Ang Rito Ng Kasalan -Khate&King

17
ANG RITO NG KASALAN ANG PASIMULA Gabay: Isang magandang umaga/hapon sa iyong lahat mga kapatid. Tayo ngayon ay nagkakatipon bilang isang sambayanan upang makiisa sa pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya at masaksihan ang Pag‐ iisang‐ dibdib nila (Khate) at (Richard). Tayo ay magsitayo at ating tanggapin ang ikakasal. Pari: Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Bayan: Amen. Pari: Ang pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo, ang pag‐ibig ng Diyos Ama, at ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo nawa'y sumainyong lahat. Bayan: At sumaiyo rin. Pari: Mga minamahal kong kapatid, tayo ay natitipon upang ipagdiwang ang Banal na EukaristiyaatmasaksihanangSakramentong Pag‐iisang‐ dibdib nila Khate at Richard. Bilang isang Sambayanang Kristiyano, ipinapaalala natin sa kanilang dalawa ang tawag sa kabanalan at katapatan bilang mag‐asawa. Magalak tayo na kasama nila at hilingin sa Diyos ang kanyang pagpapala sa kanila at sa mga magiging anak nila. Pagsisisi sa Kasalanan Pari: Mga kapatid, aminin natin ang ating mga kasalanan upang tayo'y maging marapat gumanap sa banal na pagdiriwang. Lahat: Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos

description

Halimbawa ng Rito ng Kasal

Transcript of Ang Rito Ng Kasalan -Khate&King

Page 1: Ang Rito Ng Kasalan -Khate&King

ANG RITO NG KASALANANG PASIMULA

Gabay: Isang magandang umaga/hapon sa iyong lahat mga kapatid. Tayo ngayon ay nagkakatipon bilang isang sambayanan upang makiisa sa pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya at masaksihan ang Pag‐ iisang‐ dibdib nila (Khate) at (Richard). Tayo ay magsitayo at ating tanggapin ang ikakasal.Pari: Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.Bayan: Amen.Pari: Ang pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo, ang pag‐ibig ng Diyos Ama, at ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo nawa'y sumainyong lahat.Bayan: At sumaiyo rin.Pari: Mga minamahal kong kapatid, tayo ay natitipon upang ipagdiwang ang Banal na EukaristiyaatmasaksihanangSakramentong Pag‐iisang‐dibdib nila Khate at Richard. Bilang isang Sambayanang Kristiyano, ipinapaalala natin sa kanilang dalawa ang tawag sa kabanalan at katapatan bilang mag‐asawa. Magalak tayo na kasama nila at hilingin sa Diyos ang kanyang pagpapala sa kanila at sa mga magiging anak nila.

Pagsisisi sa KasalananPari: Mga kapatid, aminin natin ang ating mga kasalanan upang tayo'y maging marapat gumanap sa banal na pagdiriwang.

Lahat: Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos at sa inyo, mga kapatid, na lubha akong nagkasala sa isip, sa salita, sa gawa at sa aking pagkukulang. Kaya isinasamo ko sa Mahal na Birheng Maria, sa lahat ng mga anghel at mga banal at sa inyo mga kapatid, na ako'y ipanalangin sa Panginoong ating Diyos.Pari: Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos, patawarin tayo sa ating mga kasalanan, at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.

Page 2: Ang Rito Ng Kasalan -Khate&King

Bayan: Amen.Pari:Panginoon, kaawaan mo kami.

Bayan: Panginoon, kaawaan mo kami. Pari:Kristo, kaawaan mo kami.

Bayan: Kristo, kaawaan mo kami. Pari: Panginoon, kaawaan mo kami.

Bayan: Panginoon, kaawaan mo kami.Pambungad na PanalanginPari: Ama naming makapangyarihan, iyong itinalaga na ang pag‐iisang‐dibdib ay maging sagisag ng pag‐ibig ni Kristo sa kanyang banal na S ambayanan. Sa pinagdurugtong na buhay nila (Khate) at (Richard) na ngayo'y umaako sa banal na tipan ng kasal nawa'y mangibabaw ang ipinahayag nilang pagmamahalan sa pamamagitanniHesukristo kasamangEspirituSantomagpasawalanghanggan.

