Balagtasan Etc

34
Pasyon PASYONG MAHAL NI SAN JOSE Matay na niyang isipin ang kabuntisan ng Birhen anopa’t babaling-baling walang matutuhang gawin, ang loob niya’t panimdim. —PASYON Pait, katam at martilyo, ibubulong ko sa inyo ang masaklap kong sikreto: hindi ko pa inaano ay buntis na ang nobya ko. Ang sabi ng anghel, wala akong dapat ikahiya, walang dahilang lumuha; dapat pa nga raw matuwa pagkat Diyos ang gumahasa. Martilyo, katam at pait, makukuha bang magalit ng karpintero? Magtiis. Ang mahina at maliit, wala raw laban sa langit. --Jose F. Lacaba

description

Hahaha nice

Transcript of Balagtasan Etc

Pasyon

PASYONG MAHAL NI SAN JOSE

Matay na niyang isipinang kabuntisan ng Birhenanopa’t babaling-baling

walang matutuhang gawin,ang loob niya’t panimdim.

—PASYON

Pait, katam at martilyo,ibubulong ko sa inyo

ang masaklap kong sikreto:hindi ko pa inaano

ay buntis na ang nobya ko.

Ang sabi ng anghel, walaakong dapat ikahiya,

walang dahilang lumuha;dapat pa nga raw matuwa

pagkat Diyos ang gumahasa.

Martilyo, katam at pait,makukuha bang magalitng karpintero? Magtiis.Ang mahina at maliit,

wala raw laban sa langit.

--Jose F. Lacaba

Buksan ang aming puso;

Turuan Mong mag-alab.

Sa bawat pagkukuro,

Lahat ay makayakap.

Buksan ang aming isip;

Sikatan ng liwanag

Nang kusang matangkilik,

Tungkuling nabanaag.

Buksan ang aming palad;

Sarili’y maialay.

Tulungan Mong ihanap

Kami ng bagong malay.

Rolando S. Tinio, musika ni Eduardo P. Hontiveros, SJ

Saknong 14 – Hinggil sa pagtanghal kay Kristo bilang sosyalista:

Manibat king pungul ya paMibait at meragul ya

Anga iniang camate na,Iting guinu mekilala

Talaga yang socialista.(Mula nang sanggol pa

Pinanganak at lumaki siyaHanggang sa mamatay na

Panginoo’y nakilalaTunay siyang sosyalista.)

Saknong 243 – Hinggil sa tunggalian ng uri at rebolusyon:

Ngening ilang panibatanNing danup ampon caguluan

Calulu mipacde tanganIsaldac la ring mayamanItang talan cayupapan.

(Kung sila ang pinagbuhatanNg kagutuman at kaguluhan

Gumising tayo mahihirap,Ibagsak ang mayayaman

Hawakan natin ang kapangyarihan.)

Saknong 514 – Kung saan napunta ang bunga ng paggawa:

Sasabian ding socialistaIng angang bunga ning obra

King capital metipun na,Gabun, cabiayan, at cualtaKimcam ding capitalista.

(Sinasabi ng mga sosyalistaLahat ng bunga ng paggawa

Naipon na sa kapital,Lupa, kabuhayan at pera

Kinamkam ng mga kapitalista.)

Saknong 534 – Hinggil sa kabulukan ng sistema ng lipunan:

Uling ing kecong sistemaSistema capitalista

Pete yu ing democraciaIng malda mecalinguan yaMi-favor la ring macualta.(Dahil ang inyong sistema

Sistemang kapitalistaPinatay n’yo ang demokrasya

Kinalimutan ang madlaPumabor sa makwarta.)

Saknong 791 – Panawagan sa manggagawa bilang uri:

Ibangan taya ing uriSicmal da ding masalapiA ligmuc da king pusaliAlang-alang caring biniCaring anac tang tutuki.(Ibangon natin ang uri

Na sinakmal ng mga masalapiAt inilugmok sa pusali

Alang-alang sa mga binhiSa mga anak nating darating.)

BALAGTASAN

DAPAT BA O HINDI DAPAT ISABAY ANG PANLILIGAW SA PAG-AARAL?

Mula sa panulat ni:RAFAEL A. PULMANO

LAKANDIWA

Isang mapagpalang araw ang malugod na handog koSa lahat ng Pilipinong nagkalat sa buong mundoMayrong isang email message na natanggap ang lingkod nyoApurahang naghahanap ng sagot sa tanong na 'to:

DAPAT BA O HINDI DAPAT PAGSABAYIN ANG DALAWA:ANG MAG-ARAL AT MANLIGAW? Dapat o Hindi Dapat ba?Sa nais na makisali, ang tanghalan ay bukas naIpahayag ang katwiran nang marinig ng balana.

DAPAT

Ako'y isang mag-aaral na nasa hustong gulang naMay isip na tumutuklas at may pusong sumisintaPag-aaral, panliligaw, magsabay man di problemaKaya dapat ang syang panig na handa kong ibandera.

HINDI DAPAT

Bilang ama ng tahanan, kung ako ang tatanunginPag-aaral ang sya munang nararapat atupaginSaka na ang panliligaw, hindi dapat pagsabayinAng panig na igigiit sakali at palahukin.

LAKANDIWATuloy, kayo'y magsituloy upang ating

umpisahanAng tagisan ng talino sa larangan ng katwiranAng panig ng DAPAT muna una nating pakikingganSalubungin nating lahat ng masiglang palakpakan!

DAPAT (Unang Tindig)

Nang ang tao sa daigdig ay nilikha ng MaykapalMagkasamang nilangkapan ng damdamin at isipanKung di dapat pagsabayin ang mag-aral at manligawSana'y isip na lang muna ang sa tao'y ibinigay.

Sa tahanan una munang namumulat sa pag-ibigAng sanggol na laging kupkop ng ina sa kanyang dibdibBago pa man makagapang, magsalita, magkaisipDama na ang pagmamahal ng magulang at kapatid.

Sa eskwela hinuhubog, pinapanday ang isipanMay subject na Health at P.E. para naman sa katawanMayroon ding Social Studies at iba pang pagsasanayUpang maging mamamayang responsable sa lipunan.

Kumpleto ang kurikulum upang tayo'y makumpletoSa paglago ng isipan, katawan at pagkataoKapag ang crush, o puppy love, o ang pana ni kupidoAy dumating, bahagi yan ng dapat na ikatuto.

Kaya kung ang estudyante ay pumorma at manligawWalang dapat ipagtaka pagkat ito ay normal langAng binatang umiibig, ang dalagang minamahalGanado at inspirado sa kanilang pag-aaral.

LAKANDIWA

Napakinggan nating lahat ang katwirang pumapanigNa DAPAT daw pagsabayin, pag-aaral at pag-ibigSunod nating tatawagin upang dito'y humagupitHINDI DAPAT, salubungin ng palakpak na mainit!

HINDI DAPAT (Unang Tindig)

Sinasabing mas madali sa tao ang maging henyoMatapos na magkamali at magbunga ng di gustoSa pangaral ng magulang na noon ay sinuway koMapait na kapalaran ang inaning pagkabigo.

Pagtuntong sa kolehiyo, sa kaklase'y nahalinaMas maraming oras kaming ginugol na magkasamaSa halip na makatapos ay maagang nag-asawaKaya high school diploma lang ang pwede kong iparanya.

