Araling Panlipunan · 2020. 11. 7. · nakapagsusuri ng mga sinaunang kabihasnan ng Egypt,...
Transcript of Araling Panlipunan · 2020. 11. 7. · nakapagsusuri ng mga sinaunang kabihasnan ng Egypt,...
-
Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 5:
Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig
8
-
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 5: Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V Ronelo Al K. Firmo, PhD, CESO V Librada M. Rubio, PhD Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: [email protected]
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Glenda P. Del Rosario
Tagasuri ng Nilalaman: Rowel S. Padernal / Angelica M. Burayag, PhD
Mary Jane P. Soriano / Ma. Leonora B. Cruz
Tagasuri ng Wika: Nenita J. Barro / Ma. Leonora B. Cruz
Babylyn M. Demetion / Erfe Donna A. Aspiras
Edelwiza L. Cadag
Tagasuri ng Pagguhit/Paglapat: Jonathan Paranada / Ryan Corpuz Pastor
Tagaguhit: Joey-Rey D. Magracia
Tagalapat: Phoebe Marie B. Santarromana
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, EdD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD
Angelica M. Burayag, PhD
Ma. Editha R. Caparas, PhD
Nestor P. Nuesca, EdD
Marie Ann C. Ligsay, PhD
Dominador M. Cabrera, PhD
Edward C. Jimenez, PhD
Ma. Leonora B. Cruz
-
8
Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 5:
Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig
-
ii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang
mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.
-
iii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 8 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul ukol sa Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig!
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.
Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Alamin
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
dapat mong matutuhan sa modyul.
Subukin
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung
ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.
Balikan
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
-
iv
Isaisip
Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Tayahin
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang
Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa Pagwawasto
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat
ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
-
1
Alamin
Ang modyul na ito ay ginawa upang makatulong na higit mong maunawaan
ang aralin tungkol sa mga sinaunang kabihasnan sa Daigdig. Pagtutuonan nang
pansin sa ating pag-aaral sa modyul na ito ang mga mahahalagang bagay o datos
na naglalarawan sa mga sinaunang kabihasnang umunlad sa mga lambak-ilog at
kung paano sila nakapagtatag ng mauunlad na pamayanan at nakapagtaguyod ng
kabihasnan.
Ang modyul na ito ay nahahati sa mga sumusunod na paksang talakayan:
Talakayan 1 – Kabihasnang Mesopotamia
Talakayan 2 – Kabihasnang Indus
Talakayan 3 – Kabihasnang Tsino
Talakayan 4 – Kabihasnang Egyptian
Pagkatapos na mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang
a. nakapag-iisa-isa ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig na sumibol sa
mga lambak-ilog;
b. nakapagsusuri ng mga sinaunang kabihasnan ng Egypt, Mesopotamia,
India at China batay sa politika, ekonomiya, kultura, relihiyon, paniniwala
at lipunan; at
c. nakapagpahahalaga sa pagsisikap ng mga sinaunang tao na
makapagtatag ng mauunlad na pamayanan.
-
2
Subukin
Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat ito sa
iyong sagutang papel.
1. Ano ang tumutukoy sa maunlad na pamayanan at may mataas na antas ng
kulturang kinakitaan ng organisadong pamahalaan, kabuhayan, relihiyon,
mataas na antas ng teknolohiya, at may sistema ng pagsulat?
A. imperyo C. kalinangan
B. kabihasnan D. lungsod
2. Ano ang tanyag na gusali sa Babylonia na ipinagawa ni Nebuchadnezzar para
sa kaniyang asawa at napabilang sa Seven Wonders of the Ancient World?
A. Taj Mahal C. Pyramid
B. Ziggurat D. Hanging Gardens
3. Aling pahayag ang may wastong impormasyon batay sa lipunang Egyptian
noong sinaunang panahon?
A. May pagkakapantay-pantay sa lipunang Egyptian.
B. Ang mga alipin at mangangalakal ay may pantay na karapatan.
C. Mas mataas ang posisyon ng paring Egyptian kaysa sa mandirigma.
D. Ang pharaoh, maharlika at magsasaka ang nasa mataas na antas.
4. Ano ang unang imperyo sa daigdig na itinatag ni Sargon I?
A. Sumer C. Akkad
B. Babylonia D. Chaldea
5. Ano ang isa sa mga pinakaunang naisulat na batas sa kasaysayan na
naglalaman ng 282 Batas ng Babylonia?
A. Kodigo ni Hammurabi C. Kodigo ni Naram Sin
B. Kodigo ni Sargon D. Kodigo ni Cyrus the Great
6. Alin sa sumusunod ang imperyong itinatag ng mga Persian?
A. Imperyong Achaemenid C. Imperyong Chaldean
B. Imperyong Akkadian D. Imperyong Assyrian
7. Sino ang mga katutubo ng India na sinasabing bumuo ng Kabihasnang
Indus?
A. Aryan C. Dravidian
B. Sumerian D. Akkadian
8. Ano ang tawag sa nabuong sistema ng pagsulat ng mga Sumerian?
A. cuneiform C. hieroglyphics
B. pictogram D. calligraphy
9. Sino sa mga sumusunod ang kinilalang pinakamahusay na pinuno ng
Imperyong Maurya?
A. Asoka C. Akbar
B. Chandragupta I D. Babur
-
3
10. Ano ang tawag sa nabuong sistema ng pagsulat ng mga Tsino?
A. cuneiform C. hieroglyphics
B. pictogram D. calligraphy
11. Ano ang tawag sa mga tortoise shell at cattle bone na ginagamit upang
mabatid ang mensahe o saloobin ng mga diyos ng mga Tsino?
A. oracle bones C. sacrificial bones
B. plate D. clay tablet
12. Ano ang tawag sa nabuong sistema ng pagsulat ng mga Egyptian?
A. Cuneiform C. Hieroglyphics
B. Pictogram D. Calligraphy
13. Ano ang taguri sa pinuno ng sinaunang Egypt?
A. emperador C. hari
B. paraon D. mananakop
14. Alin sa sumusunod ang sinaunang paniniwala ng mga pinunong Tsino na
may pahintulot ang langit na pamunuan ang China?
A. Divine Origin C. Mandate of Heaven
B. Devaraja D. Caliph
15. Alin sa sumusunod ang nangangahulugang panahon ng kapayapaan na
naranasan sa Dinastiyang Yuan?
