BIONIX INFO (PANIMULA)
Click here to load reader
-
Upload
zu-amorante -
Category
Documents
-
view
273 -
download
12
description
Transcript of BIONIX INFO (PANIMULA)
TRENZ Direct Sales Corporation3rd Flr. Promenade Bldg., 158 West AvenueQuezon City, Philippines
PanimulaAng likidong pang-tulong sa saka, BIONIX, ay purong organic (walang kemikal) at may iba’t-ibang uri: abono sa lupa, pampalago ng tanim, pampa-dami, at pampa-laki at sarap ng ani. Ang layon ay mahubog ang pagsasaka sa organic na kaparaanan, mula sa paghahanda ng lupa, pagtatanim, kalagitnaan nito, pamumuo ng bunga, paghahanda sa ani, at sa pag-ani mismo.Ang mga produktong BIONIX ay mayroong pangunahin at pandagdag na mga nutrisyon at mineral na madaling nasisipsip ng mga tanim. Kaya gumaganda ang mga ito at mas lumalaki. Ang lupa naman ay tumataba at nagiging mayaman sa maliliit na organismo (micro organism) na siyang lalong nagpapataba ng lupa, winawasto ang anumang kakulangan sa sustansya sa halaman o depekto sa lupa. Napapatibay ng BIONIX ang mga lantahin o kuluntoy na mga tanim, napapalago, at napaparami pa ang bunga.Ang BIONIX ay mainam para sa BIO kemikal (halong kemikal at organic) o BIO organic (purong organic) na pagsasaka. Sa BIO kemikal, magkasama ang mga produktong BIONIX at patabang kemikal, at pinagsasama din ang foliar (pag-spray sa tanim) at pag-aabono sa lupa, na siya ring kaparaanan sa BIO Organic.Sa paglaganap ng BIONIX sa pagsasaka, masisimulan na ang minimithing dagsang ani na magbabago ng anyo ng agrikultura sa Pilipinas, at magbabago din sa pangkalahatang pamamaraan ng pagsasaka.Ang babasahing ito ay naglalayong makatulong sa paglaganap ng pagsasakang organic, sa parang BIONIX.
Ano Ang BIONIX? Mula Thailand
BIONIX Foliar (Ini-ispray). Ito ay organic L-Amino Acid. Ini-ispray diretso sa tanim, lalo’t sa mga dahon, lalo’t sa ilalim ng dahon kung saan natatagpuan ang mga “stomata” o mga bibig-pangkain ng mga halaman. Ang L-Amino Acid ay mismong pagkain ng lahat ng halaman. Ang BIONIX ay may mga sumusunod na mga uri ng L-Amino Acid, mineral, at maliliit na organismo:
L-Amino Acid Minerals Maliliit na Organismo
Aspartic acid (N) Nitrogen Aspergillus sp.
Therononine (K) Potassium Bacillus sp.
Serine (Mg) Magnesium Lactobacillus sp.
Glutamic acid (B) Boron
Proline (Cl) Chlorine
Glycine (Ma)Manganese
Alanine (Zn) Zinc
Cyastine (P) Phosphorus
Valine (Ca) Calcium
Methionine (S) Sulfur
Isoleucine (Cu) Copper
Leucine (Fe) Iron
Tyrosine (Mo) MolybdenumPhenylalanine (Ni) Nickel
Histidine
Lysine
Arganine
Tryptophan
Nasuri ng Absolute Analytical, Inc., US No. 248.435.5100
Iba pang produktong BIONIX
MALILIIT NA MGA ORGANISMO: PATABANG ORGANIC AT PANG-ALIS ASIM SA LUPA. PARA SA PAGHAHANDA NG LUPA (Land Prep)
BIONIX Max 1: Purong maliliit na mga organismo, mga grupo ng fungi, at mga grupo ng bacteria. Ito ay gamit sa paghahanda ng lupa (land prep) at nagiging mas mabisa ang pakinabang ng patabang kemikal at patabang organic o compost. Gamit din, kasama ng BIONIX Max 2, sa babad-binhi (seed soaking).
PURONG MGA MINERAL: PANGUNAHIN AT PANDAGDAG (Major and Minor).