Bayan: Amen.(Magsiupo lahat)PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOSUnang Pagbasa (Genesis (2:18‐24)Tagahayag: Pagbasa mula sa Aklat ng GenesisSinabi ng Panginoon, "Hindi mainam na mag‐isa ang tao; bibigyan ko siya ng makakasama at makakatulong. " Kaya, lumikha siya ng mga hayop sa parang at ibon sahimpapawid,inilapit sa tao, at ipinaubayad ito ang pagbibigay ng pangalan ng mga iyon. Kung ano ang kanyang itawag, iyo nang magiging pangalan nila.Ang tao nga ang nagbigay ng pangalan sa lahat ng ibon at mga hayop, making maamo o mailap. Nguni't wala isa man sa mga ito ang angkop na kasama at katulong niya. Kaya pinatulog ng Panginoon ang tao. Samantalang nahihimbing, kinuha niya ang isang tadyang nito at pinahilom ang laman sa tapat niyon. Ang tadyang na iyo'y ginawa niyang isang babae, at inilapit sa lalaki. Sinabi ng lalaki: " Sa wakas, narito ang isang tulad ko, laman ng aking laman, buto ng aking buto; babae ang siyang itatawag sa kanya sapagka't sa lalaki nag mula siya." Ito ang dahilan kaya iniiwan ng lalaki ang

Page 3: Ang Rito Ng Kasalan -Khate&King

kanyang ama at ina upang sumama sa kanyang asawa sapagka't sila'y nagiging iisa.

Tagahayag: Ang Salita ng Diyos. Bayan: Salamat sa Diyos.Salmong Tugunan(Salmo 128)Tagahayag: Mapalad ang sumusunod na taong may takot sa Diyos. Bayan: Mapalad ang sumusunod na taong may takot sa Diyos.Tagahayag: Mapalad ang bawat taong sa Panginoo'y may takot, Ang Mapalad na adhika'y sumusunod sa kanyang utos. Hindi siya magkukulang sa anumang kailangan,Ang buhay ay maligaya't uunlad ang kanyang buhay.Bayan: Mapalad ang sumusunod na taong may takot sa Diyos. Tagahayag: Sa tahanan, ang asawa'y parang ubasan na mabunga, bagong tanim na olibo sa may dulang ang anak n'ya. Ang sinuman Kung Panginoon ay kusang susundin, Buhay niya ay uunlad at laging pagpapalain.Bayan:Mapalad ang sumusunod na taong may takot sa Diyos. Tagahayag: Mula sa Sion, pagpapala nawa ng Diyos ay tanggapin, at makita habang buhay, Pag‐unlad ng Herusalem;Ang magiging iyong apo, nawa ikaw ay abutin, Nawa'y maging mapayapa itong Bayan ng Israel!Bayan:Mapalad ang sumusunod na taong may takot sa Diyos. (Magsitayo lahat)Pagbubunyi sa EbanghelyoBayan: Alleluya, Alleluya. (Kailangan kantahin)Tagahayag: Ang Diyos ay pag‐ibig; magmahalan tayo katulad ng

Page 4: Ang Rito Ng Kasalan -Khate&King

pagmamahal niya sa atin.Bayan: Alleluya, Alleluya. (Kailangan kantahin)Ebanghelyo(Ilagay ang napiling Ebanghelyo dito)Halimbawa: (Mateo 19:3‐6)Pari: Sumainyo ang Panginoon.Bayan: At sumainyo rin.Pari: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo.Bayan: Papuri sa iyo! Panginoon.Pari: Noong panahong iyon, may mga Pariseong lumapit Kay Hesus at tinangkang siluin siya sa pamamagitan ng tanong Ito: "Naaayon ba sa kautusan na hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa sa kahit anong kadahilanan?" Sumagot si Hesus: "Hindi pa ba ninyo nababasa sa Kasulatan na sa pasimula'y nilalang sila ng Maykapal, lalaki at babae? At sinabi, 'Dahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang ama't Ina at magsasama sila ng kanyang asawa; at sila'y magiging isa.' Kaya Hindi na sila dalawa kundi isa. Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao."