Ngayon hirap na maghanap ng trabahong papasukanHirap akong matutustusan ang gastusin sa tahananKung sana ay inuna ko sa halip na panliligawAy nag-aral nang mabuti, mas malapit ang tagumpay.

Kabataang mag-aaral, isipin ang kasabihanHindi pwedeng magkasabay na sambahi't paglingkuranAng dalawang panginoon: ang puso at ang isipanMabuti pang pag-aaral na muna ang katutukan.

Ganito ang natutuhan sa minsang pagkakamaliNgunit kayong di pa huli, wag sayangin ang sandaliPag-aaral ay tapusin, panliligaw ay madaliLalo't ikaw'y tagumpay na't limpak-limpak ang salapi.

LAKANDIWA

Nakatapos ang unang round nitong ating balagtasanNa kapuwa nakatindig ang dalawang naglalabanHahayaan ko na silang magpambuno't magkagatanKababayan, isa pa ngang masigabong palakpakan!

DAPAT (Ikalawang Tindig)

Sa katalong nagkamali ng landas sa murang edadNanligaw at nag-asawa at maagang nagkaanakAt ngayon ay nangangaral upang kami'y di matuladAng tangi kong masasabi ay marami pong salamat.

Mag-aral at mag-asawa, mabigat ngang pagsabayinNgunit tila lumilihis yata kami sa usapinKaya upang di malito, akin munang lilinawinPanliligaw at di kasal ang paksa ng away namin.

Pag-aaral, panliligaw, kahit ito'y magkasabayDi masama hangga't kaming kabataang nagmamahalAy marunong na magdala, responsable, may paggalangMay ambisyong makatapos, at may basbas ng magulang.

Pag-aaral, panliligaw, kapag sabay na nagtagpoMaski harangan ng tabak ay tiyak na mabibigoHigpitan man ng magulang at bantaan ng paghintoTatakas at magtatanan, magkikita nang patago.

HINDI DAPAT (Ikalawang Tindig)

Salamat din sa katalong niliwanag itong paksaPanliligaw nga't di kasal ang usapin mula't mulaAko lang ay nag-apura, prusisyong kayhaba-habaSa simbahan din ang tuloy, inunahan ko nang kusa.

Alalaon baga, kapag sinabay sa pag-aaralIyang gawang panliligaw, ang tuloy din ay sa altarKaya upang makaiwas sa di-planong kalagayan,Pag-aaral muna sana ang unahin, bago ligaw.

Totoo ngang inspirasyon ang katipang iniibigNgunit ito'y totoo rin: pag sya'y laging nasa isipAt sa kampus ng eskwela hanggang labas ay kadikitMga leksyon at assignments ang tuluyang nawawaglit.

Ang magulang na kawawa at subsob sa hanapbuhayNangungutang ng pang-tuition, pambaon sa araw-arawUmaasang anak nila ay gagradweyt balang arawIyun pala'y winawaldas ang oras sa panliligaw.

DAPAT (Ikatlong Tindig)

Ang hirap sa gumagawa ng mali at nagsisisiGinagawang pamantayan ang nangyari sa sariliGayong noong kabataan siya mismo ay rebeldeAt hindi nya alintana ang magulang na nagsabi.

Mangyari nga'y noon, ngayon, at hanggang sa hinaharap,Hindi pwedeng magkabula ang sinulat ni BalagtasPag pumasok daw sa puso ng sinuman ang pagliyagMasunod lang ay sukdulang hahamakin lahat-lahat.

Sa halip na kabataang mag-aaral ay pigilinSa pagligaw na lalo lang sasadlak sa panggigigilBakit hindi na lang sila pabayaang balansehinAng kaway ng karunungan at ang tibok ng damdamin?HINDI DAPAT (Ikatlong Tindig)

Ang sariling karanasan ay akin at akin lamangAt di layong ipanggiit na sukatan ng sinumanBinabanggit ko lang rito sa pag-asang kapulutanNg aral at halimbawa ng musmos pang

kabataan.

Pagmasdan mo ang paligid, talamak ang kahirapanKaraniwang ugat nito'y kawalan ng hanapbuhayAng totoo ay marami ang trabahong naghihintayNgunit ito'y nakalaan sa may college diploma lang.

Di hadlang ang kahirapan kung hangad ay edukasyonDi sagabal ang itsura o ang utak na mapurolSubalit ang panliligaw na kapatid ng bulakbolMaternity sa halip na college degree ang katugon!

DAPAT

Panliligaw samantalang nag-aaral ay magandaKapwa namin natitimbang ugali ng isa't isaKung kami ay maka-gradweyt, magtrabaho, mag-asawaSa pagharap sa dambana, walang puwang ang pangamba.

Ang manligaw samantalang nag-aaral ay tama langPagkat minsan lamang kami dadaan sa kabataanAanhin ang kayamanan sa oras ng katandaanKung kulubot na ang mukha't walang gustong magpaligaw?

HINDI DAPAT

Maganda nga kung gagradweyt muna bago mag-asawaNgunit ating nababatid na di ganyan ang resultaMaraming di makahintay sa pagmartsa nang may togaDahil labis na nabuyo, sa damdamin nagpadala.

Ang ganito'y maaaring iwasan kung panliligawAy di muna isasabay samantalang nag-aaralPrayoridad ang syang susi sa pangarap na tagumpayTagumpay na ihahandog sa katipang naghihintay.

DAPAT

Katipan ay nakahandang maghintay sa pagtataposNgunit iyang panliligaw ay di dapat ginagaposWalang taong nag-aaral na ang puso'y di tumibokHindi pwedeng paghintayin ang pag-ibig pag kumatok.

HINDI DAPAT

Ang mag-aral at manligaw kung parehong pagsabayinMahahati ang atensyon dahil kapwa agaw-pansinKung mabigo sa pag-ibig, baka ikaw pa'y maglasingMauuwi lang sa wala ang pangarap at mithiin.

DAPAT

Mas mabuti ang umibig at mabigo kahit minsanKaysa hindi nakaranas na umibig kahit kaylan!

HINDI DAPAT

Ang lahat ay may panahong kanya-kanyang nakalaanPanahon sa pag-aaral, panahon sa panliligaw!

APAT

Ang mahuli sa pantalan, ang daratna'y baling sagwan!HINDI DAPAT

Ang lumakad nang matulin, malalim kung masugatan!DAPAT

Dapat silang magkasabay!

HINDI DAPAT

Dapat silang ipagbawal!

LAKANDIWA

Tumigil na kayong dal'wang umuusok na ang tuktokSumapit na ang sandali upang tayo'y magkataposIgagawad ko ang hatol, ngunit bayang nanonood,Palakpakan muna natin ang makatang nagpanuntok!

Sino'ng dapat na tanghaling kampeon nitong balagtasan?Walang dudang kapwa sila magagaling mangatwiranKaya itong aking pasya: Sila'y patas, tabla lamangMuli nating paulanan, malutong na palakpakan!

SIPAG O TALINO

NI: JOBIE ANNE FRANCISCO

Lakandiwa: Alin ang mabisang puhunan ng

tao? Sa pagpapaunlad ng bayan? 

