ANG UGNAYAN -...

20
ANG UGNAYAN TOMO XLXI BLG. 1 DIBISYON NG MAYNILA,NCR HUNYO - DISYEMBRE 2018 ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG PAARALANG DR. AEJANDRO ALBERT Aabot sa 433 mag- aaral ng Paaralang Albert ang makikinabang ng School- Based Feeding Program, School Fund Feeding at Nutribun ngayong taon. Ayon kay Gng. Eva L. Filomeno, Tagapangasiwa sa Feeding, 290 mag-aaral ang nasa ilalim ng programang School-Based Feeding, 30 naman sa School Fund Feeding, at 113 sa Nutribun kung saan target sa panuruang taong ito na makabalik sa normal na timbang ang mga mag-aaral. “Araw-araw ang naitakda sa kanila para kumain sa Feeding Room kung saan iba’t ibang putahe ang niluluto namin dito tulad ng tinolang manok, nilagang baka, sinigang na bangus o baboy, sinampalukang manok, menudo, pininyahang manok, adobo, igado at pritong manok,” aniya. Dagdag pa ni Gng. Filomeno, may meal plan na sinusundan at sinisigurong nasa food pyramid ang inihahandang pagkain sa Feeding, kung kaya’t sinasamahan ito ng gulay at prutas upang mas maging masustansiya ang mga pagkain at para lalo silang ganahan. “Ang kalusugan ay 31 severely wasted, target ibalik sa normal na timbang; Mga mag-aaral, isasalang sa Feeding Program Ni Emarie C. Azares kayamanan, mula sa bata hanggang sa pagtanda, ito ay dapat natin laging isipin at alalahanin. Dapat lamang lahat tayo, hindi lamang mga bata kung hindi lalo na sa matatanda, dapat nating ingatan ang mga pagkaing mga kinakain natin. Tandaan, hindi lahat ng ating kinakain ay nakapagpapalusog sa atin,” paalala ni Gng. Filomeno. [AU] Kaso ng dengue sa Maynila, umabot na sa 7,200; Paaralang Albert, nagsagawa ng pagpapausok Ni Hannah Mae E. Ortiz Dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng dengue sa Maynila nitong tag-ulan, nagsagawa ng fumigation o pagpapausok ang Paaralang Dr. Alejandro Albert, katuwang ang Manila Health Department, para puksain ang mga lamok at mga itlog nito sa mga sulok ng silid at sa ibang parte ng paaralan. “25 porsiyetong pagtaas ang naitala mula nang magsimula ang tag-ulan sa bansa. Mas mataas ito kumpara sa 5,800 kaso ng dengue sa kahalintulad na panahon noong 2017,” sabi ni DOH Undersecretary Eric Domingo. (sundan sa pahina 3) Tala ng mga Mag-aaral noong Hunyo 2018 Unang Baitang 448 Kinder 454 ALS 33 Ikalawang Baitang 441 Ikatlong Baitang 437 Ikaapat na Baitang 480 SPED 53 Ikalimang Baitang 490 Ikaanim Baitang 422 KABUUAN 3258 37 mag-aaral ng ALS, pasado sa Acceleration Test BALITA [pahina 3] Batang Hamog, ano ang kahaharapin? EDITORYAL [pahina 8] Pagyakap sa Mundo ng Pagdurusa LATHALAIN [pahina 12] 8-anyos, patay sa Brain Aneurysm AGHAM [pahina 16] BATANG LIDER. Sabay-sabay nanumpa ang mga mag-aaral ng Paaralang Dr. Alejandro Albert sa nakaraang Scouts Investiture na nilahukan ng mga Boy Scout ng iba’t ibang baitang.

Transcript of ANG UGNAYAN -...

Page 1: ANG UGNAYAN - draalbertes.depedmanila.comdraalbertes.depedmanila.com/wp-content/uploads/2018/12/ANG-UGNAYAN... · maayos ang mga ngipin ng mga mag-aaral. Ito ay bahagi ng dental health

ANGUGNAYAN

TOMO XLXI BLG. 1 DIBISYON NG MAYNILA,NCR HUNYO - DISYEMBRE 2018

ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG PAARALANG DR. AEJANDRO ALBERT

Aabot sa 433 mag-aaral ng Paaralang Albert ang makikinabang ng School-Based Feeding Program, School Fund Feeding at Nutribun ngayong taon. Ayon kay Gng. Eva L. Filomeno, Tagapangasiwa sa Feeding, 290 mag-aaral ang nasa ilalim ng programang School-Based Feeding, 30 naman sa School Fund Feeding,

at 113 sa Nutribun kung saan target sa panuruang taong ito na makabalik sa normal na timbang ang mga mag-aaral. “Araw-araw ang naitakda sa kanila para kumain sa Feeding Room kung saan iba’t ibang putahe ang niluluto namin dito tulad ng tinolang manok, nilagang baka, sinigang na bangus o baboy, sinampalukang manok, menudo, pininyahang

manok, adobo, igado at pritong manok,” aniya. Dagdag pa ni Gng. Filomeno, may meal plan na sinusundan at sinisigurong nasa food pyramid ang inihahandang pagkain sa Feeding, kung kaya’t sinasamahan ito ng gulay at prutas upang mas maging masustansiya ang mga pagkain at para lalo silang ganahan. “Ang kalusugan ay

31 severely wasted, target ibalik sa normal na timbang; Mga mag-aaral, isasalang sa

Feeding Program Ni Emarie C. Azares

kayamanan, mula sa bata hanggang sa pagtanda, ito ay dapat natin laging isipin at alalahanin. Dapat lamang lahat tayo, hindi lamang mga bata kung hindi lalo na sa matatanda, dapat nating ingatan ang mga pagkaing mga kinakain natin. Tandaan, hindi lahat ng ating kinakain ay nakapagpapalusog sa atin,” paalala ni Gng. Filomeno. [AU]

Kaso ng dengue sa Maynila, umabot na sa 7,200;

Paaralang Albert, nagsagawa ng pagpapausokNi Hannah Mae E. Ortiz

Dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng dengue sa Maynila nitong tag-ulan, nagsagawa ng fumigation o pagpapausok ang Paaralang Dr. Alejandro Albert, katuwang ang Manila Health Department, para puksain ang mga lamok at mga itlog nito sa mga sulok ng silid at sa ibang parte ng paaralan. “25 porsiyetong pagtaas ang naitala mula nang magsimula ang tag-ulan sa bansa. Mas mataas ito kumpara sa 5,800 kaso ng dengue sa kahalintulad na panahon noong 2017,” sabi ni DOH Undersecretary Eric Domingo. (sundan sa pahina 3)

Tala ng mga Mag-aaral noong Hunyo 2018

Unang Baitang

448

Kinder

454

ALS

33

Ikalawang Baitang

441

Ikatlong

Baitang

437

Ikaapat na

Baitang

480

SPED

53

Ikalimang

Baitang

490

Ikaanim

Baitang

422

KABUUAN

3258

37 mag-aaral ng ALS, pasado sa Acceleration

Test

BALITA [pahina 3]

Batang Hamog, ano ang kahaharapin?

EDITORYAL [pahina 8]

Pagyakap sa Mundo ng Pagdurusa

LATHALAIN [pahina 12]

8-anyos, patay sa Brain Aneurysm

AGHAM [pahina 16]

BATANG LIDER. Sabay-sabay nanumpa ang mga mag-aaral ng

Paaralang Dr. Alejandro Albert sa nakaraang Scouts Investiture na

nilahukan ng mga Boy Scout ng iba’t ibang baitang.

Page 2: ANG UGNAYAN - draalbertes.depedmanila.comdraalbertes.depedmanila.com/wp-content/uploads/2018/12/ANG-UGNAYAN... · maayos ang mga ngipin ng mga mag-aaral. Ito ay bahagi ng dental health

2

Oplan Kalusugan

Health at Dental Care,

target ng ‘OK sa DepEd’

Llamas sa mga magulang:Pagsisilbi, hindi pansarili

Kalusugang Pangkalahatan

250 Albertians, natulungan ng Dental Health Bus

Ni Angelica Joy B. Luna

Upang masiguro na maging maayos ang kalagayang pisikal at mental ng mga mag-aaral sa buong bansa, inilunsad kamakailan ng Kagawaran ng Edukasyon ang ‘Oplan Kalusugan’. Ayon kay G. Jose R. Miñano, punungguro ng Paaralang Dr. Alejandro Albert, layunin ng programang ito na matiyak na matugunan ng primary health at dental care ang mga mag-aaral para maipakita ang kanilang galing at potensiyal sa pag-aaral.

Kabilang ang Paaralang Dr. Alejandro Albert sa piling mga paaralan sa Maynila na binisita at magbigyang tulong upang maisagawa ang proyektong Dental

Health Bus na pinangungunahan ng Manila Health Department.

Kaya naman,

Ni Isaac L. Ramos

Ito ang mga katagang binitawan ni Gng. Monique Llamas, bagong halal na pangulo sa Samahan ng mga Magulang at Guro, sa nakaraang GPTA Oath-Taking Ceremonies na ginanap sa Paaralang Dr. Alejandro Albert, kamakailan. Aniya, bilang pangulo ng samahan, kailangang may puso sa pagsisilbi at hindi pansarili, isipin ang kapakanan ng mga mag-aaral, mga guro, at mga kapwa magulang. “Kung sakaling magkaroon ng problema sa GPTA, magbabase kami sa DepEd 54 at gumagawa kami ng mga resolusyon,

Dagdag pa ni Gng. Angelina Lim, nars ng nasabing paaralan, nakapaloob sa OK sa DepEd ang mga programang School-Based Feeding Program, Drug Education Campaign, Adolescent Reproductive Health Education, Water Sanitation and Hygiene Program, at Medical, Dental Nursing Services. “Sisiguraduhin ng mga kawani ng paaralan na matugunan ang mga pangangailangan upang maging magaling, malakas at malinis sa pisikal at mental ang mga batang Albertians,” pagtatapos ni Nars Angelina. [AU]

KALUSUGAN. Sinusuri ni Dra. Amada Cruz, dentista, ang ipin ni Jhon Louie P. Torino, GT 5. Sinisiguro ni Dra. Cruz na malinis at maayos ang mga ngipin ng mga mag-aaral. Ito ay bahagi ng dental health bus program.

tuluyang nilinisan at binunutan ng ipin ang higit 250 mga mag-aaral ng nasabing paaralan.