BIONIX Max 2: Purong pangunahin at dagdag na mga mineral. Gamit pampa-taba ng lupa at pang-spray din sa tanim upang malagyan ng mga mineral. Ginagamit din kasama ng BIONIX Max 1 para sa babad-binhi (seed soaking).
MAS MAGANDANG TUBO NG TANIM
BIONIX Silver Booster: Organic na booster mineral para sa halaman. Mayroong iron at zinc. Pampa-laki ng dahon, mas matingkad na luntiang kulay, pampa dami ng ugat, pang usbong ng dahon.
PAMPA BULAKLAK
BIONIX Red Booster: Purong organic na mga mineral (phosphorous, calcium, at boron). Proteksiyon ng petal at sepal, pag-aabang ng mga prutas, pampa-lakas ng tangkay at proteksiyon ng bulaklak, iwas laglag ng bulaklak, at pampa-tingkad ng kulay.
PAMPA GANDA NG BUNGA AT PAMPA DAMI NG ANI
BIONIX Orange Booster: Purong organic na mga mineral (potassium, calcium, at boron) na pampa-dami ng ani, pandagdag porsyento ng gawgaw (starch), at pampa-laki ng bunga. Bawas lamat sa
bunga, gaya ng sa kamoteng kahoy, at iba pang depekto sa bunga.
Ang mga BOOSTERS ay para sa paglaki, pagbubuntis o pamumulaklak, at
pagpapaganda ng bunga o ani.
Paano Gumagana ang mga Produktong BIONIX sa Tanim
Ang Nano BIONIX L-Amino Acid ay ini-spray sa mga dahon upang makakain agad ang halaman at mapalaki agad
Ang BIONIX MAX 1 at 2 na ini-spray sa mga organikong mga pataba (kompos) ay mas lalong napapataba ang lupa at napapadali ang pagsipsip ng tanim sa nutrisyon sa lupa
Ang Nano BIONIX na ini-ispray, ang mga BIO liquid na pataba, Max 1 and 2, at ang mga boosters ay pinagiibayo ang pag-laki ng tanim, pamumunga nito, at pagpapadami ng ani.
Mga Benepisyo ng L-Amino AcidL-AMINO
ACIDMga Benepisyo Masamang Epekto
Pag Kulang
-Kumakain agad ang tanim pagka-spray sa mga dahon-Mas busog at malusog ang tanim-Mas magandang pamumulaklak at pamumunga-Mas masustansya at masarap ang bunga
-Mas kaunti ang pagkain ng halaman-Mahina ang tanim-Karaniwang pamumulaklak at pamumunga-Di gaano ang sustansya ng bunga-Hindi ganoon kasarap ang bunga
Mga Benepisyo ng mga Pangunahing Mineral (NPK)
MINERAL Mga Benepisyo Masamang Epekto Pag Kulang
Nitrogen (N) -Mabilis lumaki -Mas magandang dahon at bunga -nakakatulong sa paglikha ng mga protina, chlorophyll, mga hormone, mga bitamina, at mga enzyme-Mas madaming binhi at bunga
-Mabagal lumaki-Maliliit ang mga dahon-Naninilaw ang dahon
Phosphorous (P) -Mas madaming binhi-Tumulong sa photosynthesis-Pag-laki ng tanim at tulong sa metabolismo-Pagbubuo ng protina
-Mahinang mga ugat-Kakaunting mga ugat-Mahinang kapit ng mga dahon sa tangkay
Potassium (K) -Tumutulong sa kalidad ng bunga-Bumubuo ng protina-Tumutulong sa photosynthesis at pagsasalansan ng mga cell-Pagbabalanse ng tubig-Iwas sakit
-Maliliit ang mga bunga-Sakitin-Madaling ma-stress o mahirapan-Mahina at sunog na mga dahon-Naninilaw ang mga mabababang dahon-Nahuhulog ang mga bunga
Mga Benepisyo ng Pandagdag na mga MineralMINERAL Mga Benepisyo Masamang Epekto Pag
KulangMagnesium(Mg) -Mahalaga sa chlorophyll
-Tumutulong sa photosynthesis-Pinapagana ang mga enzyme para sa pag-laki ng tanim
