Bayani. Lider. Manggagawa. - ffw.ph 2013finalfinal.pdf · Mga bagong bayani, lider at manggagawa....
Transcript of Bayani. Lider. Manggagawa. - ffw.ph 2013finalfinal.pdf · Mga bagong bayani, lider at manggagawa....
Hawak-hawak ang isang pistol sa kaliwa at bolo sa kanang kamay, mababanaag mo sa
kanyang mukha tapang at dedikasyon sa kalayaan. Isang moog na sa gitna ng abalang
lansangan ay tila nanghihikayat para sa panibagong rebolusyon.
Sa Caloocan, Maynila at sa iba pang panig ng bansa, makikita ang mga rebulto ng da-
kilang bayani na si Gat Andres Bonifacio maging ng ordinaryong Katipunero, tulad ng sa
Pugadlawin noon na nakagawiang ipangalan sa kanya.
Mga imaheng naging makabuluhang bahagi ng ating ka-
saysayan.
Sa gitna ng pagdiriwang para sa ika-150 anibersaryo ng
kanyang kapanganakan, ang Federation of Free Workers
(FFW) ay nagbibigay pugay sa dangal at kabayanihan ni
Andres Bonifacio. Higit pa dito, nagbabalik-tanaw ang
FFW sa mga aklat ng kasaysayan at karanasan ng ma-
mamayan upang muling suriin at pagnilayan ang mga
aral na ibinigay sa atin ni Bonifacio, ng Katipunan at ng
sambayanang Pilipino sa ilalim ng pamamahala ng mga
Kastila.
BAYANI
Itinatag ni Bonifacio ang Kataas-taasan Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng
Bayan o Katipunan na siyang nanguna sa kauna-unahang rebolusyon hindi lamang sa
bansa kundi sa buong Asya. Ito ang pangunahing puwersang nanguna sa mga himag-
sikan sa iba’t ibang bayan partikular sa Luzon na naglayong makalaya sa pamamahala
ng Kolonyalistang Kastila.
Ngunit hindi si Bonifacio o ang Katipunan ang nagbunsad ng rebolusyon—kundi ang
mga kaapihan at kawalang katarungang panlipunan na dinanas ng mga Pilipino sa ka-
may ng mga mananakop. Ang pag--aaklas ay reaksyon ng mamamayan na inorganisa,
kinonsolida at pinangunahan ni Bonifacio at ng Katipunan.
Ang kabayanihan ni Bonifacio ay hindi lamang dahil sa kanyang pagbubuwis ng dugo,
kundi nagmumula pa sa desisyong tumugon sa hamon ng panahon at pangunahan ang
kilusan.
Tulad ng mga proletaryadong kasapi ng Katipunan, patuloy na nahaharap ang mangga-
gawang Pilipino sa karahasan, kaapihan at kawalan ng katarungang panlipunan.
Patuloy na kaapihan.
Sa kabila ng abang sitwasyon ng mga manggagawa, ng kawalan ng sapat na pantustos
sa pang araw-araw ng pangangailangan ng pamilya, bilyong pisong mula sa kaban ng
Bayani. Lider. Manggagawa.
Ang isyung ito ng Free Workers ay tumatalakay sa pagiging Bayani, Lider at Manggagawa ni Andres Bonifacio at kung paano ito sasalamin sa kasalu-kuyang mga gawain at adbokasiya ng Unyon.
Binibigyang pansin ang
mga isyung isinusulong
ng FFW
Ang mga kabayanihan
sa gitna ng Super-
bagyong Yolanda
Ang pagbabagong dulot
ng Desisyon ng Korte
Suprema sa PDAF
Ang ILO Convention on
Decent Work for Domes-
tic Workers at Kasamba-
hay Law
Ang patuloy na pagpapa-
lakas ng Unyonismo ng
FFW
FREE WORKERS
Inside this issue:
SC: PDAF Labag sa Konstitusyon
5
Highlights ng Desisyon ng
Korte Suprema 6
Labor Day Manifesto 7
Bayani at Bayanihan ng
Yolanda 8
Pangarap na Nakamit,
Tagumpay ng Kasambahay 10
Kuwentong Kasambahay,
Isyung Manggagawa 11
FFW Patuloy ang Ser-
bisyong Manggagawa 12
Hunyo-Disyembre 2013 Tomo XV Blg. I
FEDERATION OF FREE WORKERS (FFW) Opisyal na Publikasyon ng
www.ffw.org.ph
bayan ang ibinubulsa ng
ating sariling mga puli-
tiko—ang mga bagong
gobernadorcillo ng ating
panahon.
Patuloy ang panggigipit
sa mga oposisyon,
pagpaslang at pananakot
sa mga lider-unyon. Nak-
amamatay din ang mga
sitwasyon sa loob ng
maraming pagawaan.
Mga “sweat shops” na tila
tinotortyur at unti-unting
pinapatay ang mga
manggagawa sa pama-
magitan ng labis na oras
ng trabaho na walang
pahinga, karampot na
sahod at kawalan ng kati-
yakan sa trabaho.
Iilang tao pa din, tulad ng
mga Prayle at Goberna-
dor, ang nagkakamal at
patuloy na nagpapaya-
man sa dugo at pawis ng
mga mamamayan.
Si Manong Emil, sa loob
ng mahigit 30 taon ng
pagtatrabaho ay ngiwi
na ang mukha, iika-ika
maglakad, at halos hindi
na maintindihan ang mga
salita, magreretiro sa
isang taon na ‘isang ka-
hig, isang tuka pa rin’. Sa
kanyang edad, inaalala
niya kung paano kakain
ang pamilya kung mawa-
walan na siya ng trabaho.
Si Eric, sa edad na 21 ay
nakapagtrabaho na sa
walong kumpanya. Walang
kaseguruhan. Natatapos
ang kanyang kontrata sa
loob ng limang buwan
hanggang isang taon.
Nauubos din ang panahon
ng kanyang kabataan ng
walang malinaw na seguri-
dad para sa kinabukasan.
Sa lumalalang sitwasyon,
naninindigan ang mga ba-
yaning lider-manggagawa
ng FFW na patuloy na
mag-organisa at mag-
sulong ng mga pagbabago
sa mga patakaran at batas
para sa kapakanan ng
mga manggagawa.
Mga bayaning nagde-
sisyong tumugon sa
hamon ng kasalukuyang
panahon.
LIDER.
Maraming kritiko ni Boni-
facio ang nagsasabing
higit ang kakayahan ni Ri-
zal at Aguinaldo. Si Rizal
ang pumukaw sa damda-
min ng maraming Pilipino.
Si Aguinaldo ang
nagpanalo sa maraming
labanan sa ilalim ng Kati-
punan na pinamumunuan
ni Bonifacio. Ang kontri-
busyon ng bawat isang
bahagi ng ating kasaysa-
yan ay hindi maaaring
ipagkait. Si Bonifacio ang
nagkonsolida at nag-
organisa ng mulat na ma-
mamayan sa ilalim ng Ka-
tipunan upang simulan
ang pakikidigma. Hinog
ang panahon upang
mapagkaisa ang mga Pili-
pino sa layuning maka-
laya sa mapanupil na pa-
mamahala ng mga
Kastila. Siya ang lider
manggagawang nagbigay
pag-asa sa mga karani-
wang tao upang bumuo
ng puwersang hihigit sa
kapangyarihan ng mga
kalaban.
Hindi nawalan ng panana-
lig ang mga kasapi sa
layunin ng Katipunan.
Mga layuning napatuna-
yang tama — sa
Page 2 Federation of Free Workers (FFW)
BAYANI. LIDER... (mula sa pahina 1)
pagpapatuloy ng himag-
sikan at pagtatagumpay
ng Rebolusyong Pilipino
Patuloy ang layunin ng
pagpapalaya.
Patay na si Bonifacio
pero ang layuning maka-
laya ang bansa ay
nagpatuloy at nagpapat-
uloy hanggang sa nga-
yon.
Kalayaan sa kahirapan.
Marangal na trabaho.
Makatarungang hatian sa
bunga ng paggawa.
Karapatang maging ba-
hagi sa pagbuo ng mga
patakaran at batas na
tunay na tutugon sa sit-
wasyon at pangan-
gailangan ng mamama-
yan.