Ayon kay Dra. Amada Cruz, dentista ng nasabing paaralan, mula sa headstart, kinder, at unang baitang, 182 ang dumaan sa prosesong pits and fissure sealant at 68 namang mga mag-aaral ang dumaan sa fluoride

v a r n i s h

masusing pinag-uusapan ng bawat isa at syempre desisyong ikabubuti ng samahan,” ani ng pangulo. Kaugnay nito, nakahilera na ang mga programa ng GPTA sa panuruang taong ito tulad ng Parenting Seminar, Bloodletting na kaagapay ng Red Cross, Magulang ko-Guro ko, Medical Mission, Libreng legal advice, Risk Reduction Disaster Information, Ginoo at Binibining Albert, Give-and-Share Project, Mural contest, Valentine’s Day Variety Show, at Graduation Ball. S a m a n t a l a , inaasahan namang makikiisa ang mga guro, mga mag-aaral, at mga magulang sa nasabing mga programa. [AU]

application. Dagdag pa niya, marami sa mga mag-aaral na may problema sa ngipin ay masusing tinugunan ng DHB. Ang mga nasabing mag-aaral na may problema ay agad nang binigyan ng gamot, binunutan ng ipin, binigyan ng proper care at inabisuhan ang mga magulang na ipagpatuloy ang pag-aalaga ng mga ipin ng kanilang mga anak.

“Inaasahan ko na sa mga susunod na araw ay magkukusa na ang mga bata na pangalagaan ang kanilang mga ngipin dahil isa ito sa magiging sanhi ng problema sa kalusugan kung hindi nila ito maaalagaan.” pagtatapos ni Dra. Cruz. [AU]

Ni Mclhare Alexandra L. Dantes

2

Page 3: ANG UGNAYAN - draalbertes.depedmanila.comdraalbertes.depedmanila.com/wp-content/uploads/2018/12/ANG-UGNAYAN... · maayos ang mga ngipin ng mga mag-aaral. Ito ay bahagi ng dental health

3

Albertians,wagisa iba’t-ibang

laranganNi Jhon Louie P. Torino

Muli na namang namayagpag ang mga mag-aaral ng Paaralang Dr. Alejandro Albert sa iba’t ibang larangan na nilahukan ngayong panuruang taon. N a g p a k i t a n g - g i l a s sa pandistritong paligsahan sina Deiniel Jann P. Gloda, VI - Rizal, na nakakuha ng Unang Puwesto sa Science Quiz Bee na sinanay ni G. Rayson M. Regala; Aaliyah Jane B. Ong, V- Darwin, na nakasungkit ng Ikalawang Puwesto sa On-the-Spot SciArt Contest, gurong tagapagsanay, Bb. Cris Marie D. Perfiñan; at si Leandrea Dela Cruz, VI - Rizal, na nagkamit ng ng Ikalawang Puwesto sa paligsahan ng Araw ng Maynila na sinanay ni Gng. Divina Violeta. Nagbigay din ng karalangan ang mga batang mamamahayag na sina Stefanie B. Pamular, V - Galilei, Ikaapat na Puwesto para sa pandistritong paligsahan sa Radio Broadcasting at Scriptwriting; Ikalawang Puwesto naman si Vann Aaron P. Dionisio para sa pandibisyong paligsahan sa pagsulat ng editoryal, lathalain, layout at pangkalahatang publikasyon; nakamit naman ni Albert Matthew Gomez, V - Pascal, ang Ikalimang Puwesto para sa Pagsulat ng Balitang Isports; Ikasiyam na Puwesto naman si Angelica Joy Luna, Accelerated II, para sa Copyreading and Headlining. [AU]

37 mag-aaral ng ALS, pasado sa Acceleration Test

Ni Julie Ann R. Almonte

Umakyat sa entablado ang 37 mag-aaral ng ALS ng Paaralang Dr. Alejandro Albert, hawak ang kanilang mga diploma, nang hiranging passers sa pagsusulit noong Nobyembre 2017 at Marso 2018. Apat ang nakapasa sa Lebel ng Elementarya at 33 naman sa Lebel ng Sekundarya. “Ang ALS ay handang tumulong para makamit ang inyong minimithi basta’t handa rin kayong abutin ang inyong pangarap. Hindi basta-basta ang ALS test pero alam kong kaya ninyo ito at hindi hadlang ang pagkadapa ninyo upang ito ay

maisakatuparan,” mensahe ni Bb. Jonalyn Arao, Guro sa ALS. M a t a t a n d a a n g nagsimula ang programang ito noong 1984 at unang nakilala bilang Non-Formal Education at naging Alternative Learning System noong 2004, kung saan kabilang dito ang pagbibigay ng pagkakataon sa mga out-of-school youth na makakuha ng diploma sa elementarya at sekundarya. Sa ngayon ay nahahati sa limang

kategorya ang saklaw ng pag-aaral ng ALS A&E:

Seguridad ng Paaralang Albert hinigpitan,

16 CCTV cam ikinabit Kabi-kabilang pagsasalisi, pagkuha ng

mga gamit at pagkaaksidente ng mga mag-aaral

ang itinuturong dahilan kung bakit patuloy ang

mga kriminalidad sa loob ng paaralan.

Dahil dito, nagpalagay ng 16 high

definition IP-CCTV ang Samahan ng Mga

Guro at Magulang sa pangunguna ni Gng.

Monica Llamas, pangulo ng GPTA, sa paligid ng

paaralan maging sa mga pasilyo.

“Napapadalas ang aksidente sa mga

pasilyo maging ang mga hindi dapat makapasok

sa gate ay nakakapasok kung kaya’t nagkakaroon

ng mga pagsasalisi ng mga gamit sa mga silid.

Hindi sapat ang guwardiya para bantayan ang

buong paaralan kaya naisip ng aming samahan

na maglagay ng CCTV para sa seguridad ng

lahat,” ani Gng. Llamas.

Matatandaang nagkaroon ng Little

Mr. And Miss Albert ang paaralan kaya’t

nakapaglikom ng pera na ipambili ng CCTV.

Communication Skills (English at Filipino), Problem Solving and Critical Thinking (Science at Mathematics), Sustainable Use of Resources and Productivity, Development of Self and A Sense of Community / Value of Collaboration at Expanding One’s Own World Vision. “Ang mga learning strands ay isinama sa ALS A&E upang maturuan ang mga mag-aaral

ng mga praktikal na kaalaman

na maaaring magamit sa p a n g - a r a w -araw na pamumuhay,” p a g t a t a p o s

ni Bb. Arao. [AU]

PEER-TUTORING. Sinisigurado ng mga mag-aaral na sina Yuri Tenorio at Mary Joanna Rivera, na

magkakaroon sila ng kaalaman bago lumabas ng silid gamit ang peer-teaching.

Ni Jackie Lyn R. Almonte

Kaso ng Duenge sa Maynila... (mula sa pahina 1)

Sa kasalukuyan, dalawang beses nang nagkaroon ng fumigation sa Paaralang Dr. Alejandro Albert upang maiwasan na rin ang pagdami pa ng nagkakaroon ng dengue. “Lagi naming ipinapaalala sa lahat na panatilihing malinis ang silid na ginagamit ng mga mag-aaral kung saan hindi magiging dahilan para mangitlog ang mga lamok,” ayon kay Gng. Angelina Lim, nars ng paaralan. [AU]

Page 4: ANG UGNAYAN - draalbertes.depedmanila.comdraalbertes.depedmanila.com/wp-content/uploads/2018/12/ANG-UGNAYAN... · maayos ang mga ngipin ng mga mag-aaral. Ito ay bahagi ng dental health

4

‘Disiplina sa sarili ang kailangan’ - Gng. GarciaNi Jewel Chloe C. Villavicencio

Disiplina, tiyaga

at tiwala sa sarili ang

naging sandata ng mga

mag-aaral ng Paaralang

Albert sa

Ni Keziah Enah C. Meneses

Hindi hadlang ang karamdaman.

Ito ang ipinakita ni Lee-Ann Grace Zamantha T. Nosotros, mag-aaral ng Paaralang Dr. Alejandro Albert, mula sa Ikaanim na Baitang, matapos umani ng panalo sa iba’t ibang larangan. Nasungkit ni Nosotros ang unang

katatapos lamang na

Himig Bulilit 2018 na

ginanap sa Paaralang

P.Gomez, Maynila, kung

saan ay nasungkit nila

ang Ikalawang Puwesto.

“Araw-araw kaming

nag-eensayo mula 1:00

hanggang 3:00 ng hapon,

at 9:00-11:00 ng umaga

naman kapag Sabado,”

ayon kay Gng. Precious

Garcia, tagapagsanay.

Kabilang sa mga

mag-aaral na nagwagi

sa kompetisyon ay sina

Justine Culanag, Michael

Jordan Bobadilla, Therese

Reign Jamlid, Camille Joy

F. Lim, Hailie Mavrick B. Linga, Steffhany Tazzhany L. Amacio, Angelito

Villadiego, Xyron Girado,

Georgina Mhae Reyes,

J e n n i e s

MUSIKA.

Inihahan-

da ni Gng.

Precious

M. Garcia,

guro sa

MAPEH, sa

pag-awit ang

mga mag-

aaral para sa

mga darating

na programa

ng paaralan.

Mag-aaral na may cerebral palsy, umani ng parangalpuwesto sa paggawa ng sanaysay, ikalawang puwesto sa paggawa ng tula at poster-making, paggawa ng kard (most creative). Maliban sa pagsusulat, magaling din siya pagpinta at pagguhit kung saan ay malaki ang kanyang naging kontribusyon sa larangan ng pamamahayag. Samantala, ayon sa ina, nagsimula ang pag-atake na sinundan

ng pagkahimatay noong Nobyembre 2016, sinundan ito ng sunod-sunod pang pag-atake at maging siya ay ngayon lamang nalaman na may sakit pala sa utak si Lee-Ann. “Kahit may ganyang kaso (cerebral palsy) siya, nakatutuwa kasi ipinapakita niya na gustong-gusto niyang mag-aral at umiiyak kapag hindi pumapasok. Sana lahat ng bata ay maging inspirasyon

siya na hindi hadlang ang karamdaman kung gusto talagang makamit ang tagumpay sa edukasyon,” ayon kay G. Jose R. Miñano, punungguro ng nasabing paaralan. Hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin ang pag-inom ng gamot ni Lee-Ann at masusing pagbabantay ng kanyang ina sa bahay at maging sa paaralan. [AU]

Pelayo, Sheena Virtudazo

at Khiel Gonzales.

