Banghay sa A.P. III

5
Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan III (Kasaysayan ng Daigdig) I. Mga Layunin: Maiintindihan ang mga salita sa talasaysayan na matatagpuan sa aralin. Mabibigyang-hinuha ang mga tinalakay na paliwanag sa pagkakalikha ng mundo. Matutukoy ang mahahalagang impormasyong nakapaloob sa aralin. Makapagpapakita ng pagpapahalaga sa aralin sa pamamagitan ng aktibong pakikipagtalastasan. II. Paksang Aralin Aralin 1: Mga Paliwanag sa Pagkakalikha ng Mundo Kagamitan: Mga larawan, Kartolina Sanggunian: Pagtanaw at Pag-unawa: Daigdig III, Augusto V. de Viana, Dexter John V. Ramos pp. 8-11 III. Pamaraan A. Pagganyak a. Hayaang magbigay ng opinyon ang mga mag-aaral kung paano nabuo ang ‘mundo’. b. Ipakita ang larawan ng planeta natin. c. Ipakita ang pagkakaiba ng laki ng planeta natin sa ibang planeta at bituin. d. Ipaalam na kung ang Pilipinas may kasaysayan kahit maliit na bansa mas lalo na ang buong mundo at ang kalawakan kung saan ito’y napapaloob. B. Talasalitaan: Basahin sa mga mag-aaral ang ibig sabihin ng mga salita sa talasaysayan at ipasagot ang salitang naayon dito sa pamamagitan ng ‘puzzle’ na kahalintulad ng ‘hangman’ o ‘hangaroo’. a. galaxy – kalipunan ng malaking pagkakapangkat ng mga bituin, alikabok (dust) at hangin (gas) 1

description

See https://www.youtube.com/watch?v=b4cEyCaldH4 for the comparison of the planet sizes

Transcript of Banghay sa A.P. III

Page 1: Banghay sa A.P. III

Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan III (Kasaysayan ng Daigdig)

I. Mga Layunin:

Maiintindihan ang mga salita sa talasaysayan na matatagpuan sa aralin. Mabibigyang-hinuha ang mga tinalakay na paliwanag sa pagkakalikha ng mundo. Matutukoy ang mahahalagang impormasyong nakapaloob sa aralin. Makapagpapakita ng pagpapahalaga sa aralin sa pamamagitan ng aktibong pakikipagtalastasan.

II. Paksang Aralin

Aralin 1: Mga Paliwanag sa Pagkakalikha ng Mundo

Kagamitan: Mga larawan, Kartolina Sanggunian: Pagtanaw at Pag-unawa: Daigdig III, Augusto V. de Viana, Dexter John V. Ramos

pp. 8-11

III. Pamaraan

A. Pagganyak

a. Hayaang magbigay ng opinyon ang mga mag-aaral kung paano nabuo ang ‘mundo’. b. Ipakita ang larawan ng planeta natin.c. Ipakita ang pagkakaiba ng laki ng planeta natin sa ibang planeta at bituin.d. Ipaalam na kung ang Pilipinas may kasaysayan kahit maliit na bansa mas lalo na ang buong mundo at ang kalawakan kung saan ito’y napapaloob.

B. Talasalitaan: Basahin sa mga mag-aaral ang ibig sabihin ng mga salita sa talasaysayan at ipasagot ang salitang naayon dito sa pamamagitan ng ‘puzzle’ na kahalintulad ng ‘hangman’ o ‘hangaroo’.

a. galaxy – kalipunan ng malaking pagkakapangkat ng mga bituin, alikabok (dust) at hangin (gas)b. hypothesis – haka-haka; isang pagpapalagay sa isang isinagawang pag-aaralc. nebulae – malawak na ulap ng alikabok sa kalawakand. planetary system – pagkakapangkat at galaw ng mga planeta sa kalawakane. Torah – isang ‘scroll’ kung saan nakasulat ang unang limang aklat ng banal na kasulatan ng mga Hudyo (Jew)f. Upanishads – banal na kasulatan ng mga Hindu

C. PaglalahadIpaalam sa mga mag-aaral na ang aralin ngayon at tungkol sa mga paliwanag ng pagkakalikha ng mundo.

1

Page 2: Banghay sa A.P. III

D. Pagtalakay sa paksa(Talakayin ang mga 3 pangkat ng paliwanag ng pagkakalikha ng mundo.)

Maalamat na paliwanag – mga paliwanag ng mga sinaunang tao sa pagkakalikha ng mundo sa pamamagitan ng mitolohiya.

Halimbawa:1. Mayan (Central America) – Tepeu and Gucumatz Myth kinikilalang

tagapaglikha. Sila ang mga kaunaunahang nabuhay sa mundo noong pawang katahimikan at kadiliman pa lamang ang namamayani. Ayon sa kwento napagpasyahan nilang lumikha ng mga tao na sasamba sa kanila upang panatihin ang kanilang kagalingan. Inuna nila ang pag-utos ng pag atras ng tubig upang magkaroon ng lupa mula sa lupang ito ay hinulma nila ang mga unang tao.