Pari: Ang Mabuting Balita ng Panginoon.Bayan: Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.(Magsiupo lahat)Pangaral (Ito ay inihahanda ng Pari)RITO NG KASALGabay: Manatili kayong nakaupo habang ang mga ikinakasal at tatayo sa pagsisimula ng Rito ng Kasal. Hinihiling ko rin sa mga ninong at ninang ng mga ikinakasal na tumayo.Paghihimok sa mga ikakasal at Paghingi ng Panalangin.Pari: Minamahal kong Khate at Richard, naririto kayo ngayon upang pagtibayin ang inyong pagmamahal an sa harap ng Sambayanang Kristiyano sa nagtitipon ngayon. Umasa kayo na

Page 5: Ang Rito Ng Kasalan -Khate&King

kami ay inyong kapiling na maglalakbay sa buhay na haharapin ninyo bilang mag‐asawa sa pamamagitan ng Paghingi sa Diyos ng Panalangin ng kanyang biyaya at pagpapala. At kayo naman ( patungkol sa mga nagkakatipon) , mga kapatid, Hinihiling ko sa inyo na tulungan ninyo sila sa pamamagitan ng Panalangin at tanggapin sa ating Sambayanang Kristiyano bilang mag‐asawa.

PagsusuriPari: Hinihiling ko ngayon na Buong katapatan ninyong ipahayag ang inyong damdamin sa isa't isa.Khate, Bukal ba sa iyong loob ang iyong pagparito upang makaisang‐dibdib si Richard na iyong pakamamahalin at paglilingkuran habambuhay?Khate: Opo, Padre.Pari: Richard, Bukal ba sa iyong loob ang iyong pagparito upang makaisang dib‐dib si Khate na iyong pakamamahalin at paglilingkuran habambuhay?Richard: Opo, Padre.Pari: Kayo ba ay handang arugain at palakihin ang mga anak na ibibigay sa inyo ng Diyos bilang Mabuting Kristiyano?Khate at Richard: Opo, Padre.PagtitipanPari: (Khate) at (Richard) gayong kayo ay nagnanais na mag‐isang‐dibdib, sa harap ng Diyos at ng kanyang Sambayanan, pagdaupin ninyo ang inyong mga Palad at ipahayag ninyo ang mithiing mag tipan sa Banal na Sakramento ng Kasal.

(Khate), sumasang‐ayon ka ba na maging asawa si (Richard) na narito ngayon, alinsunod sa batas at mga alituntunin ng ating Banal na Simbahan?

Babae: Opo, Padre.

Pari: Buong puso ba ang pagkakaloob mo sa kanya ng iyong sarili bilang kanyang may bahay?

Babae: Opo, Padre.

Page 6: Ang Rito Ng Kasalan -Khate&King

Pari: Buong puso mo ba siyang tinatanggap bilang asawa?

Babae: Opo,Padre.Pari: Richard, Sumasang‐ayon ka ba na maging asawa si Khate na narito ngayon alinsunod sa batas at alituntunin ng ating Banal na Simbahan?

Lalaki: Opo, Padre.Pari: Buong puso ba ang pagkakaloob mo sa kanya ng iyong sarili bilang kanyang asawa?

Lalaki: Opo, Padre.Pari: Buong puso mo ba siyang tinatanggap bilang may bahay?Lalaki: Opo, Padre.Pari: Ngayon ay Hinihiling ko na sabay ninyong dasalin ang panalanging Ito:Babae at Lalaki: O Panginoon, kami po ay inyong loobing magkaisa ng kalooba't damdamin mula ngayon sa kaginhawahan at kahirapan, sa karamdaman at kalusugan sa lahat ng araw ng aming buhay.

Pagpapatibay ng Tipan sa KasalPari: Bilang tagapagpatunay ng Simbahan, pinagtitibay ko't binabasbasan ang pagtataling‐puso na inyong pinagtipan, sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.Bayan: Amen.Pagbabasbas ng mga Singsing at ArasPari: Khate at Richard, ngayon ay hihilingin natin sa Diyos ang kanyang pagbabasbas sa inyong mga Singsing at Aras. Ang Panginoon ang pinagmumulan ng aming tulong.

