Bahagi Ng Pananalita

21
BAHAGI NG PANANALITA - PANGNGALAN (NOUN) I. BAHAGI NG PANANALITA (Parts of Speech) A. Pangngalan (Noun) - bahagi ng pananalita na nagsasaad ng ngalan ng tao, bagay, pook o lugar, hayop, pangyayari, damdamin, kaisipan o ideya. Uri ng Pangngalan 1. Pantangi (Proper Noun) - nagsasaad ng tanging pangalan ng tao, hayop at bagay at isinusulat sa malaking titik (capital letter) ang unang letra o titik ng salita. 2. Pambalana (Common Noun) - tawag sa karaniwang pangalan. Mga Halimbawa: Pambalana - bansa Pantangi - Pilipinas, Tsina, Amerika Pambalana - bundok Pantangi - Mt. Pinatubo, Bundok Arayat Pambalana - artista Pantangi - Pokwang, Willie Revillame, Kris Aquino Pambalana - lugar Pantangi - Luneta, Robinson's Pambalana - lapis Pantangi - Monggol Kayarian ng Pangngalan 1. Payak - mga salitang likas at katutubong atin na maaaring mapag-isa Halimbawa lilo, lila, lambat, silo, ilog 2. Maylapi - ang mga salitang-ugat o pangngalang payak na nagtataglay ng panlapi sa unahan, gitna o hulihan man. Halimbawa ganda - kagandahan isda - palaisdaan away - mag-away sayaw - sumayaw 3. Inuulit - mga pangngalang inuulit ang salitang ugat o ang salitang maylapi. Ang unang dalawang pantig lamang ang inuulit kapag ang pangngalan ay may tatlo o higit pang pantig. Halimbawa tatay-tatayan sabi-sabi biru-biruan Tandaan: May mga pangngalang ang anyo ay mga salitang inuulit ngunit hindi ginigitlingan sapagkat ang inuulit na mga pantig ay walang katuturan kapag napag-isa. Ang kabuuan ng mga salitang ito ay itinuturing na mga salitang ugat.

Transcript of Bahagi Ng Pananalita

Page 1: Bahagi Ng Pananalita

BAHAGI NG PANANALITA - PANGNGALAN (NOUN)

I. BAHAGI NG PANANALITA (Parts of Speech)A. Pangngalan (Noun) - bahagi ng pananalita na nagsasaad ng ngalan ng tao, bagay, pook o lugar, hayop, pangyayari, damdamin, kaisipan o ideya.

Uri ng Pangngalan 1. Pantangi (Proper Noun) - nagsasaad ng tanging pangalan ng tao, hayop at bagay at isinusulat sa malaking titik (capital letter) ang unang letra o titik ng salita.2. Pambalana (Common Noun) - tawag sa karaniwang pangalan.

Mga Halimbawa:Pambalana - bansa Pantangi - Pilipinas, Tsina, AmerikaPambalana - bundokPantangi - Mt. Pinatubo, Bundok ArayatPambalana - artistaPantangi - Pokwang, Willie Revillame, Kris AquinoPambalana - lugarPantangi - Luneta, Robinson'sPambalana - lapisPantangi - Monggol

Kayarian ng Pangngalan

1. Payak - mga salitang likas at katutubong atin na maaaring mapag-isaHalimbawa lilo, lila, lambat, silo, ilog2. Maylapi - ang mga salitang-ugat o pangngalang payak na nagtataglay ng panlapi sa unahan, gitna o hulihan man.Halimbawa ganda - kagandahanisda - palaisdaanaway - mag-awaysayaw - sumayaw3. Inuulit - mga pangngalang inuulit ang salitang ugat o ang salitang maylapi. Ang unang dalawang pantig lamang ang inuulit kapag ang pangngalan ay may tatlo o higit pang pantig.Halimbawa tatay-tatayansabi-sabibiru-biruan

Tandaan: May mga pangngalang ang anyo ay mga salitang inuulit ngunit hindi ginigitlingan sapagkat ang inuulit na mga pantig ay walang katuturan kapag napag-isa. Ang kabuuan ng mga salitang ito ay itinuturing na mga salitang ugat.Halimbawagamugamogunigunialaalaparuparo

