Ano ang Manila Bay?
-
Upload
truongliem -
Category
Documents
-
view
271 -
download
6
Transcript of Ano ang Manila Bay?
Ano ang Manila Bay?
Isa itong pala-bilog na dagat na nakaharap
sa South China Sea, at isa sa pinaka
magandang natural na daungan sa buong
mundo. Ang Manila bay ay matatagpuan
sa timog-kanluran bahagi ng Luzon. Nasa
pagitan ito ng 120°28´ at 121°15´ east
longitude, at sa pagitan ng 14°16´ to 15°
north latitude.
LAKI ng SAKOP ng MANILA BAY
Ang Manila Bay, ay aabot ng 60
km haba na may pasukang
daang-tubig na na 18 kilometrong
lapad kung saan matatagpuan
ang mga isla ng Corregidor at
Caballo. Ang kahabaang
baybayaing dagat nito ay
tinatayang, 190 kilometro at ang
kabuuang lupain ay aabot ng
1,800 square kilometers.
Sinasakop nito ang ilang syudad
na nasa Metro Manila (Manila,
Pasay, Parañaque, Las Piñas, at
Navotas), at mga baybaying lugar
ng Bataan, Pampanga, Bulacan
sa Region 3, at Cavite sa Region
4.
POPULASYON NG MANILA BAY LUGAR REGS VOTERS
CAVITE 1,020,008
LAS PINAS 552,573
PARANAQUE 588,126
MANILA 1,652,171
NAVOTAS 249,131
BULACAN 1,479,765
PAMPANGA 1,211,162
BATAAN 463,682
TOTAL: 7,216,310
• Nasasakop din nito ang mga lugar na nagsisilbing watershed
ng Manila Bay na medyo malayo sa baybaying dagat nito:
Quezon City, Caloocan City, Makati, Pasig, Marikina,
Mandaluyong, Muntinlupa, Valenzuela, Malabon, San Juan,
Pateros, at Taguig, mga probinsya ng Nueva Ecija at Tarlac sa
Region 3, at mga ilang probinsya sa Region-4 gaya ng Rizal at
Laguna.
• May dalawang pangunahing ilog na dumadaloy sa Manila bay.
Ito ay ang ilog Pasig at ang ilog ng Pampanga. Ang Pasig
River ang nag-dudugtong sa Manila Bay at sa lawa ng Laguna
na pinaka malaking tubig-tabang na lawa (largest freshwater
lake) sa buong Southeast Asia. Habang kalakhan sa mga ilog
nang probinsya ng Pampanga, Bulacan at Nueva Ecija ay
pumupunta sa Pampanga River (BFAR, 1995). Ang iba pang
mga ilog na dumadaloy sa Manila Bay ay ang mga sumusunod:
Paranaque, Las Pinas, Talisay, Pasag, Meycauayan, Navotas-
Malabon-Tullahan-Tenejeros, at Maragondon.
KASAYSAYAN ng MANILA BAY • May kahariang Islam/Muslim na naitayo noong 300 to
200 B.C. mula sa mga dayuhang immigrants na galing
sa Central Java, nanahanan sila sa kahabaan ng ilog
Pasig at Pampanga na humahangga sa dulong
Cagayan. Dito nagmula ang lahi ng mga datu at rahaj
na lumaban noon sa mga kolonyalistang Espanyol.
• Sa mga sinaunang pamayanang ito ng mga katutubong
pilipino nagmula sina Rajah Sulayman, Matanda at
Lakandula na mga lumaban sa kolonyalistang
Espanyol bago sila matalo sa tinaguriang “Battle of
Tondo” (Manila). Sa pagkagapi ng mga Rahaj, kagyat
na ideneklara ng mga Espanyol na pag-aari na nila ang
buong isla.
• Makatapos ito, itinayo agad ni Miguel Lopez de Legaspi
ang Fort Santiago sa mismong lugar ng labanan at
pormal na inanunsyo na ang kapital ng Pilipinas ay ang
Maynila noong 1571. Ito ang naging sentro ng
kapangyarihan ng mga Espanyol sa loob ng 430 taon.
HALAGA ng MANILA BAY
Ang Manila Bay ang pangunahing nagsisilbi
bilang isang Internasyunal na
daluyan/daungan ng politikal, ekonomikal at
sentrong ugnayan ng bansa. Kilala ang
kahalagahan ng Manila Bay kahit pa noong
unang panahon, bilang isa sa pinaka
magandang baybayin at natural na daungan
sa buong mundo, ito rin ang pinaka sentrong
daungan ng kalakalang Galleon Manila-
Acapulco noong panahon ng mga kastila.
• Sa panahon ding ito, mayor na ginagamit na
moda ng transportasyon ang mga steamships,
banka o “cascos”. Kaya karamihan sa mga
sinaunang pamayanan ay makikita sa
baybaying dagat ng Manila Bay, Lawa ng
Laguna, kahabaan ng ilog pasig, Kawit at iba
pang mga natural na daluyang tubig.
Isa ang bakawan sa pinaka-nakakatulong
para sa ikagaganda ng ating ecosystems.
Ito ang nagbibigay ng kanlungan sa
maraming klase ng isda at iba pang
yamang-dagat. Nagsisilbi din itong taga
linis ng mga dumi at iba pang basurang
natatapos sa dagat, habang malakas itong
taga-salag ng mga malalakas na alon,
storm surge at pinangangalagaan nito na
wag matibag ang mga lupa sa tabing-
dagat. Sa pagsapit ng 20th century, aabot
ng 54,000 ektarya pa ng mga bakawan ang
matatagpuan sa baybaying dagat ng
Manila Bay. Subalit pagpasok ng 1990,
batay sa rekord ng BFAR, lumiit ito sa
2,000 ektarya sa buong baybayin at noong
1995, ay naitala na mas lumiit pa ito sa 794
ektarya na may natitirang bakawan.(BFAR,
1995).
WETLANDS
Ang Manila Bay ay isang wetlands/Swamps na may tinatayang sukat na
4,600 ektarya (BFAR, 1995). Ilan sa mahahalagang gamit ng pagiging
latian: nagbibigay/nagpo-produce ng pagkain at tahahan ng mga isda,
iba pang yamang dagat, sanktwaryo ng mga ibon at iba pang hayop;
nakakatulong para mapaganda ang kalidad ng tubig sa ilog, lawa at iba
pang daluyang-tubig; nagsisilbing bagsakan at imbakan ng tubig at
nagpoprotekta sa mga ari-arian laban sa epekto ng baha. Ang latian ng
Manila Bay ay binubuo ng putikan, tabing-dagat, buhanginan, swamps,
bakawanan at mabatong baybayin.
Umaabot ng ilang milyong ibon ang nagpapahinga, kumakain at tumitira
sa mga latian ng Manila Bay. Kalakhan sa kanila ay matatagpuan sa
Candaba Swamp at sa Freedom Island ng Paranaque at Las Pinas.
Malaking bilang din ng mga ibon ay mga migratory na nanggagaling sa
China, Manchuria at arctic tundra tuwing tag-lamig (September to April)
at muling bumabalik doon pagkagaling sa Australia/Oceana kapag
sumapit na ang summer (May – August) sa hilaga.
Noong 1995, may malawak na
Coral reefs pa tayong makikita sa
Manila Bay, ngunit mabilis na itong
lumiit. Napakahalaga ng mga coral
reefs sa ating baybayin dagat, para
sa mga isda at yamang dagat ng
Maynila at sa kanyang ecosystem.
Sa ginawang pag-aaral ng BFAR
nong 1995, matatgpuan pa rin sa
baybayaing dagat ng Manila bay
ang mga seagrass beds lalo na sa
bahaging bunganga nito sa Orion at
Mariveles Bataan at sa erya ng
Corregidor.
CORAL REEFS UPLAND FOREST
Noong 1995, may malawak na
Coral reefs pa tayong makikita sa
Manila Bay, ngunit mabilis na itong
lumiit. Napakahalaga ng mga coral
reefs sa ating baybayin dagat, para
sa mga isda at yamang dagat ng
Maynila at sa kanyang ecosystem.
Sa ginawang pag-aaral ng BFAR
nong 1995, matatgpuan pa rin sa
baybayaing dagat ng Manila bay
ang mga seagrass beds lalo na sa
bahaging bunganga nito sa Orion at
Mariveles Bataan at sa erya ng
Corregidor.
TOURISM & NATURAL PARKS Beach resorts ay matatagpuan sa baybaying dagat ng Cavite,
Bataan at Pampanga. Ginagamit ng mga resorts ang Manila
Bay para sa kanilang pamamangka at sight seeing. Isang
katangian ng Manila Bay ang ganda nito kapag lumulubog na
ang araw. kitang-kita dito ang papalubog na araw kaya naman
napakaraming mga tao ang tumatambay sa baybaying dagat
para lamang masilayan nila ito.
Maraming natural parks na matatgpuan sa Manila Bay
Region. Ang Ninoy Aquino Parks at Wildlife Nature Center ay
matatagpuan sa pinaka-gitna ng Metro Manila — may
kahilingang gawing protected area dahil sa pagkakaroon ng
maraming puno at halaman.
Sa Region 3, ay may limang (5) protected landscapes gaya
ng Minalungao, Biak na Bato, Mt. Arayat, Mt. Samat, at
Roosevelt National Parks.
Habang ang Region 4 ay may Mt. Palaypay—Mataas na
Gulod National Park (Cavite), Hinulugang Taktak National
Park (Rizal), at Mt. Makiling National Park (Laguna).
Mga nahuhuling isda: TILAPIA KIKILO PUSIT
PLA-PLA ALUMAHAN PUGITA
BANGUS TORSILYO ALAMANG
TALILONG/BAN
AK
BOGING /
TAMBULOG
ALIMANGO /
HASA-HASA
MAMALE BABANSI ALIMASAG
ASUHOS SALAY-SALAY TAHONG
BISUGO HIWAS TALANGKA
KANDULI LAPIS PAROS
SALINYASI TWAKANG HALAAN
ESPADA DILIS TALABA
TANIGUE LORO HIPON
TILAPIA LAPU-LAPU TALIMUSAK
PUBLIC-PRIVATE PARTNERSHIP: Program and Projects PUBLIC-PRIVATE PARTNERSHIP: Program and Projects
National
Reclamation
Plan 2012
Noong February 24, 2011 sa ginanap na ika-469th na pagpupulong ng mga board of directors ng PRA, gumawa sila ng isang resolusyon #4161 (series of 2011) na nagsasaad nang “APPROVAL OF THE
PHILIPPINE RECLAMATION AUTHORITY – NATIONAL RECLAMATION PLAN (PRA –
NRP).
Ang PRP/NRP ay may 3 mayor na sektor: 1) Manila Bay Sector (MBS) with Laguna De Bay (LBS) as sub-
sector, 2) Visayas sector (Cebu Province) at 3) Southern Mindanao Sector (Davao Region).
At ang hiwa-hiwalay na proyektong reklamasyon sa ibat-ibang lugar sa bansa ay tatawaging “other sector” (OS).
SECTOR NO. OF PROJECTS
AREA (Hectares)
MANILA BAY SECTOR
38 26,234
VISAYAS SECTOR 7 6,000
SOUTHERN MINDANAO SECTOR
7 238
OTHER SECTOR 50 5,800
TOTAL: 102 38,272
City of man concept CORY - SAP/LOI (86-92) MTPDP ni TABAKO (92-98)
PNOY - PDP 2011-2016 (PPP) GMA - MTPDP (PPP- 01-10) ERAP – MTPDP
PUBLIC-PRIVATE PARTNERSHIP: Program and Projects PUBLIC-PRIVATE PARTNERSHIP: Program and Projects
MANILA BAY
RECLAMATION
PROJECT
Alam n’yo ba ang MANILA BAY RECLAMATION PROJECT?
Naka balangkas ito sa National
Reclamation Project ni Pres. Benigno
“Noynoy” Aquino - III at pangunahing
nilalaman ng kanyang PDP2016 at
nakapaloob sa mga partikular na plano ng
regional development plan 2016.
Sa kabuuang 100+ proyektong nasa ilalim
ng NRP, may kabuuang 38 proyektong
reklamasyon ang gagawin sa
nasasakupan ng baybaying dagat ng
Manila Bay na magaganap sa erya ng
Cavite, NCR, Bulacan, Pampanga at
Bataan. Ayon mismo sa PRA (Philippine
Reclamation Authoriy), sumasakop ng
kabuuang 26,234 ektaryang baybaying
dagat ang nakatakdang bumbunan/i-
reclaim.
IBAT-IBANG PROYEKTONG REKLAMASYON SA MANILA BAY:
ITEM PROJECT TITLE / DESCRIPTION AREA (Hectares)
MB-N01 PROJECT AREA 159.13
MB-N02 PROJECT AREA 503.13
MB-N03 PARANAQUE-LAS PINAS COASTAL BAY PROJECT
635.14
MB-N04 PROJECT AREA 398.61
MB-N05 PROJECT AREA 301.71
MB-N06 PROJECT AREA 717.03
MB-N07 PROJECT AREA 98.38
MB-N08 PROJECT AREA 235.84
MB-N09 PRA OIL DEPOT & BUSINESS PARK
190.00
MB-N10 R-II BUILDERS MANILA HARBOUR CENTER
50.00
MB-N11 NAVOTAS BUSINESS PARK RECLAMATION PROJ
650.00
MB-N12 PROJECT AREA 1317.11
MB-N13 PROJECT AREA 2104.28
MB-N14 PROJECT AREA 2044.08
MB-N15 PROJECT AREA 603.79
MB-N16 PROJECT AREA 822.49
MB-N17 PROJECT AREA 767.09
MB-N18 PAMPANGA BAY INTEGRATED DEVP PROJECT
4057.89
MB-N19 PROJECT AREA 2054.23
TOTAL: 17709.93
DESCRIPTION
MB-S01 MCTE RECLAMATION PROJECT
844.12
MB-S02 CAVITE RECLAMATION PROJ SPCL. ECO. ZONE
68.00
MB-S03 PHILIPPINE NAVY RECLAMATION PROJECT
60.00
MB-S04 SANGLEY POINT DEVELOPMENT PROJECT (SPDP)
2700.27
MB-S05 PROJECT AREA 227.89
MB-S06 PROJECT AREA 713.90
MB-S07 PROJECT AREA 401.77
MB-S08 PROJECT AREA 595.70
MB-S09 PROJECT AREA 569.95
MB-S10 PROJECT AREA 279.96
MB-S11 TERNATE RECLAMATION PROJECT
30.00
TOTAL 6491.56
ITEM PROJECT TITLE /
DESCRIPTION AREA (Hectares)
MB-PA01 FOR RELOCATION OF MANILA SOUTH HARBOR
906.31
MB-PA02 FOR RELOCATION OF PROPOSED AIRPORT @ SPDP
1128.32
MB-E01/ MB-E08 8 ADDITIONAL PLANNING AREAS
2034.63
GRAND TOTAL: 26,234.12
Manila Bay Coastal Road Project o Manila – Bataan Coastal Road (Phase-1 & 2) Project
Manila – Bataan Coastal Road Project o
Coastal Highway Project ay may habang
30 nautical miles, madadaanan nito ang
probinsya ng Bulacan at Pampanga.
Layunin nitong pagdugtungin ang bagong
gawang CavitEx (bahagi ng MCTE) at ang
Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX).
Ang proyektong ito nasimulang i-draft
noong pang 1970 at ngayon lamang ulit
pinasimulang gawin. Itinutulak ito ni Bataan
Gov. Wilhemino Alvarado
• May 3 malalaking proyektong kaakibat ito:
1) Reklamasyon ng baybaying dagat ng
Bulacan-Pampanga-Bataan 2) pagtatayo
ng mahabang Flood Control Dike 3) New
Hub ng commercial establishment sa
kahabaan ng coastal area.
Manila Bay Flood Control Project • Valenzuela-Obando-Meycauyan
Drainage Improvement and Related
Works Project
• Layunin nitong ayusin ang problema sa
baha ng mga erya sa Valenzuela,
Obando at Meycauyan Bulacan. Ang
laman ng proyekto ay ang sumusunod:
raising and strengthening of existing
masonry walls on the left bank of
Meycauayan river, ii) raising of existing
riprap dike on the left bank of
Meycauyan river, iii) channeling,
construction of dike, and establishment
of regulation pond, iii) raising of Obando
Bulacan Road, iv) establishment of
pumping stations and flood control gate
structures, among others. The project is
in project feasibility preparation stage.
Manila Bay Watershed Reforestation Project:
• Sierra Madre Reforestation Program. Ang layunin ng proyekto ay
mataniman ng puno ang nakakalbo nang tuktok ng bundok Sierra
Madre na hindi sakop ng kasalukuyang proyektong reforestation ng
DENR at iba pang institusyon ng lokal na gobyerno. Ang isang
popokusan nito ay ang mga lugar sa sierra madre na tinaguriang
kritikal sa pangangilangang tubig pero hindi rin kasama sa lugar na
prinoprotektahan ng National Integrated Protected Area System.
• Arayat National Park Development Project. Layunin nitong
epektibong protektahan, imonitor at pangalagaan ang Arayat national
park upang makatulong na mamantina ang ecological biodiversity at
maisulong ang tuloy-tuloy na kaunlaran. Sa ilalim ng proyekto, lahat
ng lugar na malala ang kalagayan nasa loob ng naka-proklamang
prinoprotektahang lugar kagubatan ay ibabalik sa dating ganda at
lago ng kagubatan.
North railroad project:
• Ang North at South Lines ay may kabuuang 1,296 kilometrong riles. Ang North Line ay nagseserbisyo at sumasakop sa mga probinsya ng Bulacan, Pampanga, Tarlac, Pangasinan, Nueva Ecija, La Union, at Ilocos, nang ito ay tumigil sa pagseserbisyo noong 1989. Ang daang-bakal ay napatunayang mahalaga sa sistemang pang-masang transportasyon sa pamamagitan ng pagbibigay serbisyong mabilis at konbenyente sa pagbabyahe ng tao at mga produkto.
• Layunin nitong, i-modernise ang North Line sa pamamgitan ng pagbabalangkas ng isang programang gaya ng Manila-Clark Rapid Railway System (MCRRS). Ang proyektong ito ang magdudugtong sa Bonifacio Global City at Clark Freeport Zone (CFZ). Batay sa ginawang pag-aaral, ang MCRRS ay kayang-kayang tumakbo at magserbisyo kung ililimita muna ang kanilang ruta sa Malolos, Bulacan at Caloocan City. Subalit kung matatapos na ang konstruksyon ng buong ruta na tatagos sa Clark at Bonifacio Global City, kinakailangan ng MCRRS na pangasiwaan na ang buong operasyon. Ang North Rail ay isa sa mga proyekto na pinayagan ni pangulong Aquino na kinakailangang maipag-patuloy.
Manila City Bay Reclamation Project
• Ang 148 Hectares Manila City Baywalk Reclamation Project ay sinimulang balangkasin ng syudad ng Maynila noong nakaraang taon at itinulak nila ito na mapasama sa niluluto noong NRP. Sinasakop ng proyektong reklamasyon ang timog na bahagi ng Manila Bay sa boundary ng Pasay City (in accorrdance to 1949 revised charter of Manila) na hahangga sa south bank ng Estero De Maytubig, kasama ang harapang bahagi ng makasaysayang Manila Yacht Club at ang lugar ng Navy.
•
• Nakipag kasundo sila sa Manila Goldcoast Development Corp para sa pag-develop ng isang Bay area na mapagtatayuan ng isang commercial at mixed-used center sa lunsod ng Maynila. Layunin nilang gawing “new Manila business hub” na kagaya ng naitayo sa Taguig City’s – Serendra o Pasay City – Mall of Asia
A. • Itatayo ito sa 134 ektaryang na-reclaim na nasa katabi
ng PPA (Phil Port Authority) area. Itatayo dito ang Oil Depot at iba pang business stablishment ng mga malalaking negosyanteng dayuhan at lokal.
• Sa proyektong ito, maglalagay ng karagdagang P20 Bilyon ang gobyerno sa proyektong isapribado at rehabilitasyon ng north harbor. Nagkasundo na ang kompanyang San Miguel Corp na pag-aari ni Danding Cojuangco at Manila North Harbour Port Inc (MNHPI) na may malaking share si Regis Romero ng Harbour Center Port Terminal Inc (HCPI).
PRA OIL DEPOT & BUSINESS PARK/ P20B worth na 50 ektaryang San Miguel City
Business Complex.
• Sa kasalukuyan ay on-going ang usapan ng PPA,
PRA, DTI at mga negosyanteng sina Regis
Romero at Danding Cojuangco para sa pagpipinal
ng kanilang joint venture agreement sa paggamit
ng naturang lugar sa kanilang kapakinabangan.
• Tatayuan ito ng mga storage ng main staple (Mais,
Bigas at Trigo) na pangunahing pangangailangan
ng ating bansa na manggagaling sa lokal at
ibayong dagat.
• Pagtatayuan ng Logistic Facilities ng kompanyang
SMC, lalo na ang mga pangangailangan sa
kanyang produktong brewery.
• Ito rin ang magsisilbing pangunahin at
konsolidadong pasilidad ng mga barko at cargo
vessels na gamit ng SMC.
• Pagtatayo ng sariling bunker-depot ng
subsidiaryong Petron Corporation
LUNETA PARK & FORT SANTIAGO
REHABILITATION PROJECTS:
• Bahagi ng proyektong ito na “kunyaring” ipakitang pinangangalagaan ng PPP ang kultural na aspeto ng ating bansa. Kaya
imbes na isama sa reklamasyon ang Fort Santiago, aayusin na lamang ito para maging isang magandang tourist spot sa lunsod ng
Maynila
North Bay Boulevard Business Park
(NBBBP)
Na nagkakahalaga ng 50
Bilyong Piso ang proyekto.
May 25,000 kabahayan o
75,000 pamilya ang kagyat
na madedemolis.
Mawawasak din ang kanilang
kabuhayan dahil karamihan
sa mga pamilyang ito ay
kumukuha ng ikanabubuhay
sa dagat.
North Bay Boulevard Business Park
(NBBBP)
Ekspansyon ng Radial Road 10 o
R10 at pagpapalapad ng mga
panloob na kalsada tulad ng
Pascual at M. Naval at pag-
papagawa ng mas malapad
kalsada sa kahabaan ng
baybaying dagat ng navotas na
magmumula sa C-4 tungong
Tangos na may kabuuang haba
na 3.3 kilometro.
International Ship Repair Yard
upang magsilbi sa mga
pangangailangan ng mga
itatayong International Ports sa
Manila Bay, Subic at sa Infanta
Quezon.
BILANG NG TATAMAAN NG
MALAWAKANG DEMOLISYON sa
MANILA AREA
LUGAR BILANG NG PAMILYA
NAVOTAS 75,000
PAROLA COMPOUND 37,000
ISLA PUTING-BATO/BREAK WATER 6,000
ROAD 10 5,000
HAPILAN 5,000
COLLECTOR’S ROAD 500
MANGGAGAWA SA PIER/RETRENCHMENT
10,000 KATAO
DRIVER NG KULIGLIG/VENDORS 10,000 KATAO
TOTAL: (Partial) 791,000 KATAO
Taguig Lakeshore Project
GOLF COURSE AND RESIDENTIAL
DEVELOPMENT
A 36-hole all weather golf course
Residential fairway lots and villas
Fully equipped Golf and sports club
Natures preserve
COMMERCIAL AND MIXED-USE
DEVELOPMENT
Marina and Boardwalk
Floating Grandstand
Water Sports Facilities
Ferry Terminal and Fish Port
Multi Modal Transport Terminal Sports Complex
PEA – AMARI DEAL:
(1992)
“Accdg to Tordesillas: Our sources
say that the entire package of bribes
includes more than the commissions
paid to the brokers. Apart from the
close to P1 billion paid to Chua, Co,
and company, our sources say, P600
million was paid to a high official to
clinch the deal. But that's not all: when
the story broke out in late 1996,
another series of payoffs was made,
several of our sources say” – 1996
data.
BOULEVARD 2000:
MACAPAGAL AVENUE:
The most expensive
highway in the world
Laki ng sakop
• Sinasakupan nito ang
apat (4) na syudad at 1
munisipalidad: Manila,
Pasay, Paranaque, Las
Pinas at bayan ng
Bacoor. Pangunahing
eryang nais nilang i-
reclaim ang baybaying-
dagat ng Las Pinas at
Paranaque na
matatagpuan sa
laot/harapan ng
Freedom Island. May
tinatayang 635.14
hectares ang saklaw ng
proyekto.
MCCRRP/BOULEVARD 2000
USD 850
Million
(including
system
enhancements)
16 kilometers
long, 8
stations from
Pasay to
Bacoor Cavite
ESTIMATED PROJECT COST
MCCRRP/BOULEVARD 2000
Tatagos ito mula sa Roxas Boulevard hanggang sa Talisay Batangas. Sinimulan na ang konstruksyon nito noong panahon pa ni GMA at pinasinayaan na ni P-noy ang natapos na unang bahagi nito na tumagos sa Cavite City para tagusin ang pinaka-unang naitayong EPZA sa Cavite. Sa proyektong ito, ni-reclaim nila ang dagat sa Bacoor at tinamaan na ang mga magtatahong sa erya, habang nadamay ang halos sa 5,000 pamilyang naninirahan sa lugar.
MCCRRP/BOULEVARD 2000
ESTIMATED PROJECT COST:P10.59B The project has a total length of 5.19 kilometers with four (4) lanes. The project has a total length of 5.19 kilometers with four (4) lanes. ESTIMATED PROJECT COST ESTIMATED PROJECT COST
PHP 10.59 Billion
USD 235.33 Million
MCCRRP/BOULEVARD 2000 ESTIMATED PROJECT COST: 16 COOPS/10,000 IND
Parañaque Fisherman’s Wharf
/PIER/Bulungan Rehabilitation
Nabuo ang Parañaque Fisherman’s
Wharf o ang bulungan market noong
1986, dati itong baybaying dagat na ni-
reclaim ng PEA na ngayon ay PRA.
Ang mga original na vendors dito ay
nabigyan ng “Social Commitment” na
hindi sila magbabayad at award sa
kanila ang naturang lugar.
kamakailan, nai-award ang pag-aari
nito sa LGU ng Paranaque dahil sa
hindi mabayarang utang ng PRA sa
lunsod at ito ang ipinambayad ng PRA
kasama pa ang ilang mg assets nila sa
Marina area.
PRA Three Islands Property
CBP-1A CCP-FCA
GSIS/
SENATE
OFFICE
CBP-2 & Asiaworld
ASIAWORLD CITY
UNIWIDE COASTAL
MALL
CBP-B&C
3. ASIA-WORLD CITY
PAGCOR HEADQUARTERS
Azure Corp. proposed the development of the Okada Resort Manila Bay, an integrated casino
resort with 2,000 standard rooms and 300 VIP suites. Its main features would be the world's biggest
oceanarium, theaters and a giant Ferris wheel similar to the London Eye and to be called the
“Manila Eye."
Genting Berhard, with its partners Star Cruises and Alliance Global Group Inc., (AGI), plans to
build several hotels with a minimum room capacity of 2,000 rooms and a world-class theme park.
The company owns and operates the Genting Highlands Resort in Malaysia.
Publicly traded Alliance Global is in talks with Star Cruises Ltd. for a joint venture to develop a $1-
billion integrated leisure and resort within the Bagong Nayong Pilipino Manila Bay Integrated City
Project.
Star Cruises, the world’s third-largest cruise operator and an affiliate of the Malaysian
conglomerate Genting Group, is interested to acquire up to 40 percent of Travellers International
Hotel Group Inc., a wholly owned subsidiary of AGI.
Travellers International will serve as the vehicle for participating in the government’s ambitious
plan to put up the multibillion-dollar integrated tourism zone.
SM Investments Corp. proposed to put up a gaming facility in partnership with Asia- Pacific
Gaming of Australia, and a major luxury hotel to be managed by Radisson Hotels & Resorts at the
Mall of Asia Complex side of the Manila Bay Integrated City.
Bloombery Investments Ltd. is planning to build three luxury hotels with a total capacity of 1,500
rooms, with high-end retail shops, celebrity-themed dining, and a major entertainment and sports
center.
4. FREEDOM ISLAND RECLAMATION
Plano nito bumbunan ng lupa o i-reclaim ang mga baybaying dagat sa harapan ng Freedom Island upang tayuan ng negosyong pabahay, intertainment at e-center area.
Plano nito bumbunan ng lupa o i-reclaim ang mga baybaying dagat sa harapan ng Freedom Island upang tayuan ng negosyong pabahay, intertainment at e-center area.
PRA Authorities Turn over properties to
Paranaque Local Government Unit
Parañaque City Administrator Atty. Nelson De Jesus (left) accepts from
Philippine Reclamation Authority Officials the documents that legally
transfers the following properties to Parañaque: Transport Terminal in
Central Business Park 2, Parañaque Fisherman’s Wharf, Coastal Plaza
Condominium units and lot no. 5155. The transfer of properties was done
after a Deed of Conveyance was signed between the City of Parañaque
and the Philippine Reclamation Authority addressing outstanding issues
involving real property taxes. Also in the photo is Parañaque City Legal
Counsel Atty. Jose Torrefranca on 2008.
Additional Tax sa LGU
MGA ALIBI NG MAY KINALAMAN SA
PROYEKTO Dangerous “daw” sa Airport
More Employment
SOCIAL COMMITMENT
• GINAWA ITO NG DATING
PRES. CORY AQUINO
PARA MABIGYANG
DANYOS-PERWESYO ANG
MGA
MANGINGISDA/NANINIRAH
AN/MANININDA NANG
MAPEKTUHAN SILA SA
RECLAMATION NG
COASTAL ROAD O NG R1
EXTENSION NOONG 1986.
SUPREME COURT DECISION w/ FINALITY due to
UNCONSTITUTIONALITY and GRAFT & CORRUPTION
TAINTED PEA-AMARI DEAL:
Unified Marketing & Services Cooperatives Inc:
10,000 katao
Kabuhayan sa paligid ng Bulungan Kabahayan ng Floating Community: 100 houses
NOONG BAGYONG PEDRING,
MALAKI ANG NAITULONG NG
FREEDOM ISLAND AT MGA
BAKAWAN NITO PARA SALAGIN
ANG MALALAKAS NA HANGIN
AT ALON… HINDI TAYO
NATULAD SA IBANG
NAAPEKTUHAN NG BAHA AT
ALON
SFIM & HOM JOINT
CLEAN-UP &
COCONUT
TREE/MANGROVES
PLANTING ACTIVITY October 20, 2012 @ Freedom &
Long Island
ANG ATING PANAWAGAN:
TUTULAN, LABANAN ANG DEMOLISYON SA
KABUHAYAN AT PANINIRAHAN NG MGA TAGA-
PARANAQUE at LAS PINAS!
IGALANG ANG DESISYON NG KORTE SUPREMA at
SOCIAL COMMITMENT sa mga taga BULUNGAN!
LABANAN ANG REKLAMASYON NG FREEDOM
ISLAND, DEMOLISYON SA KABUHAYAN at
PANINIRAHAN, KORAPSYON, MALAWAKANG
PAGBAHA SA DALAWANG SYUDAD at PAGKASIRA
ng EKOLOHIKAL NA BALANSE NG MANILA BAY –
BIO-DIVERSITY at SANKTWARYO NG MGA IBON!