August Issue

8
August Issue 2009 Vol. 1, Issue 8 Page 1 Volume 1, Issue 8 Ang mga miyembro ng Civil Military Operations Battalion na pinamumunuan ni COL BUENAVENTURA C PASCUAL MNSA(INF) PA ay nagdiwang ng ika- tatlong (3) Anibersaryo noong ika -18 ng Agosto 2009 at ito’y ginanap sa NCRCOM, AFP building at St Benedict Church, Camp Emilio Aguinaldo Quezon City. Nagkaroon ng inisyatibang magpa- misa si COL PASCUAL para mag- pasalamat dahil sa hanggang ngayong ay matatag pa rin ang Civil Military Opera- tions Battalion (CMOBn), Philippine Army. Maraming dumalong matataas na opisyales ng National Capital Region Command (NCRCOM), AFP sa pangun- guna ni MAJOR GENERAL JOEGY LEO L FOJAS, Commander ng NCRCOM, AFP bilang pangunahing bisita kasama ang kanyang mga staff officers upang makiisa at makisaksi sa nasabing pagdiriwang. La- hat ng kasundaluhan ng CMOBn na galing pa sa mga kompanya ay dumalo at ang Joint CMO Task Force na bagong tatag lamang noong buwan ng Abril, kasalukuy- ang taon ay dumalo din. Sa pagdiriwang ng CMOBn ay nagkaroon ng presentasyon sa mga bisita sa pamamagitan ng isang dokumentaryo na nagpapakita sa mga sakripisyo ng mga kasundaluhan ng CMO Battalion upang ang misyon nito sa taong bayan ay matagumpay na magampanan. Ipinapakita din dito ang walang sawang paglilingkod at ang pakikipagtulungan sa Iba’t- ibang ahensiya ng Gobyerno lalo na sa mga Barangay para matugunan ang mga problema at pangangailangan ng at- ing mga mamamayan. Masaya ang lahat ng taga-CMOBn dahil kahit paano ay nag- bunga ang kanilang pagod at hirap lalo na noong binigyan ng parangal at importan- sya ng NCRCOM, AFP ang aming Battal- ion Commander na si COL PASCUAL. Ang buong CMOBn ay galak na nagpapasalamat sa taos-pusong pagtang- gap ng mga tao sa aming mga kasundalu- han dahil samakatuwid ay napanatili ang magandang imahe ng mga sundalo sa iba’t-ibang lugar ng NCR. Wari’y pinapa- batid ng mga mamamayan na ipagpatuloy ng CMOBn ang kanilang tungkulin na tu- mulong sa iba’t-ibang uri ng proyekto at aktibidadis para sa pag-asenso ng mga barangay . Mabuhay ang CMOBn at Ma- buhay tayong lahat. Mabuhay ang CMOBn sa kanilang Ika-Tatlong (3) taon na Anibersaryo One Country… One People… One Army... Pagpapasalamat sa mga biyayang natanggap ng CMO Battalion sa ika-tatlong taong aniber- saryo sa pamamagitan ng isang banal na misa.

description

One Country… One People… One Army... Pagpapasalamat sa mga biyayang natanggap ng CMO Battalion sa ika-tatlong taong aniber- saryo sa pamamagitan ng isang banal na misa. Volume 1, Issue 8 Vol. 1, Issue 8 Page 1 August Issue 2009

Transcript of August Issue

Page 1: August Issue

August Issue 2009 Vol. 1, Issue 8

Page 1 Volume 1, Issue 8

Ang mga miyembro ng Civil Military Operations Battalion na pinamumunuan ni COL BUENAVENTURA C PASCUAL MNSA(INF) PA ay nagdiwang ng ika-tatlong (3) Anibersaryo noong ika -18 ng Agosto 2009 at ito’y ginanap sa NCRCOM, AFP building at St Benedict Church, Camp Emilio Aguinaldo Quezon City. Nagkaroon ng inisyatibang magpa-misa si COL PASCUAL para mag-pasalamat dahil sa hanggang ngayong ay matatag pa rin ang Civil Military Opera-tions Battalion (CMOBn), Philippine Army.