Klase ng mga pangngalang inuulita. Pag-uulit na Parsyal - bahagi lang ng salitang-ugat ang inuulit.Halimbawa

Page 2: Bahagi Ng Pananalita

ari-ariantau-tauhanb. Pag-uulit na Ganap - inuulit ang buong salitaHalimbawasabi-sabisari-sari

4. Tambalan - mga pangngalang binubuo ng dalawang magkaibang salita na ipinapalagay na isa na lamang.Halimbawahampaslupasampay-bakodakyat-bahaybahay-aliwankapit-tuko

Kasarian ng Pangngalan (Gender of Noun)1. PambabaeHalimbawa - ate, nanay, Gng. Cruz2. Panlalaki Halimbawakuya, tatay, G. Santos3. di-tiyakHalimbawadoktortitserhuwespunong-guropangulo4. walang kasarianHalimbawasilyalobopuno

Uri ng Pangngalan ayon sa Gamit1. Basal - pangngalang hindi nakikita o nahahawakan ngunit nadarama, nasa gawi at kaisipan,Halimbawakatalinuhanpagmamahalpagdurusa2. Tahas - mga pangngalang nakikita o nahahawakan.pulaulap3. Lansak - mga pangngalang nagsasaad ng pagsasama-sama, kumpol, grupo o pangkat.Halimbawakawanbuwigpulutongbatalyon

Page 3: Bahagi Ng Pananalita

BAHAGI NG PANANALITA: ANG PANGHALIP (PRONOUN) A. Ano ang panghalip?Ang panghalip (o pronoun) ay bahagi ng pananalita na inihahali o ipinapalit sa pangngalan (noun) upang mabawasan ang paulit-ulit na pagbanggit sa pangngalan na hindi magandang pakinggan.

Halimbawa:1. Si Maria (pangngalan) ay pumunta sa palengke. Si Maria (pangngalan) ay bumili ng bangus. Bumili rin si Maria ng mga gulay.Si Maria ay pumunta sa palengke. (Maaaring hindi na muna ihalili ang panghalip sa pangngalan sa unang pangungusap dahil hindi mauunawaan ang susunod na mga pangungusap.) Siya ay bumili ng bangus. Bumili rin siya ng mga gulay.2. Ibigay mo ang mga aklat kay Rosa..Ibigay mo ang mga ito sa kanya.3.Kay Mila ang mga rosas na nasa mesa.Sa kanya ang mga iyan.4. Sina Jose at Pedro ay naliligo sa ilog.Sila ay naliligo sa ilog.5. Ang pag-heheersisyo ay mabuti sa katawan ni Juan.Ito ay mabuti sa katawan niya.

B. Mga Uri ng PanghalipAng panghalip ay may limang uri. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Panghalip na Panao (Personal Pronoun)– ay ipinapalit sa ngalan ng taong nagsasalita, sa taong kausap at sa taong pinag-uusapan. May kailanan ang panghalip na panao. Ito ay maaaring isahan, dalawahan at maramihan.

Taong NagsasalitaIsahan: Ako, akin, ko a. Ako ay pupunta sa Maynila.b. Akin ang laruang hawak mo.c. Ibigay ko ito sa aking ina.

Dalawahan: kita, kataa. Kita nang maligo sa ulan. (Maligo tayong dalawa sa ulan.)

Kata ay umawit.

b. Kata nang manood ng sine. (Manood tayong dalawa ng sine.)

Page 4: Bahagi Ng Pananalita

Maramihan: Tayo, kami, natin, naming, atin, amina. Tayo nang pumunta sa Antipolo.b. Kami ay kakain sa JoliMc.c. Bisitahin natin si Lola.d. Atin ang pulang kotse.e. Amin ang bahay na kulay bughaw.

Taong KausapIsahan: Ikaw, kaa. Ikaw ang iniibig ko.b. Pumunta ka sa opisina ng punong-guro.

Dalawahan: kita, kataa. Magkikita kita sa tapat ng monumento ni Gat. Jose Rizal.b. Maghuhulog kata ng pera sa bangko.

Maramihan: Kayo, inyo, ninyoa. Kayo ang kanyang mga magulang.b. Sa inyo ang asong nasagasaan.c. Nasusunog ang bahay ninyo!

