Daniel - ebible.org · ng hari upang sila ay dalhin, dinala sila ng pinunong...

45
Daniel 1:1 1 Daniel 1:8 Daniel 1 Sa ikatlong taon ng paghahari ni Jehoiakim na hari ng Juda, dumating si Nebucadnezar na hari ng Babilonia sa Jerusalem at kinubkob ang lungsod upang putulin ang lahat ng mga tulong para rito. 2 Binigyan ng Panginoon si Nebucadnezar ng katagumpayan laban kay Jehoiakim na hari ng Juda at ibinigay sa kaniya ang ilan sa mga sagradong bagay mula sa tahanan ng Diyos. Dinala niya ang mga ito sa lupain ng Babilonia, sa tahanan ng kaniyang diyos at inilagay ang sagradong mga bagay sa kabang-yaman ng kaniyang diyos. 3 At nakipag-usap ang hari kay Aspenaz, ang kaniyang pinunong opisyal upang dalhin ang ilan sa mga Israelita, sa maharlikang angkan at mga dakilang tao— 4 mga binatang walang kapintasan, kaakit-akit ang itsura, at mahusay sa lahat ng karunun- gan, puno ng kaalaman at pang-unawa at karapat-dapat na maglingkod sa palasyo ng hari. Tuturuan niya sila ng panitikan at wika ng mga taga-Babilonia. 5 At ibinilang sila ng hari ng bahagi sa araw ng kaniyang mga pagkain at sa alak na kaniyang iinumin. Sasanayin ang mga binatang ito sa tatlong taon at pagkatapos, maglilingkod sila sa hari. 6 Kabilang sa mga ito ay sina Daniel, Hananaias, Misael, at Azarias, ilan sa mga tao ng Juda. 7 Binigyan sila ng mga pangalan ng pinunong opisyal: tinawag si Daniel na Beltesazar, tinawag si Hananias na Shadrac, si Misael na Meshac, at si Azarias na Abednego. 8 Ngunit ipinasiya ni Daniel sa kaniyang isipan na hindi niya dudungisan ang kaniyang sarili sa mga pagkain ng hari o sa mga alak na kaniyang iniinom. Kaya humiling siya ng pahintulot mula sa pinunong opisyal na hindi niya maaaring dungisan ang

Transcript of Daniel - ebible.org · ng hari upang sila ay dalhin, dinala sila ng pinunong...

  • Daniel 1:1 1 Daniel 1:8

    Daniel1 Sa ikatlong taon ng paghahari ni Jehoiakim na hari

    ng Juda, dumating si Nebucadnezar na hari ng Babiloniasa Jerusalem at kinubkob ang lungsod upang putulin anglahat ng mga tulong para rito. 2 Binigyan ng Panginoonsi Nebucadnezar ng katagumpayan laban kay Jehoiakimna hari ng Juda at ibinigay sa kaniya ang ilan sa mgasagradong bagay mula sa tahanan ng Diyos. Dinalaniya ang mga ito sa lupain ng Babilonia, sa tahanan ngkaniyang diyos at inilagay ang sagradong mga bagay sakabang-yaman ng kaniyang diyos. 3 At nakipag-usap anghari kay Aspenaz, ang kaniyang pinunong opisyal upangdalhin ang ilan sa mga Israelita, sa maharlikang angkanat mga dakilang tao— 4mga binatang walang kapintasan,kaakit-akit ang itsura, at mahusay sa lahat ng karunun-gan, puno ng kaalaman at pang-unawa at karapat-dapatna maglingkod sa palasyo ng hari. Tuturuan niya sila ngpanitikan at wika ng mga taga-Babilonia. 5 At ibinilangsila ng hari ng bahagi sa araw ng kaniyangmga pagkain atsa alak na kaniyang iinumin. Sasanayin angmga binatangito sa tatlong taon at pagkatapos, maglilingkod sila sahari. 6 Kabilang sa mga ito ay sina Daniel, Hananaias,Misael, at Azarias, ilan sa mga tao ng Juda. 7Binigyan silang mga pangalan ng pinunong opisyal: tinawag si Danielna Beltesazar, tinawag si Hananias na Shadrac, si Misaelna Meshac, at si Azarias na Abednego. 8Ngunit ipinasiyani Daniel sa kaniyang isipan na hindi niya dudungisan angkaniyang sarili sa mga pagkain ng hari o sa mga alak nakaniyang iniinom. Kaya humiling siya ng pahintulotmulasa pinunong opisyal na hindi niyamaaaring dungisan ang

  • Daniel 1:9 2 Daniel 1:20kaniyang sarili. 9 Binigyang pabor at habag ng Diyos siDaniel sa pamamagitan ng pagkakaroon ng paggalang ngpinuno ng mga opisyal sa kaniya. 10 Sinabi ng pinunongopisyal kay Daniel, “Natatakot ako sa aking panginoonghari. Ipinag-utos ng hari kung ano ang inyong kakaininat ang inyong iinumin. Bakit kailangan niyang makitana mukhang mahina kayo kaysa sa mga binata na kasing-edad ninyo? Pupugutan ako ng ulo ng hari dahil sa inyo.”11Atnakipag-usap si Daniel sa katiwala na siyang itinalagang pinunong opisyal kina Daniel, Hananias, Misael atAzarias. 12 Sinabi niya, “Nakikiusap ako na subukin mokami, ang iyong mga lingkod, sa sampung araw. Bigyanmo lamang kami ng ilangmga gulay namakakain at tubigupang inumin. 13 At ihambing ang aming itsura sa itsurangmgabinatangnagsikainngpagkainnghari, at pakitun-guhan mo kami, na iyong mga lingkod, batay sa kung anoang iyong nakita.” 14 Kaya sumang-ayon ang tagapama-hala sa kaniya na gawin ito. At sinubukan niya sila sa loobng sampung araw. 15At pagkatapos ng sampung araw angkanilang itsura ay naging mas malusog, at malakas angpangangatawan kaysa sa lahat ng mga binata na kumainng pagkain ng hari. 16 Kaya kinuha ng mga katiwala angkanilang mga pagkain at ang kanilang alak at binigyanlamang sila ng mga gulay. 17 Para sa apat na binatang ito,pinagkalooban sila ng Diyos ng kaalaman at maliwanagna pagkaunawa sa lahat ng panitikan at karunungan atnauunawaan ni Daniel ang lahat ng uri ng mga pangitainat mga panaginip. 18At sa pagtatapos ng araw na itinakdang hari upang sila ay dalhin, dinala sila ng pinunongopisyal sa harapan ni Nebucadnezar. 19 Kinausap sila nghari, at sa kanilang lahat walang maihahalintulad kayDaniel, Hananias, Misael, at Azarias. Nakatayo sila saharap ng hari, nakahandang paglingkuran siya. 20 At

  • Daniel 1:21 3 Daniel 2:7sa bawat katanungan ng karunungan at pang-unawa naitinanong sa kanila ng hari, nasumpungan niya na silaay sampung beses na mas mainam kaysa sa lahat ngsalamangkero at ang mga umaangking nakakausap angmga patay na nasa kaniyang buong kaharian. 21Namalagisi Daniel hanggang sa unang taon ng haring Ciro.

    21 Sa ikalawang taon ng paghahari ni Nebucadnezar,

    nagkaroon siya ng mga panaginip. Naguluhan angkaniyang isip, at hindi siya makatulog. 2 At ipinatawagng hari ang mga salamangkero at ang mga nagsasabingnakakausap ang patay. Ipinatawag din niya ang mgamangkukulam at matatalinong kalalakihan. Nais niyana sabihin nila sa kaniya ang tungkol sa kaniyang mgapanaginip. Kaya dumating sila at tumayo sa harapan nghari. 3 Sinabi ng hari sa kanila, “Nagkaroon ako ng isangpanaginip, at nababahala ang aking isipan na malamanang kahulugan ng panaginip.” 4 Pagkatapos, nagsalitaangmatatalinong kalalakihan sa wikang Aramaico, “Hari,mabuhay kamagpakailanman! Sabihinmo ang panaginipsa amin, ang inyong mga lingkod at ihahayag naminang kahulugan.” 5 Sumagot ang hari sa matatalinongkalalakihan, “Nalutas na ang usaping ito. Kung hindininyomaihahayag ang panaginip sa akin at bigyang kahu-lugan ito, pagpuputul-putulin ko ang inyong katawanat gagawin kong tambakan ng basura ang inyong mgatahanan. 6 Ngunit kung sasabihin ninyo sa akin angpanaginip at kahulugan nito, makakatanggap kayo ngmga kaloob mula sa akin, isang gantimpala at dakilangkarangalan. Kaya sabihin ninyo sa akin ang panaginipat kahulugan nito.” 7 Sumagot silang muli at sinabi,“Hayaang sabihin ito sa amin ng hari, ang kaniyang mga

  • Daniel 2:8 4 Daniel 2:15lingkod, ang panaginip at sasabihin namin sa inyo angkahulugan nito.” 8 Sumagot ang hari, “Nakatitiyak akona nangangailangan pa kayo ng mas maraming pana-hon dahil nakita ninyo kung gaano katatag ang akingpagpapasiya tungkol dito. 9 Ngunit kung hindi ninyosasabihin sa akin ang panaginip, may iisang hatol lamangpara sa inyo. Napagpasiyahan ninyong maghanda ngbulaan at mapanlinlang na mga salita na sinang-ayunanninyoupang sabihin sa akinhanggangmagbago ang akingisip. Kung kaya, sabihin ninyo sa akin ang panaginip atpagkatapos ay alam ko na mabibigyang kahulugan ninyoito para sa akin.” 10 Sumagot ang matatalinong kalalak-ihan sa hari, “Walang tao sa lupa ang may kakayanangmatugunan ang pangagailangan ng hari. Walang dak-ila at makapangyarihang hari ang mangangailangan ngganoong bagay mula sa sinumang salamangkero, o mulasa sinumang umaangkin na makipag-usap sa patay, omula sa isang matalinong tao. 11 Ang pangangalingan nghari ay mahirap, at walang sinuman ang makakapagsabinito sa harimaliban samga diyos at hindi sila naninirahankabilang sa mga tao.” 12 Ito ang ikinagalit at labis nanagpagalit sa hari, at nagbigay siya ng utos na lipulinang lahat ng mga nasa Babilonia na kinikilala sa kanilangkarunungan. 13 Kaya nailabas ang kautusan. Lahat ngmga nakilala sa kanilang karunungan ay nahatulan ngkamatayan; hinanap din nila si Daniel at ang kaniyangmga kaibigan upang mailagay din sila sa kamatayan.14 Pagkatapos, sumagot si Daniel ng may hinahon atmabuting pagpapasiya kay Arioc na pinuno ng mga taga-bantay ng hari, na dumating upang patayin ang lahat ngmga nasa Babilonia na kinikilala sa kanilang karunungan.15 Tinanong ni Daniel ang pinuno ng tagabantay ng hari,“Bakit pabigla-bigla ang kautusan ng hari?” Kaya sinabi

  • Daniel 2:16 5 Daniel 2:25ni Arioc kay Daniel ang nangyari. 16Pagkatapos, pumasoksi Daniel at humiling ng kasunduan sa hari upang mai-harap niya ang pagpapaliwanag sa hari. 17 Pagkatapos,pumunta si Daniel sa kaniyang tahanan at ipinaliwanagniya kay Hananias, Misael, at Azarias kung ano angnangyari. 18Hinimok niya sila na hanapin ang habagmulasa Diyos ng langit tungkol sa hiwagang ito upang siya atsila ay hindi maaaring patayin kasama ang mga natirangkalalakihan sa Babilonia na kilala sa kanilang karunun-gan. 19Nanggabing iyon, naihayag ang lihimkayDaniel saisang pangitain. At pinuri ni Daniel ang Diyos ng kalangi-tan 20at sinabi, “Purihin ang pangalan ng Diyos ngwalanghanggan at magpakailanman; sapagkat ang karununganat kapangyarihan ay sa kaniya. 21 Binabago niya ang mgapanahon at mga kapanahunan; tinatanggal niya ang mgahari at inilalagay ang mga hari sa kanilang mga trono.Nagbibigay siya ng karunungan sa matalino at kaalamansa mga mayroong pag-unawa. 22 Inihahayag niya angmalalim at nakatagong mga bagay dahil alam niya angmga nasa kadiliman at ang liwanag ay nananahan sakaniya. 23 Diyos ng aking mga ninuno, pinasasalamatanat pinupuri ko kayo para sa karunungan at kapangyarihanna ibinigay ninyo sa akin. Ngayon, ipinaalam mo sa akinkung ano ang aming ipinapanalangin sa iyo; ipinaalammo sa amin ang bagay na nagpapaalala sa hari.” 24 Salahat ng mga ito, pumunta si Daniel upang makipagkitakay Arioc, ang isa na itinakda ng hari upang patayinang lahat ng matatalino sa Babilonia. Lumapit siya atsinabi sa kaniya, “Huwagmong patayin angmatatalinongkalalakihan sa Babilonia. Samahan mo ako sa harapan nghari at sasabihin ko ang kahulugan ng panaginip ng hari.25 At dinala agad ni Arioc si Daniel sa harapan ng hari atsinabi, “Natagpuan ko na ang lalaki sa mga bihag ng Juda