Sipag: sipag 

Talino: talino 

Lakandiwa:

Ako nga palang lakandiwang

nangbuhat pa sa Bulacan. Buong galang na

sa inyo'y bumabati't nagpupugay. Taglay ko

din ang pag-asang, naway maging

matagumpay. Patimpalak sa bigkasang,

kung tawagi'y balagtasan. Paksang aking

ilalatag, patiwari'y mahalaga. Pagkat

nasasangkot dito'y Bayan nating sinisinta.Sa

pag-unlad nitong bayan, puhuna'y ano baga,

Ang SIPAG ba o TALINO ,alin ang mas

mahalaga.? Kaya't inyong lakandiwa,ngayo'y

muling nag-aanyaya ng dalwang

mambibigkas ng mahusa'y at kilala. Ang

hiling ko'y , salubungin ng palakpak ang

dalawa. Panig nilang ihaharap ay suriin at

magpasya. 

Sipag:

Kapag baya'y umunlad. Ang papko'y

pinupukol. Sa gobyerno at mga tao, sama-

sama't tulong-tulong. Kung ang lahat ay

tinatamad, bayan nati'y ano ngaun? Wala na

ngang trabaho. Kabuhaya'y urong-sulong.

Kasipaga'y puhunan nating lahat sa gawain,

maliit man o malaki. Mahirap man ang

gampanin. Kung ang ating kasipagan,

itatabi't magmamaliw. Pilipinas year 2000, di

natin masalapi. 

Talino:

Akong aba'y inyong lingkod, isinilang

na mahirap, at ni walang kayamanan,

maaaring mailantad. Pamana ng magulang

ko, ay talinong hinahangad, pamanang

magtatanghal, puhunan sa pag-unlad. Sa

gobyerno at lipunan, mga tao'y may

puhunan na kanilang tataglayin, habang

sila'y nabubuha'y. Ang talino ang

nagbubuklod, sa pambansang kalayaan,

nagbibigkis sa damdamin, makayao't

makabayan. 

Lakandiwa:

Matapos maihayag ang panig ng

magtatalo, ngayo'y aming ihahanda sa

lawak ng pagtatalo. Bawat isa'y

magpapalaong sa impormasyon at sa mga

issue. Kaya't inyong timbangin upang inyong

mapagsino. 

Sipag:

tuwing mayroong magagalak na

halalan sa ating bayan, sinusuri mga

kandidata, may nagawang kabutihan, ang

anong natapos na kurso, ay di na inaalam.

Kakayahan nya't sipag, tangaing pinag-

uusapan, aanhin mo ang talino kung di

naman nagagamit, mga tao'y umaasa, lalo't

silay nagigipit. Matalinong naturingan,

tamad naman walang bait. Nawawalan ng

bansag, kaluluwa ang kapalit. 

Talino:

Nalimutan ng kantaro'y, mga

bayaning namatay, na nagtanggol sating

bayan , ng laya ay makamtan. Ngunit dahil

sa talino, taglay nila nung araw, ngayon

tayong lahat alipin pa ng dayuhan. Iba nga'y

naging presedente o kongresman. Lahat sila

ang talino ay di natin matawaran. Mga batas

na pinatupad sa ating bayan, pinuhunan ay

talino , kaya't sila'y naging gabay. 

Sipag:

Sa dami ng matalino, namumumuno

sa ating bansa, Ibat-ibang pagpapasya at

maging paniniwala. Utos dito utos doon,

sila'y di gumagawa, kaya't laging

nababalang kapakanan naming dukha.

Samantalang kung masipag itong mga

punong halal, sa problema at kalamidad,

sila'y laging naririyan, hindi na kailangang

tawagin sila kung saan, pagkat pagtulong

nila'y kambal ng kasipagan. 

Talino:

Tila yata nalimutan nitong aking

katunggali, sa pagtulong ay talino ang gamit

palagi, pag maroong kalamidad, manlloko'y

andiyan palagi, kay'yt anong mahalaga,

Talino'y ipagbunyi. Matataas na gusali,

Super market, pubric at mall, fly overs,sky

ways, at ibat-ibang kominikasyon. Lahat ng

yan ay nagawan, talino'y naging puhon,

kayat bayan ay umunlad, angt biyaya;y

tuloy-tuloy. 

Sipag: SIPAG ANG KAILANGAN !! 

Talino: TALINO ANG PUHUNAN !! 

Sipag: Matalino nga tamad naman! 

Talino: Ang taong tamad ginagamit ang

talino para sumipag. 

Sipag: sipag.! 

Talino: talino.! 

Lakandiwa:

Saglit munang pinipigil, inyo itong

lakandiwa. Pagtatalo nitong dalwa,

mahuhusay na makata, pagkat tila nag-iinit,

at di masawata. Lahat ng katwiran,

nakatatak sating diwa, ang talino ay wika,

kayamanang handog ng Dyos, lagi nating

nagagamit, sa mabubuting gawa't loob.

Kasipagan at talino, pasaning walang toos,

kaya't dapat ng magsanib, pag-isahing

lubos-lubos. Ang talino'y syang utak sa

balangkas na paggawa. Ang sipag namay

syang bisig sa planong binabadya. Kung ang

isa'y mawawala, walang silbing magagawa.

Kaya't kapwa mahalaga. PANALO SILANG

KAPWA!! 

TAHANAN VS. PAARALAN

Ni: ELVIE V. ESPIRITU

Saan higit na natututo ng disiplina ang bata:sa TAHANAN o sa PAARALAN?

LAKANDIWA (Pagbubukas)

Unang Lunes na tipanan kami'y di man nakaratingNgayon nama'y handa kaming magbayad ng tuwa't aliwKayo na po ang bahalang sa ami'y magpaumanhinHuli man daw at magaling ay maihahabol pa rin.

Sa di pa nakababatid, si Ralph Pulmano po iniSa balanang nakikinig, malugod na bumabatiMaganda po itong paksang tatadtarin ngayong gabiSa sangkalan ng katwiran ng makatang pogi't seksi

Kay Ginoong Max Santiago, salamat po nang maramiSa padala ninyong paksang ganito ang sinasabi:Sa tahanan o eskwela, saan nga ba mag-aaniNg higit na disiplina iyang batang lumalaki?

Alam ko pong kayo'y merong inyo-inyong kurukuroNgunit upang itong paksa'y lalo nating mapaghuloSalubungin na po natin ng palakpak na maguloAng dalawang magsasabong sa gitna ng entablado!

TAHANAN (Pagpapakilala)

Sa bayan po ng Santa Fe, probinsiyang Nueva ViscayaLahat ng makahidwa ko, sa rima ay puro tumbaHindi ako nagyayabang sa katuos kong makata

Umatras na kung kaylangan hangga't mayrong panahon pa.

Sa tahanan nag-uugat ang dakilang pagmamahalDisiplina'y nahihigit na dito'y natututunanMaliwanag ang panig kong sa paksa'y ipaglalabanElvie Espiritu po sa lahat ay nagpupugay.

PAARALAN

Kung ang laban po ay wrestling, ako'y dapat nang umatrasNgunit ito'y paligsahan ng may talino at utakTinatanggap ko ang hamon sa panig na ilalahadAng higit na disiplina sa paaralan nagbubuhat.

Tubong Concepcion, Tarlac po akong hamak na lingkod nyoNagpupugay sa balana nang taos sa aking pusoSa banta ng paraluman ako anya'y igugupoSagot ko'y subukan pamu ban kanita din mabalu.

