COVID-19 LG SET A
-
Upload
covid19.lg.ph -
Category
Others
-
view
18 -
download
0
Transcript of COVID-19 LG SET A
Lumaban para sa ating kalusugan!
Gabayanihan para sa COVID-19
Isang Gabay sa Pagkatuto (Pangkat A)
Ang Gabayanihan pasa sa COVID-19. Lumaban para sa ating
kalusugan! na isinulat ni Romina P. Beltran-Almazan, Maria Hazelle
Preclaro-Ongtengco, at Nerissa Ogardo-Zara ay may lisensyang
CC BY_NC_SA 4.0. Upang makita ang kopya ng lisensyang ito, bisitahin
ang https://creativecommons.org/licenses/by-nc-sa/4.0/ o
magpadala ng liham sa Creative commons, PO Box 1866, Mountain
View, CA 94042, USA.
Inilathala ng University of the Philippines, College of Education
Benitez Hall, Diliman, Quezon City,
1101, Philippines
Pakikipag-ugnay: [email protected]
https://educ.upd.edu.ph
Lisensya
i
Pagkilala
ii
Ang COVID-19 Learning Guide team ay buong pusong nagpapasalamat
sa mga sumusunod para sa kanilang mahahalagang ambag sa proyektong ito:
Content Validators:
EducatorsDr. Felicitas Pado
Reina Macalinao-PantePamela Razon
Dr. Marie Grace ReoperezAimee Vergara
Medical DoctorsDr. Jocelyn Josefa Fernandez
Dr. Fatima GimenezDr. Pia Marie T. Palarca
Dr. Ma. Czarlota A. Valdenor
Muli, maraming salamat sa inyong lahat!
COVID-19 TEAM,Romina P. Beltran-Almazan
Maria Hazelle Preclaro-Ongtengco Nerissa Ogardo-Zara
Dina S. Ocampo, PhDProject Consultant
Parent Validators:
Michelle EnriquezEdhelweiss Luis-SantosTenten Magaspar-So,
Emie Joane Manalo-GuintuMarie Gonzales-MolinaAngelica Flores-Morales
Christine Valdepeñas-PatriarcaMarcia Nina C. Salvador
Children Validators:
Manu and Ethan EnriquezBrielle Guintu
Rafael and Isabel MolinaAdara Morales
Marin Chrysten and Marc AnthonyPatriarca
Marcelino Joaquin L. SantosNicole and Andrea So
Salvador siblings
iii
PanimulaAng mga Gabay sa Pagkatuto sa COVID-19 ay handog ng clusterng Reading, Early Grades, Art and Language Education (REGALE)ng Kolehiyo ng Edukasyon, UP para sa mga bata at kanilangpamilya. Inaasahan namin na sa pamamagitan ng mgagawaing ito ay mas mauunawaan ng mga bata at kabataanang pandemya. Ang mga kagamitan sa pagtuturo nanakabatay sa ebidensya at may maayos na pagpatnubay samalayang pagkatuto ay makatutulong upang tumaas angkamalayan ng mga bata sa kalikasan, mga dahilan at epekto ng COVID-19. Makatutulong ito upang umangkop sila sa mgabagong paraan ng pagkilos at pagkatuto na kinakailanganupang maging ligtas mula sa virus. Dagdag pa, makapag-aambag sila sa mga layunin ng komunidad na maiwasan anglalong pagkalat ng sakit.
May mga hakbang na pinagdaanan ang proseso ng pagbuo ng mga Gabay sa Pagkatuto upang matiyak ang kalidad. Una,nilikom ang mga salita sa mga nakalimbag na materyales,pamamahayag sa telebisyon at social media. Tinukoy ang mga salitang pinakamadalas gamitin at ang mga salitangnapabilang sa corpus ay dumaan sa balidasyon sa tulong ng mga batang nasa edad 6-14.
Ang mga bumuo ng diksiyunaryo ay sumangguni sa mgamateryales na ipinalabas ng World Health Organization,Kagawaran ng Kalusugan, Unibersidad ng Pilipinas at PhilippineGeneral Hospital bilang batayan ng pagbuo ng mga depinisyonng mga napiling salita. Ginawang simple ang pagpapaliwanagupang mas madaling maunawaan ng mga bata. Tatlong antasng Gabay sa Pagkatuto ang binuo upang makapili ang mgabata ng nais nilang aralin. Ang pag-aantas ng mga materyalesay isinagawa sa pamamagitan ng dalawang hakbang naproseso.
Una, isinagawa ang balidasyon ng mga eksperto nakinabibilangan ng mga propesyonal sa kalusugan, mgamagulang at guro upang matiyak na angpinakamahahalagang mga salita ay mapasama sapagbuo ng mga aktibidad. Ikalawa, isinagawa ang pilottrials sa mga mag-aaral upang malaman kungnauunawaan at natututuhan nila ang mga konsepto saaktibidad. Tinanong din ang mga mag-aaral kung anongaktibidad ang pinakamasaya silang gawin. Ang mgaimpormasyon at suhestiyon na nakuha ay ginamit upangmapabuti ang Gabay.