  • Daniel 2:26 6 Daniel 2:34na makapaghahayag ng kahulugan sa panaginip ng hari.”26 Sinabi ng hari kay Daniel (na tinatawag na Beltesazar),“May kakayahan ka bang sabihin sa akin ang panaginipna nakita ko at ang kahulugan nito?” 27 Sumagot siDaniel sa hari at sinabi, “Ang hiwagang pangagailanganng hari ay hindi maihahayag sa pamamagitan ng mgamay karunungan, ni sa pamamagitan ng mga nagsasabina nakikipag-usap sa patay, ni sa mga salamangkero, athindi sa mga manghuhula. 28 Gayon pa man, mayroongisang Diyos na naninirahan sa langit, na naghahayag ngmga lihim, at ipinaalam niya sa iyo, Haring Nebucadnezarkung ano ang mangyayari sa mga darating na araw. Angiyong panaginip at mga pangitain ng iyong isip habangnakahiga ka sa iyong higaan ay ang mga ito: 29 Para saiyo, hari, ang iyong mga pag-iisip ay dumating sa iyosa iyong higaan kung ano ang mangyayari sa panahongdarating, at ang isang makapaghahayag ng mga lihimna ipaalam sa iyo ay malapit ng mangyari. 30 Para saakin, hindi maihahayag ang lihim na ito sa akin dahil saanumang karunungan na mayroon ako higit pa sa kahitsinong nabubuhay na tao. Inihayag ang lihim na ito saakin upang ikaw na hari ay maaaring maunawaan angkahulugan nito at upang maaari mong malaman ang mgapag-iisip na nasa iyong kalooban. 31 Hari, tumingalaka at nakita mo ang isang malaking imahen. Ang ima-heng ito ay napaka-makapangyarihan at maliwanag nanakatayo sa iyong harapan. Kakila-kilabot ang liwanagnito. 32Gawa sa purong ginto ang ulo ng imahen. Gawa sapilak ang dibib at mga braso nito. Ang gitna at hita nitoay gawa sa tanso, 33 at gawa sa bakal ang mga binti nito.Gawa sa pinaghalong bakal at putik ang mga paa nito.34Tumingala ka, at natibag ang isang bato, bagaman hindisa pamamagitan ng mga kamay ng tao, at tumama ito sa

  • Daniel 2:35 7 Daniel 2:44bakal at putik na paa ng imahen at nabasag nila ito. 35Atmagkakasabay na nabasag ang bakal, putik, tanso, pilak atginto nang pira-piraso at naging parang dayami sa giikansa tag-araw. Tinangay sila ng hangin palayo at walangnaiwang bakas sa kanila. Ngunit ang batong tumamasa imahen ay naging malaking bundok at pinuno nitoang buong mundo. 36 Ito ang iyong panaginip. Ngayon,sasabihin na namin sa hari ang kahulugan. 37 Ikaw hari,ay hari ng mga hari na siyang binigyan ng kaharian ngDiyos sa langit, ang kapangyarihan, ang kalakasan, at angkarangalan. 38 Ibinigay niya sa iyong kamay ang lugarkung saan naninirahan ang mga tao. Ibinigay niya anglahat ng hayop sa parang at mga ibon sa kalangitan saiyong kamay, at ipinamahala niya ang lahat ng ito saiyo. Ikaw ang gintong ulo ng imahen. 39 Pagkataposmo, isa pang kaharian ang babangon na mas mababasa iyo, at gayunman ang ikatlong kaharian ng tansoang mamamahala sa buong mundo. 40 Magkakaroon ngikaapat na kaharian, kasintibay ng bakal, dahil winawasakng bakal ang ibang bagay nang pira-piraso at duduruginang lahat ng bagay. Dudurugin niya ang lahat ng mgabagay at wawasakin ang mga ito. 41 Tulad lamang ngnakita mo, ang paa at mga daliri ng paa na bahagyanggawa sa lutong putik at bahagyang gawa sa bakal, kaya itoaymagiging nahating kaharian; ilan sa kalakasanng bakalay naroon, tulad lamang ng nakita mong pinaghalongbakal kasama ang malambot na putik. 42Habang ang mgadaliri sa paa ay bahagyang gawa sa bakal at bahagyanggawa sa putik, kaya ang kaharian ay bahagyangmatibay atbahagyang marupok. 43Habang nakita mo na inihalo angbakal sa malambot na putik, kaya magkakahalo ang mgatao; hindi na sila mananatilingmagkasama, gaya ng bakalna hindi inihahalo sa putik. 44 Sa mga panahon ng mga

  • Daniel 2:45 8 Daniel 3:2haring iyon, magtatayo ang Diyos ng langit ng kaharianna hindi kailanman mawawasak, ni masasakop ng ibangmga tao. Dudurugin nito ang ibang mga kaharian nangpira-piraso at maglalagay ng wakas sa kanilang lahatat mananatili ito magpakailanman. 45 Gaya ng iyongnakita, isang batong natibag sa bundok, ngunit hindisa pamamagitan ng mga kamay ng tao. Dinurog nitoang bakal, tanso, putik, pilak at ginto nang pira-piraso.Ipinaalam sa iyo ng dakilang Diyos, hari, ang mangyayaripagkatapos nito. Ang panaginip ay totoo at ang pagpa-paliwanag na ito aymaaasahan.” 46Nagpatirapa si HaringNebucadnezar sa harap ni Daniel at pinarangalan siya;iniutos niya na magsagawa ng handog at ang insensongiyon aymaihandog sa kaniya. 47Sinabi ng hari kay Daniel,“Totoo na ang iyong Diyos ay Diyos ng mga diyos, angPanginoon ng mga hari, at ang siyang naghahayag ngmga lihim, sapagkat may kakayahan kang makapaghayagng hiwagang ito.” 48 Pagkatapos, binigyan ng mataas naparangal ng hari si Daniel at binigyan siya ng maramingkamangha-manghang mga kaloob. Ginawa niya siyangpinuno sa buong lalawigan ng Babilonia. 49 Si Danielang naging punong gobernador sa lahat ng matatalinongkalalakihanngBabilonia. Gumawang kahilingan si Danielsa hari, at hinirang ng hari sina Shadrac, Meshac atAbednego na maging tagapangasiwa sa buong lalawiganng Babilonia. Ngunit nanatili si Daniel sa palasyo ng hari.

    31 Gumawa ng isang gintong imahen si Nebucadnezar

    na animnapung siko ang taas at anim na siko ang lapad.Ipinatayo niya ito sa Kapatagan ng Dura sa lalawigan ngBabilonia. 2 Pagkatapos, nagpadala ng mga mensahe si

  • Daniel 3:3 9 Daniel 3:10Nebucadnezar upang sama-samang tipunin angmga gob-ernadorng lalawigan,mgagobernadorng rehiyon at lokalna mga gobernador kasama ng mga konsehal, mga taga-ingat yaman, mga hukom, mga mahistrado at lahat ngmatataas na opisyal ng lalawigan upang pumunta sa pag-tatalaga ng imahen na kaniyang ipinatayo. 3 Pagkatapos,ang mga gobernador ng lalawigan, mga gobernador ngrehiyon at lokal na mga gobernador kasama ang mgakonsehal, mga tagapag-ingat yaman, mga hukom mgamahistrado at lahat ng matataas na opisyal ng lalawiganay sama-samang nagtipon sa pagtatalaga ng imahen naipinatayo ni Nebucadnezar. Tumayo sila sa harapannito. 4 At sumigaw ng malakas ang isang tagapamalita,“Inuutusan kayo, mga tao, mga bansa at mga wika, 5 saoras na marinig ninyo ang tunog ng mga tambuli, mgaplauta, mga sitar, mga lira, mga alpa at mga saltero atlahat ng uri ng instrumentong panugtog, magpatirapakayo at magsisamba sa harapan ng gintong imahen naipinatayo ni Haring Nebucadnezar. 6 Sinuman ang hindimagpatirapa at sumamba sa sandaling iyon ay itataponsa naglalagablab na pugon.” 7 Kaya nang marinig ngmga tao ang mga tunog ng mga tambuli, mga plauta,mga sitar, mga lira, mga alpa at mga saltero at lahat nguri ng instrumentong panugtog, ang lahat ng mga tao,mga bansa at mga wika ay nagpatirapa at nagsisambasa harapan ng gintong imahen na ipinatayo ni haringNebucadnezar. 8 Ngayon, sa panahong ito dumating angilan samga taga-Caldeo at nagdala ngmga paratang labansa mga Judio. 9 Sinabi nila kay haring Nebucadnezar,“Hari, mabuhay ka magpakailanman! 10 Ikaw, na hari aygumawa ng kautusan na ang bawat tao na makakarinigng tunog ng mga tambuli, mga plauta, mga sitar, mgalira, mga alpa at mga saltero at lahat ng uri ng instru-

  • Daniel 3:11 10 Daniel 3:19mentong panugtog aymagpatirapa at dumapa sa harapanng gintong imahen 11 Sinuman ang hindi magpatirapaat sumamba ay kailangang itapon sa naglalagablab napugon. 12Ngayon, may ilang mga Judio na iyong itinalagasa mga gawain sa lalawigan ng Babilonia, ang kanilangmga pangalan ay sina Shadrac, Meshac at Abednego.Ang mga kalalakihang ito, o hari, ay hindi nakinig sainyo. Hindi nila sinamba, pinaglingkuran ang iyong diyoso nagpatirapa sa harapan ng gintong imahen na iyongipinatayo.” 13At napuno ng galit at poot si Nebucadnezarat iniutos na dalhin sa kaniya sina Shadrac, Meshac atAbednego. Kaya dinala nila ang mga kalalakihang ito saharapan ng hari. 14 Sinabi ni Nebuchadnezar sa kanila,nakapagpasya na ba kayo, Shadrac, Meshac at Abednegoupang hindi sambahin ang aking mga diyos o magpati-rapa sa harapan ng gintong imahen na aking ipinatayo?15 Ngayon, kung handa na kayo—kapag maririnig ninyoang mga tunog ng mga tambuli, mga plauta, mga sitar,mga lira, mga alpa at mga saltero at lahat ng uri ngtugtugin—magpatirapa at dumapa sa imahen na akingginawa atmagigingmaayos ang lahat. Ngunit kapag hindikayo sasamba, kaagad kayong itatapon sa naglalagablabna pugon. Sinong diyos ang maaaring magligtas sainyo mula sa aking mga kamay?” 16 Sumagot sa harisina Shadrac, Meshac at Abednego, “Nebucadnezar, hindinamin kailangang sumagot sa usaping ito. 17 Kungmayroon mang sagot, ito ay ang aming Diyos na amingpinaglilingkuran ang may kakayahan na magligtas saaminmula sa naglalagablabnapugon at ililigtas niya kamimula sa inyong mga kamay, o hari. 18 Ngunit kung hindiman, nais naming malaman mo ito, o hari, na hindi kamisasamba sa iyong mga diyos at hindi kami magpatirapasa gintong imahen na iyong ipinatayo.” 19 Pagkatapos,