Maraming dumalong matataas na opisyales ng National Capital Region Command (NCRCOM), AFP sa pangun-guna ni MAJOR GENERAL JOEGY LEO L FOJAS, Commander ng NCRCOM, AFP bilang pangunahing bisita kasama ang kanyang mga staff officers upang makiisa at makisaksi sa nasabing pagdiriwang. La-hat ng kasundaluhan ng CMOBn na galing pa sa mga kompanya ay dumalo at ang Joint CMO Task Force na bagong tatag lamang noong buwan ng Abril, kasalukuy-ang taon ay dumalo din. Sa pagdiriwang ng CMOBn ay nagkaroon ng presentasyon sa mga bisita sa pamamagitan ng isang dokumentaryo na nagpapakita sa mga sakripisyo ng mga kasundaluhan ng CMO Battalion upang ang misyon nito sa taong bayan ay matagumpay na magampanan. Ipinapakita din dito ang walang sawang

paglilingkod at ang pakikipagtulungan sa Iba’t- ibang ahensiya ng Gobyerno lalo na sa mga Barangay para matugunan ang mga problema at pangangailangan ng at-ing mga mamamayan. Masaya ang lahat ng taga-CMOBn dahil kahit paano ay nag-bunga ang kanilang pagod at hirap lalo na noong binigyan ng parangal at importan-sya ng NCRCOM, AFP ang aming Battal-ion Commander na si COL PASCUAL.

Ang buong CMOBn ay galak na nagpapasalamat sa taos-pusong pagtang-gap ng mga tao sa aming mga kasundalu-han dahil samakatuwid ay napanatili ang magandang imahe ng mga sundalo sa iba’t-ibang lugar ng NCR. Wari’y pinapa-batid ng mga mamamayan na ipagpatuloy ng CMOBn ang kanilang tungkulin na tu-mulong sa iba’t-ibang uri ng proyekto at aktibidadis para sa pag-asenso ng mga barangay . Mabuhay ang CMOBn at Ma-buhay tayong lahat.

Mabuhay ang CMOBn sa kanilang Ika-Tatlong (3) taon na Anibersaryo

One Country… One People… One Army...

Pagpapasalamat sa mga biyayang natanggap ng CMO Battalion sa ika-tatlong taong aniber-saryo sa pamamagitan ng isang banal na misa.

Page 2: August Issue

residente ng Brgy 310 kung saan sila nakatalaga. MCSS.

Libreng Gupit sa JP Laurel High School

Humigit kumulang 125 batang estud-yante ng JP Laurel High School,Quezon City ang nabiyayaan ng libreng gupit mula sa kasundalu-han ng Civil-Military Operations Battalion, Philip-pine Army. Sa initiatiba ni CPT Francis Balan, Commanding Officer ng 3rd CODE Company, ang squad 2-2-3 sa pangunguna ni Sgt Glen Clemente at sa pakikipagtulungan nila kay Brgy Chairwoman Delia Bongbonga at ng principal ng JP Laurel HS na si Dr Loningning Milan, mata-gumpay na isinagawa ang proyektong libreng gupit noong ika-3 ng Agosto 2009. Ito’y nagpa-patunay lamang na ang mga sundalo ng CMO Battalion, Philippine Army ay kaakibat sa pag-palaganap ng pampublikong pangkalusugan at impormasyon hinggil sa kalinisan at kaayusan ng sarili sa pamamagitan ng pagkakaroon ng maayos na gupit. Isa din itong indikasyon na ang mga kasundaluhan natin ay isang kawal na may pagpapahalaga sa kapwa-tao at laging handa sa anumang serbisyo publiko.

