Ang Wika at Ang Midya

4
JC Dawn Lim Linguistics 180 Michael Wilson Rosero Prof. Mary Ann Bacolod Ang Wika at ang Midya I. Introduksyon Halos na ng nakapalibot sa atin ay produkto ng midya. Mula sa balitang napakinggan, patalastas na napanood, teleseryeng inaabangan sa bawat gabing nagdaraan, at pelikulang patok sa takilya, midya ang sumasaklaw. Saan man tayo magpunta, paglabas pa lang ng bahay patungo sa trabaho at eskwela, midya ang sasalubong sa atin ng ‘Magandang umaga!’. Isa ang midya sa pinakamaimpluwensyang tagahubog ng pagkatao ng isang indibidwal. Mula sa kanyang iniisip maging sa pisikal na kaanyuan, midya ang may kagagawan. Kaya naman maging pagdating sa paggamit ng wika, kailangang isaalang-alang ang larangang ito. Sa pag-aaral na ito, tutukuyin ng mananaliksik ang wikang ginagamit sa midya at ng mga alagad ng midya. Susuriin din at tatalakayin ang mga isyung pangwika na kakabit nito. Ang tanong, ano nga ba ang kalagayan ng wikang ginagamit sa midya, partikular na sa Pilipinas? II. Metodolohiya Ang pangunahing objectiv ng pagsusuring ito ay malaman ang wikang ginagamit at nais gamitin sa larangan ng midya. Kaugnay nito, titingnan ang mga isyung pangwika na kinakaharap sa larangan ng midya. Dalawa ang ginawang paraan upang maisakatuparan ang naturang mga layunin. Una ang pagsusuri iba’t ibang anyo ng midya tulad ng mga programa, palabas at patalastas na makikita sa broadcast media tulad ng radyo at telebisyon, at print media na binubuo ng tabloid at print ads. Pangalawa ay ang pangangalap ng impormasyon sa pamamagitan ng ng interbyu at sarbey mula sa mga mag-aaral ng wika. 25 mag-aaral ng Pangmadlang Komunikasyon, na mula sa mga kursong Broadcast Communication, Communication Research, Film, Journalism at Broadcast Journalism naging respondent ng sarbey. Maliban pa dito, nagsagawa din ng sarbey at interbyu sa mga manunulat ng pahayagan ng Kule, Sinag at kawani ng ang UP Press. III. Language Background Sa ginawang sarbey, tinukoy sa unang bahagi ang language background ng mga informant. Inalam kung anong wika ang unang sinalita, ano ang wikang ginagamit sa pag-iisip at pakikinig. Filipino/Tagalog, Hiligaynon, Bikol, Kapampangan, English at Fookien ang first language ng mga

Transcript of Ang Wika at Ang Midya

Page 1: Ang Wika at Ang Midya

JC Dawn Lim Linguistics 180

Michael Wilson Rosero Prof. Mary Ann Bacolod

Ang Wika at ang Midya

I. Introduksyon

Halos na ng nakapalibot sa atin ay produkto ng midya. Mula sa balitang napakinggan, patalastas

na napanood, teleseryeng inaabangan sa bawat gabing nagdaraan, at pelikulang patok sa takilya, midya

ang sumasaklaw. Saan man tayo magpunta, paglabas pa lang ng bahay patungo sa trabaho at eskwela,

midya ang sasalubong sa atin ng ‘Magandang umaga!’.

Isa ang midya sa pinakamaimpluwensyang tagahubog ng pagkatao ng isang indibidwal. Mula sa

kanyang iniisip maging sa pisikal na kaanyuan, midya ang may kagagawan. Kaya naman maging

pagdating sa paggamit ng wika, kailangang isaalang-alang ang larangang ito.

Sa pag-aaral na ito, tutukuyin ng mananaliksik ang wikang ginagamit sa midya at ng mga alagad

ng midya. Susuriin din at tatalakayin ang mga isyung pangwika na kakabit nito. Ang tanong, ano nga ba

ang kalagayan ng wikang ginagamit sa midya, partikular na sa Pilipinas?

II. Metodolohiya

Ang pangunahing objectiv ng pagsusuring ito ay malaman ang wikang ginagamit at nais gamitin sa

larangan ng midya. Kaugnay nito, titingnan ang mga isyung pangwika na kinakaharap sa larangan ng

midya. Dalawa ang ginawang paraan upang maisakatuparan ang naturang mga layunin. Una ang

pagsusuri iba’t ibang anyo ng midya tulad ng mga programa, palabas at patalastas na makikita sa

broadcast media tulad ng radyo at telebisyon, at print media na binubuo ng tabloid at print ads.

