Aralin 21 patakarang piskal
-
Upload
rivera-arnel -
Category
Education
-
view
1.768 -
download
24
Transcript of Aralin 21 patakarang piskal
Aralin 21
Patakarang PiskalInihanda ni: ARNEL O. RIVERAwww.slideshare.net/sirarnelPHhistoryAng GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos!
Panimula:• Isang malaking sulirarin
ng pambansang
ekonomiya ang
inflation. Ngunit may
mga hakbang na
maaring gawin ang
pamahalaan upang
mabawasan ang epekto
nito sa mga konsyumer.
Patakarang Piskal
(Fiscal Policy)• Ang pagkontrol ng pamahalaan sa
ekonomiya upang mapatatag ang
pambansang ekonomiya. Nakapaloob dito
ang paghahanda ng badyet, pangungulekta
ng buwis at paggamit ng pondo.
Patakarang Piskal
• Sa paghahanda ng badyet, binibigyan ng
pansin kung magkano ang gagastusin sa
programa ng pamahalaan tulad ng depensa,
edukasyon at kalusugan. Ang kabuuang
gastusin ay maaring baguhin upang
mapataas o mapababa ang output ng
ekonomiya.
Uri ng Patakarang Piskal
Expansionary Fiscal Policy
• Layunin nito na mapasigla ang pambansang
ekonomiya. Ginagawa ito upang isulong ang
ekonomiya, lalo na sa panahon ng recession.
• Kabilang dito ang pamumuhunan ng
pamahalaan at pagbabawas sa ibinabayad na
buwis.
• Ang ganitong gawain ay magpapataas sa
demand, magpapababa sa presyo ng kalakal at
magpapalaki sa output ng ekonomiya.
Contractionary Fiscal Policy
• Layunin nito na bawasan ang sobrang kasiglahan
ng ekonomiya dahil ang labis na mataas na demand
sa suplay ay magdudulot ng inflation.
• Kabilang sa mga hakbang nito ang pagbabawas sa
gastusin ng pamahalaan, pagsasapribado ng ilang
pagpublikong korporasyon at pagpapataas sa singil
na buwis.
• Ang ganitong gawain ay magpapababa sa demand,
magpapataas sa presyo ng kalakal at pagbabawas
sa output ng ekonomiya
Seatwork:Tukuyin kung ang mga sumusunod ay sanhi ng contractionary
fiscal policy o expansionary fiscal policy. BAWAL ANG
MAGBURA.
1. Nagpataw ang pamahalaan ng dagdag na buwis sa mga sinehan.
2. Binawasan ng pamahalaan ang sinisingil na income tax sa mga
manggagawa.
3. Ibinenta ng pamahalaan sa pribadong sektor ang Maynilad.
4. Nagbigay ng tax incentive ang pamahalaan sa mga nais
magnegosyo.
5. Tinaasan ng pamahalaan ang E-VAT mula 10% sa 12%.
Pinagmumulan ng Kita ng
Pamahalaan
• Kita mula sa buwis (81%)
• Kitang di-mula sa buwis (19%)
Ano ang buwis (tax)?
• Ang salapi na sapilitang kinukuha ng
pamahalaan sa mga mamamayan.
• Ito ay maaaring ipataw ng pamahalaan sa
mga ari-arian, tubo, kalakal o serbisyo.
• Ang buwis ay sakop ng kapangyarihan ng
pamahalaan.
Layunin ng pagbubuwis
• Mapataas ang kita ng pamahalaan.
• Pagpapatatag ng ekonomiya.
• Mapalagaan ang industriyang panloob laban
sa mga dayuhang kalakal.
• Gamit para sa tamang distribusyon ng kita.
• Regulasyon para sa tamang pagbili at
pagkonsumo ng kalakal.
Uri ng buwis
• Tuwiran (direct tax) – buwis na tuwirang
ipinapataw sa mga indibidwal o bahay
kalakal.
• Hal. with-holding tax
• Di-tuwiran (indirect tax) – buwis na
ipinapataw sa mga kalakal o serbisyo.
• Hal. Value-added tax
Mga halimbawa ng buwis:
• Buwis sa kinikita ng mamamayan – income tax
• Buwis sa mga may-ari ng sasakyan – road user’s
tax
• Buwis sa mga may-ari ng negosyo – business tax
• Buwis sa mga binibiling kalakal – Value added tax
• Buwis sa mga libangan tulad ng sinehan, parke, at
sugalan – amusement tax
• Buwis sa mga kalakal na galing ibang bansa –
import duties tax
Sangay ng pamahalaan na
kumokolekta ng buwis• Bureau of Internal Revenue (BIR) –
nangangalap ng buwis sa mga kalakal o
serbisyo mula sa loob ng bansa.
