Ano ang tula? - solingj.wikispaces.comsolingj.wikispaces.com/file/view/20139146-Ano-ang-tula.pdf ·...

download Ano ang tula? - solingj.wikispaces.comsolingj.wikispaces.com/file/view/20139146-Ano-ang-tula.pdf · Ano ang tula? 1. Ang tula ay anyo ng panitikan at ito ay binubuo ng taludtod. Ang

If you can't read please download the document

Transcript of Ano ang tula? - solingj.wikispaces.comsolingj.wikispaces.com/file/view/20139146-Ano-ang-tula.pdf ·...

  • Ano ang tula?

    1. Ang tula ay anyo ng panitikan at ito ay binubuo ng taludtod. Ang tula ay isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito ay binubuo ng mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtud. Ang tula ay pagpapahayag ng magagandang kaisipan at pananalita sa pamamagitan ng mga taludtod. Ang kalipunan ng mga taludtod ay tinatawag na taludturan o saknong. Ang tula ay nagpapahayag ng damdamin, kaisipan, gamit ng marikit na salita. ISANG PAMPANITIKANG NAG BIBIGAY DIIN SA RITMO , NAG PAPAHAYAG NG DAMDAMIN AT NAG BIBIGAY KAHULUGAN SA MGA SALITA. PanulaanAng panulaan o tula ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika sa iba't ibang anyo at estilo. Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay. Ang mga likhang panulaan ay tinatawag na tula.Binubuo ang tula ng saknong at taludtod. Karaniwan itong wawaluhin, lalabindalawahin, lalabing-animin, at lalabing-waluhing pantig. Matalinghaga at ginagamitan din ng tayutay. May tugma at sukat. Kung minsan ay maiksi o kaya naman ay mahaba.Mga anyo ng tula

    Malayang taludturan Tradisyonal May sukat na walang tugma Walang sukat na may tugma

    Mga uri ng tula Liriko o pandamdaming tula

    Awit/Kanta - tungkol sa pag-ibig; hal.kundiman Dalit/Hymno - tungkol sa pagpapala sa Diyos, sa pagawit na

    pamamaraan. Elihiya - mapanglaw; tungkol sa kamatayan o kalungkutan Oda - matayog na damdamin o kaisipan (paghanga o pagbibigay

    parangal) Soneta - binubuo ng 14 taludtod o linya; nangangailangan ng mabigat

    o matinding pagkukuro-kuro Nalalarawan - naglalahad ng pangyayari Naratibo o nagsasalaysay Padula/Drama Tulang may aral - nagbibigay ng pahayag kung anong dapat mong gawin;

    halimbawa: balagtasan Pampagkataon - may tiyak na pagdiriwang

    http://tl.wikipedia.org/wiki/Sininghttp://tl.wikipedia.org/wiki/Balagtasanhttp://tl.wikipedia.org/wiki/Dramahttp://tl.wikipedia.org/wiki/Kundimanhttp://tl.wikipedia.org/wiki/Tayutayhttp://tl.wikipedia.org/wiki/Wikahttp://tl.wikipedia.org/wiki/Panitikan

  • Balagtasan Duple

    Elemento ng tula Saknong - isang grupo ng mga salita sa loob ng isang tula na may dalawa o

    higit pang taludtod. Sukat - bilang ng pantig ng tula. Tugma - pinag-isang tunog sa hulihan ng mga taludtod.

    Hindi buong rima (assonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay nagtatapos sa patinig.

    Kaanyuan (conssonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay nagtatapos sa katinig.

    Nagpapaganda sa diwa ng tula ang alin mang paraan ng pagtutugma: Mga salitang nagtatapos sa b, k, d, g, p, t, s ay nagtutugma ang

    dulumpatig Mga nagtatapos sa l,m, n, ng, w, r, y

    Sining o kariktang - paggamit ng pili, angkop at maririkit na salita. Nagbibigay ng pangkalahatang impresyon sa bumabasa.

    Talinghaga - tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang salita at tayutay.

    Tayutay - paggamit ng pagwawangis, pagtutulad, pagtatao ang ilang paraan upang ilantad ang talinghaga sa tula

    Anyo - porma ng tula. Tono/Indayog - diwa ng tula. Persona - tumutukoy sa nagsasalita sa tula; una, ikalawa o ikatlong panauhan

    Kinuha mula sa "http://tl.wikipedia.org/wiki/Panulaan"

    ELEMENTO NG TULA

    SUKAT - tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod. Ang karaniwang sukat ng isang tula ay wawaluhin at lalabindalawahin.

