Demokrasya

13
Peter Torres Filipino 6 Bigong Demokrasya: Ang Pakumparang Pagsusuri ng Matagumpay na Singapore at ng Naghihingalong Pilipinas Demokrasya-- ito ang sandigan ng paniniwalang Pilipino na nagmula sa Amerika. Ang paghahangad ng pantay-pantay na oportunidad para sa sambayanan ang nagsisilbing puwersa upang magpatuloy ang Pilipinas sa ilalim ng gobyernong nakasentro sa Demokrasya. Ngunit, masasabi nga bang epektibo ang ganitong uri ng sistema para sa Pilipinas? Demokrasya nga bang matatawag ang isang lipunan kung saan may mga mamamayang walang makain sa umaga, walang mahimlayan sa gabi, at walang kakayahang magtaguyod ng komportableng buhay? Bakit tila mas mabilis ang pag-unlad ng bansa na tulad ng Singapore na, gaya ng Pilipinas, ay naghahangad din ng pantay-pantay na karapatan para sa kanilang mga mamamayan? Kung nakayanan ng isang bansa, kaya rin ng iba, lalo pa't magkahawig ang paraan ng pamumuno sa pagitan ng dalawang ito. Maaari kaya na ang paraan ng implementasyon ang nagsisilbing hadlang para sa Pilipinas na makamit ang pag-asenso na tinatamasa ng kanyang kapit-bansa? Nakahahadlang nga kaya ang mga kanluraning paniniwala na inilakip ng Amerika sa Pilipinas upang

Transcript of Demokrasya

Page 1: Demokrasya

Peter TorresFilipino 6

Bigong Demokrasya: Ang Pakumparang Pagsusuri ng Matagumpay na Singapore at ng Naghihingalong Pilipinas

Demokrasya-- ito ang sandigan ng paniniwalang Pilipino na nagmula sa Amerika. Ang

paghahangad ng pantay-pantay na oportunidad para sa sambayanan ang nagsisilbing puwersa

upang magpatuloy ang Pilipinas sa ilalim ng gobyernong nakasentro sa Demokrasya. Ngunit,

masasabi nga bang epektibo ang ganitong uri ng sistema para sa Pilipinas? Demokrasya nga bang

matatawag ang isang lipunan kung saan may mga mamamayang walang makain sa umaga,

walang mahimlayan sa gabi, at walang kakayahang magtaguyod ng komportableng buhay? Bakit

tila mas mabilis ang pag-unlad ng bansa na tulad ng Singapore na, gaya ng Pilipinas, ay

naghahangad din ng pantay-pantay na karapatan para sa kanilang mga mamamayan? Kung

nakayanan ng isang bansa, kaya rin ng iba, lalo pa't magkahawig ang paraan ng pamumuno sa

pagitan ng dalawang ito. Maaari kaya na ang paraan ng implementasyon ang nagsisilbing

hadlang para sa Pilipinas na makamit ang pag-asenso na tinatamasa ng kanyang kapit-bansa?

Nakahahadlang nga kaya ang mga kanluraning paniniwala na inilakip ng Amerika sa Pilipinas

upang makamit ng bansa ang buo nitong potensyal? Napakaraming tanong ang lumalabas sa

kung bakit naghihirap pa rin ang bansang sinasabing sagana sa likas na yaman at masisipag na

trabahador. Ang demokrasya sa Pilipinas ay hindi mainam sa pagsulong at pag-angat ng

ekonomiya at kabuhayang pangmoral ng Pilipinas. Maaring tingnan ang ibang hulwaran tulad

ng sa kalapit-bansang Singapore, na gumagamit rin ng demokrasya.

Nagmula ang salitang Demokrasya sa wikang Griyego na nangangahulugang

"panununtunan ng mga tao."1 Upang tuluyang masabing Demokratiko ang isang bansa,

kinakailangan ng pantay na partisipasyon mula sa mga tao pagdating sa paghahalal ng mga lider,

1 Robert Scott. A Greek-English Lexicon. Perseus.

Page 2: Demokrasya

paggawa ng mga batas, at pagdedesisyon para sa bansa.2 Kapag sinabing Demokrasya, hindi

lamang ito nangangahulugan na ang lahat ay naaayon sa mamamayan. Ang Demokrasya ay isa

ring sistemang pampulitika na nagtataglay ng makabuluhan at malawak na kompetisyon sa

pagitan ng mga indibidwal o grupo para sa epektibong posisyon sa gobyerno nang hindi

gumagamit ng dahas at mataas na pagpapahalaga sa mga tao upang makapili ng kanilang lider.