  • Daniel 3:20 11 Daniel 3:28napuno ng poot si Nebucadnezar, nagbago ang kaniyangmukha laban kay Shadrac, Meshac at Abednego. Iniutosniya na painitin ang pugon ng pitong beses namasmainitkaysa sa karaniwang init nito. 20At iniutos niya sa ilan ngkaniyang pinakamalakas namga kalalakihan ng kaniyanghukbo upang gapusin sina Shadrac, Meshac at Abednegoat itapon sila sa naglalagablab na pugon. 21 Tinalian silana suot pa ang kanilang mga balabal, mga tunika, mgaturban at iba pang mga kasuotan at itinapon sila sa loobng naglalagablab na pugon. 22Dahil mahigpit na sinunodang utos ng hari at pinainit ang pugon, ang apoy angpumatay sa mga kalalakihan na nagdala kina Shadrac,Meshac at Abednego. 23 Bumagsak ang tatlong kalalak-ihang ito sa naglalagablab na pugon nang nakagapos.24 At namangha ang haring si Nebucadnezar at agad natumayo. Tinanong niya ng kaniyangmga tagapayo, Hindiba't tatlong kalalakihan na nakagapos ang ating itinaponsa apoy?” Sumagot sila sa hari, “totoo mahal na hari.”25 Sumagot siya, “Ngunit apat na kalalakihan ang akingnakikita na hindi nakagapos at naglalakad sa gitna ngapoy at hindi sila nasaktan. Ang kinang ng ika-apat aytulad ng anak ng mga diyos.” 26 Pagkatapos, lumapit siNebucadnezar sa pintuan ng naglalagablab na pugon attumatawag, “Shadrac, Meshac at Abednego, mga lingkodng Kataas-taasang Diyos, lumabas kayo! Halikayo rito”Pagkatapos, lumabas mula sa apoy sila Shadrac, Meshacat Abednego. 27Nakita ang mga kalalakihang ito ng mgagobernador ng lalawigan, mga gobernador ng rehiyonat iba pang mga gobernador at nang mga konsehal ngmga hari na sama-samang nagtitipon. Hindi nasaktanng apoy ang kanilang mga katawan, hindi natupok angbuhok sa kanilang mga ulo, hindi nasira ang kanilangmga balabal at hindi sila nag-amoy sunog. 28 Sinabi ni

  • Daniel 3:29 12 Daniel 4:7Nebucadnezar, “Purihin natin ang Diyos nina Shadrac,Meshac at Abednego na nagpadala ng kaniyang mensa-hero at nagbigay ng kaniyang mensahe sa kaniyang mgalingkod. Nagtiwala sila sa kaniya nang isinantabi nila angaking utos at isinuko ang kanilang mga katawan kaysasumamba o magpatirapa sa sinumang diyos maliban sakanilang Diyos. 29 Kaya gagawa ako ng isang kautusan nasinumang tao, bansa o wika ang magsalita ng anumanglaban sa Diyos nina Shadrac, Meshac at Abednego aypagpipira-pirasuhin at gagawing tambakan ng basuraang kanilang mga tahanan sapagkat walang ibang diyosang makakapagligtas tulad nito. 30 At itinaas niya satungkulin sina Shadrac, Meshac at Abednego sa lalawiganng Babilonia.

    41 Ipinadala ni Haring Nebucadnezar ang atas na ito sa

    lahat ngmga lahi, mga bansa, at mga wikang naninirahansa lupa: “Sumagana nawa ang inyong kapayapaan. 2 Tilamabuti sa aking sabihin sa inyo ang tungkol sa mgatanda at mga himalang ginawa sa akin ng Kataas-taasan.3 Kahanga-hanga ang kaniyang mga tanda at makapang-yarihan ang kaniyang mga himala! Walang hanggangkaharian ang kanyang kaharian, at nananatili sa sali'tsaling lahi ang kaniyang kapangyarihan. 4 Ako, si Neb-ucadnezar, masayang naninirahan sa aking tahanan atnagpapakasaya sa kasagaanan sa aking palasyo. 5Ngunitnatakot ako sa isang panaginip ko. Habang nakahiga akoroon, nabagabag ako sa mga larawang aking nakita atsa mga pangitain sa aking isipan. 6 Kaya nagbigay akong isang atas na dalhin sa aking harapan ang lahat ngmga kalalakihan sa Babilonia na may karunungan upangmaipaliwanag nila ang panaginip sa akin. 7 At dumating

  • Daniel 4:8 13 Daniel 4:16ang mga salamangkero, mga nagsasabing nakikipag-usapsa mga patay, mga matatalinong kalalakihan, at mgaastrologo. Sinabi ko sa kanila ang panaginip, ngunit hindinila ito maipaliwanag sa akin. 8Ngunit sa huli, pumasoksi Daniel—na pinangalanang Beltesazar ayon sa pangalanng aking diyos, at sumasakanya ang espiritu ngmga banalna diyos. Sinabi ko sa kaniya ang panaginip. 9 “Beltesazar,pinuno ng mga salamangkero, alam kong sumasaiyo angespiritu ngmga banal na diyos at walang hiwaga ang labisnamahirap sa iyo. Sabihinmo sa akin kung ano ang akingnakita sa akingpanaginip at kung ano ang kahulugannito.10 Ito ang mga pangitaing aking nakita sa aking isipanhabang nakahiga ako sa aking higaan: Tumingin ako, atmay isang puno sa gitna ng lupa, at labis na kahanga-hanga ang taas nito. 11 Lumaki ang puno at nagingmatatag. Umabot hanggang sa kalangitan ang tuktok nitoat makikita ito hanggang sa mga dulo ng buong daigdig.12Magaganda angmga dahon, sagana ang bunga at naritoang pagkain para sa lahat. Sumisilong sa lilim nito angmga mababangis na hayop at namumugad ang mga ibonsa mga sanga nito. Mula dito, napapakain ang lahat ngnilalang. 13Nakita ko sa aking isipan habang nakahiga akosa aking higaan, at isang banal namensahero ang bumabamula sa kalangitan. 14 Sumigaw siya at sinabing, 'Sibakinang puno at putulin ang mga sanga nito, tanggalin angmga dahon, at ikalat ang mga bunga. Hayaang umalisang mga hayop mula sa ilalim nito at lumipad ang mgaibon mula sa mga sanga nito. 15 Iwan ang tuod ng mgaugat nito sa lupa, na nakagapos ng isang gapos na bakal attanso sa gitna ng mga murang damo sa parang. Hayaangmabasa ito ng hamog mula sa kalangitan. Hayaang ma-muhay ito kasama ngmga hayop sa mga halaman sa lupa.16Hayaang mapalitan ang kaniyang isipan mula sa isipan

  • Daniel 4:17 14 Daniel 4:23ng tao at hayaaang isang isipan ng hayop ang maibigaysa kaniya hanggang sa pagkaraan ng pitong taon. 17 Angpasyang ito ay sa pamamagitan ng atas na iniulat ngmensahero. Ito ay pasyang ginawa ng mga banal upangmalaman ng mga nabubuhay na ang Kataas-taasan angnaghahari sa mga kaharian ng mga tao at ibinibigay angmga ito sa sinumang naisin niyang mamuno sa mga ito,maging sa mga pinakamabababang tao.' 18 Ako, si Har-ing Nebucadnezar ay nagkaroon ng ganitong panaginip.Ngayon, ikaw Beltesazar, sabihin mo sa akin ang pali-wanag, dahil wala sa mga may karunungang kalalakihansa aking kaharian ang makapagpaliwanag nito sa akin.Ngunit makakaya mong gawin, dahil sumasaiyo ang es-piritu ng mga banal na diyos.” 19 At labis na nabahalanang sandali si Daniel na pinangalanang Beltesazar, atnangamba siya sa kaniyang mga saloobin. Sinabi ng hari,“Beltesazar, huwag mong pangambahan ang panaginipo ang paliwanag nito.” Sumagot si Beltesazar, “Akingpanginoon, nawa sa mga namumuhi sa iyo mangyari angpanaginip, nawa para sa iyongmga kaaway ang paliwanagnito. 20 Ang punong nakita mo—na lumaki at nagingmatatag, at umabot hanggang sa kalangitan ang tuktoknito, at nakikita sa mga dulo ng buong daigdig— 21 namagaganda ang mga dahon, at sagana ang bunga, upangito ay pagkain para sa lahat, at sumisilong sa lilim nitoang mga hayop, at kung saan namumugad ang mga ibonsa kalangitan— 22 ang punong ito ay ikaw, hari, ikawna lumaking napakatatag. Lumaki ang iyong kadakilaanat umaabot sa kalangitan, at umaabot sa mga dulo ngdaigdig ang iyong kapangyarihan. 23Nakita mo, hari, angisang banal na mensaherong bumababa mula sa langitat sinasabing, 'Sibakin ang puno at wasakin ito, ngunitiwan ang tuod ng mga ugat nito sa lupa, na nakagapos

  • Daniel 4:24 15 Daniel 4:32ng isang gapos na bakal at tanso sa gitna ng mga murangdamo sa parang. Hayaang mabasa ito ng hamog mulasa kalangitan. Hayaang mamuhay ito kasama ng mgamababangis na hayop sa parang hanggang sa pagkaraanng pitong taon.' 24 Ito ang paliwanag, hari. Isang atas itong Kataas-taasan na nakarating sa iyo, aking panginoonghari. 25 Itataboy ka mula sa mga tao, at maninirahan kakasama ng mga mababangis na hayop sa parang. Kakainka ng damo tulad ng isang baka, atmababasa ka ng hamogmula sa kalangitan, at lilipas ang pitong taon hanggangkilalanin mong ang Kataas-taasan ang naghahari sa mgakaharian ng mga tao at ibinibigay niya ang mga ito sasinumang naisin niya. 26 Gaya ng iniutos na iwan angtuod ngmga ugat ng puno, sa paraang ito, maibabalik angkaharian sa iyo sa panahong kilalanin mong naghahariang langit. 27 Kaya hari, hayaang maging katanggap-tanggap ang payo ko sa iyo. Tumigil ka sa pagkakasalaat gawin kung ano ang matuwid. Talikuran mo angiyong mga kasamaan sa pamamagitan ng pagpapakita nghabag sa mga inaapi, at maaaring magpatuloy pa angiyong kasaganaan.” 28 - 29 Nangyari ang lahat ng itokay Haring Nebucadnezar pagkaraan ng labindalawangbuwan. Naglalakad siya sa maharlikang palasyo sa Ba-bilonia. 30 Sinasabi ng hari, “Hindi ba ito ang dakilangBabilonia, na aking itinatag para sa aking maharlikangtirahan, para sa kaluwalhatian ng aking kapangyarihan?”31Habang sinasabi pa ito ng hari, isang tinig ang nagmulasa langit: “Haring Nebucadnezar, iniatas laban sa iyo nahindi mo na pag-aari pa ang kahariang ito. 32 Itataboy kapalayo mula sa mga tao, at sa parang ang iyong magigingtahanan kasama ng mga mababangis na hayop. Kakainka ng damo tulad ng isang baka. Lilipas ang pitongtaon hanggang sa kilalanin mong ang Kataas-taasan ang

  • Daniel 4:33 16 Daniel 4:37naghahari sa mga kaharian ng tao at ibinibigay niya angmga ito sa sinumang naisin niya.” 33 Natupad kaagadkay Nebucadnezar ang atas na ito. Itinaboy siya palayomula sa mga tao. Kumain siya ng damo tulad ng isangbaka, at nabasa ang kaniyang katawan ng hamog mula sakalangitan. Humaba ang kaniyang buhok na kasing habang mga balahibo ng mga agila, at naging tulad ng mgapangalmot ng mga ibon ang kaniyang mga kuko. 34 At sakatapusan ng mga araw, ako, si Nebucadnezar ay tumin-gin sa langit, at ibinalik sa akin ang aking katinuan. “Pin-uri ko ang Kataas-taasan, at pinarangalan at niluwalhatiko ang siyang nabubuhay magpakailanman. Sapagkatang kaniyang paghahari ay walang hanggang paghahari,at nananatili ang kaniyang kaharian sa lahat ng sali'tsaling lahi. 35 Itinuturing niyang walang halaga ang lahatng mga naninirahan sa lupa, ginagawa niya sa hukbong langit at sa mga naninirahan sa lupa ang anumangnaaayon sa kaniyang kagustuhan. Walang makakapigilo makakatutol sa kaniya. Walang makakapagsasabi sakaniyang, 'Bakit mo ito ginawa?'' 36 Sa gayunding pana-hongnanumbalik sa akin ang aking katinuan, nanumbaliksa akin ang aking kapangyarihan at kaningningan para sakaluwalhatian ng aking kaharian. Hinangad ng akingmgatagapayo at akingmga tagapamahala ang aking pagpanig.Ibinalik ako sa aking trono, at higit pang kadakilaan angibinigay sa akin. 37 Ngayon, ako, si Nebucadnezar aynagpupuri, nagbubunyi, at nagpaparangal sa Hari ng lan-git, sapagkat matuwid ang lahat ng kaniyang mga gawa,at makatarungan ang kaniyang mga pamamaraan. Kayaniyang ibaba ang mga namumuhay sa kanilang sarilingkapalaluan.