Sa panahon ng pandemyang dulot ng COVID-19, nagingmas mahalaga at napapanahon ang kasabihang“Karunungan ay Kapangyarihan”. Hinihikayat namin angmga magulang na kolaboratibong isagawa ang mgaGabay sa Pagkatuto kasama ng kanilang mga anak. Angpakikipag-usap sa kanila tungkol sa COVID-19 aymagpapalalim sa kanilang pag-unawa, at sana aymakabawas sa kanilang pagkabahala tungkol dito. Gamitin natin ang diksiyunaryo upang mabigyan ang mgabata ng kaalaman tungkol sa kanilang kalusugan at sapandemya, nang sa gayon ay magabayan sila nito sapagbuo ng mga desisyong magpapabuti sa kalagayannila, ng kanilang pamilya, at komunidad.
- Dina S. Ocampo, PhD Project Consultant
iv
Ang mga katanungang ito ang inaasahang masagutan ng ating
GABAYANIHAN na isang gabay sa Pag-aaral tungkol sa COVID-19:
Nabalitaan mo ba na
may sakit na COVID-19?
Mapapaliwanag mo ba kung ano ito?Kaya may GABAYANIHAN UKOL SA COVID-19 :)
Lumaban para sa ating kalusugan!
Ano ang idineklara ng WHO? (pahina 1)
Ano ang bagong sakit na kumakalat ngayon?
(pahina 3)
Ano ang isang virus? (pahina 4)
Ano ang virus na nagbibigay ng sakit na
COVID-19? (pahina 5)
Paano tayo maaring magkaroon ng COVID-19?
(pahina 6)
Ano ang mga sintomas na makapagsasabing
ikaw ay posibleng mayroong COVID-19?
(pahina 8)
Ano ang maaari nating gawin kung tayo ay
nakapaglakbay o napag-alamang may sakit na
COVID-19? (pahina 9)
Paano makatutulong ang pagsusuot ng face
mask upang manatiling ligtas mula sa COVID-19?
(pahina 12)
Paano makatutulong ang hand hygiene upang
mapanatiling ligtas sa COVID-19?pahina 13)
Paano makatutulong ang physical distancing
upang mapanatiling ligtas mjula sa COVID-19?
(pahina 15)
Sino ang tumutulong ngayon sa mga
nagkakasakit ng COVID-19? (pahina 18)
Ano ang tulong na maibibigay natin sa mga
frontliners na tumutugon sa ating
pangangailangan? (pahina 19)
Paano natin mapapagaan ang ating pakiramdam
sa mga kaganapang dala ng pandemyang ito?
(pahina 21)
Mayroonding mga
pagkakataonpara
maibahagiang sarilingpalagay atkaranasan.
Dito
mahahanap
ang mga
bagong
salita at
ang mga
kahulugan
nito.
Bawat pahina ay nagsisimula sa isang katanungan at ang sagot dito.
Ang sagot sa bawat tanong ay nakasulat bilang isang pangungusap gamit ang
bagong salita na nais bigyang kahulugan.
AngGabayanihan ayisang COVID-19Learning Guide
(LG) namaaaringgamitin sabahay,
paaralan, healthcenter o saan
man mang lugarna may nais
mapalawig angkanilangkaalaman
patungkol saCOVID-19.
Maaaring i-print,basahin angnilalaman atsagutan angmga gawain.
Sanay maibiganninyo ang mga
ito.
Ang Paggamit ng Gabayanihan Ukol sa COVID-19
v
Sa
bahaging
ito makikita
ang ilang
palaisipan,
o
paglilinaw
sa ilang
konsepto
patungkol
sa
COVID-19.
Lumaban para sa ating kalusugan!
Gabayanihan para sa COVID-19
Isang Gabay sa Pagkatuto (Pangkat A)
ANODAW?
Idineklara ng World Health Organization (WHO)
na ang COVID-19 ay isa nang pandemya.
Ano ang idineklara ng WHO?
pandemya opandemik
(pangngalan)
pandaigdig na
pagkalat ng sakit
1
Ano ang pandemya?
KULAYAN NATIN!
Sa isang pandemya, maraming tao ang may sakit sa bawat sulok ng mundo.Nababalitaang may higit na sa 200 na bansa ang may mamamayang nahawaan
ng sakit na COVID-19. Kabilang dito ang Pilipinas.
Kulayan ang mga bilog para makita kung gaano na karami ang bansang maymga pasyenteng nagkaroon na ng COVID-19.
Mula sa:https://www.businessinsider.com/who-declares-coronavirus-pandemic-covid19-2020-3
Ano ang bakuna?
ANODAW?
2
bakuna(pangngalan)
isang pinahina
na virus
na ginagamit na
panangga sa isang
sakit
Kahit sino ay maaaring magkaroon ng sakit na ito, kung kaya't maraming
siyentipiko ang nagsisikap makatuklas ng bakuna o vaccine na panlaban
dito. Sundan ang mga guhit para tapusin ang larawan ng bakuna.
SUNDAN, SUNDAN, SUNDAN AKO!
Ano ang CoVID-19?Ano ang bagong sakit na kumakalat ngayon?
Ano ang COVID-19?
ANODAW?
Magtanong sa mga kasama sa tahanan kung ano ang alam nila tungkol sa COVID-19.
Isulat sa bilog ang kanilang sagot. Idrowing sa mga mukha angnararamdaman nila kapag nadidinig nila ang salitang COVID-19.
