Ang sining ng pagbigkas ng isahan at sabayan

36
Ang Sining ng Pagbigkas nang Isahan at Sabayan

Transcript of Ang sining ng pagbigkas ng isahan at sabayan

Ang Sining ng Pagbigkasnang Isahan at Sabayan

Ang Kahulugan ng Sining ng SabayangPagbigkas

1. Ang sabayang pagbigkas ay isangmasining na pagpapakahulugan ointerpretasyon sa anumang anyo ngpanitikan sa pamamagitan ngsabayang pagbabasa nang malakas ngisang koro o pangkat (Melendrez-Andrarde, 1984).

anumang anyo ng panitikan

Sa puntong ito, malinaw nasinasabing hindi lamang tula angmaaaring gamiting piyesa sa sabayangpagbigkas.Ito’y maaaring ilang bahagi ngmaikling kuwento, nobela o dula o ilangpilang talata ng sanaysay.

anumang anyo ng panitikan

Malimit lamang na gamitin angtula bilang piyesa sa sabayang pagbigkasdahil bukod sa magaan at madulasbigkasin ang mga salita, taludtod at saknong ay pinakagamitin ito sa mgapatimpalak.

sabayang pagbabasa

Ang pagbabasa at pagsusuri ng

isang teksto nang sabayan ay maituturinglamang na sabayang pagbabasa o sabayang pagsusuri at hindi maituturingna sabayang pagbigkas.

sabayang pagbabasa

Kapag binabasa nang sabay-sabay ang piyesa at nilalapatan nginterpretasyon o pagpapakahulugan ay saka pa lamang natatawag na sabayangpagbigkas.

Isang koro o pangkat

Malinaw na sinasabing hindi isa o tatlo lamang ang bibigkas ng anumangpiyesa. Ang isang koro o pangkat ay maaaring buuin ng hindi kukulangin sadalawampu’t limang (25) kalahok.

Ang Kahulugan ng Sining ng SabayangPagbigkas

2. Ang sabayang pagbigkas ay isangmatimbang at maindayog napangkatang tinig na nagpapahayag ngisang uri ng kaisipang masining at madamdamin.

Matimbang

Kapag ang pangkatang tinig ay matimbang,ito’y nangangahulugangnapangkat na ang tinig.

Maindayog

Ito’y tumutukoy sa paraan ng pagbigkas ngmga salita, kataga o ng buong taludtod o saknong. Dapat makilala ang mga salitangmaaaring bigkasin nang papataas o papababa, papaikli o papahaba, atbp.

Ang Kahulugan ng Sining ng SabayangPagbigkas

3. Ang sabayang pagbigkas ay isangpamamaraan ng masining na pagbigkassa pamamagitan ng sama-sama, magkakatugma, magkakabagay at magkakatugong tinig, isang tuloy-tuloyna aliw-iw ng mga salita.

Sama-sama, magkakatugma, magkakabagay at magkakatugong tinig

Ang alinmang koro na hindimakatutugon sa mga salitang ito sapanahong idinaraos ang sabayang pagbigkasay isang malaking kawalan sa pagtatanghal.

Ang Kahulugan ng Sining ng SabayangPagbigkas

4. Ang sabayang pagbigkas ay isangpandulaang pagtatanghal ng isangakdang pampanitikan na ginagamitan ngmaramihang tinig na pinag-isa sapagbigkas kung di man ay pinag-ugma samasining na paraan.

Bakit pandulaang pagtatanghal?

Sa uring ito, ang buong tanghalan ay pinagagalaw ng mga mambibigkas, ng tunogat musika, ng sayaw, atpb.

Iba’t ibang eksena/senaryo angipinapakita sa mga manonood tulad ngmakikita sa mga dulang itinatanghal sa iba’tibang lehitimong tanghalang pandula.

Bakit dapat makipagatalastasan samga manonood?

Walang ibang makapagpapahalagasa isang programa o gawaing itinatanghalkundi ang mga manonood.

Sila ang nakaririnig, nakapanonoodat nakapagsusuri ng kabuuan ngpagtatanghal.

Bakit dapat makipagatalastasan sa mgamanonood?

Sila ang nakapagtataya ng mga kalakasanat kahinaan ng pangkat na nagsisiganap.

Ang Kahalagahan ng SabayangPagbigkas

1. Nalilinang ang kasanayan sa mabisangpakikipagtalastasan.

2. Napagtutuunan ng pansin ang paraan ngpaggamit ng wika tulad ng pagpapahayag ngdamdamin, panghihikayat, atbp.(Jakobson,2003).

3. Nasasanay ang wastong pagbigkas ng mgasalita at pangungusap.

Ang Kahalagahan ng SabayangPagbigkas

4. Nagagamit bilang estratehiya sa pagtuturo ngwika, pagbasa at panitikan.

5. Naipamamalas ang pagiging masining, malikhainat nagagamit ang kritikal na pag-iisip sa panahonng pagpaplano, pagpapasya at pagtatanghal.

6. Naipananaig sa diwa at puso ang halaga ngpagkakaisa, pamumuno, paggalang sa opinyonat karapatan ng iba, pagkakaroon ng tiwala sasarili at kapwa.

Ang mga Anyo ng Sabayang Pagbigkas

1. Payak o madamdaming pagbigkas

Mahalagang mabigkas muna nang wastoang mga salita o pahayag na nasa tekstongbasahin, kasunod ang pag-unawa sakahulugan ng mga ito.

Sa anyong ito, hindi kailangang isaulo angpiyesa. Sapat nang mabigkas ang piyesa nangmay wastong pagkikipil ng mga salita.