  • Daniel 5:1 17 Daniel 5:85

    1 Nagdaos si haring Belsazar nang napakalaking han-daan para sa isang libo niyang maharlikang tauhan, atuminom siya ng alak sa harapan nilang lahat na isanglibo. 2 Habang tinitikman ni Belsazar ang alak, nagbigaysiya ng mga utos na ilabas ang mga sisidlan na gawasa ginto at pilak na kinuha sa templo ng Jerusalem ngkaniyang amang si Nebucadnezar, upang mainuman niyaat ng kaniyang mga maharlikang tauhan at ng kaniyangmga asawa at mga asawang tagapaglingkod. 3 Dinala ngmga tagapaglingkod ang mga gintong sisidlan na kinuhasa templo, ang bahay ng Diyos sa Jerusalem. At itoang pinag-inuman ng hari at ang mga maharlika niyangtauhan at kaniyang mga asawa at mga asawang niyangtaga-paglingkod. 4 Ininom nila ang alak at nagpuri sakanilang mga diyus-diyosan na gawa sa ginto at pilak,tanso, bakal, kahoy at bato. 5 Sa sandaling iyon, lumitawang mga daliri ng isang kamay ng tao sa harapan ngpatungan ng ilaw at nagsulat sa napalitadahang padersa palasyo ng hari. At nakikita ng hari ang bahagi ngkamay habang nagsusulat. 6Nagbago ang mukha ng hariat tinakot siya ng kaniyang isipan; ang kaniyang mgahita ay hindi siya kayang suportahan at ang kaniyangmga tuhod ay nag-uumpugan. 7 Sumigaw ang hari atnag-utos na papasukin ang mga nagsasabing nakikipag-usap sa mga patay, mga matatalinong kalalakihan atmga astrologo. At sinabi ng hari sa mga kilala dahil sakanilang mga karunungan sa Babilonia, “Kung sino manang makapagpapaliwanag sa nakasulat at makapagsasabing kahulugan nito ay dadamitan ng kulay ube at lalagyanng gintong kuwintas sa kaniyang leeg. Magkakaroon siyang kapangyarihan ng ikatlong pinakamataas na pinuno sakaharian.” 8 At ang lahat ng mga kalalakihan ng hari na

  • Daniel 5:9 18 Daniel 5:15kilala sa kanilang karunungan ay pumasok, ngunit hindinila mabasa ang nakasulat o maipaliwanag sa hari angkahulugan nito. 9At labis na nabagabag si haring Belsazarat nagbago ang anyo ng kaniyang mukha. At namanghaang mga maharlika niyang tauhan. 10 Ngayon, pumasokang inang reyna sa loob ng pinagpigingang bahay kungsaan ang handaan dahil sa sinabi ng hari at ng kaniyangmga maharlikang tauhan. Sinabi ng inang reyna, “Hari,mabuhay ka magpakailanman! Huwag mong hayaangguluhin ka ng iyong pag-iisip. Huwag mong hayaangmagbago ang anyo ng iyong mukha. 11 May isang lalakisa iyong kaharian na nagtataglay ng espiritu ng mgabanal na diyos. Sa mga panahon ng iyong ama, nakikitasa kaniya ang ilaw, pang-unawa at karunungan gaya ngkarunungan ng mga diyos. Si haring Nebucadnezar, naiyong amang hari, ang nagtalaga sa kaniya na magingpinuno ng mga salamangkero at siya rin ang pinuno ngmga nakikipag usap sa patay, ng matatalinong kalalaki-han at ng mga astrologo. 12 Ang lahat ng mga katangianna ito, natatanging espiritu, karunungan, pang-unawa,pagbibigay kahulugan samga panaginip, nagpapaliwanagsa mgamatalinhagang salita, paglulutas ngmga suliraninay matatagpuan sa mismong Daniel na pinangalananng hari na Beltesazar. Ipatawag mo si Daniel ngayonat sasabihin niya sa iyo ang kahulugan ng nakasulat.”13 Pagkatapos dinala si Daniel sa harapan ng hari. Sinabing hari sa kaniya, “Ikaw iyong Daniel, na isa sa mga taongbinihag sa Juda, na kinuha ng aking ama mula sa Juda.14Nabalitaan ko ang tungkol sa iyo, na ang espiritu ngmgadiyos ay nasa iyo, ang ilaw, ang pang-unawa at natatang-ing karunungan ay matatagpuan sa iyo. 15 At dinala saharapan ko angmga kalalakihan na kilala sa kanilangmgakarunungan at ang mga nagsasabing nakikipag-usap sa

  • Daniel 5:16 19 Daniel 5:22mga patay, upang basahin ang nakasulat at sabihin sa akinang kahulugan nito, ngunit hindi nila kayang sabihin angkahulugan nito. 16Narinig ko na kaya mong magbigay ngkahulugan at lumutas ng mga suliranin. Ngayon kapagnabasamo angnakasulat at sabihin sa akin ang kahulugannito, dadamitan ka ng kulay ube at lalagyan ang iyongleeg ng gintong kuwintas, at ipagkakaloob sa iyo angkapangyarihan ng ikatlong pinakamataas na pinuno sakaharian.” 17 At sumagot si Daniel sa harapan ng hari,“Hayaang mong sa iyo ang iyong mga kaloob at ibigayang iyong mga gantimpala sa ibang tao. Ganoon pa man,babasahin ko sa iyo ang nakasulat, hari, at sasabihin kosa iyo ang kahulugan. 18 Para sa iyo, hari, ang Kataas-taasang Diyos ang nagbigay ng kaharian kay Nebucad-nezar na iyong ama nang may kadakilaan, karangalan atkapangyarihan. 19 At dahil sa kadakilaang ibinigay ngDiyos sa kaniya, ang lahat ng tao, mga bansa at mga wikaay nanginig at natakot sa kaniya. Ipinapatay niya angmgagusto niyang mamatay at pinapanatili niyang buhay angmga gusto niyang mabuhay. Binigyan niya ng karangalanang mga gusto niyang parangalan, at ibinababa niya angmga gusto niyang ibaba. 20 Ngunit nang nagmataas angkaniyang puso at naging matigas ang kaniyang espiritukaya kumilos siya ngmay kapalaluan, ibinaba siyamula sapagkahari, at tinanggal nila ang kaniyang kapangyarihan.21 Itinaboy siya mula sa mga tao, at siya ay nagkaroonng pag-iisip ng isang hayop, at nabuhay siya na kasamaang maiilap na mga asno. Kumakain siya ng damo tuladng baka. Nababasa ang kaniyang katawan sa hamog namula sa kalangitan hanggang sa natutuhan niyang angKataas-taasang Diyos ang naghahari sa mga kaharian ngmga tao at itinatalaga niya ang sinumang nais niyangmaghari sa kanila. 22 Ikaw Belsazar, na kaniyang anak na

  • Daniel 5:23 20 Daniel 6:2lalaki, hindi mo ipinakumbaba ang iyong puso, kahit naalam mo ang lahat ng mga ito. 23 Itinaas mo ang iyongsarili laban sa Panginoon ng langit. Mula sa kaniyangtahanan dinala sa iyo ang mga sisidlang ininuman mong alak at iyong mga maharlikang tauhan at ng iyongmga asawa at ng iyong mga asawang lingkod at nagpurikayo sa inyongmga diyus-diyosang gawa sa pilak at ginto,tanso, bakal, kahoy at bato—-mga diyus-diyosang hindimakakita, hindi makarinig, o hindi nakakaalam ng anu-mang bagay. Hindi mo iginalang ang Diyos na may hawakng iyong hininga sa kaniyang kamay at nakakaalam salahat ng iyong mga pamamaraan. 24 Kaya nagpadalaang Dios ng isang kamay mula sa kaniya at isinulat ito.25 At ito ang kaniyang isinulat: MENE, MENE, TEKEL,UPHARSIN. 26 Ito ang kahulugan nito: MENE, ''Binilang'ngDiyos ang iyong kaharian at ito ay kaniyangwinakasan.27TEKEL, ikaw ay 'tinimbang' sa mga timbangan at nakitana ikaw ay nagkulang. 28 PERES, ang iyong kaharian ay'nahati' at ibinigay sa Medes at Persia.” 29 Pagkataposnito, nagbigay ng utos si Belsazar na damitan ng kulayube si Daniel. Isang kuwintas na ginto ang isinuot sakaniyang leeg at nagpahayag ang hari tungkol sa kaniyana siya ay magkakaroon ng kapangyarihan sa ikatlongpinakamataas na pinuno sa kaharian. 30 Sa gabing iyonpinatay si Belsazar, ang hari ng Babilonia, 31 at natanggapni Darius na taga-Mede ang kaharian nang siya ay mag-aanimnapu't dalawang taong gulang.

    61 Nalugod si Dario na magtalaga sa buong kaharian

    ng 120 na mga gobernador ng lalawigan na mamahalasa buong kaharian. 2 Sa kanila ay may tatlong punongtagapamahala, at si Daniel ang isa sa kanila. Naitalaga

  • Daniel 6:3 21 Daniel 6:10ang mga punong tagapamahala upang pangasiwaan angmga gobernador ng lalawigan, upang ang hari ay hindimakaranas pa ng kawalan. 3Higit na natatangi si Daniel salahat ngmga punong tagapamahala at samga gobernadorng mga lalawigan dahil siya ay may natatanging espiritu.Binabalak ng hari na siya ay hiranging mamahala sabuong kaharian. 4 Kaya ang ibang punong tagapamahalaat ang mga gobernador ng lalawigan ay naghahanap ngmga kamalian sa trabaho ni Daniel sa kaharian, ngu-nit wala silang makitang katiwalian o kakulangan sakaniyang trabaho dahil matapat siya. Walang pagkaka-mali o kapabayaang natagpuan sa kaniya. 5Kaya sinabi ngmga kalalakihang ito, “Wala tayong makitang anumangdahilan upangmagreklamo laban sa Daniel na itomalibanlamang kung may makita tayong laban sa kaniya tungkolsa kautusan ng kaniyang Diyos. 6 Kaya nagdala ng planoang mga namamahala at mga gobernador sa harapan nghari na. Sinabi nila sa kaniya, “Haring Dario, mabuhayka nawa magpakailanman! 7 Lahat ng mga pinunongtagapamahala ng kaharian, ang mga gobernador ng mgarehiyon, at ang mga gobernador ng lalawigan, ang mgatagapayo, at angmga gobernador ay sumangguni sa isa't-isa at nagpasya na ikaw, ang hari, ay kailangangmaglabasng isang batas at kailangan itong ipatupad, upang angsinumang gumawa ng panalangin sa anumang diyos otao sa loob ng tatlumpung araw, maliban sa iyo, o hari,dapat maihagis ang taong iyon sa yungib ng mga leon.8Ngayon, o hari, magpalabas ka ng isang atas at lagdaanang kasulatan upang sa gayon hindi na ito maaaringmabago, ayon sa mga batas na itinuturo ng mga Medoat Persia, sa gayon hindi ito mapawalang bisa. 9 Kayanilagdaan ni Haring Dario ang dokumento na gawingbatas ang kautusan. 10Nang nalaman ni Daniel na nalag-

  • Daniel 6:11 22 Daniel 6:17daan na ang kasulatan na isina-batas, pumunta siya sakaniyang bahay (ngayon ang kaniyang bintana sa itaasay nakabukas sa dakong Jerusalem) at siya ay lumuhod,gaya ng ginagawa niya ng tatlong beses sa isang araw, atnanalangin at nagpapasalamat sa harapan ng kaniyangDiyos, gaya ng kaniyang dating ginagawa. 11 At nakitang mga kalalakihang ito na magkakasamang bumuo ngmasamang balak si Daniel na humihiling at humahanapng tulong mula sa Diyos. 12 Pagkatapos, sila ay lumapitsa hari at nagsalita sa kaniya tungkol sa kaniyang batas:“Hindi ba gumawa ka ng batas na sinumang gumawa ngkahilingan sa anumang diyos o tao sa loob ng tatlumpungaraw,maliban sa iyo hari ay dapat ihagis sa yungib ngmgaleon?” Sumagot ang hari, “Naiayos na ang mga bagay naito, ayon sa batas ng mga taga-Medo at mga taga-Persia;hindi na ito mapapawalang bisa.” 13 At, sumagot sila sahari, “Ang taong si Daniel, na isa sa mga taong bihagmulasa Juda ay hindi nakinig sa iyo, o hari, o sa iyong batasna iyong nilagdaan. Nanalangin siya sa kaniyang Diyosng tatlong beses sa isang araw.” 14 Nang marinig ito nghari, labis siyang nabalisa at naghanap siya ng paraangiligtas si Daniel sa ganitong kapasyahan. Pinagsikapanniya hanggang sa paglubog ng araw na subukang iligtassi Daniel. 15 Pagkatapos, ang mga kalalakihang ito nanagbalak ng masama ay nagtipon kasama ang hari atsinabi sa kaniya, “Alam mo, o hari, nabatas ng Medoat Persia, na walang batas o kautusan na pinalabas nghari ang maaaring mabago.” 16 At nagbigay ng utosang hari, at dinala nila sa loob si Daniel at inihagisnila siya sa yungib ng mga leon. At sinabi ng hari kayDaniel, “Iligtas ka nawa ng iyong Diyos na patuloy mongpinaglilingkuran.” 17Dinala ang isang bato sa pasukan ngyungib, at tinatakan ito ng hari ng kaniyang singsing na