S a m a n t a l a ,

nasungkit ng Paaralang

Isabelo Delos Reyes ang

unang puwesto at Paaralang

Padre Gomez naman

para sa ikatlong puwesto.

Inaasahan naman

ni Gng. Garcia na simula

pa lamang ito ng mga

patimpalak na sasalihan

nila ngayong panuruang

taon. [AU]

Page 5: ANG UGNAYAN - draalbertes.depedmanila.comdraalbertes.depedmanila.com/wp-content/uploads/2018/12/ANG-UGNAYAN... · maayos ang mga ngipin ng mga mag-aaral. Ito ay bahagi ng dental health

Suplay ng dugo sa Red Cross, kinukulang na; Pamunuan

ng paaralan, nakiisa

5

Ni Isaac L. Ramos

8 sa 10 mag-aaral ng ikalima at ikaanim na baitang ang pumabor sa pagkakaroon ng drug testing sa Paaralang Albert. Base sa isinagawang sarbey sa nasabing paaralan, sinang-ayunan nang nakararami ang gagawing drug testing upang malaman na walang kahit sinong mag-aaral ang gumagamit ng droga. Una nang inanunsyo ng Department of Health (DOH) ang nasabing pagpapasailalim ng mandatory drug test ang mga mag-aaral mula ikaapat na baitang sa lahat ng pribado at pampublikong paaralan sa buong bansa. Subalit ayon kay DepEd Assistant Secretary Jesus Mateo, wala pang sapat na pondo ngayon ang kagawaran para maisulong ang mandatory drug testing para sa mga mag-aaral. Sinabi pa ni Mateo, posibleng maisakatuparan ng kagawaran ang programa sa susunod na taon sa

Ni Angelica Joy B. Luna

Kaugnay sa pagdiriwang ng World Blood Donor Day, hinikayat ng Philippine Red Cross (PRC) ang publiko na ipagpatuloy ang pagbibigay ng dugo upang makatulong sa pagsagip ng buhay.

Dahil dito, nakiisa ang Paaralang Dr. Alejandro Albert sa pagdo-donate ng dugo sa katatapos lamang na Mobile Blood Donation Activity na ginanap sa nasabing paaralan, Setyembre 20.

Umabot sa 35 blood units ang nakoleta ng PRC sa mga nagbigay ng dugo mula sa mga guro at mga magulang ng Paaralang Albert.

“Nagpapasalamat

Sa isyu ng giyera sa droga,

Drug Testing, pinaboran ng AAES

oras na mabigyan sila ng kongreso ng dagdag pondo para rito. “Mandatory drug testing for all learners entails a huge budget at hindi pa kakayanin ngayong taon sa aming budget allocation pero napakaganda ng programang ito,” aniya. Sa pagtataya ng DepEd, aabot sa 300 bawat mag-aaral ang kanilang kailangan na gastusin para sa nasabing aktibidad. Bukod sa random test, nagsisikap ngayon ang DepEd na turuan ang mga mag-aaral kung papaano makaiiwas sa mga drug pusher at kung papaano tatanggi sa oras na may mag-alok sa kanila para subukang gumamit ng iligal na droga. “Hindi pa man naisasagawa ang mandatory drug test ay naniniwala akong walang mga guro, mga personnel at mga mag-aaral ng paaralang Albert ang gumagamit ng ipinagbabawal na droga, sa loob man o sa labas ng paaralan,” ayon kay G. Jose R. Miñano, punungguro. [AU]

PAGBABAHAGI. Ikinukwento ni Gng. Edna Mata, Dalubguro, ang

kanyang karanasan sa nakaraang Psychological First Aid (PFA) sa

gawaing nakapikit habang gumuguhit. Kasama sa larawan si Gng. Ma.

Luz B. Rea, tagapatnubay.

BUWAN NG WIKA. Masayang tinatanggap nina G. Jose R. Miñano, punungguro, at Dr.

Edwin R. Mabilin, Superbisor, ang isa sa mga panauhing pandangal, Dr. Jenilyn Rose B.

Corpuz, Tagapamanihala ng mga Paaralang Lungsod ng Maynila, sa dibisyong pampinid

na palatuntunan sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wika.

kami sa Pamunuan ng Paaralang Dr. Alejandro Albert sa pagbibigay ng oras para makapagbigay ng dugo sa amin (PRC) at nawa’y magpatuloy ang ating ugnayan,” ayon kay Gng. Rosa Rosal, Chairman Emeritus, Blood Services Committee.

Ayon naman kay Ethel Merioles, awtor, mahalaga ang pagbibigay ng dugo dahil, una, ito ay nakakasunog ng calories kung saan ang isang yunit ng ng dugo (450 ml) ay nakasusunog ng 650 calories at ikalawa, makatutulong ang sino mang magbibigay ng dugo sa ibang nangangailangan.

Bukas ang pamunuan ng Paaralang Albert sa mga ganitong programa para sa ikabubuti ng lahat. [AU]

Page 6: ANG UGNAYAN - draalbertes.depedmanila.comdraalbertes.depedmanila.com/wp-content/uploads/2018/12/ANG-UGNAYAN... · maayos ang mga ngipin ng mga mag-aaral. Ito ay bahagi ng dental health

Gulayan sa Paaralan, Solusyon sa lumalalang malnutrisyon

Dating P580B badyet sa DepEd, P528B na lamang sa 2019

Ni Jenica Nicole A. Farro

Upang matugunan ang suliranin sa malnutrisyon, inilunsad ang Gulayan sa Paaralan na isa sa mga programa ng Kagawaran ng Edukasyon sa ilalim ng National Greening Program. “ M a a a r i n g matugunan ang problema sa malnutrisyon at gutom kung ang bawat pamilyang Pilipino ay magtatanim ng gulay,” ayon kay Gng. Josephine D. Alfon, Dalubguro II. Aniya, kung walang espasyo sa bahay, maaaring gumawa ng

Ni Elisha Jhane Amores

Higit 51 bilyon ang inaasahang ibabawas ng DBM sa badyet sa taong 2019 sa Kagawaran ng Edukasyon kung sakaling ito ay maaprubahan kumpara sa badyet ngayong taon. Isa sa patuloy na binibigyan ng solusyon ang problema sa mga silid kung saan 47,000 bagong silid ang naipatayo ngayong taon at magiging 4000 sa susunod na taon. Maging ang pagkuha ng mga bagong guro ay 10,000 na lamang sa taong 2019 kung ikukumpara sa 80,000 ngayong taon. Pati ang mga pagpapagawa ng textbooks kung saan 39 milyon kada taon, magiging 8.9 milyon na lamang sa susunod na

“urban gardening” o “container farming” kung saan hindi lamang ito nakapagpapaganda ng paligid, maaari rin itong pagkakitaan. Dagdag pa ni Gng. Alfon, lahat halos ng uri ng gulay ay maaaring itanim sa Gulayan sa Paaralan lalo na ang mga dahong gulay tulad ng malunggay, petsay, kangkong, atbp. “Ang produktong maaani sa gulayan ay maaaring gamitin sa School Feeding Program kung saan inaasahang ang mga “wasted” na mga mag-aaral ay maging normal na ang BMI bago matapos ang taon,” pagtatapos niya. [AU]

GULAYAN. Pinapanatili nina Sean Kurt Aguilar at Rhamino Gavin

Cobus, V-Curie, ang mga tanim sa Gulayan na huwag malanta. Dito

nanggagaling ang mga gulay na hinahalo sa mga pagkain sa ilalim

ng Feeding Program.

KAGANDAHAN. Isa sa mga problema ng paaralan ay ang maruruming sulat sa

mga pader. Kaya naman, muling pininturahan ang kabuuan ng paaralan. Inaasa-

hang sa Marso 2019 ay tapos ng pinturahan ang Main Building ng paaralang Dr.

Alejandro Albert.

taon. “Nakatutuwa na lag-ing may ibinibigay na mga gamit sa pagtuturo angaming paaralan tu-lad ng pentel, bond papers, at iba pa. Pero, kung t u l u y a n g m a b a b a -w a s a n ng badyet ang DepEd, lalong magig-ing pasanin

ng mga guro ang patuloy na pag-dami ng mga aa-bonohan sa mga

gawain tulad na lamang ng pagpiprint ng mga instructional materials at iba pang ga-waing papel,” ani G. Janilo D. Lopez, guro sa pamamahayag. Samantala, patuloy namang binibigyan ng solusyon ang mga paaralang may kakulangan sa mga silid at pasilidad, kaya naman ngayong taon din ay naisaayos na ang ikalawa at ikatlong palapag ng Paaralang Dr. Alejandro Albert, kung saan nakitaan ng may maraming sira sa mga bintana, bubong at kisame. [AU]

6

Page 7: ANG UGNAYAN - draalbertes.depedmanila.comdraalbertes.depedmanila.com/wp-content/uploads/2018/12/ANG-UGNAYAN... · maayos ang mga ngipin ng mga mag-aaral. Ito ay bahagi ng dental health

Sa pakikipag-tulungan ng Microsoft Philippines, sumailalim sa pagsasanay ang mga guro ng Paaralang Dr. Alejandro Albert, kaugnay sa paggamit ng Information and C o m m u n i c a t i o n s Technology (ICT) bilang pamamaraan sa pagtuturo ng mga aralin. Ayon kay G. Samuel Cardillo, Production Manager, Union Bank of the Philippines, layunin nitong maturuan ang bawat guro sa mga paaralan ng mas bagong paraan ng pagtuturo gamit ang Microsoft at makatutulong sa paghahanda ng schools forms. “Dahil nasa 21st Century na tayo, dapat

KAKAYAHAN. Naghahanda para sa presentasyon ang mga tagapagsalita mula sa UnionBank Philippines sa

pakikipagtulungan ng Microsoft Philippines. Ito ay bilang bahagi ng pagsasanay ng mga guro na pinangungunahan ni

G. Jose R. Miñano, punungguro.

PAGKAKAISA. Tulong-tulong sa pagpasa ng baryang piso

ang mga guro bilang parte ng kanilang semestral break

capacity building.