    TUGMA - tumutukoy sa pagkakapareho ng huling tunog o titik ng salita sa bawat taludtod. May dalawang uri ng tugma. Ito ay ang tugmang ganap at di-ganap. GANAP, kapag magkakapareho ang tunog at titik ng huling salita sa bawat taludtod. DI-GANAP, kapag magkapareho lamang ng tunog ang huling salita sa bawat taludtod.

    TAYUTAY - ito ay sadyang paglayo sa paggamit ng mga pangkaraniwang salita upang maging kaakit-akit at mabisa ang pagpapahayag.

    LARAWANG-DIWA (IMAGERY) - mga salitang binabanggit sa tula na nag-iiwan ng

    http://tl.wikipedia.org/wiki/Panulaanhttp://tl.wikipedia.org/wiki/Salitahttp://tl.wikipedia.org/wiki/Yhttp://tl.wikipedia.org/wiki/Rhttp://tl.wikipedia.org/wiki/Whttp://tl.wikipedia.org/wiki/Nghttp://tl.wikipedia.org/wiki/Nhttp://tl.wikipedia.org/wiki/Mhttp://tl.wikipedia.org/wiki/Lhttp://tl.wikipedia.org/wiki/Shttp://tl.wikipedia.org/wiki/Thttp://tl.wikipedia.org/wiki/Phttp://tl.wikipedia.org/wiki/Ghttp://tl.wikipedia.org/wiki/Dhttp://tl.wikipedia.org/wiki/Khttp://tl.wikipedia.org/wiki/Bhttp://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Katinig&action=edit&redlink=1http://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Patinig&action=edit&redlink=1

  • malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa.

    SIMBOLISMO - salita sa tula na may kahulugan sa mapanuring isipan ng mambabasa.

    Mga Elemento ng Tula: 1. Sukat 2. Tugma 3. Tayutay 4.Ritmo a. Pagtutulad b. Pagwawangis c. Pagsasatao d. Pagmamalabis e. Pagpapalit saklaw f. Balintunay 4. Karigtigan 5. Symbolo

    Tulang Pambata Tipunin natin ang mga katutubong tulang pambata mula sa iba't-ibang panig ng Pilipinas upang matiyak nating ang di matatawarang yamang ito ay maipamana pa natin sa susunod na salinlahing Pilipino. Sumali at maging kasapi! (Let's collect Filipino children's rhymes & poems from the different regions of the Philippines to ensure that we can bequeathe this priceless wealth to the next generations of Filipinos. Join us, be a member!)

    Espadang Bali-bali Espadang bali-baliNahulog sa pusaliKunin mo sandaliUupahan ng kahati

    Lagari Lagari!Lagari!Simbahan sa Paete'Pag hindi nayariMagagalit ang pariSa batang bungi!

    Penpen de sarapen Penpen de sarapenDe kutsilyoDe almasenBawbaw de kalabaw

    http://www.paete.org/abtpaete/whereispaete.htm

  • BatutenSipit namimilipitGintong pilak namumulaklakSa tabi ng dagatSayang pula, tatlong peraSayang puti, tatlong salapi

    Pongpong Pong...pong...pong....Galapong!

    (This is recited to infants 5 months and older, while holding their hands and feet together. A good gentle stretch for the babies!)

    Haba, haba Haba, haba,Parang bangka!

    Bilog, bilog,Parang niyog!

    (Recited to an infant 4 months old and up, while gently touching the body from shoulder down to the legs. A good gentle massage!

    Tulang Palaka Ako'y tutula,Tulang palaka,Ako'y uupo,Tapos na po.

    Ulan! Ulan! Ulan! Ulan!Pantay kawayan!Bagyo! Bagyo!Pantay kabayo!

    Tugmaang pambata

  • Isang mag-ina sa loob ng silid-tulugan ng isang bata. Nagbabanggit ang ina ng isang tugmaang pambata para sa kanyang anak, bago ito tuluyang makatulog.

    Ang tugmaang pambata, rimang pambata, o tulang pambata ay mga tula, berso, kanta, o awiting kinawiwilihan ng mga bata dahil sa pagkakaroon ng mga ito ng nakasisiyang mga tugmaan ng tinog, tinig, at mga salita. Isang halimbawa nito ang Pen-pen de Sarapen. Sa Kanluraning Mundong nagsasalita ng Ingles, nalalaman ng mga bata ang tinatawag nilang mga rima ni Inang Gansa o Mother Goose.[1]

    Karamihan sa mga tugmaang pambata ang hindi naman talaga layuning maging para sa mga bata, sapagkat mayroon sa mga ito ang may pinagmulang mga balada o awiting kinakanta ng mga matatanda. Mayroon din namang may impluho ng mga bugtong. Mayroon din namang ukol sa mga kaganapang pampulitika sa ilang pook ngunit naging bahagi ng panitikang pambata. Nang awitin ang mga ito ng mga ina at narinig ng mga batang inaalagaan nila, natandaan ng mga bata ang mga nakaaakit sa pandinig na mga koro o parirala.[2]