  • Daniel 6:18 23 Daniel 6:26pangtatak at kasama ng mga tatak ng singsing ng mgamaharlika upang walang anumang mabago tungkol kayDaniel. 18 Pagkatapos, pumunta ang hari sa kaniyangpalasyo at magdamag siyang nag-ayuno. Walang mang-aaliw na dinala sa harapan niya at hindi siya nakatulog.19 At nang madaling araw, bumangon ang hari at nagma-madaling nagtungo sa yungib ng mga leon. 20 Habangsiya ay papalapit sa yungib, tinawag niya si Daniel, namay tinig na puno ng pagdadalamhati. Sinabi niya kayDaniel, “Daniel, lingkod ng buhay na Diyos, nailigtas kaba ng iyong Diyos na lagi mong pinaglilingkuran mula samga leon?” 21 Pagkatapos sinabi ni Daniel sa hari, “Hari,mabuhay ka magpakailanman! 22 Nagsugo ang akingDiyos ng kaniyang mensahero at tinikom ang mga bibigngmga leon at hindi nila ako sinaktan. Sapagkat nalamannilang wala akong sala sa harapan niya at gayundin saharapan mo, hari at hindi kita ginawan ng anumangkasamaan.” 23Pagkatapos, ang hari ay masayang masaya.Nagbigay siya ng utos na kailangang ilabas sa yungib siDaniel. Kaya itinaas nila si Daniel palabas ng yungib.Walang nakitang sugat sa kaniya, dahil siya ay nagti-wala sa kaniyang Diyos. 24 Nagbigay ng isang utos anghari, na dalhin ang mga kalalakihang nagparatang kayDaniel at ihagis sila sa yungib ng mga leon, sila at angkanilang mga anak, at ang kanilang mga asawa. Bagosila sumayad sa sahig ay sinunggaban na sila ng mgaleon at pinagbabali ang kanilang mga buto nang pira-piraso. 25 Pagkatapos, sumulat si Haring Dario sa lahatng mga tao, mga bansa at mga wika na naninirahansa buong mundo: “Sumagana nawa ang kapayapaan sainyo. 26 Ipinag-uutos ko na sa lahat ng nasasakupan ngaking kaharian, ang manginig at matakot ang mga taosa harap ng Diyos ni Daniel, sapagkat siya ay buhay na

  • Daniel 6:27 24 Daniel 7:7Diyos at nabubuhaymagpakailanman at hindi nawawasakang kaniyang kaharian; ang kaniyang kapangyarihan aymaging hanggang sa wakas. 27 Iniingatan niya tayo atinililigtas at gumagawa siya ng mga tanda at kababal-aghan sa langit at sa lupa; iningatan niyang ligtas si Danielmula sa kapangyarihan ng mga leon.” 28 Kaya sumaganaang Daniel na ito sa panahon ng paghahari ni Dario at sapanahon ng paghahari ni Ciro ang Persiano.

    71 Sa unang taon ni haring Belsazar ng Babilonia, nagka-

    roon si Daniel ng panaginip at mga pangitain habang siyaay nakahiga sa kaniyang higaan. Pagkatapos, isinulat niyakung ano ang kaniyang nakita sa panaginip. Isinulat niyaangmga pinakamahalagang kaganapan. 2 Ipinaliwanag niDaniel, “Sa aking pangitain kagabi, nakita ko na pinapa-galaw ng apat na hangin ng langit ang malaking dagat.3 Lumitaw mula sa dagat ang apat na malalaking hayop,bawat isa ay hindi magkakapareho 4 Ang una ay tulad ngisang leonngunitmayroongmgapakpakng agila. Habangako ay nagmamasid, natanggal ang mga pakpak nito atiniangat ito mula sa lupa at pinatayo sa dalawang paatulad ng tao. Ibinigay rito ang pag-iisip ng isang tao.5 At mayroong ikalawang hayop na tulad ng isang oso,nakayuko atmayroon itong tatlong tadyang sa pagitan ngmga ngipin sa bunganga nito. Sinabihan ito na, “Tumayoka at lamunin ang maraming tao.' 6 Pagkatapos, muliakong tumingin. Mayroon pang isang hayop na kahawigng isang leopardo. Sa likod nito ay mayroong apat napakpak na tulad ngmga pakpak ng ibon at mayroon itongapat na ulo. Binigyan ito ng karapatan upang mamahala.7 Pagkatapos nito, nakita ko sa aking panaginip kagabiang ika-apat na hayop na nakakasindak, nakakatakot at

  • Daniel 7:8 25 Daniel 7:14napakalakas. Mayroon itong malaking bakal na ngipin.Lumalamon ito, dumudurog ng mga piraso at tinapak-tapakan ang natira. Kakaiba ito sa iba pang mga hayopat mayroon itong sampung sungay. 8 Habang pinagma-masdan ko ang mga sungay, tumingin ako at nakita koang isa pang sungay na tumubo mula sa kanila, isangmaliit na sungay. Tatlo mula sa mga sungay ang pinihitpalabas sa kanilang mga ugat. Nakita ko sa sungay naito ang mga mata na tulad ng mga mata ng tao at isangbibig na nagmamayabang tungkol sa dakilang mga bagay.9Habang nakatingin ako, inihanda angmga trono sa lugarnito at naupo sa kaniyang upuan ang Sinaunang mgaAraw. Kasing puti ng niyebe ang kaniyang damit at angbuhok sa kaniyang ulo ay tulad ng balahibo ng tupa.Nagliliyab na apoy ang kaniyang trono at nagliliyab naapoy ang mga gulong nito. 10 Isang ilog na apoy angumaagos palabas sa kaniyang harapan, milyon-milyonang naglilingkod sa kaniya, at isang daang milyon angnakatayo sa kaniyang harapan. Nasa pagpupulong anghukuman at nabuksan ang mga libro. 11 Patuloy akongtumingin dahil sa mayayabang na mga salitang binanggitng sungay. Pinanood ko ang hayop habang pinapatay,nawasak ang katawan nito at ibinigay upang sunugin.12 Para sa mga natitira sa apat na hayop, inalis ang kani-lang kapangyarihan ng pamamahala, ngunit pinahabaang kanilang buhay para sa nalalabing panahon. 13 Saaking pangitain nang gabing iyon, nakita ko ang isangdumarating kasabay angmgaulapng langit tulad ng isanganak ng tao. Lumapit siya sa Sinaunang mga Araw at ini-harap siya sa kaniya. 14 Ibinigay sa kaniya ang karapatanupang mamuno, ang kaluwalhatian at ang makaharingkapangyarihan upang ang lahat ngmga tao, mga bansa, atmga wika ay dapat maglingkod sa kaniya. Walang hang-

  • Daniel 7:15 26 Daniel 7:24gan ang kaniyang karapatang mamuno na hindi lilipasat hindi kailanman mawawasak ang kaniyang kaharian.15 Ngunit para sa akin, na si Daniel, nagdadalamhati saaking kaloob-looban ang aking espiritu at ginagambalaako ng mga pangitain na aking nakita sa aking isipan.16 Nilapitan ko ang isa sa kanila na nakatayo roon athiniling ko sa kaniya na ipakita sa akin ang kahuluganng mga bagay na ito. 17 Ang malalaking hayop na ito, naapat ang bilang, ay apat na haring manggagaling mulasa daigdig. 18 Ngunit tatanggapin ng mga taong banalng Kataas-taasan ang kaharian at aangkinin nila ito mag-pakailanman. 19At nais ko pang malaman ang tungkol saikaapat na hayop, labis itong kakaiba sa mga iba at labisna kakila-kilabot ang bakal na ngipin at ang tansong mgakuko nito. Lumalamon ito, dumudurog ng mga piraso attinatapakan ang anumang natira. 20 Nais kong malamanang tungkol sa sampung sungay sa kaniyang ulo at angtungkol sa ibang sungay na tumubo bago pa mahulogang tatlong sungay. Nais ko pang malaman ang tungkolsa sungay na mayroong mga mata at tungkol sa bibigna nagyayabang tungkol sa mga dakilang mga bagay naparang mas nakatataas ito sa kaniyang mga kasamahan.21 Habang nakatingin ako, nagtaguyod ng digmaan angsungay na ito laban sa mga taong banal at tinatalo angmga ito 22 hanggang dumating ang Sinaunang mga Arawat ibinigay ang katarungan samga taong banal ng Kataas-taasan. At dumating ang panahon na tinanggap ng mgataong banal ang kaharian. 23 Ito ang sinabi ng taong iyon,'Ngunit para sa ikaapat na hayop, magiging ikaapat nakaharian ito sa daigdig na magiging kakaiba mula sa ibapang mga kaharian. Lalamunin, aapakan at duduruginnito nang pira-piraso ang buong daigdig. 24 Ngunit parasa sampung sungay, mula sa kahariang ito manggagal-

  • Daniel 7:25 27 Daniel 8:4ing ang sampung hari at isa pa ang lilitaw pagkataposnila. Magiging kakaiba siya mula sa mga nauna. Atmasasakop niya ang tatlong hari. 25 Magsasabi siya ngmga salita laban sa Kataas-taasan at aapihin niya angmga taong banal ng Kataas-taasang Diyos. Susubukanniyang palitan ang mga pagdiriwang at ang kautusan.Maibibigay ang mga bagay na ito sa kaniyang mga kamaysa isang taon, dalawang taon at kalahating taon. 26Ngunitmagpupulong ang hukuman at kukunin ang kaniyangmakaharing kapangyarihan upang tupukin at wasakin sahuli. 27Maibibigay samga taong kabilang samga banal natao ng Kataas-taasan ang kaharian, at ang kapangyarihan,ang mga kadakilaan ng mga kaharian sa ibaba ng buongkalangitan. Walang hanggang kaharian ang kaniyangkaharian, paglilingkuran at susundin siya ng lahat ng ibapang mga kaharian. 28Narito ang katapusan ng lahat ngbagay. Ngunit para sa akin, na si Daniel, labis na nabahalaang aking isipan at nabago ang itsura ng aking mukha.Ngunit itinago ko ang mga bagay na ito sa aking sarili.”

    81 Sa ikatlong taon ng paghahari ni Haring Belsazar, may

    pangitaing lumitaw sa akin, akong si Daniel (pagkataposng naunang ipinakita niya sa akin). 2 Nakita ko sapangitain habang tumitingin ako, na ako ay nasa matatagna lungsod ng Susa sa lalawigan ng Elam. Nakita kosa pangitain na nasa tabi ako ng Ilog Ulai. 3 Tuminginako sa itaas at nakita ko sa aking harapan ang isanglalaking tupa na may dalawang sungay na nakatayo satabi ng ilog. Mas mahaba ang isang sungay kaysa sa isa.Ngunit mas mabagal ang paglaki ng mas mahaba kaysasa mas maiksi at nalampasan nito ang haba. 4 Nakitakong sumasalakay ang lalaking tupa sa kanluran, sa hilaga

  • Daniel 8:5 28 Daniel 8:12at sa timog; walang ibang hayop ang kayang tumayo sakaniyang harapan. Wala sa mga ito ang may kakayahangiligtas ang sinuman mula sa kaniyang kamay. Ginagawaniya ang anumang naisin niya at naging dakila siya.5Habang iniisip ko ang tungkol dito, nakakita ako ng isanglalaking kambing na nagmula sa kanluran, sa ibabaw ngbuong mundo, tumatakbo nang mabilis na parang hindisumasayad sa lupa. Ang kambing ay may isang malakingsungay sa pagitan ng kaniyang mga mata. 6 Lumapit siyasa lalaking tupa na may dalawang sungay—nakita ko anglalaking tupa na nakatayo sa pampang ng ilog—at galitna galit na tumakbo ang kambing patungo sa lalakingtupa. 7 Nakita ko na lumapit ang kambing sa lalakingtupa. Galit na galit siya sa lalaking tupa, sinugod niyaang lalaking tupa at binali ang dalawang sungay nito.Walang kapangyarihan ang lalaking tupa upang tumayosa harapan niya. Ibinuwal siya ng kambing sa lupa attinapakan siya. Walang sinuman ang makapagliligtassa lalaking tupa mula sa kaniyang kapangyarihan. 8 Atnaging napakalaki ng kambing. Ngunit nang magingmalakas siya, nabali ang malaking sungay at tumubosa lugar nito ang apat na iba pang mga sungay nanakaturo sa apat na hangin ng kalangitan. 9 Tumuboang isa pang sungay mula sa isa sa mga ito, maliit sauna, ngunit naging napakalaki sa timog, sa silangan atsa maluwalhating lupain ng Israel. 10 Naging napakalakinito upang makipagdigma sa hukbo ng langit. Ang ilansa mga hukbo at ilan sa mga bituin ay itinapon sa lupaat tinapakan sila. 11 Naging dakila ito, kasindakila ngbanal na pinuno ng hukbo. Kinuha mula sa kaniya angkaraniwang alay na susunugin at naging marumi anglugar ng kaniyang santuwaryo. 12Dahil sa paghihimagsik,ibibigay ang hukbo sa sungay ng kambing at ititigil ang