Patuloy na nangunguna
ang mga samahang ma-
sa tulad ng FFW at ibang
unyon sa layuning maka-
mit ang tunay na
kalayaan. Mga puwer-
sang maituturing na ba-
gong Katipunan. Sa
pagpapalit-palit man ng
mga lider, patuloy na
SUGOD MGA KAPATID!? Nagmartsa ang FFW kasama ang ibang mga
unyon mula sa Nagkaisa! bilang paggunita sa ika-150 kaarawan ng baya-
ni ng uring manggagawa na si Andres Bonifacio
Sa kasaysayan, itinutur-
ing siya ng ilan bilang
kauna-unahang Pangulo
ng bansa.
Higit sa sarili.
Tulad ni Bonifacio, ang
mga manggagawa ay
nahubog na mangarap
ng mga bagay na higit
sa sarili.
Ang bawat patak ng
pawis sa pagtatrabaho
ay inilalaan sa pamilya
at sa kinabukasan ng
mga anak.
Tulad ni Bonifacio, ang
kawalan ng seguridad at
disenteng trabaho, ang
di-sapat at di-
makatarungang kita, at
ang di-makataong pag-
trato sa mga manggaga-
wa ay nagbubunsod ng
matiim na pagnanais ng
pagbabago.
Ang unyon ang sandi-
gan ng mga manggaga-
wa. Hindi man nito is-
tratehiya ang gumamit
ng bolo at baril gaya ng
Katipunan, ang lakas ng
pagkakaisa ang
kanyang sandata.
Sa nakaraang mahigit
100 taon ng pag-uunyon
sa bansa, marami nang
napagtagumpayan ang
hanay ng mga mangga-
gawa.
Globalisasyon
Kinaharap nina Boni-
facio ang kolonisasyon
ng mga Kastila.
Hinaharap ng mga
manggagawa ngayon
ang mga dagok ng
globalisasyon.
Tila magkaiba man sa
pamamaraan, parehong
pang-aapi at pagsupil sa
karapatan ng mga
isinusulong ang mga paninindi-
gan ng mamamayan.
MANGGAGAWA.
Pwersang proletaryo o mang-
gagawa ang pangunahing
bumubuo ng Katipunan. Si
Bonifacio mismo ay naging
manggagawa ng tungkod at
pamaypay na kanyang ibine-
benta sa Tondo matapos si-
yang maulila sa edad na 14.
Nagtrabaho siya sa isang
kumpanyang Briton, J.M. Flem-
ing & Co. bilang ahente ng
mga lokal na materyales, tar at
rattan. Nakapagtrabaho din
siya sa isang kumpanyanmg
Aleman, Fressell & Co., bilang
bodegero.
Pero hindi natapos sa sarili o
sa pamilya ang pangarap ni
Bonifacio. Nararamdaman niya
ang hirap at pasakit ng tulad
niyang manggagawa at ang
sitwasyong kinakaharap sa
lipunan.
Patuloy niyang pinalawak ang
kaalaman, nagbasa ng mga
aklat at naging manunulat.
Page 3
manggagawa ang bun-
ga.
Ang FFW ay isa sa mga
bagong Katipunan.
Naninindigan para sa
pagbabagong pan-
lipunan at paggawad ng
kapangyarihan sa ma-
mamayan.
Naniniwala itong sa pa-
mamagitan ng patuloy
na pag-oorganisa at
pagpapalawak ng mga
samahan, at sa
pakikipagtulungan sa
mga organisasyon ng
mga mangagawa sa
buong mundo, matutu-
gunan ang hamon ng
globalisasyon.
Marami na ang pumalit
kay Bonifacio. Marami
na ang nagpapatuloy ng
nasimulang pagkilos
para sa pagbabago.
Mga bagong bayani,
lider at manggagawa.
TULOY ANG LABAN
NI BONIFACIO
Agosto 23, 1896 nang
pormal na sinimulan ng
Katipunan ang kanyang
paghihimagsik laban sa
mga Kastila.
Tomo XV Blg. I
BONI@150. Pinaliwanag ni Ka Sonny, Pangulo ng FFW, ang kahal-
agahan ng social protection.
KALAYAAN... Mula sa trahedya, mula sa kahirapan, mula sa katiwalian.
manggagawa at mga
Unyon para isulong ang
kanyang mga kolek-
tibong adbokasiya. Ito
rin ang sumisimbolo sa
nagkakakaisang hanay
ng mga manggagawa
matapos ang ilang taong
pagkakawatak-watak.
Sa ika-150 taon ni Gat
Andres Bonifacio, No-
byembre 30, 2013, ipin-
akita ng buong hanay ng
nagkakaisang mga
manggagawa hindi
lamang ang kanilang
pagpupugay sa bayani
kundi maging ang pa-
nuntunang “Ituloy ang
Laban ni Bonifacio!”
FFW: Ituloy ang Laban
ni Bonifacio, Wakasan
Katiwalian sa Go-
byerno!
Sa pangunguna ni FFW
President Emeritus Atty.
Allan Montano at ni FFW
President Atty. Jose
Sonny G. Matula, kasa-
ma ng NAGKAISA!, nag-
martsa ang mga kasapi
ng FFW mula Mehan
Garden patungo ng Li-
wasang Bonifacio.
Page 4 Federation of Free Workers (FFW)
Sabay-sabay nilang
pinunit ang mga cedula at
nagdeklara ng pagpapa-
laya ng bansa sa ilalim ng
mga kastila at pagtatatag
ng Rebolusyunaryong
Pamahalaan ng Pilipinas.
Kanilang idineklarang
Pangulo at Commander-in
-Chief si Andres Boni-
facio.
Na ang ating unang
pangulo ay isang mang-
gagawa ay patunay sa
kakayanan ng manggaga-
wa na mamuno ng sam-
bayanan.
NAGKAISA!
Ipinagdiwang ang ika-
150 Taong Kapanganakan
ni Bonifacio
Muling iwinagayway ang
mga bandila. Wala na ang
mga bansag na “pulahan”
o “dilawan”, sama-
samang nagmartsa ang
libu-libong mga mangga-
gawa patungo sa Li-
wasang Bonifacio at sa
Mendiola, Lungsod ng
Maynila.
NAGKAISA! Ito ang or-
ganisasyong nagsama-
sama sa iba’t ibang lider
Nag-alay ang FFW sa pa-
mamagitan ni Atty. Matula
ng bulaklak sa bantayog ni
Bonifacio.
Iginiit ng Pederasyon ang
nakakahiyang estado ng
korapsyon at katiwalian sa
gobyerno sa gitna ng mga
iskandalong kinasasangku-
tan sa isyu ng Pork Barrel
o PDAF at sa pamamahala
ng tulong para sa mga na-
salanta ng Super-Bagyong
si Yolanda.
“Ang pagkakapunit sa
sedula sa pagsisimula ng
himagsikan noong 1896 ay
simbolo na ayaw na ng
mga Pilipinong mapailalim
sa mga Kastila at
magbayad ng buwis na
wala naman silang kapa-
kinabangan,” pagliliwanag
ni Dan Laserna, AVP for
Education and Training ng
FFW. Sa kaparehong sit-
wasyon aniya nalulugmok
sa patuloy na kahirapan
ang ating mga mamama-
yan dahil sa bulsa ng mga
tiwaling tao sa gobyerno
napupunta ang dapat
sanaý pantustos
sa serbisyo pub-
liko, kagalingang
pangmamama-
yan at pantulong
sa mga na-
salanta ng
kalamidad tulad
ng hagupit ni
Yolanda.
Sa kanyang ta-
lumpati, ipinaha-
yag ni Atty. Mat-
ula na bagama’t
makasaysayan
ang naging de-
sisyon ng Korte
Suprema sa
pagbabasura ng
PDAF, hindi
dapat maging
kumpyansa ang
mga manggagawa. Iginiit
niya ang patuloy na pag-
mamatyag sa mga gawain
ng pamahalaan at ang pat-
uloy na paglaban sa kati-
walian sa gobyerno.
FFW: Ituloy ang Laban ni
Bonifacio, Isulong ang
Nakabubuhay na Sahod!
Kaakibat ng kanyang kam-
panya para sa Disenteng
Trabaho, isinusulong ng
FFW ang Nakabubuhay na
Sahod!