Bayan: Na siyang may gawa ng Langit at lupa.Pari: Manalangin tayo. Basbasan mo, o Panginoon, itong mga Singsing, at marapatin mo sila N(babae) at N(lalaki) na magsusuot nito na maging kawangis mo sa iyong wagas na pag‐ibig at walang maliw na

Page 7: Ang Rito Ng Kasalan -Khate&King

katapatan. Iniluluhog namin Ito sa pamamagitan ni H esukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.Pari: Manalangin tayo. Basbasan mo, O Panginoon, ang iyong nga lingkod na sina Khate at Richard at pagkalooban mo sila ng sapat na kabuhayan na sinasagisag ng mga Aras na ito sa ikapagkakamit ng buhay na walang hanggan. Iniluluhog namin Ito sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng EspirituSanto magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.( Babasbasan ng Pari ang mga Singsing at Aras ng agua Bendita)Pari: Isuot ninyo ngayon itong mga Singsing.( Isusuot ng lalaki sa kinauukulang daliri ng babae ang Singsing habang kanyang sinasabi:)

Lalaki: Khate, Isuot mo ang Singsing na Ito bilang tanda ng aking pag‐ ibig at katapatan. Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.Amen.(Isusuot ng babae sa kinauukulang daliri ng lalaki ang Singsing habang kanyang sinasabi:)Babae: Richard, IsuotmoangSingsingnaItobilang tandangakingpag‐ ibig at katapatan. Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

( Ilalagak ng lalaki ang mga Aras upang ipagkatiwala sa babae habang kanyang sinasabi:)Lalaki: Khate, Inilalagak ko sa iyo itong mga Aras na tanda ng aking pagpapahalaga at pagkalinga sa kapakanan mo. Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.Babae: Tinatanggap ko ang mga Ito at nangangako akong magiging iyong katuwang sa wastong paggamit at pangangasiwa ng ating kabuhayan..(Ilalagay ng babae ang mga Aras sa lalagyang nakalapat para dito)Panalangin ng BayanPari: Mga minamahal kong kapatid, tayo'y Manalangin para sa Simbahan at sa mga Bagong

Page 8: Ang Rito Ng Kasalan -Khate&King

Kasal na sa pamamagitan ng kanilang pag‐iisang‐dibdib ay lumalarawan ang pagkikipag‐isa ni K risto at ng Simbahan. Sa bawa't Panalangin ay ating itutugon: Panginoon, dinggin mo ang aming Panalangin.

Tagahayag: Ipanalangin natin ang Simbahan upang ka tulad na tapat na esposa ni Kristo ay manatiling itong tagapagpahayag ng Mabuting Balita para sa kaligtasan at pag‐ibig ni Kristo para sa atin. Manalangin tayo sa Panginoon.Bayan: Panginoon, dinggin mo ang aming Panalangin.Tagahayag: Ipinalangin natin ang mga naglilingkod sa pamahalaan, nawa'y maging Daan sila ng Diyos upang mapangalagaan ang mga pamilya at ang buhay sa lahat ng paraan. Manalangin tayo sa Panginoon.Bayan: P anginoon, dinggin mo ang aming Panalangin.Tagahayag: Ipanalangin natin ang lahat ng pangangailangan ng ating mga kapatid, higit sa lahat iyong mga may sakit , mga may kapansanan, mga nasa kulungan at mga pinabayaan ngkanilangmgamagulangatkamag‐Anak.Nawa'ymaliwanagansila upangmabuksanangatingpusosapagtugon sakanilangpangangailangan. Manalangin tayo sa Panginoon.Bayan: Panginoon, dinggin mo ang aming Panalangin.Tagahayag: Ipanalangin natin sina Khate at Richard nangayon ay ipinag‐iisang pag‐ibig ng Diyos. Nawa'y maging masigasig sila sa pag‐aaruga at tapat na mangalaga ng kanilang magiging mga Anak.

Manalangin tayo sa Panginoon.

Bayan: Panginoon, dinggin mo ang aming Panalangin.Tagahayag: Ipanalangin natin ang mga kabataan na tutugon sa tawag ng pag‐aasawa. Nawa'y makita nila

Page 9: Ang Rito Ng Kasalan -Khate&King

ang kagandahan ng buhay may‐asawa sa pamamagitan ng Halimbawa at karanasan ng iba na Buong pusong namumuhay bilang may‐asawa. Manalangin tayo sa Panginoon.Bayan: Panginoon, dinggin mo ang aming Panalangin.Pari: Ama naming Diyos, kalugdan mo ang inyong nga lingkod at gawaran mo sila ng biyaya na mananatiling tapat sa iyo at sa isa't isa. Sa pag lipas nila sa buhay na ito nawa'y magkamit sila ng gantimpalang walang hanggang kaligayahan sa iyong kaharian, kasama ng kanilang mga Anak at lahat na sa kanila ay nagmamahal. Hinihiling namin Ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon.

