Buntong Hininga

download Buntong Hininga

of 1

description

Tula ni Janie Lou

Transcript of Buntong Hininga

Buntong HiningaMary Janie Lou Avellana

Sa akin ikay tumabiWala man lang pasintabiNanginig ang aking labiKung kayat walang masabi.

Nanliit na parang dilisDaga sa loob bumilisLigaya ay labis-labisSayoy ayaw nang umalis.

Pagod ay di pansinGutom ay kayang tiisinTitig di kayang alisinKahit inyong lunurin.

Oras sayoy gugugulinGusto mo ang ihahainAnuman ang naisinPikitmatang tutuparin.

Akoy biglang napapikitSayo ay di makalapitNakaramdam bigla ng sakitTanong pagmulat ay bakit?

Tumayo sa pagkahigaBahagyang natulalaLahat itoy Imahinsyon lamang palaSabay akoy napabuntong hininga.