  • Daniel 8:13 29 Daniel 8:23alay na susunugin. Ihahagis ng sungay ang katotohanansa lupa at magtatagumpay ito sa kaniyang ginagawa. 13Atnarinig ko na nagsasalita ang isang banal at sinasagotsiya ng isa pang banal, “Gaano katagal mananatili angmga bagay na ito, ang pangitaing ito tungkol sa alay nasusunugin, ang kasalanan na nagdadala ng kapahamakan,ang pagpapasakamay ng santuwaryo at ang pagtapak sahukbo ng langit?” 14 Sinabi niya sa akin, “Magtatagalito sa loob ng 2, 300 na araw at gabi. Pagkatapos nito,magiging maayos ang santuwaryo.” 15 Nang akong siDaniel ay nakita ang pangitain, sinubukan kong unawainito. At may tumayo sa harapan ko na katulad ng isanglalaki. 16Narinig ko ang tinig ng isang lalaking tumatawagsa pagitan ng mga pampang ng Ilog Ulai. Sinabi niya,“Gabriel, tulunganmoang lalaking ito namaunawaan angpangitain.” 17Kaya lumapit siya sa kinatatayuan ko. Nanglumapit siya, natakot ako at nagpatirapa sa lupa. Sinabiniya sa akin, “Unawain mo, anak ng tao, na ang pangitainay para sa panahon ng pagwawakas.” 18 Nang kausapinniya ako, nakatulog ako nang mahimbing na nasa lupaang aking mukha. Pagkatapos, hinawakan niya ako atpinatayo. 19 Sinabi niya, “Tingnan mo, ipapakita ko saiyo kung ano ang susunod na mangyayari sa panahonng matinding galit dahil may kinalaman ang pangitainsa mangyayari sa panahon na nakatakda para sa wakas.20 Ang lalaking tupa na iyong nakita, ang isa na maydalawang sungay—sila ang mga hari ng Media at Persia.21Ang lalaking kambing ang hari ng Grecia. Angmalakingsungay sa pagitan ng kaniyang mga mata ay ang unanghari. 22 Ang naputol na sungay sa lugar kung saanlumitaw ang apat na iba pa—lilitaw mula sa kaniyangbansa ang apat na kaharian, ngunit hindi kasinlakas ngkaniyang dakilang kapangyarihan. 23 Sa huling panahon

  • Daniel 8:24 30 Daniel 9:4ng mga kahariang iyon, kapag umabot na sa sukdulanang mga lumalabag sa batas, lilitaw ang isang haring maymabagsik na mukha na napakatalino. 24Magiging dakilaang kaniyang kapangyarihan—ngunit hindi sa pamam-agitan ng kaniyang sariling kapangyarihan. Magdudulotsiya nang malawakang pagkawasak at magtatagumpaysiya sa anumang gagawin niya. Lilipulin niya ang mgamakapangyarihang tao, ang mga taong banal. 25 Sapamamagitan ng kaniyang katusuhan, pasasaganain niyaang panlilinlang sa ilalim ng kaniyang kamay. Lilitawdin siya laban sa Hari ng mga hari at mawawasak siya—ngunit hindi sa pamamagitan ng kapangyarihan ng tao.26 Totoo ang pangitain na sinabi tungkol sa mga gabi atmga umaga. Ngunit selyohanmo ang pangitain, sapagkattumutukoy ito sa maraming araw sa hinaharap.” 27 Atakong si Daniel ay napagod at nanghina sa loob ng ilangaraw. Pagkatapos, bumangon ako at pumunta sa gawainng hari. Ngunit kinilabutan ako dahil sa pangitain atwalang sinumang nakaunawa nito.

    91 Si Dario ay ang anak ni Assuero, isang kaapu-apuhan

    ng Medo. Ito ay si Dario na ginawang hari sa buongkaharian ng mga taga-Babilonia. 2 Ngayon sa unangtaon ng paghahari ni Dario, ako si Daniel, ay pinag-aaralan ko ang mga aklat na naglalaman ng salita niYahweh, ang salitang dumating kay Jeremias na propeta.Napag-aralan kong may pitumpung taon hanggang samatapos ang pagpapabaya sa Jerusalem. 3 Iniharap koang aking mukha sa Panginoong Diyos, upang hanapinsiya sa pamamagitan ng panalangin at mga kahilingan,ng pag-aayuno, at pagsuot ng magaspang na tela atpag-upo sa mga abo. 4 Nanalangin ako kay Yahweh na

  • Daniel 9:5 31 Daniel 9:12aking Diyos, at ipinahayag ko ang aming mga kasalanan.Sinabi ko, “Nagsusumamo ako sa iyo, Panginoon, ikaway dakila at kahanga-hangang Diyos na siyang tumutu-pad ng kasunduan at tapat sa mga umiibig sa iyo atsumusunod sa iyong mga kautusan. 5 Nagkasala kami atgumawa ng mali. Gumawa kami ng masama at kami aynaghimagsik, tumalikod mula sa iyong mga kautusan atmga atas. 6 Hindi kami nakinig sa iyong mga lingkodna propetang nagsalita sa iyong pangalan sa aming mgahari, sa aming mga pinuno, sa aming mga ninuno at salahat ng tao sa lupain. 7 Sa iyo ang katuwiran, Panginoon.Gayunman sa amin ngayon, ang kahihiyan ay sa amingmga mukha—para mga taga-Juda at sa mga naninirahansa Jerusalem, at sa lahat ng taga-Israel. Kasama ng mgaito ang mga malapit at malayo sa buong lupain kungsaan mo sila ikinalat. Ito ay dahil sa labis na pagtataksilna ginawa namin laban sa iyo. 8 Sa amin, Yahweh, angkahihiyan ay sa aming mga mukha—para sa aming mgahari, sa aming mga pinuno at sa aming mga ninuno—dahil nagkasala kami laban sa iyo. 9 Sa aming PanginoongDiyos ang pinanggagalingan nang habag at kapatawaran,sapagkat naghimagsik kami laban sa kaniya. 10 Hindinamin sinunod ang tinig ni Yahweh na aming Diyos sapamamagitan ng paglakad sa kaniyang mga kautusan naibinigay sa pamamagitan ng kaniyang lingkod na mgapropeta. 11 Lahat ng taga-Israel ay lumabag sa iyong mgautos at tumalikod sa iyongmga kautusan, tinatanggihangsundin ang iyong tinig. Ang sumpa at mga panunumpana naisulat sa kautusan ni Moises, ang lingkod ng Diyos,ay naibuhos sa amin, sapagkat nagkasala kami laban sakaniya. 12 Pinatunayan ni Yahweh ang mga salitangkaniyang sinabi laban sa amin at laban samga namumunosa amin, sa pamamagitan ng pagdadala sa amin ngmalak-

  • Daniel 9:13 32 Daniel 9:18ing kapahamakan. Sapagkat sa ilalim ng kabuuan nglangit wala pang nangyaring anumang bagay na maaar-ing ihambing sa kung ano ang nangyari sa Jerusalem.13 Gaya ng nasusulat sa kautusan ni Moises, dumatingang lahat ng kapahamakan sa amin, ngunit hindi parinkami nagmakaawa mula kay Yahweh na aming Diyos sapamamagitan ng pagtalikod mula sa aming mga kalikuanat bigyang pansin ang iyong katotohanan. 14 Samakatwidinihanda ni Yahweh ang kapahamakan at dinala ito saamin, sapagkatmatuwid si Yahwehna ating Diyos sa lahatng mga gawang kaniyang ginagawa, ngunit hindi parinnatin sinunod ang kaniyang tinig. 15Ngayon, Panginoonna aming Diyos, inilabas mo ang iyong mga tao mula salupain ng Egipto sa pamamagitan ng isangmakapangyari-hang kamay, at gumawa ka ng tanyag na pangalan parasa iyong sarili, maging sa kasalukuyan. Ngunit nagkasalaparin kami; gumawa parin kami ng masasamang bagay.16 Panginoon, dahil sa lahat ng iyong mga matuwid namga gawa, hayaan mong mawala ang iyong galit at angiyong pootmula sa iyong lungsod na Jerusalem, ang iyongbanal na bundok. Dahil sa aming mga kasalanan, atdahil sa kalikuan ng aming mga ninuno, naging isangpaksa ng pangungutya ang Jerusalem at ang iyong mgatao sa lahat ng nakapalibot sa amin. 17 Ngayon, amingDiyos, pakinggan mo ang dalangin ng iyong lingkod at sakaniyang pagsusumamo para sa habag; para sa iyong ka-pakanan, Panginoon, pagliwanagin mo ang iyong mukhasa iyong santuwaryo na pinabayaan. 18 Aking Diyos,buksan mo ang iyong mga tainga at makinig; buksan moang iyong mga mata at tingnan. Ganap kaming nawasak;tingnan mo ang lungsod na tinawag sa pamamagitan ngiyong pangalan. Hindi kami nagsumamo sa iyo ng tulongdahil sa aming katuwiran, ngunit dahil sa iyong labis na

  • Daniel 9:19 33 Daniel 9:26habag. 19 Panginoon makinig! Panginoon magpatawad!Panginoon, magbigay pansin at kumilos ka! Para saiyong kapakanan, huwag mong ipagpaliban, aking Diyos,sapagkat ang iyong lungsod at ang iyong tao ay tinawagsa pamamagitan ng iyong pangalan.” 20 Habang akoay nagsasalita—nananalangin at nagpapahayag ng akingmga kasalanan at ang kasalanan ng aking kababayangtaga-Israel, at idinudulog ang aking mga kahilingan kayYahweh na aking Diyos alang-alang sa banal na bundokng Diyos— 21 habang ako ay nananalangin, ang lalakingsi Gabriel, na nakita ko sa unang pangitain ay mabilisna lumipad pababa sa akin, sa panahon ng pag-aalay sagabi. 22 Binigyan niya ako ng pang-unawa at sinabi saakin, “Daniel, pumunta ako ngayon upang bigyan kita ngkaalaman at pang-unawa. 23 Nang ikaw ay humihingi nghabag, ibinigay ang atas at pumunta ako upang sabihinsa iyo ang sagot, sapagkat labis kang iniibig. Samakatwidisaalang-alang ang salitang ito at unawain ang pahayag.24 Pito na tig-pipitumpong taon ang iniatas para sa iyongmga tao at sa iyong banal na lungsod upang wakasanang pagkakasala at wakasan ang kasalanan, upang pagba-yaran ang kasamaan, upang dalhin ang walang hanggangkatuwiran, upang tuparin ang pangitain at propesiyaat upang gawing banal ang dakong kabanal-banalan.25 Alamin at unawain na mula sa pagpapalaganap ngutos na panunumbalikin at itatayong muli ang Jerusalemsa pagdating ng isang hinirang (na magiging isang pi-nuno), magkakaroon ng pito na tig-pipito at pito natig-aanimnaputdalawa. Muling maitatayo ang Jerusalemkasama ang mga lansangan at isang kanal kahit pa samga panahon ng kabalisahan. 26 Pagkatapos ng pito natig-aanimnapu't dalawang taon, ang isang hinirang aymalilipol at mawawalan. Wawasakin ng hukbo ng isang

  • Daniel 9:27 34 Daniel 10:7parating na pinuno ang lungsod at ang banal na lugar.Darating ang katapusan nito sa pamamagitan ng bahaat magkakaroon ng digmaan hanggang sa huli. Angpagkawasak ay itinakda na. 27Pagtitibayin niya ang isangkasunduan sa marami sa loob ng isang pito. Sa kalagit-naan ng pito wawakasan niya ang pag-aalay at ang pagha-handog. Sa pakpak ng mga kasuklam-suklam daratingang isang tao na siyang gagawa ng pagkasira. Isang ganapna pagwawakas at pagkawasak ang itinakdang ibubuhossa gumawa ng pagkasira.”