A. Pax Mongolica C. Sphere of influence
B. Mandate of Heaven D. Nobility Rule
-
4
Aralin
1 Sinaunang Kabihasnan sa
Daigdig
Ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig ay sumibol sa mga lambak-ilog ng
Mesopotamia, Indus, Tsino at Egypt. Ang kabihasnan ay tumutukoy sa maunlad na
pamayanan at may mataas na antas ng kulturang kinakitaan ng organisadong
pamahalaan, kabuhayan, relihiyon, mataas na antas ng teknolohiya, at may sistema
ng pagsulat. Nalinang ng mga sinaunang tao ang mga kasanayan sa iba’t ibang
larangang nagpaunlad sa kanilang pamumuhay. Sa modyul na ito, pagtutuonan mo
ng pag-aaral ang mga mahahalagang pangyayari sa mga sinaunang kabihasnan sa
daigdig. Susuriin din ang mga aspektong humubog sa pamumuhay ng mga
nanirahan sa mga kabihasnang ito.
Balikan
Sa nakaraang aralin, natalakay ang impluwensya ng heograpiya sa pag-unlad
ng mga sinaunang kabihasnan. Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na
katanungan batay sa iyong natutuhan sa nakaraang aralin.
• Sa iyong pagkaunawa, paano nagkatulad ang katangiang heograpikal ng mga
sumibol na sinaunang kabihasnan sa daigdig?
• Paano nakatulong ang katangiang heograpikal na ito sa pamumuhay ng mga
sinaunang tao?
Mga Tala para sa Guro
Mahalagang balikan ang datos tungkol sa pagkakatulad ng
heograpikal na kalagayan ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.
Nagsimula sa malawak na lupaing tinatawag na lambak-ilog ang
pagsibol at pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan. Ang regular na
pag-apaw ng ilog ay nag-iiwan ng banlik (silt) na nagdudulot ng pagtaba
ng lupain sa bahagi ng rehiyong ito na mainam para sa pagtatanim.
Ang pag-unlad ng pagsasaka ay nagbigay-daan sa pakikipag-ugnayan
sa mga karatig lugar at pakikipagkalakalan.
-
5
Tuklasin
Simulan ang iyong pagkatuto sa pamamagitan ng isang gawaing nakikita sa
ibaba. Masagot mo kaya? Pagkatapos ay basahin mo ang teksto ng aralin at unawain
mo ang mga kataga at salitang iyong pinag-isipan sa bahaging ito.
Nasa loob ng mga kahon ang magulong ayos ng mga titik. Ayusin mo ito upang
mabuo ang salitang tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.
1. Ito ang itinuturing na kauna-unahang
kabihasnan sa daigdig.
2. Sa lambak na ito sumibol ang kambal na
lungsod ng Harappa at Mehenjo-Daro.
3. Ito ang itinuturing na pinakamatandang
kabihasnang nananatili sa buong daigdig
hanggang sa kasalukuyan.
4. Ito ay tinawag na “The Gift of the Nile”
dahil kung wala ang ilog na ito, ang buong
lupain nito ay magiging isang disyerto.
5. Sa rehiyong ito sumibol ang mga
sinaunang kabihasnan sa daigdig.
O S A T O P M E I A M
D N U S I
T N O I S
P Y G T E
I O L G - K B A M L A
-
6
Maglalakbay tayo sa nakaraan, tatahakin natin ang landas ng mga sinaunang
tao na nakapagtatag ng mauunlad na pamayanan at nakapagtaguyod sa mga
sinaunang kabihasnan ng Mesopotamia, Indus, Tsino at Egypt.
Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Asya
Ang Mesopotamia ang itinuturing na lunduyan ng kabihasnan sapagkat ito
ang pinag-usbungan ng mga kauna-unahang lungsod sa daigdig. Sa kasalukuyan,
ito ay matatagpuan sa Iraq at bahagi ng Syria at Turkey.
Sumerian (3500 – 2340 B.C.E.)
• Itinuturing ang Sumer na pinakaunang sibilisasyon sa Mesopotamia.
• Nakapagtatag ng malayang lungsod-estado o city-estate na pinamunuan ng isang
paring-hari, isang pari na nagsisilbing hari rin ng mga Sumerian.
• Nabuo ang 12 lungsod-estado tulad ng Eridu, Kish, Lagash, Uruk, Ur, Nippur at
iba pa na bawat isa ay may sariling pamahalaan na pinamunuan ng isang hari.
• Naniniwala sa maraming diyos at diyosa na anthropomorphic o may katangian at
pag-uugaling tao. Bunga ng paniniwalang ito, nagtayo sila ng templo na magiging
tahanan ng kanilang diyos, ang Ziggurat.
• Sa pamamagitan ng kanilang sistema ng pagsulat na tinatawag na cuneiform
(hugis-sinsel) naitala ang mga kaganapan sa lipunan.
• Ang mga Sumerian ay mga magsasaka na nagtayo ng mga kanal at dike,
gumamit ng araro sa pagsasaka, at gulong sa paglipat ng kanilang mga pananim
sa ibang lugar. Nag-alaga sila ng mga baka, tupa, kambing at baboy.
• Dahil sa madalas na tunggalian ng mga lungsod-estado tungkol sa lupa at tubig,
hindi nakabuo ng matatag na pamahalaan ang mga Sumerian.
Akkadian (2340 – 2100 B.C.E.)
• Itinatag ni Haring Sargon I ang Imperyo ng Akkad, ang itinuturing na kauna-
unahang imperyo sa daigdig.
• Si Sargon I ay nagmula sa hilagang bahagi ng Mesopotamia sa lungsod-estado
ng Akkad o Agade.
• Ang imperyong pinasimulan ni Sargon I at ipinagpatuloy ng kanyang mga anak
ay tumagal lamang nang halos 150 taon.
• Isa sa pinakahuling mahusay na pinuno ng mga Akkadian ay si Naram-Sin (2254
BCE – 2218 BCE).
• Noong 2100 BCE, panandaliang nabawi ng Ur sa ilalim ng pamumuno ni Ur-
Nammu ang kapangyarihan at pinamunuan ang Sumer at Akkad.
• Bumagsak ang Dinastiyang Ur sa pagsalakay ng mga Amorite at Hurrian sa
Mesopotamia.
Suriin
-
7
Babylonian (1792 – 1595 B.C.E.)