Ang COViD-19 ay isang bagong sakit na wala pang lunas. Ito ay kumakalat sa pamamagitan
ng isang virus.
3
COVID-19/KOW-vid
NAYN-teen/
(noun)
1. isang sakit na
dulot ng isa sa
mga
coronaviruses;
2. isang bansag
para sa
Coronavirus
Disease 2019
ALAMIN NATIN!
Ang COVID-19 ay...
Ang COVID-19 ay...
Ano ang isang virus?
Ano ang isang virus?
Ang virus ay mikrobiyong
nakadudulot ng kapahama _ _ _,
Kung ito ay nasa loob
ng ating kata _ _ _.
Kung kaya't paglapit
sa may sakit ay iwa _ _ _.
At palakasin ang resistensiya't
mga kamay ay huga _ _ _.
Hindi lahat ng virus ay nakakasamasa katawan. Nakakatulong din angibang virus sa paglaban ng ibangmikrobyo tulad ng bakterya. Pero angcoronavirus ay tunay na nakakasamasa atin. Kailangan natin labanan ito.
Idagdag ang nawawalang pantigpara mabuo ang tula. Iguhit ang 3 sailang panangga natin sa mga virus.Maaari ring magbigay ng sarilinghalimbawa.
/VAY-rus/(noun)
1. isang uri ngmikrobyo na
pumapasok saloob ng
katawan para magparami;
2.nakakahawaito at
nagdudulot itong sakit.
virus
ANG VIRUS, BOW!
Ang virus ay isang uri ng mikrobyo na napakaliit.Makakapasok ito sa ating katawan kung hindi tayo
mag-iingat. Isang halimbawa ng virus ay ang coronavirus.
ANODAW?
4 KASAGUTAN: kapahamakan, katawan, iwasan, hugasan
Ano ang CoVID-19?
Ano ang COVID-19?
ANODAW?
Ano ang virus na nagbibigay ng sakit na COVID-19?
Isang uri ng coronavirus ang nagbibigay ng sakit naCOVID-19. Ang coronavirus ay may maliliit na mga
tusok sa ibabaw na mukhang hugis ng korona.
5
coronavirus/ko-ro-na-VAY-rus/
(pangngalan)1. isang uri ngmikrobyo na
mukhang maykorona;
2. nakakahawa para sa tao at
hayop
KUMPLETUHIN
NATIN!
Kanino mo ipapakitaang babala na
iginuhit mo? Bakitsiya ang pinili mo?
Gumawa tayo ng babala para makaiwas ang iba sa sakitna dulot ng coronavirus. Idrowing ang nawawalangbahagi ng coronavirus at punan ang mga patlang.
BABALA!!!Iwasan natin ang
C_R_N_V_R_S,
para makaiwas sa
sakit na
C_V_D-_ _!
KASAGUTAN:
CORONAVIRUS, COVID-19
Ano ang ibigsabihin ng
nakakahawa?
Ang COVID-19 ay isang sakit na nakakahawa.Maaari tayong magkasakit kung tayo ay
makalanghap o
Paano tayo maaring magkaroon ng COVID-19?
ANODAW?
nakakahawa
(pang-uri)
isang katangian
ng sakit kung
saan ay
madaling
nalilipat ito mula
sa isang tao
papunta sa iba
PAANO TAYO MAAARING MAGKAROON NG COVID-19?
Kapag nagsasalitatayo nang malakas, 1,000 patak ng lawayang maaring kumalat.
KAPAG NAGSALITA NANG MALAKAS
KAPAG UMUBO KAPAG BUMAHING
Kung ang bawat patak ng laway o sipon ay may nilalamang virus, madali tayong mahahawa sa sakit na COVID-19
kapag natalsikan tayo ng mga ito.
6
Ang isang bahingnaman ay maaaringmakapaglabas ng40,000 na patak.
Kapag tayonaman ayumuubo,
3,000 patak ng laway
ang maaaringlumalabasmula sa
ating bibig.
7
Iguhit ang pagkalat ng mga patak kapag tayo ay bumabahing.
PAANO TAYO MAAARING MAGKAROON NG COVID-19?
Bakit
inirerekomenda
ang pagbahin sa
braso? Paano ito
makatutulong na
makaiwas sa
sakit na
COVID-19?
Ano ang mga sintomas na makapagsasabingikaw ay posibleng mayroong COVID-19?
May ilang sintomas na napapansin sa mga nagkakasakit ng COVID-19. Ipaalam sa isang kasama sa iyong tahanan kung may nararamdaman ka sa
mga sintomas na ito. Gamitin itong OO o HINDI chart.
8
KUMUSTA ANG PAKIRAMDAM MO?
Kapagkumakain o umiinom,mahirapbanglumulon?
Madalaska bangumubosa isangaraw?
May lagnat ka ba?
Nahihirapanka banghuminga?
Mahirap banggumalaw dahilmasakit angkatawan mo? Madali kabangmapagod?
Ano ang sintomas?
sintomas(pangngalan)
Ang mga ito angmga
nararamdamannatin kapag tayo ay
may sakit.
Ilan sa mga sintomas na mapapansin ay angpagkakaroon ng ubo, sipon at lagnat. Maaari ka ring
mahirapang huminga.
ANODAW?
