Debate

23
Ano ang Pagtatalo?

description

Sining ng Pakikipagtalo

Transcript of Debate

Slide 1

Ano ang Pagtatalo?

- ay binubuo ng pangangatwiran ng dalawang koponan na magkasalungat ng panig tungkol sa paksang napagkaisahang pagtatalunan.Ang Pagtatalo o DebateMaaaring nakasulat ang pagtatalo ngunit kadalasan ay binibigkas ito.

Ang paksang pinagdedebatihan ay tinatawag na proposisyon .

Itoy isang pangungusap na nilalayong patunayan ng panig ng sang-ayon sa pamamagitan ng mga argumento .

Nagsasaad ito ng isang bagay na maaring tutulan at panigan kaya mapagtatalunan .Ano ang Proposisyon?

Ibigay ang suliranin sa anyong kapasiyahan.

Ibigay ito sa payak at paturol na pangungusap na may isa lamang suliraning patutunayan.

Ipahayag ito sa isang paraang walang salitang pag-aalinlanganan ang kahulugan.

Ipahayag ito sa paraang pasang-ayon.Sa pagpapahayag ng proposisyon, isaalang-alang ang mga sumusunod:

Tatlong Uri ng Proposisyon1.Pangyayari: Ito ay naninindigan sa katunayan o kabulaanan ng isang bagay na makatotohanan.

Hal :Maraming namatay sa nasunog na Superferry.Masusukat ang katotohanan o kabulaanan nito sa pamamagitan ng pag-alam sa tunay na mga pangyayari,

Tatlong Uri ng Proposisyon2. Kahalagahan: Ito ay isang paninindigan sa kahalagahan ng isang bagay.Hal: Ang isang wikang pambansa ay lubhang mahalaga sa pagbuwag sa makaaliping diwa.Ang nangangatwiran dito ay bubuo ng argumento na nagtatanggol sa kabulaanan ng isang bagay, isang palakad o isang pagkilos.

Tatlong Uri ng Proposisyon1.Patakaran: Ang mga proposisyong ito ay naghahanap ng isang paraan ng pagkilos o isang binalak na solusyon sa isang suliranin. Hal :Dapat Gawing Legal ang Diborsyo sa Pilipinas.

Walang kinikilingan .Magkasinlakas ang magkabilang panig na na nagkakasalungatan ng palagay.

Kawili wili sa sumusulat at makikinig ang proposisyon .

Napapanahon ang paksa .Mga Katangian ng isang mabuting proposisyon .

Hindi pa napagpapasiyahan ang paksa.

Malinaw at tiyak ang proposisyon .

Maaaring patunayang ng mga ebidensya

May larangang hindi lubhang malawak at hindi rin naman gaanong makitid .

Karapat dapat na pagtalunan.Mga Katangian ng isang mabuting proposisyon .

Paghahanda sa isang PagtataloTatlong hakbang sa paghahanda ng isang pagtatalo (1) Pangangalap ng datos; (2) Paggawa ng dagli o balangkas (3) Pagpapatunay ng Katwiran. Pangangalap ng datos- Ang pagtitipon ng mga nakalap na datos ay kinakailangang gagamitin sa pagmamatuwid ay dapat gawin sa pamamagitan ng pagtatala ng mga tunay na pangyayari buhat sa paniniwalaan napapanahong aklat sanggunian o magasin.

Paghahanda sa isang PagtataloDalawang sanggunian ang karaniwang pinagkukunan ng ng mga datos:

Ang ating pagmamasid at ang pagmamasasid ng iba na awtoridad sa paksang pagtatalunan.

- Awtoridad kapag dalubhasa ang nagpapahayag o pahayag ng isang tao o pangkat ng mga taong may mataas na katangian o malaking kakayahan tungkol sa isang sangay ng karungingan o gawain at ginagalang at kinikilala ang kanilang kuru-kuro at pahayag.

Paghahanda sa isang PagtataloAng dagli o balangkas- ay ang paghaahnay ng mga katuwiran. Sa makatuwid, itoy pakikipagtalong pinaikli. Ang mga bahagi ng dagli ay panimula, katawan at wakas.Sa panimula, ipahayag ang paksa ng pagtatalo, ang kalahagahan sa kasalukuyan ng paksa, mga kinakailngang pagbibigay katuturan ng mga talakay at ang pagpapahag ng isyu,

Paghahanda sa isang PagtataloAng katawan ng dagli - ay binubuo ng mga isyung dapat sagutin. Pumili ng mga tatlo o apat na mga isyu at ilagay sa wastong ayos. Bawat isyu ay binubuo naman ng mga patunay, mga katibayan o mga katuwirang siyang magpapatotoo sa patakarang pinanghahawakan o pinapanigan.Ang pangwakas - na mga pangungusap ay siyang buod ng mga isyung siyang binibigyan ng mga patunay.