“Ang di makataong pagtra-
to sa paggawa at hindi
nakabubuhay na pasahod,
ay puwedeng ihalintulad sa
panahon ng pang-aalipin
sa mga Pilipino noong
panahon ng Kastila,” dag-
dag ni Laserna. Wala mang
latigong humahagupit o
baril na nakatutok, patuloy
na tila nakagapos ang ka-
may ng mga manggagawa
sa tanikala ng kahirapan at
pang-aapi.
Deklarasyon ni Atty. Matu-
la, “Tuloy ang Laban ni
Bonifacio!”
BONI sa BAGONG PANAHON. Iniugnay ng FFW ang patuloy na
laban ni Bonifacio sa pagkakamit ng makatao at nakabubuhay na
sahod sa kasalukuyan.
UNANG PANGULO. Nagbigay pugay ang FFW sa
kinikilalang unang pangulo ng Pilipinas ng maraming
sektor sa ngayon.
Page 5 Tomo XV Blg. I
ginamit ng Pangulo ang pork upang maseguro ang boto ng mga Sena-dor. Madalas nauulat na nagagamit din ang pork barrel upang makakuha ng pagsang-ayon ang ehekutibo sa mga mambabatas sa iba’t ibang proyekto at programa.
Kung masinop na mai-patutupad ang esensya ng nasabing desisyon, wala na dapat papel ang mga mambabatas sa pagtukoy at pagpapatupad ng mga proyekto. Ibig sabihin posi-bleng mabawasan kung hindi man mawala ang mga kickbacks o Standard operating Procedure (SOP) sa mga proyekto ng go-byerno na kalimitang pinagdududahan na pinagkakakitaan ng mga Kongresista at Senador.
Umaasa ang FFW na kung tuluyang mawawala ang pork mababawasang ang pulitiikong balimbing at oportunista, mangingiba-baw ang pulitikang mag-tataguyod ng tunay na le-hislaturang maka-mamamayan.
“Pero hindi pa nata-tapos ang laban ng ma-mamayan. Madami pang puwedeng gawin ang mga nasa poder upang paikutan ang desisyon ng Korte,” pahayag ni Atty. Matula.
Matatandaang sinabi ng dating National Treasur-er Leonor Briones, lead convenor ng Social Watch Philippines na dapat na bantayan ang “Special Purpose Fund” na itinuturing na “mother fund” ng pork barrel.
Ayon kay Briones
tipon upang kondenahin ang pork barrel at pagmamatigas ni Pangulong Benigno Sime-on Aquino III na panatilihin ito sa sistema ng gobyerno. Sunod-sunod na mga kilos ng mamamayan ang naganap matapos ito.
Naging sentro muli ng iskan-dalo ang pork barrel matapos na mabunyag ang may si-nasabing P20B PDAF na napunta sa mga bogus na proyekto ng pekeng mga NGO ni Janet Lim Napoles.
Sa pagkakabasura ng 2013 PDAF at sa pagtatakda ng Korte Suprema ng mga pa-nuntunan sa magkahiwalay na papel na dapat gampanan ng ehekutibo at lehislatibo, inaasahang mababawasan ang katiwaliang bunga ng sabwatan ng mga pulitiko. Maiiwasan ang patuloy na patronahe sa kung sino ang may hawak ng kaban ng bayan.
Napakarami nang mga pagkakataong pinaghihi-nalaan ang paggamit ng pork barrel upang maimpluwen-syahan ng ehekutibo ang lehislatibo. Sa impeachment trial ng dating Chief Justice Renato Corona, napabalitang
“New wind of change…”
Maiksi ngunit matalinhagang komento ng Pangulo ng Feder-ation of Free Workers (FFW) na si Atty Jose Sonny G. Matula.
Ganito niya binigyang ka-hulugan ang naging desisyon ng 14 na mahistrado ng Korte Suprema nang ideklarang labag sa Konstitusyon ang pork barrel system at ilang kapangyarihan ng Pangulo ng Pilipinas na may patungkol sa paggamit ng Malampaya Funds at Presiden-tial Social Funds.
“The Court renders this Deci-sion to rectify an error which has persisted in the chronicles of our history,” ayon sa konklusyon ng GR 208566 En Banc ng Korte Suprema.
Ipinagbubunyi ng FFW ang desisyon ng Korte Suprema sa pagdedeklara na labag sa batas ang PDAF at ang Sistema ng Pork Barrel. “Malaking papel ang mga nagging pagkilos ng mamamayan na nagsimula sa 1M March sa Luneta,” dagdag ni Atty. Matula.
Ang 1M March ay naganap noong Agosto 26, 2013 sa Luneta ay nabuo sa pag-iimbita ng mga netizens na magtipon-
SC: PDAF Labag sa Konstitusyon
umaabot sa halagang P310 bilyon ang kabuuan ng special purpose fund kung saan nakapaloob ang pork bar-rel. Kung ibabawas umano ang P25-bilyon pondo para sa PDAF, lalabas na may natitira pang P285-bilyon sa special purpose fund. Ang pondong ito ay lump-sum na kontrolado ng ehekutibo at inilalabas lamang kapag may pag-apruba ng Pangulo ng bansa. Wala itong detalye kung paano at saan ga-gastusin. Ang special purpose fund ay kinabibilangan ng budg-etary support sa mga state-owned corporations, alo-kasyon para sa mga lokal na pamahalaan, calamity fund, contingent fund, De-pEd school building pro-gram, E-government fund; International Commitments Fund, miscellaneous per-sonnel benefits fund, pen-sion and gratuity fund at feasibility studies fund. Sa pagtatapos, iginiit ni Atty. Matula na “Dapat patuloy tayong maging mapagmatyag. Patuloy tayong mag-organisa upang maging malakas na boses hindi lamang ng mga manggagawa kundi ng buong sambayanang Pilipino.”
=============================== *Ito ay pagsasalin sa salitang mas madaling maintindihan ng mga kara-niwang tao at para lamang sa layong mas maintindihan ang isyu at walang intensyong baguhin ang tema o esen-sya ng Desisyon o gamitin bilang bata-yang legal o teknikal sa anumang venue o forum. ===============================
Ang desisyon ng Supreme Court En Banc ay napapaloob sa 72 pahina na nilagdaan ng 14 na mahistrado. Binibigyang pansin ang mga su-musunod na punto ng nasabing Desisyon batay sa Paglalagom ng Korte Suprema:
Ipinahayag ng Korte Suprema na ang Desisyon ay ginawa upang itama ang isang mali na matagal nang umiiral sa aklat ng ating kasaysayan;
Idinedeklarang labag sa Konsti-tusyon ang Pork Barrel System:
Dahil nabigyan nito ng ka-pangyarihan ang mga mamba-batas upang maging bahagi ng pagpapatupad ng badyet mat-apos na ito ay maipasa ng Kongreso, bilang paglabag sa prinsipyo ng pagkakahiwalay ng kapangyarihan ng mga sangay ng pamahalaaan;
Page 6 Tomo XV Blg. I
Highlights ng Desisyon ng Korte Suprema ukol sa PDAF,
Malampaya Fund at Presidential Social Fund*
Nagbigay sa mga mam-babatas ng power of appropriation sa pama-magitan ng discretionary funds para sa mga proyektong sila mismo ang nagtukoy, ay hindi umaayon sa prinsipyong nagbabawal sa paglilipat obligasyon ng ka-pangyarihang lehislatibo;
Nagpalawig ito ng siste-ma sa pagbabadyet na hindi naiprepresenta ang detalye ng mga gastusin, at dahil dito, napapahina ang kapangyarihan ng Pangulo na i-veto ang mga partikular na budg-et items;
Nababahiran din nito ang prinsipyo ng Public Accountability;
Nalalagpasan din ang autonomiyang lokal sa pagbibigay karapatan sa mga mambabatas na nasyunal na opisyal na makialam sa mga gawaing lokal;
Dahil binigyang ka-pangyarihan ang Pangu-lo na gamitin ang pondo (Malampaya Fund) sa mga bagay na walang kinalalaman sa enerhiya o dahil sa napakalawak na posibleng interpre-tasyon ng “priority infra-structure development projects;” Bilang pagtalima sa batas, hindi na dapat gamitin ang anumang sistema sa pamamahala,
sa anumang pangalan o katawagan, na itinuturing na labag sa batas ayon sa Desisyon na ito;
DAHIL DITO, idinedeklarang
labag sa Konstitusyon (a)
ang buong 2013 PDAF Arti-
cle; (b) ang lahat ng
probisyon ng mga nakaraan
at kasalukuyang mga batas
ukol sa Congressional Pork
Barrel na nagbibigay ka-
pangyarihan sa mga mam-
babatas—bilang indibidwal
or kolektibo bilang lupon—
na makialam, akuin o
makibahagi sa anumang
pagpapatupad ng badyet
matapos na ito ay maipasa;
(c) ang lahat ng probisyon
sa mga nakaraan o kasalu-
kuyang Congressional Pork
Barrel Laws na nagbibigay
sa mga mambabatas ng
personal, lump-sum alloca-
tions sa mga proyektong
sila mismo ang tumukoy;
(d) ang lahat ng mga katu-
lad na gawain na itinutur-
Federation of Free Workers (FFW)
ing ng Korte na pang-
aabuso sa diskresyon; (e)
ang mga pariralang ( 1)
"at iba pang paglalaan na
maaaring iatas ng Pangu-
lo" sa ilalim ng Seksyon 8
ng Presidential Decree
No. 910 at (2) "pondohan
ang mga priority infra-
structure development
projects" sa ilalim ng
Seksyon 12 ng Presiden-
tial Decree No. 1869, na
inamyendahan ng Presi-
dential Decree No. 1993
Iniaatas ang pag-iimbestiga at pagsasam-pa ng kaso laban sa sinumang kawani ng pamahalaan o pribadong indibidwal na maaaring may pagla-bag kriminal sa hindi tama at labag sa batas na pagpapalabas o pag-gamit ng pondo sa ila-lim ng Pork Barrel Sys-tem.