• Ang lungsod ng Babylon ay nagsimulang lumakas na humantong sa pagsakop
ng Mesopotamia.
• Itinatag ni Haring Hammurabi ang Imperyong Babylonia at ginawang kabisera
ng imperyo ang Babylon.
• Code of Hammurabi o Kodigo ni Hammurabi, ay ang katipunan ng 282 batas sa
Babylonia na ipinatipon ni Hammurabi upang maging batayan ng imperyo
• Nang mamatay si Hammurabi ay nagkawatak-watak ang kaharian ng Babylon.
• Noong 1595 B.C.E., sinalakay ng mga Hittite mula sa Anatolia ang Babylon.
• Ang mga Hittite ay napatanyag sa pagmimina ng iron ore at paggawa ng mga
kagamitang bakal.
Assyrian (1813 – 605 B.C.E.)
• Noong 1120 B.C.E., si Tiglath-Pileser I (1114 B.C.E.–1076 B.C.E.), ang
kinikilalang pinakamahusay na hari ng Assyria, ay nagawang supilin ang mga
Hittite at naabot ang baybayin ng Mediterranean at itinatag ang Imperyong
Assyrian.
• Naging makapangyarihan ang Assyria sa panahon ni Tiglath-Pileser III (745
B.C.E.–728 B.C.E.). Isang henyo sa larangan ng militar, sinakop niya ang
Armenia, Syria, Egypt at iba pang bansa.
• Si Ashurbanipal (668 B.C.E.-627 B.C.E.) ay isa sa mga haring kinakitaan ng
maayos na pamamahala at nakilala siya bilang tagapagtatag ng unang aklatan
sa daigdig.
• Pinabagsak ng mga Chaldean ang Assyria sa isang pag-aalsa.
Chaldean (612 B.C.E. – 539 B.C.E.)
• Si Nabopolassar (612 B.C.E.-605 B.C.E.) ang nagtatag ng bagong imperyo ng
Babybonia matapos pangunahan ang isang pag-aalsa laban sa Assyria.
• Tuluyang naigupo ni Nebuchadnezzar II (605 B.C.E.-562 B.C.E.), anak ni
Nabopolassar ang natitirang hukbo ng Assyria noong 609 B.C.E. Sa ilalim ng
kanyang pamumuno, natamo ng Babylonia ang rurok ng kadakilaan.
• Ipinagawa niya ang Hanging Garden of Babylon para sa kanyang asawa na si
Amitis, kinilala ito ng mga Greek bilang isa sa Seven Wonders of the Ancient
World.
• Noong 539 B.C.E., nilusob ni Cyrus the Great ng Persia ang Babylon.
Persian (539 B.C.E. – 330 B.C.E.)
• Nagtatag ng isang malawak na imperyo na tinawag na Imperyong Achaemenid.
• Sa pamumuno ni Cyrus the Great (559 B.C.E.-530 B.C.E) napasailalim sa
imperyo ang mga Medes at Chaldean sa Mesopotamia at ang Asia Minor (Turkey)
• Sa panahon ni Darius the Great (521 B.C.E.-486 B.C.E.) umabot ang sakop ng
imperyo hanggang India. Hinati ang imperyo sa mga lalawigan o satrapy at
pinamahalaan ng gobernador o satrap.
• Nagpagawa ng isang Royal Road na tinatayang may habang 1,677 milya mula sa
Sardis hanggang Susa kung saan naglakbay ang mga mangangalakal, opisyal at
mensahero ng imperyo.
• Nagsulong ang mga Persiano ng relihiyong Zoroastrianism na ipinangaral ni
Zarathustra o Zoroaster.
-
8
Ang Kabihasnang Indus sa Timog Asya
Sa Rehiyong Timog Asya nagsimula ang Kabihasnang Indus na nakasentro sa
mga lambak ng Ilog Indus. Sa bahaging ito umunlad ang kambal na lungsod ng
Kabihasnang Indus: ang Harappa at Mohenjo-Daro.
Harappa
Ito ay natagpuan sa kasalukuyang
Punjab na bahagi ng Pakistan. May
350 milya ang layo nito mula sa
Mohenjo-Daro pahilaga.
Mohenjo-Daro
Ito ay nasa katimugang bahagi
ng daluyan ng Indus River.
• Tinatayang umusbong ang mga lungsod noong 2700 B.C.E. – 1500 B.C.E.
• Ang mga Dravidian ang mga unang nanirahan sa India at nagtatag ng mga
lungsod ng Mohenjo-Daro at Harappa.
• Planado at malalapad ang kalsada sa lungsod. Ang mga gusali ay hugis-parisukat at ang mga kabahayan ay may malalawak na espasyo.
• Ang pagkakaroon ng mga palikuran ng mga kabahayan ay itinuturing na
kauna-unahang paggamit sa kasaysayan ng sistemang alkantarilya o
sewerage system.
• Pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay ng mga tao.
• May mga nahukay na relikyang nagpapatunay na nakipagkalakalan ang sinaunang India sa Mesopotamia tulad ng mga inukit na batong seal na ginamit sa pagtatak ng mga kalakal.
• Ang pagtatapos ng Kabihasnang Indus ay may iba’t ibang paliwanag, ang isa dito ay dahil sa paglusob ng mga pangkat nomadiko-pastoral mula sa Gitnang
Asya, kabilang ang mga Aryan.
Ang Panahong Vedic
(1500 – 500 B.C.E.)
• Dinala ng mga Aryan sa rehiyong ito ang wikang
tinatawag na Indo-European, nabibilang dito ang wikang
klasikal ng panitikang
Indian, ang Sanskrit.
• Ang salitang “Arya” ay nangangahulugang marangal
sa wikang Sanskrit.
• May 4 na sagradong aklat ang mga Aryan na tinatawag
na Vedas: ang Rig Veda, Sama Veda, Yajur Veda, at
Atharva Veda. Ang Vedas ay tinipong himnong pandigma, mga sagradong ritwal, mga
sawikain at mga salaysay.
Makikita sa Vedas kung paano namuhay
ang mga Aryan sa Panahong Vedic.Nabuo ang Sistemang Caste sa India na hango sa
salitang casta na nangangahulugang “angkan.” Ito ang pag-uuri ng tao sa
lipunan.