Taong Pinag-uusapanIsahan: Siya, niya, kanyaa. Siya ang sumuntok sa akin.b. Binigyan niya ako ng kendi.c. Ibibigay ko ang damit na ito sa kanya.

Dalawahan: kita, kataa. Ayaw nila kata sa atin. (Ayaw nila sa ating dalawa.)b. Kita ay pinayagan nilang magpakasal sa huwes.

Maramihan: Sila, kanila, nilaa. Nagbigay sila ng donasyon sa simbahan.b. Kanila ang ospital na iyon.c. Bibigyan nila tayo ng mga pasalubong.

2. Panghalip na Pamatlig (Demonstrative Pronoun)– ay inihalili sa pangngalang nagtuturo ng lugar na kinalalagyan ng pangngalan. Iinihalili rin ito sa pangngalan na malapit o malayo sa nagsasalita, kinakausap o nag-uusap.

Malapit sa Nagsasalita-ito/ ire ( Ito ay masarap na prutas. Ire ay ibinigay sa akin ng aking butihing ina.)-heto ( Heto na ang pasalubong ko sa inyo.)-dito ( Dito ka maghiwa ng mga gulay.)

Malapit sa Kausap-iyan ( Iyan ang libro ko.)-hayan/ ayan (Hayan/Ayan na sa likod mo ang asong ulol!)-diyan (Diyan mo ilapag ang mga bayong.)

Malayo sa Nag-uusap

Page 5: Bahagi Ng Pananalita

-iyon (Iyon ang bahay nila Paulo.)-hayun/ ayun (Hayun/Ayun ang magnanakaw!)-doon (Doon tayo kumain.)

3. Panghalip na Panaklaw (Indefinite Pronoun)- ay mga panghalip na sumasaklaw sa kaisahan at dami o kalahatan ng kinatawang pangngalan.

Nagsasaad ng Kaisahana. Isa (Isa tayo sa pinagpala ng Diyos.)b. Isapa (Isapa ang pagpuputol ng kahoy sa gubat.)c. Iba (Iba ang bahay sa tahanan.)d. bawat isa (Bawa't isa ay mayroon tungkulin sa bayan.)

Nagsasaad ng dami o kalahatana. Lahat (Lipunin ang lahat ng peste!)b. Tanan (Magandang halimbawa ang ipinakita niya sa tanan.)c. Pulos (Pulos kalokohan ang pinagsasabi niya.)d. Balana ( Iniisip nila na walang ginawa si Pangulong Marcos para sa kabutihan ng balana.)e. Pawang (Ang iginanti niya ay pawang kabutihan.)f. Madla (Mananagot siya sa madla dahil sa kanyang kabuktutan.)

4. Panghalip na Patulad – ay inihalili sa itinutulad na bagay.

Ganito/Ganire - Malapit sa nagsasalitaGanito/Ganire ang paggawa niyan.Ganito/Ganire kung umarte si Nora Aunor.

Ganito ang tamang pagngiti.

Ganyan - Malapit sa kausap

Ganyan nga kung umiyak si Momay.

Ganoon - Malayo sa nag-uusapGanoon ang tamang pagtatapas ng niyog

5. Panghalip na Pananong - inihahalili sa pangngalan kung nagtatanong.

a. pangtao (sino, kanino)Sino ang umutot?Sino ang kumuha ng bolpen ko?Kanino ang kalamay na ito?Kanino kaya ang mapupunta ang gantimpala?

Page 6: Bahagi Ng Pananalita

b.bagay, hayop, lugar (ano, alin)Ano ang laman ng kahon? Alin dito ang sa iyo?c. bagay, hayop, lugar, tao (ilan)Ilan sa inyo ang sasali sa paligsahan?Ilang halaman ang ating dadalhin?

C. Kaukulan ng Panghalip

1. Kaukulang palagyo- kung ang panghalip ay ginagamit bilang simuno(subject) ng pangungusap.

Halimbawa:1. Siya ay tutungo sa kapitolyo upang ilatag sa gobernador ang ating mga kahilingan. 2. Tayo ay magtitipid upang mabili natin ang gusto nating mga laruan.3. Sila ay mga kinatawang nangungurakot sa kaban ng bayan.