Federation of Free Workers (FFW)
Page 7
OFWs, simbahan at sim-pleng mga tao ay boluntar-yong nag-aambagan ng anumang kanilang maitutulong para sa muling pagbangon ng mga biktima ng Yolanda.
Ang United Nations at maraming mga bansa tulad ng Estados Unidos, UK, Israel, Myanmar, Australia, Belgium, Canada, The Netherlands, Espana, Swe-den, Hapon at iba pa ay nagpadala ng kanilang tulong—pinansyal, pagkain, mga eksperto maging mga sundalong humanitarian.
Mga Unyonistang Biktima ni Yolanda
Sa inisyal na pagtataya, may 250 FFW union mem-bers mula Universal Robina sa Passi, Iloilo, Capiz Em-manuel Hospital in Roxas City and Amigo Hotel sa Iloilo City ang nawalan ng tahanan at mga ari-arian sa
D umating sa bansa ang super bagyong Yolanda
(may internasyunal na pan-galang Haiyan), isa sa pin-akamalakas na bagyo sa kasaysayan.
Sinalanta nito ang Kabisa-yaan at halos burahin sa mapa ng Pilipinas ang mga bayan sa Leyte kasama na ang Tacloban City. Hinagupit din ang Eastern Samar, Capiz at nagtamo ng pinsala ang Iloilo.
Hindi natapos ang epekto ng bagyo sa paglabas nito sa bansa. Maliban sa mga ba-hay at istrukturang nawasak, mga kabuhayang kasabay inanod ng dagat, mga ari-ariang itinapon ng malakas na hangin, sinalanta din ng bagyo ang diwa at kalooban ng mga mamamayan.
Sa gitna ng matinding kagu-tuman, umaalingasaw ang amoy ng bangkay ng kanil-ang mga mahal sa buhay. Tumindi ang kawalan ng pag-asa nang sa loob ng ilang araw ay tila walang tutulong sa kanila. Walang tahanang uuwian. Walang hanapbuhay na babalikan. Walang pagkain. Walang komunikasyon sa loob at labas ng mga probinsyang nasalanta.Marami din sa kanilang mga kaanak ang sa isang iglap ay nawala sa kanilang piling.
Lumipas ang mga araw, kasabay ng munting pagsilip ng araw, unti-unting nagli-wanag ang kalangitan. Ang kawalang pag-asa ay pilit pinapalitan ng saya at pag-udyok mula sa mga kaba-bayan at ng buong mundo para sa muling pagbangon.
Isang grupo ng mga pedicab drivers sa Tondo ang nag-ambagan, 5,000 sundalo ng 4th Infantry Division ang nagdonate ng kanilang isang araw na pangkain, mga artista, atleta, mga
bagyong Yolanda. May 220 kasapi pa ng The Redsys-tem Company Inc. Employ-ees Association (TRCIEA-FFW) at hindi matukoy na dami ng mga kasapi na nasa gitna ng mga lugar na lubos na nasalanta.
“Nakikidalamhati kami sa pamilya ni G. Oscar Em-barnace, dating union pres-ident ng FFW Chapter sa Container Haulers, na na-matay sa Tacloban,” paha-yag ni Atty. Sonny Matula, Pangulo ng FFW. Dagdag pa niya, ang pag-aalala ng Federation sa patuloy na nawawalang kasapi ng Hi-Eisai Union.
Pakikiisa ng mga Mga Unyon sa Buong Mundo
Kaisa ng FFW sa pag-tulong sa mga biktima ng Yolanda ang mga pandaig-digang kilusang mangga-gawa.
Page 8
Bayani at Bayanihan ng Yolanda
Sa isang pahayag, sinabi ni Sharan Burrow, secretary general ng International Trade Union Confederation (ITUC) na ang mga iba’t ibang mga Trade Unions sa buong mundo ay nanana-wagan sa kanilang mga kasa-pi na makapagbigay ng maraming tulong para sa relief efforts sa nasalanta ng bagyo sa Pilipinas. Nana-wagan din ng tulong ang Building and Woodworkers International (BWI), Public Services International (PSI) at iba pang global union federa-tions.
Kapareho din ang naging apela ng ITUC-Asia Pacific na nakabase sa Singapore sa pamamagitan ni Noriyuki Su-zuki, secretary general. Agad nagpadala ng tulong ang Unyon ng Bansang Hapon, JTUC-Rengo ng may halagang katumbas USD 5,000.00.
Nakiisa din ang mga un-yonista sa Canada sa pama-magitan ng kanilang Steel-workers Humanity Fund at nakapag-ambag ng may halagang USD 30,000 para sa relief efforts. Paliwanag ni Ken Neumann, National Di-rector ng Canada United Steelworkers., ang kanilang kontribusyon ay ipapadala sa Oxfam Canada at tatapatan ng gobyerno ng Canada ang kanilang kontribusyon hang-gang 9 December 2013.
Kabayanihan ng mga Pili-pinong Manggagawa
Ang mga unyong kasapi ng FFW ay nagpahayag ng ka-nilang pagsuporta sa relief operations ng Federation. Pinakiusapan ng Temic Auto-motive Philippines Inc. Em-ployees Union-FFW, Johnson and Johnson Specialists Council for Employees Affairs-FFW, FFW-Hi Eisai Phar-maceutical Philippines Chap-ter, Country Bankers Employ-ees Union-FFW, BPI Family
Federation of Free Workers (FFW)
TULONG PANDAIGDIGAN. Ang buong mundo ay tumulong sa mga
nasalanta ng super bagyong Yolanda.
SINALANTA. Maliban sa buhay, inalisan din ng malinis na tubig at
pagkain ang Leyte at ibang nasalanta ni Yolanda.
Bank Employees Union-FFW at TRCIEA-FFW ang kani-kanilang mga kumpanya na ilaan na lamang ang badyet na dapat sana ay gagastusin sa kanilang Christmas Par-ty para maitulong sa mga biktima ng super bagyo.
Sa BPI Family bank, nangakong tatapatan ng management ang kontri-busyon ng mga manggaga-wa samantalang ang Macajalar Labor Union ay naglaan ng P10,000 mula sa kanilang union fund. Ang mga unyon sa Caga-yan De Oro ay hindi nagda-lawang isip na magpadala ng tulong sa diwa ng kapa-tiran at bilang pagtanaw ng utang na loob dahil sila din ay natulungan ng mga un-yonista nang hagupitin ng bagyong Pablo noong nakaraang taon.
