Bukal Sur National High School Buenavista West Candelaria,Quezon
description
Transcript of Bukal Sur National High School Buenavista West Candelaria,Quezon
BUKAL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL
BUENAVISTA WEST CANDELARIA,QUEZON
Student Handbook
ANG AKLAT NA ITO AY PAG-AARI NI:
A.Pangalan:______________________________________________________Tirahan:_________________________________________________________
_Numerong maaaring Tawagan:________________________B.Sa oras ng pangangailangan o aksidente ay ipagbigay alam kina:Magulang/Guardian:________________________________________Numerong maaaring Tawagan: _______________________________C. Taon at Pangkat: Unang Taon ____________________ Ikalawang Taon ____________________ Ikatlong Taon _____________________ Ikaapat na Taon _____________________D.Patunay na lagda ng magulang o guardian na siyang lalagda sa excuse
slip._________________________ __________________________
(Lagda) (Lagda)_________________________ __________________________
(Pangalan) (Pangalan)
PAUNANG-SALITA
Ang handbuk na ito ay naglalaman ng mga patakaran at alituntunin ng paaralan. Ang mga nasabing panuntunan ay para sa lahat ng mga mag-aaral na opisyal na nakatala sa Bukal Sur National High School na sa oras ng pagtanggap at pagpasok ay kinakailangang sumunod dito at gawin itong patnubay upang magkaroon ng disiplinang pansarili, mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa loob at labas ng paaralan, mapangalagaan ang magandang pangalan ng institusyon, maunawaan at maisabuhay ang layunin nito para sa lahat.
Vision Bukal Sur National High School envisions itself as a model of youth who actively participate and contribute their collective efforts, talents and ability towards the building of a humane healthy and productive society guided by mentors who have excellence in instruction and academic management producing a community of self-reliant, values-oriented and patriotic citizens.
Mission To respond to the needs of all stakeholders and help them provide liberal education. To provide them with a learning environment with an intellectual climate that develops in the students the professional competencies and proper moral and social attributes, the hallmark of a total person. To produce graduates who shall become worthy citizens and shall find happiness and contentment in the service of God, country and fellowmen.
History ofBukal Sur National High School
It was February 1969 when the barrio council convened and decided to open a public secondary school. With this, the council sought the help of the District Supervisor, the retired Mrs. Benita Mayo, regarding the necessary information on the how, why’s and what’s of a school to be formally opened.
As the barrio is thickly populated and accessible to land transportation, with nearby barrios just lying at the outskirts, the division office did not hesitate granting the request, though there has been a heated argument between the owners of the private school that existed in the town proper.
The late Barangay Captain, Hon. Epifanio Pasumbal exerted his very best effort that on June 1969, established the first school year of Bukal Sur National High School with only a section of a handful twenty-six (26) freshmen. As year goes on, significant increase both on student’s population and year level, until it offers a complete secondary course.
The school now offers the Basic Education Curriculum, adapting the use of the BEC based textbooks and reference textbooks to enrich the teaching-learning process.
After twenty-three year, Bukal Sur National High School transferred to its owned site. A SEDP Bldg. composed of the THE Bldg., a Science Laboratory, a Library, an Administrative Room, Academic Classrooms and four Comfort Rooms was constructed in the late year of 1992. More development can be seen now in the school. In line with the on-going development projects of BSNHS, and for the benefit of the students and the faculty, a covered pathway was constructed in front of the annex building.
Formerly the school is housed in the elementary school compound, presently, the school was moved to the nearby barangay of Buenavista West, to a lot of it’s own thru the kindness of Mr. and Mrs. Rodolfo O. Maristela, who donated to the school a 6,000 sq.meters piece of land where the Bukal Sur National High School is now situated. The school is one kilometer away from the Maharlika highway.
An additional six new classrooms and a non-formal learning center was constructed to house the uncontrolled number of enrollees, through the help of the late Congressman Jun Punzalan, former Board Member Billy Andal, the DECS and DPWH. Computer Room is now filled with twenty computer equipments. Teachers are now convenient in their new place, located on the first room of SEDP Building.
The school is now populated with less than a thousand students, and the school personnel headed by Mrs. Nerita A. Melendrez, Principal II, a Head Teacher, 7 Teacher III, 10 Teacher II and 6 Teacher I and a computer teacher. The school is now on its fourty-two years (42) of existence.
With regards with the upliftment of the students, BSNHS organized “ANG BUKAL” the official School Newspaper, wherein the students develop their awareness and skills in newswriting. It was started in 1995 and still going on as one of the continuous target of this school.