    Kabilang sa mga tangi o talagang pambatang mga tugmaan o rima ang mga inaawit ng mga ina para sa mga bata tuwing oras na ng pagtulog, ang mga panghele o oyayi. Pati na ang mga tulang nagtuturo sa mga bata ng pagbilang at pagbigkas ng abakada o alpabeto. Kasama rin ang mga tugmaang ginagamit ng mga ina at mga anak sa tuwinang naglalaro sila habang magkakapiling.[2]

    May mga tugmaang pambata ang bawat bansa. Naglalaman ang mga ito ng kasaysayan at ng kaugalian ng mga mamamayan ng bansa.[2]

    Mga katangian May mga dahilan kung bakit nagugustuhan ng mga bata ang makinig at magsambit ng mga kataga ng mga tugmaang pambata. Naging bantog ang mga ito sa mga bata dahil sa mga katangian nito. Sari sari ang mga paksa ng mga panulaang pambata, katulad ng mahaharot na mga bata, mga taong may masasamang mga ugali o gawi, matatandang mga kababaihan, mga hari, mga reyna, at mga hayop. Naglalahad ang iba ng mga kuwentong pambata na kalimitang may sigla at nakasisiyang pakinggan. Mayroon namang labis ang pagiging nakakatawa, bagaman mayroon ding malulungkot. Siyempre, mayroon itong tiyak na tugmaan ng mga tunog at salita, kahit na walang saysay ang mga nilalaman o mensahe. May mga himig ang mga ito na naaangkop sa bawat damdaming nakakaantig sa mga isipan, pandinig, at puso ng mga bata.

    Isang tanyag na makata at mandudula si Francisco Balagtas. Florante at Laura ang tanyag na nobelang patulang kanyang isinulat. Isa ring awitin ito. Maraming dakilang Pilipino, kabilang na si Rizal, ang naimpluwensyahan ng nasabing tula. Kinikilalang Ama ng Panulaang Tagalog si Balagtas.

    http://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Kuwentong_pambata&action=edit&redlink=1http://tl.wikipedia.org/wiki/Tulang_pambatahttp://tl.wikipedia.org/wiki/Alpabetohttp://tl.wikipedia.org/wiki/Abakadahttp://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Pagbilang&action=edit&redlink=1http://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Oyayi&action=edit&redlink=1http://tl.wikipedia.org/wiki/Panitikang_pambatahttp://tl.wikipedia.org/wiki/Bugtonghttp://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Inang_Gansa&action=edit&redlink=1

  • Hindi lamang isang magaling na makata at nobelista si Lope K. Santos. Maituturing siyang isang dalubwika dahil sa kanyang mga naiambag na akda hinggil sa balarila ng wikang pambansa. Dahil dito, tinagurian siyang Ama ng Balarila ng Wikang Pambansa.

    Jose Corazon de Jesus

    Isa pang pangalan ni Jose Corazon de Jesus ay Huseng Batute. Tulad nina Balagtas at Rizal, marami siyang sinulat na mga tula. Naging isang kolumnista siya sa pang-araw-araw na pahayagang Taliba. Nasa anyong patula ang kanyang kolum. Dalawa sa kanyang mga kilalang tula ang "Manok Kong Bulik" at "Isang Punongkahoy."

    Isinulat ni Severino Reyes ang "Mga Kuwento ni Lola Basyang" sa magasing Liwayway. Kinilala rin siyang Ama ng Dulang Pilipino. Pinakakilalala sa kanyang mga dula ang sarsuwelang "Walang Sugat" ma pumapaksa sa kagitingan ng mga Katipunero.

    Jose dela CruzSi Jose dela Cruz o Huseng Sisiw ang binigyan ng karangalang Hari ng mga Makata sa katagalugan. Isinilang siya sa Tundo, Maynila noong Disyembre 20, 1746. Hindi siya nakapag-aral ngunit sa sariling pagsisikap ay natuto ng Katon at Cartilla, Doctrina Cristiana, Pilosopiya Cit Teolohiya.Kinilala siya sa kahusayang sumulat ng mga tula kaya marami ang nagpaturo sa kanya ng pagtutugma ng mga salita. Ikinapit sa kanya ang taguring Huseng Sisiw dahil kung may nagpapagawa sa kanya ng patulang liham ng pag-ibig, ang hinihingi niyang kabayaran ay sisiw. Siya ang guro ni Balagtas sa pagtula.Isa ang kanyang pangalan sa tatlong pangalang kakabit ng Korido sa kasaysayan ng Panitikan. Ang dalawa niyang mga kasama ay sina Francisco Balagtas at Ananias Zorilla.Mula sa kanyang panulat ang mga koridong Clarito, Adela at Florante, Flora at Clavela, Doce Pares de Francia, Rodrigo de Villas, at ang popular na Historia Famoso de Bernardo Carpio.

