Contour Farming Tagalog

12
1

description

 

Transcript of Contour Farming Tagalog

Page 1: Contour Farming Tagalog

1

Page 2: Contour Farming Tagalog

2

Mga bahagdan ng lupa

Ito ang pinakamasustansyang bahagi ng lupang maaaring taniman. Mga isang piye (1 foot) lamang ang nipis at ito rin ang bahagi ng lupa na pinakamadaling maawas ng tubig (ulan) o hangin kung ‘di protektado ng takip (mulch) o kaya’y hindi napanghahawakan ng mga ugat ng pananim.

Ang ibabaw ng lupa mismo ang tinatawag na “0 Horizon” ng mga siyentipiko. Ito ang kada-lasan ay may mga “organic matter” na nagdadag na rin ng sustansya sa lupa.

Tinatayang sa bawat isang mili-metrong nawawala sa ibabaw ng lupa na ito, 10 tonelada (metric tons) ng lupa bawat ek-tarya ang naaawas pababa ng ulan o hangin.

Sa ilalim mismo ng topsoil ang tinatawag na “leaching layer” na tumutuloy sa tinatawag na subsoil. Ito ang sumusunod na sapin ng lupa. ‘Di ito gaanong masustansiya kaya’t ‘di na ma-ganda ang tubo ng pananim dito. Palugi na kung inabot na ito.

Dito sa susunod na sapin ng lupa ay halos wala nang sus-tansyang magagamit ang mga pananim. Makikita rito ang naghalong mga basag na bato, lupa at buhangin. Kung umabot na dito, halos wala nang tutu-bong pananim.

Bato na ito. Hindi na lupa. Wala nang tutubo talaga.

KAPAG HINDI ginamitan ng tamang soil conservation practices, ang

paglawak ng taniman ng mais sa mga damuhan at pastulan ay makapagdudu-lot ng problema ng pagkawala ‘di lamang ng topsoil, kundi pati na rin ang pang-matagalang kabuhayan sa mga upland farming communities.

Laging banta rito ang pagkaagnas ng lupa – o soil erosion na sanhi ng malakas na pagbuhos ng ulan at patuloy na pag-aararo. Naaapektuhan din ang sustansya ng lupa at nagdudulot ng mababang produksiyon sa mga pananim.

Ngayon, umaabot na sa watershed area ang problemang ito, at kundi masosolusyunan, maaring makaapekto

Lupang sari-sari ang tanim

Pagtatanim ng pana-panahong pananim o taunang pananim gamit ang angkop na paraan sa pangangalaga ng lupa

Contour cropping

Pagtatanim ng pana-panahong pananim o taunang pananim pabalagbag sa padaisdis na lupa

1. (0 Horizon) o “Topsoil”

2. Subsoil

3.Regolith

4.Bedrock

TOPSOIL

SUBSOILREGOLITHBEDROCK

Downloadable - www.safepinoy.com • www.croplifephils.com

Page 3: Contour Farming Tagalog

3

Mga angkop na pananim sa padalisdis (sloping) na lupa

Alley cropping

Pagtatanim ng mga pana-pana-hong pananim o taunang pananim sa pagitan ng mga bakod na halaman

Agroforestry

Palibot o contoured na halu-halong mga uri ng namumungang puno

Vic

Alp

uerto

Gubat

Halu-halong uri ng mga puno sa gubat

Rekomendadong pamamaraan ng pagsasaka para sa iba’t ibang tarik ng lupa

sa kabuhayan ng ating mga upland farmer at kanilang mga komunidad.

Ating alahanin na may mga pamantayan ang pamahalaan kung anu-ano ang dapat itanim sa mga lugar na ito para sa ika-bubuhay ng mga naninirahan sa kalakip na komunidad. At siyempre, iba na ang masigurado ng bawat magsasaka ang tumpak na pamamaraan ng pangagalaga sa lupa, mga kagubatan at kabundukan.

Sama-sama at tulung-tulong nating ayusin ang pagtatanim ng mais sa mga lugar na kailangan ang contour farming. Malaki ang papel na ginagampanan ng mga ahensiya ng pamahalaan tulad ng Depart-ment of Agriculture (DA), Department of Environment and Natural Resources

(DENR) at ng Department of the Inte-rior and Local Government (DILG) para mapalawak ang programang ito. Tulad na lang ng DILG na siyang ahensya na maaring gumabay sa mga pamahalaang lokal para masigurado na gumagamit ng mga wastong pamamaraaan ng pagsasa-ka ang bawa’t bayan.