Page 2 Volume 1, Issue 8

Balitaan sa Barangay

MEDICAL MISSION SA RECTO matagumpay

Sa pangunguna ni Councilor John Marvin “Yul Servo” Nieto, medical doctors ng Departamento ng Manila Health, resi-dente at opisyales ng Brgy 310, 1301st Dental Dispensary HHSG, medical doc-tors ng Ft Bonifacio Hospital, mga sun-dalo ng CMO Battalion at 1CODE Com-pany sa pamumuno ni 1LT Eliezer Be-jarin, isang matagumpay na Medical Mis-sion ang naganap sa Brgy 310, Zone 31, Recto, Manila noong Ika-29 Agosto 2009. Ang ginanap na medical mission ay isa sa mga proyekto kung saan kaaki-bat ang mga sundalo ng Civil-Military Op-erations Battalion sa patuloy na pagbibi-gay serbisyo publiko sa ating mga kaba-bayan dito sa kalakhang Maynila. Sa pamamagitan ng pakikipagkoordinasyon nina 1LT Bejarin, company commander ng 1CODE Company at 1LT Sudio, mga lokal na pamahalaan at mga iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno, lalong dumami ang nabiyayaan at natulungang mga resi-dente. Humigit kumulang 1,095 residente ang tumanggap ng libreng konsultasyon mula sa mga doctor, 160 residente and nabunotan ng ngipin at 143 ang nagupi-tan. Ito ay ilan lamang sa mga libreng serbisyong hatid ng mga sundalo para sa mga kababayan nating mahihirap. Lubos at galak na nagpa-pasalamat si Councilor Yul Servo lalo na ang mga residente ng Brgy 310, Zone 1, Recto, Manila sa serbisyong hatid ng iba’t ibang sangay ng gobyerno. Ito’y isa lamang indikasyon ng pagmamalasakit ng mga sundalo sa kalusugan ng mga

Mga residente ng Brgy 310 na nabiyayan ng li-breng konsultasyon, gamot, gupit, at dental.

Nakapila ang mga estudyante ng JP Laurel sa libreng gupit hated ng mga sundalong barber ng CMO Battalion.

One Country… One People… One Army...

Page 3: August Issue

nasyon tulad ng Estados Unidos, kung saan ang Kalihim ng Estado na si Hillary Clinton ay nagpa-hayag na si Aquino ay "admired by the world for her extraordinary courage (pinararangalan ng buong daigdigdahil sa di-mapantayan nitong katapangan". Sinabi rin ng Kalihim ng Pahaya-gan ng Puting Bahay (White House) na si Robert Gibbs na "Her courage, determination, and moral leadership are an inspiration to us all and exem-plify the best in the Filipino nation (Ang kanyang katapangan, determinasyon, at marangal na pa-mumuno ay isang inspirasyon sa ating lahat na ipinagmamalaki ang kagalingan ng Bansang Pili-pino." Nagbigay rin ng mga mensahe ang mga ambahador tulad ng sa Tsile. Pinarangalan din ni Papa Benito XVI ang kanyang "courageous com-mitment to the freedom of the Filipino people, her firm rejection of violence and intolerance (matapang na pagtataguyod ng kalayaan ng mamayanag Pilipino at ang kanyang pagtanggi sa karahasan at di-pag-uunawaan," ayon sa Ar-sobispo ng Maynila na si Gaudencio Kardinal Rosales. Sinabi ng Pangulo ng Timog Aprica na si Jacob Zuma na siya ay "a great leader who set a shining example of peaceful transition to de-mocracy in her country (isang magaling na pin-uno na naging isang liwanag sa mapayapang transisyon patungo sa demokrasyang kanyang bayan)." Source: wikipedia

PAALAM CORY Agosto 1, 2009, ginulantang ang buong ba-yan sa pagkamatay ni Cory Aquino, ang ika-11 Presi-dente ng bansang Pilipinas. Namatay si Cory sa sakit na colon cancer sa edad na 76. Si Cory Aquino ang kauna-unahang babae na naging Presidente ng Pilipinas at kauna-unahang babaeng Presidente sa Asya.

Kung matatandaan natin, si Maria Corazon “Cory” Sumulong Cojuangco Aquino ( January 25, 1933 – August 1, 2009) ay binansagang “Icon of Phil-ippine Democracy” na naging Pangulo ng Pilipinas mula 1986 hanggang 1992. Si Cory ay naging asawa ni Senator Benigno Aquino, Jr, isang martir at lider ng oposisyon laban sa diktadoryang pamumuno ni President Ferdinand Marcos. Itinuring na isang ba-yani ng Rebolusyong EDSA ng 1986 si Cory Aquino na nagbalik sa malayang pamamahala sa Pilipinas. Bagamat nagsimula sa buhay politika bilang isang "karaniwang maybahay", kinikilala na siya ngayon ilang isang Simbolo ng Demokrasya sa buong Daig-dig. Inulan siya ng parangal sa pamamagitan ng mga dilaw na laso at konpeti bilang pagkilala sa kanyang dakilang kabayanihan