I.PATAKARAN SA PAGTANGGAP NG MAG-AARALA. Bagong Mag-aaral1.Orihinal na kopya ng Form-138 (Card)2.NSO Birth Certificate (Photocopy)3.Orihinal na kopya ng Form 137 mula sa paaralan kung saan nagtapos.*kailangan ng request mula sa Guidance Office o tagapayo4. Good Moral Certificate mula sa elementaryang pinagtapusan. B.Dating Mag-aaral1.Orihinal na kopya ng Form 138 (Card)2.Ang lahat ng dating mag-aaral mula sa nakaraang taon ay otomatikong nakatala sa
bilang ng mag-aaral sa susunod na taon maliban sa mag-aaral na di-pumasa.3.Ang sino mang mag-aaral na na-dismis ay hindi na muling tatanggapin sa
paaralan. Transferee1.Ang sinumang mag-aaral na nagnanais na lumipat mula sa ibang paaralan ay
ituturing na bagong mag-aaral.
II.PATAKARAN SA PAGBABAYAD
Ang mga mag-aaral ng Bukal Sur National High School ay inaasahang tutupad sa mga itinakdang bayarin ng paaralan o authorized collections.
III. PATAKARAN AT ALITUNTUNIN SA LOOB NG PAARALAN1.Iwasan ang palagiang pagiging huli sa klase. Ang mag-aaral ay dapat na nasa
loob na ng paaralan hanggang ika-7:30 ng umaga. 2.Paggalang sa watawat. Umawit nang may buong paggalang sa pambansang
awit ng Pilipinas, ang Lupang Hinirang. Gayundin, ang sabayang Panunumpa sa Watawat.
3.Ang lahat ng mag-aaral na hindi nakadalo sa Flag Ceremony ay inaasahang
tahimik na maghihintay sa may guard house hanggang matapos ang pag-awit. Ang mga nahuling mag-aaral ay magsasagawa ng kanilang flag ceremony. Ang palagiang pagiging huli sa unang klase sa umaga at hapon ay may karampatang parusa
4.Ang gate ng paaralan ay magsasara sa ganap na ika-7:30 ng umaga at
muling magbubukas sa ganap na ika-4:30 ng hapon. 5.Ang pagtunog ng bell sa ganap na ika- 7:30 ng umaga ay palatandaan ng
paghahanda sa unang asignatura sa umaga at ganap na ika-12:15 ng tanghali bilang paghahanda sa unang asignatura sa hapon.
6.Ipinagbabawal ang pananatili ng mag-aaral sa labas ng silid aralan sa oras ng klase.
7. Ang katahimikan sa loob ng paaralan ay hinihikayat. Ipinagbabawal ang pagsigaw o malakas na pag-uusap sa koridor lalo na sa oras ng klase.Ito ay maituturing na minor offense at may karampatang parusa.
8. Ang kalinisan ng paaralan ay ipinapatupad. Ipinagbabawal ang pagtatapon ng basura lalo na ang plastic sa loob at labas ng paaralan. Sikaping itapon sa nakalaang basurahan o iuwi ang basura sa tahanan.
9. Iwasan ang pag-iiwan ng mahahalagang kagamitan sa paaralan tulad ng wallet, cellphone, alahas o mini-radio.
10. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagka-cutting classes. Ito ay maituturing na major offense.
11. Ang mag-aaral na mahuhuling nagsusugal, naninigarilyo, nag-iinom at naglalaro sa mga internet shop ay maituturing na major offense at may karampatang parusa .
12. Ipinagbabawal ang pag-alis sa oras ng klase lalo na kung walang pahintulot ng tagapayo o ng punong-guro. Kailangang gumawa muna ng kaukulang liham ng pamamaalam na nagsasaad ng dahilan ng pag-alis.
13. Ipinagbabawal ang paninira ng anumang kagamitan sa loob ng paaralan halimbawa: pintuan, bintana, ilaw, electric fan, upuan at lamesa at halaman.
14. Mahigpit din ipinagbabawal ang pagsusulat sa pader o anumang bahagi ng paaralan tulad ng comfort rooms ng babae o lalaki at canteen . Ito ay maituturing na major offense at may karampatang parusa.
14. Mahigpit din ipinagbabawal ang pagsusulat sa pader o anumang bahagi ng paaralan tulad ng comfort rooms ng babae o lalaki at canteen . Ito ay maituturing na major offense at may karampatang parusa.
15. Ipinagbabawal ang pagpasok sa faculty room ng mga mag-aaral maliban kung may kaukulang pahintulot.
16. Ang mga mahahalagang paalaala ay nakapaskil sa itinakdangg bulletin board ng paaralan. Ipinagbabawal ang pagsusulat at pagsira dito ng walang pahintulot. Maituturing itong major offense at may karampatang parusa.
17. Ipinagbabawal ang pagdadala ng patalim o anumang nakamamatay na sandata sa loob o labas ng paaralan.
18. Ipinagbabawal ang pagsali sa anumang sorority o fraternity.
19. Ipinagbabawal ang pagpasok ng mag-aaral na nasa impluwensya ng inuming nakalalasing.Ito ay maituturing na major offense at may karampatang parusa.