LAKANDIWA

Subukan pamu ewan ko, ya'y di ko naintindihanKahit wala si Babalu, tuloy pa rin itong labanPara kayo'y di mainip, atin na pong umpisahanSi Elvie ang unang tindig, muli'y ating palakpakan.

TAHANAN (Unang Tindig)

Sinasabing ang tahanan ay ang pugad ng pamilyaAt sa pugad nagmumula ang sagradong pagsasamaPagsasamang naaangkop sa gampaning itinakdaItinakda ng Maykapal sa dalawang mag-asawa.

Gantimpala sa matimyas na pag-ibig ay ang anakAnak na siyang tungkuling imulat sa tamang landasLandas ay ang tamang asal, sandata sa isang bukas

Bukas na tanging magulang sa anak ay hinahangad.

Unang gurong kagigisnan ng anak ay ang magulangMagulang na walang sawang sa kanya ay aantabayAantabay sa lahat ng ikabubuti sa buhayNitong anak na nagmula sa dugo nila at laman.

Sa matuwid na salita sa tahana'y nahihigitDisiplina'y nakukuha ng anak ay nakakamitPagkat nandiyan sa tahanan ang higit na malasakitMalasakit ng magulang sa anak ay magtutuwid.

Tsaka ngayon ay may tutol gaya nitong kahidwaanPara bagang hindi siya sa kamusmusan nagdaanHindi ba ang disiplina sa anak ay halos alamBago pa ito pumasok sa alin mang paaralan?

LAKANDIWA

Yan si Elvie Espiritu, ang Reyna ng BalagtasanNgayon naman ay ang Hari ang sya nating pakikingganDi lang Hari sa pagbikas, Hari din ng kapogihanKaya lang po, Haring sunog — si Gonie po'y palakpakan!

PAARALAN (Unang Tindig)

Ang karunungan ay lunas sa sakit na kamangmanganAng talino ay hagdanan sa tugatog ng tagumpayDisiplina ay sandata sa tatahakin mong buhayPaarala'y institusyon sa ganiyang kaalaman.

Sa tahanan ay di sapat ang dapat na matutunanNg anak na hinuhutok sa disiplinang kailanganLalo't magulang ng bata kapwa mayrong hanapbuhayAng panahon ng pag-ugit sa anak ay sadyang kulang.

Sa tahana'y mawiwikang una yaong kaalamanPagkat dito'y ama't ina sa anak ang nangangaral

Halaga ng pagtuturo ng guro sa paaralanAy ginto rin pagkat ito ay propesyong sinumpaan.

Kung ang ina nitong bata'y tsismosa at bungangeraAt halimbawang ang ama ay batugan at pabayaSa tahanan bang nabanggit, anong uring disiplinaNg anak ay mapupulot, ng anak ay nakukuha.

Nagtatanong lang po ako, hindi ako nang-aasarIyan nama'y nagaganap sa iba pong pamamahayDi gaya sa paaralan, guro'y mahirap magkulangagka't iya'y katungkulan na kanilang gagampanan.

LAKANDIWA

Kung baga po sa sinaing ay malapit nang kumuloSa apoy ng pagtatalo itong paksang nilulutoAko muna ay tatabi upang ako'y di mapasoAt mamaya magbabalik kapag handa nang aghango.

TAHANAN (Ikalawang Tindig)

Tila ko ba napapansing kahidwa ko'y isang bulagBulag pagkat nalilihis sa tunay na nagaganapMali na isang bahagdan ng magulang ay nasulyapSiyam na pu't siyam na mabuti, itatangging agad-agad.

Mas maluwag ang panahon ng anak ay ilalagiSa tahanan na kapiling ang sa kanya'y nagtatangiMatuwid na bunga nito'y doon higit nangyayariAng aktwal na halimbawa sa disiplinang nasabi.

Ang silid ng paaralan ay silid ng karununganAt sa compound ng eskwela, pag-aaral, lipaw-lipawAng impluwensiya sa ibang kamag-aral ay di alamDi lahat ay nakikita ng guro ay matugaygay.

Hindi na dapat pagtakhan pagkat ito'y nagaganapAnak ay nababarkada sa kaeskwelang di tapatHindi tapat sa dahilang sa kanya ay magsasadlakSa ugaling di mainam, sa kabutiha'y baligtad.

PAARALAN (Ikalawang Tindig)

Sarili ko'y pinipilit sa dilag ay maniwalaNgunit loob ko ay tutol, tinuran nya'y hindi tamaPag sinabing mag-aaral, may takot nang bumabadhaNa labagin ang tuntuning umiiral sa eskwela.

Sabihin na nating higit ang panahon sa tahananNa ilalagi ng anak kaysa doon sa paaralanDiyan ka magtataka at sadya pang hahangaanAng disiplina ay higit sa eskwela nalalaman.

Banggitin din na malimit sa kapintasan ng bataNa siya'y mana sa ama, dili kaya ay sa inaIbig ko ditong tukuyin, ang anak ay mapanggayaMagulang kung matapobre, anak nila ay kaisa.

Unawain lang po ako, ito'y hindi pandudustaKapag galit ang magulang, sa anak ay nawiwikaNa kesyo ikaw ay ganyan, di nag-aral palibhasaSa ibig ko pong tukuyin ay kayo na ang magkusa.

TAHANAN (Ikatlong Tindig)

Ang diwa ng pagtatalo wari ko ba'y nilalaboNg kahidwang kutis-sanggol, yaong sanggol na ewan koSa sarili niyang tahanan, hindi ba niya napipihoKung anong uring paghutok sa anak ang inaako.

Mas maigi pa sa anak kung aktwal na makikitaYaong mga halimbawa sa magandang disiplinaSa tahanan ang magulang, sila'y mga halimbawaDoon naman sa paaralan, iyan ba ay magagawa?

Katulad ng pagsisilbi, paggalang, pagpipitaganSa magulang at kapatid at sa kapwa mo nilalangPagkilos at pangungusap, kaayusan ng katawan

Kalinisan ng ugali, pagpupuri sa Maykapal.

PAARALAN (Ikatlong Tindig)

Pakiusap sa kahidwang Amasona ng ViscayaWala sanang personalan, magbitiw man ng katagaBakit yaong kutis-sanggol wari ba niyang dinudusta?Ako nama'y di sinabing mistula siyang boksingera.

Nalimot na din po yata ng makatang kasalungatNa sa eskwela'y may subject na good manners and right conductPaaralan ay tahanan ang siyang nakakatuladGuro ang mga magulang, estudyante'y mga anak.

Kaibahang nahihigit na doon sa paaralanMga guro'y walang pagod ilingkod ang kakayahanHindi paris sa tahanan, ang magulang magkaminsanNawawalan ng panahong ang anak ay paglingkuran.

TAHANAN

Pati pala ang matuwid ng kalaban ay ulikbaDahil kaya siya'y bagabag ng maling paniniwalaMagulang ang hinahangad, ang anak ay mapagpalaDugo'y higit na matimbang, iyan ba'y maitatatwa?

Halaga ng disiplinang nababatid sa tahananAy hindi lamang magkano, hindi kayang matawaranPagkat dito'y obligasyon ang sabi mong katungkulanAt iyan namang katungkulan laan doon sa suwelduhan.