Sa isang telegrama kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, sinabi ng Pangulo ng Rusya na si Dmitry Medvedev na, “The name of Corazon Aquino is associated with a period of profound reforms and the democratic transformation of Fili-pino society (Ang pangalan ni Corazon Aquino ay maihahabilin sa panahon ng kakaibang reporma at demokratikong pagbabago ng mamayanang Pilipino.” Sinabi rin niya na ang simpatya at interes na ibina-hagi ni Aquino sa bansang Rusya ang nagpalakas sa relasyong Ruso-Pilipino. Maliban sa nabanggit na bansa, nagbigay rin ng mensahe ang iba pang mga

E D I T O R Y A L

Balitaan sa Barangay

Volume 1, Issue 8 Page 3 One Country… One People… One Army...

Page 4: August Issue

  Pinabaunan ng Emilian clap ang tropa ng Speaker’s Bureau ng CIVIL MILITARY OPERATIONS BATTALION nang magsagawa ang mga ito ng infor-mation and awareness drive sa nasabing unibersidad nitong ika-8 ng Agosto na dinaluhan ng apat na raan at labing si-yam (419) na first year college students na naka-enroll sa NSTP o National Ser-vice Training Program. Naisakatuparan ang nasabing info drive base na rin sa kahilingan ng pamunuan ng nasabing unibersidad sa pamamagitan ng NSTP Director na si MS ROSE LEGASPI. Mainit namang tinanggap ng NSTP Coordinator ng EAC-Cavite na si MRS CORAZON RAMIREZ ang Speaker’s Bureau Team ng CMO Battalion sa pangunguna ng Operations Officer nito na si CAPT MARIO JOSE CHICO. Naunang naisagawa ang katu-lad na aktibidad sa EAC-Malate Campus nitong nakalipas na buwan na kung saan nakita ng pamunuan ng paaralan ang kahalagahan ng mga impormasyong naibabahagi sa mga estudyante kung kaya’t hiniling din na maisagawa ito sa Cavite Campus. Sa welcome remarks ni Mrs Ra-mirez binigyag diin nito na malaki ang kanilang ipinagpapasalamat sa CIVIL MILITARY OPERATIONS BATTALION na pinamumunuan ni COL BUENAVEN-TURA C PASCUAL dahil alam umano

nilang mga guro na mamumulat sa tamang pananaw ang mga Emilians. Binigyang diin ni Mrs. Ramirez na tiyak na magiging gabay sa kanilang mga estudyante ang kanilang mga matutunan sa nasabing info drive hindi lamang sa kanilang mga makakasalamuhang tao, higit sa lahat sa mga grupong maaring manghikayat sa kanila. Matapang namang inamin ng isang estudyanteng babae na sa kasaluku-yan, siya ay miyembro na ng League of Filipino Students o LFS, pero binigyang diin ni “WILMA” na hindi na siya dadalo pa sa anumang mga pagpupulong, seminars o kahit na anong actibidad sa mga susunod na panahon. Sapat na umano ang kanyang mga nalaman base sa mga ipinaliwanag ni CAPT CHICO at napanood na mga video clips para magdesisyong tuluyan nang putulin ang koneksiyon sa nasabing organisasyon. Sumapi lamang umano siya sa nasabing grupo

UNANG TAON NG CMO BATTALION SA EMILIO AGUINALDO COLLEGE – CAVITE, POSITIBO

Volume 1, Issue 8 Page 4

Balitaan sa Barangay

Nagibibigay ng mahalagang impormasyon si Bb Agnes Reano sa mga estudyante ng Emilio Agui-naldo Collge, Dasmarinas, Cavite.

One Country… One People… One Army...