2. Kaukulang Paari - Ito ay nagsasaad ng pang-aangkin nag isang bagay sa loob ng pangungusap.

Halimbawa:1. Ang bahay nila ay malapit sa paaralang iyong papasukan.

2. Ang aking lolo ay isang sastre.

3. Kaukulang Palayon - ginagamit na layon ng pang-ukol (preposition) o pandiwa (verb). Halimbawa:

1. Ang batas na ito ay makasasama para sa madla. 2. Ang kamalig ay sinunog nila.

Ang kamalig ay sinunog nila.

BAHAGI NG PANANALITA: ANG PANG-URI (ADJECTIVE) Ano ang pang-uri?

Page 7: Bahagi Ng Pananalita

Ang Pang-uri – ay mga salitang naglalarawan o nagbibigay katangian sa isang pangngalan o panghalip.

Halimbawa:1. Matamis ang inihaing mangga ni Aling Ising.2. Napakaganda nga ng bistidang iyan!3. Siya ay higit na matalino kaysa sa kanyang kuya.

4. Ang kotse nila ay puti.

5. Libu-libong tao ang dumalo sa welga.

Uri ng Pang-uriAng pang-uri ay may dalawang uri:1. Panlarawan - mga salitang naglalarawan.Halimbawa:a. Matamis ang tinda niyang mangga.b. Rosas at itim ang motif ng kanilang kasal.2. Pamilang = mga salitang nagsasaad ng bilangHalimbawa:a. Sanlaksa ang mga daga sa tumana.b. Si Mang Baste ay nag-iisang lumaban sa asong-ulol.

Kaantasan ng Pang-uri

1. Lantay – nagbibigay ng simple o payak na paglalarawan.Halimbawa:a. Si Amelia ay maganda.b. Mabango ang rosas.

Page 8: Bahagi Ng Pananalita

c. Ang ilong niya ay matangos.

2.Pahambing – naglalarawan sa dalawang pangngalan o tinutukoy, maaaring pareho o ang isa ay nakahihigit ang katangian.Halimbawa:a. Si Alma ay higit na maganda kaysa kay Amelia.b. Mas mabango ang sampaguita kaysa rosas.c. Higit na matangos ng ilong ko kaysa kanya.

3. Pasukdol – pagbibigay ng sukdulang paglalarawan o katangiang nakahihigit sa lahat.Ang panghahambing ay higit sa dalawa. Halimbawa: a. Pinakamaganda si Anna sa kanilang lahat.b. Para sa kanya, ang ilang-ilang ang pinakamabango sa tatlong bulaklak na nasa mesa.c. Walang pasubali, ang ilong ni Kiray ang pinakamatangos sa buong klase.

BAHAGI NG PANANALITA: ANG PANG-ABAY (ADVERB) Ano ang Pang-abay ( o adberbyo)?

Ang pang-abay ay mga salitang naglalarawan (words that describe) o nagbibigay-turing sa pang-uri (adjective), pandiwa (verb) at kapwa pang-abay.

Page 9: Bahagi Ng Pananalita

Halimbawa:

A. Panturing sa pang-uri

1. Ang manggang itinitinda ni Maria ay masyadong maasim.

2. Sadyang malusog ang kanyang katawan noon pa man.

B. Panturing sa pandiwa

1. Dahan-dahan siyang umakyat ng hagdan para hindi magising ang kanyang natutulog na ina.

2. Mabilis na tumakbo si Marie para abutan ang kapatid.

C. Panturing sa kapwa pang-abay

1. Talagang mabagal umunlad ang mga taong tamad.

2. Dahil sa karamdaman, ang kilos ni Mando ay lubos na dahan-dahan.

· Mga Uri ng Pang-abay

1. Pang-abay na Pamaraan (Adverb of Manner) - naglalarawan sa pandiwa.

a. Siya ay mabilis kumain.

b. Mahinahon niyang sinagot ang mga akusa sa kanya.

c. Taimtim na nagdasal ang mga tao nang magkalindol sa Japan.

2. Pang-abay na Panlunan (Adverb of Place) - nagsasaad kung SAAN naganap,ginaganap o gaganapin ang isang pangyayari o kilos. Ito ay kadalasang pinangungunahan ng katagang SA.