PAARALAN

Ang dilag ba'y nagtataka o siya ay nagtatanong?Akin na ring lilinawin nang hindi siya

nagmamaktolMga guro ay suwelduhan sa serbisyo ang katugonPagkat sila'y gumagaganap sa tinapos na propesyon.

Ako, ikaw, kahit sila, na may anak na iniwan,Ang obligasyong mangaral sa anak di maibigayDahil tayo'y nasa dayo, di kapiling sa tahananSa 'ting mga pagkukulang, nagpupuno'y paaralan.

TAHANAN

Kahit isa ang dumayo sa dalawang mag-asawaMayron pa ring magsisilbi sa tahana'y magpapalaKakayahan ng iniwang kapilas ba'y bale walaUpang anak ay hutukin sa nasabing disiplina?

PAARALAN

Di ko naman sinasabing sila'y walang kakayahanTinuran ko'y halimbawa na tayo ay kakulanganMay layunin kaya itong kahidwa kong paralumanNa kami ay pag-awayin ng reyna ko sa tahanan?

TAHANAN

Takusa man ang kalaban, wala akong pakialamMahalaga'y ang panig ko sa kanya'y nakakalamang.

PAARALAN

Sa boksing pag nang-aasar, kalaban ay mahina naGayon din sa balagtasan, wala din pong pinag-iba.

TAHANAN

Di masama ang mangarap kahit walang pagkatupad.

PAARALAN

Di na dapat pangarapin ang bagay na natitiyak.

TAHANAN

Bulastog na paniwala!

PAARALAN

Ayon lang yan sa akala!

LAKANDIWA

Akala ko'y biru-biro ang labanan ng dalawaKung nahuli pala ako'y baka merong nadisgrasyaMagkamayan muna kayo't ang hinaho'y ibalik naKababayang minamahal, palakpakan natin sila!

Si Elvie po ang may sabing sa bahay mas nakakamitNg bata ang disiplina, pagkat dahil sa pag-ibig,Ang magulang sa anak nya ay lubos ang malasakit,Laging handang umantabay at masuyong nagtutuwid.

Ani Gonie, disiplina'y bahagi ng kaalamanNa higit na nakukuha ng bata sa eskwelahanLalo anya kapag ama't ina'y kapwa nagkukulangGuro ang syang gumaganap sa tungkulin ng magulang.

Sang-ayon sa isang kwento, sa langit ay nakapilaDuktor, narses, inhinyero, arkitekto, at iba paSila noong nasa lupa ay mayroong disiplinaKaya sa kabilang buhay, nakamtan ang gantimpala.

Bawa't isa sa kanila ay mayroong sumalubongBuong tuwang nagsasabi kay San Pedro, “Anak ko 'yon!”Ngunit isa ang lumapit at sa kanya ay nagbulong,“Lahat sila nu'ng musmos pa, ako'ng guro nila noon!”

Disiplina'y sa tahanan unang dapat matutuhanDisiplina'y sa eskwela dapat bigyang-katatagan

Paaralan at tahanan ay pandayan nitong asalNagtutulong na ihanda ang bata sa wastong buhay.

Iyang murang kaisipan ng bata ay nahuhutokNang ayon sa nakikita't naririnig sa palibotSa tahanan at eskwela'y may mabuting napupulot,Masasamang impluwensya ay doon din sumusulpot.

Sa magulang po at guro, ito'y isang paalalaUpang bata ay matuto ng tunay na disiplina:Tayo mismong nangangaral ang dapat na magpakitaNg kanilang gagayahing mabubuting halimbawa.

Sa panig na pinagtanggol ng dalawang makata poPatas sila ng katwiran, parehas po na may puntoKaya naman ang hatol ko, sila'y tabla, kaya kayo,Palakpakan sanang muli si Elvira at Gorgonio!

MATALINO VS. MAYAMAN

Nina: JULIET ASENITA  RAFAEL A. PULMANO  DOMINGO TOLENTINO

LAKANDIWA (Pagbubukas)

Muli ang Balagtasan ay sumasahimpapawidKababayang minamahal, ilakas ang radyo't makinigDalawang magaling na makata, Balagtasa'y ihahatidMagandang gabi po muna sa lahat ang bati naming matamis.

Kami po'y muling maghahandog sa inyo ng kasiyahanUpang ang pagod ninyo sa trabaho ay maibsanGinaganap natin ito bawat unang Lunes ng buwanAng tagisan ng katuwiran na kung tawagi'y balagtasan.

Para kay Ginoong Robert Generao ng FT ConstructionTugon sa katanungan niya'y igagawad namin ngayonMarami pong salamat sa panawagang kanyang tinugonAng paksang iminungkahi niya'y idadako sa kuwestyon.

Si Ka Domeng po ito, ang inatasang maging LakandiwaNa siyang papagitna at hahatol sa dalawang maghihidwaPara naman inspirado, ang kaba ko ay mawalaMaaari bang makahiling ng palakpakang masagana!

Sa matunog nyong palakpak, ang sukli ko ay salamatDalawang angkan ni Balagtas ang siya ngayong maghaharapAng tagisan ng talino ngayong gabi'y magaganapPakinggan nating mabuti nang

maunawaan nyong tiyak.

Akin na pong ihahayag ang paksa ng balagtasanNa ang tema'y sino nga ba ang mas sikat at higit na hahangaan?Ang may angking likas na talino o ang isang mayaman?Ating sasagutin ngayon nang malutas ang katanungan.

Matapos na maihayag ang katanungang tutuguninAng dalawang maghihidwaan ay atin nang palitawinSi Juliet Asenita ang siyang unang tatawaginSa matunog na palakpak siya'y ating suubin!

MATALINO (Pagpupugay)

Ang likas na kakayahang taglay ay walang katumbasKaya sa matalino ang mariin kong sagot na ihahayagPero bago muna, hayaan nyo bati ko'y maigawadMaligayang pakikinig, magandang gabi po sa lahat.

LAKANDIWA

Taga-Dupax, Nueva Vizcaya po ang black byuting paralumanLikas sa dugo't lahi niya ang walang takot kung lumabanPakinggan naman natin ang makatang makakapingkianIniwan niya ang mag-iina upang tayo'y matugunan.

Taga-Binan, Laguna po ang haharap na makataNakilalang magaling din sa larangan ng pagtulaSi Ralph Pulmano po, guwapo na may itsura paSalubungin natin siya ng palakpakang masagana! MAYAMAN (Pagpupugay)

Salamat po, Lakandiwa at sa bayang nakikinig

Ako po ay bumabating buong galak, kinikilig!Sa kalaban ko po namang madilim din yaong kutisKung sya po'y sa matalino, sa mayaman ako'y bilib.

LAKANDIWA

Sa pagpapakilala pa lang sa dalawang magpipingkianAy tila ba mainit na ang kanilang labananPara naman ang pananabik nyo ay hindi mabitinSila pong dalawa ay atin nang pagitnain. MATALINO (Unang tindig)

Musmos pa man tayong bata'y pangaral na ng magulangAng talino'y kabahagi sa magandang pamumuhayIto'y isang katangiang tataglayin habang buhayKarunungan ay hagdanan sa pag-abot ng tagumpay.

