Ang Tatlong Sangay ng Pamahalaan ng Pilipinas
-
Upload
iamnotangelica -
Category
Education
-
view
1.392 -
download
38
Transcript of Ang Tatlong Sangay ng Pamahalaan ng Pilipinas
Tungkulin niya rin ang lumikom
ng pondo upang maayos na
makapaghatid ng serbisyo ang
pamahalaan at makapagpatupad
ng mga batas.
Ilang mga pangunahing kagawaran sa
sangay Tagapagpagpaganap:
Kagawaran ng Edukasyon (Department of
Education)
Kagawaran ng Kalusugan (Department of
Health)
Kagawaran ng Agrikultura (Department of
Agriculture)
Kagawaran ng Pananalapi (Department of
Finance)
Kagawaran ng Kagalingang
Panlipunan at Pagpapaunlad
(Department of Social Welfare and
Development)
Kagawaran ng Paggawa at Empleyo
(Department and Employment)
Kagawarn ng Tanggulang
Pambansa (Department of
National Defense)
Kagawaran ng Kapaligiran at
Likas na Yaman (Deartment of
Environment and Natural
Resources)
Ang pangulo ay mayroong kontrol a
lahat ng mga kagawaran, kawanihan at
mga tanggapan sa ilalim ng Sangay
Tagapagpaganap.
Ang commander-in-chief ng buong
Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
Mayroong siyang kapangyarihang
pangmilitar.
May kapangyarihan ang Pangulo
na manghirang ng mga kalihim ng
kanyang gabinete o mga magiging
pinuno ng mga kagawaran ng
pamahalaan.
Maaari siyang magmungkahi ng
mga panukalang batas sa
Kongreso.
Siya ay mga kapangyarihang
magpatawad. Ang Artikulo VII,
Seksiyon 19 ng Konstitusyon ay
nagbibigay ng pahintulot sa Pangulo na
gawin ang mga sumusunod:
1. Pagbibigay ng mga palugit sa
pagpapatupad ng sentensiya;
2. Pagpapagaan ng parusa;
3. Lubusang pagpapatawad;
4. Pag alis ng patawa na multa at
pagsamsam sa mga ari-arian ng
mga akusadong may pinal na
kahatulan; at
5. Pagkakaloob ng amnestiya nang
naaayon sa pasiya ng
nakararaming kagawad ng
Kongreso.
Ang pangunahing tungkulin ng
Sangay Tagapagbatas ay lumikha
ng mga batas, kasama rin sa
tungkuling ito ang mag-amyenda
ngmga batas at isagawa ang
badyet ng pamahalaan taon.
Ang sangay tagapagbatas ay
tinatawag ding Kongreso. Ang
kongreso ay binubuo ng
dalawang magkapantay na
sangay: Ang Senado at ang
Kapulungan ng mga
Kinatawan (House of
Representatives).
Samantala, itunuturing kapantay
rin ng Senado ang Kapulungan ng
mga Kinatawan. Lumilikha rin sila
ng mga batas. Ihinahalal ng mga
lokal na distrito ng bawat lungsod
ng Pilipinas ang mga kasapi ng
Kapulungan.
Ang Kapulungan ay pinamumunuan
ng isang tagapagsalita o House
Speaker. Siya ay pinipili ng mga
Kinatawan. Gaya ng Pangulo ng
Senado, siya ang magpapasiya kung
anong mga panukalang batas ang
dapat bigyan ng prayoridad upang
maging ganap na batas.
Ang lahat ng panukalang
batas na isusulong ng Senado
o ng Kapulungan ng mga
Kinatawan ay dapat
aprubahan ng parehong
Sangay ng Kongreso.
Mga kaakibat na Kapangyarihan ng
mga Mambabatas
Bukod sa pagsulong at paggawa
ng mga batas, may iba pang
benepisyo at kapangyarihan ang
mga kasapin ng Senado at
Kapulungan ng mga Kinatawan:
Ang mambabatas ay may sariling
tanggapan at mga kawani na ang
suweldo ay sinasagot ng pamahalaan.
Ang mambabatas ay may panggastos
para sa transportasyon mula sa kani-
kanilang mga tahanan hanggang sa
kanilang mga opisina at pabalik.
Nagtatamasa sila ng franking privilege
sa pagpapadala ng mga sulat sa koreo
nang hindi na kinakailangan pang
gumamit ng selyo.
Hindi na sila maaaring arestuhin
habang may pagpupulong sa Kongreso
sa anumang krimeng ang kaparusahan
ay hindi hihigit sa anim na taong
pagkakabilanggo.
Hindi sila maaaring isakdal nang dahil
lamang sa mga bagay na nasabi nila
sa isang talumpati o debate sa
Kongreso.
May kapangyarihan silang maglitis ng
mga prosesong impeachment ng mga
matataas na opisyal ng pamahalaan
tulad ng Pangulo, Pangalawang
Pangulo at Punong Mahistrado.
Nilulutas ng mga hukom ang mga
suliraning may kinalaman sa
pagpapatupad ng batas. Kasama
na sa mga ito ang mga pagdinig
ng kaso sa mga korte. Ang Korte
Suprema ay ang pinakamataas na
korte sa Pilipinas. Ito ang
nagpapataw mg huling hatol sa
mga kasong pinagtatalunan.
Regular na Hukuman
Court of Appeals
Binubuo ito ng 51 Mahistrado na
nahahati sa labimpitong pangkat. Ang
bawat pangkat ay may tatlong
Mahistrado.
Regional Trial Courts
Matatagpuan ang mga hukumang ito sa
iba’t-ibang rehiyon ng bansa.
Municipal Trial Courts
Saklaw nito ang mga bayan
Metropolitan Trial Courts
Saklaw nito ang mga lungsod.
Natatanging Hukuman
Ang mga natatanging hukuman ay kinabibilangan ng:
Sandiganbayan
Dito nililitis ang mga kasong sibil at kriminal ng mga opisyal at empleyado ng pamahalaan