Page 5: August Issue

dahil sa kagustuhang maging isang “kabataang may pakialam” pero kung ang pakikialam umanong iyon ang magiging da-hilan ng pagkasira ng kanyang pag-aaral, pagkawasak ng kanyang buhay at pag-kasira ng kanilang pamilya, sinabi ni Wilma na dapat umano niyang unang pakialaman ang magiging kahihinatnan ng kanyang bu-hay at pag-aaral. Ayon kay Wilma sang-ayon siya na napakahusay talagang mam-bitag ang mga miyembro ng mga prenteng organisasyon, dahil kung magsalita ang mga ito, animo mga totoong may konserna sa kinabukasan ng mga kabataan. Idinag-dag pa ni Wilma na kung totoong may kon-serna ang mga ito, dapat na hindi nila hini-himok ang mga estudyante na umakyat ng bundok, humawak ng armas at sumama sa madugong pakikipaglaban. Mayorya sa mga estudyante sa criminology ay nagsasabing malaking tu-long sa kanila ang mga impormasyong kanilang natutunan dahil sa linya ng kanilang trabahong mapupuntahan sa oras na sila ay maka graduate sa kole-hiyo. Ayon sa isang estudyante na nag-pakilalang si “CALBS” ang kanyang mga natutunan ay hindi nababasa sa anumang libro at hindi rin umano basta-basta narere-search sa kung saan, kung kaya’t malaking tulong talaga sa kanya bilang isang crimi-nology student, at nagpapasalamat umano siya sa CMO Battalion dahil sa sipag nitong makarating sa kanilang paaralan sa kabila umano na ang sakop lamang ng unit ay ang buong kamaynilaan. Ayon kay Calbs napatunayan niyang totoo nga palang

walang boundary ang paglilingkod ng mga kasundaluhan. Idinagdag pa ni Calbs na tiyak na ang pagsusundalo ang kanyang pipiliing propesyon sa oras na maka-graduate siya sa kolehiyo.

Ayon kay Joy Ocampo isang First Year ROTC sa Unibersidad de Manila noong ika-23 ng Agosto. “Marami po kaming natutunan at nakuhang aral sa Educational Information Awareness Drive na ipinapabatid ng Civil Military Opera-tions Battalion ng Philippine Army, dito sa aming paaralan. Labis kaming natuwa da-hil nalaman at namulat kami sa katoto-hanan na ang prenteng grupo ay nagpa-panggap lamang pala at ang tunay na layunin nito sa ating bansa masama. Ngayon, alam na din po namin kung ano ang mga kumunistang grupo na sumisira sa ating bayan at lalong-lalo na sa mga estudyante sa iba’t – ibang Unibersidad o paaralan dito sa Lungsod ng Maynila.

Volume 1, Issue 8 Page 5

Balitaan sa Barangay

PAGMUMULAT NG MGA ESTUDYANTE TUNGKOL

SA PRENTENG GRUPO NG CPP/NDF/NPA DITO

SA UNIBERSIDAD

Mariing nakinig ang mga estudyante ng Unibersi-dad de Manila sa Info Drive ng CMO Battalion.

One Country… One People… One Army...

Page 6: August Issue

Volume 1, Issue 8 Page 6

“Sobrang gulat namin dahil ang mga re-cruiters ay katulad din naming mga estud-yante at wala kaming kamalay – malay sa mga ginagawa at sinasabi nila upang ma-kumbinsi kaming mga mag-aaral na papa-sok sa kanilang kumunistang grupo na NPA”. Ito ang batid ng halos karamihan ng mga mag-aaral ng Kalakhang Maynila sa mga tagapagsalita ng Information and awareness drive ng CMOBn, PA. Sa matiyagang pakikinig ng mga estyudyante ng Unibersidad sa Awareness drive, halos lahat sila ay namulat at nala-man din nila na may mga prenteng grupo ng CPP/NDF/NPA na pumapasok sa mga paaralan at nagkukunwari na estudyante upang madali nilang mahikayat ang kanilang mga prospecto. Malayang nagta-nong at nagsabi ang mga estudyante ng unibersidad kay CPT MARIO JOSE CHICO, tagapagsalita ng Information drive, at doon nila nalaman na may mga iba’t – ibang paraan ang mga recruiters ng NPA upang makuha ang kalooban ng mga inosenteng mga estudyante sa mga paaralan. Ngayon ang mga estudyante ay ha-los natatakot nang makihalubilo sa mga ibang grupo sa loob ng kanilang paaralan. Ngayon ay tinanim na nila sa kanilang kaisipan na dapat muna nilang kilalalaning mabuti ang kanilang magiging kaibigan na kapwa estudyante sa kanilang