FFW Visayas Relief Opera-tions
Maliban sa pagkalap ng mga donasyon at relief opera-tions na isina-gawa sa FFW National Head-quarters, masigasig din itong ginawa ng mga kasaping
union sa Visayas at Main-danao.
Sa pangunguna ni FFW VP for Visayas Amalia Cam-pos, nakapamahagi ang FFW ng relief goods sa mga kasapi ng unyong nasalanta ng nakaraang bagyo sa Capiz at Iloilo.
Yolanda Run: Buhay at Bahay Itindig Muli!
Nakitakbo ang FFW sa ginanap na Yolanda Run: Buhay at Bahay itindig Mu-li! kampanya ng National Anti-Poverty Commission (NAPC), Philippine Center of Investigative Journalism (PCIJ), Alliance of Seven at Habitat for Humanity na may layong makalikom ng pondo upang makapagtayo ng mga disaster-resilient na tahanan sa Tacloban City.
Suporta ng ILO
Nagbigay-pugay ang FFW sa International Labor Organization (ILO) sa pagbubuo nito ng multimillion dollar “cash-for-work” and emergency em-ployment program para sa tinatayang tatlong milyong manggagawang Pili-pinong naapektuhan ng super bagyong Super Typhoon Yolanda.
Pinaliwanag ni ILO Director General Guy Ryder na ang programa ay bahagi ng $301-million relief appeal na inilunsad ng United Na-tions upang matulungang bumangon ang mga komunidad at kabuhayan sa mga lugar na sinira ng Yolanda.
“Ang programa ay magbib-igay trabaho at kasanayan sa pagtatayo ng pansamantalang mga tira-han, magbibigay social protection sa mga empleyado, katulad ng minimum na pasahod at health and accident insur-ance,” dagdag ni Ryder. Ang FFW ay bahagi ng UN Early Recovery at Liveli-hood Clusters.
Atty. Matula: Huwag Pag-samantalahan ang mga Manggagawa
Sa gitna ng mga planong rehabilitasyon sa mga lugar na naapektuhan ng Super-bagyong Yolanda, binalaan ni Atty. Matula ang go-byerno na “Huwag pansamantalahan ang mga Manggagawa.”
Ang kanyang pahayag ay bunsod ng ulat na posi-bleng mabayaran lamang ng 75 porsyento ng mini-mum wage sa rehiyon ang mga manggagawa sa Cash-for-Work Scheme ng Na-tional Economic Develop-ment Authority (NEDA).
Paliwanag ni Atty. Matula ito ay illegal at muli na na-mang bibiktima sa mga manggagawang nasalanta na nga ng bagyo maaabuso pa ng gobyerno.
Iginigiit ng FFW na mas kailangan ngayong ipatu-pad ang umiiral na mini-mum na pasahod para sa mga manggagawa sa re-hiyon.
Page 9 Tomo XV Blg. I
YOLANDA RUN. Nakiisa ang FFW sa benefit
fun run para sa mga biktima ng super bagyo.
KAPATIRAN AT DAMAYAN.
Dumagsa sa mga apektadong lugar
ang tulong mula sa FFW at mga ka-
patid na unyon sa ibang bansa
Page 10
Karapatan sa edukasyon at
komunikasyon sa labas ng lugar paggawa.
Responsibilidad din naman ng
kasambahay na wag isiwalat o ipamahagi ang anumang komu-nikasyon o impormasyon tungkol sa kanyang employer.
Nagtatakda ang batas ng ilang mga kongkretong probisyon upang se-guruhin ang pagtupad sa layunin ng batas:
Pangangailangang may kontrata
sa pagitan ng employer at kasambahay. Dapat na nakasaad sa kontrata ang:
i) tukoy na mga gawain at re-sponsibilidad,
ii) tagal ng empleyo,
iii) sahod at benepisyo,
iv) mga pinapayagang kaltas,
v) oras ng trabaho at dagdag na bayad sa oras na higit dito,
vi) araw ng pahinga at pinapa-yagang bakasyon,
vii) Board, Lodging at Medikasyon,
viii) kasunduan sa gastos sa de-ployment,
ix) kasunduan sa pagpapautang x) paghinto ng empleyo, at xi) iba pang kasunduan na
naaayon sa batas
Tinutukoy din ng batas ang konkretong mga patakaran at kon-disyon sa paggawa. Ilan dito ang mga sumusunod:
Kabuuang oras ng pahinga na walong oras kada araw;
Federation of Free Workers (FFW)
M atatas ang de-batehan. Isang lalaking tila dilaw ang
pagkaputi at isang Indian ang nakatayo at nakikipag-diskusyon sa Pilipinang Kalihim ng Paggawa.
Sa mahabang diskusyon ng Committee on Decent Work for Domestic Workers ng International Labor Con-ference sa Geneva naipasa ang Convention.
Tatlong taon na itong isinusulong ng gobyerno ng Pilipinas sa tulong ng De-cent Work for Domestic Worker Technical Working Group (DomWork TWG). Kabilang dito ang Federa-tion of Free Workers (FFW) at ibang unyon, ang Kaga-waran ng Paggawa, NGOs at Migrant Groups maging ang employers. Pinamunu-an ng Kagawaran ng Pag-gawa ang dalawang taong talakayan ng Komite sa ILO sa Geneva.
Ang ILO CONVENTION 189 (ILC 189) ay kumikilala sa kontribusyon ng mga Domestic Workers sa ekonomiya ng mga bansa. Layon nitong tugunan ang diskriminasyon at di-makataong pagtrato sa mga kasambahay sa buong mundo.
Pinagtibay ng ika-100 ILO Conference ang ILO Con-vention No. 189 noong June 16, 2011 at ni-ratipikaihan ng Pilipinas sa pamamagitan ng Pangu-long Benigno Simeon Aqui-no III. Ang nasabing trata-do ay inayunan ng Senado na may botong dalawampu (20) mula sa lahat ng Se-nador na dumalo sa ses-sion noong 06 Agosto 2012.
“Sa mahabang panahon, hindi magawang makalaya ng mga kasambahay sa kadena ng pang-aalipin at kalagayang busabos na siyang kalimitang sitwasy-on ng kanilang pagtatra-baho. Na ang pagtatrabaho bilang kasambahay ay nakaugat sa di-makataong gawain mula pa noong unang panahon,” paliwa-nag ni Atty. Jose Sonny Matula, Pangulo ng FFW.
Paliwanag ni Atty. Matula na sa pagsusulong ng ILO C. 189, kinikilala ang kahal-agahang matiyak ang ma-rangal na trabaho at pag-sasabuhay ng karapatang pangmanggagawa para sa mga kasambahay.
Hindi pa dito natatapos ang tagumpay ng adhikain ng FFW at iba pang mga Un-yon, NGO at Kagawaran ng Paggawa para sa
Kasambahay.
Matapos ang mahigit 18 taong isinusulong ang mga pagbabagong gagarantiya sa karapatan at kapakanan ng mga kasambahay, ipi-nasa ng Kongreso at pinirmahan bilang batas ang Republic Act 10361, “An Act Instituting Policies for the Protection and Wel-fare of Domestic Workers, otherwise known as “Domestic Workers Act” or “Batas Kasambahay” noong Enero 18, 2013.
Ang ilang mga importan-teng probisyon ng “Batas Kasambahay” ay ang mga sumusunod:
Pagbabawal sa anumang
uri ng pang-aabuso, pananakit o harassment, o anumang gawain na makakapagpababa sa dignidad ng kasambahay;
Seguruhing makakain
ang kasambahay ng hindi bababa sa tatlong beses sa isang araw, may maayos na tulugan at may sapat na pahinga at tulong medikal sa panahon ng pagkakasa-kit.
Gingarantiyahan ang
karapatan sa privacy ng kasambahay.
Pangarap na Nakamit, Tagumpay ng Kasambahay
Si FFW President Atty. Matula sa IRR Consultation para sa Kasambahay Law
UNYON PARA SA KASAMABAHAY. Matapos ang 18 taon, naisabatas na sa wakas ang Batas Kasamba-hay sa pagtutulungan ng mga unyon, mga kasamabahay at ibang sektor.
Tomo XV Blg. I
M araming tila pare-parehong kuwento ng buhay ng ating mga
kapwa manggagawang kasambahay.
