Ano Ang Sawikain o Idioma

2
 Ano ang Sawikain o I dioma  Ang sawikain o idioma ay sal ita o grupo n g mga salitan g patalinhaga a ng gamit. Ito' y ay nagbibigay ng di tuwirang kahulugan. Iba't ibang Sawikain o Idioma ahas----taksil; traidor Halimbawa: Sa kabila ng mga kabutihan niya sa kanyang pamangkin , si Gavina ay isa pa lang ahas. anak-dalita---mahirap Halimbawa: Magsikap kang mag-aral kahit ikaw ay anak dalita. alilang-kanin ---utusang walang batad, pakain lang, pabahay at pakain ngunit walang suweldo. Halimbawa: "Mga anak, huwag kayong masyadong maging masungit sa katulong natin. Alam naman ninyo na siya ay alilang-kanin lang." balitang-kutsero ---balitan g hindi totoo o hindi mapanghahawaka n. Halimbawa: Huwag kayong magalala, hindi basta naniniwala ang Boss namin sa mga balitang-kutsero. balik-harap ---mabuti ang pakikitungo sa harap ngunit taksil sa likuran. Halimbawa: Mag-ingat sa mga taong balik-harap. Sila'y hindi magiging mabuting kaibigan.  Bantay-salakay ---taong nagbabait-baitan Halimbawa: Sa alinmang uri ng samahan, may mga taong bantay-salakay. basa ang papel ---bistado na Halimbawa: Huwag ka nang magsinungaling pa.Basa na ang papel mo sa ating prinsipal na si Ginang Matutina. buwaya sa katihan---ususera, nagpapautang na malaki ang tubo Halimbawa: Maging masinop ka sa buhay, mahirap na ang magipit. Alam mo bang maraming buwaya sa katihan na lalong magpapahirap kaysa makatulong sa iyo? bukal sa loob---taos puso tapat Halimbawa: Bukal sa loob ang anumang tulong na inihahandog ko sa mga nangangailangan.  

Transcript of Ano Ang Sawikain o Idioma

Page 1: Ano Ang Sawikain o Idioma

 

 Ano ang Sawikain o Idioma 

 Ang sawikain o idioma ay salita o grupo ng mga salitang patalinhaga ang gamit. Ito'y ay

nagbibigay ng di tuwirang kahulugan.

Iba't ibang Sawikain o Idioma 

ahas----taksil; traidor

Halimbawa:

Sa kabila ng mga kabutihan niya sa kanyang pamangkin, si Gavina ay isa pa lang ahas.

anak-dalita---mahirap

Halimbawa:

Magsikap kang mag-aral kahit ikaw ay anak dalita.

alilang-kanin---utusang walang batad, pakain lang, pabahay at pakain ngunit walang suweldo.

Halimbawa:

"Mga anak, huwag kayong masyadong maging masungit sa katulong natin. Alam naman ninyo

na siya ay alilang-kanin lang."

balitang-kutsero---balitang hindi totoo o hindi mapanghahawakan.

Halimbawa:

Huwag kayong magalala, hindi basta naniniwala ang Boss namin sa mga balitang-kutsero.

balik-harap---mabuti ang pakikitungo sa harap ngunit taksil sa likuran.

Halimbawa:

Mag-ingat sa mga taong balik-harap. Sila'y hindi magiging mabuting kaibigan.

 Bantay-salakay---taong nagbabait-baitan

Halimbawa:

Sa alinmang uri ng samahan, may mga taong bantay-salakay.

basa ang papel ---bistado na

Halimbawa:

Huwag ka nang magsinungaling pa.Basa na ang papel mo sa ating prinsipal na si Ginang

Matutina.

buwaya sa katihan---ususera, nagpapautang na malaki ang tubo

Halimbawa:

Maging masinop ka sa buhay, mahirap na ang magipit. Alam mo bang maraming buwaya sa

katihan na lalong magpapahirap kaysa makatulong sa iyo?

bukal sa loob---taos puso tapat

Halimbawa:

Bukal sa loob ang anumang tulong na inihahandog ko sa mga nangangailangan. 

Page 2: Ano Ang Sawikain o Idioma