Kahit na mapag-alamanna may ilan ka sa mgasintomas na nabanggit,huwag kaagad-agadisipin na ikaw ay may
coronavirus.
Ipagpatuloy ang
pag-inom ng bitaminana pampalakas ng iyongresistensiya. Ano pa ang
maaari mong gawinpara magpalakas?
Ano ang maaari nating gawin kung tayo aynakapaglakbay o napag-alamang may sakit na COVID-19?
Ang coronavirus ay nakakahawa.
ANODAW?
/KWA-ran-TEEN/(pangngalan)
Ito ang paglalaan ngsapat panahon
(14 na araw)
na nakahiwalay ang
isang tao sa iba
upang maiwasan
ang pagkalat ng
isang sakit.
Ikaw ba ay ligtas sa sakit na COVID-19? Paano tayo makasisiguro? Punan ang mga patlangat sagutan ang HEALTH DECLARATION FORM upang maranasan ang isang pamamaraan
para siguraduhin na ang sinumang naglakbay o napag-alamang may sakit na COVID-19 aymakakagawa ng paraan upang manatiling ligtas ang lahat.
Ano ang 'quarantine'?
9
KUMUSTA ANG LAGAY MO?
quarantine
Inirerekomenda sa mga nakapaglakbay o sa mga napag-alamanan na may sakit na COVID-19 ang pag-quarantine bilang
pamamaraan upang mapanatiling ligtas ang lahat.
10
KUMUSTA KA NA?Maraming nagbago mula nung kumalat ang COVID-19. Isa dito ay ang pananatili lamang
sa loob ng bahay para sa ating kaligtasan. Kumusta ang iyong lagay at karanasan habang naka-quarantine? Mabuting pag-usapan ang mga nararamdaman tungkol dito.
Sino ang pipiliin mong kausapin tungkol dito?
Iguhit kung sino ang napilingmong kausapin.
Maaari kang gumuhit nghigit sa isang tao. :)
Pumili sa mga emojis sa ibabakung ano ang iyong
nararamdaman kapag nadidinigmo ang 'COVID-19.'
Maaaring gumuhit ng higit saisang emoji.
Ibahagi kung bakit ito angnararamdaman mo.
Ipagpalagay na isa kang isang nars o health worker mula sa barangay.
Interbiyuhin mo ang mga kasama mo sa bahay upang malaman kung ligtas sila sa COVID-19.
Paano mo itatanong ang mga ito?
11
MAGKUNYA-KUNYARIAN TAYO!
Ang face mask ay ginagamit para maiwasan ang pagkalat ngsakit kapag tayo ay nagsasalita, naubo o bumahing.Nakatutulong din ito para hindi makapasok ang kahit anongvirus sa ating ilong at bibig. Mahalaga din ang paggamit nitokapag inaalagaan natin ang mga may sakit. Piliin kung angmga paalala ay TAMA O MALI. Bilugan ang wastong sagot.
face mask/FEYS MASK/
(pangngalan)
isang panakip ng ilongat bibig paramaiwasan ang
paglabas at pagpasokng mikrobyo at virus sa
katawan
5. Magandang pagsuot ng maskara ang pag-iwan ng puwang sa gilid ng ating ma pisngi para makahinga tayo nang maluwag.
12
ANG PAGSUOT NG FACE MASK
1. Dapat malinis ang kamay bago hawakan ang isang maskara.
2. Hilahin ang maskara sa harap para masuot ng maayos.
3. Okay lang gumamit ng maskara kahit na may butas ito.
4. Para tanggalin ang maskara, sungkitin ang goma mula sa likod ng iyong tenga.
TAMA o MALI
Nakakatulong ang face mask sa pagharang ng mgamikrobyo at dumi. Dahil dito, maaring maiwasan ang
pagpasa at pagkakaroon ng sakit.
ANODAW?
TAMA o MALI
TAMA o MALI
TAMA o MALI
TAMA o MALI
TAMA - 1,4 ; MALI - 2, 3, 5
KASAGUTAN:
Kung may makita
kang bata na
umiiyak dahil
nahihirapang
huminga kapag may
suot na face mask,
anong sasabihin mo
sa kanya?
Paano makatutulong ang pagsuot ng face mask upang manatiling ligtas mula sa COVID-19?
Ano ang hand hygiene?
/HAND HAY-jeen/
(pangngalan)
pagpapanatili ng sarili
na ligtas sa mga
mikrobyo sa
pamamagitan ng
paghugas ng mga
kamay at paggamit ng
alcohol para linisin
ang isang bagay o
lugar
13
Tandaan na makakaiwas tayo sa sakit kung maghugas tayo ng ating mga kamayng may tagal na 20 segundo.
Sa tunog ng awiting, “Masaya Kung Sama-Sama (The More We Get Together)”,kantahin ang paalalang ito gamit ang mga larawan bilang gabay.
hand hygiene
UGALIIN ANG MAGHUGAS
Ugaliin ang maghugas,
maghugas, maghugas.
Ugaliin ang maghugas,
ng 'yong mga kamay.
Para maiwasan,
na magkahawahan.
Ugaliin ang maghugas
ng 'yong mga kamay.
1 2 3
4 5 6 7
Ang pagsasagawa ng hand hygiene o madalas napaglinis ng kamay ay makakatulong sa pagpatay ng ng mikrobyo at virus na maaring magdulot ng sakit.