Si Nanay Libay
Si Nanay Libay kung tawagin ng kapwa niya mga Pilipino ay may walong taon nang nagtatrabaho bilang domestic worker. Mula Hongkong, nalipat siya sa Qatar. “Masuwerte ako dahil mababait na amo ang napapagtrabahuhan ko,” sabi ni Nanay Libay. “Marami na ang aking nakilala na hindi kasing-palad ko, may binubugbog ng amo, may hindi pinapasahod ng tama, kinukuha pass-port at iyong isang balita ko nawala na lang baka pinatay na.”
Ikinuwento niya na noong una, ginusto talaga niyang makapagtrabaho sa abroad sa hirap ng buhay. Gusto niyang bigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang mga anak na ang panganay niyang babae noo’y walong taong gu-lang pa lamang nang una siyang umalis. Ang pangalawang lalaki ay anim na taon.
Namamasada lamang ng pedicab ang kanyang asawa at hindi sapat para ipangkain sa maghapon ang kinikita.
“Hindi ako nagsisisi dahil madami ding kabutihang naidulot sa pamilya ko. Na-gawa kong tustusan ang kanilang mga
KWENTONG KASAMBAHAY, ISYUNG MANGGAGAWA
Page 11
panga-ngailangan, pero malaking lungkot ang dulot din nito,” dagdag pa niya.
May asawa na ngayon ang kanyang panganay. Sa edad na 15 ay nabuntis ng kanyang boyfriend at nag-sama na bago pa man ma-katapos ng high school.
Si Dave, ang bunso ay kasa-ma ng kanyang ama, “sumakabilang bahay na!” biro pa niya.
Sa edad na 38, halos solong katawan na si Nanay. “Ibinubuhos ko na lang ang aking atensyon at pagmama-hal sa mga alaga ko. Bagay na di ko nagawa sa aking sariling mga anak.” kanyang pagtatapos.
Si Ate Kolai
Makikita ang munting mga kulubot sa noo at nangigitim ang ilalim ng mga mata. Pilit ang kanyang mga ngiti at kitang kita ang paltos na mga kamay at lapnos sa kanyang hita.
24 oras na rest day;
Ang pagpapatrabaho sa komer-syal, agrikultural at ibang gawain ay dapat bayaran ng umiiral na minimum wage sa industriya o gawaing iyon;
Ang Minimum na Pasahod kada buwan sa mga kasambahay ay ang mga sumusunod:
i. P2,500 para sa NCR
ii. P2,000 para sa chartered cities at first class munipalities
iii. P1,500 sa ibang pang munisipyo
Limang (5) araw na service incen-
tive leave matapos ang isang taon na pag-empleyo;
Itinatakda ding maging kasapi ng
SSS, Philhealth at Pag-ibig ang mga kasambahay.
At iba pang probisyon
ukol sa pagkakautang at sa pagbabawal na pagkaltas sa sahod.
Nakaatang sa Department of Labor and Employment ang pagpapatupad ng batas na ito. Samantala, patuloy na magiging katuwang ang DomWork TWG at mga kahlintulad na pormasyon nito sa mga probinsya sa pagtitiyak na maipapatupad ang Kasambahay Law at maglilikha ng kaukulang programa na magtataguyod nito. Ang ILO C.189 ay isang positibong hakbang upang bigyang proteksyon ang ating mga domestic workers lalong lalo na ang ating mga kababayang nagtatrabaho
sa ibang bansa.
Sa ngayon, 15 bansa na ang nagratipika ng ILO C. 189. Bilang pagtugon sa patuloy na hamon sa Pilipinas na maging pangunahing tagapag-sulong ng karapatan ng mga kasambahay sa Asya, nakipag-ugnayan ang FFW sa Migrant Forum in Asia (MFA)upang ikampanya ang ILO C. 189 sa rehiyon. Sa taong ito ay uma-rangkada na ang kam-panya ng MFA at FFW sa Sri Lanka, Nepal at Bangladesh. Magkatu-wang sa DomWork TWG, magkasamang hinihikayat ng MFA at
FFW ang mga kilusan para sa karapatan at kagalingan ng domestic workers na magtatag din ng DomWork TWG sa kani-kanilang bansa upang magamit ang bisa ng tripartismo sa pag-susulong ng adhikain. Samantala, sa tulong ng ILO ay magtatatag ang FFW at ibang mga unyong kabilang sa Dom-Work TWG ng isang “Trade Union Domestic Workers Cen-ter” na magiging pangunahing tagadaloy ng serbisyo para sa mga kasambahay. Ang Dom-Work Center ang inaasahang magbibigay daan sa pag-organisa ng mas maraming domestic workers at pagbubuo ng isang pambansang pede-rasyon ng mga kasambahay.
Aakalain mong trenta anyos na ang diseotsong dalaga.
“14 pa lang po ako nang una akong kinuha ng ma-layong kamag-anak ng aking ama. Tutulungan daw ako at pag-aaralin. Siyam kaming magkakapatid kaya hindi daw niya kami kayang tustusan lahat, ang paliwanag ng aking ama”, pagkukuwento ni Ate Kolai.
Pero naging malupit daw sa kanya ang tiya-tiyahin. Ipinakita niya ang pilat sa kanyang braso, hugis bang-ka. Minsan daw na magalit sa kaniya habang siya ay namamalantsa, inagaw ng tiyahin ang plantsa at ipi-naso sa braso niya.
“Sa loob ng dalawang taon, halos gabi-gabing puyat pero maaga ang gising. Kahit anong oras ikaý ka-katukin sa kuwarto o ta-tawagin ano man ang gina-gawa.”
Maliban pa sa trabaho sa
bahay, pinapatrabaho pa siya sa tindahan ng damit na negosyo ng kanyang amo.
“Minsang tumakas ako, hinuli ako ng mga pulis dahil inakusahan niya akong nagnakaw. Binantaan niya ako na sa susunod na tumakas, ipakukulong na daw ako.” dagdag ni Ate Kolai.
Nang tanungin kung bakit napa-kaaga niya nakapag-asawa, sagot niya, “Tumakas ako kasama ng manliligaw ko. Tinulungan niya akong makalayo upang hindi matunton ng aking tiya-tiyahin. Hanggang sa magsama na kami.”
Kasambahay pa rin si Ate Kolai hanggang sa ngayon. Nagpalipat-lipat na siya ng amo. Sa bawat pamilyang kanyang pinagsisilbihan, may kuwento sa likod ng bawat isang kulubot sa noo, lapnos sa katawan o sugat sa braso.
Sa pagpapatupad ng ILO Conven-tion 189 para sa mga kasambahay, malaki ang pag-asa nina Nanay Libay, Ate Kolai at iba pang nama-masukan sa bahay na tratratuhin na sila nang mas makatao at bilang manggagawang may karapatan.
Page 12 Federation of Free Workers (FFW)
FFW Patuloy ang Serbisyong Manggagawa
M asayang mga ngiti at
mahigpit na
pagpapalitan ng mga kamay,
ito na marahil ang pi-
nakamagandang tagpuin
matapos ang ilang araw,
linggo o buwan ng matinding
balitaktakan at kumbinsihan
sa harap ng CBA negotiating
table sa pagitan ng Unyon at
Management.
“Hindi nasusukat ang kagan-
dahan ng CBA sa tagal ng
negosasyon o kapal ng
booklet nito,” paliwanag ni
FFW Vice President Rod
Catindig.
Aniya malaking bahagi sa
tagumpay ng negosasyon
ang klase ng relasyon na
umiiral sa pagitan ng unyon
at management. Hindi rin
maisasantabi ang kahala-
gahan ng sapat na pa-
ghahanda hindi lamang sa
pagbuo ng proposal kundi
pati na sa mga justifications
at datos na susuporta dito.
Binibigyang diin din ang
kahandaan ng Unyon bilang
organisasyon at pagkakaisa
ng mga kasapi nito na su-
portahan at pagtiwalaan
ang kanyang negotiating
panel.