Kasama rin dito ang sibil, malaya, at may integridad na kompetisyon at partisipasyon ng mga

tao sa usaping panlipunan tulad ng kalayaan sa pagsasalita, pagpapahayag at pagsali sa mga

organisasyon.3

Ayon sa ilang pananaliksik, ang patuloy na pag-unlad ng isang bansa ay maaaring

magdulot ng Demokrasya. Ngunit, ang pagsunod sa sistemang ito ay hindi basta-bastang

nangangahulugan na uunlad ang ating bansa.4 Sa katanuyan, mas epektibong maipapatupad at

mapapanatili ang Demokrasya kung uunahing makamit ang kaunlaran o pag-asenso.5 Ang

Pilipinas, pagkatapos ng pananakop ng mga Amerikano, ay bigla na lang naiwan o napabayaan

sa isang paniniwalang hindi nila nakasanayan. Ang bansang Pilipinas ay parang isang ibong

hindi pa handang lumipad nang mag-isa ngunit napag-iwanan na agad ng kanyang mga

magulang. At dahil dito, masasabing hindi matagumpay ang Pilipinas sa pagiging isang ganap na

Demokratikong bansa dahil kailangan pang matutunan ng mga tao ang papel na kanilang

kailangang gampanan upang makamit ang pagkakapantay-pantay.6

2 Herbert Werlin. 2001. Classical and Liberal Democracy: Singapore and Jamaica. The Journal of Social, Political, and Economical Studies. v27 n2.3 Stephanie Lawson. 1996. Cultural Relativism and Democracy: Political Myths About Asia and the West. Pathways to Asia: the politics of egagement.4,Jagdish N. Bhagwati 2002. Democracy and Development: Cruel Dilemma or Symbiotic Relationship. Review of Developmental Economics. v6 i2 p151-162.5 Yong Glasure, et al. 1999. Level of Economic Development and Political Democracy Revisited. International Advances in Economic Research. November 1999. v5 i4 p466.

6 David Jones. 1997. Political Development in Pacific Asia. Cambridge.

Page 3: Demokrasya

Sa kabilang dako, ayon kay Cho-ohn Khong, ang Singapore ay sumusunod sa sistemang

komyunitaryang kapitalismo. (Communitarian Capitalism) Ang sistemang ito ay hindi nagmula

sa mga kanluraning bansa, lalo pa't maraming pagkakaiba sa pagitan ng kanluran at Singapore.

Ang mga pagkakaiba ay maaaring magmula sa relihiyon, kultura, at pati na rin sa mga

paniniwala. Ngunit tulad ng Pilipinas, ipinapamalas din ng Singapore ang Demokrasya sa

pamamagitan ng popular representation o pagsunod sa nakararami (majority rules) at pantay-

pantay na pagtingin mula sa mga mata ng pulitika (political equality). Ang paniniwalang

Confucian ay may malakas na pananalig sa pantay-pantay na pagpapamahagi sa mga

mamamayan nito. Sa pamumuno ng dating punong ministro na si Lee Kuan Yew, naitaguyod sa

Singapore ang paniniwalang Asyanong nakapaloob sa sulatin ni Confucius. Pinuna ni Yew na

ang kanluraning paniniwala na indibidwalismo ay karaniwang nagreresulta sa pagiging

makasarili. Ninais ni Yew na burahin ang paniniwala sa indibidwal na responsibilidad na

nagresulta sa labis na pag-asa ng mga mamamayan sa gobyerno upang lutasin ang mga problema

ng bansa.7 Dahil dito, lumakas ang pananalig ng mga tao sa pamahalaan at naunawaan nila na

ang indibiwalismo ay hindi lamang tungkol sa tagumpay ng isang tao para makatulong sapagkat

mas pumapatungkol ito sa kolektibong tagumpay ng buong lipunan. Umusbong ang pagiging

matapat, responsable, at pagtitiwala ng mga Singaporean sa sistema ng kanilang gobyerno.8

Noong bumagsak ang ekonomiya ng Timog Silangang Asya noong 1997-1998,

inaasahang susunod ang mga bansa rito sa isang repormang pampulitika na nakahapay patungo

sa Liberal na Demokrasya na ang ibig sabihin ay maaasahang gobyerno at matapat na institusyon

7 Cho-ohn Khong. 1999. Singapore. Democracy, Governance, and Economic Performance. East and Southeast Asia. New York.8 Rosita Dellios. 1997. “How May the World be at Peace?: Idealism and Realism in Chinece Strategic Culture.“Culture and Foreign Society.