Ang lokal na pamahalaan ay maaaring humingi ng tulong at dagdag na kaa-laman sa mga agricultural technician mula sa pribadong sektor, sa Regional Agriculture and Fishery Council (RAFC) at mga NGO.

Ngunit ang tagumpay ng contour farm-ing ay nakasalalay pa rin sa sipag at de-terminasyon ng ating mga magsasaka.

Downloadable - www.safepinoy.com • www.croplifephils.com

Page 4: Contour Farming Tagalog

4

6S A PADALISDIS (sloping) na lupa, angkop lamang na pairalin ang mga pamamaraan na

makapipigil sa pag-awas o erosion ng lupang masagana para sa mga pananim.

‘Di dapat itulad ito sa mga patag na sakahan. May pagkakaiba ang mga kailangang preparasyon at pamamaraan na dapat gawin para maibsan o maiwasan ang pagkawala ng lupa.

Sa maraming siyentipikong pag-aaral, napag-alaman na ang pagbubungkal ng padalisdis na lupain ay nagpapalala sa “erosion” ng lupa mismo dahil nabibiyak nito ang pagkakakum-pol at pagkakadikit-dikit ng lupa. Kung kaya’t DAPAT IWASAN ANG PAG-ARARO O PAGBUBUNGKAL NG LUPA sa mga lugar na padalisdis.

Ang paggamit ng angkop na “no tillage” o “minimum tillage technology” sa tulong ng “herbicides” o pamatay ng damong ligaw (weeds) SA TAMANG PARAAN ang siyang makakatulong para mapawi ang mga damong ito para na rin maiwasan ang pagbungkal ng lupa para linisin ang sakahan.

Para naman lalong mapanghawakan ang lupa sa mga padalisdis nalugar, inirerekomen-da nitong adbokasya ng “MASAGANANG LUPA” ang pagtatanim ng “natural vegetative strips (NVS)” o mga tanim-pilapil kasama na ang Vetiver grass, sa CONTOUR LINE na sadyang ‘di ginalaw o inararo para mapigilan ang soil erosion.

Ito ang tinatawag na CONTOUR FARMING.

Kasama ito sa paghahanda ng lupa at nangangailangan lamang ng kaunting trabaho.

Naiimbak pa nito ang mga naaawas na pestisidyo, nitrates at soluble phosphorous dala ng dumadaloy na tubig.

Napakadali at napaka-epektibo ng CONTOUR FARMING!

Downloadable - www.safepinoy.com • www.croplifephils.com

CONTOUR FARMING

Page 5: Contour Farming Tagalog

5

6Alamin ang tarik (slope) ng padalisdis na sakahan. 1.

PAANO SINUSUKAT ANG DALISDIS NG LUPA?

Mungkahi ng DENR na kung ang “slope” ay lumabis na sa 18 % slope,

tulad ng nasa diagram na “Mga angkop na pananim sa padalisdis na lupa” sa pahina 3, dapat ay mga punongkahoy na kape, cocoa, malunggay, mga prutas at iba pa) ang itanim para maiwasan ang “erosion” at mapanga-lagaan ang kapaligiran. Ang mga “short-cycle crops” tulad ng mais at mga vegetable crops o gulay ay magpapalala lamang ng “erosion” dito.

‘Di man kabilisan pero sa simulang magbunga ang mga punongkahoy, tuluy-tuloy na ito. Malaki ang kita sa prutas at iba’t ibang bunga ng mga matagalang pananim.

Downloadable - www.safepinoy.com • www.croplifephils.com

ANIM NA HAKBANG LAMANG ANG CONTOUR FARMING!

Page 6: Contour Farming Tagalog

6

2.

PAGGAWA NG “A” FRAME

Alamin ang mga CONTOUR LINE sa padalisdis na sakahan.

Sa pamamagitan ng “A” Frame (o di kaya’y carabao’s/cow’s back method) dapat tuku-yin ang “contour line” ng lupa. Ito ay paba-lagbag (perpendicular), at hindi paayon, sa takbo ng padalisdis na lupa, mas sumisinsin, habang tumatarik ang pagdalisdis ng lupa.