    http://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Ananias_Zorilla&action=edit&redlink=1http://tl.wikipedia.org/wiki/Francisco_Balagtashttp://tl.wikipedia.org/wiki/Francisco_Balagtashttp://tl.wikipedia.org/wiki/1746http://tl.wikipedia.org/wiki/Disyembre_20http://tl.wikipedia.org/wiki/Maynila

  • Tulang BayanIntroduksiyon Ang tulang Pilipino, sariling atin o hiram na panitikan. Ang kasaysayan ng tulang Pilipino ay nababahagi sa limang importanteng mga panahon. Una, ang Matandang Panahon. Ang panahong ito ay nagsimula noong unang pagdating ng mga Negrito o Aeta hanggang sa taong 1521. Pangalawa, ang Panahon ng mga Kastila na nagmula noong taong 1521 hanggang sa taong 1876. Pangatlo, ang Panahon ng Pambansang Pagkamulat. Ito ay panahon ng himagsikan. Pang-apat, ang Panahon ng mga Amerikano na nag-umpisa noong taong 1898 hanggang sa pagkatapos ng panahon ng digmaan. At ang huli'y ang Panahong Patungo sa Pambansang Krisis. Ang Matandang Panahon Tulad ng maraming dayuhang kabihasnan ang panitikan ng Pilipinas ay nagmula sa mga magkakaibang lipon ng tao na may panahong pagkaka-agwat.na dumating. Ang mga unang tao na dumating sa Pilipinas ay ang mga Negrito o Aeta. Sumunod naman ang grupong Indones at mga Malay. Dahil dito ang sinaunang kabihasnan ay may sarili nang sistema ng pagsulat at pasalita. Ang unang ebidensiya na mayroon nang sariling panitikang pagsulat ang mga pilipino bago pa dumating ang mga dayuhang taga-kanluran ay ang Baybayin na binubuo ng tatlong patinig at 14 na katinig. Ang mga simbolong ito ay nakasulat sa mga dahon at balat ng mga punong-kahoy na ang gamit naman sa pag-ukit ay ang mga matutulis na bato at kahoy din. Mayroon na ring panitikan na pasalita ang mga sinaunang tao. Ang panitikang pasalita ay may anyong panulaan, tuluyan, at dula. Ang panulaan ay binubuo ng mga bugtong, salawikain at kasabihan, tanaga, tulang pambata, bulong, awiting bayan, at epiko. Ang mga ito'y nakasulat din ngunit ng dumating ang mga Kastila marami ang sinunog na mga literatura at saka dahil marami ang nakasulat sa mga kahoy at dahon ito ay natunaw pagkalipas ng maraming taon. Bagamat magkakaiba ang lengguaheng gamit ng mga sinaunang tao ang kanilang panitikan ay may iisang mensahe at layunin. Ang Bugtong. Ang unang layunin ng bugtong ay magbigay kasiyahan sa mga tagapakinig at ng mga manlalaro. Kahit simple ang estraktura dito nasusukat ang talino at kaalaman tungkol sa bayan.

  • Halimbawa: Baston ni Kapitan Hindi mahawakan Ahas Bumili ako ng alipin Mataas pa sa akin Sumbrero Hindi lapis Hindi ballpen Nagsusulat ng eleven Sipon Ang Salawikain at Kasabihan. Ang salawikain at ang kasabihan ay nagpapakita ng asal, moralidad, at pag-uunawa sa ating mga ninuno. Ang salawikain ay nagbibigay aral at ang kasabihan ay nagbibigay unawa sa mga pang-araw araw na gawain (Talindaw, p.3). Halimbawa: Salawikain Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, Hindi makakarating sa paroroonan. Ang taong nagigipit, Sa patalim man ay kumakapit. Kasabihan Saan mang gubat Ay may ahas. Kung ano ang itinaas-taas, Siyang binaba-baba sa pagbagsak. Ang Tanaga. Ang tanaga ay naglalaman ng pangaral at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga kabataan (Talindaw, p.3). Ito ay may estrukturang apat na taludtod at pitong pantig sa iisang saknong. Halimbawa: Magdalita ang niyog, Huwag magpakatayog; Kung ang uwang ay umuk-ok Masasaid pati ubod. Ang Tulang Pambata. Ito ay nagsisilbing pag-unawa noong kamusmusan ng ating mga ninuno. Ito rin ay nagpapahayag at nagpapa-alala sa mga maliligayang karanasan noong sila'y bata pa. Halimbawa: Putak, putak! Batang duwag! Matapang ka't nasa pugad! Ang Bulong. Ang ating mga ninuno ay naniniwala rin sa mga di nakikitang espirito gaya ng mga lamang lupang espirito tulad ng mga duwende. Ang ating mga ninuno ay humihingi ng ng pasintabi at paumanhin sa mga ito upang hindi sila mapahamak sa mga masasamang pangyayari. Halimbawa: Tabi, tabi po, Ingkong Makikiraan po lamang. Bari-bari Apo Umisbo lang ti tao. (Ilokano) Ang Awiting-Bayan. Marahil sa lahat ng mga tula ang awiting bayan ay may pinakamalawak na paksa at uri. Ang mga paksa nito'y nagbibigay hayag sa damdamin, kaugalian, karanasan,