Nagbabagong Panahon
Marami sa kasalukuyang
mga negosasyon ay pala-
gian tumitingin sa
madaming factors na
maaaring makaapekto sa
collective bargaining. Dati-
rati, sapat nang tingnan ang
financial statement ng
kumpanya mula sa SEC
upang sukatin ang kaka-
yahan ng kumpanya na
ibigay ang kahilingan ng
mga manggagawa. Sa
ngayon sinusuportahan
na ito ng pagbasa sa
sitwasyon at trends sa
industriya sa bansa at sa
global na lebel. Mabilis
ang mga pagbabago at
kung hindi mo bibigyang
pansin ang nangyayari
sa industriya, maaaaring
hindi matamo ang ganap
na makatarungang CBA.
Nagbabago din ang
istruktura ng pagdedesisy-
on hindi lamang sa bahagi
ng kumpanya kundi mag-
ing sa hanay ng mga Un-
yon. Marami na ngayon
ang mga inisyatiba at
kampanya ng mga unyon
sa buong mundo ang nag-
sasama-sama bilang
pagpapakita ng solidarity
sa kanilang kapwa mang-
gagawa. Ang strike
halimbawa ng isang global
food company sa Egypt,
Tunisia at Pakistan ay si-
nusuportahan ng mga
manggagawa ng ka-
parehong kumpanya mula
sa US at iba pang mga
bansa.
Humihina ang mga Un-
yon
Kung bilang ng mga kasa-
pi ng Unyon at sakop ng
collective bargaining
agreement sa Pilipinas
ang pagbabatayan,
maaaring umuunti nga ito.
Ngunit kung lakas at ka-
pangyarihan ng hanay ng
mga manggagawa ang
magiging sukatan, paggi-
giit ni G. Catindig, “Lalong
lumalakas. Sa istruktura
pa lamang ng pag-uunyon
na sumasakop na hindi
lamang sa mga pormal na
manggagawa sa
kumpanya kundi maging
sa mga impormal na pag-
gawa, pati na ang mga
kontraktwal, kaswal at
agency workers, lalong
lumalaki at dumadami ang
kasapi ng mga unyon.”
Maaaring sukatan din ng
lakas at impluwensya ng
mga unyon ang lumalawak
na suporta at pagkakaisa
ng mga manggagawa sa
pamamagitan ng pinag-
isang global union at ang
pagbubuo ng mga secre-
tariats ayon sa mga indus-
triya.
AKSYON NEGOSASYON. Ikinagalak ng BPI Family Bank Employees Union - FFW ang kanilang "makasaysayang" CBA negotiation na maagang matapos sa diwa ng kooperasyon.
MANGGAGAWA LABAN SA CHILD LABOR. Sabay na pinag-aralan ng bagong organisadong TRCIEA-FFW ang unyonismo at ang adhikain para wakasan ang child labor.
Tomo XV Blg. I Page 13
Sa ganitong batayan,
hindi humuhina bagkus
ay mas lumalakas ang
kakayahan ng mga Un-
yon na magsulong ng
mga pagbabago hindi
lamang sa loob ng mga
kumpanya, sa komuni-
dad o sa bansa, kundi
sa buong mundo.
Collective Bargaining
Sa paggabay at suporta
ng mga opisyales at
staff ng FFW, patuloy
ang CBA Negotiations
sa pagitan ng unyon at
management sa Penta-
gon Gas, TRCIEA, Zoe-
tis Manufacturing Ser-
vices at Interphil Labora-
tories Employees Union
— FFW.
Isinasapinal na ang mga
napagkasunduan sa
Toyo Ink Phils., at ka-
katapos lamang ng por-
mal na negosasyon para
sa mga manggagawa ng
BPI Family Bank.
Ilan lamang ito sa mga
unyong sineserbisyuhan
ng FFW mula noong Ok-
tubre ng kasalukuyang
taon.
Pag-oorganisa
Malinaw ang hamon sa
mga manggagawa—mag
-organisa!
Ang kalakasan ng pag-
uunyon at ang
pagpapanatili ng boses
nito para sa pagbabago
ay nakasalalay sa nagka-
kaisang hanay.
Isa sa pinakabagong inis-
yatibang pag-
oorganisang ginagawa sa
ngayon ng FFW ay ang
pagsasampa ng Petition
for Certification Election
(PCE) para sa mga
manggagawa ng Holcim
Philippines, isa sa pi-
nakamalalaking kumpanya ng
semento sa buong mundo.
Patuloy na Pag-aaral
ITUC-AP REGIONAL CON-
FERENCE ON PRECARIOUS
WORK
Nakilahok ang Federation of
Free Workers (FFW) sa ITUC-
AP Regional Conference on
Precarious Work nang
nakaraang 25-26 Oktubre
2013 sa Ortigas, Pasig City.
Kasama ang ibang affiliates ng
International Trade Union Con-
federation - Asia-Pacific (ITUC
-AP), pinag-usapan ang
umiiral na sitwasyon ng labor
market sa buong Asia-Pacific
Region. Nagkaroon din ng
palitan ng impormasyon ukol
sa kampanya laban sa walang
katiyakang uri ng trabaho.
Nagpahayag ng pagkabahala
ang mga participants ng
kumperensya sa dumadaming
sitwasyon ng hindi tradisyunal
na pagtatrabaho sa mundo.
Ayon sa survey ng ITUC/
ITUC-AP, ang mga mang-
gagawang nasa ganitong
sitwasyon ng pagtatrabaho
ay nahaharap sa di maay-
os na working conditions
kumpara sa mga regular
na manggagawa, partiku-
lar patungkol sa sahod,
oras ng trabaho, holiday at
iba pang mga benepisyo
tulad ng pensyon, disabil-
ity allowance at unemploy-
ment benefits.
Nagkakaroon din ng
pagbabago sa mga batas
ng mga bansa na nagbib-
igay kakayahan sa mga
employer na magsagawa
ng mas flexible na uri ng
pagtatrabaho.
Sa pagtatapos, na-pagkasunduan ng 23 dele-gado mula sa 15 bansa na pag-ibayuhin ang pag-aaral sa mga batas at polisiya ukol sa walang katiyakang uri ng trabaho at isulong ang patuloy na
NAGKAISA! Bahagi ng pagsisikap na pagkaisahin ang kilusang paggawa sa Pilipinas.
BATANG MALAYA. Ang mga mag-aaral ng St. Scholastica's College na naging on-the-job trainees ng FFW noong nakaraang Mayo ay naglun-sad ng "Stop and Shoot against Child Labor Photo Competition" sa kanilang unibersidad matapos isapuso ang adbokasiya ng FFW.
ng bawat unyon sa ilalim ng Pederasyon.
Preparasyon din ang pag-tatapos ng batayang kur-so upang mas mapalawak ang kaalaman at kakaya-han sa iba’t iba pang mas abanteng gawain ng Un-yon tulad ng collective bargaining, labor educa-tion at labor disputes set-tlement.
Sa tulong ng Department of Labor and Employment, sa pamamagitang ng kanyang WODP Training Grants, nakapagsagawa ang FFW ng Trainor’s Training sa Calamba, La-guna; Special Course in Collective Bargaining and Interest-Based Negotia-tion sa Baguio City; at Workshop on Labor Dis-pute Settlement in Tagay-tay City.
Sa kasalukuyan may 109 local officers mula sa 50 local chapter unions ang nakinabang na sa mga training programs na ito.
Noong nakaraang taon, sa tulong pa rin ng DOLE, nakapagpatupad ang FFW ng Special Course on Trade Union Financial Administration na ginanap sa Baguio City at Trade
Union Leadership Skills Development sa Tagay-tay City.
104 na lider-unyon mula sa 34 local chapter un-ions ang nakibahagi sa mga training na ito.
ADBOKASIYA
Paglaban sa Kon-traktuwalisasyon at
Pagsusulong ng Dag-dag na Sahod.
ACT2WIN. Isa sa mga alyansang pangunahing kinabibilangan ng FFW. Napapanahon ang pana-wagan ng alyansa sapagkat partikular ni-tong tinututukan ang paglaban sa kontraktu-walisasyon at pag-susulong ng dagdag na sahod para sa mangga-
gawa.
Action Against Contractualiza-tion and Towards Significant Wage Increase Now! (Act2Win).
Ang mga pagkilos ng alyansa na binubuo ng iba’t ibang mga Pederasyon ay naaayon sa panindigan ng FFW para sa disenteng trabaho at sa pagkamit ng nakabubuhay na sahod.