Bayan: Amen.(Magsiupo lahat)LITURHIYA NG EUKARISTIYAAng Rito ng Pagsindi ng Kandila at Paglalagay ng Belo at KurdonGabay: (Tatawagin angmganakatalagangabayparasaPagsindingmgaKandila, Paglalagay ng belo at ang Kurdon)Sisindihan na ng mga nakatalagang abay ang mga Kandila at isusunod ang belo at Kurdon na Ilalagay sa mga ikinakasal.

Paghahanda ng mga AlayPari: Kapuri‐puri ka, Diyos Amang lumikha ng sanlibutan. Sa iyong kagandahang‐loob, narito ang aming maiialay. Mula sa lupa at bunga ng aming pag gawa ang Tinapay na Ito para maging pagkaing nagbibigay‐buhay.

Bayan: Kapuri‐puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man.Pari: Kapuri‐piru ka, Diyos Amang lumikha ng

Page 10: Ang Rito Ng Kasalan -Khate&King

sanlibutan. Sa iyong kagandahang‐loob, narito ang aming maiaalay. Mula sa katas ng ubas at bunga ng aming paggawa ang alak na Ito para maging inuming nagbibigay ng iyong Espiritu.

Bayan: Kapuri‐puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man.Pari: Manalangin kayo, mga kapatid, upang ang paghahain natin ay kalugdan ng Diyos Amang makapangyarihan.

Bayan: Tanggapin nawa ng Panginoon itong paghahain sa iyong mga kamay sa kapurihan niya at karangalan sa ating kapakinabangan at sa Buong sambayanan niyang banal.( Magsitayo ang lahat)Panalangin sa mga HandogPari: Panginoon, tanggapin mo itong mga Handog sa iyo ngayon pinagpalang araw na Ito. Sa iyong maka‐Amang pagmamahal ay Masdan mo at kupkupin sina Khate at Richard na iyong pinagka‐isa sa Kasal. Hinihiling namin Ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.

Bayan: Amen.Pari: SumainyoangPanginoon.Bayan: At sumaiyo rin.Pari: Itaas sa Diyos ang inyong puso at Diwa.Bayan: Itinaas na namin sa Panginoon.Pari: Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.Bayan: Marapat na siya ay Pasalamatan.Pari: Ama naming makapangyarihan, tunay ng ang marapat na ikaw ay aming Pasalamatan sa pamamagitan ni Hesukristo na aming. Panginoon . Sa kanyang pagkamatay at mulling pagkabuhay ang inyong Bagong tipan sa iyong sambayanan ay naghahain sa Amin ng iyong buhay at pakikipag‐ ugnayan bilang mga kasalo sa iyong kadakilaang walang hanggan. Sa dakilang pag‐ibig na Hain ng iyong Anak, pinagbubuklod mo ang mga magsing ‐ibig upang sa pagsasama habang panaho'y mailahad

Page 11: Ang Rito Ng Kasalan -Khate&King

ang iyong katapatan at pagmamalasakit. Kaya Kaia's ng mga anghel na nagsisiawit ng Papuri sa Iyo nang walang humpay sa kalangitan, kami'y nagbubunyi sa iyong kadakilaan.

SantoLahat:Santo,santo santo Panginoon Diyos ng mga hukbo,napupuno ang Langit at lupa ng kaluwalhatian mo. Osana sa Kaitaasan. Pinagpala ang naparirito sa ngalan ng Panginoon. Osana sa kaitaasan.Konsakrasyon(Magsiluhod lahat)Pari: Ama naming banal, ikaw ang Bukal ng tan ang kabanalan. Kaya't sa pamamagitan ng iyong Espiritu Gawin mong banal ang kaloob na Ito upang para sa ami'y maging Katawan at Dugo ng aming Panginoong Hesukristo.Bago niya pinagtiisang kusang loob na maging Handog, hinawakan niya ang Tinapay, pinasalamatan ka niya, pinaghati ‐hati niya iyon, iniabot sa kanyang mga alagad at sinabi: Tanggapin ninyong lahat Ito at Kanin, Ito ang aking katawan na ihahandog para sa inyo.