Brahmin kaparian
Kshatriya
mandirigma
Sudra Magsasakang walang sariling
lupa, Dravidian, inapo ng Aryan na nakapag-asawa ng hindi Aryan
Pariah (untouchable)
Naglilinis ng kalsada, nagsusunog ng mga patay, at nagbibitay sa mga kriminal
SISTEMANG CASTE
Vaisya
Mangangalakal, artisan, magsasakang may lupa
-
9
Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya
Ang Kabihasnan sa China ay umusbong sa tabing-ilog, malapit sa Yellow River o Huang Ho. Tinawag ang ilog na ito na “River of Sorrow” dahil sa pinsalang
hatid nito tuwing umaapaw at nagdadala ng nakapipinsalang baha. Dahil sa
kanilang paniniwala na sila lamang ang mga sibilisadong tao sa gitna ng mga tribu
ng mga barbaro, tinawag nila ang kanilang lupain bilang Zhongguo na
nangangahulugang Middle Kingdom o Gitnang Kaharian. Naniwala din ang mga
Tsino sa Mandate of Heaven o Basbas ng Kalangitan na ang emperador ay
namumuno sa kapahintulutan ng langit. Kapag siya ay naging masama at mapang-
abuso, ay babawiin ng kalangitan ang basbas sa anyo ng lindol, bagyo, tagtuyot,
peste o digmaan.
Iisa-isahin mo sa sumusunod na buod ang pinagdaanang panahon at
kabihasnan ng China.
Mga Imperyong Naitatag sa India
Imperyong Gupta Imperyong Maurya Imperyong Mogul
•Noong 322 B.C.E.,
nakontrol ni
Chandragupta Maurya
ang dating kaharian ng
Magadha at naitatag
ang Imperyong Maurya
na ang kabisera ay
nanatili sa Pataliputra.
• Tagapayo ni
Chandragupta Maurya
si Kautilya, ang may
akda ng Arthashastra.
Naglalaman ito ng mga
kaisipan hinggil sa
pangangasiwa at
estratehiyang politikal.
•Ang imperyo ay
pinamunuan ni
Ashoka o Asoka, ang
kinikilalang
pinakamahusay na
pinuno ng Maurya at
isa sa mahuhusay na
pinuno sa kasaysayan
ng daigdig.
• Itinatag ni
Chandragupta I
(circa 319-335 CE)
•Sa panahon ni
Chandragupta II
(circa 376-415 CE)
nakontrol muli ang
Hilagang India at ang
kabisera ng imperyo
ay Pataliputra.
• Itinuturing itong
panahong klasikal ng
India.
•Si Kalidasa, ang
kinikilalang
pinakamahusay na
manunulat at makata
ng India, ay nabuhay
sa panahong ito.
•Naging maunlad ang
mga larangan ng
panitikan, sining,
agham, Astronomiya,
Matematika, at
Siruhiya (surgery)
• Itinatag ang Mogul
nang masakop ni
Babur ang Hilagang
India at Delhi noong
1526.
•Narating ng imperyo
ang tugatog ng
kapangyarihan sa
ilalim ni Akbar na
namuno sa kabuoan
ng Hilagang India
mula 1556–1605.
• Ipinatupad ang
kalayaan sa
pananampalataya at
makatarungang
pangangasiwa.
• Ilan pang magagaling
na pinuno ang
humalili kay Akbar:
Shah Jahan-
nagpatayo ng Taj
Mahal
Aurangzeb - nagbawal
ng sugal, alak, suttee,
at prostitusyon
-
10
Xia (2000 – 1570 B.C.E.)
• Ang dinastiyang itinatag ni
Emperor Yu sa may lambak ng
Huang Ho at itinuturing na
pinakauna sa kasaysayan ng
Tsina.
• Nag-ugat ito sa Longshan, isang
kulturang Neolitikong laganap sa
lambak ng Huang Ho na may
mataas na antas ng paggawa ng
palayok.
• Wala pang mga ebidensyang
nahukay ang mga arkeologo na
nagpapatunay sa dinastiyang ito.
Shang (1570-1045 B.C.E.)
•Sinasabing ito ang pinakamaunlad na kabihasnang gumamit ng
bronse sa panahong ito.
•Ang mga naiwang kasulatan nito ang pinakamatanda at pinaka-
kumpleto sa mga panulat na Tsino
na nakasulat sa mga oracle bones o mga tortoise shell at cattle bone.
•Malimit ang isinasagawang
pagsasakripisyo ng mga tao partikular sa tuwing may
namamatay na pinuno.
•Calligraphy ang uri ng pagsulat na naitatag ng Shang.
• Pinatalsik ang Shang noong 1045 B.C.E.
Zhou o Chou (1045 – 221 B.C.E.)
• Ito ang itinuturing na pinaka-
mahaba at pinakadakilang dinastiya sa Tsina.
•Umusbong ang mga pilosopiyang
humubog sa kamalayang Tsino: ✓ Confucianism – Layuning
magkaroon ng isang tahimik at
organisadong lipunan sa pamamagitan ng pagpapabuti
sa sarili at pagpapahalaga sa ugnayan ng mga tao at lipunan
✓ Taoism – Hangad ang balanse sa kalikasan at daigdig at
pakikiayon ng tao sa kalikasan
✓ Legalism – Ipinanganak ang tao na masama at makasarili
subalit maaaring mapasunod sa pamamagitan ng mahigpit
na batas at marahas na kaparusahan
• Pagpapatupad ng sistemang civil service para sa pagpili ng mahuhusay na kawani ng
pamahalaan.
Q’in o Ch’in (221 – 206 B.C.E.)
•Nagawang pag-isahin ni Ying
Zheng ang nagdidigmaang estado
at isinailalim sa kanyang kapangyarihan ang iba’t ibang
rehiyon sa China. Inihayag niya ang kanyang sarili bilang “Unang
Emperador” ng China at kinilala bilang Shi Huangdi o Shih Huang
Ti (221-210 B.C.E.)
•Ang hinahangaang Great Wall of China ay itinayo upang magsilbing tanggulan laban sa mga tribong
nomadiko. May habang 2,400 kilometro o 1500 milya.
•Ang salitang China ay hango sa
pangalan ng dinastiyang ito.
-
11
Han (202 B.C.E. – 200 C.E.)
• Ito ang kauna-unahang
dinastiyang yumakap sa
Confucianism.
• Sinimulang linangin ang
edukasyon. Nagkaroon ng
historyador at mga manunulat
ang China.