Paggamit ng ICT, pinaigting; Mga guro ng

AAES, nagsanay

ay marunong tayong makipagsabayan sa paggamit ng ICT, kung hindi ay maiiwan tayo,”dagdag ni G. Leo Jay S. Guisio, , UBP Business Analyst . N a i s a k a t u p a r a n ang programang ito dahil sa Corporation Social Responsibility Project (CSR) ng Microsoft Philippines, Union Bank of the Philippines at City Savings kung saan ay inaasahan nilang 99% ng mga guro sa buong Pilipinas ay dapat alam at matutunan ang paggamit ng Microsoft word, excel, powerpoint at publisher. “Walang dapat ikatakot sa paggamit ng ICT, lalo na sa pagtuturo. Marami itong maitutulong at may napakalaking potensyal

Ni Seth Kyle Empleo

para mapagaan ang gawain ng mga guro,” ani G. Ryan Ramirez, UBP Information System Auditor. Matatandaang ito

na ang ikalawang taon na sumailalim ang mga guro ng nasabing paaralan sa seminar tungkol sa paggamit ng ICT. [AU]

7

Page 8: ANG UGNAYAN - draalbertes.depedmanila.comdraalbertes.depedmanila.com/wp-content/uploads/2018/12/ANG-UGNAYAN... · maayos ang mga ngipin ng mga mag-aaral. Ito ay bahagi ng dental health

Masisira ang buhay mo sa pambubully

Batang hamog, ano ang kahaharapin?

8

Tuwing magbubukas ang panuruang taon ay bukambibig na ng mga guro at mga magulang na huwag makikipag-away o mambubully sa loob at labas ng paaralan. Kahit ilang beses paalalahan, sadyang may mga mag-aaral na matitigas pa rin ang ulo dahil tuwang-tuwa sila kapag may mga nabu-bully na kaklase, kaya naman ang iba ay takot nang pumasok para lamang makaiwas sa pang-aasar ng kaklase. Minsan, hindi na mapigilan ng mga magulang na sila na mismo ang mga gumaganti para sa kanilang mga anak - katwiran ay para patas na lang sila. Maling katwiran. Tulad na lamang ng magkapatid na sina “Nene” at “Boy” na kapwa nasa unang baitang ng Paaralang Albert na hindi na pinapasok ng magulang dahil sa pambu-bully ng mga kaklase. Sinubukang makipag-usap ng

nanay ng magkapatid sa mga magulang ng nambubully pero hindi sila nakikipag-ugnayan. Nang tanungin, mas gusto pa ng nanay na alisin na lang sa paaralan ang magkapatid kaysa makaaway pa ang mga magulang.Pambu-bully rin ang dahilan kaya naman sinaksak at sinuntok ng isang estudyante sa Colegio de San Agustin ang kanyang kaklase. Nakisali rin ang ama ng sinasak at nagawa pang tutukan ng baril ang nanaksak. Nagawa ng ama ang panunutok ng baril dahil sa hindi na niya matimpi ang araw-araw na pambu-bully ng kaklase ng anak niya. Ang pamunuan ng paaralan katuwang ang mga magulang ang responsibilidad sa mga nangyayaring ito. Sa oras na ipatawag ng guro o guidance counselor ang magulang, tugunan dapat ito. Makipag-ugnayan at alamin din ang nangyayari sa kanilang mga anak sa loob ng paaralan. Huwag nating ipasa sa mga guro lamang ang responsibilidad sa pagpapalaki ng maayos sa mga bata dahil ang magagandang pag-uugali ay unang natututunan sa bahay kaya dapat ay pagtibayin ng mga magulang ang koneksyon sa kanilang mga anak. Hindi na dapat lumaki pa ang gulo sa paaralan dahil sa pambubully. Huwag hayaang masira ang buhay ng mga mag-aaral at siguraduhin din ng mga magulang na alam nila ang ikinikilos ng kanilang mga anak.

Ni Lee-Ann Grace Zamantha T. Nosotros

Ang mga bata ay hindi dapat itinuturing na simpleng nilalang dahil mas mahalaga pa sila kaysa sa milyon-milyong ginto sa mundo. Sila ay mga espesyal na regalo mula sa ating Diyos kaya dapat mabigyan sila ng sapat na alaga at pagmamahal. Kahit sino ay maaawa sa mga nakikitang bata sa lansangang may maruming suot at nanlilimahid sa dumi. Sa kanilang murang edad, napipilitan silang mangalakal

at kumita ng pera sa pamamagitan ng pagtitinda ng dyaryo, paglalako ng sigarilyo at mga basahan, pagtitinda ng sampaguita at pamamalimos. Mas maraming oras ang inilalaan ng mga batang ito sa lansangan kung saan ay natututo na silang manigarilyo, magnakaw, suminghot ng rugby at makipagbasag-ulo. Hanggang kailan matitiis ng mga magulang ang kanilang mga anak na nasasangkot sa iba’t ibang kapahamakan?Kawawang mga batang hamog. Kawawang kinabukasan.

Page 9: ANG UGNAYAN - draalbertes.depedmanila.comdraalbertes.depedmanila.com/wp-content/uploads/2018/12/ANG-UGNAYAN... · maayos ang mga ngipin ng mga mag-aaral. Ito ay bahagi ng dental health

9

Ni Timothy Amiel C. Meneses

Isang daan sa 3,000 mag-aaral ng Paaralang Albert ang binigyan ng sarbey kung ano ang sa tingin nila ang mas madali sa paggawa ng takdang aralin: Ang pagpunta at paggamit ng silid-aklatan o ang paggamit ng internet. 73% sa sarbey ang nagsabing mas komportable at mas mapabibilis ang paggawa ng takdang aralin gamit ang internet dahil sa isang click lamang ay lalabas na ang mga sagot na hindi na kakailanganing umalis sa kinauupuan. Ayon pa sa kanila, mayroong mga website na totoo o tama na galing din mismo sa mga nakasulat sa aklat. 19% naman sa sarbey ang nagsabi na mas madaling makahanap ng takda sa silid-aklatan dahil hindi basta-basta ang mga impormasyon dito. Sinaliksik at binigyang-pansin ang paggawa ng aklat kaya’t naniniwala sila na mas tama at may kredibilidad ang mga manunulat dito. Dagdag pa nila, kahit saan ay madadala ang mga aklat na hindi na kailangang gamitan ng teknolohiya o kuryente. 8% naman ang nagsabi na ito ay depende sa takdang aralin. Kung kailangan ng mga larawan o imahe, sa internet sila kukuha pero kung ito ay binubuo lamang ng mga salita o pangungusap, maaaring gumamit at humanap sa silid-aklatan. Paggamit man ng internet o silid-aklatan, laging iisipin na ang mahalaga ay may natututunan sa mga takdang ginagawa, inilalagay dapat sa isip at isinasabuhay ang mga natututunan. Tandaan din na kailangang suriing mabuti ang mga ginagawang takda lalo na kung hindi galing sa lehitimong pinanggalingan ang kinopyang takda.

Ni Mclhare Alexandra L. Dantes

Huwag maging Pasaway! Napapatakip na lang ako ng ilong kapag dumaraan sa palikuran. Alam mo ba kung bakit? Dahil sa mapanghing amoy. Sanayin natin na tuwing matatapos tayong umihi ay buhusan natin. Kung magagawa natin ito, mababawasan ang mabahong amoy ng ating palikuran. Disiplina lang mga kapwa ko mag-aaral.

* * * Kahit anong ganda ang ginagawa ng ating punungguro, mga guro at mga magulang sa ating paaralan ay pilit natin itong dinudumihan. Tigilan na ang pagsusulat sa mga pader lalo na’t isa ito sa nakapagpapapangit ng paligid ng paaralan. Magkaroon sana tayo ng respeto, hindi lamang sa ating kapwa, maging sa ating kapaligiran. Ingatan natin ang ating paligid para maabutan pa ito ng mga susunod pang henerasyon.

* * * Bakit tuwing kinakanta ang Lupang Hinirang ay hindi natin magawang huminto at umawit ng maayos? Kadalasan ay patuloy pa rin tayo sa paglalakad habang inaawit ang Pambansang Awit? Nasaan ang respeto mo sa ating watawat? Huminto, ibaba ang mga hawak na gamit o bag, tumayo ng tuwid, ilagay ang kanang kamay sa kaliwang dibdib, at umawit galing sa puso. Madali lang di’ba? Ipakita mo ang pagiging Makabayan mo.

Sarbey

B u k l a t o P i n d o t ?

Realidad Despierto Boligrafo

Ni Jessiemary M. De Jesus

Mga Batang Albert, Panalo! Maraming batang Albert ang matulungin. Minsan tinutulungan nila ang mga matatandang tumawid. Tinutulungan nila ang kanilang magulang ng gawaing bahay. Tinutulungan nila ang mga guro kapag may buhat-buhat na mabibigat. Huwag tayong mapagod tumulong, Albertians!

* * *

Masarap pumasok ng maaga. Hindi natin kailangang magmadali at magpahuli sa mga klase kapag maaga tayong pumapasok. Iwasan nating magpa-late. Huwag na nating hintaying masita tayo dahil lagi tayong late. Maging maagap, Albertians!

* * *

Pagiging matapat ang ipinakita ni Kyllie Angela Micaller matapos makapulot ng pitaka na naglalaman ng malaking halaga ng pera. Tularan natin si Kyllie. Ang pagiging matapat sa kapwa ang susi para pagkatiwalaan tayo. Kahanga-hanga ka, Kyllie!

Ni Emarie C. Azares

Mga programa ng paaralan, nakalilibang

Ang sarap pagmasdan ng ating mga bagets sa nakaraang Twinkler at Star Badge Fair ng Manila Girl Scout Council. Iba’t ibang mga mag-aaral mula sa mga paaralan sa Maynila. Dito nagsisimula ang pagkakaroon ng disiplina at pakikipagkapwa-tao ng mga batang Albert. Saludo ako sa inyo!

***

Makukulay na kasuotan ng iba’t ibang bansa ang aking nasaksihan sa nakaraang United Nations Day. Ang mga mag-aaral ay may dalang iba’t ibang watawat mula sa mga bansa sa buong mundo. Nakatataba ng puso na makitang nagkakaisa ang mga bansa kahit malayo ito sa isa’t isa. Sana matutunan din ng mga kapwa ko mag-aaral ang pagkakaisa at respeto sa bawat isa kahit magkakaiba ang lahing kinagisnan.