Ang bansa ay umuunlad kung dito'y nanunungkulanMalawak ang nababatid, di kapos ang kaalamanNgunit kung ang namumuno'y masalapi ngunit mangmangMagagapi ang pag-asa ng kanyang sinasakupan.

Sa karandamang mapanganib, lalapitan ba ay sino?Di ba dalubhasang duktor sa lunas ay sigurado?At sa mga paaralan, nagsisilbi'y mga guroDunong nila ang sandata nang tayo ay mapanuto.

Sariwain naman natin sa gunita ang lumipasSa dayuhang mananakop lumaya ang PilipinasIto'y dahil sa utak ng isang henyo at pantasKay Gatpuno Jose Rizal na dunong ang itinumbas.

Maliwanag ang sagot ko sa tanong na tinutugon

Ang marapat na hangaan ay yung mga marurunongKahit ikaw ay mayaman, kung ulo mo ay mapurolKasikatan ay mailap, salapi man ay igugol. LAKANDIWA

Ang panig po ni Juliet ay narinig ninyoHigit na sisikat at hahangaan ay itong matalinoPakinggan naman po natin ang makatang si Ralph PulmanoIhatid po natin siya ng palakpakang masigabo!

MAYAMAN (Unang tindig)

Kalaban kong paraluman ay masyado pong seryosoBaka labis pong magdamdam kapag dito ay nataloYamang paksa nami'y tungkol sa mayama't matalinoHayaan nyong sa inyo po ako muna ay magkwento.

Ang pulubing matalino at mayamang di marunongIsang araw ay nagtagpo sa labas ng MandaluyongMayaman ay walang kaya sa diskurso at diskusyonPagsapit ng tanghalian, matalino ang syang gutom.

Sa byahe ng Continental Airlines, minsan, nagkatabiMatalinong contract worker at mayamang negosyanteAng bitbit ng matalino'y diploma at pasaporte,Ang mayaman, pasalubong na pinakyaw sa Duty Free.

Matalino'y nag-aabroad, tinitiis yaong hirapMayaman din, nag-aabroad, para naman magpasarapSino nga ba sa dalawa ang mas lamang at mas sikat?Kahit sa tulad kong mangmang, ang sagot po'y maliwanag.

May oras pa, katalo ko, upang ikaw'y

makaatrasBalutin na ang dila mo habang di pa nagkakalatBalagtasa'y hindi laging labanan ng mauutakKung minsan din, nagwawagi'y ang makatang may pambayad!

LAKANDIWA

Iyan po ang katuwiran ng makatang taga-BinanLalo daw sikat at dapat hangaan ay yung mga mayayamanAt para naman lalo nating ito'y maunawaanMagpapatuloy po sila at atin namang palakpakan! MATALINO (Ikalawang tindig)Malabo po ang pananaw sa tunay na nagaganapNitong aking katunggaling panalo ang siyang hangadMagagawa bang gutumin ang may utak at ng lakas?O baka po nagbibiro dahil siya ang babagsak!

Marunong ang naglilingkod sa negosyo ng mayamanUpang lalo pang lumago sa panahon mang daratalAno kayang mangyayari kung wala yaong may aral?Baka itong masalapi'y hahantong sa basurahan.

Ang dalawa'y naisipang mag-aplay patungong langitAng marunong ay pumasa sa ginawang pagsusulitNang mayaman ay lumagpak, kay San Pedro iginiitLimpak-limpak niyang salapi, sa impyerno siya'y napiit.

Yaman ba ang magdadala sa tugagog ng pangarap?Ang kinang ba ng salapi sa paghanga ay pambihag?Dahil yata puro pera sa katalo'y nasa utakPati yaong baluktot na'y tuwid pa ring sinusulyap. 

MAYAMAN (Ikalawang tindig)

Katalo ko'y kay-aga pong kasalana'y 'kinumpisalInamin pong ang may aral, lingkod lamang ng may yamanPag nagsara ng negosyo ang mapera't may puhunanAng kawawa'y ang marunong na kawaning swelduhan lang!

Bilib ka sa matalino, ganyan din si Eba't AdanParaiso'y nakamtan na, wala pa ring kasiyahanSa hangad na magmarunong, nilabag ang kautusanPati dunong ng Maylikha ay nais na mapantayan!

Kahit ubod ka ng galing at nuno ng karununganYagit ka ring ituturing hangga't di ka yumayamanAng taginting ng salapi ay musika sa lipunanPag tama mo sa swipistik, daig mo pa ang superstar!

Kayamanan, pag labis na, marami ang natutuwa,Matatag ang ekonomiya, masagana itong bansaAng dunong ng isang tao, pag sumobra ay masama,Sa mental po humahantong, nagbibilang na ng tala! LAKANDIWA

Sandali muna akong sa labanan ay papagitnaAng sagutan ng dalawa'y nagiging pabigla-biglaPara bang mga teksas, sa kulunga'y nagwawalaSa pagnanais na makasipa at makatuka!

Ang nais ko't hiling sa dalawang naghihidwaSana ang hinahon sa inyo'y hindi mawalaMuli ay tumindig at sa labanan ay pumagitnaIhatid naman natin sila ng palakpakang pampasigla!

 MATALINO (Ikatlong tindig)

Mahirap pong umunawa ang makatang mukhang peraAng sabi ko, ang may aral, sa mayaman ang nagdadalaKung sa mental humahantong ang may dunong na sumobraSa walang alam pagkat tanga, may ospital nga ba kaya?

Sobrang silaw sa salapi ay malaking kapintasanPagkat walang itatangi kundi yaong kumikinangDahil dito'y nalilimot sa puso ang kabutihanNang dahil din po sa pera, nandyan ang kapalaluan.

Ang buhay natin sa mundo, kung inabot ng finished contractKaluluwa ng may dunong sa langit ay natitiyakDahil sinamba ng mayaman, ginto, salapi at pilak,Na-cancel ang entry permit, inabot ay hanggang ulap.

MAYAMAN (Ikatlong tindig)

Wala nga pong pagamutan sa mapurol ang isipanDahil hindi pa po sira, pwede pa ring pagtyagaanAng malungkot ay sila pang ignoranteng kababayanAng madaling naloloko ng rekruter na maalam!

Hindi lahat ng may pera'y sumasamba sa salapi,Tulad ni Job, mas maraming sa D'yos Ama'y nagpupuriKalulwa ng may talinong sa kapwa ay nanduhangiMade-deport sa impyerno pagkat passport pala'y peke!

Tigilan na ang pagsabing matalino'y syang may dalaSa mayaman, pagkat baka makulitan ang balanaPasalamat ka na lamang, kaydami ng may

diplomaKinakalawang ang utak, walang trabahong makita! MATALINO

Katunggali ang nagsabing ang tanga ay nalolokoMatuwid ang kahulugang dapat magpakatalinoSi Abraham at Isaac maging si Job ay may uloKaya sila nagsiyaman, dahil hindi mga bobo.

Hindi ka ba nagtataka? Sikat ka't hinahangaan,Kahit ikaw ay mahirap, talino mo'y sa bigkasanTalo mo pa si Ayala, Sarmiento at Lardizabal,Marami sa 'yong nakikinig dahil sa iyong kaalaman! MAYAMAN

Bakit ko ba hahangaring ako'y maging marunong paGayong halos lahat naman, nabibili na ng peraTalino ng abugado, duktor, hilot, kumadronaAy may presyong kagaya rin ng kakaning tinitinda!