Page 4: Demokrasya

(Liberal Democracy which has an Accountable Government and a Transparent Institution).9

Ayon sa Asian Development Bank, ang depinisyon ng isang bansang may mabuting pamumuno

ay ang kakayahan ng gobyerno na magamit ang kapangyarihan nito tungo sa kaunlaran ng

ekonomiyang pambansa at ang pagkamit ng pag-asenso.10 Mukhang nabigo ang Pilipinas sa

piniling sistema sapagkat ang Singapore mismo na hindi tumangkilik sa Liberal na Demokrasya

ang binansagan ng Transparent International,isang organisasyong pandaigdigan na nakasentro

sa pagsupi sa corruption. bilang pinaka-hindi corrupt na bansa sa mundo noong 2001.11 Isa

lamang itong patunay na mas umuunlad ang bansang pinamumunuan ng mga pulitikong may

mabuting intensyon para sa kanilang nasasakupang bansa.

Ano nga ba ang matatagpuan sa kasaysayan ng Pilipinas na labis na nakakaapekto sa

hindi matagumpay na pagtataguyod ng Demokrasya sa bansa? Sinakop ng mga Espanyol ang

Pilipinas noong 1571 at nagpatuloy hanggang 1898. Sa impluwensya ng mga Espanyol, namana

ng Pilipinas ang hacienda system o patron-client system kung saan naitatag ang pagkakaiba ng

amo at alipin. Dumating ang mga Amerikano para magturo ng Demokrasya at sumunod dito ang

mga Hapon bago lubusang makamit ang kasarinlan. Sa puntong ito, dama pa rin ng Pilipinas ang

hacienda system. Isang halimbawa ng sistemang ito ang nasaksihan sa panahon ng dating

pangulong Ferdinand Marcos. Nawala ang kalayaan nang mamuno si dating pangulong Marcos,

ang presidente sa likod ng mapaniil na Batas Militar. Dahil sa kasaysayan ng Pilipinas, hindi

masisisi kung bakit naging mahirap makamit ang ganap na Demokrasya sa bansa.12 Ayon kay

Dr. Clark Neher, isang sikat na maestro sa larangan ng pulitika, ang mga kolonyal na mga

9 Surain Subramaniam,. April 2001. “The Deal Narative of Good Governance: Lessons for Understanding Political and Culutral Change in Malaysia and Singapore.” Contemporary Southeast Asia: A Journal of International and Strategic Affairs. v23 i110 Xinhua News Agency. April 26 1999. ADB Urges Members to Adopt Good Governance. 11 Herbert Werlin. 2001. Classical and Liberal Democracy: Singapore and Jamaica. The Journal of Social, Political, and Economical Studies. v27 n2.12 Damian Kingsbury. 2001. Southeast Asia: A Political Profile. Oxford University Press.

Page 5: Demokrasya

paniniwalang ito ang nagdulot sa dibisyon na pinamumunuan ng ilang piling tao na may kanya-

kanyang interes. Kaya kahit totoo man o hindi na corrupt ang ating mga pulitiko, naging parte na

ng karaniwang pamumuhay na bansagan ang kahit na sinong politiko na kurakot. Bukod rito,

naging normal na rin ang hindi pakikiisa at pagtitiwala sa gobyerno.13

National Holiday kung ituring ang araw ng eleksyon sapagkat malakas ang paniniwala ng

mga Pilipino na may kapangyarihan ang kanilang mga balota. Sa katunayan, nabangit ni Joaquin

Gonzales na mataas ang voter turnout sa Pilipinas kumpara sa Singapore. Ngunit, kahit pa

naniniwala ang mga Pilipino sa kapangyarihan ng kanilang boto, kilala rin ang mga Pilipino sa

pagpapatalsik sa mga lider na kanilang ibinoto. Kumbaga, ang mga Pinoy mismo ang sumisira sa

kanilang kapangyarihang pumili sapagkat sikat ang pagbibilang ng People Power sa bansa. Para

sa isang bansang kilala sa pagiging matiyaga, ang mga Pilipino ay agad-agad na tumatakbo sa

pagpapatalsik ng lider bilang solusyon. Hindi ganito ang pamamaraan ng pagresolba ng mga

problema sa Singapore.14

Ayon kay Joel Rocamora, ang Pilipinas ang pinakahindi demokratiko na demokratikong

bansa. (undemocratic democracy).15 Hindi makamit ng Pilipinas ang buo nitong potensyal at

pangako. Kahit pa 96.7 milyon ang populasyon nito, pang 77 lang ang Pilipinas sa ranggo ng