Gayun din naman, Noong matapos ang hapunan , hinawakan niya ang Kalis, muli ka niyang pinasalamatan, iniabot niya ang Kalis sa kanyang mga alagad at sinabi:

Tanggapin ninyong lahat Ito at inumin: Ito ang Kalis ng aking Dugo ng bago at walang hanggang lipan.

Ang aking Dugo na ibubuhos para sa inyo at para sa lahat sa ikapagpapatawad ng nga kasalanan. Gawin ninyo Ito sa pag‐alala sa akin.

Pari: Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.

Bayan:Si Kristo namatay,si Kristo'y nabuhay,si.Kristo'y babalik sawakas ng panahon.

(Magsitayo lahat)Pari: Ama, ginagawa namin ngayon ang pag‐alala sa pagkamatay at muling pagkabuhay ng iyongAnak Kaya‐t iniaalay namin sa iyo ang Tinapay na nagbibigay‐ buhay at ang Kalis na nagkakaloob ng

Page 12: Ang Rito Ng Kasalan -Khate&King

kaligtasan. Kami'y nagpapasalamat dahil kami'y iyong minarapat na tumayo sa harap mo para mag lingkod sa iyo. Isinasamo naming kaming magsalu‐salo sa katawan at Dugo ni Kristo ay mabuklod sa pagkakaisa sa pamamagitan ng Espiritu Santo.Ama, lingapin mo ang iyong Simbahang laganap sa Buong daigdig. Puspusin mo kami sa pag‐ibig Kaisa ni Fransisko na aming Papa, at ni Reynaldo na aming Obispo at ng tanang kaparian.Alalahanin mo rin ang mga kapatid naming nahimlay nang may pag‐asang sila’y muling mabubuhay Gayun din ang lahat ng mga pumanaw.Kaawaan mo at paindapatin kaming lahat na makasalo sa iyong buhay na walang wakas. Kaisa ng Mahal na Birheng Maria Ina ng D iyos, Kaisa ng mga Apostol at lahat ng mga banal na namuhay dito sa daigdig nang kalugud‐lugod sa iyo, maipagdiwang nawa namin ang pagpupuri sa ikararangal mo sa pamamagitan ng iyong Anak na aming Panginoong Hesukristo.Sa pamamagitan ni Kristo, kasama niya, at sa kanya ang lahat ng parangal at Papuri ay sa iyo, Diyos Amang makapangyarihan, kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.RITO NG PAKIKINABANG (Ama Nanim)Pari: Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos at turo ni. Hesus na Panginoon natin at Diyos, ipahayag natin nang lakas ‐loob.

Lahat: Ama namin, sumasalangit ka, sambahin ang ngalan mo.Mapasaamin ang kaharian mo; sundin ang loob mo Dito sa lupa para nang sa Langit.Bigyan mo kami ng aming kakan in sa araw‐araw; At patawarin mo kami sa aming mga sala,Para nang pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa Amin; At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso,At iadya mo kami sa lahat ng masama.Ang Pag‐gawad ng Pagpapala sa Bagong KasalPari: Mga minamahal kong mga kapatid, hihilingin natin sa Diyos ang patuloy na pagpapala kina Khate at Richard.

Page 13: Ang Rito Ng Kasalan -Khate&King

Ama naming banal, ikaw na may lalang ng sanlibutan, lumikha sa tao na iyong kawangis at kalarawan, ikaw na pinagmumulan ng lahat nga biyaya at pagpapala sa buhay may‐asawa, idinadalangin namin sa iyo ang babaeng Ito na ngayon ay nakaisa ang kanyang asawa sa Sakramento ng Kasal. Ipagkaloob mong sa pagsasama nila habang buhay kanilang mapagsaluhan ang pag‐ibig mong bigay at sa isa't isa'y kanilang maipamalas ang iyong pakikipisan sa pagkakaisa ng damdamin at isipan. Bigyan mo rin sila ng matatag na tahanan, at mga Anak na huhubugin sa Mabuting Balita ng Anak mong mahal para maging maaasahang kaanib ng iyong angkan. Panginoon, nawa'y papurihan ka nila sa panahon ng kaginhawaan at lumapit sa iyo sa panahon ng pagdurusa. Nawa'y patuloy Silang Magalak sa iyong pagkakandili at pagtugon sa kanilang mga pangangailangan. Nawa'y maki‐isa sila sa iyong Sambayanan sa pagdulog saiyo,at maging iyong tapat na saksi sa sanlibutan. Nawa'y umabot sila sa katandaan na kapiling ang lahat nilang mahal sa buhay, hanggang marating nila ang iyong kaharian sa Langit.Hinihiling namin Ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.