• Naimbento ang papel noong 105
C.E. at dulot nito nalathala ang
Lexicon o diksyunaryo
• Ang pagsulat ng kasaysayan ng
China ang isang napakalaking
ambag ng Dinastiyang Han.
Sui (589 – 618 C.E.)
•Nagkaroon lamang ng dalawang
emperador ang Sui ngunit nagawa nitong muling pag-isahin ang
watak-watak na teritoryo ng China.
• Pinalakas ang depensa sa hilaga laban sa mga Turko sa
pamamagitan ng pagpapaayos ng
Great Wall. • Pagpapagawa ng Grand Canal na
nag-uugnay sa mga ilog ng Huang
Ho at Yangtze
Tang (618 – 907 C.E.)
• Itinatag ni Li Yuan, dating opisyal
ng Sui na nag-alsa dahil sa pang-
aabuso.
• Itinuturing na isa sa dakilang dinastiya ng China sapagkat
nagkaroon muli ng kasaganaan ang lupain at mabilis na
pagbabago sa larangan ng sining at teknolohiya.
• Ibinalik ang sistemang civil service examination na mahalaga sa pagpili ng kawani ng pamahalaan.
• Buddhism ang naging dominanteng relihiyon na tinangkilik ng mga dugong
bughaw at karaniwang tao.
•
Song (960 – 1127 C.E.)
• Itinayo ng isang hukbong imperial ang dinastiyang ito.
•Nagkaroon ng sapat na suplay ng
pagkain dahil na rin sa pag-unlad ng teknolohiyang agrikultural.
•Nalikha ang isang paraan ng
paglilimbag
•Subalit nabigo ang dinastiyang Song sa aspetong pulitikal at
militar nang ang hilagang bahagi
ng China ay sinakop ng mga barbaro at napilitan ang Song na
iwanan ang kabisera nito noong
ika-12 siglo.
-
12
Yuan (1279 – 1368 C.E.)
• Itinatag ito ni Kublai Khan, isang
Mongol. Sa unang pagkakataon
para sa mga Tsino, ang kabuoang
China ay pinamunuan ng mga
dayuhang barbaro.
•Ang mga Mongol ay kaiba sa mga
Tsino sa aspektong kultural,
tradisyon, at wika. Pinanatili nila
ang kanilang pagkakakilanlan at
namuhay nang hiwalay sa China
na hindi nila pinagkatiwalaan.
• Dumaan ang dinastiya sa
tinatawag na Pax Mongolica o
Panahon ng Kapayapaan, maayos
na sistema ng komunikasyon, at
mabuting kalakalan sa malawak
na teritoryong sakop mula sa
Timog-Silangang Asya hanggang
Silangang Europe.
Ming (1368 – 1644 C.E.)
• Ang malaking bahagi ng Great Wall ay itinayo sa ilalim ng
dinastiyang ito. Naitayo rin ang Forbidden City sa Peking na naging tahanan ng emperador.
•Ang sining ay napagyaman, partikular ang paggawa ng
porselana.
•Maraming aklat ang nailimbag sa
pamamagitan ng pamamaraang movable type.
• Lumaki rin ang populasyon ng
China na umabot sa 100 milyon.
•Nakilala sa pagkakaroon ng isang matatag at sentralisadong
pamamahala.
•Ang mga kaguluhan at pag-aalsa sa China ay nagpabagsak sa
dinastiya noong 1644.
Qing o Ch’ing (1644 – 1911)
• Itinatag ito ng mga Manchu.
Matapos magapi ang Dinastiyang
Ming ng mga semi-nomadic mula sa Hilagang Manchuria at itinuring
ng mga Tsino na barbarong dayuhan.
•Ang pagkatalo ng China sa mga
Digmaang Opium laban sa England ay nagdulot ng pagbibigay ng mga
konsesyon sa mga dayuhan,
kabilang ang pagkakaloob ng lupain tulad ng Hongkong sa mga
British. Pinagkalooban din sila ng karapatang pakinabangan at
pamunuan ang ilang teritoryo sa China bilang sphere of influence o mga rehiyon kung saan nangi-ngibabaw ang kapakanang pang-
ekonomiya ng nanalong bansa
•Noong 1911, nagwakas ang
sistema ng dinastiya sa China nang maganap ang Rebolusyon ng
1911 na nagbigay-daan sa
pagkatatag ng Republika ng China.
-
13
Ang Kabihasnang Egyptian
Ang sinaunang kabihasnan ng Egypt ay umusbong sa lambak ng Nile River
na nasa hilagang bahagi ng Africa. Ang sinaunang kasaysayan ng Egypt ay
kadalasang hinahati sa mga panahong batay sa dinastiya ng naghaharing pharaoh.
Ang pharaoh ang tumatayong pinuno at hari (God-King o Divine King) ng sinaunang
Egypt at itinuturing na nagmula sa angkan ng mga Diyos kaya ang kanyang
pamumuno ay tinatawag na Divine Monarchy. Sa pangkalahatan, maituturing na
kontrolado ng isang pharaoh ang lahat ng aspekto ng pamumuhay ng mga
sinaunang Egyptian.
Ang mga iskolar na nag-aaral sa kasaysayan ng Egypt ay tinatawag na mga
Egyptologist. Batay sa ilang tala, narito ang kronolohiya ng kasaysayan ng Egypt:
Kaharian Pinuno Mga Nagawa
Pre-dynastic Period
o Bago ang
Panahon ng mga
Dinastiya (bago
ang 3100 B.C.E.)
Nomarch – ang
mga pinuno ng
mga nome o
malalayang
pamayanan ng
sinaunang estado
➢ Hieroglyphics – sistema ng
pagsulat na nalinang ng mga
eskribano,
nangangahulugang
“sagradong ukit” o hieratic sa
wikang Greek.
Early Dynastic
Period o Panahon
ng mga Unang
Dinastiya
Menes
➢ Siya ang pinuno ng Upper
Egypt na sumakop sa Lower
Egypt at nagbigay-daan
upang mapag-isa ang lupain
sa mahabang panahon.
Memphis ang kabisera sa
panahon niya.
Old Kingdom o
Matandang
Kaharian
• Kinilala bilang
“Panahon ng
Pyramid”
• Ang pyramid ay
nagsisilbing
monumento ng
kapangyarihan
ng mga pharaoh
at huling
hantungan sa
kanilang
pagpanaw.