ANODAW?
Paano makatutulongang awitin na ito saiyong tahanan?
Kanino mo ituturoang kantang ito?
Paano makatutulong ang hand hygieneupang manatiling ligtas mula sa COVID-19?
MATERYALES:
- maliit na palanggana
- tubig
- likidong sabon o sabong panghugas ng plato
- paminta (dikdikin)
MGA HAKBANG:
1 - Maglagay ng tubig sa palanggana.
2 - Budburan ito ng paminta.
3 - Isawsaw ang daliri sa tubig at iahon mula sa tubig.
Ano ang napansin mo sa mga 'mikroboyo'
o paminta sa tubig?
4 - Ngayon naman, isawsaw ang daliri sa likidong sabon.
5 - Isawsaw ulit ang daliri sa palanggana.
Ano ang nangyari? Bakit ito nangyari?
Ano ang nais na maipaliwanag ng gawaing ito
tungkol sa mikrobyo?
PAMINTA
Para makita ang kahalagahan ng paghugas ng kamay, subukan ang eksperimentong ito.
Ang Eksperimento Tungkol sa Mikrobiyo
14
Hakbang 1 at 2 Hakbang 3
Hakbang 4 Hakbang 5
Ang coronavirus ay nakakahawa.
ANODAW?
Paano makatutulong ang physical distancing upang manatiling ligtas mula sa COVID-19?
Inirerekomenda ng mga eksperto na panatilihin ang ISA hanggang sa DALAWANG METROna layo ng isang tao mula sa iba, kasi kapag umubo at bumahing ka ng walang maskara,
ganun kalayo maaring umabot ang mga patak na may virus.
GAANO KALAYO DAPAT SA ISA'T-ISA PARA MAGING LIGTAS?
/FI-si-kal DIS-tan-sing/(pangngalan)
ang paglalaan ngpuwang sa gitna ngdalawang tao para
hindimagkahabawahan
ng sakit;
halimbawa nito ayang pag-iwas sa mga
pagsasalo atpagkakataong
magsama-sama (e.g.pagkakaroon ng party,
kasal, pagpunta samall, pagpasok sapaaralan paghalik,
pagyakap, o pagmano,atbp.)
Ano ang 'physical distancing'?
15
physical distancing
Lagyan ng tsek ang nagpapakita ng tamang physical distancing.
1 2 3 4
KASAGUTAN:
may tsek (✓) - 2
Ang pagsunod sa physical distancing ay isang paraanupang hindi umabot ang mga patak ng virus sa atin.Makakatulong ito na mapanatiling ligtas ang lahat sa
sinumang may sakit.
Pero tandaan, na kahit malayo tayo sa isa't-isa hindi ibig sabihin na hindi na natinkayang iparating sa ating mga kaibigan at kamag-anak ang ating pagmamahal at
mabutingmensahe/ hangarin para sa isa't-isa.
16
MALAYO MAN, MALAPIT DIN Sino sa iyongmga kaibigan
ang miss-na-missmo na? Anonggusto mongiparating sa
kanya?
Sino ang nagdiriwang ng kanyangkaarawan?
Sumulat ng isang pagbati sa kanya.
Pumili ng nais mong sulatan. Ano ang ikukuwento mo sa kanya?
Bato, bato, pik!Merong pandemikUmiwas sa sakit.Hangga't bakuna'y
makamit!
LARO MUNA TAYO!
17
Para matandaan ang ilan sapinakamabisang panangga saCoronavirus, maglaro tayo ng
BATO, BATO, PIK!
- paghugas
(sponge na gamitpanghugas)
LUMABAN PARA SA KALUSUGAN
BATO, BATO, PIK!
MERONG PANDEMIK!
PARAAN NG PAGLARO
- tao
(human)
-virus - bakuna
(vaccine)
Paano natin magagamit bilang paalala anglarong ito? Kanino mo ito ibabahagi? :)
tao vs virus
tao vs paghugas
tao vs bakuna
virus vs paghugas
virus vs bakuna
bakuna vs paghugas
kapag pareho
walang puntos
may puntos
may puntos
walang puntos
walang puntos
patas lang,
walang puntos
patas lang,
walang puntos
may puntos
walang puntos
walang puntos
may puntos
may puntos
patas lang,
walang puntos
patas lang,
walang puntos
Sino ang mgafrontliners?
Sino ang tumutulong ngayon sa mganagkakasakit ng COVID-19?
Marami tayong kasapi ng ating pamayanan na tumutulong sa mga may sakit. Sinisigurado din nila na may masusing pag-iingat para mapanatiling ligtas at malusog ang bawat mamamayan.
frontliners
mga manggagawana tagapangalaga sa
mga may sakit;
/FRONT-LAY-nerz/
(pangngalan)1.
2. kabilang din dito angmga taong tumutulongsa mga mamamayangapektado ng pandemiapara matugunan ang
kanilangpangangailangan
18
ANODAW?
Kilalanin natin kung sino-sino ang tumutulong sa atin sa gitna ng pandemyang ito. Gumawang kopya ng mga larawan sa baba at gupitin ang mga ito para maglaro ng Memory Game (Itaob ang mga kard at sumilip sa 2 kard para makahanap ng pares). Maaari ding gumawa ng sariling larawan na idadagdag.