20.Ang magulang ng mag-aaral ay hindi pinahihintulutan na siyang magpapirma ng clearance ng kanilang anak.
IV. PATAKARAN SA PAGSUSUOT NG UNIPORME AT TAMANG KAANYUAN
Lalaki:Puting polo na may kaukulang school seal, itim na pantalon , itim na sapatos at medyas .
Babae:Puting blusa na may sailor cut collar, necktie at may kaukulang school seal , asul na palda, itim na sapatos at puting medyas.
Ipinagbabawal ang pagsusuot ng sapatos na may takong upang maiwasan ang aksidente.
**Inaasahan ang pagsusuot ng school ID ng lahat ng
mag-aaral para sa pagkilala.
KAANYUANG PISIKAL
a.Ang pagsusuot ng hikaw para sa mga lalaki ay mahigpit na ipinagbabawal.
b.Ipinagbabawal ang pagkukulay ng kuko,
paglalagay ng eye liner at lipsticks para sa mga mag-aaral na babae o lalaki.
c.Ipinagbabawal ang pagkukulay at pagpapahaba ng buhok para sa mga mag-aaral na lalaki.
a.Ang pagsusuot ng hikaw para sa mga lalaki ay mahigpit na ipinagbabawal.
b.Ipinagbabawal ang pagkukulay ng kuko,
paglalagay ng eye liner at lipsticks para sa mga mag-aaral na babae o lalaki.
c.Ipinagbabawal ang pagkukulay at pagpapahaba ng buhok para sa mga mag-aaral na lalaki.
V.PATAKARAN AT ALITUNTUNIN SA LOOB NG SILID-ARALAN
1.Inaasahan ang pagpapakita ng paggalang sa guro. Tumayo nang tuwid at bumati ng may buong paggalang.Sabay-sabay na magdarasal para sa pagsisimula ng klase.
2. Ipinagbabawal sa lahat ng mag-aaral ang pagdadala ng cellphone sa loob ng silid aralan at sa oras ng klase.
3. Hinihikayat ang pagpapatupad ng kalinisan, katahimikan at kaayusan sa loob at labas ng silid-aralan.
4. Ipinagbabawal ang pagsusulat o vandalism sa pader, upuan, bintana at lamesa ng guro.Ito ay maituturing na major offense at may karampatang parusa.
5. Ipinagbabawal ang pagsusugal o anumang uri na katulad nito sa loob ng silid- aralan .Ito ay maituturing na major offense at may karampatang parusa.
6.Ipinagbabawal ang pagdadala ng anumang uri ng pornograpiya sa loob at labas ng silid-aralan tulad ng larawan, cellphone videos, magazine at diyaryo. Ito ay maituturing na major offense at may karampatang parusa.
7. Ang mag-aaral na nasa loob ng silid aralan ay inaasahang nakasuot ng opisyal na uniporme ng paaralan. Ang pagsusuot ng sibilyang kasuotan sa mga araw ng klase ay nangangailangan ng pahintulot ng tagapayo o ng guidance counselor.Ipinagbabawal ang pagsusuot ng shorts, sleeveless at backless.
8.Ang anumang bagay o gamit na nasira ng mag-aaral sa loob at labas ng silid-aralan ay dapat na bayaran ayon sa halaga ng nasira.
VI.Suspensyon ng KlaseSa panahon ng bagyo ang Signal
no. 1 ay maituturing na may klase maliban sa desisyon ng punungguro na ikansela ang klase. Suspendido ang klase kung Signal no. 2 ang bagyo.
VII.PATAKARAN AT ALITUNTUNIN SA PANAHON NG PAGSUSULIT1.Bago magsimula ang pagsusulit, ang mag-aaral ay
dapat na alisin ang mga hindi kailangang kagamitan tulad ng aklat, notebook o kopya ng leksyon upang maiwasan ang pandaraya.
2. Ang mag-aaral ay hindi pinahihintulutang lumabas ng silid-aralan kung nagsisimula na ang pagsusulit.
3. Ang pandaraya sa panahon ng pagsusulit tulad ng pangongopya ay ipinagbabawal at may karampatang parusa.
4. Ang mag-aaral ay dapat na nakasuot ng uniporme at I.D. Ang mga lalaki ay mayroong tamang gupit (proper haircut).
5. Ang cellphone ay hindi pinapayagan sa loob ng silid-aralan sa oras ng pagsusulit.
VIII. DI-PAGPASA, PAG-UULIT AT PROMOTION
1.Ang mag-aaral na hindi papasa sa isang (1) asignatura (subject) ay hinihikayat na kumuha ng summer class para sa asignaturang di-pinasahan. Ang hindi pagpasok ng summer ay nangangahulugan ng pag-uulit sa asignaturang di-ipinasa.