-Bansot ang tanim
Calcium (Ca) -Pampasigla ng tanim-Mas madaling pagbubuo at pagsipsip ng mga sutansya -Matibay na mga cell
-Madaling mahulog ang mga bulaklak-Nanunuyong mga bagong dahon
Boron (B) -Matibay ang mga cell wall -Pagsalansan ng mga cell-Pag-unlad ng binhi at bunga-Pag-aasukal-Pag-unlad ng hormone
-Payat ang mga halaman-Kakulangan sa calcium at madalas walang laman ang mga binhi o nagiipa -Matabang ang lasa
Chlorine (Cl) -Tumutulong sa photosynthesis-Mas magandang himaymay ng tanim-Malusog na pag-dahon
-Tuyot na bagong dahon-Chlorosis (kulang sa chlorophyll o pagka-berde ang mga dahon)-Naninilaw ang ibabaw ng lumang dahon-Di kaya ng tanim gumawa ng carbohydrates sa photosynthesis
Manganese(Ma) -Malusog na dahon-Pinapagana ang mga enzyme
-Nangingitim ang mga ugat sa dahon at may chlorosis ang dahon (o deprensya sa kulay)
Zinc (Zn) -Malapad na dahon-Luntiang dahon-Gumagana ang mga enzyme
-Maliliit ang mga dahon-Naninilaw na dahon
Calcium (Ca) -Malusog na dahon at bulaklak-Malusog na mga bahagi ng tanim-Haligi ng cell
-Mga dulo ng dahon o bulaklak ay nasusunog o nabublok-Nangamamatay na mga hibla ng halaman
Sulphur (S) -Malusog na kulay ng tanim-Malusog na dahon-Amino Acid
-Chlorosis na may konting bahid ng berde sa dahon-Naninilaw ang buong halaman-Pula o mamula-mulang mga dahon-Kuluntoy at malulutong na mga dahon
Phosphorous (P) -Magandang paglaki ng tanim-Mabilis na paglaki
-Bansot-Mabagal ang pag-unlad-Pangingitim ng mga tangkay at ilalim ng dahon
Iron (Fe) -Malulusog na mga bagong dahon
-Matamlay ang mga bagong dahon na halos namumuti sa kulay
Molybdenum(Mo) -Magandang kulay ng dahon-Kasama sa pagsasa-pirmi (o fixation) ng Nitrogen
-Malakihang chlorosis-Pagka-lason lalo’t nagku-kulay dalandan ang mga dahon
Nickel (Ni) -Pagsipsip ng mineral na iron
-Di maganda ang pagbi-binhi
Copper (Cu) -Kalahatang kalusugan ng dahon-May kinalaman sa mga enzyme
-Nanunuping mga dahon-Ang mga tangkay ng dahon ay yumuyuko-Maliliit ang mga dahon na may mga patche ng namamatay na hibla o cell
Mga Benepisyo ng Maliliit na Organismo
Benepisyo Kapag Wala1. Pataba sa lupa.
2. Pinagyayaman ang lupa.
3. Ginagayad ang nutrisyon sa lupa.
4. Pinapadali ang pag sipsip ng tanim sa sustansyang nasa lupa.
5. Malusog ang halaman hanggang sa pamumunga at pag-ani.
1. Patay ang lupa.
2. Maasim o acidic ang lupa.
3. Hindi mapapakinabangan ng tanim ang sustansya sa lupa.
4. Walang sustansya ang tanim at di nagtutuloy sa magandang pamumulaklak at pag-bunga.
MGA PROTOCOLBIO-NUTRISYONAL NA PAGSASAKA
(Protocol sa Lupa)
BIO KemikalPaghahanda ng Lupa (Land Prep)
Ihalo ang 1 litrong BIOnix Max 1 at 800 ml APSA 80 sa 200 litrong tubig. Ispray o idilig sa patabang kemikal na naikalat. (Alalahanin: Bawasan ang gamit na patabang kemikal ng 50%)
Paghahanda ng mga Binhi
Ibabad ang mga binhi ng 12-20 oras sa 20 litrong tubig na may 20 ml BIOnix MAX 1 at 80 ml BIOnix.
Pagka babad ng mga binhi, idilig o spray ang halo sa lupa sa unang araw ng pagtatanim.