Human Development Index pagdating sa Gross Domestic Product kung saan ang kakayahang

pangmerkado ay US$ 250.3 billion. Idagdag pa rito ang mataas na utang pang-internasyonal at

mataas na lebel ng kahirapan sa bansa.16 Ayon kay John Sidel, ang Demokrasya sa Pilipinas ay

nagmumukhang pormalidad lamang at walang malinaw na katotohanan. Magpapatuloy ang

13 Clark Neher. 1991. Democratization in Southeast Asia. Asian Affairs: An American Review. v18 i3.14 Joaquin Gonzales. 2001. Philippines: Counting People Power. Government and Politics in Southeast Asia. Singapore.15 Joel Rocamora. 2004. Formal Democracy and Its Alternatives in the Philippines: Parties, Elections, and Social Movements. Democracy and Civil Society in Asia. v2.16 Clark Neher. 1991. “Democratization in Southeast Asia.” Asian Affairs: An American Review. v18 i3.

Page 6: Demokrasya

pagiging mahina at hindi mabisa ng Pilipinas kahit ano pa ang panlabas na imahe ang ipinapakita

nito sapagkat sariwa at talamak pa rin ang mga epekto ng kolonyalismo.17

Kapag susuriin ang nakaraan ng bansang Singapore, nasakop din ito ng iba't ibang

banyaga noon tulad ng Bretanya. Subalit nang makamit nila ang kalayaan, hindi sila umasa sa

ibang bansa upang magtagumpay. Nagsimula ang The People's Action Party o PAP noong 1959

matapos nitong mapanalunan ang karamihan sa mga posisyon sa naganap na eleksyon. Ang PAP

ang nagsilbing pangunahing partidong pampulitika sa bansa. Sa loob ng halos apat na dekada,

nakapag-ambag ang partidong ito ng magagandang resulta para sa Singapore tulad ng pagtaas ng

GDP, pag-angat sa kalidad ng edukasyon, at pag-alis ng mga walang matirahan sa mga

lansangan. Hindi tulad ng Pilipinas, kung saan napakaraming partido ang naglalaban-laban para

sa kapangyarihan.18 Nakapasok na ang Singapore sa listahan ng mga bansang first world o mga

bansang may malalakas na ekonomiya. Pang-apat ito sa mga pinakamayayamang bansa sa

mundo noong 1997 at ang 3.21 milyong populasyon ng Singapore ay nakapag-aambag ng GDP

na nagkakahalagang US$32,490. Matagumpay nilang naayos ang problema sa bahay at

edukasyon.19 Ang limitasyon sa kanilang pagbibigay kahulugan sa Demokrasya ay nag-uugat sa

kanilang matibay na paniniwala sa gobyerno, mataas na lebel ng edukasyon, at pagiging

disiplinado.20

Ayon sa pag-aaral ni Dr. Dipak Gupta, isang propesor ng political science sa San Diego

State University, at mga kasamahan, ang pagsasama ng demokrasya at malayang merkado (free

market) ay isang paraan upang makamit ang kaunlaran. Sapagkat ang pagbawas ng

kapangyarihan ng gobyerno sa merkado ay makapagbibigay ng lakas ng loob, pagkukusa,

17 John Sidel. 1995. The Philippines: The languages of Legitimization. Political Legitimacy in Southeast Asia: The Quest for Moral Authority. Stanford University Press.18 Ooi Seng. 1998. Singapore. Political Party Systems and Democratic Development in East and southeast Asia. Ashgate19 Jon Quah. 2001, Singapore: Meritocratic City-State. Government and Politics in Southeast Asia. Singapore.20 Phillip Lim. 2000. A Re-Evaluation of Asian Values. Restoring East Asia's Dynamism. Japan.

Page 7: Demokrasya

pamumuhunan, at paglago sa parte ng mga produser. Ito ay simbolo ng isang matatag na

gobyerno, ang abilidad na maging matibay kahit pa binibigyan nito ng mas maraming

kapangyarihan ang mga negosyo. Bukod sa malayang merkado, ang katatagang pandomestiko

(domestic stability) ang pinakamabisang paraan upang mahikayat ang mga nagnanais

mamuhunan sa bansa na datapwa't magdudulot ng pagsibol ng ekonomiya. Ang mga bansang

nakapagtaguyod ng matatag na gobyerno ay tila mas madaling umaasenso kumpara sa may mga

mahihinang pulitika.21 Ayon kay Samuel Huntington, ang communitarian political culture at ang

likas na mabuting pamumuno ng gobyerno ang patuloy na dahilan ng pag-unlad ng Singapore.22

Ang ganitong sistema ay naniniwala sa importansya ng konyunidad bilang isang Pamilya.