2 tulos o sangay na mga 2 metro ang haba.1 tulos na mga 1 metro ang haba

3 de dos (2in) na pako at 3 maiksing pisi 1 mahabang pisi na mga 1.5 metro (1.5m)

1 pabigat na hindi iigkas sa pisi

Ipako at itali ang isang dulo ng mga

mahabang tulos nang magkapantay.

Sa pamamagitan ng mahabang pisi, hanapin ang gitna ng

“bar” ng “A” at markahan ng madaling makikita ng gulok o

anupaman.

Itali ang pabigat sa kabilang dulo ng mahabang pisi. Tapos na ang “A” Frame!

Paghiwalayin ang ‘di-mag-kataling dulo at itali o ipako

naman ang maikling tulos sa bandang gitna nito nang

mahigpit, korte ng “A”!

Itali ang ma-habang pisi sa

dulo ng “A”

Gumawa at guma-mit ng “A” Frame!

Napakadali!

? Okay!

Ang pagtukoy nito ay mahalaga para ang harang o ang pilapil ay pan-tay-pantay o “level” upang maipon ang lupa at tubig at hindi umapaw o

tumapon sa iba’t ibang parte.

Ang CONTOUR LINE ay ang linya sa padalisdis na lupa na

pantay ang pagkaka-angat o “elevation.”

MGA KAILANGAN:

-1.5 m- -pantay-

Downloadable - www.safepinoy.com • www.croplifephils.com

STEP 1

STEP 3

STEP 2

STEP 4

STEP 5

Page 7: Contour Farming Tagalog

7

PAGGAMIT NG “A” FRAME

Magsimula sa pinakamataas na bahagi ng lupang padalisdis. Pabalagbag (o perpendicular) sa dalisdis, itayo ang “A” Frame at hanapin kung

Itusok ang tulos sa lupa sa bawat paanan ng “A” Frame. Ito na ang simula ng iyong

contour line.

Ikabig ang isang paanan ng “A” Frame habang nakatusok sa lupa ang isa namang paanan. Hanapin ang pantay na lupa sa

pamamagitan ng gitnang guhit at pabigat nito. Markahan ng tulos.

Ayon sa tarik (slope) ng lupa, bumaba hanggang “eye-level” na ang dating contour line.

Ulitin ang steps 1-4 sa bagong contourline na ito.

Matapos mabagtas ang buong paanan ng padalisdis na lupa, makikitang ang mga tulos

ay magmamarka na ng CONTOUR LINE.

Napakadaling gamitin ang “A” Frame. Maghanda ng maliliit na tulos pangtarak at pangmarka sa

lupaing padalisdis. Ang mga maliliit na tulos na ito ang magmamarka ng

hubog ng contour line sa lupa.

saan ang pagkakatindig nito na patag na sa pamamagitan ng tali at pabigat. Kung ang tali ng pabigat ay nakatama na sa markang gitna o sentro ng baras ng “A” Frame, pantay na ang lupang tinitin-digan nito.

“eye-level”

Downloadable - www.safepinoy.com • www.croplifephils.com

1

3

5

4

2

Page 8: Contour Farming Tagalog

8

3.

1. Huwag sunugin ang pinagtabasan o pinag-anihan. (NO BURN)

2. Gamitin ang pinag-tabasan na pantakip (mulch) sa lagusan ng “contour line.”

3. Huwag nang bungkalin o araruhin ang lupa. (No Till/Minimum Till)

4. Gamitin ng wasto ang angkop na “agricultural in-puts” at mga pamatay ng damo. a. Systemic herbicides b. Contact herbicides c. Herbicide-ready planting materials d. Vegetative strips

5. Ang paggamit ng farm-a-lite ay makapagpapadali sa pagtatanim naman ng binhi.

Kalahati hanggang isang metro ang lapad, kung saan dapat hayaang tumubo ang natural na mga damo at halaman (natural vegetative strips o NVS), o di kaya’y pagtamnan ng mga “vetiver grass” upang mapangha-wakan ang lupang maaawas ng ulan o hangin pababa.

Mga DAPAT at HINDI DAPAT GAWIN SA SAKAHANG PADALISDIS

Maglaan ng kapirasong lupa (0.5m ang lapad) na bumabagtas sa CONTOUR LINE na ito.

Ayon sa tarik ng lupa, ang mga CONTOUR LINE ay mas masinsin habang tumatarik ang pagdalisdis, simula sa 8-10 piye (feet) ang layo ng bawat contour line sa isa’t isa.