Pangalawa ay ang pangangalap ng impormasyon sa pamamagitan ng ng interbyu at sarbey mula sa mga

mag-aaral ng wika. 25 mag-aaral ng Pangmadlang Komunikasyon, na mula sa mga kursong Broadcast

Communication, Communication Research, Film, Journalism at Broadcast Journalism naging respondent

ng sarbey. Maliban pa dito, nagsagawa din ng sarbey at interbyu sa mga manunulat ng pahayagan ng

Kule, Sinag at kawani ng ang UP Press.

III. Language Background

Sa ginawang sarbey, tinukoy sa unang bahagi ang language background ng mga informant. Inalam kung anong wika ang unang sinalita, ano ang wikang ginagamit sa pag-iisip at pakikinig. Filipino/Tagalog, Hiligaynon, Bikol, Kapampangan, English at Fookien ang first language ng mga

Page 2: Ang Wika at Ang Midya

informant. IV. Language Use and Preference

Ang ikalawang bahagi ng sarbey ay tungkol naman sa language use and preference. Ang

bahaging ito ay nahahati pa sa apat na bahagi ayon sa mga gawain na may kinalaman sa paggamit ng wika.

A. Pagsasalita at Pakikinig Lumabas sa sarbey na Filipino ang wikang pinakamadalas gamitin sa pagsasalita at pakikinig.

Ito ay dahil mas naipapahayag daw ang sarili at saloobin kung ang gagamiting wika ay mother tongue/first language. Bilang karagdagan, mas komportableng gamitin ang wikang Filipino. Ang diwa ng pagka-Filipino ay isa ring dahilan sa paggamit ng wikang Filipino. B. Pagbabasa

Dala na rin ng mga reading at libro na nakasulat sa wikang banyaga kung kaya naman sa wikang English na rin gustong magbasa ng mga mag-aaral. Ayon sa ilang informants, mas madali nila itong naiintindihan dahil nga sa nakasanayan na at para sa ilan, ang mga “scholarly work” na nakasulat sa Filipino ay mahirap intindihin. Isa rin sa dahilan ay ang pagturing na mas pormal kapag ang binabasa nila ay nasa wikang English.

C. Pagsusulat Dahil ang lahat ng babasahin para sa kurso ay nakasulat sa wikang English, tendensiya na ng

mga mag-aaral na masanay din at maging mahusay sa pagsusulat sa wikang English. Mas nahasa ang kanilang kaalaman sa gramatika sa wikang English. English din ang wikang panturo ng kurso kung kaya naman required ang mga mag-aaral na gamitin ang wikang English sa reports, exams, paper at iba pang gawain.

Speaking Listening Reading Writing Language Used Filipino Filipino English English

Language Preference

Filipino Fililpino English Filipino at English

Mapapansin na sa apat na gawaing pangwika sa midya, Filipino ang ginagamit sa pakikinig at

pagsasalita habang English naman ang mas madalas na gamitin sa pagbabasa at pagsusulat. Samantala, mas komportableng gamitin ang Filipino sa pagsasalita at pakikinig dahil mas madaling ipahayag ang saloobin sa sariling wika at mas naisusulong ang diwa ng nasyonalismo. Bagamat may ilan na mas gusto nilang gamitin ang Filipino sa pagsusulat at pagbabasa, mas marami pa rin ang pinipiling magsulat sa wikang English at magbasa ng libro sa wikang ito dahil na rin sa availability ng mga reading materials na pawang nakasulat sa wikang English.

V. Ang Wika sa Larangan ng Midya

Dinamiko ang wika. Isang mahusay na panghikayat ang wikang alam ng nakakarami at ginagamit ng nakararami. Maliban sa sarbey na isinagawa sa mga mag-aaral ng midya, sinuri di namin ang iba’t ibang anyo ng midya – print media man o broadcast – na siyang aktwal na gumagamit ng wika sa pang-araw-araw. Sa kabuuan, Filipino at English ang mga wikang ginagamit sa mga programa at

Page 3: Ang Wika at Ang Midya

patalastas sa broadcast media. At ang paggamit ng mga wikang ito ay batay sa ilang salik tulad ng: a) audience o consumer ng program; b) brand ng produkto; c) timeslot ng palabas; at d) istasyon na siyang nagpapalabas ng mga programang ito. Batay sa salik na ito, nag-iiba ang wikang ginagamit ng midya sa iba’t ibang pagkakataon. Filipino ang gamit kapag ang palabas o patalastas ay pambata at pampamilya. Filipino rin ang gamit sa mga produktong pangmasa at English sa mga mamahaling produkto. Ayon naman sa timeslot, Filipino rin ang wika ng karamihan sa mga palabas sa primetime. at pagdating ng late night, English na ang gamit ng mga palabas na mapapanood dahil karamihan sa mga nanonood dito ay mga propesyonal na nag-oobertaym sa kanilang trabaho. May mga istasyon naman na distintong Filipino at English ang wikang ginagamit sa kani-kanilang palabas.