  • relihiyon, at kabuhayan. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng ibat ibang uri nito, isa ang talindaw. Ang talindaw ay awit sa pamamangka. Ikalawa, ang Kundiman ito ay awit sa pag-ibig. Ikatlo, ang Kumintang ito ay awit sa pakikidigma. Ikaapat, ang Uyayi o Hele ito ay awit na pampatulog ng sanggol. Nabibilang rin dito ang Tigpasin, awit sa paggaod; ang Ihiman, awit sa pangkasal; ang Indulain, awit ng paglalakad sa lansangan at marami pang iba. Halimbawa: Talindaw Sagwan, tayoy sumagwan Ang buong kaya'y ibigay. Malakas ang hangin Baka tayo'y tanghaliin, Pagsagwa'y pagbutihin. Oyayi o Hele Matulog ka na, bunso, Ang ina mo ay malayo At hindi ka masundo, May putik, may balaho. Ang Epiko. Ang epiko ay mahabang tula na inaawit o binibigkas. Ito ay tungkol sa mahiwagang pangyayari at kabayanihan ng isang mamamayan. Ang katangian na makikita sa epiko ay ang pagkakaroon ng kaisahan na banghay, mabilis na aksiyon, paggamit sa mga istorying kababalaghan, at ng nakatitinag-damdamin at dakilang paksa (Talindaw,p.6). Ang ating mga ninuno ay naglayong gamitin ang epiko para pangritwal. Ipangaral sa mamamayan ang kani-kanilang mga tungkulin sa sambayanan. Ang mga sumusunod ay mga iba't ibang epikong galing sa iba't ibang tribo: una; ang epikong Biag ni Lam-ang ay galing sa mga Ilokano. Ang epikong ito'y akda ni Pedro Bukaneg na taga-Abra na naging dalubhasa sa samtoy (Ilokano) at Kastila. Pangalawa; ay ang Maragtas na galing sa Panay. Ito ay kasaysayan ng 10 datung Malay na tumakas sa Borneo (dahil sa kalupitan ni Sultan Makatunaw) at ng mga unang araw nila sa Panay na kanilang binili kay Haring Marikudo ng mga Aeta. At ang pangatlo'y ang Alim ng mga Ipugaw. Dito itinutukoy and pagkakasal ng magkapatid na Bugan at Wigan na siyang pinagmulan ng kagalitan at patayan sa daigdig bilang tala ng sumpa ng Bathalang si Makanungan. Sa pangkabuuan mapapansin at mapapag-aralin natin na ang mga tula noong mga matandang panahon ay nagpapakita kanilang kahirapan, pagkakawagi laban sa mga kasamaan at digmaan, kasaganaan sa bukid, kaligayaan, katapatan, at iba pang malapit sa kanilang buhay at kapaligiran. Ang Panahon ng mga Kastila Ang Pilipino ay may sarili nang tula na mayaman sa uri, paksa, at estraktura bago pa dumating ang mga dayuhang Espanyol. Subalit nang dumating ang mga Espanyol ang tulang Pilipino ay nagkaroon ng maraming pagbabago at karagdagan lalo na sa uri at paksa. Noong nag-settle ang mga dayuhan sa ating bansa karamihan nilay mga maimpluensiyang prayle. Ang mga prayleng ito ay hindi lang nagpe-preach kundi sila rin ay mga iskolar ng lengguaheng Espanyol kayay madali nilang nai-spread ang Kristianismo at ang kulturang espanyol. This was possible since ang mga dayuhan ay nagpakitang tao sa pamamagitan ng willingness to pagkatuto at pag-unawa sa ating mga katutubong kultura, baybayin, sining, pulitika,at panitikan. Nang mapailalim tayo sa kanilang mga kamay ang ating mga pusot isipan ay sumunod din. Dahil dito ang mga katutubong Pilipino o ang mga Indio na madaling silang tawagin ay madali na nilang nabago ang anyo ng mga katutubong tula. Ang mga pagbabago ay pagdaragdag sa mga paksang panrelihiyon, pangmoralidad, etika, panlibangan, pangwika, at pangromansa. Mga