pinapasukan na Unibersidad, upang mai-wasan nilang maging isa sa miyembro ng mga preneteng grupong CPP/ NPA/ NDF at para hindi sila matulad sa si-nasapit ng ibang kapwa estudyante na naloko lamang ng komunistang NPA, la-hat ng kanilang kinabukasan at magan-dang pangarap sa buhay ay tuluyang nawasak at tuluyang nasira dahil sa pag-sama lang nila sa prenteng grupo. Kaya ang mga ibang guro at mga estudyante ay humihiling uli ng pag-kakataon para magkaroon muli ng edu-cation and Awareness Drive sa kanilang Unibersidad, para sa kanilang mga kaiskwela na di pa nakakaalam nitong programa at para lalong mabigyan ng gabay ang kanilang mga kaisipan tung-kol sa mga nangyayari sa loob ng kanilang paaralan at para din malaman ang tunay na kulay ng mga prenteng grupo ng kumunista CPP/NDF/NPA. Labis nilang pinapasalamatan ang CMOBn sa kanilang walang sawang pagbibigay aral tungkol sa karanasan ng mga Rebel Returnee na ngayon ay nag-balik loob sa ating gobyerno. Ang CMOBn ay labis na nagpapasalamat sa mainit na pagtatanggap ng mga guro at estudyante sa paaralan ng Universidad ng Maynila.

Balitaan sa Barangay

PAGMUMULAT NG MGA ESTUDYANTE TUNGKOL

SA PRENTENG GRUPO NG CPP/NDF/NPA DITO

SA UNIBERSIDAD

“Huwag magpalinlang sa mga prenteng grupo ng CPP-NPA-NDF,” isang babalang mensahe para sa mga estudyante ng Unibersidad de Manila.

One Country… One People… One Army...

Page 7: August Issue

Kilalanin si Jose Rizal Bayani ng Rebolusyonary-ong Pilipino. Si Jose Protacio Rizal Mercado ay an gating Philippine National Hero. Siya ang sumulat ng

Noli Me Tangere at La Solidaridad at ang nagtatag ng La Liga Filipina. Ipinanganak noong ika-19 ng Hunyo 1861 sa Calamba, Laguna at ikapito sa mag-kakapatid na anak nina Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Siya ay namatay noong ika-30 ng Disyembre sa Bagumbayan ( Luneta ngayon).

Bilang isang estudyante, si Jose Rizal at nag-aral sa Biñan sa pagtuturo ni G. Justiniano Aquino Cruz at kalaaunan sa Ateneo Municipal de Manila. Natanggap niya ang Bachelor of Arts noong ika-14 ng Marso 1877 na may pinakamataas na an-tas na o sobresaliente. Nag-aral si Rizal ng Pi-losopiya at Sulat sa Unibersidad ng SantoTomas at Agricultura sa Ateneo de Municipal de Manila. Pu-

munta siya ng Europa noong ika-5 ng Mayo 1882 at nag-aral ng Medisina at Pilosopiya at Sulat sa Madrid at nagtapos noong 1884 at 1885.

Sinimulan niyang sulatin ang Noli Me Tangere ( The Social Cancer) noong 1884 and naimprinta ng 2,000 kopya sa Berlin, Germany noong 1886 pero nailabas lamang ang libro noong 1887. Ka-sunod nito ang El Filibusterismo nanaimprinta sa Gante, Belgium noong 1891. Naitatag niya ang La Liga Filipina, isang sikretong organisasyon noong ika-3 ng Hulyo 1892. Naglalayon nito na baguhin ang pagpapatupad ng batas ng gobyerno na dapat isang-ayon sa maayos na pamamalakad. Sa pan-gunguna ni Captain General Despujol, pinatapon si Rizal sa Dapitan sa suspetsang sangkot si Rizal sa rebelyon. Sa Dapitan, nagbukas siya ng isang paaralan na may 14 mag-aaral. Noong ika- 29 ng Disyembre 1896 sinulat niya ang Last Farewall (Mi Ultimo Adios) at piñata kinabukasan sa Bagumba-yan (Luneta).