Page 10: Bahagi Ng Pananalita

a. Tumira siya sa gubat ng labimpitong taon.

b. Nanatili siyang nakatira roon.

3. Pang-abay na Pamanahon (Adverb of Time) - nagsasaad kung KAILAN naganap, ginaganap at gaganapin ang isang pangyayari o kilos.

a. Pupunta ako bukas sa palengke.

b. Si Anna ay nagpunta na sa simbahan kahapon.

Ang pang-abay na pamanahon ay maaaring may pananda, walang pananda o nagsasaad ng dalas.

May pananda

Nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, hanggang

1. Kailangan ni Ester na magbayad ng buwis nang taun-taon.2. Tuwing Bagong Taon sila nagkakaroon ng reunion.

3. Magbabayad ako ng utang hanggang katapusan ng buwang ito.

Walang pananda

Kahapon, kangina, ngayon, mamaya, bukas, sandali,atb.

1. Magtatanghal kami bukas ng masayang palatuntunan.

2. Magtutungo ngayon sa Indonesia ang ating pangulo upang humingi ng tulong.

Nagsasaad ng dalas

Araw-araw, tuwing,taun-taon, buwan-buwan

1. Tuwing Biyernes lang siya kung maligo.

Page 11: Bahagi Ng Pananalita

2. Ang pamilya Dela Cruz ay nagtutungo sa dalampasigan linggo-linggo.

Ang pang-abay na pamanahon ay may apat na uri:

Payak: bukas, mamaya, ngayonMaylapi: kagabi, samakalawaInuulit: araw-araw, gabi-gabi, taun-taonParirala; noong nagdaang buwan, sa darating na Kuwaresma, sa pagdating ng panahon

4. Pang-abay na Pang-agam - nagbabadya ng di-katiyakan sa pagganap sa kilos ng pandiwa.

a. Marahil ay matututo na siyang magtanda.

b. Baka pumaroon siya sa palengke.

Iba pang pang-abay na pang-agam - siguro, tila, wari.

5. Pang-abay na Panang-ayon - nagsasaad ng pagsang-ayon (tunay, sadya, talaga, oo, opo)a. Opo, magsisimba ako bukas.b. Sadyang malaki ang ipinagbago ng katawan mo dahil sa paghehersisyo.

6. Pang-abay na Pananggi - nag-sasaad ng pagtanggi, tulad ng hindi/di at ayawa. Hindi pa lubusang nalulusaw ang yelo sa pitselb. Kahit na delikado, marami pa rin ang ayaw tumigil sa pagtawid sa gitna ng daan..

7. Pang-abay na panggaano o pampanukat – nagsasaad ng timbang o sukat. Sumasagot sa tanong na gaano o magkano.

1. Naragdagan ang timbang ko nang pitong kilo.

2. Nagalit ang mga pasahero dahil tumagal nang dalawang oras bago dumating ang tren.

8. Pang-abay na Pananong - ginagamit sa pagtatanong ukol sa panahon, lunan, pook, bilang o halaga.a. Ilan taon ka na?b. Magkano ang kilo ng ubas?

9. Pang-abay na Benepaktibo - nagsasaad ng kagalingang dulot para sa isang tao - ang tagatanggap ng kilos.a. Nagluto ng sopas ang nanay para kay Celso.b. Umawit ang nanay para kay bunso.

Page 12: Bahagi Ng Pananalita

10. Pang-abay na Kawsitibo o Kusatibo - nagsasaad ng dahilan. Ito ay binubuo ng sugnay o pariralang nagsisimula sa dahil sa, sapagkat atbp.a. Siya ay nagkasakit dahil sa ambon.b. Nahuli siya sa opisina sapagkat matrapik.

11. Pang-abay na Pangkaukulan - pinangungunahan ng tungkol, hinggil, o ukol.a. Ang seminar ay hinggil sa pagpaplano ng pamilya.b. Ukol sa wastong paggamit ng pataba ang pinag-usapan sa pulong.

12. Pang-abay na kundisyunal - nagsasaad ng kundisyon para maganap ang pandiwa.a. Bubuti ang iyong buhay kung ikaw ay mag-aaral.

b. Kung iiinom ka ng gatas, lulusog ka agad.