Khufu o Cheops
➢ Great Pyramid of Giza –
pinakamalaki, pinakamataas
at pinakamarangal na
piramideng ipinatayo ni Khufu
noong 2600 B.C.E. Kabilang ito
sa tinaguriang Seven Wonders
of the Ancient World.
Unis
• Sa piramide niya natagpuan ang Pyramid Texts o ang kalipunan ng Hieroglyphics na naglalarawan ng mga tradisyon
ng paglilibing sa paraon at ang kanyang kahahantungan sa
kabilang buhay.
Pepi II
(Kahuli-hulihang
pharaoh ng
Ikaanim na
Dinastiya)
➢ Pinaniniwalaang namuno sa
loob ng 94 taon, ang
pinakamatagal na naghari sa
lahat ng hari sa kasaysayan ng
daigdig.
-
14
First Intermediate
Period o Unang
Intermedyang
Panahon
Akhtoy
➢ Pinuno mula sa Heracleopolis
(Lower Egypt)
Inyotef o Antef ➢ Pinuno mula sa Thebes (Upper
Egypt)
Middle Kingdom o
Gitnang Kaharian
Amenemhet II
➢ Ang pinakamahusay na
pinuno ng panahong ito na
namayani sa loob ng 45 taon.
Hyksos
(nangangahulugang
“mga prinsipe mula
sa dayuhang lupain”)
➢ Sila ay namayani sa Egypt
pagsapit ng ika-13 Dinastiya
➢ Chariot – natutuhan ng mga
Egyptian mula sa mga
Hyksos
Second
Intermediate Period
o Ikalawang
Intermedyang
Panahon
➢ Great Hyksos – ito ang tawag
sa Ika-16 Dinastiya na
namayani sa Avaris.
➢ Ika-17 Dinastiya, napatalsik
ang mga Hyksos mula sa
Egypt
New Kingdom o
Bagong Kaharian
• Tinaguriang
Empire Age
• Itinuturing na
pinakadakilang
panahon ng
Kabihasnang
Egypt
Ahmose
➢ Nagtatag ng kauna-unahang
magaling na hukbong
pandigma
Thutmose II ➢ Idinagdag sa imperyo ang
Nubia, Syria, at Palestina
Reyna Hatshepsut
➢ Kinilala bilang isa sa
mahuhusay na babaing pinuno
sa kasaysayan.
Thutmose III ➢ Nagpatayo ng magagarang
templo at obelisk
Amenophis IV o
Akhenaton
➢ Nagpasimula ng monoteismo
o pagsamba sa isang mataas na
diyos
Tutankhamen ➢ Ibinalik ang polyteismo
Rameses II
➢ Ipinagtanggol ang imperyo
laban sa Hittites;
Pinaniniwalaang sa panahon
niya naganap ang Exodos ng
mga Jew mula sa Egypt
Third Intermediate
Period o Ikatlong
Intermedyang
Panahon
Smendes ng Lower
Egypt
➢ Pinasimulan niya ang Ika-21
Dinastiya na tinawag din bilang
Tanites
Shoshenq I
➢ Isang heneral na naging
unang pinuno ng Ika-22
Dinastiya
Late Period o
Huling Panahon Psammetichus
➢ Pinagbuklod ang Middle at
Lower Egypt na nagpasimula ng
Ika-26 na Dinastiya
-
15
Cambyses II
➢ Pinuno ng mga Persian na
naging unang hari ng Ika-27
Dinastiya
Alexander the
Great
➢ Sinakop ang Egypt noong 332
BCE at ginawang bahagi ng
kanyang Imperyong Hellenistic.
Ptolemy
➢ Itinalaga niya ang kanyang
sarili bilang hari ng Egypt noong
305 BCE at pinasimulan ang
dinastiyang Ptolemaic
Cleopatra VII ➢ Ang kahuli-hulihang reyna ng
dinastiyang Ptolemaic
Pagyamanin
Gawain 1: Paghambingin Natin
Gamit ang Venn Diagram, paghambingin ang dalawang paniniwala na nagbigay-daan
sa pamumuno ng emperador ng China at ng mga Pharaoh ng Egypt. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.
Mandate of Heaven Divine Monarchy
-
16
Gawain 2: Sino Ako?
Kilalanin ang mga sumusunod na tauhan na may malaking papel na ginampanan
sa sumibol na mga sinaunang kabihasnan. Piliin ang iyong sagot mula sa kahon at
isulat ito sa sagutang papel.
1. Itinatag niya ang kauna-unahang imperyo sa daigdig.
2. Itinuring ang kanyang sarili bilang “Unang Emperador” ng China.
3. Siya ang nagpagawa ng Great Pyramid na pinakamalaki sa buong mundo.
4. Itinatag niya ang Dinastiyang Yuan, unang dayuhang dinastiya sa China.
5. Siya ang nagpagawa ng Hanging Gardens of Babylon, ang isa sa
pinakanakahahangang tanawin sa sinaunang panahon.
6. Kinikilalang pinakamahusay na pinuno ng Maurya at isa sa mahuhusay na
pinuno sa kasaysayan ng daigdig.
7. Kinilalang isa sa mahusay na babaeng pinuno ng sinaunang Egypt.
8. Ipinagawa niya ang Code of Hammurabi na nagsisilbing pamantayan ng kabihasnang Babylonia.
9. Pinaniniwalaang siya ang pinakamatagal na naghari sa lahat ng hari sa
kasaysayan.
10. Ipinatayo niya ang Taj Mahal na itinuturing na isa sa pinakamagandang
halimbawa ng arkitekturang Indian.
Hammurabi Shi Huangdi Reyna Hatshepsut
Sargon I Kublai Khan Pepi II Khufu
Asoka Shah Jahan Nebuchadnezzar II
-
17
Gawain 3: Pilosopiya Nila, Pahahalagahan Ko!
Batay sa iyong sariling pagkaunawa, ipaliwanag ang kahulugan ng mga sumusunod
na katuruan na mayroong kaugnayan sa ating pakikipagkapwa-tao. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.
“Kapag nakakita ka ng mabuting tao, tularan mo siya; kapag masamang tao, suriin mo ang iyong puso.”
- Confucious
“Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo
ng ibang tao.”