BIO OrganicPaghahanda ng Lupa (Land Prep)
Ihalo ang 1 litrong BIOnix MAX 1 at 800 ml ng APSA 80 sa 200 litrong tubig. Ibuga sa naisaboy na GREENLAND ORGANIC FERTILIZER.
Iwanan ng 14 na araw bago taniman. Panatiliing mamasa-masa ang lupa.
Itabi ang sobrang abono na hindi nagamit sa isang malamig at tuyong lugar at malayo sa sikat ng araw.
Paghahanda ng mga Binhi Ibabad ang binhi ng 12 - 20 oras sa 20 litro ng tubig na hinaluan ng 20 ml ng BIOnix MAX 1 at 80 ml. ng BIOnix.
Pagkaapos hanguin ang binhi sa pinag babaran, ibuga ang pinagbabaran doon sa bukid para hindi masayang.
Aplikasyong Polyar Pagka-Tanim ng Palay
BIO Kemikal man o BIO OrganicPagka-tanim Magbuga o spray ng abono sa ika 15-20 araw: 50 - 80 ml
BIOnix at 80 ml ng APSA 80 sa 16 litro ng tubig. Maximum 500 litro kada hektarya. (Idagdag ang 50 - 80 ml SILVER BOOSTER kung nais sa pinaghalong abono)
Bago Magbuntis Magbuga o spray ng abono sa ika 30-45 araw: 50 - 80 ml BIOnix at 80 ml ng APSA 80 sa 16 litro ng tubig. Maximum 500 litro kada hektarya. (Idagdag ang 50 - 80 ml RED BOOSTER kung nais sa pinaghalong abono)
Bago Mag-ani Magbuga o spray ng abono sa ika 60-70 araw: 50 - 80 ml BIOnix at 80 ml ng APSA 80 sa 16 litro ng tubig. Maximum 500 litro kada hektarya. (Idagdag ang 50 - 80 ml ORANGE BOOSTER kung nais sa pinaghalong abono)
Mga Mungkahing Protocol Para sa Gulay
Siguruhing na-ihanda ang lupa (land prep) ng mabuti sa patabang organic o kemikal gaya ng nasaad sa itaas. Tapos ay sundan ng polyar na aplikasyon, gaya ng mga sumusunod:
Uri ng Gulay Ilang Beses Aplikasyong Polyar na BIONIX
Mga Luntiang Dahon
Tatlong beses sa buong tag-tanim
80 ml: 16 litrong tubig
Mga Namumungang Gulay
Bawat 10-15 araw 80 ml: 16 litrong tubig
Tandaan: Ang mainam at epektibong pag-aabono ay yaong may pataba sa lupa at may buga o spray ng patabang L-Amino Acid sa mismong mga dahon ng halaman.
Mga Lebel ng Pagka-Asim ng Lupa
pH Paliwanag Alalahanin1 Sobrang Napaka-Asim o acidic Kulang sa N, P, K, S, Mg,2 Ca, at maliliit na organismo
at sobra sa Fe at Mn34 Napaka-Asim5 Bahagyang Maasim6 Maasim-Asim7 NEUTRAL o Balanse8 May Pagka-Alkaline9 Bahagyang Alkaline
10 Malakas ang pagka-Alkaline Ang lupa ay masyadong matigas at buo. Kulang
11 Sobrang Lakas ng pagka-Alkaline sa N, Fe, Mn, Cu, at Zn121314
Laging Tandaan:
Kapag natural na mataba ang lupa, mas lalakas ang pag-gana ng BIONIX Max 1 at 2 sa konting kompos na lang, at BIONIX spray.
Sa tag-ulan, tamang-tamang pag-aabono lang ang kelangan dahil sa mas mababang photosynthesis.Ang lupang lunod sa kemikal na N ay mas lapitin ng peste at insekto. Naaapektuhan din ng masama ang ani.Ang mga stomata sa dahon na kumakain ng polyar na L-Amino acid ay nasa likod ng dahon.Siguruhing laging may magandang paghahanda sa lupa o land prep na kaakibat ng BIONIX spray sa tanim.Laging sundin ang mga nakasaad na protocol. Huwag mag-short-cut.