13. Katagang pang-bay o ingklitik - na, naman, mana. Si Kiray ay darating na.

b. Papasok siya sa paaralan bumuhos man ang ulan.

· BAHAGI NG PANANALITA - ANG PANG-UKOL (PREPOSITION) Ang Pang-ukol (Preposition) ay bahagi ng pananalitang nag-uugnay sa pangngalan, panghalip, pandiwa at pang-abay na pinag-uukulan ng kilos, gawa, ari, balak o layon.

Dalawang Pangkat ng Pang-ukol

A. Ginagamit bilang pangngalang pambalana (common noun) - mga pantukoy na ang layon, gawa, kilos o ari ay para sa lahat o balana.

Mga Halimbawa:1. Ang tema ng talakayan ay ukol sa kahalagahan ng edukasyon.2. Ang mga donasyong ibinigay ng mga pulitiko ay para sa mga nasunugan.

Page 13: Bahagi Ng Pananalita

3. Ang mga piling guro ay binigyan ng parangal.4. Laban sa pamahalaan ang kanilang isinusulat.5. Ang mga aklat na ito ay para sa batang-lansangan.

B. Ginagamit na pantukoy sa ngalan ng tanging tao - mga pantuloy na ang layon, gawa, kilos o ari ay para sa tanging ngalan ng tao.

Mga Halimbawa:1. Ang librong kanyang binabasa ay ukol kay Imelda Marcos.

2.Para kay Nilo ang asong ito.3. Ayon kay Jose Rizal, ang kabataan ang pag-asa ng bayan.

4. Ang kanilang tinatalakay ay tungkol kay Juan.

Page 14: Bahagi Ng Pananalita

5. Hinggil kay Willie ang kanilang pinag-uusapan.

Iba Pang Uri ng Pang-ukol1. sa , sa mga2. ng, ng mga3. ni, nina4. kay, kina5. sa, kay5. nang may6. alinsunod7. para sa, para kay8. hinggil sa, hinggil kay9. ayon sa, ayon kay10. nang wala

BAHAGI NG PANANALITA: ANG PANGATNIG (CONJUNCTION) Ano ang pangatnig?

Tinatawag na pangatnig ang mga kataga o lipon ng mga salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala sa kapwa parirala at sugnay sa kapwa sugnay upang maipakita ang dalawa o higit pang kaisipan sa loob ng pangungusap. Ang pangatnig ay ginagamit din sa mga pangungusap na tambalan, hugnayan at langkapan.

Mga Uri ng Pangatnig

1. Panapos - pangatnig na nagsasaad na malapit nang matapos ang pagsasalita o ang nais ipahiwatig ng pangungusap.Halimbawa:a. Makukuha ko na rin sa wakas ang inaasam kong promosyon sa trabaho.b. Sa lahat ng ito, dapat tayong magkaisa.c. Sa di-kawasa, ang pagtalakay sa pagpapatalsik kay Ombudsman Gutierrez ay tinapos na ng Kamara.d. Sa bagay na ito, nasa ating mga kamay na ang paghuhusga.

2. Pananhi - nagsasaad ng kadahilanan o katuwiran para sa natapos na kilos.Halimbawa:a. Sumakit ang kanyang lalamunan dahil sa kasisigaw.b. Sanhi sa init ng panahon kaya siya nilagnat.

c. Umapaw ang ilog sapagkat walang tigil ang ulan.d. Nahilo si Anna mangyari ay ikot siya nang ikot.

3. Pamukod - pangatnig na ginagamit sa pagbukod o pagtatangi.Halimbawa:

Page 15: Bahagi Ng Pananalita

a. Kung ikaw o si Liza ang bibigyan ng parangal ay wala akong tutol.b. Batid ko ang pagkapanalo ng ating grupo kung si Roger man ang piliing lider natin.c. Walang diprensiya sa akin maging si Jose ang magwagi sa paligsahan.d. Ni sermunan ni saktan ay hindi ko ginagawa sa aking anak.