- Confucious
“Ang buhay ng tao ay puno ng pagdurusa na nagmumula sa
masidhing paghahangad sa kasiyahan at mga materyal
na bagay at magwawakas
lamang ang pagdurusa sa pamamagitan ng pagwawaksi
sa labis na paghahangad.”
- Buddha
“Ang taong nasusupil ang iba
ay matapang, subalit ang taong
nasusupil ang sarili ay higit na
matapang.”
- Lao Tzu
-
18
Gawain 4: Dahon ng Kasaysayan
Ang paper scroll ng mga Egyptian ay mula sa halamang papyrus. Tukuyin ang mga
konseptong inilalarawan sa bawat papyrus scroll. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.
Gawain 5: Daloy ng Kasaysayan
Pumili ng isang sinaunang kabihasnan. Ipakita sa pamamagitan ng flowchart ang
pag-unlad at pagbagsak ng kabihasnang napili. Isulat ang flowchart at ang iyong
sagot sa sagutang papel.
1. Sistema ng pagsulat ng mga Sumerian.
2. Kambal na lungsod na umunlad sa lambak-ilog
ng Indus.
3. Estruktura sa China na nagsisilbing proteksyon
laban sa mga mananakop.
4. Pagpapangkat-pangkat ng tao sa lipunang
Hindu
5. Tahanan o templo ng mga diyos ng mga
Sumerian.
6. Sagradong aklat ng mga Aryan.
7. Estrukturang libingan ng pinuno ng sinaunang
Egypt.
8. Paniniwala ng mga Tsino na may pahintulot ang
langit sa pamumuno ng emperador
9. Sinaunang Sistema ng pagsulat ng mga
Egyptian 10. Tawag sa China na
nangangahulugang
Gitnang Kaharian
-
19
Gawain 6: TAMA o MALI
Tukuyin kung Tama o Mali ang ipinapahayag ng bawat pangungusap. Isulat sa
sagutang papel ang TAMA kung wasto ang pangungusap. Kung mali, isulat ang
salitang naging dahilan kung bakit naging mali ang pahayag at isulat muli ang buong
pangungusap gamit ang salitang magwawasto sa pahayag.
1. Hindi nakabuo ng isang matatag na pamahalaan ang mga Sumerian dahil
sa madalas na tunggalian ng mga lungsod-estado tungkol sa lupa at tubig.
2. Si Hammurabi ang nagtatag ng kauna-unahang imperyo sa daigdig.
3. Ang sentro ng Imperyong Achaeminid ay ang Babylonia.
4. Ang mga eskribano ng mga Egyptian ay nakalinang ng sariling sistema ng
pagsulat na tinatawag na hieroglyphics.
5. Ang civil service examination system mula sa kabihasnang Tsino ay
mahalaga sa pagpili ng opisyal ng pamahalaan noon at sa kasalukuyan
6. Ang mga Dravidian ang nagtatag ng kabihasnang Mesopotamia.
7. Ayon sa paniniwalang Tsino, kapag naging mapang-abuso ang emperador
magkakaroon ng tagtuyot, lindol, bagyo o digmaan sa kanyang
pamumuno.
8. Sa Dinastiyang Qing naipatayo ang Forbidden City sa Peking na naging
tahanan ng emperador.
9. Ang Vedas ay ang sagradong aklat para sa mga Hindu; binubuo ng mga
himnong pandigma, ritwal at mga salaysay.
10. Ang Bagong Kaharian ng Egypt ay kinilalang “Panahon ng Pyramid”.
-
20
Isaisip
Ibuod ang mga mahahalagang pangyayari sa mga sinaunang kabihasnan. Isulat ang
tamang impormasyon upang mabuo ang diwa ng mga pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Isagawa
Sagutin ang katanungan batay sa iyong sariling pagkaunawa sa aralin. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.
Ano-anong aral ang natutuhan mo sa pag-usbong,
pananatili at pagbagsak ng mga kabihasnan sa daigdig?
Ipaliwanag ang sagot.
Ang mga sinaunang kabihasnang sumibol sa kontinente ng Asya at
Africa ay ang kabihasnang Mesopotamia, Indus, Tsino at __________.
Karamihan sa mga kabihasnan ay sumibol sa bahaging
_________________ ng rehiyon kung saan nakatulong nang malaki sa
pagsasaka na nagbunsod ng pag-unlad ng mga nabuong pamayanan.
Ang ilan sa mga pinakakinilalang pinuno sa kasaysayan ng mga
kabihasnan ay sina _____________________________.
Sa kabuuan, masasabi na naging matagumpay ang mga sinaunang
kabihasnan sa daigdig sapagkat nakapag-iwan ang mga ito ng mga pamana
na hanggang sa kasalukuyan ay napakikinabangan.
-
21
Tayahin
Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat ito sa
iyong sagutang papel.
1. Sino sa mga sumusunod ang itinuturing na dakilang guro ng China?
A. Confucius C. Shih Huang Ti
B. Tai Tsung D. Ming Huang
2. Ano ang dala ng baha na nagsisilbing pataba sa mga pananim ng mga
sinaunang tao?
A. dumi ng hayop C. banlik
B. lupa D. puno
3. Ano ang sistema ng panulat na nabuo ng mga Sumerian?
A. hieroglyphics C. pictograph
B. calligraphy D. cuneiform
4. Alin sa sumusunod ang nagtataglay ng 232 batas at parusa sa mga lumalabag?
A. Kodigo ni Asoka C. Kasunduan sa Paris
B. Kodigo ni Hammurabi D. Kasunduan sa Malolos
5. Alin sa sumusunod ang hango sa salitang casta na nangangahulugang angkan.
A. Caste C. Veda
B. Sudra D. Vaisya
6. Ano ang uri ng pagsulat ng mga Tsino na ginagamitan ng mga pictogram?
A. cuneiform C. hieroglyphics
B. pictogram D. calligraphy
7. Ano ang ibinibigay na eksamin sa mga naglilingkod sa pamahalaan na
nagsimula sa dinastiyang China?
A. Arthashastra C. ahimsa
B. Vedic D. Civil Service Examination System
8. Ano ang nagsisilbing libingan ng hari sa Ehipto?
A. Hanging Garden C. Ziggurat
B. Forbidden City D. Pyramid
9. Sino ang nagpatayo ng unang aklatan gamit ang mga tabletang luwad?
A. Shih Huang Ti C. Ashurbanipal
B. Nebuchadnezzar D. Khufu
10. Anong bahagi ng rehiyon sumibol ang karamihan sa mga sinaunang
sibilisasyon sa daigdig?
