DEPARTMENT OF EDUCATION REGION III
Transcript of DEPARTMENT OF EDUCATION REGION III
DEPARTMENT OF EDUCATION
REGION III Diosdado Macapagal Government Center, Brgy. Maimpis,
City of San Fernando, 2000 Pampanga
Si Kara, Si Raya at ang Matapat na Bata
Aklat Pang-komiks: Karagdagang Kagamitang Pampagkatuto Para sa Katapatang Pang-Akademiko 2021 Edisyon
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa komiks na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng kagamitang ito. Hindi inaangkin ng tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa komiks na ito ay nangangailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang bahagi ng kagamitang ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.
Inilathala ng Direktor Panrehiyunal ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon III: May B. Eclar
Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III Office Address: Diosdado Macapagal Government Center, Maimpis, City of San Fernando, (P) Telefax: (045) 598-8580 E-mail Address: [email protected] Website: www.depedzambales.ph
Lupon ng Tagapagbuo ng Komiks
Manunulat: Noelynne E. Joyosa Editor: Ma. Editha R. Caparas Garry C. Achacoso Tagasuri: Ma. Lilybeth M. Bacolor
Rose C. Mas Mary Anne C. Angeles
John Paul C. Paje Mark G. Asuncion Tagaguhit/ Tagalapat: Noelynne E. Joyosa Tagapamahala: Librada M. Rubio Ma. Editha R. Caparas
Romeo M. Alip Michelle Ablian-Mejica
Manolito B. Basilio Garry M. Achacoso
Galing si nanay Erlinda sa paaralan. Bitbit niya ang isang
plastic envelop na naglalaman ng mga modyul.
Paul, maghuhugas muna
ako ng mga kamay.
Pagkatapos, sisimulan na
nating pag-aralan ang
mga modyul mo.
Habang hinihintay ni Paul ang kaniyang nanay ay narinig niya ang pagtawag
sa kaniyang pangalan mula sa labas ng kanilang bahay.
Sino kaya
ang
tumatawag
sa akin?
Naglalaro po sila, nanay.
Opo nanay.
Paul, nariyan ka ba?
Paul anak, nasaan ang mga kapatid mo?
1
Nakita ni Paul ang kaniyang mga kapatid na sina Dino, Atong at Tess.
Kuya Paul, halika na! Maglaro
tayo ng habulan.
Kuya Atong, Dino, Tess!
Kayo pala iyan.
Tess, hindi muna ako maglalaro
ngayon. Gagawin ko na ang
modyul na ibinigay sa akin.
Kayo, nasagutan na ba ninyo
ang mga modyul?
2
Naku! Tapos na naming sagutan
ang lahat ng modyul, kaya
maglalaro na kami.
Kami na lang pala muna ang
maglalaro. Pumunta ka na lang sa
bakuran natin pagkatapos mong
pag-aralan at sagutan ang iyong
mga modyul.
Kuya Atong, pag-aaralan ko muna
ang mga modyul at sasagutan ang
mga gawain dito. Pagkatapos,
puwede na akong makapaglaro.
Sige, paalam!
3
Kinuha ni Paul ang
kaniyang mga
modyul at dinala
ito sa kaniyang
kuwarto.
Kinuha ni Paul ang
kanyang mga
modyul at dinala
ito sa kanyang
kwarto.
Nang buklatin niya ang pahina ng modyul ay
lumitaw sa kaniyang likuran ang isang nilalang.
Malalaki ang mga mata nito. Mayroon din itong
mahabang ilong.
Nais mo bang
masagutan nang
mabilis ang iyong
modyul? Ibig mo
bang tumaas ang
mga marka sa
paaralan nang hindi
nahihirapan?
Sino ka? Talaga
bang magagawa
ko ang lahat ng
sinabi mo?
4
Gusto ko. Gustong gusto ko!
Paano?
Raya Pandaraya ang aking pangalan. Sa pagsagot ng iyong
modyul, tiyak na ikaw ay matutulungan. Gusto mo bang
madalian sa pagsagot ng modyul?
5
Si Tess ay aking natulungan. Ang mga gawain ay
madaling nasagutan. Ang mga sagot ay
matatagpuan sa likod ng modyul. Kopyahin mo
na lamang nang hindi ka na mahirapan.
Gayahin mo rin si Atong. Sa
online kopyahan ay roon
nagtatanong. Sanaysay man o
tula ang ipinagagawa, tiyak na
matatagpuan dito.
Sa susunod naman, si Dino ang papayuhan. Pagsagot ng mga magulang
sa modyul ay pahihintulutan.
6
Huwag kang makikinig sa
kaniya. Hindi mabuting gawain
ang pandaraya. Tamang
kaalaman sa bawat aralin ay
hindi mo makukuha.
Ha ha ha ha! Wala ka nang
magagawa Karunungan!
Impluwensiya ko ay hindi mo
mahahadlangan!
Ang mga batang matapat, mga
magulang at mga guro ang
siyang pipigil sa iyo. Ang
gawaing pandaraya ay kaya
nilang ihinto.