4. Paninsay - pangatnig na sinasalungat ng naunang parte ng pangungusap ang ikalawang bahagi nito.Halimbawa:a. Nakatakda siyang umani ng tagumpay kahit (kahit na) maraming naninira sa kanya.b. Nakatapos si Ramon ng medisina bagaman tindera lang sa palengke ang kanyang ina.c. Nanalo pa ring musa si Rosa datapwat may mga kaibigang bomoto sa kalaban niya.d. Mayaman nga si Donya Rustica ngunit matapobre naman.

5. Panubali - nagsasaad ito ng pag-aatubili o pag-aalinlangan.Halimbawa:a. Hindi tayo matutuloy sa sine kapag hindi umuwi nang maaga ang tatay.

b. Sasayaw ako kung aawit ka.c. Pag umulan, hindi makakapunta rito si Boyet.d. Hindi tayo makakahuli ng maraming isda sakaling lumitaw ang buwan.

6. Panimbang - pangatnig na gamit kung naghahayag ng karagdagang impormasyon at kaisipan.Halimbawa:

a. Nagpiknik sa bukid sina Jose at Maria.b. Pati ang gamit ng iba ay kanyang iniligtas.c. Anupa't pinagbuti niya ang kanyang pag-aaral para makaahon sa kahirapan.d. Nagtanim siya ng upo at saka patola.

7. Pamanggit - pangatnig na gumagaya o nagsasabi lamang ng iba.

Page 16: Bahagi Ng Pananalita

Halimbawa:a. Siya raw ang hari ng sablay.b. Sa ganang akin, mali ang paniniwala mo.c. Di umano, mahusay umawit si Blanca.d. Masisipag daw ang mga taga-Ilokos.

8. Panulad - gumagaya o tumutulad ng mga pangyayari, kilos o gawa.a. Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin.b. Kung sino ang unang tumakbo, siyang mananalo.c. Kung gaano ang iyong itinulong, siya ring ibibiyaya sa iyo.

9.Panlinaw - gamit ang pangatnig na panlinaw upang ipaliwanag ang bahagi o kabuuan ng isang banggit.Halimbawa:a. Nahuli na ang tunay na maysala kaya makakawala na si Berto.b. Nagkasundo na ang mga trabahador at may-ari, kung gayon ay magbubukas na ang planta.

BAHAGI NG PANANALITA - ANG PANG-ANGKOP (LIGATURES) ANG PANG-ANGKOP ay mga katagang idinudugtong sa pagitan ng dalawang salita upang maging kaaya-aya ang pagbigkas ng mga ito at magkaroon ng ugnayang panggramatika. Ito ay maaaring matagpuan sa pagitan ng pang-uri at pangngalan. Ang pang-angkop ay ang mga katagang na, ng at g.

NA – ginagamit kung ang nauunang salita ay iuugnay sa sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig (consonant) maliban sa titik na n. Ito rin ang ginagamit sa mga salitang English na inuulit.

Halimbawa:

1. malalim – bangin ===> malalim na bangin2. mataas – tao ===>mataas na tao3. feel – feel ===>feel na feel4. yamot – yamot ===>yamot na yamot

5. tulay – bato ==>tulay na bato

NG – ginagamit kung ang unang salita ng iuugnay ay nagtatapos sa patinig (vowel).

Page 17: Bahagi Ng Pananalita

Halimbawa:

1. malaya – isipan ===> malayang isipan

2. malaki – bahay ===>malaking bahay

3. buo – buo ===> buong-buo4. madamo – hardin ===>madamong hardin5. sombrero – pandan ===>sumbrerong pandan

G – ginagamit an gang iuugnay na unang salita sa sinusundan nito ay nagtatapos sa katinig na n.