***

Paggawa ng liham sa aming mga guro ang isa sa mga gusto kong gawain tuwing Araw ng mga Guro. Sa simpleng paggawa ng liham ay naipapaabot namin ang mga mensaheng hindi namin kayang sabihin ng harapan. Salamat po aming mga guro. Salamat sa mahabang pasensiya sa amin. Mahal po namin kayo!

Page 10: ANG UGNAYAN - draalbertes.depedmanila.comdraalbertes.depedmanila.com/wp-content/uploads/2018/12/ANG-UGNAYAN... · maayos ang mga ngipin ng mga mag-aaral. Ito ay bahagi ng dental health

Libutin ang SARAP ng Sampaloc

Erling’s Tapsilogan

Lugawan sa Dapitan

Bulaluhan sa Laon-Laan

Egoy Sizzling sa Matnog

Nina Hannah Mae E. Ortiz, Keziah Enah C. Meneses at Julie Ann R. Almonte

Isa sa mga kilalang lugar sa Maynila ay ang Sampaloc. Dito makikita ang mga naglalakihan at kilalang unibersidad sa

mundo tulad ng University of Santo Tomas at Far Eastern University.

Maliban sa mga unibersidad, marami ring masasarap na kainan ang makikita at mapupuntahan dito. Ano-ano nga ba ang

mga ito? Halina’t libutin natin ang sarap ng Sampaloc.

Kung agahan ang hanap mo, hindi pahuhuli sa sarap ang Erling’s

Tapsilogan. Dito ay iba’t ibang putahe ng silog ang kanilang itinitinda.

Matatakam ka sa sarap ng sinangag kahit walang ulam. Sa katunayan,

mahigit 30 taon nang tumatakbo ang tapsilogang ito at ni minsan ay hindi

nauubusan ng mga kumakain. Magpapahuli ka ba? Ito ay makikita sa Maceda

St. Corner Ma. Clara St. Sampaloc, Manila at bukas ito, 24 oras.

Mahirap makahanap ng masarap na lugaw na sasakto sa

timpla ng panlasa mo, pero dito sa 2129 Dapitan St. Sampaloc, Manila,

makikita at malalasap ang isa sa hindi pinagsasawaang lugaw dahil na

rin sa sikretong recipe na nilalagay nila rito. Samahan mo pa ito ng

napakalamig na tubig o juice, aba’y ayos na ang pagkain mo.

Akala mo ba ay sa Batangas at Tagaytay lang may masarap

na bulalo? Aba, hindi pahuhuli ang mainit na bulalo na itinitinda sa

Craig St. Corner Laon-Laan St. Sampaloc, Manila. Ang isang order ng

katakamtakam na bulalo rito ay siguradong paglalawayin ang mga

labi mo. Napakamura, napakasarap at siguradong hahanap-hanapin ng

panlasa mo.

Kapag sinabing sizzling, bukambibig sa Sampaloc ang Egoy.

Paano ba naman, nasa kusina pa lang ang order mo ay amoy na amoy

na ang usok na makabubusog sa tiyan mo. Siguradong matutuwa ang

mga kaibigan mo kapag natikman nila ang best seller na hot steak dito.

Ito ay makikita sa Laon-Laan St. Corner Maceda St. Sampaloc, Manila at

bukas 24 oras. Siguradong mag-eenjoy ang sinumang kakain dito.

10

Page 11: ANG UGNAYAN - draalbertes.depedmanila.comdraalbertes.depedmanila.com/wp-content/uploads/2018/12/ANG-UGNAYAN... · maayos ang mga ngipin ng mga mag-aaral. Ito ay bahagi ng dental health

Paluto Nga Po!

Apung Quintin

Yvan Navy Burger and Kebab Haus

Ice Cream Store

Tinatamad ka bang lumabas ng bahay pero gusto mong ibang

putahe naman ang iyong kainin? Sa Paluto, free delivery na, fresh

na fresh pa ang luto. Isa sa mga lugar kung saan hindi nauubusan

ng mga kumakain ang Paluto Nga Po, dahil narito na ang mga

hinahanap mong iba’t ibang klase ng pagkain. Silog, pancit, karne

ng baboy, baka at manok, isda at lamang dagat, gulay, at iba’t ibang

klase ng kanin ay narito na. Hindi ka mauubusan ng klase ng pagkain

dito at nakasisigurong laging sariwa ang hinahanin. Madalas din itong

sadyaing kainan ng mga kaibigan nating dayuhan. Kaya naman 10 taon

na itong pinapatakbo at bukas ito 24 oras. Maaari itong puntahan sa 1336

Maceda St. Sampaloc Manila.

Pampanga’s best ba ang hanap mo? Matitikman yan dito sa

Apung Quintin sa 1353 Maceda St. Sampaloc, Manila. Walang kasing

sarap ang mga pagkaing Kapampangan dito. Animo’y nasa Pampanga

ka talaga kapag natikman mo ang mga ulam dito. Sa sobrang sarap

ng mainit na sisig at malinamnam na bulalo, hindi mo na kailangang

pumunta pa ng Pampanga. Ano mang putahe ng Kapampangan,

nandito lang sa Apung Quintin. Kain na!

Alam mo na may pinoy version ng Army Navy Burger?

Ito ay ang Yvan Navy na talaga namang patatakamin ka sa laki at

sarap ng hamburger dito. Isa sa dinarayo tuwing gabi o yung mga

“midnight snack barkada” ang Yvan Navy. Paano ba namang hindi

dadayuhin, dito na yata matitikman ang pinakamurang quarter

pounder burger na nagkakahalaga

lamang ng P50.00. Akalain mong

pwede na ito sa dalawang tao.

Ang pinakamahal naman ay

ang triple half pounder na

nagkakahalaga ng P300.00

na pwede na sa limang

magbabarkada. Talaga

namang napakamura ng

presyo at siguradong

uuwi kang busog pa rin

ang pitaka at busog ang

tiyan. Kilala rin ang Yvan

Navy sa nachos at french

fries. Subukan mo na! Ito

ay bukas tuwing alas-dos ng

hapon hanggang alas-dos ng

umaga at makikita sa Honradez

St. Sampaloc, Manila.

Mahilig ka ba sa ice cream? Isa ba ito sa

mga kinahihiligan mo kapag merienda? Hindi mo na

kailangang pumunta pa sa mga restaurant at fastfood

chain para lang makaorder ng masarap na ice cream dahil

sa G.Tuazon, Sampaloc Manila ay makikita mo na ang Ice

Cream Store na sasakto sa panlasa mo. Matitikman dito

ang pinakamasarap na ice cream shake, ice cream coffee,

banana sundae at iba’t ibang flavors ng ice cream na akala

mo ay sa telebisyon mo lang makikita. Huwag mag-alala

dahil sa halagang 30 pesos ay makakabili ka na ng ice

cream dito. Halina’t tikman na ang ice cream ng buhay mo!

11

Page 12: ANG UGNAYAN - draalbertes.depedmanila.comdraalbertes.depedmanila.com/wp-content/uploads/2018/12/ANG-UGNAYAN... · maayos ang mga ngipin ng mga mag-aaral. Ito ay bahagi ng dental health

12

PAGYAKAP SA MUNDO NG PAGDURUSANi Julie Ann R. Almonte

“Sikapin mo, pilitin mo, tibayan ang iyong puso,

tanging ikaw ang huhubog sa iyong bukas,

huwag mo sanang akalaing natutulog ba ang Diyos,

ang buhay mo ay mayroong halaga, kaibigan…”

Sino nga ba ang hindi makalilimot sa nakakaantig

na awit ni Gary Valenciano? Kahit sino siguro ang

makarinig nito ay maiiyak na lamang at sinasariwa ang

mga masasakit na nangyari sa buhay.

Sa Paaralang Dr. Alejandro Albert, halos lahat ng

mga mag-aaral ay normal ang pamumuhay; Gigising

ng maaga, kakain ng masarap na almusal, magsusuot

ng plantsadong uniporme, bibigyan ng sapat na baon

ng magulang, kumpleto ang mga gamit pampaaralan at

ihahatid gamit ang service.

Ngunit, dito ay may isang mag-aaral na kakaiba

ang nakalakihang pamumuhay. Malayo sa gadyet,

malayo sa normal na tulog, malayo sa magulang na

nag-aasikaso, malayo sa masasarap na agahan, at higit

sa lahat, malayo sa kaligayahan, kaligayahang kailangan

ng isang mag-aaral.

Si JR, 14 na taong gulang, ay kasalukuyang nasa

ikalimang baitang. Kakaiba ang kanyang kwento sa

buhay dahil sa murang edad, nagsusumikap na siyang

magtrabaho. Iisang anak lamang si JR at ulila na siya na

ama, samantalang ang kanya namang ina ay paralisado

na. Dahil hindi niya alam kung saan kukuha ng pantustos

sa pang-araw-araw na pangangailangan at gamot ng

kanyang ina, minabuti niyang magtrabaho. Sa murang

pag-iisip ay bumaligtad ang mundo, ang anak ang nag-

aalaga sa magulang.

Isang taon sa water station si JR bilang isang

delivery boy. Hindi niya alintana ang bigat ng tubig na

kanyang binubuhat sa iba’t ibang bahay na kanyang

pinupuntahan, ang pagtanggap ng kanyang manipis na

balat sa init na nagmumula sa matinding sikat ng araw,

at ang gutom na marami nang beses pinalipas para

lamang makaipon ng perang panggamot sa kanyang

ina.

Naghanap ng mas malaking pagkakakitaan si

JR. Nilisan niya ang pinagtatrabahuhang water station

at ngayon ay nasa fastfood chain na siya malapit sa

National University, at nagsisilbing service crew dito.

Mababanaag sa mukha niya ang hindi

maipintang antok at pagod tuwing papasok siya sa

paaralan. Minsan ay hinahabol niya ang pagpasok

ng alas-dose para maabutan niya ang unang

asignatura.

