Ang Saligang Batas ng Pilipinas

13
ANG SALIGANG BATAS

description

...

Transcript of Ang Saligang Batas ng Pilipinas

Page 1: Ang Saligang Batas ng Pilipinas

ANG SALIG

ANG BAT

AS

Page 2: Ang Saligang Batas ng Pilipinas

ANO BA ANG SALIGANG BATAS?

Ang Saligang Batas o Konstitusyon ay ang pangunahin at pinakamataas na batas ng bansa. Ang Saligang Batas ang batayan ng mga tagabalangkas ng iba pang mga batas na ipinatutupad sa bansa. Ang anumang batas, ordinansa, o kautusan sa loob ng bansa ay hindi dapat na sumasalungat sa Saligang Batas.

Page 3: Ang Saligang Batas ng Pilipinas

Click icon to add picture

ANG MGA N

AGING S

ALIGANG

BATAS N

G PILI

PINAS

Page 4: Ang Saligang Batas ng Pilipinas

KONSTITUSYON NG BIAK-NA-BATO

Ito ang Konstitusyon ng 1897 at ang unang saligang batas ng bansa. Ito ay isinulat nina Isabelo Artacho at Felix Ferrer. Sa pamamagitan nito, naitatag ni Heneral Emilio Aguinaldo ang Republika ng Biak-na-Bato.

Page 5: Ang Saligang Batas ng Pilipinas

KONSTITUSYON NG MALOLOS

Pangalawang saligang batas ng bansa sa pamumuno ni Felipe Calderon. Ito ay niratipika at ipinoroklama sa Simbahan ng Barasoain sa Malolo, Bulacan kaya ito tinawag na Konstitusyon ng Malolos. Ito ang nagbigay daan sa pagtatatag ng Unang Republika ng Pilipinas na pinasinayaan noong Enero 23, 1899.

Page 6: Ang Saligang Batas ng Pilipinas

SALIGANG BATAS NG 1935

Ito ay bunga ng probisyon ng Batas-Tydings McDuffie ng 1934 na nagtakda ng kombensyong konstitusyunal upang balangkasin ang isang saligang batas. Inaprobahan ng Presidente ng Amerika ang saligang batas. Sa pamamagitan ng saligang batas na ito, itinatag ang pamahalaang Commonwealth.

Page 7: Ang Saligang Batas ng Pilipinas

SALIGANG BATAS NG 1943

Saligang batas na pinairal noong panahon ng Hapon. Si Jose P. Laurel ang namuno sa pagbalangkas ng saligang batas. Ang probisyon ng saligang batas na ito ay pumapabor sa mga dayuhang Hapon. Sa pamamagitan ng aligang batas na ito, naitatag ang tinatawag na Ikalawang Republika ng Pilipinas.

Page 8: Ang Saligang Batas ng Pilipinas

KONSTITUSYON NG 1973

Binalangkas ito sa Kombensyong Konstitusyunal ng 1972. ang kombensyon ay pinamunuan ng dating pangulong Carlos P. Garcia na pinalitan ni Diosdado Macapagal. Niratipika ito ng mga tao sa pamamagitan ng citizen’s assembly. Sa pamamagitan ng nasabing saligang batas, ang Kongreso ay pinalitan ng Batasang Pambansa bilang lehislatura ng pamahalaang pambansa.

Page 9: Ang Saligang Batas ng Pilipinas

KONSTITUSYON NG 1987

Naganap sa EDSA Revolution at nabuwag ang pamahalaan ng Pangulong Marcos. Napawalang bisa ang Konstitusyon ng 1973. Pinairal ang probisyonal na saligang batas na tinatawag na Freedom Contitution. Binuo ni pangulong Corazon Aquino ang Constitutional Commision (ConCom). Sa pamumuno ni dating hukom Cecilia Muñoz Palma ng Korte Suprema, binuo ng ConCom ang Konstitusyon at niratipika ng mga tao sa isang plebisito noong Pebrero 2, 1987.

Page 10: Ang Saligang Batas ng Pilipinas

IBA’T-

IBANG U

RI NG B

ATAS

Page 11: Ang Saligang Batas ng Pilipinas

KAUTUSANG PAMBARANGAY

Ipinapasa ng mga kagawad sa barangay upang mapanatili ang kaayusan sa kanilang nasasakupan. Dito nakasaad ang dapat gawin ng tao sa barangay at ang kaukulang parusa sa hindi sumunod dito. Ang halimbawa ay ang pagbabawal sa pagsasampay ng damit sa harapan ng bahay.

Page 12: Ang Saligang Batas ng Pilipinas

ORDINANSA

Batas na ipinatutupad sa lalawigan, lungsod o bayan. Halimbawa, ipinagbabawal ang pagdikit ng anumang bagay sa mga pader ng mga pampublikong gusali. Kapag hindi sinunod ang ordinansang ito, magmumulta ang tao ayon sa itinakdang halaga at maaari pang mabilanggo ayon sa nakasaad sa ordinansang nilabag.

Page 13: Ang Saligang Batas ng Pilipinas

PAMBANSANG BATAS

Batas na may mas malawak na sakop. Ito ay binabalangkas ng ating Kongreso na binubuo ng mga senador at mga kinatawan. Ang Punong Ehekutibo ay maaaring magpalabas ng mga kautusan at proklamasyon na napapabilang din sa ganitong uri ng batas.