KILALANIN ANG MGA FRONTLINER
Sino sa bahay ninyo ang matuturingmong frontliner? Bakit?
Frontliners ang tawag sa mga doktor at nars na patuloyna tumutulong sa mga taong may sakit na COVID-19.
Ito din ang tawag sa mga taong patuloy na nagbibigayng serbisyo sa panahon ng pandemya.
19Larawan mula sa: https://i.dailymail.co.uk/1s/2020/03/19/11/26161150-8129619-image-a-11_1584618541241.jpg
IKAW ANG AKING SUPERHERO!
KASAGUTAN
Sa Ingles: Stay home for usSa Filipino: Manatili lang sa bahay
Isa sa pinakamahalagang maitutulong natin sakanila ay ang pananatili sa ating tahanan.
Tulad natin, ang mga frontliners ay maaari ring magkaroon ngCOVID-19. Kung bawasan natin ang paglabas sa ating mga
tahanan, mababawasan din ang maaaring magkasakit. At kapagkumonti ang mga may sakit, bababa din ang pagkakataon na silaay nasa piling ng mga may sakit. Hulaan ang secret message ng
ating mga frontliners para sa atin.
Ano ang tugon mo sa kanilang hiling?
Ano ang tulong na maibibigay natin sa mgafrontliners na tumutugon sa ating
pangangailangan?
Ano ang mensahe mo para sa ating mga frontliners?
Paano kaya natin sila mapapasalamatan?
Gumawa ng liham pasasalamat para sa mga tumulong
sa iyo sa panahon ng pandemya.
20
Paano natin mapapagaan ang atingpakiramdam sa mga kaganapang
dala ng pandemyang ito?
Para maalagaan hindi lamang ang ating pangangatawan kundi ang atin ding pag-iisip,bawat linggo, sikapin gawin ang ilan sa mga pamamaraan para alagaan ang ating
kalusugan pangkaisipan.
Kumain ng isang prutas opaboritongmeryenda. :)
Mag-bugtungan.
Gumawa ngisang laro.
Umawit ngisang
kantangmasaya.
Magdrowingng kahit
ano.
Magsayaw.
Mag-ehersisyo.
Manood omakinig sa
isang palabas.
Makipag-kuwentuhan
sa isangkaibigan.
21
BINGGUHAN PARA SA KALUSUGAN
Sino ang pipiliin mopara bigyan ng saya
sa araw na ito?
Magdasal.
Matulognang
maaga.
Makinig o
magbasa ng
isang kuwento.
Ang dami kong natutunan!Ibahagi ang inyong karanasan. Ibahagi ang iyong kaalaman.
22
Ang galing ko! Sa tingin
ko, ang pinakamaganda
kong gawain ay ang...
Ang pinakanagustuhankong mga gawain ay
ang...
Ang dami ko pang gustongmalaman....
Isulat ang mga katanungang nais mo pang masagutan
tungkol sa COVID-19....
Kung sa taong 2050 ay naimbitahan KA para sa isang interbiyu tungkol sa pandemiya, ano'ng maibabahagi mo? Ano'ng maikukuwento mo?
Ano ang tatlong natutunan mo
ngayon panahon ng pandemiya
na sa tingin mong mahalagang
matutunan din ng mga tao sa
hinaharap?
Album ng PandemyaKung makikita mo ang ' album' na ito sa taong 2050, anu-ano kaya ang mga bagay at litrato ang
mahahanap mo na maglalarawan sa panahon ng Pandemya 2020. Iguhit/Idikit ang mga di-malilimutang alaala na babalikan mo sa albun na ito.
23
PagtatasaAno ang nilalarawan sa bawat numero sa ibaba? Pumili ng sagot mula sa
kahon sa ilalim. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
mga manggagawa na unang humaharap sa 1.pasyente upang mabigyan lunas ang karamdaman
2. isang sakit na dulot ng isa sa mga coronavirus
3. isang katangian ng sakit kung saan madaling naililipat ito mula sa isang tao papunta sa iba
4. isang pamilya ng virus na nagdudulot ng
kakaibang sakit
5. ang nararamdaman natin na makapagsasabi kung tayo ay may sakit
6. paglaan ng puwang sa gitna ng dalawang tao para hindi magkahawaan ng sakit
7. isang uri ng mikrobyo na nagpaparami sa loob ng katawan ng tao o hayop
8. gamot na panangga sa mga sakit na dulot ng virus
9. isang panakip ng ilong at bibig para maiwasan ang pagpasok ng mikrobyo sa katawan
10. pagkalat ng sakit sa buong daigdig
11. ang pagpapanatili na ligtas ang sarili sapamamagitan ng paghugas ng kamay
A.bakuna
B. COVID-19
C. frontliners
D. hand hygiene
E. quarantine
F. face mask
G. nakakahawa
H. pandemya/pandemik
I. physical distancing
J. sintomas
K. coronavirus
L. virus
MGA PAGPIPILIAN:
1.C; 2. B; 3. G; 4. K; 5. J; 6. I; 7.L;
8. A; 9. F; 10. H; 11. D
24
Sagot:
Sagot:
Sagot:
Sagot:
Sagot:
Sagot:
Sagot:
Sagot:
Sagot:
Sagot:
Sagot:
KASAGUTAN
Mga Sanggunian
25
1. Atkinson J, Chartier Y, Pessoa-Silva CL, et al., editors. Natural Ventilation for Infection Control in Health-CareSettings, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK143281/,Geneva: World Health Organization; 2009.