2. Scandinavia (Norsemen) – Norse MythBatay sa kanilang oral tradition ang makapangyarihan nilang diyos na si

Odin ang pumatay sa higanteng si Ymir. Ang bungo ni Ymir ay ginawang langit ang kanyang katawan ay ginamit na lupa at kanyang dugo ay naging karagatan.

Panrelihiyong pananaw – ito ay kilala rin sa tawag na Creationism Theory kung saan nakabatay sa relihiyong pinaniniwalaan ng mga pangkat ng tao ang pinagmulan ng mundo.

Halimbawa:1. Kristiyanismo – mula sa aklat ng Genesis na matatagpuan sa

Lumang Tipan ng Bibliya. Unang Araw – Nilikha ng Diyos ang liwanag Ikalawang Araw – Nilikha ang langitIkatlong Araw – Pinaghiwalay Niya ang karagatan sa lupa at pinagsibol ang lahat

ng uri ng halamanIka-apat na Araw – Ang araw, buwan, at bituinIkalimang araw – Ang mga hayop na lumilipad sa himpapawid at lumalangoy sa

karagatan ang pinagala ng Diyos sa sanlibutanIka-anim na Araw – Mga hayop sa lupa naman at ang tao ang kanyang huling likhaIkapitong Araw – Nagpahinga ang Diyos

2. Islam - si Allah ang siyang lumikha sa mundo iniangat nya ang langit ng walang anumang haligi at inutusan ang

araw at buwan na magbigay liwanag sa panahong kanyang itinakda. Iniutos din nya ang pagkakalikha ng lupain at kaburulan at doon ay nagpakalat ng lahat ng uri ng hayop makalipas nito ay nilikha nya ang tao mula sa putik.

2

Page 3: Banghay sa A.P. III

3. Hinduismo - paniniwalang nasasaad sa Upanishads na ang mundo ay nabuo mula sa kawalan hanggang mabuo sa

anyo ng isang itlog (cosmic egg) Makalipas ang isang taon ito’y nahati sa dalawang bahagi. Ang kalahati na pilak ay naging mundo at ang kabiyak nito ay naging langit.

Siyentipikong Teorya – mga teoryang nabuo ayon sa pag-aaral ng mga siyentipiko tungkol sa pagkakalikha ng kalawakan.

Inflation Theory – (Big Bang Theory) ipinanukala ni George Gamow na sa simula ang kalawakan ay binubuo lamang ng protons, neutrons at electrons sa karagatan ng radiation. Dulot ng napakainit at siksikang kalagayan, bigla itong sumabog may 10 hanggang 15 bilyong taon na ang nakararaan mula ng ito’y sumabog patuloy na lumawak at lumamig ang kalawakan kasabay ng pagkakalikha ng mga galaxy at planetary system.

Encounter Hypothesis – ayon dito, may isang bituin na dumaan malapit sa araw may 5 bilyong taon na ang nakararaan sa paghahatakan ng gravitational force ng bituin at ng araw may maiinit na hangin at alikabok ang nahiwalay mula sa mga ito na syang nagbigay daan sa pagkakabuo ng mga planeta.

Nebular Hypothesis – (Emmanuel Swedenborg, Immanuel Kant and Pierre-Simon Laplace) ayon dito, nabuo ang solar system mga 4.6 bilyong taon na nakararaan mula sa umiikot na ulap ng alikabok. Sa paglipas ng panahon pabilis ng pabilis ang pag ikot nito na syang nagbigay daan sa pagkakabuo ng araw at ng mga planeta.

Protoplanet Hypothesis – ayon dito ang milky way galaxy ay puno ng malawak na ulap ng hydrogen at alikabok. Ang mga alikabok ang naging daan upang bumigay ang ulap at umikot ito. Ang masiksik na gas sa gitna na higit na mabilis umikot ay naging araw. Samantalang mas matagal na nabuo ang mga mabagal at di kasing init na outer region n naging mga planeta.

E. Paglalahat3 paliwanag ng pagkakalikha ng mundo.

1. Maalamat na PaliwanagMayan Scandinavian

2. Panrelihiyong PananawKristiyanoIslamHinduismo

3

Page 4: Banghay sa A.P. III

3. Siyentipikong TeoryaInflation TheoryEncounter HypothesisNebular HypothesisProtoplanet Hypothesis

F. Paglalapat Hayaang sagutin ng mga mag-aaaral ang sumusunod na tanong sa pamamagitan ng

pakikipagtalastasan.1. Anu-ano ang mga pangkat ng tatlong paliwanag ng pagkakalikha ng mundo?2. Magbigay ng isang halimbawa sa bawat pangkat at ipaliwanag ito.

IV. Pagtataya Ipaliwanag sa iyong sariling salita ang mga sumusunod. Isulat sa isang pirasong papel

ang iyong mga sagot:

1. Protoplanet Hypothesis. (5pts)

2. Nebular Hypothesis. (5pts)

3. Encounter Hypothesis. (5pts)

4. Inflation Theory. (5pts)

V. Takdang aralin

Magsaliksik tungkol sa talambuhay ng isang siyentipiko na nagtangkang ipaliwanag ang pagkakalikha ng mundo. Iulat sa klase ang kanyang talambuhay.

4