A. lambak-ilog C. kabundukan
B. tabing-dagat D. kapatagan
11. Alin sa mga ito ang hindi kabilang sa pangkat?
A. Egypt – Nile C. China – Yangtze-Huang Ho
B. Mesopotamia – Yucatan Peninsula D. India – Indus
-
22
12. Ano ang tawag sa pagsamba sa iisang diyos na ipinakilala ni Akhenaton?
A. monoteismo C. politeismo
B. Hyksos D. Hiroglipiko
13. Alin sa sumusunod ang grupo ng taong pinaniniwalaang unang nanirahan sa
India at nagtatag ng Mohenjo-Daro at Harappa?
A. Dravidian C. Aryan
B. Pariah D. Hittite
14. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa sistemang caste ng mga Hindu?
A. Brahmin C. Vaisya
B. Pariah D. Sudra
15. Alin sa mga sumusunod ang itinuturing na Empire Age at pinakadakila sa
kasaysayan ng Egypt?
A. Matandang Kaharian C. Bagong Kaharian
B. Gitnang Kaharian D. Huling Panahon
-
23
Karagdagang Gawain
Sagutin upang mas higit na mapagtibay ang natutuhan sa aralin. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.
➢ Kung bibigyan ka ng pagkakataong bumalik sa sinaunang
kasaysayan, aling kabihasnan ang pipiliin mo? Bakit?
➢ Pumili ng 3 pinuno ng sinaunang kabihasnan na sa iyong
pagkaunawa ay naging mabuti ang paraan ng pamamahala. Ilahad
ang kanilang mga katangian na sa iyong palagay ay maaaring
taglayin ng ating mga kasalukuyang pinuno.
Unang Pinuno: ______________
Ikalawang Pinuno: ___________
Ikatlong Pinuno: _____________
-
24
Susi sa Pagwawasto
SUBUKIN
1.B 9. A
2.D 10. D
3.C 11. A
4.C 12. C 5.A 13. B
6.A 14. C
7.C 15. A
8.A
Gawain 1
Pagkakapareho: Paniniwala na nagbibigay basbas sa
pamumuno ng emperador
Pagkakaiba: Mandate of
Heaven – Basbas ng
Kalangitan na ibinibigay sa pinuno ng China
Divine Monarchy – God-King
ang turing sa hari o nagmula
sa angkan ng mga diyos
Gawain 2
1.Sargon I
2.Shih Huangdi
3.Khufu
4.Kublai Khan 5.Nebuchadnezzar II
6.Asoka
7.Reyna Hatshepsut
8.Hammurabi
9.Pepi II
10.Shah Jahan
Gawain 3
Batay sa sariling
pagkaunawa ng mga mag-
aaral ang kasagutan
Gawain 4
1.Cuneiform
2.Mohenjo-Daro at
Harappa
3.Ang sentro ng Imperyong
Achaeminid ay ang Persia.
4.TAMA
5.TAMA
6.Ang mga Dravidian ang
nagtatag ng kabihasnang
Indus. 7.TAMA
8.Sa Dinastiyang Ming
naipatayo ang Forbidden
City sa Peking na naging
tahanan ng emperador.
9.TAMA 10. Ang Lumang Kaharian
ng Egypt ay kinilalang
“Panahon ng Pyramid”
ISAISIP
-Egypt -Lambak-ilog
-Sargon I
Hammurabi
Tiglath-Pileser I
Nebuchadnezzar II
Chandragupta Babur
Asoka
Shih Huangdi
Kublai Khan
Pepi II
Khufu Amenemhet II
Rameses II
Reyna Hatshepsut
at iba pa.
ISAGAWA
Batay sa sariling pagkaunawa ng mag-aaral
ang kasagutan
TAYAHIN
1.A 11. B
2.C 12. A 3.D 13. A
4.B 14. B
5.A 15. C
6.D
7.D
8.D 9.C
10.A
KARAGDAGANG GAWAIN
Batay sa sariling pagkaunawa ng mag-aaral
ang kasagutan
3. Great Wall
4. Caste System
5. Ziggurat
6. Vedas
7. Pyramid 8. Mandate of Heaven
9. Heiroglyphics
10. Zhongguo
Gawain5
Batay sa mapipiling kabihasnan ng mag-aaral
ang kasagutan
Gawain 6
1.TAMA 2.Si Sargon I ang nagtatag
ng kauna-unahang
imperyo sa daigdig.
-
25
Sanggunian
Blando Rosemarie C. et al. 2014. Kasaysayan ng Daigdig. Araling Panlipunan –
Modyul ng Mag-aaral. Department of Education-Instructional Materials
Council Secretariat. DEPED Complex Meralco Avenue, Pasig City: Vibal
Group, Inc.
K to 12 Araling Panlipunan Gabay Pangkurikulum Baitang 1-10. DepEd Learning
Portal. Mayo 2016. https://lrmds.deped.gov.ph/
K to 12 Curriculum Most Essential Learning Competencies in Araling Panlipunan.
Deped Learning Portal. https://lrmds.deped.gov.ph/detail/18275
Kasaysayan ng Daigdig Araling Panlipunan. Manwal ng Guro. Department
of Education-Instructional Materials Council Secretariat. Deped Complex
Meralco Avenue, Pasig City. Vibal Group, Inc. 2014.
Project EASE Araling Panlipunan III. “Modyul 3 Ang Mga Unang Kabihasnan”
http://www.lrmds.depedldn.com/DOWNLOAD/MODYUL_03 UNANG_KABIHASNAN.PDF
Vivar, Teofista L. et.al. 2000. Kasaysayan ng Daigdig Batayang Aklat Para sa
Ikatlong Taon. Kagawaran ng Edukasyon-Instructional Materials Council
Secretariat. DEPED Complex Meralco Avenue, Pasig City: SD Publications,
Inc.
http://www.lrmds.depedldn.com/DOWNLOAD/MODYUL_03%20UNANG_KABIHASNAN.PDFhttp://www.lrmds.depedldn.com/DOWNLOAD/MODYUL_03%20UNANG_KABIHASNAN.PDF
-
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education Region III – Learning Resources
Management Section (DepEd Region III-LRMS)
Office Address: Diosdado Macapagal Government Center
Maimpis, City of San Fernando (P)