Matagumpay ang Singapore sa pag-akit ng mga dayuhang negosyante dahil sa kalayaang

kanilang ibinibigay sa mga ito.23 Nakakita ang Singapore ng balanse sa pagitan ng pagpapanatili

ng kanilang angking pagkakakilanlan at sa mga pangangailangan nang patuloy na pag-usbong ng

globalisasyon.24

Isa sa mga halimbawa ng hindi kanais-nais na gawain ng mga politiko sa Pilipinas ang

pangingialam sa mga Non Governmental Organizations o NGOs. Maaaring marami nga ang

NGOs sa Pilipinas. Sa katanuyan, patuloy pa ring dumarami ang mga bilang nito. Malaki ang

ginampanang papel ng mga NGOs sa pagpapatalsik sa dating pangulong Marcos; ngunit, hindi

ito nakaligtas sa mga makasariling intensyon ng ilang piling tao (elite) sapagkat nagkaroon na ng

mga NGO na suportado mismo ng mga sektor ng gobyerno upang makatulong sa kanilang

pansariling interes.25

21 Dipak Gupta. et al. 1998. Democracy, Economic Growth, and Political Stability: an Integrated Perspective." The Journal of Socioeconomics. v27 i522 Samuel Huntington. 2002. Clash of Civilizations and the Remaking or World Order. London.23 Vera Simone. 1994. The Asia Pacific: Political and Economic Development in a Global Context. New York24 Thomas Friedman. 2000. The Lexus and The Olive Tree. London.

25 Barry Clark. 1998. Political Economy: A Comparative Approach.

Page 8: Demokrasya

Sa kabuuan, ating nakita na hindi epektibo ang kanluraning pamamaraan ng demokrasya

sa Pilipinas sapagkat nagtataguyod ito ng pamumuhay na nakaugat sa indibidwalismo. Dahilan

para sa mga Pilipino na hindi pahalagahan ang interes ng nakararami at para sa mga pulitiko na

maging makasarili. Ang labis na pakikialam ng gobyerno sa pampublikong merkado ay isa pang

dahilan sa kung bakit mahina ang ekonomiya ng bansa. Idagdag pa natin na hindi handa ang

Pilipinas na itaguyod ang Demokrasya nang iwan ito ng Estados Unidos. Higit sa lahat, ang

kakulangan ng pagtitiwala sa gobyerno ang nagpapabagsak sa Pilipinas. Ang depinisyon natin ng

Demokrasya ay hindi rin akma sa kung ano nga ba ito. Lagi nating ipinagyayabang na dahil sa

Demokrasya, ang pamumuno ng bansa ay nasa ating mga kamay. Ngunit bakit natin sinisisi at

pinapatalsik ang mga pangulong ating inilagay sa posisyon? Bakit hindi natin patalsikin at sisihin

ang sarili natin sapagkat hindi ba't ang ibig sabihin ng Demokrasya ay tao ang may

kapangyarihan? Kung patuloy nating ipagyayabang na demokratik ang gobyerno natin ito, hindi

ba't nangangahulugang tayo rin ang maysala kapag may hindi kanais-nais na nangyayari sa

bansa? Ang muling paghalal kay pangulong Gloria Arroyo ay masasabing unang hakbang sa

matalinong pagboto ng mga Pilipino sapagkat ibinoto natin ang may karanasan at may

ekstensibong kaalaman at hindi kung sino man ang sikat o namatayan ng magulang o asawa.

Nasa pag-iisip natin ang hindi pagkatiwalaan ang kung sino mang namumuno. Ngunit dahil dito,

ang Demokrasyang itinatag ng mga Amerikano ay hindi nagiging epektibo sapagkat walang

pagkakaisa mula sa mga mamamayan. Masyado tayong atat na kung hindi gumagana ang sabong

ating ginagamit, papalitan agad natin ito bago pa man makakita ng resulta. Dapat nating tandaan

na nasa tao ang gawa. Kung ihuhulma natin ang ating Demokrasya sa Singapore, mas

mapapalakas natin ang puwersang pang-ekonomiya ng Pilipinas. Ito na ang tamang oras para

Page 9: Demokrasya

hindi magturo sa kung sinong kurakot na opisyal ang maysala. Panahon na rin upang tanungin

ang sarili: Hindi kaya ako ang problema at hindi kaya tayo rin o nasa sa atin din ang solusyon?