2. Bakit kailangan natin manatili sa loob ng bahay: Isang coronavirus explainer para sa mga bata,https://www.youtube.com/watch?v=1qVxTcaN1RM&feature=youtu.be, Rappler, April 17, 2020
3. Bardi, Jason Socrates, The Gross Science of aCough and a Sneeze, https://www.livescience.com/3686-gross-science-cough-sneeze.html, LiveScience June 14,2009
4. Benwell, Tara, Using Emoji to Review FeelingAdjectives, https://esllibrary.com/blog/emoji-feeling-adjectives, ESL Library, April 12,2018
5. Brueck, H. and Miller, A., World Health Organization declares the coronavirus a pandemic,https://www.businessinsider.com/who-declares-coronavirus-pandemic-covid19-2020-3, Business Insider,March 12, 2020, 12:35 AM
6. Buccino, Neal, The Best Ways to Kill Coronavirusin your home, https://www.rutgers.edu/news/best-ways-kill-coronavirus-your-home, Rutgers, March 13, 2020
7. Burdette, Erin, 17 Handwashing Facts and Statistics,https://allportablesinks.com/blogs/news/17-handwashing-facts-and-statistics, Brent Point LLC, Febuary 1, 2018
8. Changchun Tu, Gary Crameri, Xiangang Kong, Jinding Chen, Yanwei Sun, Meng Yu, Hua Xiang, Xianzhu Xia,Shengwang Liu, Tao Ren, Yedong Yu, Bryan T. Eaton, HuaXuan, and Lin-Fa Wang, Antibodies to SARS Coronavirus inCivets,https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3323399/,Emerg Infect Dis. 2004 Dec; 10(12): 2244–2248.
9. Cohutt, Maria Ph.D., Novel coronavirus: Your questions, answered,https://www.medicalnewstoday.com/articles/novel-coronavirus-your-questions-answered, Medical News Today,May 21, 2020
10. Coronavirus Outbreak | What is a virus? | Kids Learn Cartoon | Dr. Panda TotoTime,https://www.youtube.com/watch?v=VgBiPyirG-A&feature=youtu.be, You Tube, 2020
11. Coronavirus Outbreak | How did it start? | Kids Learning Cartoon | Dr. Panda TotoTime,https://www.youtube.com/watch?v=AahAQkD_uQ4&feature=youtu.be, You Tube, 2020
12. COVID-19 and Animals, https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/daily-life-coping/animals.html, CDC, April 30, 2020
13. Covid confirmed daily cases epidemiological trajectory? https://ourworldindata.org/grapher/covid-confirmed-daily-cases-epidemiological-trajectory?country=~ESP, GlobalChange Data Lab, January 21, 2020
14. Covid-19 Coronavirus Pandemic, https://www.worldometers.info/coronavirus/?utm_campaign=homeAdvegas1?Worldometer, 2020
15. COVID-19 FAQS, https://www.doh.gov.ph/COVID-19/FAQs, Department of Health, Philippines, 2020
16. COVID-19 HEALTH ADVISORIES,https://www.doh.gov.ph/2019-nCov/infographics,Department of Health, Philippines, 2020
17. COVID-19: Understanding Quarantine, Isolation and Social Distancing in a Pandemic,https://health.clevelandclinic.org/covid-19-understanding-quarantine-isolation-and-social-distancing-in-a-pandemic/,Cleaveland Clinic, April 4, 2020
Mga Sanggunian
25
18. Department of Communications, WHO Global, Modes oftransmission of virus causing COVID-19: implications for IPCprecaution recommendations,https://www.who.int/publications-detail/modes-of-transmission-of-virus-causing-covid-19-implications-for-ipc-precaution-recommendations, WHO Global, March 29,2020
19. Dr. Panda TotoTime – Official Channel, Coronavirus Outbreak | How did it start? | Kids Learning Cartoon | Dr.Panda TotoTime, https://youtu.be/AahAQkD_uQ4, You Tube,March 11, 2020
20. Eunha Shima, AmnaTariq, Wongyeong Choia, Yiseul Leeb, Gerardo Chowell, Transmission potential and severity ofCOVID-19 in South Korea,https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/S1201971220301508, International Journal of Infectious Diseases,Volume 93, April 2020, Pages 339-344
21. Gerhardt, Michael, How Soap kills COVID-19 on Hands. https://en.unesco.org/news/how-soap-kills-covid-19-hands, UNESCO, April 6, 2020
22. Harrison, Laird, Quiz: How Much Do You Know About DiseaseOutbreaks in History?https://www.medscape.com/viewarticle/82378,Medscape.com, April 22, 2014
23. Hersh, Erica, How Long Is the Incubation Period for the Coronavirus?,https://www.healthline.com/health/coronavirus-incubation-period#how-does-it-spread, Healthline.com,March 13, 2020
24. How Does Coronavirus Spread?,https://www.webmd.com/lung/coronavirus-transmission-overview#1, WebMD.com, 2020
25. Jones, Anna, Coronavirus: Should the world worryabout Singapore's virus surge?,https://www.bbc.com/news/world-asia-52232147, BBC Asia,April 10, 2020