Si JR ay larawan ng isang simpleng mag-

aaral na gumagalaw sa mundo ng malayo sa

kanyang iniikutan. Minsan na rin niyang natanong

kung talaga bang natutulog ang Diyos? Minsan

na niyang sinabi na bakit ipinagdamot sa kanya

ang mga bagay na dapat ay hawak niya, dapat ay

nararamdaman niya, dapat ay nakikita niya, dapat

ay nalalasap niya bilang isang bata.

Maraming mga bata ang katulad ni JR.

Maraming bata ang nakararanas ng paghihirap,

pero sa likod ng mga sakripisyong ito ay may

magandang kapalit. Biyayang hindi mo aasahang

mahahawakan, biyayang mararamdaman,

biyayang makikita at biyayang malalasap nang

sobra.

Hindi natutulog ang Diyos, sa katunayan,

nakatingin ito at binabantayan ang lahat ng galaw

ng bawat isa. Ang nararanasan ni JR ngayon ay

pagsubok sa kanya na magagamit niyang sandata

sa kanyang paglaki. Kahanga-hanga ang matinding

sakripisyong ipinapakita niya. Isa siyang huwaran

sa mga batang gustong makatapos ng pag-aaral

habang nakayakap sa mundo ng pagdurusa.

Page 13: ANG UGNAYAN - draalbertes.depedmanila.comdraalbertes.depedmanila.com/wp-content/uploads/2018/12/ANG-UGNAYAN... · maayos ang mga ngipin ng mga mag-aaral. Ito ay bahagi ng dental health

13

HINDI LAMANG TAO ANG NALULUNGKOTNi Lee-Ann Grace Zamantha T. Nosotros

Sa aking paglalakad sa aming paaralan, tatlong lugar ang napapansin kong laging malungkot. Malungkot dahil tahimik, malungkot dahil hindi pinupuntahan, malungkot dahil kinakain na ng agiw na dati’y masasayang lugar.

KAPILYA. Napadaan ka na ba sa ikalawang palapag ng paaralan? Nakita mo na ba ang kapilya (chapel) doon? Alam mo bang noong Pebrero 3, 1989 ito naitayo at binuksan? Nakapasok ka na ba roon? Nasubukan mo na bang umupo at manalangin? Hindi ba’t ang lungkot? Walang nakaiisip na dumaan o pumasok doon, mayroon man ay iilan lamang at hindi magawang umupo nang matagal. Kalungkutan ang nangingibabaw sa lugar na iyon. Kalungkutang hindi mo nakikita pero nararamdaman mo. Kalungkutang naghihintay na buhaying muli.

SILID-AKLATAN. Kailan ka huling pumasok ng silid-aklatan? Kailan ka huling nagbuklat ng libro roon? Kailan ka huling nagbasa ng napakahabang kuwento tungkol sa iba’t ibang planeta? Tungkol sa iba’t ibang pamumuhay sa bansa? Tungkol sa mga hayop sa paligid? Nakahihinayang ang makukulay na aklat sa loob nito. Nakahihinayang na pagmasdan na napapaliguan na ng alikabok ang mga aklat na dati’y pinag-aawagan pa ng mga bata para basahin. Kalungkutan ang nangingibabaw sa lugar na iyon. Kalungkutang hindi mo nakikita pero nararamdaman mo. Kalungkutang naghihintay na buhaying muli.

PLAYGROUND. Kailan ka huling naglaro roon habang hinihintay ang iyong sundo? Kailan ka tumawa ng malakas habang dinuduyan? Kailan ka huling napasigaw dahil sa pag-slide mo? Kailan ka huling nakipagkwentuhan sa kaklase mo habang nakaupo sa duyan? Kailan mo binitawan ang gadyet mo para maglaro sa palaruan? Kailan mo huling nahawakan ang mga makukulay na bakal doon? Kalungkutan ang nangingib abaw sa lugar na iyon. Kalungkutang hindi mo nakikita pero nararamdaman mo. Kalungkutang naghihintay na buhaying muli.

Hindi lamang ang mga tao ang nakararamdam ng lungkot. Maging ang mga lugar na dati ay buhay ay unti-unting nakararamdam ng kalungkutan. Pasyalan mo ito kapag may oras ka. Bisitahin mo ng hindi na muling makaramdam ng lungkot. Bitawan mong saglit ang hawak mong gadyet at subukan mong pumunta sa mga binanggit kong lugar. Ikaw ang tulay para maging masaya ulit ang mga ito.

Page 14: ANG UGNAYAN - draalbertes.depedmanila.comdraalbertes.depedmanila.com/wp-content/uploads/2018/12/ANG-UGNAYAN... · maayos ang mga ngipin ng mga mag-aaral. Ito ay bahagi ng dental health

14

ANG SAMPUNG PINAKA ni MclhareNi Mclhare Alexandra L. Dantes

Mahigit limang taon na ako sa Paaralang Albert, kaya naman naisipan kong isulat ang 0 PINAKA na hindi ko malilimutan.

UNA - Noong pumunta ako sa palikuran, binuksan ko ang pinto ng cubicle, may tao pala sa loob. Tumakbo ako palabas ng palikuran, nakakahiya kaya yun. Dapat kasi kumatok muna ako

IKALAWA - Umakyat ako ng hagdan at nagasgas ang tuhod ko sa hagdan. Ganun na ba ako kaliit? Ang saklap naman. Dapat pala nag-high heels ako. Biro lang.

IKATLO- Sinubukan kong magsulat sa whiteboard noong may groupings kami sa klase. Sa sobrang excited ko, permanent marker ang nagamit ko. Ang galing diba? Kinabukasan, nagdala ako ng acetone. Nakakaiyak magbura ng sulat.

IKAAPAT - Nagtahi ako sa makina noong Home Economics namin. Mali yung natahi ko. Napudpod kamay ko kakatanggal ng sinulid. Ayun, naiyak ako ng konti.

IKALIMA - Sumali ako sa volleyball, sa tuwing titirahin ko yung bola, lumalagpas. Feeling ko butas yung braso ko. Laban lang, tiwala langIKAANIM - Paakyat kami ng 3rd floor at mahilig nila akong takutin. Natatakot naman ako, pero hindi ko alam kung anong kinatatakutan ko nun. Ang saya diba?IKAPITO - Pauwi na kami at biglang bumukas yung pintuan ng isang room pero wala namang tao. Baka hangin lang. Hangin lang yun, promiseIKAWALO - Nagkaroon kami ng pagsusulit at ako ang may pinakamababang iskor. Gusto ko ng lumubog sa kinauupuan ko. Nakabawi naman ako sa sumunod na pagsusulit.

IKASIYAM- Noong Grade 3 ako, pangatlo ako sa pinakamaliit sa klase. Ngayon, pang-apat na ko sa pila lagi. Ang galingIKASAMPU- Noong nasa Accelerated ako, nagkaroon kami ng initan ng ulo ng aking mga kaklase dahil sa pila. Dahil talaga sa pila? Enebenemenyen Ang sarap alalahanin ng mga nangyari sa buhay ko bilang isang mag-aaral ng Paaralang Albert, masaya man o malungkot, nagkamali man o tumama, ang mahalaga natuwa ako at natuto.

Ikaw, subukan mo ring sumulat ng sampung ANG PINAKA na hindi mo malilimutan.

Page 15: ANG UGNAYAN - draalbertes.depedmanila.comdraalbertes.depedmanila.com/wp-content/uploads/2018/12/ANG-UGNAYAN... · maayos ang mga ngipin ng mga mag-aaral. Ito ay bahagi ng dental health

BITAMINA MULA SA GATAS NG IPIS

MATA: ‘BINTANA’ NG KALULUWA

Sinaliksik ni Jewel Chloe C. Villavicencio

Isa sa hindi mapipigilang problema na hinaharap ng Pilipinas ngayon maging a n g buong mundo ay ang patuloy na pagdami n g nagugutom dahil sa kahirapan at ang malnutrisyon na nararanasan ngayon ng mas maraming bata.

Ayon sa datos ng Paaralang Dr. Alejandro Albert, 433 sa 3,258 na mag-aaral ang wasted at severely wasted at hindi normal ang timbang, kung saan mas kailangan nila ng atensyon sa normal na pagkain at bitaminang pumapasok sa katawan.

Kaya naman, nagkaroon ng iba’t ibang programa ang Kagawaran ng Edukasyon katuwang ang Kagawaran ng Pangkalusugan tulad ng Feeding Program at Nutribread. Ngunit, maliban sa gulay, prutas, karne at bitaminang iniinom, kailangan din ng katawan ang gatas. Ito ang isa sa kailangang iniinom lalong lalo na ang may problema sa buto at mahinang pangangatawan. Karaniwang pinagkukuhanan ng gatas ay ang mula sa breastfeeding ng ina, sa baka, kalabaw, soy beans, at marami pang iba.

Paano kaya kung ang gatas na lamang ng ipis ang maaari nating pagkuhaan sa hinaharap? Hindi ba’t nakakadiri ito kung iisipin?

Ang diploptera punctata o pacific beetle cockroach ay ang tanging species ng ipis na

Ni Jessiemary M.De Jesus Napakahalagang bahagi ng ating katawan ang mata. Sa pamamagitan nito, nailalarawan natin ang kulay ng ating paligid, ang kagandahan ng mga bulaklak, ang maaliwalas at asul na kalangitan, at mukha ng ating mga minamahal. Ang mga mata rin ay tinatawag na “bintana ng ating kaluluwa” sapagkat naaaninag dito kung ano ang nasa ating kalooban. Bilang paalala, naririto ang mga kinakailangang isaalang-alang upang mapangalagaan nang husto ang ating mga mata.

Kung ang inyong mga mata ay pagod na, ipahinga ito kaagad. Maaaring ipikit ng 2 minuto at dahan-dahang buksan. Iwasan ang pagbabasa nang sobra o kaya naman ay aandap-andap na liwanag. Iwasan ding magbasa kung ikaw ay nakasakay sa dyip, taxi, o ano mang uri ng kotse.

15

naglalabas ng crystalline milk. Ang ganitong uri ng ipis ay vivaparous o

insekto na sa halip na nangingitlog a y nanganganak ng buhay na offsprings. Katulad ng ibang hayop, pinapakain din nito ang kanyang anak galing mismo sa kanyang gatas.

Ang Institute of Stem Cell Biology and Regenerative Medicine sa India ay nag-aaral tungkol sa protein crystal na makikita sa broad sac ng pacific beetle cockroach. Ang cockroach milk na ito ay apat na beses na mas masustansiya kaysa sa gatas ng baka at tatlong beses na mayaman sa protina kaysa sa gatas ng buffalo.