3.Necessity/ Pangangailangan ang ibinibigay ng talumpati ng tagapagsalita ay hinihingi ng sitwasyon bilang kailangan at tunay na solusyon.Ang Tagapagsalita1. Beneficiallity / Kapakinabangan ang ibinibigay ng talumpati ng tagapagsalita ay kung anong mga benipisyong makukuha sa proposisyong pinagtatalunan.2. Practicability/ Praktikalidad ibinibigay ng talumpati ng tagapagsalita kung bakit posible ba o praktikal na maisakatuparan ang hinihingi.

Paraan ng Pagtatalo ng Oregon-OxfordAng bawat koponan ay binubuo ng dalawa, tatlo o apat na kasapi. Ang tagapagsalita at ang isa rito ay ang tagalata o scribe.Ang oras ng talumpati ay pito walong minuto.Pagkatapos ng talumpati ng bawat isa, mayroon munang tatlong minutong pagtatanungan

Paraan ng Pagtatalo ng Oregon-OxfordPagkatapos ng lahat ng mga pangunahing talumpati at tanungan, mayroon namang tatlong sandali ng pagtuligsa (rebuttal) ang mga kasapi ngunit limang minuto naman ang pagtuligsa at pagbubukod ng puno ng bawat koponan o ang nagbigay ng unang talumpati.

1.Unang-tagapagsalita(benificilaity-sang-ayon) pagtatanggol ng panig.

2.Unang-tagapagsalita(benificiality-salungat) pagtatanong o interpellation

3.Unang-tagapagsalita(benificilality-salungat) pagtatanggol ng panig

4.Unang-tagapagsalita(benificiality-sang-ayon) pagtatanong o interpellationHalimbawa ng may tigatlong tagapagsalita sa bawat koponan:

Halimbawa ng may tigatlong tagapagsalita sa bawat koponan:5.Ikalawang tagapagsalita (practicability-sang-ayon) pagtatanggol ng panig6.Ikalawang tagapagsalita (practicability-salungat) pagtatanong o interpellation7.Ikalawang tagapagsalita (practicability-salungat) pagtangggol ng panig8.Ikalawang tagapagsalita (practicability-sang-ayon) pagtatanong o interpellation9.Ikaltlong tagapagsalita (necessity-sang-ayon) pagtanggol ng panig10.Ikatlong tagapagsalita (necessity-salungat) pagtatanong o interpellation

Halimbawa ng may tigatlong tagapagsalita sa bawat koponan:11.Ikatlong tagapagsalita (necessity-salungat) pagtanggol ng panig12.Ikatlong tagapagsalita (necessity-sang-ayon) pagtatanong13.Pagitan14.Rebuttal na talumpati ng salungat na ibibigay ng unang tagapagsalita15.Rebuttal na talumpati ng sang-ayon na ibibigay ng unang tagapagsalita.

Mga Dapat Malaman ng Isang Nagtatanong.1. Siya ay dapat magtanong lamang ng mga tanong na masasagot ng oo at hindi.2. Huwag payagang magtanong sa kanya ang kalaban kung siya ang nagtatanong.3. Huwag pumayag na aksayahin ng kalaban ang kanyang oras sa pagtatanong.4. Dapat siyang magtanong ng tungkol sa buod ng talumpati ng tinatanong niya.5. Kung lumalabag sa laituntunin ng pagtatanong ang isa sa kanila, dapat itong ipaalam sa Tagapangasiwa ng pagtatalo.

Mga Dapat Banggitin sa Pagtuligsa (Rebuttal)1. Ilahad ang mga mali sa katuwiran ng kalaban na nakita.2. Ipaalam ang walang katotohanang sinabi ng kalaban.3. Ipaliwanag ang kahinaan ng mga katibayan ng kalaban.

Pamantayan sa Pagtatalo:PANIG NG SANG_AYONMga NagtataloKatibayan (30%)Pagbigkas (10%)Pagbigkas sa entablado (10%)Pagtatanungan T (10%)S (10%)Pagtuligsa (30%)Pangkalahatang BilangPANIG NG SALUNGATNgalan: ______________________________________Petsa: ______________Kapasiyahan: __________________________________

Tagapangasiwa:_____________________________ Koponang Nagwagi___________ Pinakamagaling na Nakipagtalo: ____________________________________________ Ikalawang Magaling na Nakipagtalo: _________________________________________

Mga Pinagkukunan:

Sining ng Pakikipagtalastasan 1Tumangan Sr. et. alKakayahan sa Pakikipagtalastasang PangkolehiyoArrogante et. al