  • katangiang abundant na sa Europa. Ang mga uri namang dinagdag sa katutubong panulaan ay ang mgaTugma, Pasyon, Dalit, at ang Awit at Korido. Ang Tugma. Ang tugma ayon sa depinisyon ay ang huling saknong ng tulang ito ay magkakatugma. Actually, ang uring ito ay ginagamit na nang mga Indio noon ngunit ang mga Espanyol ay nagdagdag ng isa o marami pang saknong. At saka, ang dapat na nilalaman o paksa ay ayon sa bagong pananampalataya sa Panginoong HesuCristo. Halimbawa: Quintilla Umulan man sa bundoc houag sa dacong laot, aba si casampaloc nanao nang dico loob ualang bauonang comot. Ang Pasyon. Ang pasyon ay marahil ang pinaka-famous na anyong tula noong panahon ng ,mga Kastila dahil dito sinasalaysay ang buod ng buhay ng Panginoong HesuCristo. Ito ay ikinakanta at nagsasalaysay ng kaniyang buhay mula noong siyaa ipinanganak, dakpin, ipinako sa krus hanggang sa kaniyang muling pagkabuhay. Isang halimbawa ng pasyon sa isang saknong o taludtod: O Diyos sa kalangitan Hari ng Sangkalupaan Mabait, lubhang maalam At puno ng karunungan. Ang Dalit. Ang dalit gaya ng pasyon ay inaawit din nguanit itoy nagsasalaysay sa buhay ni Birheng Maria. Dahil ang Birheng Maria ay simbolo ng kalinisan ng puri siya ay hinahandugan tuwing buwan ng Mayo. Ito ngayon ay tinatawag na flores de Mayo. Ang Awit at Korido. Ang mga tulang ito ay may paksang tungkol sa pangromansa. Ang Korido ay salaysay sa pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ng isang tauhang malabayani na punung-puno ng kababalaghan. Ang awit namay salaysay sa pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ngunit ang mga tauhan at walang sangkap na kababalaghan. Sa kapanahunang ito seguro walang hihigit pa sa gawain ni Francisco "Balagtas" Baltazar. Siya marahil ang mga unang makata na nag-expose laban sa mga koloniyalistang kultura. Ang kaniyang subversive work ay sa anyong Florante at Laura. Ang Florante at Laura ay isang mahabang pasalaysay na tula na naglalaman ng mga mensahe laban sa mga Kastila. Nakatakas ito sa mgas censura dahil nagbalat-kayo na ang mga unang panauhin ay ang mga Kastila. Ngunit sa mga totoong mambabasa ito'y may maraming tema una laban sa Kristiyanismo at pangalawa ang laban sa im espanya.periyalismong

    Ang Panahon ng Pambansang Pagkamulat Maiksi man ang panahong ito ang mga tulang nasasailalim ay marahil pinaka-importanteng mga literary works. Dahil ang mga paksang ipinapahayag sa mga mambabasa ay mapa-free from koloniyalismong mentalidad, at I-expose ang mga promlema buhat ng pagkasakop ng mga Indio sa mga Espanyol. Ang mg katangian ng mga paksa sa panahong ito ay naglalaman ng paksang makabayan, paglalarawan sa mga kapaligiran gawa ng mga dayuhang sumakop. Ang panahong ito ay nahahati sa dalawang maimpluensiyang grupo, pangpropaganda at panghimagsikan. Ang unang layunin ng propaganda ay naglalayong humihingi ng reporma na manggagaling sa mga Espanyol. Ang pinakakilalang propagandista ay ang ating bayabing si Dr. Jose Rizal. Si Dr. Rizal ay naghangad na mapasigla ang mga tao upang labanan ang mg sakitt ng

