal na gawain

ng mga kabataan na kung saan 29% ng mga teenager ang nagsabing

Page 13: Dulot Ng Maagang Pakikipagtalik Ng Mga Kabataan

nahihikayat sila na makipagtalik, 33% ng mga kabataang aktibo sa aspetong

sekswal ang nagsabing sila ay “nasa isang relasyon na kung saan sila at ang

kanyang karelasyon ay gumagawa ng mga sekswal na gawain”, at 24% ang

“gumawa ng gawain na sekswal na hindi naman nila talaga gustong gawin”.

Ang pag-inom ng alkohol at ang paggamit ng ilang mga ipinagbabawal na

gamot na nakakabawas sa mga inhibisyon ng isang tao ay isa marahil sa

mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng mga hindi pinagplanuhang sekswal

na Gawain

Ayon kay Leonard Sax, isang doctor at manunulat tungkol sa

sekswalidad, ang mga kadalagahan ay kadalasang lasing bago gumawa ng

sekswal na aktibidad dahil ito ay “nakakatanggal ng hiya at sakit.”

Ayon sa American Academy of Family Physicians and Obstetricians, ang

“maternal” at “prenatal” na kalusugan ay nararapat na pagtuunan ng pansin

lalo na sa mga dalagang nagdadalang-tao. Ang pandaigdigang insidente ng

hindi napapanahong pagsilang ay mas mataas sa mga dalagang ina.

Mayroong mga pananaliksik na nagsasabing ang mga dalaga na

nagdadalang-tao ay karamihang hindi nakakatanggap ng “prenatal care” o

ang karampatang pagaalaga bago manganak, at kadalasang

nagpapakonsulta lamang sa mga huling buwan na ng pagbubuntis. Ang

Guttmacher Institute ay nagbigay ng ulat na 1/3 ng mga nagbubuntis na

dalaga ay hindi sapat ang tinatanggap na “prenatal care” at ang kanilang mga

anak ay ang madalas na dumaranas ng iba’t ibang mga sakit, kumpara sa

mga anak ng mga mas nakatatandang mga ina. Marami sa mga nagbubuntis

Page 14: Dulot Ng Maagang Pakikipagtalik Ng Mga Kabataan

na dalaga ay mas may posibilidad na makaranas ng mga “nutritional

deficiencies” o kakulangan sa kalusugan dahil sa pagkain ng hindi sapat o

hindi masusustansyang mga pagkain na karaniwan sa mga kabataang ito,

kasali na ang mga ginagawang pagpapapayat sa pamamagitan ng

pagdidyeta, hindi pagkain sa tamang oras, at iba pa.

Ang hindi sapat na nutrisyon habang nagdadalang tao ay isa pang mas

malaking problema sa mga nagbubuntis na kabataan sa mga hindi gaanong

masaganang mga bansa. Ang mga komplikasyon sa pagbubuntis ay

nagreresulta sa pagkamatay ng estimadong 70,000 mga dalaga sa mga hindi

gaanong masaganang mga bansa kada taon. Ang World Health Organization

(WHO) ay nagsabing tinatayang doble ang tsansa ng pagkamatay dahil sa

pagbubuntis sa mga babaeng edad 15-19 kumpara sa mga babaeng edad

20-24. Ang “maternal mortality rate” na ito ay tinatayang mas mataas ng

limang beses sa mga babae edad 10-14 kumpara sa mga edad 20 pataas.

Ayon pa rin sa WHO, ang maging dalagang ina sa isang

industriyalisadong bansa ay isang disadvantage dahil ito ay maaring

makaapekto sa pag-aaral. Ang mga dalagang ina ay may mas malaking

tsansa ng paghinto sa pag-aaral, lalo na sa hayskul. Gayon paman, napag-

alaman sa ilang mga pag-aaral na itong mga batang ina ay tumigil na sa pag-

aaral bago pa man sila mabuntis, at ang mga nag-aaral at nabuntis ay hindi

rin malayo ang tsansa na makapagtapos tulad ng kanilang mga kaibigan.

Isang pag-aaral noong 2001 ang nagsabing ang kababaihan na nagsilang ng

sanggol sa kanilang kabataan ay nakapagtapos ng pag-aaral sa sekondarya

Page 15: Dulot Ng Maagang Pakikipagtalik Ng Mga Kabataan

10-12% ay kadalasang nagpupursige ng post-secondary na edukasyon 14-

29% mas kadalasan sa mga babaeng naghintay magbuntis hanggang sa

edad na 30.

Ang mga batang ina ay maari ring makaranas ng paglayo sa sarili

(alienation) mula sa kanilang mga kaibigan at pamilya. Sa karagdagan, ang

pagbubuntis ay maaaring magdulot ng mga problema sa isang batang

relasyon. Sa katunayan, 60% ng mga batang ina ay wala nang lalakeng

kapares sa oras na isilang nila ang kanilang anak. Ang kalungkutan at

problemang pinansyal ay maaring magdulot sa isang batang ina na

masangkot sa hindi kaaya-ayang mga relasyon.

Sa kasamaang palad, ang maagang pagbubuntis ay may kaakibat na

“social stigma”. Ang kahihiyang ito ay maaring makaapekto sa pakiramdam o

tingin ng isang batang ina tungkol sa kanyang mga kakayahan sa pagiging

ina, at pati na rin sa kanyang pagkatao. Ang mga negatibong pananaw

(negative attitudes) na ito tungkol sa pagiging batang ina ay nagdudulot ng

pagbaba ng tingin ng isang babae sa kanyang sarili.

Kung ang maagang pagbubuntis ay mayroong masasamang epekto sa

nagdadalang tao, mayroon din itong masasamang epekto sa sanggol. Ayon

sa Kaiser Family Foundation, ang masamang epekto ng pagiging batang ina

ay makikita o mapapansin sa paglaki ng sanggol. Ang pagkakaroon ng

kapansanan sa paglaki na maaaring sa pagiisip at mga kaibahan sa pagu-

ugali ay mas mataas sa mga batang isinilang ng mga batang ina. Isang pag-

Page 16: Dulot Ng Maagang Pakikipagtalik Ng Mga Kabataan

aaral ang nagmungkahi na ito ay dahil sa kadahilanang ang mga batang ina

ay paminsan-minsan lamang ginigising ang pakiramdam (iniistimulate) ng

kanilang mga sanggol sa pamamagitan ng paghawak, pagngiti, pakikipag-

usap, at ang pagiging maselan sa pagkilala ng nga pangangailangan ng

kanyang sanggol. Nakita sa karamihan ng mga anak ng mga batang ina ang

hindi gaanong magandang pagganap sa paaralan. Marami sa kanila ay tipikal

lamang, ang iba naman ay hindi nakakapagtapos ng sekondarya, mayroon

ding mga bumabalik sa antas na hindi nila naipasa, at marami din ang

nakakakuha ng mababang mga marka sa mga pagsusulit. Ang mga anak na

babae ng mga batang ina ay malaki ang posibilidad na maging batang ina rin

sa kanyang paglaki. Ang mga anak na lalaki naman ng isang batang ina ay

kadalasang nagiging basagulero at sa ibang sitwasyon ay nakukulong pa. Sa

pangkabuuan, hinihingkayat sa lahat na gamitin ang kaalaman sa

pakikipagtalik sa mabuti upang hindi makaranas ng mga dulot nito gaya ng

nabanggit.

Ayon sa OPP-PAPERS.COM ang mga bunga ng maagang pag aasawa

ay ang sumusunod.

1. Pag bata pa ang babae at ito ay nagbuntis agad at nanganak,

maaring hindi pa kayanin ng kanyang kalusugan ang dulot ng panganganak

lalo pa at maraming dugo ang mawawala sa kanya. 

2. Pag bata pa pareho ang mag-asawa madalas ang kanilang pag-

aaway at pagtatalo dahil na rin sa kanilang ugaling bata pa.

Page 17: Dulot Ng Maagang Pakikipagtalik Ng Mga Kabataan

4. Kung mag-kakaanak agad, hindi lang sila ang mahihirapan kundi pati

mga anak. Hindi maibigay ang pangangailangan ng mga bata dahil hirap sa

buhay. 

5. Sa kabilang banda, may maganda ring bunga ito dahil parang

makakasabayan lang nila ang paglaki ng kanilang anak.

Page 18: Dulot Ng Maagang Pakikipagtalik Ng Mga Kabataan

KABANATA III.

Metodolohiya

Sa kabanatang ito, tinatalakay ang disenyo ng pananaliksik,

respondente, instrumento ng pananaliksik, pamamaraan ng pangangalap ng

mga datos, istatistikal tritment ng mga datos at istratehiyang ginagamit sa

pag-aaral.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang disenyo ng pananaliksik ay nagsasaad ng proseso kung saan ang

pag-aaral ay may napiling populasyon para isagawa ang sarbey. At kung

anuman ang magiging resulta ng sarbey ay siyang magiging batayan ng pag-

aaral tungkol sa paksa.

Ang ginamit na disenyo sa pangangalap ng mga datos at

impormasyon sa pag-aaral na ito ay ang deskriptib na pananaliksik dahil ito

ay mas naaangkop para sa pananaliksik tungkol sa “Dulot ng maagang

kaalaman sa pakikipagtalik sa murang isipan ng mga kabataan.”

Ang deskriptib na pananaliksik ay isang uri ng pananaliksik kung saan

ang primaryang sakop ay ang paglalarawan sa mga kondisyon at abot-saklaw

na ayos ng isang “written report”, kung saan walang dinoktor na mga

impormasyon.

Page 19: Dulot Ng Maagang Pakikipagtalik Ng Mga Kabataan

“Mga Instrumentong ginamit sa Pagaaral”

1. Internet- Sa tulong ng bagong Teknolohiya,ang paggamit sa Internet

ang pinagmulan ng aking pananaliksik at mga datos na aking nakuha. Sa intenet ko rin

nakuha ang at nahanap ang bawat detalye ukol sa aking paksang tinalakay. Nakatulongito

ng malaki sapagkat naibahagi ko ang aking pag-aaral tungkol sa dulot ng

maagang pag aasawa ng mga kabataan.

2. Libro- Sa libro ko naman nahanap ang bawat detalye ukol sa aking

paksang tinatalakay. Nakatulong din ito ng malaki sapagkat naibahagi ko ang mga pag-

aaral ko tungkolsa dulot ng maagang pag aasawa ng mga kabataan na siyang

pumukaw sa aking atensyon upang mabuksan ang aking kamalayan kung anu ng buhay

ang maghihintay sakin kung ako ay maagang magaasawa.

Page 20: Dulot Ng Maagang Pakikipagtalik Ng Mga Kabataan

Bibliograpiya

www.yahoo.com

http://blog.taragana.com/health/2009/11/05/foreign-students-need-sex-

educationaustralian-

www.abante.com.ph/isssue/oct0608/op_sf.htm

http://en.wikipedia.org/wiki/Sex_education#United_States

http ://tl.wikipedia.org/wiki/Pagtatalik