Sa labanang pasikatan, sino'ng unang papansinin?Sino nga ba'ng hahangaan kung dalawa'y pagtabihin?Matalinong mukhang engot dahil pobre at gusgusin?O mayamang mukhang "genius", pagkat porma'y mamahalin? MATALINO

Di katumbas ng halaga ang magandang kaloobanIyan namang salapi mo'y palamuti lang ng katawanDi sa panlabas na anyo nakikita ang katinuanKundi sa gawa ng taong may inaangking kaalaman.

MAYAMAN

Ako yata ay naligaw sa labanang napasukanAkala ko, paksa dito'y sino'ng sikat, hahangaan?Kayamana'y panlabas nga, sapagkat ang kaloobanAy di tayo ang hahatol, yan ay D'yos lang ang may alam!

MATALINO

Sa landas mang pagkalinis, ang mangmang ay naliligawAng paghanga sa marunong, maingat sa daraanan! MAYAMAN

Ngayo'y di na mayaman ang binubugbog ng kalabanSa marunong versus mangmang napalihis ang usapan! MATALINO

Kamangmangan ng mayaman ang siya kong tinutukoyMahirap makaintindi, kalaban ko'y nagmamaktol! MAYAMAN

Ako pa raw ngayon itong pang-unawa'y kinukulangMagkano ka? Sabihin mo, matahimik ka na lamang! 

MATALINO

Katalo ko'y di lang bobo, abusado pa rin pala! MAYAMAN

Sagot ko na ang ticket mo, may pam-pocket money ka pa!

MATALINO

Marunong ang hahangaan, di mayamang walang alam! 

MAYAMAN

Sa gobyerno ay kaydaming matalinong magnanakaw! LAKANDIWA

Akin na pong pipigilin ang talaktakan ng dalawaAko namang Lakandiwa ang papasok sa eksenaAng hiling ko sa dalawang makata ay magkamay naAt sa inyo, mga kababayan, palakpakan muli sila!

Mahirap man ang humatol ay akin nang gagawinSa katwiran ng dalawa na mahirap arukinAt sapagkat ang dalawang ito'y kapuwa magagalingMarahil ay mahihirapan akong matuwid nila'y limiin.

Sa panig ng matalino na si Juliet AsenitaDahil daw sa talino, nakilala ang ating bansaTalino raw ang puhunan sa buhay ay pakikibakaMatalino raw ang siyang sikat at hahangaang talaga.

At si Ralph Pulmano po sa panig ng mayamanDahil daw sa yaman, sisikat ka at hahangaanAt kung mayaman ka, magpakahirap ay di na kaylanganTila may katwiran din ang makata ng Binan.

Kung ang talino'y ginamit sa mabuting paraanWalang pagsalang ito'y dapat nating hangaanNgunit kung ginamit ito sa kapwa ay panlalamangBagkus ay dapat pang ito ay pintasan.

Hahangaan mo rin ba ang isang mayamanKung wala namang malasakit sa kapwang nahihirapan?Datapwa't kung ang yaman ay ginamit sa katuwiranWalang pag-aatubili, sisikat siya at

hahangaan.

Kung sa tugatog ng tagumpay ay marunong ang kailanganDatapuwat kakailanganin din ang puhunan ng mayamanYaman ang magpapakilos sa matalinong tauhanNgunit matalinong tauhan din, magpapatakbo ng negosyo ng mayaman.

Ang paksa ay sino nga ba ang higit na hahangaanAng may angking talino ba o ang isang mayaman?Narito ang hatol ko sa dalawang naghidwaan:Patas po ang naging laban, sila'y ating palakpakan!

Dapat Ba O Hindi Dapat Ipatupad ang K+12 Policy sa Pilipinas?nina Vanessa Lee at Marl Yjuv Toquero

Lakandiwa:

Magandang umaga mga Binibini at Ginoo,Ako po’y nagaagalak makaharap kayo.Isang makabuluhang pagtatalo ating matutunghayan.,Pagtatalong pwedeng magbigay liwanag sa ating bayan.Noong umupo bilang bagong pinuno,bilang isang pangulo.Ang napasikat at napakadilaw na Noynoy Aquino.Sari-saring batikos binato sa kanya,Batikos na sadyang minulat ang ating isip at

mga mata.Ang K+12 Policy ating paksa,Paksang ukol sa edukasyon ng ating bansa.Ang high school raw ay dagdagan ng dalawang taon,Ang K naman ay para sa kinder institutionalization.

Ngayon ating dinggin ang babaeng malakas ang dating,Ang babaeng galing Korea na kinasal sa isang Pilipino,Ang babaeng nangangalan ay Nesa,Na tutupad sa repormang edukasyon.Palakpakan natin siya,Pakinggan at intindihin si Binibing Vanesa.

Vanesa:

Ako’y kinikilala bilang boss ng DepEd,Pilipinong buong buo sa dugo, puso’t isipan.Ang pangalan ko ay Vanesa Lee Roque,Narito ako para bigyang tamang pag-unawa ang proyekto ng gobyerno.

Isa munang paglilinaw bago po magkagulo ang lahat,Sana’y makinig kayo.Ang K+12 project ay platapormang tungo sa pagbabago,Pagbabago para sa ating bansang nangangailangan.Upang ang edukasyon ng Pilipinas ay malinang.The fruit of this change will benefit the next generation,On behalf of the government, I speak to erase the misconceptions.

Yjuv:

Salamat sa unang pananalita, Binibining Roque.Ngunit sayo’y may kokontra,Ang lalaking to,Ay si Yjuv Toquero.Ginoong galing probinsya, ginoong akibista.

Ako po si Yjuv Toquero,Sa usapin ng K+12, tutol ako.Sapagkat ang programang sadyang ay hindi“Ang tanging solusyon t’wina sa edukasyon”Problema ng ating bansa.

Vanesa:

Ang edukasyon ay para sa lahat,Ito’y aming tutuparin na tapatBibigyan pangarap ang bawat Pilipinong bata,Para sa kinabukasang walang problemaTulad ng Europe, East Asia, Amerika at iba pa,Ang total number of years ng primary education ay dapat labindalawaOras na ng pagbabago,Pilipinas nalang ang inaantay ng mundo

Yjuv:

Ako po’y lumaki sa probinsya,Probinsyang dukha.Nanay ko, tatay ko, magsasaka.Sapat na kita nila,Upang kami’y makatuka.Pagdadagdagan pa ng dalawang taon,Naku! Tuition fee ko!Paghihirap nila madagdagan pa.Isipin mo, ang dalawang taon na iyon,Pwede nang dalawang tao sa kolehiyo ngayon.

Ang K+12 ay magastos sa parte ng gobyerno,At lalong mas magastos sa parte ng pamilya ko.

Vanesa:

Ang edukasyon ay isang investment.Investment sa mga anak nating magiging doctor, abogado, teacher, nars, pati seargent,Kung ikaw nasasayangan para sa magiging produkto na ang mga magulang din ang makikinabangan,H’wag ka nalang mag-aral!Ang proyektong to’y para sa kabubuti ng bansa.Batay sa pag-aaral, lagpak ang Pinas sa Math at ScienceDahil kulang sa pagsasanay at aplikasyon mga guroKailangan i-angat ang Pilipinas! Oo, i-angat natin to!

