DETALYADONG PLANO PARA SA ISANG MAS MABUTING DAIGDIG May tatlong kabanata (21-23) sa Exodo na...

13
DETALYADONG PLANO PARA SA ISANG MAS MABUTING DAIGDIG Liksyon 2 para sa ika - 13 ng Hulyo, 2019

Transcript of DETALYADONG PLANO PARA SA ISANG MAS MABUTING DAIGDIG May tatlong kabanata (21-23) sa Exodo na...

DETALYADONG PLANO PARA SA ISANG MAS MABUTING DAIGDIG

Liksyon 2 para sa ika-13 ng Hulyo, 2019

Matapos ang ilang taong pagkaalipin, iniligtas ng Dios ang bayang Israel mula sa Ehipto.

At anong dakilang bansa nga, ang may mga palatuntunan at mga kahatulangnapaka-tuwid na gaya ng buongkautusang ito, na aking inilalagda saharap ninyo sa araw na ito?” (Deuteronomio 4:8).

Ang mga batas na ito ay nangangalaga lalo na sa mga mahihina.

“At ang bayan ay naniwala: at nang kanilang marinig na dinalaw ng Panginoon ang mga anak ni Israel, at kaniyang nakita ang kanilang kapighatian, ay iniyukod nga nila ang

kanilang mga ulo at sumamba.” (Exodo 4:31)

Nagpakita ang Dios kay Moses sa isangpalumpong na “nagniningas sa apoy” at “hindi natutupok” (Exodo 3:2).

Sinabi Niya kay Moses na nakita Niyaang kalungkutan ng Kanyang bayan at narinig Niya ang kanilang hiyaw (v. 7).

Inatasan ng Dios si Moses na iligtas ang Israel mula sa Ehipto(v. 10). Hindi sila aalis ng Ehipto ng walang dala. Babayaranng Ehipto ang mga Israelita para sa lahatng trabaho nila bilang alipin (v. 21).

Sa kanilang pagpunta sa Canaan, nagpasya ang Dios na gumawa ng bansamula sa mga taong dating alipin. BinigyanNiya sila ng mainam na mga batas namaaaring maging pagpapala sa buongmundo. Kaya, tinawag Niya sila sa bundokng Sinai.

E.G.W. (Patriarchs and Prophets, cp. 27, p. 305)

“At kaniyang ipinahayag sa inyo ang kaniyang tipan, na kaniyang iniutos sa inyongganapin, sa makatuwid baga'y ang sangpung utos; at kaniyang isinulat sa dalawang

tapyas na bato.” (Deuteronomio 4:13)

Ang Sampung Utos ang Saligang-batas ng bayan ng Israel. Ito ang pinakamataas na bataskung saan nagmumula ang iba pang mga batas.

Ang pagtupad sa Kautusan ay palatandaan ng ating pag-ibig sa Dios (ang unang 4; Dt. 6:5; Mt. 22:37-38) at sa ating kapwa (ang huling 6; Lv. 19:18; Mt. 22:39).

Dapat nating tuparin ang Kautusan sa ating mga kilos at hangarin (Mateo 5:21-30).

Ang pamayanang bawat isa ay tumutupad saKautusan ay isang buhay, makulay napamayanang ang bawat isa ay masigasig nagumagawa ayon sa kanilang pag-ibig sa Dios at nag-aalaga sa isa’t-isa.

E.G.W. (Counsels to Parents, Teachers, and Students, cp. 64, p. 454)

May tatlong kabanata (21-23) sa Exodo na bumabanggit ng magkaibang mga batas:

Batas sapang-

aalipin(21:2-11)

Batas sa marahas

na krimen(21:12-36)

Batas samga ari-

arian(22:1-15)

Batas sapang-

araw-arawna buhay(22:16-31)

Paano gamitin ang mga batas na

ito (23:1-9)

Pag-iingat sa mga mahihina (alipin, dayuhan, balo at ulila) ang susi sa mga batas na ito.

Kailangang alagaan ng mga Israelita ang mga hindipinapahalagahan masyado at ituring sila gaya ng pagturing sakanila ng Dios ng sila’y dayuhan sa Ehipto.

E.G.W. (Patriarchs and Prophets, cp. 42, p. 465)

Ipinaliwanag ng Deuteronomio 14:22-29 nakailangang magbigay ang mga Israelita ng ikalawangikapu, na may ibang hangarin sa nauna.

Sa loob ng dalawang taon, itong ikalawang ikapu ay dinadala sa Jerusalem. Kinakain nila ang bahagi nitoat ibinabahagi sa mga nangangailangan.

Sa ikatlong taon, itong natatanging ikapu ay ibinabahagi sa tagaroon (local) na nangangailangansa bawat syudad.

Bawat Israelita ay nagbibigay ng 25-33% ng kanilangkita upang sustentuhan ang bansa. Bahagi dito ay pantulong sa mga nangangailangan.

E.G.W. (Education, cp. 5, p. 44)

Ang ika-limampung anibersaryo ay taon ng paglaya ng lupain. Bumabalik sa bawat isa angkanilang mana sa ika-limampung anibersaryo.

Sa ganitong paraan, walang makakatipon ng malawak na lupain. Dagdag pa dito, hindinawawala ng mga pamilya ang kanilang mgalupa—kanilang kabuhayan—magpakailanman.

Kung kinakailangang ibenta ng isa angkanilang mana, ang halaga nito ay katumbasng kikitain nito hanggang dumating ang ika-limampung anibersaryo.

Dahil sa kasalanan, magkakaroon lagi ng mahihirapna tao (Mateo 26:11). Ang ika-limampunganibersaryo ay solusyon ng Dios upang mabawasan

ang hindi pagkakapantay-pantay sa pamayanan.

E.G.W

. (Edu

cation

, cp. 5

, p. 4

3)

“Saan tayo makakahanap ng mga batas na

mas dakila, dalisay, at matuwid kaysa sa

mga naitanghal sa aklat ng palatuntunan

kung saan naitala ang mga turo na ibinigay

kay Moses para sa mga anak ng Israel? Saan

pa kaya tayo makakakuha ng lakas o

matututo ng dakilang aral? Anong ibang

aklat ang magtuturo sa tao ng maigi kung

paano umibig, matakot, at sumunod sa

Dios? Anong ibang aklat ang nagbibigay sa

mga mag-aaral ng mas nakakapadakilang

turo, mas kamanghamanghang kasaysayan?

Malinaw itong nagpapakita ng katuwiran

at nagsasabi ng kahihinatnan ng pagtaksil

sa kautusan ni Jehova.”

E.G.W. (Counsels to Parents, Teachers, and Students, p. 428)