• Bureau of Customs (BOC) - nangangalap
ng buwis sa mga kalakal o serbisyo mula sa
labas ng bansa.
Break Muna!• Maghanda ng talaan ng mga gastusin ng inyong
pamilya sa isang buwan at isulat ang halagang
inilalaan para dito.
• Natutugunan ba ang lahat ng inyong gastusin?
• Magkano ang natitirang halaga matapos matugunan
ang mga gastusin?
Gastusin Halagang Nakalaan
Pambayad sa Bahay 3,000.00
Kuryente 800.00
Tubig 300.00
Pambansang Badyet
• Naglalaman ng halaga ng salaping
inaasahang matatanggap ng pamahalaan sa
isang takdang taon.
• Isang plano kung paano tutugunan ng
pamahalaan ang mga gastusin nito.
• Naglalaman ito ng inaasahang kita at
ipinakikita rin kung paano gagastusin ang
kitang ito.
Mga sangay ng pamahalaan na
namamahala ng pambansang badyet
• Department of Finance (DOF)
• Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)
• National Economic and Development
Authority (NEDA)
• Department of Budget and Management
(DBM)
• Commission on Audit (COA)
Pagbuo ng Pambansang Badyet• Executive Preparation – paghahanda ng
panukalang badyet.
• Budget Authorization – pagsusuri at pag-
apruba (o hindi pag-apruba) ng panukalang
badyet.
• Budget Execution – pagbibigay ng badyet at
paggamit nito.
• Budget Accountability – paghahanda ng ulat
upang malaman kung nagasta ang badyet
ayon sa itinakda para dito.
Checks and Balances
• Pagtiyak na hindi maaabuso ng anumang
sangay ng pamahalaan ang kanilang
kapangyarihan sa usapin ng paglalaan ng
limitadong pondo ng bayan sa iba’t ibang
sektor ng lipunan.
Gastusin ng Pamahalaan ayon sa Uri
• Personal Services (PS) – gastusin para sa
suweldo,honoraria at bonuses ng mga
kawani ng pamahalaan.
• Maintenance and Other Operating Expenses
(MOOE) – gastusin para sa operasyon tulad
ng kuryente, papel, tubig, gasolina at iba pa.
• Capital Outlay (CO) – gastusin para sa
karagdagang asset tulad ng gusali, lupa,
sasakyan o makinarya.
Gastusin ng Pamahalaan ayon sa Sektor
• Serbisyong Pang-ekonomiyo – gastusin sa
pagpapaunlad ng mga programang
pangkaunlaran tulad ng kalakalan, industriya
at turismo.
• Serbisyong Panlipunan – mga gastusin sa
edukasyon, kalusugan, transportasyon etc.
• Pambansang Tanggulan – mga gastusin sa
pagpapanatili ng katahimikan at seguridad.
Gastusin ng Pamahalaan ayon sa Sektor
• Pangkalahatang Pampublikong Paglilingkod
– mga gastusin sa pagsasagawa ng
tungkuling pansibiko tulad ng tulong sa
panahon ng kalamidad, pagpapautang etc.
• Pambayad utang – gastusin na
pinambabayad sa mga utang ng bansa
panlabas o panloob.
Gastusin ng Pamahalaan ayon sa
SektorPambayad
Utang24%
Serbisyong Panlipunan
30%
Serbisyong Pang-
ekonomiko24%
Pambansang Tanggulan
5%
PangkalahatangPampublikongPaglilingkod
17%
Sitwasyon ng Budget
• Budget Deficit – nagaganap kung mas
mataas ang gastos sa kita ng pamahalaan.
• Budget Surplus – nagaganap kung mas
mataas ang kita sa gastos ng pamahalaan.
• Anong sektor ng pamahalaan ang dapat
na magkaroon ng karagdagang badyet at
alin ang dapat bawasan ang badyet?
PAGPAPAHALAGA
Ang GRADES
pinaghihirapan
HINDI
inililimos!
Tandaan:
References:
• Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at
Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA
Publishing House
• De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks
Pagsulong at Pag-unlad, VPHI
• Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga
Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI
• Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga
Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI