Ang yang Turismo Para Sa Kaunlaran at Kapayapaan Ng Mindanao-Talumpati

2
PABLO LORENZO NATIONAL HIGH SCHOOL , Mandug Davao City “Ang Industriyang Turismo Para sa Kaunlaran at kapayapaan ng Mindanao”. Sa tuwing nababanggit ang salitang “Mindanao” isang awitin ang agad na sumasagi sa aking isipan, ang awiting pinasikat ng isang batikang kompositor at mang-aawit na si Freddie Aguilar. “Pinoy kapwa pinoy ang naglalaban doon sa Mindanao, marami pang dugo ang dumanak sa lupa ng Mindanao, Mindanao.” Nakakaantig ng puso, nakakagising ng kamalayan, at nakapanglulumo ng damdamin. Bagamat, di ko man nasasaksihan ang sinasabing digmaan, subalit ang awiting ito ang naglalarawan sa karanasan ng aking lupang tinubuan, na maging sa kasalukuyan ay kaakibat pa rin ang imahe ng bagsik ng karahasang dulot ng sinasabing digmaan. Aking mga tagapakinig, ito kaya ang imaheng nagpapatanyag o magpapatanyag pa sa ating lupang tinubuan? Hahayaan na lang ba nating habang- buhay tayong magkaroon ng diskriminasyon sa ating kultura, sa ating paniniwala, sa ating kalagayan , at sa ating karapatan? May magagawa kaya tayo bilang karaniwang mamamayan sa suliraning ito , upang ganap na umunlad at maging mapayapa ang buong Isla ng Mindanao? Sa aming mga kagalang-galang na hurado, mga guro’t panauhin, sa mga kapwa ko kalahok, at sa lahat ng narito, Mabuhay! Isang napakalaking karangalan ang ako’y mabigyan ng pagkakataong maging bahagi ng patimpalak na ito…Ang maatasang makapagbahagi ng isang usaping magbabantayog sa imahe ng aking lupang tinubuan, ang lupang pangako, ang Mindanao! Nang aking mabasa ang paanyaya ng patimpalak na ito, ang pinakauna kong binigyang pansin ay ang temang papaksain. “Ang Industriyang Turismo Para sa Kaunlaran at kapayapaan ng Mindanao”. Ilang sandali ko rin itong pinagninilay-nilayan kung paano ko bibigyang katarungan sa harap ninyong lahat ang usapin ng paksang ito. At naitanong ko rin sa aking sarili, “ano nga ba ang kaugnayan ng turismo sa kaunlaran at kapayapaan ng isang lugar?” Subalit, laking pasasalamat ko na sa mga sandaling iyon ay sinagot ng aking napupukaw na kamalayan ang lahat ng aking mga katanungan. Napukaw ng aking kamalayan kung paanong ang kagandahan ng Mindanao ay maaaring maging daan upang magbago ang pagtingin ng karamihan sa pagiging imahe nito ng digmaan at ito’y maari nang palitan ng imahe ng kaunlaran at kapayapaan sa tulong ng industriyang turismo. Mga tagapakinig, subukan nating lakbayin ang ganda ng Mindanao . Akyatin natin ang Bundok ng Apo na siyang nagpapatanyag bilang pinakamataas na bundok sa Pilipinas! Sisirin natin ang dalisay na karagatan ng Isla ng Samal. Damhin natin ang halimuyak ng Waling-waling at saksihan natin ang paglipad ng Haring Ibong Agila, langhapin at tikman ang kamanghang-manghang amo’y at sarap ng Durian. At puntahan natin ang Genereal Santos City, ang lugar na biniyayaan ng malahiganting “Tuna” na ating maipagmamalaki hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. At higit sa lahat , subukan nating makipagsalamuha sa iba’t ibang katutubong nagpapanatili ng ating makukulay na kultura bilang isang tunay na Pilipino.

Transcript of Ang yang Turismo Para Sa Kaunlaran at Kapayapaan Ng Mindanao-Talumpati

Page 1: Ang yang Turismo Para Sa Kaunlaran at Kapayapaan Ng Mindanao-Talumpati

PABLO LORENZO NATIONAL HIGH SCHOOL , Mandug Davao City“Ang Industriyang Turismo Para sa Kaunlaran at kapayapaan ng Mindanao”.

Sa tuwing nababanggit ang salitang “Mindanao” isang awitin ang agad na sumasagi sa aking isipan, ang awiting pinasikat ng isang batikang kompositor at mang-aawit na si Freddie Aguilar. “Pinoy kapwa pinoy ang naglalaban doon sa Mindanao, marami pang dugo ang dumanak sa lupa ng Mindanao, Mindanao.” Nakakaantig ng puso, nakakagising ng kamalayan, at nakapanglulumo ng damdamin. Bagamat, di ko man nasasaksihan ang sinasabing digmaan, subalit ang awiting ito ang naglalarawan sa karanasan ng aking lupang tinubuan, na maging sa kasalukuyan ay kaakibat pa rin ang imahe ng bagsik ng karahasang dulot ng sinasabing digmaan.

Aking mga tagapakinig, ito kaya ang imaheng nagpapatanyag o magpapatanyag pa sa ating lupang tinubuan? Hahayaan na lang ba nating habang-buhay tayong magkaroon ng diskriminasyon sa ating kultura, sa ating paniniwala, sa ating kalagayan , at sa ating karapatan? May magagawa kaya tayo bilang karaniwang mamamayan sa suliraning ito , upang ganap na umunlad at maging mapayapa ang buong Isla ng Mindanao?

Sa aming mga kagalang-galang na hurado, mga guro’t panauhin, sa mga kapwa ko kalahok, at sa lahat ng narito, Mabuhay! Isang napakalaking karangalan ang ako’y mabigyan ng pagkakataong maging bahagi ng patimpalak na ito…Ang maatasang makapagbahagi ng isang usaping magbabantayog sa imahe ng aking lupang tinubuan, ang lupang pangako, ang Mindanao!

Nang aking mabasa ang paanyaya ng patimpalak na ito, ang pinakauna kong binigyang pansin ay ang temang papaksain. “Ang Industriyang Turismo Para sa Kaunlaran at kapayapaan ng Mindanao”. Ilang sandali ko rin itong pinagninilay-nilayan kung paano ko bibigyang katarungan sa harap ninyong lahat ang usapin ng paksang ito. At naitanong ko rin sa aking sarili, “ano nga ba ang kaugnayan ng turismo sa kaunlaran at kapayapaan ng isang lugar?”

Subalit, laking pasasalamat ko na sa mga sandaling iyon ay sinagot ng aking napupukaw na kamalayan ang lahat ng aking mga katanungan. Napukaw ng aking kamalayan kung paanong ang kagandahan ng Mindanao ay maaaring maging daan upang magbago ang pagtingin ng karamihan sa pagiging imahe nito ng digmaan at ito’y maari nang palitan ng imahe ng kaunlaran at kapayapaan sa tulong ng industriyang turismo.

Mga tagapakinig, subukan nating lakbayin ang ganda ng Mindanao . Akyatin natin ang Bundok ng Apo na siyang nagpapatanyag bilang pinakamataas na bundok sa Pilipinas! Sisirin natin ang dalisay na karagatan ng Isla ng Samal. Damhin natin ang halimuyak ng Waling-waling at saksihan natin ang paglipad ng Haring Ibong Agila, langhapin at tikman ang kamanghang-manghang amo’y at sarap ng Durian. At puntahan natin ang Genereal Santos City, ang lugar na biniyayaan ng malahiganting “Tuna” na ating maipagmamalaki hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. At higit sa lahat , subukan nating makipagsalamuha sa iba’t ibang katutubong nagpapanatili ng ating makukulay na kultura bilang isang tunay na Pilipino.

Napakarami, at mas dadami pang yamang maituturing nating turismo kung lahat tayo ay magkaroon ng kamalayan upang sulyapan , punahin at tuklasin pa ang likas na kagandahang ito ng Mindanao!

At tayo bilang mamamayan, ay may malaking tungkulin upang isulong ang mga yamang angkin at buong pagmamalaking ipakilala sa buong bansa maging sa buong mundo na ang Mindanao ay hindi larawan ng digmaan bagkus ay larawan ng lupang nabiyayaan ng mayamang kultura, at kalikasan. At sa pamamagitan nito, dadami ang dadayong turista mula sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas , at maging mga turista sa ibang bansa. At kung magkaganito man, lalakas ang turismo sa ating ititunuring na lupang pangako! Ito rin ay magiging daan upang magkaroon ng marangal na hanapbuhay ang marami nating kababayan.

Ayon nga ng kalihim ng Turismo Ace Durano, “ Kung malakas ang Turismo, Maraming trabaho!” Ang pagganyak at pag-anyaya sa mga lokal at dayuhang mangangalakal ay mabisang paraan upang sila’y magpasyang mamuhunan sa ilang lugar dito sa Mindanao nang walang pangamaba’t pag-aalinlangan. At kapag ito’y ganap na nating mapalaganap at maisakatuparan, tiyak, ito rin ang magbubukas ng pinto sa marami nating kababayang nawawalan ng tiwala sa ating lipunan at pamahalaan upang sila’y magbalik –loob na punung-puno ng pag-asa, at mamuhay bilang isang marangal na Pilipino! At gayundin ang mga nagkakawatak-watak ang paniniwala’t paninindigan ay tiyak na tutugon sa panawagan ng pagkakaisa tungo sa kaunlaran at kapayapaan ng Mindanao! Mabuhay!

Page 2: Ang yang Turismo Para Sa Kaunlaran at Kapayapaan Ng Mindanao-Talumpati