  • lipunan at ang mga mabaluktoo na paghahari ng mga Kastila. Sinulat niya ang popular na tulang pinamagatang Mi Ultimo Adios. Dalawa pang pangunahing propagandista ay sina Graciano Lopez-Jaena at si Antonio Luna. Nang hindi makamtan ng grupong Pangreporma ang kanilang layunin at demands sa Espanya at ng mga Kastilang namumuno sa Pilipinas nabuhay o kayay nabuo ang bagong kilusang Panghimagsikan. Ang kilusang Panghimagsikan ay naglalayong gumamit ng dahas upang makamtan na ng ating Inang Bayan ang hinihinging kalayaan sa mga Kastila at iba pang mga oppressors ng ating bayan. Ang pangunahing pinuno ng kilusang himagsikan ay si Andres Bonifacio. Ang Panahon ng mga Amerikano Ang panulaang Pilipino noong panahon ng mga amerikano ay ang makikitang paggamit ng tatlong wika. Ang wikang kastila, tagalog, at ingles. Ang mga Amerikano ay lumayon na bigyan ng kalayaan ang mga makata at manunulat tungkol sa mga paksang makabansa, demokrasya, relihiyon, sosyalidad, at pampulitika. Ang kinikilalang makata sa panahong ito ay si Jose Corazon de Jesus. Siya ay kilala rin sa pangalang Batute. Si Batute ay isa sa mga unang makata na gumamit at lumayo sa mga tradisyong anyo ng pagsusulat.Si Batute ay masasabing kampeon ng mga taong mabababa ang kalagayan sa pamayanan. Ang kaniyang mga gawain ay makabayan matimbang sa kaniyang isip and kapakanakan ng mga maliliit at ang kalayaan sa kamay ng mga dayuhan (Walong Dekada ng Makabagong Tulang Pilipino, p. 36). Ang mga tulang siya'y kinikilala ay ang Bayan Ko at Ang Pamana.Ang Panahong Patungo sa Pambansang Krisis Krisis sa pulitika ang pangunahing paksa sa panahong ito na buhat ng ating pagkakaloob sa mga Amerikano at ang pagpapatuloy na pag-angkin sa koloniyalismong mentalidad na minana natin sa mga Kastila. Ngunit ang mga pangunahing taga-panglaban ay ang mga kilusan ng mga kabataang mag-aaral. Sila ay nagbibigay kritisismo sa taong may pera at kapangyarihan tungkol sa kanilang pamamalakad ng gobyerno. Ang kanilang hinihingi ay reporma na mapabago ang lipunan dulot ng kapitalismo, imperyalismo, at piyudalismong paraan ng pamumuno. Si Amado Hernandez ang kinikilalang makata sa panahong ito at ang kaniyang tulang "Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan" ay naghahayag ng mga makikitang sakit ng lipunan.

    Apat na Tulang PampamilyaNi Dr. Paulina Flores-Bautista

    Guhit ni Joanne de Leon

    Ama

    Kay raming butil sa malawak na dalampasiganKay raming sigay sa malalim na karagatanKay raming patak ng ulan mula sa dibdib ng kalangitanKay raming dahon sa damong luntianKay raming hamog, dala ng hanging amihanKay raming puno sa mayabong na kabundukanKay raming katutubong kogon na di inaalagaanKay raming bituin sa maliwanag na kalangitanNgunit isang-isa lamang ang buwan sa kalawakanTulad ng aking kaisa-isang Ama na aking hinahangaan!

    Ina

    February 26, 2000

    Good-bye, Charles

    Our Turn

    New JI Writers

    Apat na Tulang Pampamilya

    http://www.inquirer.net/junior/feb2000wk4/jun_3.htmhttp://www.inquirer.net/junior/feb2000wk4/jun_2.htmhttp://www.inquirer.net/junior/feb2000wk4/jun_main.htm

  • Siya ang pagkain kung ako'y gutomSiya ang higaan kung ako'y pagodSiya ang kumot kung gabi'y maginawSiya ang damit kung ako'y hubadSiya ang katabi kung ako'y maysakitSiya ang balikat na sandalan sa kadilimanSiya ang pusong nagmamahalSiya ang dibdib na pampuno sa aking kakulanganSiya ang puhunan na tag-sulong ng buhaySiya ang kayumangging lupa na nagtatanim ng kabutihan.

    Siya ang pakpak upang ako'y makalayaSiya ang aking gurona nagtuturona ako'y lumakad ng taas-noona animo'y daigdig ay iyong-iyo.

    Siya'y aking Inana nag-aalay ng kanyangsarilikalingapagmamahalna walang inaasahangkapalitkabayaranalinlangan!

    Ako

    IAko'y bahagi ng pamilyana may mga kapatid, Ama't Inabigkis ng pagsusunuranpagtutulungan at paguunawaan.

    Tapat kaming magkakapatidsa aming magulang na matitipidkung minsan kami'y nag-aawaymga magulang namin and di sumusuway.

    IIAko'y bahagi ng paaralankung saan mga guro'y pangalawang magulangmga kamag-aral ko'y kaibigankami'y masayang nagdedebatihan.

    Ang paaralan ay templo ng karununganna humuhubog sa aming musmos na kaisipanito'y gabay sa aming kabataantungo sa magandang kabukasan.