Ang mga Anyo ng Sabayang Pagbigkas

1. Payak o madamdaming pagbigkas

Kumpleto rin ang koro: pangkat ngmagsasalaysay, grupong bibigkas ngmahahalagang taludtod o saknong, atbp.

Guhit na pahilis – Ang mga ito ay pananda nanagpapaalalang sa unahan ng mga ito’yhihinto ng pagbabasa. Higit na mahaba o matagal ang paghinto ng pagbigkas ng mgasalitang nasa unahan ng dalawang guhit napahilis.

Halimbawa:

Ako’y Pilipino

ni Pat V. Villafuerte

Ako’y Pilipino/sa damdami’t diwa/

Sa salita’t kilos/sa ugali’t gawa/

Sa mga layunin/ at paniniwala/

May pagmamalaking/ibinabandila//

Pilipino ako/ sa tindig at anyo/Sa pangangatawan/ sa isip/ sa puso/Kayumanggi ako/ sa kulay at dugo/Bagong salinlahi/ ng mga ninuno//

Pilipino akong / nagpapahalagaSa likas na yaman/ ng bayan kong sinta/Kultura ng bansa’t/ ugaling maganda/Binibigyang-dangal/ dakilang pamana//

Ako’y Pilipino/ tubo’t isinilangSa Pilipinas/ bayang minamahal/Malaya/ maganda/ sagana’t mayaman/Kung tawagin ito’y/ Perlas ng Silangan//

Ako’y Pilipinong/ pag-asa ng bayan/Tagapagmana ng/ kulturang mayaman/Lahing pinagmulan/ magiting/ marangal/Hindi paaapi/ sa mga dayuhan/

Ang mga Anyo ng Sabayang Pagbigkas

2. Walang kilos na pagbigkas

Tanging ang ulo at ang mahahalagangbahagi ng mukha lamang ang ginagamitsa pagbabasang walang kilos. Pinagagalaw ang mga kilay, mata , bibig, atbp.

Ang mga Anyo ng Sabayang Pagbigkas

2. Walang kilos na pagbigkas

Sa anyong ito, higit na mahalaga ritoang tinig, bigkas at ekspresyon ng mukha

halimbawa

Sa Isang MakataNi Pat. V. Villafuerte

Gising na makata

May sindi na ang krus na pinagpakuan

Sa kalbaryong said sa gintong pananaw,

Madudukulan mo lang ang kinasasadlakan

Nitong panitik mong kagat ng inakay

Bangon na makataAlak ang idilig sa napiping dyukbaks,Pananariwain ang tuyong palaspakAno’t kaluluwa’y sa abo naglandasGayong kaulayaw ang lagot na kwerdas?

Hayo na,makataHabang ang panaghoy ay itinititikNg mga aninong iyong nakaniig;Bungong binilanggo ng bagting na patidAy palayan na sa lisyang panitik.

Ang mga Anyo ng Sabayang Pagbigkas

3. Madulang pagbigkas

Ang uring ito ay maituturing na isang, kabuuang pagtatanghal (total theater) dahilbukod sa pagbigkas ng koro nang sabay-sabayay sila rin ang mga tauhang gaganap sapagtatanghal.

Ang mga Anyo ng Sabayang Pagbigkas

3. Madulang pagbigkas

Soloista

Dayalog

Koyograpi

Angkop na kasuotan

Paglalapat ng tunog at musika, awit, sayaw, pag-iilaw, props, atbp.

Ang paraan/pamaraan ng pagbubuong sabayang pagbigkas

1. Pumili ng paksa. Ang piyesang gagamitin ay dapat na angkop sa okasyon o sa alinmangpagdiriwang.

2. Bumuo ng iskrip.Ang iskrip na gagamitin ay dapat lapatan ng mga bantas, hudyat, simbolo, guhit o ilustrasyon upang madalingmabigyan ng interpretasyon.

Ang paraan/pamaraan ng pagbubuong sabayang pagbigkas

3. Pumili ng mga kalahok. Nakasalalay sa tinigng koro ang galing o husay ngpagbigkas.Pumili lamang ng mgamambibigkas na may buo at malakas na tinig.

4. Suriin at pangkatin ang tinig ng mgakalahok. Ang tinig ng mga mambibigkas ay maaaring mauri sa tatlo; matinis, karaniwanat malaya.

Ang paraan/pamaraan ng pagbubuong sabayang pagbigkas

5. Pag-usapan ang nilalaman ng piyesa.Ipaunawa sa mga mambibigkas ang persona ng tula, ang kahulugan ng pamagat, angnilalaman ng piyesa, ang intensyon o layuninng may-akda at ang kaisipang hatid ng bawatsaknong /talata at kabuuan ng piyesa.

Ang paraan/pamaraan ng pagbubuong sabayang pagbigkas

6. Ituro ang wastong pagbigkas ng mgasalita.Mahalagang matutuhan ng mgamambibigkas kung bakit may mga salitangdapat bigkasin nang mahina, malakas, mabilis, mabagal, atbp.

Ang paraan/pamaraan ng pagbubuong sabayang pagbigkas

7. Lapatan ng wastong pagkumpas ang ilangpiling mga salita. May kumpas naginagamitan ng isang kamay gaya ngpagbigkas ng salitang buhay, ikaw,siya,bayan, atbp.Ang paggamit ng dalawang kamay sapagkumpas ay nangangahulugangkasaklawan gaya ng salitang sansinukuban, sangkapuluan, atbp.

Maraming Salamat