Downloadable - www.safepinoy.com • www.croplifephils.com

Page 9: Contour Farming Tagalog

9

4.

Ang pagtatanim sa CONTOUR LINE ang pipigil sa pag-awas ng lupang mataba sa taniman sa pamamagitan ng katawan ng halaman at mga ugat nito na nasa ilalim ng lupa. Pipigilin din nito ang pag-awas ng tubig at mga sustansya ng lupa para tuloy-tu-loy ang pagyabong ng mga tanim sa loob naman ng “CROP ALLEYS” na nasa gitna ng CONTOUR LINE/s.

Tamnan ng angkop na natural vegetative strip (NVS), Vetiver Grass (o pinya at iba pa) ang CONTOUR LINE na ito.

Tamnan ng angkop na mga pananim ang “CROP ALLEY/s” na nasa gitna ng CONTOUR LINE/s. 5.

Depende sa tarik ng lupain, tinatayang mga 10% lamang ng lupain ang mapupunta sa CONTOUR LINE at 90% naman ang mailalaan sa pagsasaka ng mga pananim na maaring mapagkakitaan. Sa ganitong paraan, mapapahaba ng sukdu-lan ang pagiging masagana ng taniman para laging manatiling produktibo ang sakahan maging para sa mga anak, apo at iba pang angkan o kasama.

Maaari din namang tamnan ng mga pinya at ibang angkop na halaman (tu-lad ng napier o “mais ti nuang” at iba pa) ang CONTOUR LINE para makadagdag sa kita o tubo ng sakahan at magsasaka habang pinangangalagaan nito ang kasaganaan ng lupain at mga tubigan.

Downloadable - www.safepinoy.com • www.croplifephils.com

Page 10: Contour Farming Tagalog

10

Kung gagamit ng mga herbisidyo, dapat malaman na dalawang klase ang an-gkop sa padaisdis na lupa.

Ang “systemic herbicide” ay ginagamit kung kailangan patayin pati ang mga ugat ng mga damo at ito ay mainam sa mga herbicide-ready na mga binhi.

Ang “contact herbicide” naman ay ginagamit kung hindi nais na mamatay pati ang mga ugat dahil ito ang kumakapit sa lupa.

Sa padalisdis na lupa, nirerekomenda na “contact herbicide” muna ang gamitin sa pagpatay ng mga damo sa sakahan bago magtanim. Ito ay upang mapangha-wakan ng mga ugat ang lupa. Ang namamatay na parte ng damo ay ang nakalabas lamang sa lupa at may “contact” sa herbisidyo. Huwag espreyan ang mga nakatu-bong damo sa contour line.

Kung nakapagtanim na ng herbicide-ready na mais ay saka na lang gumamit ng isang “systemic herbicide” at papatayin pati ang mga ugat ng damo. Dahil tumutubo na ang herbicide-ready na pananim, may mga ugat na itong sarili na siya nang kakapit sa lupa.

HUWAG NANG AARARUHIN O BUBUNGKALIN ANG LUPA AT HAYAAN NA TUMUBO ANG LAHAT NG KLASE NG MGA DAMO SA TANIMAN (No Till/Min-imum Till). Ang pag-aararo ay nagbubuhaghag ng lupa na nagpapalala sa erosion.

Alam ba ninyo na ang Vetiver grass ay maganda ring pakain sa kalabaw at kambing? Ang mga ugat naman nito ay maaaring gamitin sa paggawa ng mga “handicraft” katulad ng “buri” o “nito” at pinanggagalingan ng “essential oils” dahil sa natural na bango nito. Kung marami na ang nagtatanim ng Vetiver grass, maaaring magtayo ng planta ng “essential oil” na masusuportahan ng mga pananim para sa dagdag na “income stream” — o pagkakakitaan — ng mga magsasaka.

Bukod dito, ang Vetiver grass ay iniiwasan pa ng mga daga at ahas!

Alam ba ninyo?

Alamin ang WASTONG PAGGAMIT ng mga “agricultural inputs.” 6.

Downloadable - www.safepinoy.com • www.croplifephils.com

Page 11: Contour Farming Tagalog

11

“A” Frame - isang simpleng struktura na korteng “A” na ginagamit sa pagtukoy sa Contour Line sa padaisdis na lupa, gawa lamang sa mga labing kahoy, pisi at pabigat.