Sa magkasunod na pagkilos noong Oktubre 1 para igiit ang disenteng sahod sa Regional Tripartite Wage and Productiv-ity Board at noong Oktubre 7 sa Mendiola bilang pagdiri-wang ng World Day for Decent Work, iginigiit ng FFW at ng Act2Win ang karapatan ng mga manggagawa para sa Disenteng Trabaho at Pasahod.
Page 14 Federation of Free Workers (FFW)
pagprotekta sa trabaho, paggawa ng pangmata-galang hanapbuhay at itaguyod ang disenteng trabaho para sa lahat. Ipinanukala ding pala-kasin ang pag-oorganisa ng mga manggagawa kasama na ang mga impormal o di-tradisyunal na sektor at magsulong ng kam-panya para sa proteksy-on ng karapatan ng mga manggagawang nasa-sadlak ng kahirapan, kawalang-proteksyon at kawalang-kaseguruhan.
TULOY-TULOY NA AGOS
Hindi man ito tubig, pero tuloy-tuloy ang agos ng karunungan sa hanay ng FFW.
Ang programang AGOS o Aralin at Gabay para sa mga Obrero tuwing Sabado ay tuloy-tuloy na isinasagawa sa pangunguna ni Bro. Dan Laserna AVP for Educa-tion and Training.
Naglalayon ang pro-grama na bigyang bata-yang kaalaman ang mga kasaping manggagawa
Ilan sa mga nagsipagtapos ng batayang kurso sa AGOS
Oktubre 7: World Day for Decent Work
Wakasan ang Child Labor
Sa kabila ng mga tagumpay na isulong ang pagpapasa ng mga batas na magbabawal sa pag-empleyo o pagpapatrabaho ng mga batang manggagawa, nananatiling matingkad na suliranin ito ng lipunan at kilusang Un-yon.
Kasama ang Internation-al Labour Organization, Department of Labor and Employment, ilang mga Diplomat, kasama ang mga sikat na man-lalaro ng football na sina James at Phil Young-husband, nakiisa ang FFW sa Lakas-Sipa Batang Manggagawa Football Clinic at pag-
lulunsad ng Red Card To Child Labor.
Ang Lakas-Sipa ay isang football clinic kasama ang mga batang dating biktima ng child labor na ginanap noong September 17 sa Em-perador Football Stadi-um, Taguig City.
Layon ng nasabing clinic na maenganyo ang mga bata sa football bilang bahagi ng malawakang kampanya upang wakasan ang child labor sa bansa.
Ang FFW ay nagpatu-pad ng isang programa upang palakasin ang mga programa ng unyon hinggil sa child labor. Ang FFW sa pamamagi-tan ni Asst. Vice Presi-
dent Julius Cainglet ang tumatayong tagapangulo ng Knowledge Mana-gaement Sub-Committee ng National Child Labor Committee. Ang naturang komite angnangangasiwa sa website at information portal ng Child Labor Knowledge Sharing Sys-tem (CLKSS). Maaari itong bisitahin sa www.clkss.org.ph Pagsusulong ng Social Dialogue Upang mas mapalawig ang diyalogo sa pagitan ng hanay ng mga mang-gagawa at ng grupo ng management, naging bahagi ang FFW ng ilang mga kumperensya at mga pagpupulong:
Conference on Industry Roadmaps na nagla-layong tukuyin at pag-usapan ang sitwasyon at patunguhan ng mga in-dustriya sa bansa.
Social Dialogue on the Plastic Industry
9th National Convention on Labor Management Cooperation kung saan binigyang diin ang kahalagahan ng kooper-asyon lagpas sa layon ng katahimikang pang-industriya patungo sa mas produktibo, mas ligtas at malusog na pa-gawaan.
ASEAN Trade Union Council Meeting/ Indus-triall Social Dialogue at iba pang mga gawaing nagpapalakas ng pagka-kaisa ng mga unyon sa bansa at sa buong mun-do.
Page 15 Tomo XV Blg. I
Workshops and Technical Writeshops on Updating the List of Hazardous Work for Children. Sa pandaigdigang larangan, nakibahagi rin ang FFW sa 2nd UN High Level Dialgoue (UN HLD) on Migration and Development at mga kaugnay na konsultasyon nito sa rehiyon ng Asya.
Nakibahagi rin ito sa ILO Tripartite Technical Meeting on Labor Mi-gration, na nagsilbing follow up sa UN HLD, maging sa ASEAN Re-gional Qualification Framework. Kabilang din ang FFW sa mga pulong ng bagong tatag na Trade Union Development Cooperation Network.
Palagiang pakikiisa sa mga gawain, programa at proyekto ng iba’t ibang kasapi ng FFW sa buong Pilipinas.
LAKAS-SIPA. Ang FFW kasama ang National Child Labor Com-mittee, mga diplomats at corporate sponsors ay nakiisa sa Lakas Sipa para sa Batang Manggawa at paglulunsad ng Red Card to Child Labor.
KOOPERASYON. Ang FFW President sa ika-9 Kumbensyon ng Labor-Management Cooperation
BOOTERS. Pinagitnaan ng Younghusbands
ang young lawyer-lider ng FFW.
SOCIAL DIALOGUE. Ang FFW President at President Emeritus sa ATUC Meeting na ginanap sa Ortigas Center noong Nobyembre 2013.
Ang Free Workers ay ang opisyal na pahayagan ng Federation of Free Workers (FFW), kasapi ng Inter-national Trade Union Confederation (ITUC) at ilang global union federations. Anumang komento o liham para sa editor ay maaring ipadala sa:
Patnugot, Free Workers, FFW Bldg. 1943 Taft Avenue Malate 1004
Manila, Philippines. Telepono: (63 2) 521.9435/ 64.
Telefax: (63 2) 400.6656.
email: [email protected] website: www.ffw.org.ph
PATNUGUTAN:
Julius H. Cainglet Punong Patnugot, Manunulat
Atty. Jose Sonny G. Matula
FFW President, Manunulat
Danilo A. Laserna
Darius M. Guerrero Manunulat
Juliet P. Palabon
Tagapamahala ng Sirkulasyon
Maaaring sumipi nang buo o ng ilang bahagi sa mga artikulo sa pahayagang ito sa kondisyong bibigyan ng pagkilala ang Free Workers o ang mga sumulat nito sa anumang pagsasaliksik o paglilim-bag na hindi binabaluktot ang pahayag o paninindi-gan ng Free Workers o ng FFW.
President Emeritus and International Secretary
- Atty. Allan S. Montano
Chairperson Emeritus - Dolores B. Tan
National President - Atty. Jose Sonny G. Matula
National Vice President - Rodrigo M. Catindig
National Treasurer - Jose D. Cayobit
Vice President - Luzon - Alfredo “Bowie” Maranan
Dep. VP for Luzon - Jeselinda Parra
Vice President – Visayas - Amalia Campos
Dep. VP for Visayas - Wilma Gerson
VP for Mindanao - Aida Brillante
Dep. VP for Mindanao - Elizabeth Navarroza
Arquipo Cababaros, Jr.
Board at Large - Oliver Mondigo
Jun Ramirez
Arlene Golloso
Adeline Colarina
Noemi Alcantara
Trade Federation Representatives
TF I Chairperson - Rico Angulo
Deputy Chairperson - Ric Sanchez
TF II Chairperson - Reneboy Luterte
Deputy Chairperson - Rommel Santos
TF III Chairperson - Rolando Marcelo
Deputy Chairperson - Rundsted Pelayo
TF IV Chairperson - Alvin Gonzales
Deputy Chairperson - Joel Balaus
TF V Chairperson - Tranquilino Bunaladi
Deputy Chairperson - Clemente Fortaleza
TF VI Chairperson - Ana Marie Sy
Deputy Chairperson - Donaldo Devilla
TF VII Chairperson - Eric Pingol
Deputy Chairperson - Santos Gudao
TF VIII Chairperson - Jomel General
Deputy Chairperson - Lucy Santos
FFW Women’s Network National President
- Ma. Sonia Balgos
FFW Women’s Network National Vice President
- Francia Maravilla
Vice President for External - Isidro Antonio Asper
Asst. VP for Research, Com-
munication, Networking and
Project Development
- Julius Cainglet
Asst. VP for Education and
Training
- Danilo Laserna
Asst. VP for Legal Affairs - Ronnie Nismal