    IIIAko'y bahagi ng pamahalaankung gayo'y diringgin koang payo ng aking mga magulang,

  • susundin ko ang tuntunin ng aking paaralan.

    Sisikapin kong maging tunay na Pilipinosa isip, sa salita, sa gawa;gagamitin ko ang sariling wika,aawitin ko ang sariling awit at diwa.

    IVAko'y bahagi ng simbahankung saan aking namulatanna ako'y nilikha ng Diyoskaya dapat buhay ko'y maayos.

    Sa landas ng aking buhayDiyos ay aking alalaykaya ako'y nagninilaynilaynang ako'y ituwid sa lahat ng bagay.

    Disiplina ng Lola sa Apo

    Ang matatag na lolana may mga apo na kasamaay iyongnagtatakip ng matanagpapasak ng bulak sa tainganagsisiper ng labi niya.

    Kung baga, di nakikialamsa Ina o Ama sa pagdidisiplinang mga mahal na apo niya.

    Nakikialam lang siyakung payo 'y hinihingi sa kanyaat dapat ito'y bihiraupang pagsasama'y di masira.

    Si Dr. Bautista ay isang premyadong manunulat para sa mga bata. Madalas lumabas ang kanyang mga tulang pambata dito sa Junior Inquirer.Si Joanne ay miyembro ng Ang Ilustrador ng Kabataan. Magaling siyang tumugtog ng gitara.

    Inside ACO's Poetic Mind

    Kapatid Ko

  • mabuti nga't hiniwalayan mo na siyaat di na pinagtagal paang kanyang pagdurusa.

    batid koang tunay mong damdaminna kailanma'y di mo siya maaaring ibiginsapagkat ang ibig mo'ykapwa mo lalaki rin.

    sitwasyon nati'y magkatuladnararamdama'y pilit na isinasantabiikinakailahanggang sa umabot sa puntong pagtatago at panggagamit sa kapwa.

    panakip-butasay wag na nating hanapin'pagkat ito'y walang butingidudulot sa atin

  • manapa'y ating buong tapangna harapinang pagkatao natin.

    kapatid kotayo na't humarap sa Silanganating salubunginang pagsikat ng arawpaglaya natin!

    Paano?

    Nag-usap tayo ng lihimtungkol sa isang usapinmasakit mang isipintila yata wala itong tunguhin.Gipit tayo sa panahonbakit nga ba lagi na lang

  • ganon?

    Paano na?simpleng tanongpero hanggang ngayonnananatili pa ring isang tanong.Walang maisagotwalang masabio baka namanayaw lang talagangsagutin.

    Paano na nga ba?Ewan ko.Hindi ko alam.Ayoko nang alamindahil wala itong tiyak na tunguhin.

    Paano nga ba natinaaminin na isa't isa'ymahal natin?

  • Paglaya

    Ako'y bilanggo ng nakaraanbuhay na patay sa mundong ginagalawan sa kasalukuyandahil sa pangako ng pusona aking pinangangatawanan.

    Maraming pagkakataonang aking pinalampasmga relasyong disin sana'ybigkis ng pagmamahalan.

    Ngunit alaala ng pangakoang siyang humahadlangtila ba isang anino na lagisa aking likuran.

    Ako'y nabubuhay sa nakaraandi kaylanman umusadat namuhay sa kasalukuyan.

  • Nais ko ngayo'y umigpawmula sa nakaraanharapin ang kasalukuyanpalayain ang bilanggo kong puso,

    Lumaya at muling mabuhay!

    Paligsan Alang Tula(Dennis Capistrano)(Decembre 12, 1997)

    Hilig ko itula, gusto ka isipa, ay kasabihan na punoGawing arian bilang maka-nganib ang tula laban sa kapwa,Ay di kanaisnais

    Sa pakay ng paligsan alang tula, buholan din ang datdatanMatingkad. Kahit lang ayon sa yayang panauhin, ayTambayan sa sabongan, hangad sa palarong me talim .

    Mahal-Mahalan(Dennis Capistrano)(Decembre 15, 1997)

    Mahal mahalin ang pagmamahal ngNagmamahal, kung magmahal sya ngMahal na mahal na mahal, na minahal naNa mamamhalin sa mahalang minamahal, na Mahal-mahalan lang .

    PanulaanMga anyo ng tula Mga uri ng tula Elemento ng tula Mga Elemento ng Tula:

    Tulang Pambata Espadang Bali-bali Lagari Penpen de sarapen Pongpong Haba, haba Tulang Palaka Ulan! Ulan!

    Tugmaang pambataMga katangian

    Jose dela Cruz