Sa print media naman, Filipino ang wikang ginagamit sa mga tabloid na masa ang nagbabasa.

Samantala, sa print ads, madalas gamitin ang wikang English sa pagsasalarawan ng produkto at pagpapakilala ng mga katangian nito subalit Filipino ang ginagamit bilang panghikayat sa mga konsyumer. Isang halimbawa ang print ads ng produktong Slenda: Be the envy of the many. Mag-Slenda na!

Sa UP Press naman, karamihan sa mga librong inilalathala ay nasa wikang English. Ito ay sa

kadahilanan na ang mga pinapasang materyal sa kanila ay nasa English na at ang mga paksa ay mas naipapaliwanag at nareresearch nang maayos kapag ito ay nasa English. Mas gamay din kasi ng editor ang wikang English kesa sa wikang Filipino.

VI. Pangkalahatang Analisis

A. Mag-aaral ng Midya Makikita ang distinksyon sa paggamit ng wika sa apat na gawaing pangwikang tinukoy sa sarbey

ng mga mag-aaral ng wika. Filipino ang gamit at nais gamitin ng mga mag-aaral sa pakikinig at pagsasalita. Mas malaya nilang naipapahayag ang kanilang saloobin sa sariling wika at mas napapaigting ang diwa ng nasyonalismo at pagka-Pilipino. Sa kabilang banda, dahil sa English ang wikang panturo na ginagamit, mas matatas at sanay ang mga mag-aaral na gamitin ang English sa pagsusulat ng mga reports, exams, papers at iba pa at ganun din sa pagpili ng mga babasahin. Sa ganitong kalagayan, bagamat kahit may available na babasahin sa Filipino, mas pinipili pa din ang mga nakasulat sa wikang English dahil nga mas gamay at sanay na ang mga mag-aaral na gamitin ang wikang English. Sa kabuuan, Filipino ang wikang ginagamit sa pakikinig at pagsasalita. English naman ang

ginagamit sa pagbabasa at pagsusulat. Subalit kung mabibigyan ng pagkakataon ang karamihan, Filipino pa rin ang wikang nais gamitin ng mga informant dahil mas komportable silang gamitin ang wika at ito ang wikang naiintindihan ng ‘masa’.

B. Wika sa Midya Sa pagsusuri naman sa wika na ginagamit sa midya, ang wikang ginagamit sa iba’t ibang anyo ng

midya ay nakabatay sa ilang bagay katulad ng brand at kalidad ng produkto, mga manonood, oras ng palabas, tema at istasyon. Mapapansin na kung ang produkto ay may kataasan ang uri at kilala ang brand, wikang English ang ginagamit. Kung ang nais naman na ipakilala sa masa ang kanilang produkto, karamihan ay nasa Filipino. Pagdating naman sa time slots, mas maaga pinapalabas ang balitang nasa Filipino at ang mga telenovela na para sa mga masa. Naaayon rin sa tema ng istasyon ang pagpili sa wikang ginagamit. Kapag ang mga target audience ay mga kabataan o mga yuppies o young professionals, mas ginagamit ang wikang English. Inaayon din ang wika sa tema ng mga pelikula at palabas. Mayroong pagtatangka na ilocalize ang mga banyagang palabas ayon sa konteksto ng lipunan at kulturang Pilipino. Ilan sa halimbawa nito ay ang mga kiddie shows at Asianovela. Bagamat mga banyagang palabas ang mga ito, may pagtatangkang isakonteksto ang mga eksena ayon sa kultura at lipunang Pilipino. Kilala ang TV 5 sa pagsasalin ng mga banyagang kiddie shows at anime sa Filipino. Sa mga commercial o print ads naman, kahit na karamihan ay nasa wikang English, sa bandang huli gumagamit pa rin ng Filipino bilang panghikayat. Ito ay maaaring dahil sa kagustuhan nilang maipahayag sa lahat ng uri ng mamimili at manonood ang kanilang produkto.

Page 4: Ang Wika at Ang Midya

Sa pangkalahatan, malaking bahagi ng midya ay gumagamit ng wikang English. Para sa susunod na pag-aaral at pagsusuri, mas mainam na mas tingnan pa ang mas maraming uri at halimbawa ng mga anyo ng midya. Mas mainam na dadagan pa ang mga informants at mga panayam sa mga nagtatrabaho sa mga pahayagan, lathalaan o mga istasyon upang mas maging komprehensibo ang pag-aaral ng wika sa larangan ng midya.