Contour Farming – ang pamamaraan ng pagsasaka sa padaisdis na lupa na ang layunin ay maiwasan ang pagka-agnas o “erosion” ng lupang sinasaka, nakapag-iimbak ng ulan at tubig, at napangangalagaan na rin ang sustansya sa lupa.

Contour Line – ang isang linya ng lupa na bumabagtas sa mga dako ng padaisdis na lupa na magkakasing-tulad ang taas o “elevation” tulad ng makikita sa isang “topograph-ical map.”

Erosion - ang pagkaagnas ng lupa dulot ng ulan, hangin at pag-aararo. Farm-a-lite – isang simple at murang kagamitan na ginagamit sa pagtatanim, ito ay nagpapadali at nagpapagaan sa pagbabaon ng mga binhi.

Gulley – habang palala ang “erosion,” mula sa mababaw na “rill,” gagawa ang tumatak-bong tubig ng mas malalim na lagusan pababa (0.5m ang lalim) na siya namang tina-tawag na “gulley,” ito ay magmumukha nang malalim at malaking biyak sa lupa.

Natural Vegetative Strip (NVS) – mga karaniwang damo at mga halaman na ti-nitira sa sakahan upang mapigilan ang pagkaagnas ng lupa at ang tuluyang pagragasa ng tubig.

No Till/ Minimum Till – ang hindi pag-aararo o pagbubungkal sa lupa. Ang pag-aara-ro sa padaisdis na lupa ay nagiging sanhi ng pagkabuhaghag ng lupa dito at siyang sini-simulan ng paa-aagnas o “erosion” sa mga sakahan dito.

Pre-emergent/Post-emergent herbicides- mga “herbicides” o pamatay ng da-mong ligaw sa mga sakahan, bago sumibol ang mga damo (pre-emergent) o mata-pos sumibol at habang tumutubo na ang mga ito (post-emergent). Ang mga ito ang ginagamit sa wastong pamamaraan sa padaisdis na sakahan para huwag nang mag-araro at magbungkal ng lupa na magiging sanhi ng “erosion.” Rill - ang mababaw na pagkaagnas ng lupa sanhi ng tubig o ulan na humahanap ng daanan ng tubig pababa sa padaisdis na lupa. Ito ang unang palatandaan ng pagkaag-nas o “erosion” ng lupa. SALT (Sloping Agricultural Land Technology) – isang simple at murang pam-amaraan na nilinang ng Mindanao Baptist Rural Life Center (MBRLC), isang NGO (non-government organization) sa Kinuskusan, Bansalan, Davao del Sur na pinagba-tayan ng dagdag na impormasyon at kaalamang nilalaman nitong adbokasyang “Masa-ganang Lupa.”

Vetiver grass – isang uri ng damo na pino, masinsin at palalim sa lupa ang tubo ng ugat. Umaabot sa tatlong metro ang lalim ng ugat sa lupa, nagsisilbing pangharang sa rumaragasang tubig at lupa sa padaisdis na mga lugar. Pinatutubo ng bayan ng Aparri sa Region 2 bilang panlaban sa pagkaagnas o “erosion” ng lupa.

Downloadable - www.safepinoy.com • www.croplifephils.com

Mga importanteng kataga

Page 12: Contour Farming Tagalog

12

ay inilathala ng CropLife Philippines, Regional Agriculture and Fishery Council - Region 2 (RAFC-R2) at ng Initiative for Farm Advocacy and Resource Management (iFARM) sa pakikipagtulungan ng Bureau of Plant Industry (BPI), Bureau of Soils and Water Management (BSWM), Cagayan Valley Integrated Agricultural Center (CVIARC), Department of Agriculture Region 2 (DA-R2), Depart-ment of the Interior and Local Government Region 2 (DILG-R2), De-partment of Environment and Natural Resources Region 2 (DENR-R2) at tanggapan ng mga Provincial, City at Municipal Agriculturist ng mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, Quirino at Nueva Vizcaya.

Ang Sloping Agricultural Land Technology (SALT) na binuo ng Mindan-ao Baptist Rural Life Center (MBRLC), Kinuskusan, Bansalan, Davao del Sur, na pinagbatayan ng ilang kaalaman dito ay may website: www2.mozcom.com/~mbrlc/

Unang paglalathala: Marso 2013.