“The crystals are like a complete food - they have proteins, fats, and sugars. If you look into the

protein sequences, they have all the essential amino acids.” Ayon kay Sanchari Banerjee, isa sa mga mananaliksik ng Institute of Stem Cell Biology and Regenerative Medicine.

Dagdag naman ni Chavas, isa sa mga mananaliksik ng nasabing pag-aaral at nakatikim ng cockroach milk, wala itong partikular na lasa, pero sa ngayon, wala

pang sapat na edibensiya na magpapatunay na ligtas itong gamitin o inumin ng tao.

Nakatatawa man at nakadidiring isipin, ngunit kung darating ang panahong magkaroon ng nuclear disaster at maubos na ang lahat ng

pinagmumulan ng gatas, ang tanging solusyon na lamang ay ang gatas mula sa ipis. [AU]

Para hindi manlabo ang mga mata, siguraduhing dalawang oras (2) lamang ang paggamit ng gadyet sa loob ng isang araw. Hinaan din ang ilaw na nagmumula sa gadyet

para hindi direktang masilaw ang ating mga mata.

Alisin ang duming nakapasok sa ating mata gamit ang malinis na tubig.

Huwag gamitin ang daliri lalo na kung hindi ito malinis.

Dapat gumamit ng salamin kung ito ay rekomendado ng doktor. Huwag gumamit ng salaming may grado na nabibili sa bangketa o salaming hindi

ka-grado.

Ayon sa mga eksperto, kulay berde ang pinakamagaang kulay para sa mata.

Kung maaalagaan nating mabuti ang ating mga mata, hindi na natin kailangang sapitin ang iba’t ibang sakit sa mata. Ingatan ang mga ito. [AU]

Page 16: ANG UGNAYAN - draalbertes.depedmanila.comdraalbertes.depedmanila.com/wp-content/uploads/2018/12/ANG-UGNAYAN... · maayos ang mga ngipin ng mga mag-aaral. Ito ay bahagi ng dental health

16

Investigatory Project

PAPEL MULA SA WATER HYACINTH

8-ANYOS, PATAY SA BRAIN ANEURYSM

Ni Jenica Nicole A. Farro

Karaniwang sagabal at panira ang mga water hyacinth lalo na sa mga mangingisda. Kaya naman naisipan ni Khristian Alfon kung paano magagamit sa tama ang mga nakasisirang hyacinth.

Ang proyektong ito ay paggawa ng papel mula sa alternatibong materyal na water hyacinth sapagkat matatagpuan ito sa mga ilog, sapa, at lawa.

May tatlong pangunahing pamamaraan sa paggawa ng papel na water hyacinth.

Una, gawin ang pulp. Pinuputol-putol at dinidikdik ang sanga nito at pigain ang katas. Sunod naman ay ihanda ang kemikal. Tunawin ang 50g sodium hydroxide at 50g chlorine sa 200ml na mainit na tubig. Ihalo ito sa pulp upang pumuti. Pagkatapos ay imolde ang papel. Hugasang mabuti ang pulp upang maalis ang kemikal.

Ni Jewel Chloe C. Villavicencio

Isang taon na ng nabalitaan natin ang biglaang pagkamatay ng aktres na si Isabel Granada habang siya ay nagbibigay ng mensahe sa mga kababayan nating OFW. Dahil sa brain aneurysm kaya pumanaw ang nasabing aktres. Nakaaalarma ang brain aneurysm dahil ang pinakabatang biktima nito ay walong taong gulang, si Bobby-Jo Potts ng bansang United Kingdom.

Ano ba ang brain aneurysm?

Ang brain aneurysm ay ang pagnipis ng blood vessel at paglobo nito. Ito ay nabubuo dulot ng stress sa blood vessels. Kapag nasobrahan sa stress ang isang tao, ang ugat natin sa utak ay unti-unting lumalaki na parang lobo. Numinipis ang ugat at ito ay pumuputok. May mga sintomas ang

Gumawa ng alum at starch solution. Ilagay ang pulp sa batya na may limang litrong tubig at

ihalo ang alum at starch solution. Salain ang pulp sa pamamagitan ng moldeng silkscreen. Isalin ang pulp sa tela at patuyuin.

Sa pamamagitan ng eksperimentong ito, napatunayan na maaaring makagawa ng papel sa water hyacinth. Makatutulong ang proyektong ito sa problemang

pangkapaligiran tulad ng pagbaha. Isa sa dahilan ng pagbaha ang water hyacinth

sapagkat nakababara ito ng mga daanan ng tubig. Maaari ring malutas ang suliranin sa pagkakalbo

ng kagubatan at polusyon sapagkat mabisa itong alternatibo sa punong-kahoy na siyang malimit na gamit sa paggawa

ng papel. Kinakailangan lamang ng masusing pag-

aaral upang mapaunlad ang tekstura ng papel mula sa water hyacinth.

Maaaring gamitin ang proseso sa paggawa ng papel sa lumang papel, talahib, cogon, at

iba pang kauri nito. [AU]

aneurysm. Una na rito ay ang napapadalas na pagsakit ng ulo lalo na sa likod ng mata, nanlalabo ang paningin o pagiging sensitibo sa liwanag, nahihilo, hirap magsalita, at pagkakaroon ng seizure. Isa sa mga dahilan kung bakit may mga taong may aneurysm ay dahil sa stress.

Ayon sa mga eksperto, tatlo sa 10 mga mag-aaral ay nakararamdam ng stress sa pag-aaral. Para makaiwas sa stress, siguraduhing matulog ng nasa sapat na oras. Kung hindi maaiwasan ang pagpupuyat dahil sa mga proyekto at takdang aralin, ipikit ang mata ng 2-5 minuto. Kumain din ng prutas at gulay at siguraduhing hindi nalilipasan ng gutom. Uminom ng vitamins para sa proteksyon sa init at lamig. Mabuting huwag magpa-stress sa mga bagay na nakakapagpairita sa atin o nagsasanhi ng pagkagalit o stress sa trabaho dahil sa sobrang pagod. Kumonsulta rin sa doktor kung may mga kakaibang nararamdaman sa katawan lalo na sa ulo at mata.

Kung susundin natin ang mga ito, makakaiwas tayo sa stress, lalo na sa brain aneurysm. Pangalagaan natin ang ating sarili. [AU]

Page 17: ANG UGNAYAN - draalbertes.depedmanila.comdraalbertes.depedmanila.com/wp-content/uploads/2018/12/ANG-UGNAYAN... · maayos ang mga ngipin ng mga mag-aaral. Ito ay bahagi ng dental health

17

Daling nanggigil kay Alarcon; Chzarenjoy nag-uwi ng 20 kills

Ni Albert Matthew M. Gomez

Humampas si Chzarenjoy Daling ng napakataas na kills sa kaniyang eksplosibong opensiba at namituin sa 21-9; 21-9 pagaspas laban sa nanlupaypay na si Ritz Alarcon sa Palarong Maynila three-setter badminton exhibition game na ginanap sa Paaralang Andres Bonifacio, kamakailan. Nagtagumpay si Daling sa kabuuan ng laro bitbit ang kaniyang makapanindig-balahibong laro na nagtapos sa 20 kills kaagapay ang anim na service aces. Limang sunod-sunod na unforced errors ang agad na ginamit ni Daling upang bumwelo at umalagwa sa pagbubukas ng first set na nagposte ng 5-0 palitan. “One of the factors para magawa nang tama ang moves ay dapat sundin ang sinasabi ni coach. Focus lang,” wika ni Daling. Tuluyan pang tumaas ang lipad ni Daling matapos magpatuloy sa pananalasa ng down-the-line hits na bigo nang maibalik ni Alarcon dahilan upang ibaon ito sa iskor na 11-5 sa interval break. Winasiwas na ng 11-anyos na manlalaro ang takbo ng laro sa

kaniyang panig matapos paglaruan ang kalaban sa kaniyang mga nakapanlulumong cross-court shots kung saan nanatili siyang nakaupo sa trono habang patuloy sa errors si Alarcon, 17-8. Tuluyan ng pinatulog ni Daling ang unang set sa kaniyang pangingibabaw sa mauutak na dropshot at palihis na smash upang siguruhin ang 1-0 set advantage, 21-9. “With hardwork and determination, makukuha niya ang panalo basta’t makinig lang siyang mabuti sa mga sinasabi at pinapagawa ko sa kanya,” ayon kay Coach Crystal Montilla. Tila pinasarap naman muna ni Daling ang kaniyang kalaban sa simula ng ikalawang set matapos itong hayaang makadikit sa 6-4 palitan dahil sa unforced errors na siya namang sinamantala ni Alarcon. Dito na nag-simulang umasinta si Daling at mag-paulan ng limang sunod-sunod na kill upang muli na namang umabante dala ang kalamangan at

TIME OUT. Larawan ng isang uhaw na manlalaro na kumukuha ng lakas para sa susunod na laban.

ilagay si Alarcon sa hukay, 11-4. Mas lalo pang lumalim ang kinalalagyan ni Alarcon na wala pa ring tigil sa pagrehistro ng unforced errors na binanderahan pa ng magandang timpla ng hampas ni Daling upang kampanteng ilatag ang 17-8 iskor na malayo nang mahabol pa ni Alarcon. “Sinubukan kong gawin lahat ng sinabi ng coach ko pero hindi ko alam kung saan ako nagkulang. Nawalan na ko ng pag-asa ng second set kaya ikinatalo ko na talaga,” ayon kay Alarcon na bigo sa kanyang laban. Hindi na nagpatinag pa si Daling matapos iuwi ang kumbinsidong panalo na dinomina niya sa buong laro sa patuloy na paglalayag tungo sa 21-9 pagtatapos ng ikalawang set.Inabot lamang ng 30

minuto ang pagdispatsa ni Daling sa ilalim ng araw

na natunghayan ng daan-daang

manunuod.

Iskor: Set 1: 21-9; Set 2: 21-9 [AU]

Page 18: ANG UGNAYAN - draalbertes.depedmanila.comdraalbertes.depedmanila.com/wp-content/uploads/2018/12/ANG-UGNAYAN... · maayos ang mga ngipin ng mga mag-aaral. Ito ay bahagi ng dental health

18

Manlalarong Albertians, naghari sa District, Palarong Maynila

Ni Albert Matthew M. Gomez

Isang pagpupugay sa

mga manlalaro ng Paaralang Dr.