26. Luna, Franco, Duterte places entire Luzon under 'enhanced' community quarantine,https://www.philstar.com/headlines/2020/03/16/2001320/duterte-places-entire-luzon-under-enhanced-community-quarantine, PhilStar Global, March 16, 2020
27. Makemegenious, Coronavirus (COVID19) I The Germ KnockOut Rules I Kids Learning, https://www.youtube.com/watch?v=hvEdB1WaLeg, You Tube, March 18, 2020
28. McFall-Johnsen, Morgan and Bendix, Aria, An averagecoronavirus patient infects at least 2 others. To end thepandemic, that crucial metric needs to drop below 1 —here's how we get there.https://www.businessinsider.com/coronavirus-contagious-r-naught-average-patient-spread-2020-3, BuisinessInsider, Apr 19, 2020
29. National Center for Immunization and Respiratory Diseases (NCIRD), Division of Viral Diseases, CDC Diagnostic Test forCOVID-19, https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/lab/testing.html?CDC_AA_refVal=https%3A%2F%2Fwww.cdc.gov%2Fcoronavirus%2F2019-ncov%2Fphp%2Ftesting.html, Centers for DiseaseControl and Prevention, USA
Mga Sanggunian
26
36. Saint Lucia Government, Child friendly explanation ofCoronavirus (COVID-19), https://www.youtube.com/watch?v=nEYq_Yv9PXY, You Tube, 2020
37. THANKING FRONTLINERS,https://www.primepublishers.com/towntimesnews/news/community_news/thanking-frontliners/article_c43e5ddc-79ad-11ea-b3b1-a7dc169cce99.html, towntimesnews.com, April 9,2020
38. The UP Media and Public Relations Office, COVID-19Advice for the UP Community, https://www.up.edu.ph/wp-content/uploads/2020/02/20200214-COVID-19-Advice-for-the-UP-Community-Feb-14.pdf, University of the Philippines,Diliman 2020
39. Torregoza, Hannah, Frontliners in fight vs COVID-19should be granted hazard pay – Hontiveros,https://news.mb.com.ph/2020/03/16/frontliners-in-fight-vs-covid-19-should-be-granted-hazard-pay-hontiveros/,Manila Bulletin, March 16, 2020
40. Types of PPE, https://ehs.ucmerced.edu/researchers-labs/ppe/selection, University of California, Merced, 2020
41. Vandergriendt, Carly, What Is a Coronavirus? https://www.healthline.com/health/coronavirus-types,March 31, 2020
42. World Health Organization, Coronavirus disease(COVID-19) advice for the public: Myth busters,https://www.who.int/emergencies/diseases/novel-coronavirus-2019/advice-for-public/myth-busters, WHO2020
30. Nucleus Medical Media, COVID-19 Animation: WhatHappens If You Get Coronavirus?,https://www.youtube.com/watch?v=5DGwOJXSxqg, YouTube, March 28, 2020
31. Ortiz, Jorge L, What to expect when you get acoronavirus test: Stay calm, don't wiggle and it will take just10 seconds,https://www.usatoday.com/story/news/nation/2020/03/16/coronavirus-what-expect-when-you-get-tested-covid-19/5061120002/,USA today, March 16, 2020
33. Peekaboo Kids, CORONAVIRUS | What Is Coronavirus?| Coronavirus Outbreak | The Dr Binocs Show | PeekabooKidz, https://www.youtube.com/watch?v=R-JbDMYmAQM&feature=youtu.be,You Tube, Feb. 7, 2020
33. Racaniello, Vincent, Ten cool facts about viruses,https://www.virology.ws/2009/10/19/ten-cool-facts-about-viruses/, Virology Blog, October, 19, 2009
34. Rodgers, Kristen, Do I have 'cabin fever?' What itis, how to 'cure' it,https://edition.cnn.com/2020/03/19/health/coronavirus-cabin-fever-definition-quarantine-wellness/index.html,CNN Health, March 19, 2020
35. San Francisco Department of Public Health, Population Health Division, How to Put on and Remove a Face Mask,https://www.sfcdcp.org/communicable-disease/healthy-habits/how-to-put-on-and-remove-a-face-mask/, SF Dept.of Public Health, City and County of San Francisco
27
Mga Sanggunian43. World Health Organization, Coronavirus disease (COVID-19)
in the Philippines,https://www.who.int/philippines/emergencies/covid-19-in-the-philippines, WHO, May 9, 2020
44. World Health Organization, Q&A oncoronaviruses (COVID-19), https://www.who.int/news-room/q-a-detail/q-a-coronaviruses, 2020
45. World Health Organization, Rolling updates oncoronavirus disease(COVID-19),https://www.who.int/emergencies/diseases/novel-coronavirus-2019/events-as-they-happen, WHO, 2020
46. Young, Michael, Timeline: How the COVID-19 outbreak has evolved in Singapore so far, https://www.channelnewsasia.com/news/singapore/singapore-covid-19-outbreak-evolved-coronavirus-deaths-timeline-12639444, CNA, 18 Apr 2020
Siguraduhing ligtas ang sarilipara ligtas din ang ating
kapuwa.