Ang Paniniwala sa Huling Araw - ayah.org.ph
Transcript of Ang Paniniwala sa Huling Araw - ayah.org.ph
1
Ang Paniniwala sa Huling Araw
1.Kahulugan nito:
Ito ay ang lubos Paniniwala sa lahat ng magaganap na mga
pangyayari na sinabi ng Allah sa banal na Qur-an at sinabi ng Propeta
pagkatapos ng pagkamatay ng isang tao sa mundong صلى الله عليه وسلم
ito,magsisimula sa pagsubok sa libingan na mayroong kaparusahan at
kaligayahan dito,at pagkatapos ay mayroong mga pangyayari na
magaganap,katulad ng muling ibabangon ng Allah ang mga tao mula sa
kanilang mga libingan(Al-Baath),at sila ay titipunin sa isang lugar na kung
saan sila ay walang saplot ,(Al-hashar).at titimbangin ang lahat ng
kanilang mga Gawain(Al-mizaan)at sila ay papadaanin sa isang
tulay(Assirat)at ibibigay sa kanila ang kanilang mga talaan(Assuhuf),at
ang pagpasok nila sa Paraiso(Al-jannah) o Impiyerno,at kung ano paman
ng mga pangyayari o mga bagay na inihanda ng Allah para sakanila.
2. Mga Pangyayari na napapaloob sa Huling Araw.
1. Ang Paniniwala sa Al-Baath (Muling Pagkabuhay) at Al-Hashar (Ang
Pagtitipon):
Ito ay ang pangyayari na kung saan ay muling ibabangon ng Allah ang
mga tao mula sa kanilang mga libingan at ibabalik muli ang kanilang
mga kaluluwa at sila ay tatayo at haharap sa Allah at titipunin sa
isang lugar na walang saplot ang kanilang katawan katulad nung
unang paglikha sakanlia ng Allah.
ضخ ضح ضج صم صخ صح سم سخ سح سج خم خج ٱ
٥١ - ٥١المؤمنون:
“At pagkatapos nito,katiyakan kayo ay mamamatay,at pagkatapos kayo ay
muling ibabangon sa araw ng muling pagkabuhay”.
2
2. Ang Paniniwala sa Al-hisab (ang Paglilitis) At Al-mizaan (ang
timbangan):
Ang paglilitis ng Allah sa lahat ng mga Gawain ng mga Tao na kanilang
ginawa sa mundong ibabaw,at kung sinuman ang kabilang sa mga
lipon ng taong sinamba ng tunay ang Allah ng bukod tangi at nag iisa
lamang at isinabuhay ang Tawheed at sumunod sa lahat ng kanyang
ipanag-uutos katunayan na magiging magaan ang paglilitis sa kanya
,at kung sinuman ang kabilang sa mga lipon ng taong nagtambal sa
Allah at sumuway sakanyang ipang-uutos at gumawa ng mga
kasalanan katunay na magiging mabigat at mahirap ang kanyang
paglilitis.
At titimbangin ang lahat ng kanilang mga Gawain sa dakilng
timbangan, at ilalagay ang mga mabubuting mga Gawain sa isang
palad at ang masasamang Gawain ay sa isa namang palad,at sinuman
ang kanyang mga kabutihan ay nakalamang sa kanyang mga
kasamaan,siya ay mapapabilang sa mga taga Paraiso,datapuwat
sinuman ang kanyang mga kasamaan ay nakalamang sa kanyang mga
kabutihan siya ay mapapabilang sa mga taga impiyerno,at katunayan
ang Allah ay hindi gumagawa ng kawalang katarungan sa kahit
kaninuman.
ئي ئى ئن ئم ئز ئر ى ر ذ يي ٱ
٧٤الأنبياء: بي بى بن بمبز بر
“At itatag namin ang timbangan ng katarungan sa Araw ng Muling
pagkabuhay,kayat walang sinuman ang tuturingan ng walang-
katarungan sa lahat ng bagay.at kung mayroon mang gawa na katulad
ng bigat ng isang buto ng mustasa,ito ay aming itatambad.At kami ay
sapat na bilang tagapagsulit”.
3. Ang Paniniwala sa Jannah (Paraiso) at Nar (Impiyerno):
Ang Paraiso ay siyang tahanan ng walang hanggang kaligayahan at
kasiyahan,inihanda ng Allah para sa mga pananampalataya na
matatakutin at masunurin sa kanya at sa kanyang Propeta ,na kung
saan naririto ang lahat ng uri ng walang hanggang kaligayahan at
3
kasiyahan na hinahanap ng mga sarili at kinatutuwa ng mga mata
mula sa lahat ng ibat ibang uri ng mga kinahuhumalingan.
آل نح نج مي مى مم مخ مح مج لي لى لم ٱ
٥١١عمران:
“At maging maagap sa pag-uunahan tungo sa kapatawaran ng Allah,sa
Paraiso na kasinglawak ng kalangitan at ng kalupaan na inihanda sa
mga mananampialatayang may tunay na takot sa kanya”.
At ang Impiyerno ay siyang tahanan na walang hanggang kaparusahan
at kapighatian,na inihanda ng Allah para sa mga hindi nanampalataya
sa kanya(Al-kaferoon)at pinasinungalingan ang kanyang Propeta
,naririto ang ibat-ibang uri ng kaparusahan at sakit na hindi pa sumagi
sa magpakailanman sa pusot isipan ng Tao.
نح نج مممخ مح مج له لم لخ لح لج كم كل كخ ٱ
٤٧البقرة:
“At inyong pangambahan ang apoy ng Impiyerno na ang kanyang
panggatong ay ang Tao at bato na inihanda sa mga hindi
sumasampalataya”.
4. Ang paniniwala sa Kaparusahan sa libingan at ang Lubos na
Kaligayahan dito:
Katiyakan na tayo ay naniniwala na ang kamatayan ay totoo,at
katunayan na ang sinumang namatay ay tunay na nagsimula nang
tumayo ang kanyang araw ng muling pagkabuhay at lumipat na sa
Huling araw.At katotohanan na maraming mga hadeeth na
nagpapatunay ng kaparusahan sa libingan sa mga hindi naniniwala at
sumuway, at sa katotohan ng kaligayahan dito para sa mga
naniniwala rito.
٥٥ة: السجد نه نم نخ نح نج مم مخ مح مج له لم لخ ٱ
“Sabihin mo saknila O Muhammad Ang Anghel ng kamatayan na nakatalaga
sa inyo ay katiyakang magtatangan na inyong kaluluwa at pagkatapos
kayong lahat ay muling magbabalik sa inyong panginoon”.
4
3. Mga Bunga ng Paniniwala sa Huling Araw:
➢ Pagsisikap ng gampanan ang mga ipanag-uutos ng Allah at ng mga
ibat-bang uri ng mga mabubuting Gawain sa Paghahangad na
makamait ang gantimpala sa huling Araw.
➢ Pagkakaroon ng takot at pag iwas sa mga gawaing ipinagbawal ng
Allah sa pangangamba sa parusa ng Allah sa huling Araw.
➢ Pagbibigay ng kapanatagan sa mga Mananampalataya sa mga bagay
na na hindi nila natamo sa mundong ito na nagsusumamo at
naghahangad na makakamit nila sa kabilang buhay sa Pagpasok nila
sa Paraiso.