Tingnan na lang natin kung
kaya nila akong mahadlangan.
Unti-unting nagdilim ang anyo
ni Raya. Lumipad ito palabas
ng bahay nina Paul.
7
Pagkaalis ni Raya, lumitaw sa harapan ni Paul ang isang mahiwagang
nilalang na nakasuot ng toga, at may dalang sulo.
Paul, kay Raya Pandaraya ay huwag padadaig. Katapatan sa
pag-aaral ang iyong pairalin. Tiyak ang karunungang minimithi
ay makakamit.
Kara Karunungan ang pangalan ko.
Habang lumalakas ang padaraya, unti-unti
akong nawawala. Ang ilang bata ay hindi
na nagbabasa ng modyul kaya hindi sila
natututo. Hindi na rin sila nagtatanong sa
mga magulang at guro kung hindi
naiintindihan ang mga aralin.
Sino ka?
8
Ahhhhh! May isang bata na
naman ang naimpluwensiyahan
ni Raya Pandaraya!
Unti-unting naglalaho ang kulay
na taglay ni Kara. Unti-unting itong
nanghihina.
Ang susi ng aking
pagbabalik ay ang mga
batang matapat, mga
magulang at mga guro.
Panatilihin ang
katapatan sa pag-aaral,
iyan ang hiling ko.
Ito ang mga huling salita ni
Kara Karunungan bago ito
tuluyang naglaho.
Kara Karunungan, huwag kang
maglalaho. Gusto kong matuto. Gusto
kong magkaroon ng maraming
kaalaman. Ano ang gagawin ko para
bumalik ka sa dati?
9
Anak, sisimulan na
nating pag-aralan
ang modyul mo.
Ano iyon Paul? Tinalakay iyan sa pagpupulong ng
mga magulang kanina.
Nanay, nanay!
Nanay, paano maging
matapat sa pag-aaral upang
maiwasan ang pandaraya?
Ano-ano ang
pinag-usapan
ninyo, nanay?
10
Nanay, paano kung nahihirapan tayong
intindihin ang nilalaman ng modyul?
Makatutulong din ang
panonood ng mga aralin
sa DepEd TV. May mga
video lesson dito na
ipinalalabas para sa iba’t
ibang baitang. Mayroon
ding mga programa sa
radyo na ginagawa ng
mga guro para mas
maintindihan ang mga
leksiyon.
Ang pagsali sa mga
online kopyahan ay
hindi pinapayagan.
Hindi matututo ang
mga bata kung
kokopyahin na lang
nila ang mga sagot
mula rito.
Binigyang-diin ng
mga guro, na ang
mga sagot sa likod
ng modyul ay gabay
lamang natin. Dito
malalaman kung
natutuhan at nakuha
na ang mga
kaalaman mula sa
modyul.
Hinihikayat ang mga magulang
at iba pang miyembro ng
pamilya na gabayan ang mga
bata sa kanilang pag-aaral.
Magtatanong tayo sa iyong
mga guro. Maaari natin
silang tawagan, i-text o i-
chat.
11
Nanay, marami pala tayong
magagawa para matuto.
Sasabihan ko sina Dino na
maraming paraan upang mapadali
ang pag-aaral nang hindi
nangongopya o nandaraya.
Narinig ni Raya Pandaraya ang balak ni
Paul.
Hindi ko hahayaang maturuan ni Paul ang
kaniyang mga kapatid na maging
matapat sa pag-aaral!
Hindi ko papayagang
humina ang aking
impluwensiya sa kanila. Ayaw
kong bumalik si Kara
Karunungan. Susundan ko si
Paul sa pagpunta niya kina
Dino. Pipigilan ko siya sa
kanyang binabalak.
Naabutan ni Paul na naglalaro ng habulan
ang mga kapatid niya.
Ano iyon Kuya Paul?
Dino, Kuya Atong, Tess, may sasabihin ako sa
inyo.
12
Ibinahagi ni Paul ang
kaniyang mga natutuhan sa
kanilang Nanay Erlinda.
Hindi! Hindi totoo ang sinasabi ni Paul.
Mas madali ang mangopya at
mandaya kaysa mag-aral!
Tama ang mga sinabi ni
Paul. Kung nahihirapan
sa aralin, magpaturo sa
magulang at
kumonsulta sa mga
guro. Maaari rin tayong
manood ng mga video
lesson sa DepEd TV o
makinig sa radio
broadcast ng mga
guro.
Pag-aralan natin ang
ating mga leksiyon.
Ang pandaraya ay
mali kaya dapat
hindi natin ito
ginagawa.
Maging matapat tayo
kahit na walang
nakakikita sa atin na
gawin ito. Ang
kaalaman ay
makakamit sa
pamamagitan ng
pag-aaral nang
mabuti.
13
HONESTY IS THE BEST POLICY!