2. Ang hindi pagpasa sa dalawang (2) asignatura (subject) ay hinihikayat na kumuha ng summer class. Ang hindi pagpasok ng summer ay nangangahulugan ng pag-uulit sa asignaturang di-ipinasa.
3. Ang mag-aaral na hindi naipasa ang kabuuang tatlong (3) unit ng mga asignatura ay nangangahulugan ng pag-uulit sa parehong lebel (retained) at hindi maaring kumuha ng paunang asignatura (advanced subject) sa kasunod na antas (year level).
MAJOR OFFENSE:1.Pagpapakita ng kawalang paggalang sa watawat ng
Pilipinas.2.Pagdadala ng patalim, balisong o nakamamatay na
sandata tulad ng baril. 3.Pagnanakaw at iba pang krimen.4.Pagbebenta ng droga o ipinagbabawal na gamot.5.Paggamit ng ipinagbabawal na gamot.6.Pagsali sa mga fraternities o sororities at pagsali sa
mga pagpupulong na kaugnay nito.7.Pagbabanta o pananakot sa kapwa mag-aaral, guro o
punongguro o sa otoridad.8.Pamimigay ng mga pulyetos na may kaugnayan sa
pagsali sa maka-kaliwang grupo. 9.Pagmumura 10.Pagsusulat sa mga pader, lamesa, upuan at
palikuran at iba pang bahagi ng paaralan.
Parusang katapat: Unang Paglabag: Ang nagkasala ay maglilinis o
magpipintura ng lugar o bagay na sinulatan kasabay ang tatlong (3) araw na pagkasuspendido. Ikalawang paglabag: Expalsyon
11.Paninira ng kagamitan ng kamag-aaral o ng paaralan.12.Pagnanakaw ng kagamitan ng paaralan.13.Ang pandaraya sa opisyal na records ng paaralan tulad
ng panggagaya ng pirma, pagbura o pagpapalit ng impormasyon.
14.Pagpupunit, pagsira at paggusot ng anumang bahagi ng aklat o iba pang babasahing pampaaralan o ng silid-aklatan.
15.Pag-inom ng ipinagbabawal at nakalalasing na inumin sa loob at labas ng paaralan na may layong 100 metro.
16.Paghahamon ng away o anumang kaugnay nito na nakasasakit sa kamag-aara
17. Pagpahi o pagsira ng mga kaukulang impormasyon na nakasulat o nakapaskil sa bulletin board o pisara nang walang pahintulot.
18.Pagsusugal.19.Paggamit ng malalaswang salita at pagdadala
ng malalaswang larawan.20.Pagdura sa sahig, bintana at pader.Parusang Katapat:Unang paglabag: Suspensyon ng tatlong (3)
araw na mayroong kaugnay na kasunduan sa magulang.
Ikalawang paglabag: Dismisal o transperIkatlong paglabag: Ekspalsyon
MINOR OFFENSE:
1.Walang pahintulot na pagbebenta ng tiket o panghihingi ng donasyon.
2.Paninigarilyo sa loob ng paaralan.3.Pagkakalat ng anumang uri ng basura. 4.Hindi pagsusuot ng uniporme nang walang pahintulot. 5.Hindi pagsusuot at panghihiram ng I.D. ng iba.6.Pag-alis sa klase ng walang pahintulot ng guro. 7.Pagkakaroon ng mahabang buhok o may kulay na buhok para
sa mga lalaki.8.Pag-iingay at pananatili sa pasilyo ng paaralan sa oras ng klase.9.Pagpasok ng walang pahintulot sa paaralan lalo na kung may
mahalagang okasyon.10.pag-iingay sa oras ng klase.11.Pagsusuot ng hikaw lalo na sa mga lalaking mag-aaral.12.Palagiang huli sa unang asignatura sa umaga at hapon.
PARUSANG KATAPAT:
Unang Paglabag: Isang araw na suspensyon na mayroong kaugnay na kasunduan sa magulang.
Ikalawang Paglabag: Tatlong araw na suspensyon na mayroong kaugnay na kasunduan sa magulang.
Ikatlong paglabag: Pagpapaalis o pagpapalipat sa ibang paaralan.
Ikaapat na paglabag: Ekspalsyon
KASUNDUAN:Sa kinauukulan:
Ako si __________________________ ay nagpapatunay na nabasa ko at naunawaan ang mga patakaran at alituntunin na nasusulat sa handbook na ito.
Ako ay sumasang-ayon sa lahat ng patakaran at alituntunin na itinakda ng paaralan at nangangakong susunod sa mga kondisyon na itinakda dito.
__________________(lagda ng mag-aaral)
___________________________(Lagda ng Magulang)