Alejandro Albert sa nakaraang

Pandistrito at Palarong Maynila.

FUTSAL

Sumipa sa District Palaro sa

Unang Puwesto ang AAES Futsal

Team na sina Mobby Antoinette

Yodico, Tiffany Reign Mananquil,

Krisha Marie Penalosa, Rachelle

Montes, Senthina Mercado, at

Franchesca Sagad. Sina G. Rayson

Regala at G. Brayan Valdez ang mga

naging tagapagsanay.

BASEBALL

Umariba sa District Palaro

sa Unang Puwesto ang koponan

ng AAES Baseball na sina Von

Clyde Obenza, Rhowie Ice Cruz,

Eugene Angelo Batac, AJ Nash

Custodio, Kenneth Morato, Nathan

Clyde Espinosa, Carl Simodlan, John

Priv Francisco, John Paul Lopez,

Jaymark Manuel, Eduardo Esteban

Jr., at Alexander James Cas. Sian Gng.

Josephine Alfon at Gng. Noreen De

Silva ang mga naging tagapagsanay.

Si Von Clyde Obenza ay muling

sasabak sa Palarong Maynila para

ibandera ang Paaralang Dr. Alejandro

Albert.

TAEKWANDO

Umalagwa sa District Palaro sa

Unang Puwesto ang koponan ng AAES

Taekwando na sina Justine Culanag,

Roze Lenard Balmes, Xyze Deldoc, at

Rhianne Chariz Mejarez. Ang kanilang

tagapagsanay ay si Gng. Eva Filomeno.

FOOTBALL

Sinungkit ng AAES Football

Team ang Ikalawang Puwesto

sa nakaraang District Palaro.

Kinabibilangan nina Clint Audrey

Hernandez, Mig Daniel Papa, John

Mhorie Tapang, Cyrus Tanghal, Etsu

Rion Lebuni, Adrian Fajutag, Kurt

Benedict Mariano, Harold Nomer

Dimla, Kyle Daniel Cosare, Alamath

Florido, Carl Jeric Simodlan, Joshua

Recuenco, at Joshua Balatbat. Ang

kanilang tagapagsanay ay sina G.

Marven Martal at Gng. Precious M.

Garcia

BADMINTON

Inangkin ng AAES

Badminton Boys at Girls ang

iba’t ibang parangal sa katatapos

lamang na Palarong Maynila. Travis

Miguel Manalese (Champion),

Chzarenjoy Daling (Champion),

Tiffany Reign Mananquil, Steven

Enriquez at Carl Jeric Simodlan

(Ikalawang Puwesto), at Rowee

Olalo, Chrystel Mari Cuya, at Adrian

David (Ikatlong Puwesto). Sina G.

Jovenn Cabiles, G. Albert Soriano

at Bb. Crystal Montilla ang mga

tagapagsanay. [AU]

POKUS. Gagawin ni Phil Corpuz, manlalaro

ng TUP, ang lahat para makapagpakitang-

gilas sa larangan ng basketbol sa harap ng

mga mag-aaral ng AAES.

Page 19: ANG UGNAYAN - draalbertes.depedmanila.comdraalbertes.depedmanila.com/wp-content/uploads/2018/12/ANG-UGNAYAN... · maayos ang mga ngipin ng mga mag-aaral. Ito ay bahagi ng dental health

19

Bantayan ang Hari

Trivia

“Sumali ka sa Chess, anak.”

Iyan ang laging sinasabi ng aking nanay.

Minsan, tinanong ako ni G. Padama, coach sa chess ng Paaralang Dr. Alejandro Albert. Akala ko ay magkakaroon lamang ng pagsasanay sa chess, yun pala ay isa na ako sa isasabak niya sa paligsahan. Oo, may kaunting kaba at may kaunting excitement din naman. “Mag-isip muna bago tumira, Hannah. Isiping maigi kung bakit iyon ang ginawang move ng kalaban.” Yan ang laging sinasabi ni coach sa akin. Dumating ang araw ng kompetisyon. Kinakabahan pero kakayanin. Iniisip ko ang lahat ng tinuro at sinabi ng coach ko sa akin. Maraming bawal sa larong chess tulad ng touch-move. Ito ang galaw na kapag nahawakan at ginalaw mo

Ni Albert Matthew M. Gomez

Alam ba ninyong noong Pebrero 1989 ay ipinagbawal ang paglalaro ng yoyo sa Paaralang Dr. Alejandro Albert?(Halaw mula sa Ang Ugnayan 1989) Ipinagbabawal na ngayon ang paglalaro ng yoyo sa loob ng paaralan. Ito ay ayon kay Gng. Jovita Zartiga, gurong tagapatnubay. Ayon kay Gng. Zartiga, isang fluorescent lamp sa ikatlong palapag ang nabasag dahil tinamaan ito ng yoyong nilalaro ng isang batang lalaki. Upang maiwasan ang pagkaulit ng ganitong pangyayari, napagpasiyahan ng pamunuang ipagbawal na ang paglalaro nito sa loob ng paaralan. [AU]

na ang piyesa, bawal na itong ibalik sa dating puwesto. Bawal ring makain ng piyesa ang hari, dahil ito ang

tatapos sa laro. Ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko na

mglaro ng chess, bigla ko na lamang itong nakahiligan. Masarap pala sa pakiramdam. Hindi ko na kailangang tumakbo o tumira ng malalakas at magpakapagod. Uupo lamang ako at kakaharapin ang aking kalaban at mag-iisip ng maigi para matalo ang aking nasa harapan. Ito ang larong susubok sa kakayahan ng aking pag-iisip. Masarap pala. Upang magaling na manlalaro (ng kahit anong isports), sundin lamang ang sinasabi ng trainer sa atin. Magpakita nang

determinasyon sa paglalaro, disiplina at pokus sa mga ikinikilos.

Hindi ko inaasahang mananalo ako at makakasungkit ng ikatlong

puwesto sa sinalihan kong laro. Nag-enjoy na ko sa larong

chess, naipagmalaki ko pa ang aking paaralan.

[AU]

Ni Hannah Mae E. Ortiz

CHECK. Talas ng isip at bilis ng mata ang ipinamamalas ni Hannah Mae Ortiz, GT 5, habang nag-eensayo sa larong

chess.

Page 20: ANG UGNAYAN - draalbertes.depedmanila.comdraalbertes.depedmanila.com/wp-content/uploads/2018/12/ANG-UGNAYAN... · maayos ang mga ngipin ng mga mag-aaral. Ito ay bahagi ng dental health

Albertians nanaig kontra Abesians; Manalese tinangay ang huling set

Ngunit hindi nagpabaya si Manalese

at agad kumayod ng puntos upang ipako ang

17-15 palitan mula sa down-the-line hits at

dito na inalagaan ang kalamangan hanggang

sa pagtatapos ng unang set na umayon sa

Albertian, 21-18.

Ganadong binuksan ni Cua ang

ikalawang set matapos magpasiklab ng mga

cross court shots na nagdiskaril sa takbo

ng laro ni Manalese upang ibaon siya sa 8-2

palitan.

“Matagal ko ng nakikitaan si Travis (Manalese)

ng galing sa badminton. Ito na yung tamang

panahon para maipakita niya ito, at hindi ako

nagkamali, nanalo nga siya,” ayon kay Coach

Joven Cabiles ng Paaralang Albert.

Muli na namang kumabig si Manalese

upang humabol sa paglalayag ni Cua bitbit

ang ilang service aces at cross-court shots na

nagdikit ng palitan sa 13-11.

Tuluyan namang tinangay ni Cua

ang manibela at dinispatsa si Manalese sa

ikalawang set, 19-21 sa unforced errors na

kinulayan pa ng mauutak na dropshots upang

itabla ang laro sa 1-1.

Determinadong inumpisahan ng

dalawa ang huling set matapos itala ang dikit

ng 8-7 palitan kung saan nanaig si Manalese

dahil sa unforced errors na tila pagod na si

Cua.

Nabigyang-buhay naman si Cua

matapos ang apat na sunod na set shot at

service errors ni Manalese upang ikabit ang

14-deadlock patungo sa huling yugto ng

laban.

“Bigla akong nawala sa mga laro ko.

Frustrating game sa akin ito,” sabi ni Geoffrey

Cua na bigo sa kanyang laban.

Dito na pumagaspas si Manalese

upang baliin ang 14-deadlock matapos

magpaulan ng kills na hindi na naibalik pa ni

Cua at dito na tuluyang namituin si Manalese

at winasak ang laro sa 21-14 palitan.

Inabot na ng dalawang oras ang nag-

iinit na labanan ng dalawa na natunghayan ng

daan-daang manunuod sa isang magandang

panahon.

Iskor: Set 1: 21-18; Set 2: 19-21; Set 3: 21-14

[AU]

ISPORTS ANG UGNAYAN

DETERMINASYON. Liksi ang sandigan ni Travis Miguel Manalese habang sinusubukang tirahin ang bola.

Ni Albert Matthew M. Gomez

Pumiglas si Travis Miguel

Manalese ng Paaralang Albert mula sa

14-all deadlock sa ikatlong set upang

kumawala sa gitgitang laban at ibinulsa

ang 21-18; 19-21; 21-14 panalo kontra

kay Geoffrey Cua ng Paaralang Bonifacio

sa Palarong Maynila Badminton Game na

ginanap sa Paaralang Andres Bonifacio,

Maynila.

Sumikwat si Manalese ng kabuuang

17 kills, 12 sa huling set upang umalagwa sa

umaaktibong palitan at mangibabaw sa laro

na binanderahan pa ng limang service aces.

Binuksan ni Carlos ang unang set

sa paggamit ng limang sunod na unforced

errors ng kalaban upang bumuwelo sa

pagposte ng maagang 5-0 adbentahe.

“Ang target goal ko kanina ay

manalo. Determinasyon ang kailangan.

Makinig kay coach at gawin ang tama,” wika

ni Manalese.

Agad namang rumesponde si Cua

matapos ang mahabang palitan ng puntos

sa kaniyang kill na nag-angat sa kaniya nang

bahagya, 13-11.