Bayan: Amen.Ang Pagbibigayan ng KapayapaanPari: Panginoong Hesukristo, sinabi mo sa iyong mga Apostol: "Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang Kapayapaan ang ibibigay ko sa inyo." Tunghayan mo ang aming pananampalataya at huwag ang aming pagkakasala. Pagkalooban mo kami ng Kapayapaan at pagkakaisa ayon sa iyong kaloob an kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.Pari: Ang Kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.Bayan: At sumaiyo rin.Pari: Magbigayan tayo ng Kapayapaan sa isa't isa.Ang Kordero ng Diyos

Page 14: Ang Rito Ng Kasalan -Khate&King

Bayan:Korderong Diyosnanag‐aalisngmgakasalananngsanlibutan: Maawa ka sa Amin.Kordero ng Diyos na nag‐aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan: Maawa ka sa Amin.Kordero ng Diyos na nag‐aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan: Ipagkaloob mo sa Amin ang Kapayapaan. (Magsiluhod lahat)Pari: Ito ang Kordero ng Diyos. Ito ang nag‐aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan. Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.

Bayan: Panginoon! Hindi ako karapat‐dapat na magpatuloy sa iyo nguni't sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.Ang Pakikinabang/Komunyon(Pagkatapos ng Pakikinabang/Komunyon)Gabay: (Tatawagin ang mga Abay para tanggalin ang Kurdon at Belo; Maaari nang paupuin ang Bagong Kasal)Maaari nang tanggalin ng nga abay ang Kurdon at susundin ang pagtanggal ng belo.Panalangin Pagkatapos ng Pakikinabang( Magsitayo lahat)Pari: Manalangin tayo. Ama naming mapagmahal, patibayin nawa ng paghahain naming ginaganap at pinagsaluhan ang pag‐iisang‐dibdib nila Khate at Richard. Ang bigkis ng pag‐ibig na iyong ibinigay ay patuloy nawang humigpit at tumibay. Hinihiling namin Ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.

Bayan: Amen.ANG PANGWAWAKASPagtatagubilinPari: Khate at Richard, ngayon na tinanggap ninyo ang Banal na Sakramento ng Kasal, ang habilin ko ay mamuhay kayo sa pag‐ibig at katapatan sa isa't isa.

Khate, pag‐ibig mo'y patunayan sa pagiging butihing maybahay na may pananampalataya,

Page 15: Ang Rito Ng Kasalan -Khate&King

kabanalan at pag‐ibig sa Maykapal.

Richard, maybahay mo'y ibigin Gaya nang malasakit ni Kristo sa Simbahan bilang pagsunod sa kalooban ng Diyos Ama sa kalangitan.

PagbabasbasPari: Sumainyo ang Panginoon.

Bayan: At sumaiyo rin.Pari: Magsiyuko kayo habang iginagawad ang pagbabasbas. Nawa'y si Hesus na naging panauhin sa Kasalan sa Cana ay pag palain kayo, kasama ang lahat ng inyong mga kamag‐Anak at kaibigan.

Bayan: Amen.Pari: Nawa'y si Hesus na nagmamahal sa kanyang Sambayanan hanggang wakas ay punuin ang inyong mga puso ng kanyang pag‐ibig.

Bayan: Amen.Pari: Nawa'y Bigyan niya kayo ng matatag na pag‐asa sa buhay na walang hanggan upang Masaya ninyong antayin at nasain ang pagsapit nito sa buhay sa hinaharap.

Bayan: Amen.Pari: At pag palain kayo ng makapangyarihang Diyos Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.Bayan: Amen.PaghahayoPari: Humayo kayong mapayapa upang mahalin at paglingkuran ang Panginoon.

Bayan: Salamat sa Diyos.Pari: Bigyan natin ng madigabong palakpakan ang mga Bagong Kasal. -----Mabuhay ang bagong kasal-----