Volume 1, Issue 8 Page 7

Balitaan sa Barangay

B A L I T A A N S A B A R A N G A Y …. TUNGO SA MAUNLAD, MATIWASAY AT NAGKAKAISANG KOMUNIDAD!!!

OPISYAL NA BUWANANG PAHAYAGANG PANG-BARANGAY NG CIVIL-MILITARY OPERATIONS BAT-TALION, CIVIL-MILITARY OPERATIONS GROUP, PHILIPPINE ARMY NA MAY HEADQUARTERS SA JUSMAG VILLAGE, FT. BONIFACIO, TAGUIG CITY. ANO MANG KOMENTO, SUHESTYON O KONTRIBUSYON NA NAIS IBAHAGI AY PWE-DENG IPAHATID SA MGA SUMUSUNOD:

TELEFAX: 845– 9555 LOC 6433 Website: www.cmobn.com

E– MAIL: [email protected] Friendster: [email protected] CELLPHONE:: 09229596385/ 09167703289

ONE COUNTRY… ONE PEOPLE… ONE ARMY!!!

Ri l b bl th t

One Country… One People… One Army...

Page 8: August Issue

Volume 1, Issue 8 Page 8

Balitaan sa Barangay

Isang gabi sa may kisame ng bahay, may dalawang dagang nagpapayabangan.

One Country… One People… One Army...

Alam mo ba pare tanga tanga talaga ang amo ko. Binigyan ba nman ako ng piso para bumili ng sampung case na Red horse , Eh hindi man lang niya inisip na hindi ko kayang bu-hatin ang lahat na iyon.

Yes Boss, Manager, Amo! ano po ba ang maipagliling-kod ko sa inyo.?

Boknoy ! Pu-m u n t a k a ngayon sa o f f i c e k o . Ngayon din ha, at tignan mo kung nandoon ako sa table ko.

Pare ano na naman iyang pu-masok sa utak mo, mukhang pinasukan ata ng daga ah.

Mas Tanga ang amo ko. Biruin mo ba naman na papuntahin ako sa opisina niya para tig-nan lang kung nandoon siya, pinagod pa ako. Loko-loko talaga Eh pwede namang tawagan kung nandoon siya.

Ano Pare! Mas-ma la la d iba , Umalis agad. Hindi nagisip. O nagtanung.

Ride away sir..!

O k e y n a m a n ata ah..

Pare mukhang balisa ka ngayon? Mukhang may problema ka. Tuma-tanda kasi ang mukha mo ngayon.

Pareng Juan may problema nga ako . Alam mo ba .ang aking boy sa bahay ay sobrang tanga, Teka ma-tawag nga para makita mo pare.

Popoy !! Halika nga dito may iuutos lang ako sa iyo saglit.

Isang Araw nagkita ang magkapit bahay sa labas ng kanilang ba-kuran na si Pareng Juan at Pedro ngunit may napansin si Juan sa kanyang kapitbahay.

Unggoy! Hindi ah. Ipapakita ko sa iyo kung pano kumain ng keso kahit nasa mouse trap pa ito ng hindi ako madadale..

Wala yan, panis iyang ginawa mo. nagawa ko na kaya iyan noong na-karaang taon, luma na iyan. Eto kaya mo kakainin ko itong keso na may palamang rat killer, nang hindi ako malalason.

Teka saan ka naman pupunta, Mr Playboy?

Kayong dalawa gabing-gabi na, ang iingay niyo pa. Eh mga panis naman iyang pinag-gawa niyo. limang taon nang nakalipas. Pauli-ulit ko lang na ginagawa iyan .Hmp! Makaalis na nga.

Eto ang bago , Manood kayo, kung paano manggahasa ng PUSA. Hehehehehe...

?

Mayabang kang unggoy ka.

Yes sir ! Anu po ba ang maipaglilingkod ko po sa iyo.?

M u k h a n g okey naman siya ah.

Popoy . Eto ang Piso at bumili ka ng sam-pung case na Red h o r s e n g a y o n g din.

Yes sir!

Oo nga pare, pero masmalala ang boy ko. Teka ma-tawag din. Bok-noy!!!... Halika dito.