Yjuv:

Mga kaibigan, h’wag kayong magpabulag sa kaibigan kong duwag!Ako’y paniwalaan, na K+12 ay hindi lamang ang solusyon sa edukasyon ng ating bayan.Gobyerno’y sana’y mas paigtingin,Ang problema sa kaledad ng mga guro natin.Isipin mo to Madame Koreana,Sige mag-aral ka nga mahabang panahon.Ngunit guro mo ay hindi trained at incompetitive,Haha…ang K+12 ay di napapanahon!

Vanesa:

Ano ba silbi ng high school diploma?Bumabata ang ating workforce, nakakahiya naman.Ang bansa ay nangangailangan ng skilled workers! Hindi mga batang nagtratrabaho.They belong to the classrooms studying and exploring the world,At hindi sinasayang ang talino.Maawa naman po tayo sakanila.Ganap na propesyonal, sila’y hindi pa.

Yjuv:

Papabulaanan ko ‘yang mga binaggit mo.Ako’y babalik sa konsepto ng “kalidad” ng edukasyon rito.Di mo ba alam na tataas ang drop out rates kapag tinupad ang K+12?Tignan mo, gumawa pa ng mas malaking problema ang policy!Isa pa, alam mo bang kulang ang mga silid, upuan, at eskwelahan?Ang K+12 mo rin ba ay kayang resolbahin ang problema sa kakulangan ng libroO K+12 lang ba ang talaga ay kabaliwan ng gobyerno?At alam mo binibini, h’wag mo na ipagpilitan,K+12, walang silbi yan.Isipin mo, ano nga ba ang problema,Kung bakit sistema ng edukasyon natin sabog sabog na,Korupsyon ang dahilan, wala ng iba!Korupsyon dahil sa kasakiman,At katakawan sa kapangyarihan!

Vanesa:

Bakit kaya’y lumalayo ang aking kausap sa pinag-uusapan?

Edukasyon ang pinag-uusapan natin ditoHindi ang korupsyon na pinagsasabi moAng dami mong alamMaghugas ka na lang ng pinggan!Heto na lang, ipapakita ko sa’yo kung bakit natin kailangan itupad ang K+12.Di na tumatanggap ng mga Pilipino ang European nation,Dahil sa kababahan ng sistema ng ating edukasyon.Nahihirapan ang mga nanay at tatay kumayod sa ibang bansa.Ang mga Pinoy na matatalino,Nagpapakababa’t minsay binobobo.Ang mga doktor dito ay nagiging nars lamang,Maging midwife kulang nalangAng mga guro ay nawawalan ng dignidadAt buhay nila’y may pait,Sapagkat silay nagpupunas lamang ng mga p’wet ng mga batang singkit!Ang mundo ay nagbabago na,Globalisasyon nasa harap na ng lahat,Makibagay, makiuso, sumunod iyon ang dapat

Mahirap ang daan tungo sa pagbabagoNgunit magiging maganda din ang bunga nito.H’wag nating isara ang ating kaisipan at tayo’y magpakatino,Gumawa tayo ng paraan upang making din sa sinasabi ng gobyerno.Ang edukasyon ay dapat para sa lahat.Baguhin ang sistema, maging internationally competitive,Ito ang dapat.

Yjuv:

Mga kaibigan ko inyong natunghayan,Ang debate namin ni binibining Koreana.Ang sa’kin lang po,Huwag magpapabulag sa mga programang ‘di naman totoong kailangan.K+12 andaming loopholes, andaming problema.Sa K+12 uunlad ba talaga edukasyon sa ating bansa?Pag-isipan natin ng mabuti, kabayan.

Lakandiwa:

Mga kaibigan, K+12 nga ba ay solusyonSa problema ng edukasyon?Mga kaibigan, ating isasara ang balagtasan na makabuluhan,Ang balagtasang kailangan.

BATUTIAN

Bambu Inglis vs. Wikang Pambansa (Batutian)

Lakambini (kay Huwan):

Namamanaag na sa dakong silanganAng kulay ng iyong magandang liwayway;Bukas, sa pagsikat ng palalong araw,Isa kang watawat na mamamagayway!

Mula sa Kanluran: dinala ng alonSa iyong pasigan ang tapat na layon;Sa buton ng abo: ikaw ay babangonNa malayang bayan sa habang panahon.

Paulo:Huwan,tanggapin mo ang pakikilugodNg isang kasama sa tuwa at lungkot,Binabati kita: ang tapat na loobAy madarama mong laging naglilingkod.

Huwan:Tapat na dibdib ay iyong damahinAt pasasalamat ang tibok na angkinAko’y sasaiyong gunita’t panimdimHabang ang silangan ay silangan pa rin.

Paulo:Kaya, nang malubos ang pagkabanas mo,Ako ay may isang mungkahi sa iyo:Tagolog na ingles ang panukala koNa wikang gamitin-du yu get mi ako?

Huwan:Ano, mister Paul, nalalaman mo baKung ano ang iyong tinuran kanina?

Paulo:Wat is rong may pren Wan, sa nasyonal langwedsKung ito’y gagawing Pilipinais Ingles?

Huwan:Sa iyong sarili’y manainga ka nga,Kung ano ang iyong dinalit na wika;Kung ganyan, katoto, ang wikang pambansa:Anong wika iyan-mestisong baluga?

Paulo:Huwag kang magtawa-do yu nat anderstanAng ingles na wika ay pangyunibersal;Bilang isang nesyon: kinakailanganNa maanderstan ka ng iba pang bayan.

Ang Tagalog langweds ay pang Pi Ay lamang,Di maikukumper sa Ingles, mister Wan;At sa diplomatik na mga usapan,Magagamit mo ba ang langweds mong iyan?

Huwan:Dapat mong mabatid na ang pagkabansaAy makikilala sa sariling wika,Bakit pipiliting ako’y magsalitaNg wikang di akin-hiram at banyaga?

Paulo:Tingnan mo nga kami-bakit ang inadapAy wikang mula pa sa ibayong dagat?Tulad ng Bretanya: kami ay umunladGayong wikang hiram ang aming binigkas!

Huwan:Kung iyan ang iyong wikang sinasabi,Wikang pinagmula’y higit na mabuti.

Paulo:Tingnan ang Hapon sa klos dor palisiAng ginamit lamang ay wikang sarili;En wat is di risolt op dat pangyayari,Natutong sulatin ay magulong kandyi.

Huwan:Nakakatawa ka, hindi naging hadlangSa bayan ng Hapon ang wikang minahal;Ang simula”t dulo ng ganyang dahilanAy dala ng kanyang mga kaimbutan.

Paulo:Kaya tingnan natin kung saan hahantongAng nasyonal langweds na onli por pinoy.

Huwan:Ang nakakatulad nitong pagtatalo:Pork tsap at hambardyer ang wikang Ingles mo;Ang wikang Tagalog naman ay adobongMasarap sa akin nguni’t di mo gusto.

Dapat mong malamang ang wikang pambansaAy kinamulatan mulang pagkabata;Ito ay ang buhay, kaluluwa at diwa. . .Ng pagkalahi ko sa balat ng lupa!