    101 Sa ikatlong taon ng paghahari ni Ciro na hari ng Per-

    sia, isang mensahe ay ipinahayag kay Daniel, (na tinawagna Beltesazar) at ang mensaheng ito ay totoo. Tungkolito sa isang malaking digmaan. Naunawaan ni Danielang mensahe nang ipinakita sa kaniya sa pamamagitanng pangitain. 2 Sa mga araw na iyon akong si Danielay tumatangis ng tatlong linggo. 3 Hindi ako kumainng masasarap na pagkain, hindi ako kumain ng karne,hindi ako uminomng alak, at hindi ko pinahiran ng langisang aking sarili hanggang sa matapos ang buong tatlonglinggo. 4 Sa ika dalawampu't apat na araw ng unangbuwan, samantalang ako ay nasa tabi ng malaking ilog(ito ang Tigris), 5 Tumingala ako at nakita ko ang isanglalaki na nakadamit ng telang lino, na may sinturon nanakapalibot sa kaniyang baywang na yari sa purong gintomula sa Uphas. 6 Ang kaniyang katawan ay katulad ngtopaz, ang kaniyang mukha ay katulad ng kidlat, angkaniyangmgamata ay katulad ng ningas ngmga tanglaw,ang kaniyang mga braso at kaniyang mga paa ay katuladng makinis na tanso, at ang tunog ng kaniyang salita aykatulad ng ingay ng napakaraming tao. 7Akong si Daniel

  • Daniel 10:8 35 Daniel 10:16lamang ang nakakita ng pangitain, sapagkat hindi nakitang mga lalaking kasama ko ang pangitain. Gayunman,isang malaking takot ang dumating sa kanila at tumakbosila upang magtago. 8 Kaya naiwan akong mag-isa atnakita ko ang dakilang pangitain na ito. Nawalan akong lakas; ang aking maningning na anyo ay binago ngtakot at wala akong natirang lakas. 9 Pagkatapos narinigko ang kaniyang mga salita- at nang marinig ko ang mgaito, bumagsak ako sa mahimbing na pagkakatulog nanakasubsob sa lupa ang aking mukha. 10 May kamay nahumawak sa akin, at sobrang nangatog ang aking mgatuhod at ang palad ng aking mga kamay. 11 Sinabi nganghel sa akin, “Daniel, lalaking lubos na iniibig, unawainmo ang mga salitang sasabihin ko sa iyo, at tumayo ka ngmatuwid sapagkat ipinadadala ako sa iyo. “Nang sabihinniya ang salitang ito sa akin, tumayo akong nanginginig.12 Pagkatapos, sinabi niya sa akin, “Huwag kang matakot,Daniel. Samantalang sa unang araw na itinakda mo angiyong isipanupangunawain at upangmagpakumbaba angiyong sarili sa harapan ng Diyos, ang iyong mga salitaay narinig at dumating ako dahil sa iyong mga salita.13 Tinanggihan ako ng prinsipe ng kaharian ng Persia,at ako ay nanatili roon kasama ang mga hari ng Persiang dalawampu't-isang araw. Subalit si Miguel, isa samga pinakapunong prinsipe, pumunta at tinulungan ako.14Ngayon ay naparito ako upang tulungan kang unawainkung ano angmangyayari sa iyongmga tao sa mga hulingaraw. Sapagkat ang pangitain ay para sa mga araw nadarating.” 15 “Nang magsalita siya sa akin gamit ang mgasalitang ito, iniharap ko ang aking mukha sa lupa at hindiako makapagsalita. 16 May isang anyong tulad ng taoang humipo sa aking mga labi, at ibinukas ko ang akingbibig at nakipag-usap sa kaniya na nakatayo sa aking

  • Daniel 10:17 36 Daniel 11:4harapan, “Aking panginoon, ibinalik ng pangitain angdalamhati sa akin at wala na akong natirang lakas. 17Akoang iyong lingkod. Paano ako makikipag-usap sa akingpanginoon? Na ngayon ay wala na akong lakas, at walangnatirang hininga sa akin.” 18 Hinawakan ako ng isanganyong tulad ng tao at pinalakas ako. 19 Sabi niya, “Lalakina lubos na iniibig, huwag kang matakot. Sumaiyo angkapayapaan. Magpakatatag ka ngayon; magpakatatag ka!“Nangmagsalita siya sa sa akin, napalakas ako at sinabi ko,“Hayaan mong magsalita ang aking panginoon, sapagkatpinalakasmo ako.” 20Sinabi niya, “Alammo ba kung bakitako pumunta sa iyo? Babalik na ako ngayon para labananang prinsipe ng Persia. Kapag lumabas ako, darating angprinsipe ng Grecia. 21Subalit sasabihin ko sa iyo kung anoang nakasulat sa Aklat ng Katotohanan- walang sinumanang magpapakita sa akin ng kaniyang sarili na malakas,maliban kay Miguel na iyong prinsipe.”

    111 “Sa unang taon ni Dario na taga-Media, dumating ako

    mismo upang tulungan at pangalagaan si Miguel. 2 Atngayon, ipapahayag ko sa iyo ang isang katotohanan.Tatlong hari ang lilitaw sa Persia at ang ika-apat ay higitna mayaman kaysa sa kanilang lahat. Nang magkaroonsiya ng kapangyarihan sa pamamagitan ng kaniyang mgakayamanan, hihimukin niya ang bawat isa laban sa ka-harian ng Grecia. 3 At mamumuno ang isang makapang-yarihang hari sa isang napakalaking kaharian at gagawinniya ang lahat ng bagay na kaniyang naisin. 4Sa kaniyangpaglitaw, mawawasak ang kaniyang kaharian at mahahatisa apat na hangin ng langit. Ngunit hindi ito maibibigaysa kaniyangmga kaapu-apuhan, at hindi itomagkakaroonng dati nitong kapangyarihan nang pinamumunuan niya

  • Daniel 11:5 37 Daniel 11:13ito. Sapagkat mabubunot ang kaniyang kaharian atibibigay sa hindi niya sariling kaapu-apuhan. 5Magigingmalakas ang hari ng Timog ngunit isa sa kaniyangmga pi-nunonghukbo angmagigingmasmalakas sa kaniya at pa-mumunuan ang mas malaki pang kaharian. 6 Pagkataposng ilang taon, sa tamang panahon, gagawa sila ng isangkasunduan. Pupunta ang babaeng anak ng hari ng Timogsa hari ng Hilaga upang patunayan ang kasunduan. Ngu-nit mawawala ang kaniyang kapangyarihan, at iiwanansiya—siya at ang mga nagdala sa kaniya, ang kaniyangama, at ang isang taong tumulong sa kaniya sa mgapanahong iyon. 7 Ngunit lilitaw ang isang sanga mulasa kaniyang mga ugat na papalit sa kaniyang puwesto.Sasalakayin niya ang mga hukbo at papasukin ang mgatanggulan ng hari ng Hilaga. Lalabanan niya sila atsasakupin. 8 Dadalhin niya sa Egipto ang kanilang mgadiyos kasama ang kanilang mga inukit na imaheng metalat ang kanilang mahahalagang lalagyan ng pilak at gintoat sa loob ng ilang taon, iiwasan niyang salakayin ang haring Hilaga. 9 Sasakupin ng hari ng Hilaga ang kaharianng hari ng Timog, ngunit aatras siya sa kaniyang sarilinglupain. 10 Magsisimula ng digmaan ang kaniyang mgaanak na lalaki at magtitipon ng isang malaking hukbongpatuloy na darating at aapaw na tulad ng isang baha,makakapasok at muling sasalakay hanggang sa kaniyangtanggulan. 11Ang hari ng Timog ay galit namagmamartsaat makikipaglaban sa hari ng Hilaga. Magpapalakas ngmalaking hukbo ang hari ng Hilaga, ngunit ibibigay itosa hari ng Timog. 12 Kapag nagtagumpay na ang mgahukbo, mapupuno ng pagmamataas ang hari ng Timog, atpapatayin ang libu-libo sa kaniyang mga kaaway. Ngunithindi siya magtatagumpay. 13Muling bubuo ng isa panghukbo ang hari ng Hilaga, mas malaki kaysa nauna.

  • Daniel 11:14 38 Daniel 11:20Pagkatapos ng ilang taon, ang hari ng Hilaga ay tiyak nababalik na may isang malaking hukbo na natustusan ngmaraming kagamitan. 14 Sa mga panahong iyon, maramiang lilitaw laban sa hari ng Timog. Ang mga pinakama-rahas sa iyong mga tao ay tatayo sa kanilang mga sariliupang tuparin ang pangitain, ngunit matitisod sila atmahuhulog. 15 Darating ang hari ng Hilaga at magtatayong mga tambak na daraanan at bibihagin ang pinatibayna lungsod. Hindi makakayanang tumayo ng puwersa ngTimog, maging ang kanilang pinakamalalakas na kawalay walang lakas upang tumayo. 16 Ngunit gagawin nghari ng Hilaga ang lahat ng gusto niyang gawin labansa hari ng Timog at walang sinumang pipigil sa kaniya;itatatag niya ang kaniyang sarili sa mainam na lupaingdala-dala ng kaniyang kamay ang ganap na pagkawasak.17 Ang hari ng Hilaga ay magpapasyang pumunta nataglay ang lakas ng kaniyang buong kaharian, at dala-dalaniya ang isang makatarungang kasunduan na kaniyangipatutupad kasama ang hari ng Timog. Ibibigay niyasa hari ng Timog ang isang babaeng anak na ipapakasalupang wasakin ang kaharian ng Timog. Ngunit hindimagtatagumpay o makakatulong sa kaniya ang balak naito. 18 Pagkatapos nito, bibigyang pansin ng hari ngHilaga ang mga baybaying lugar at bibihagin ang maramisa kanila. Ngunit isang pinuno ang pipigil sa kaniyangkalikuan at ibabalik ng pinunong ito ang kaniyang ka-likuan sa kaniya. 19 At bibigyan niya ng pansin angmga kutang tanggulan sa kaniyang sariling lupain, ngunitmatitisod siya at babagsak; hindi na siya matatagpuan.20Pagkatapos aymay isang lilitaw na kapalit niya at sapil-itangmaniningil ng pambayad sa buwis para tustusan angkayamanan ng kaharian. Ngunit sa loob lamang ng ilangaraw, siya ay mawawasak, ngunit hindi sa pamamagitan

  • Daniel 11:21 39 Daniel 11:29ng galit o labanan. 21 Lilitaw na kapalit niya ang isanghamak na tao, taong hindi pinararangalan ng mga tao ngpangharing parangal; tahimik siyang papasok at kukuninniya ang kaharian dahil sa hindi tapat na papuri. 22 Isangmalaking hukbo ang matatangay tulad ng isang bahasa kaniyang harapan. Mawawasak ang hukbong iyonat ang pinunong itinatag ng tipan. 23 Mula sa orasng pakikipagkasundo sa kaniya, kikilos siya nang maypandaraya; at sa kaunting bilang ng mga tao ay magigingmalakas siya. 24 Pupunta siya sa mga pinakamayayamanglalawigan nang walang pasabi at gagawin niya ang mgabagay na hindi man lamang ginawa ng kaniyang amani ginawa ng ama ng kaniyang ama— na ikakalat sakaniyang mga tagasunod ang mga nasamsam, ang mganinakaw at ang kayamanan. Balak niyang alisin angpinagtibay na tanggulan, ngunit sa sandaling panahonlamang. 25 Palalakasin niya ang kaniyang kapangyarihanat ang kaniyang tapang laban sa hari ng Timog taglay angisang malaking hukbo. Magsisimula ng digmaan ang haring Timog kasama ang makapangyarihang hukbo, ngunithindi siya makakatayo dahil sa dami ng banta laban sakaniya. 26Maging angmga kasama ng haring kumakain sahapag-kainan ay susubukan siyang wasakin. Tatangayinng agos ang kaniyangmga hukbo tulad ng baha atmaramisa kanila ang papatayin. 27 Ang dalawang haring ito ayuupo sa parehong hapag-kainan taglay ang kasamaanng kanilang mga puso laban sa isa't isa, at magsisinun-galing sa bawat isa, ngunit walang layunin. Sapagkatdarating ang katapusan sa nakatakdang panahon. 28 Atbabalik ang hari ng Hilaga sa kaniyang lupain na maymaraming kayamanan, ngunit lalabag ang kaniyang pusolaban sa banal na tipan. Gagawin niya ang kaniyangninanais at babalik siya sa kaniyang sariling lupain. 29 Sa