Halimbawa:1. aliwan – pambata ====> aliwang pambata2. balon – malalim ===>balong malalim3. pamayanan – nagkakaisa ===> pamayanang nagkakaisa

4. pamilihan – bayan ===>pamilihang bayan

5. institusyon – pangmental ===>institusyong pangmental

Page 18: Bahagi Ng Pananalita

Mga Uri ng Pangungusap MGA URI NG PANGUNGUSAP

A. Ayon sa tungkulin

1 . Mga pangungusap na eksistensyal - nagpapahayag ng pagkamayroon ng isa o higit pang tao, atbp. Pinangungunahan ito ng may o mayroon. Halimbawa: Mayroon daw patimpalak sa plasa. 2. Mga pangungusap na pahanga - nagpapahayag ng damdaming paghanga. Halimbawa: Nakakaaliw ang pagsasayaw nila! 3. Mga sambitlang - tumutukoy sa mga iisahin o dadalawahing pantig na nagpapahayag ng matinding damdamin. Halibawa: Nakupo!4. Mga pangungusap na pamanahon - nagsasaad ng oras o uri ng panahon. Halimbawa: Huli ka na.5. Mga pormularyong panlipunan - mga pagbati, pagbibigay-galang, atbp. na nakagawian na sa lipunang Pilipino. Halimbawa: Magandang gabi po.

B. Ayon sa gamit

Ang pangungusap ay may apat na uri ayon sa gamit. Ang mga ito ay:1. Ang Paturol na pangungusap ay tinatawag ding pasalaysay. Ito'y nagsasalaysay ng isang katotohanan o pangyayari. Ito ay binabantasan ng tuldok. Halimbawa: Si Andres Bonifacio ay ang Ama ng Katipunan.

2. Ang pangungusap na Patanong ay nagpapahayag ng pagtatanong o pag-uusisa. Ito'y gumagamit ng tandang pananong. Halimbawa: May pasok ba bukas?

3. Ang pangungusap na Pautos ay nagpapahayag ng pag-uutos. Ito'y gumagamit ng tuldok tulad ng pasalaysay. Halimbawa: Magdala kayo ng lapis at papel bukas.

4. Ang pangungusap na Padamdam ay nagpapakilala ng isang matinding damdamin ng pagkabigla, pagkainis o pagkagalit. Ito'y gumagamit ng tandang pandamdam.

Halimbawa Naku! May ahas sa puno!

C .Ayon sa kayarian

Ang pangungusap ay may apat na kayarian: payak, tambalan, hugnay at langkapan.

1. Ang Payak na pangungusap ay nagpapahayag ng iisang kaisipan. Maaaring nagtataglay ng payak o tambalang simuno at panaguri. May apat itong kayarian: payak na simuno at payak na panaguri; payak na simuno at tambalang panaguri; tambalang simuno at payak na panaguri; at tambalang simuno at tambalang panaguri.

Mga halimbawa:

Page 19: Bahagi Ng Pananalita

* Ang pamahalaan ay masigasig sa mabilisang pagsugpo ng kriminalidad sa bansa. * Ang mga lalaki at babae ay naghahanda ng palatuntunan para sa darating na pista. * Ang aming pangkat ay naglinis ng mga kalye at nagpinta ng mga pader sa paaralan. * Ang mga guro at mag-aaral ay aawit at sasayaw para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika.

2. Ang Tambalang Pangungusap ay binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na makapag-iisa:

Halimbawa: a. Nagtatag ng isang samahan sina Arnel at agad silang umisip ng magandang proyekto para sa mga kabataan ng kanilang pook. b .Maraming balak silang gawin sa Linggo: magpapamigay sila ng pagkain sa mga batang lansangan, magpapadala sila nga mga damit sa mga batang ulila saka maghahandog sila ng palatuntunan para sa mga maysakit sa gabi.

3. Ang Hugnayang Pangungusap ay binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at isa o dalawang sugnay na di-makapag-iisa.

Halimbawa: 1. Gaganda ang iyong buhay kung susunod ka sa mga pangaral ng inyong magulang. 2. Ang batang na putol ang mga kamay ay mahusay gumuhit.

4 . Ang langkapang pangungusap ay binubuo ng dalawa o mahigit pang sugnay na makapag-iisa at dalawa o mahigit pang sugnay na di-makapag-iisa.

Halimbawa: a. Ang buhay sa mundo ay pansamantala lamang kaya't dapat na tayo ay magpakabuti upang makamit ang kaligayahan sa kabilang buhay. b. Nahuli na ang mga masasamang-loob kaya't payapa na kaming nakatutulog sa gabi, kasi sila lamang ang gumugulo sa amin. c. Ang mga bayani natin ay namuhunan ng dugo upang makamtan ang kalayaan nang ang bayan ay matahimik at lumigaya.