Nagliwanag ang mga salitang binigkas ng mga bata. Kuminang ito nang matindi at
tinamaan si Raya Pandaraya. Nawalan ng bisa ang impluwensiya nitong pandaraya sa
mga bata. Unti-unti itong naglaho dahil sa lakas ng kapangyarihan ng pagiging matapat
sa pag-aaral.
Ahhhhhhh! Walang laban ang pandaraya sa mga batang
matapat. Wala palang maidudulot na mabuti ang pandaraya.
Hindi ito makatutulong sa pagpapaunlad ng kaalaman.
14
Paul, maraming salamat sa inyong ginawa. Hanggang may
mga tapat na batang tulad mo, ang karunungan ay hindi
mawawala. Sa tulong na rin ng inyong mga magulang at guro,
tiyak kong hindi magwawagi ang pandayara.
Sa pagkawala ni Raya Pandaraya, bumalik sa dating anyo si Kara Karunungan.
Bumalik ang kaalaman ng mga batang matapat sa pag-aaral.
WAKAS
15
Alam mo ba?
Ang Academic Dishonesty ay anomang uri ng pandaraya o maling gawain na
nakahahadlang sa pagsukat ng tunay na antas ng kaalaman at pagkatuto ng mga mag-aaral.
Hindi dapat gawin ng mga mag-aaral na tulad mo ang mga ganitong uri ng gawain sapagkat hindi
ito makatutulong sa paglinang at paghubog ng iyong kaalaman at kasanayan. Narito ang ilan sa
mga anyo nito:
1. Pangongopya (Cheating) - Ito ay paggamit o pagkuha ng anomang impormasyon, kagamitan,
sanggunian o mga kasanayan sa pagsasagawa ng mga gawaing pampagkatuto mula sa iba.
Halimbawa nito ay pangongopya ng sagot mula sa ibang mag-aaral sa isang pagsusulit. Kabilang
din dito ang pagpayag ng isang mag-aaral na kopyahin ng kapwa mag-aaral ang kaniyang sagot.
2. Plahiyo (Plagiarism) - Isang uri ng pandaraya kung saan kinukuha o ginagamit ang ideya,
pananalita, disenyo, sining, musika o iba pang mga likha at inaangkin ang mga ito nang hindi
kinikilala ang pinanggalingan o hinihingi ang pahintulot mula sa may-ari ng mga ito.
3. Pabrikasyon (Fabrication) o Palsipikasyon (Falsification) - Tumutukoy sa hindi awtorisadong
paggawa o pagbabago ng mga impormasyon sa mga gawaing pang-akademiko. Halimbawa,
paglikha ng hindi makatotohanang datos na dapat ay magmumula sa isang aktuwal na
eksperimento o pag-iimbento ng sanggunian ng mga impormasyon.
4. Sabotahe (Sabotage) - Ito ay pangingialam o paninira sa gawa ng iba upang mahadlangan ang
matagumpay na paggawa o pagtapos sa isang gawaing pang-akademiko. Ang paninira sa
likhang sining, eksperimento o disenyo ng iba ay maituturing na pananabotahe. Ang hindi
pakikilahok o hindi pag-aambag sa isang pangkatang proyekto ay masasabi ring isang uri ng
sabotahe.
5. Pagpapagawa sa Iba (Contract Cheating) - Isang anyo ng academic dishonesty na maaaring
maganap alinman sa mga sumusunod na sitwasyon:
pagpapagawa sa mga kaibigan o miyembro ng pamilya upang matapos ang isang
gawain nang walang kapalit
paglikha at pagkuha ng sanaysay mula sa isang free essay website at aangkinin
bilang sariling likha
isang takdang gawaing ginawa ng ibang tao nang may kapalit na bayad
Sanggunian:
Department of Education. 2021. "PROMOTING ACADEMIC HONESTY (DM-OUCI-2021-395)".
Pasig City: Department of Education.
16
Para sa katanungan o karagdagang puna, maaaring sumulat o tumawag sa:
Department of Education-Regional Office III
Curriculum and Learning Management Division (CLMD)
Learning Resource Management Section (LRMS)
Office Address: Diosdado Macapagal Government Center,
Maimpis, City of San Fernando, (P)
Telefax: (045) 598-8580
E-mail Address: [email protected]
:
Si Kara, Si Raya at ang Matapat na Bata
Si Paul ay nasa ikalimang baitang. Tulad ng ibang bata,
nahihirapan din siyang sagutan ang mga gawain sa modyul.
May makikilala si Paul na susubok sa pagiging matapat
niyang bata.
“Nais mo bang masagutan nang mabilis ang iyong
modyul? Ibig mo bang tumaas ang mga marka sa paaralan
nang hindi nahihirapan?” Iyan ang mga tanong ni Raya
Pandaraya sa batang si Paul.
“Huwag kang makikinig sa kaniya” Ang wika ni Kara
Karunungan.
Ano kaya ang gagawin ni Paul?
Ano ang mangyayari kay Kara kung lumakas ang
impluwensiya ni Raya?
Tunghayan ang kuwento nina Kara, Raya at ang batang
matapat na si Paul.