  • Daniel 11:30 40 Daniel 11:38nakatakdang panahon, babalik siya at sasakuping muliang Timog. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi ito magig-ing tulad ng dati. 30 Sapagkat darating ang mga barkong Kitim laban sa kaniya at mawawalan siya ng pag-asa at babalik. Sisiklab ang galit niya laban sa banal natipan at masisiyahan siya sa mga taong sumasalungat sabanal na tipan. 31 Lilitaw ang kaniyang mga hukbo atlalapastanganin ang santuwaryo at ang kutang tanggulan;kukunin nila ang mga karaniwang handog na susunuginat magsisimula sila ng pagkasuklam na magiging sanhing ganap na pagkawasak. 32 Lilinlangin ang mga lum-abag sa tipan at aakitin sila, ngunit ang mga taongnakakakilala sa kanilang Diyos ay magiging malakas atkikilos. 33 Magbibigay nang pang-unawa sa marami angmga matatalinong tao. Ngunit sa loob ng ilang araway mamamatay sila sa espada at sa apoy, bibihagin silabilangmga bilanggo at nanakawin ang kanilangmga pag-aari. 34 Kapag natisod sila, makatatanggap sila ng kaunt-ing tulong at marami ang sasama sa kanila na walangisang salita. 35 Ang ilan sa mga matatalino ay matitisodupang maging dalisay, malinis at malinang hanggangsa panahon ng katapusan. Sapagkat ang nakatakdangpanahon ay paparating pa lamang. 36Gagawin ng hari anglahat ng kaniyang ninanais. Itataas niya at palalakihinang kaniyang sarili sa ibabaw ng bawat diyus-diyosan,at magsasalita ng mga bagay na kagulat-gulat laban saDiyos ng mga diyos. Magtatagumpay siya hanggang samaganap ang poot. Sapagkat matutupad ang ipinasyangmagaganap. 37 Hindi niya isasaalang-alang ang mgadiyos ng kaniyang mga ninuno, ang diyos na ninanais ngmga kababaihan, o iba pang mga diyos. Magmamataassiya at aangkining mas mataas siya sa kanilang lahat.38 Sa halip na sila, sasambahin niya ang diyos ng mga

  • Daniel 11:39 41 Daniel 12:1tanggulan. Paparangalan niya ng ginto at pilak ang isangdiyos na hindi kilala, kasama ang mga mahahalagangbato at mamahaling handog. 39 Sasalakayin niya ang mgapinakamalalakas na tanggulan sa tulong ng mga taongkabilang sa isang hindi kilalang diyos. Pararangalan niyaang mga humahanga sa kaniya. Gagawin niya silang mgapinuno ng maraming tao at hahatiin niya ang lupain namay kabayaran. 40 Sa mga huling panahon, sasalakayang hari ng Timog. Mabilis na sasalakay sa kaniya anghari ng Hilaga na tulad ng isang bagyo na may kasamangmga karwahe at mga mangangabayo at maraming barko.Sasakupin niya ang maraming bansa at tatangayin niyasila tulad ng isang baha. 41 Darating siya sa maluwal-hating lupain, at sampung libong Israelita ang matitisodat babagsak, ngunit maraming taga-Edom at Moab atmga natitirang tao ng Amon ang makakatakas mula sakaniyang kamay. 42 Palalawakin niya ang kaniyang ka-pangyarihan sa maraming bansa; hindi makakatakas anglupain ng Egipto. 43Magkakaroon siya ng kapangyarihansa lahat ngmgaginto at pilak, at sa lahat ng kayamananngEgipto; paglilingkuran siya ng mga taga-Libya at Etiopia.44Ngunitmangangamba siya samga ulatmula sa silanganat hilaga at lalabas siya nangmay napakatinding galit up-ang ibukod ang karamihan para sa pagkawasak. 45 Itatayoniya angmga tolda ng kaniyangpalasyo sa pagitanngmgakaragatan, at sa magandang banal na bundok. Daratingsiya sa kaniyang katapusan at walang sinumang tutulongsa kaniya.

    121 “Sa panahong iyon, tatayo si Miguel, ang daki-

    lang prinsipe na nagbabantay sa iyong mga kababayan.Magkakaroon ng panahon ng kaguluhan na hindi pa

  • Daniel 12:2 42 Daniel 12:10nararanasan kailanman magmula nang nagkaroon nganumang bansa hanggang sa panahong iyon. Sa pana-hong iyon, maililigtas ang iyong mga kababayan, anglahat ng pangalang matatagpuang nakasulat sa aklat.2 Marami sa mga natutulog sa alabok ng daigdig angbabangon, ang ilan ay sa walang hanggang buhay atang ilan ay sa kahihiyan at walang hanggang pagdurusa.3Angmgamarurunong ay magliliwanag tulad ng liwanagng kalangitan sa kaitaasan at ang mga nakapagpanum-balik ng marami sa katuwiran ay tulad ng mga bituinmagpakailanman. 4 Ngunit ikaw Daniel, isara mo angmga salitang ito; panatilihin mong selyado ang aklathanggang sa panahon ng pagwawakas. Marami angmagsisitakbuhan paroo't parito at madaragdagan angkaalaman.” 5At ako, si Daniel ay tumingin, at may dalawapang nakatayo roon. Ang isa ay nakatayo sa dakonggilid ng ilog na ito at ang isa ay nakatayo sa pampangsa kabilang dako ng ilog. 6 Sinabi ng isa sa kanila salalaking nakasuot ng telang lino na nasa ibabaw ng tubig,“Gaano katagalmatatapos angmga kamangha-manghangpangyayaring ito?” 7 Narinig ko ang lalaking nakasuotng telang lino na nasa ibabaw ng tubig—itinaas niya angkaniyang kanang kamay at kaliwang kamay sa langit atnangako sa nabubuhay magpakailanman na mangyayariito sa isang panahon, mga panahon at kalahati, ito aytatlo at kalahating taon. Kapag natapos ang pagsirasa kapangyarihan ng mga banal na tao, matatapos anglahat ng mga bagay na ito. 8 Narinig ko ngunit hindi konaunawaan. Kaya nagtanong ako, “Panginoon ko, anoang magiging kahihinatnan ng lahat ng mga bagay naito?” 9 Sinabi niya, “Makakaalis ka na Daniel sapagkatnakasara ang mga salita at selyado hanggang sa panahonng pagwawakas. 10 Marami ang dadalisayin, lilinisin at

  • Daniel 12:11 43 Daniel 12:13lilinangin ngunit angmgamasasama aymagpapakasama.Wala ni isa sa mga masasama ang makakaunawa, ngunitang mga marurunong ay makakaunawa. 11 Mula sapanahong inalis ang karaniwang handog na susunuginat ang pagkasuklam na sanhi ng ganap na pagkawasakay handa na, magkakaroon ng 1, 290 na mga araw.12 Mapalad ang mga naghihintay hanggang sa mataposang 1, 335 na mga araw. 13 Kinakailangan mong manatilisa iyong kaparaanan hanggang sa huli at mamamahingaka. Tatayo ka sa lugar na itinalaga sa iyo sa mga hulingaraw.”

  • 44

    banal na BibliyaTagalog Unlocked Literal Bible

    copyright © 2018 Door43 World Missions CommunityLanguage: TagalogTranslation by: Door43 World Missions CommunityContributor: Abantes, Glosamie R., Abluyan, Nieves, Aggasid, John Stephen, Aldana,Marvin J., Ancheta, Jonathan, Andaya, Reymond, Aril, Rene, Atienza, MelchizedekEleazar, Atmagol, Efraim P., Auxillo, Alfredo S., Balbieran, Ruth M., Bibay, RolandDave, Cadiente, Dandel, Ca s, Randy, Ca , Benedicto, Canonoy, Neil Ian P., Castelo,Kathleen, Castillo, Madeline, Chiong, Armie, Co, Corizin F., Covita, Mark, Delos Reyes,Rachel, Dingle, Buena Kathleen, Eloja, Nestor Raul P., Emboc, Tano, Eugenio, Alfred,Evangelista, Carmelita, Fajardo-Barcebal, Rosalle, Fianza, Arlyn, Flores, ChristopherV., Flores, Rommel, Fradejas, Daniel G., Frias, Ronald, Galvez, Garry C., Gatchalian,James A., Gomez, Roniza May L., Inway, Jennilyn, Langres, Arsenio, Langres, Vicki M.,Langres, Zimri, Lantion, Ralph, Lapira, Ronaldo Jr, C., Laya, Anita, Lazo, Jeffrey, Lopez,Josephine, Lorona, Marvina U., Mampo, Genelyn U., Mijares, Racquel, Monteverde,Julian Angelo, Morales, Gilbert, Oday, Gabriel, Ong, Reynante, Ordo Arsenio Jr., Osabel,Hesa Joyce, Pabellion-Lasinga, Beryl Joi, Palagimlan, Ray Mart E., Paller, Beth, Paller,Romy, Palomar, Carmina, Panes, Jona Mae K., Pawid, Jake, Pido, Miriam, Pin-ag, RoseAnn, Revilla Adelaido D. Jr, Reyes, Dominic, Riate, Erick Jan, Rivera, Diana, Salda Helen,Saptang, Bethlehem P., Sibayan, Mizpha, Talimodao, Sheldon Jay T., Tuang, MandelJohn C., Umpatang, Jimmy, Vergara, Johanne G., Villorente, Dea Rose, Achacoso, HamirIbrahim, Adriano, Wilfredo R., AKI, Aril, Lala, Atienza, Melchizedek Eleazar, Auxillo,Alfredo S., Bagamaspao, Elison C., Balbieran, Romilyn, Balbieran, Ruth, Baldemor,Emily Mary Jane, Baldemor, Nathaniel, Bantique, Flor, Basto, Pacifico Jr., Bayang,Rochelle , Bernales, Vicente P., BJMP, Bubod, Fortunato M., Buzeta, Drake Nikko,Cabigting, Romeo, Cabrera, Teresita, Camandero, Vivian, Castillo, Madeline, Cuarto,Victor Immanuel, Depending2Christ1990, Eloja, Nestor Raul P., Emboc, Tano, Enojas,David James, Evangelista, Carmelita, Fianza, Arlyn, Gab, Galvez, Garry, Ganiban, Rafael,Gatchalian, James A., Glosa, Gumangan, Julius, Gutierrez, Robin Rhoy, Inway, Jennilyn,Jimenez, Alvin, Julito Opider, Lanira, Rolando U. Jr, Laya, Anita, Lopez, Josephine,Madawat, Glory, Mam, Geneohoy, Manaois, Charlie Jay, Mharus, Mijares, Racquel,Palagimlan, Rey Mart E., Palileo, Reynaldo Jr., Paller, Romy, Panes, Jona Mae K.,Pangadlin, Jun, Paraiso, Lorelie Rachel, Pavin, Pawid, Jake, Peralta, Rodolfo, Perez, IanHudson, Phraim 91, Pin-ag, Rose Ann, Pobadora, Josephine M., Pura, Saniel, Ralph,Lantion, Rene Aril, Revilla, Adelaido Jr, Rull, Fernando, Rupa, Jonathan, Saptang,Bethlehem P., Selle, Serqui Bernard, Singgangan, Josie, Talimodao, Sheldon Jay T.,Veloso, Alfonil, Veloso, Helen, Venus, Jorito, Vergara, Johanne G., Villorente, Dea Rose,

    https://door43.org/http://www.ethnologue.org/language/tgl

  • 45Yosores, Momer B.This translation is made available to you under the terms of the Creative CommonsAttribution Share-Alike license 4.0.You have permission to share and redistribute this Bible translation in any format andto make reasonable revisions and adaptations of this translation, provided that:

    You include the above copyright and source information.If you make any changes to the text, you must indicate that you did so in a way

    that makes it clear that the original licensor is not necessarily endorsing yourchanges.

    If you redistribute this text, youmust distribute your contributions under the samelicense as the original.

    Pictures includedwith Scriptures and other documents on this site are licensed just forusewith those Scriptures and documents. For other uses, please contact the respectivecopyright owners.Note that in addition to the rules above, revising and adapting God's Word involves agreat responsibility to be true to God's Word. See Revelation 22:18-19.2020-06-10PDF generated using Haiola and XeLaTeX on 12 Feb 2021 from source files dated 12 Feb2021d15a3f7e-4ceb-5222-86f9-9960bef1c32b

    http://creativecommons.org/licenses/by-sa/4.0/http://creativecommons.org/licenses/by-sa/4.0/

    Daniel