Ang Pamamahagi ng Pambansang Kita
description
Transcript of Ang Pamamahagi ng Pambansang Kita
Ang pamamahagi ng
Pambansang Kita
Ang pag alam ng National Income (NI) o pambansang kita ay kailangang gawin ng isang bansa upang mapag-aralan ang kalagayan ng pamumuhay ng mga mamamayan.Sa pambansang kita ibinabatay ang Per Capita Income (PCI) ng mga mamamayan ng bansa. Ang PCI ay ipinapalagay ni kita ng bawat mamamayan kung ang kabuuang produksiyon o pambansang kita ay pantay-pantay na hinati sa buong populasyon. Sa pagtantiya ng PCI ay mayroong pormula na ginagamit tulad ng:GNP per capita = GNP/PopulasyonNI per capita = NI/Populasyon
PAMAHAGI ng KITA Sa pagnanais na matamo ang hangarin ng ating konstitusyon na maibahagi nang pantay na kita ng bansa ay binibigyan ng pansin ang tungkol sa kita ng mamamayan.Ang kita ay inuuri sa dalawa, ang Personal income (PI) at Personal Disposable Income (PDI). Ang PI ay total ng lahat ng kita na tinanggap ng manggagawa tulad ng sahod, allowances, at iba pang benepisyo, samantalang ang PDi ay kita na tinanggap ng manggagawa matapos bawasin ang direktang buwis. Ito ang kita na maaari nang gastusin ng isang indibidwal sa pagkonsumo o pag-iimpok.
__________________________________________Income Decile __ _%_ First Decile 1.8
Second Decile 2.9Third Decile 3.8Fourth Decile 4.7Fifth Decile 5.8Sixth Decile 7.2Seventh Decile 9.0Eight Decile 11.9Ninth Decile 16.6Tenth Decile 36.3_Total 100.0
Ang income decile ay paghahati-hati ng lahat ng kita ng pamilya mula sa pinakamahirap hanggang sa pinakamayaman.Ipinapakita ng talahayan blg. 28.1 ang porsyento ng kita na tinanggap ng bawat pangkat ng income decile. At upang makuhaang komulatibong porsyento ng kita at populasyon, idagdag ang porsyento ng unang sampu sa susunod na pangkat. Kaya makikita na 20% ng populasyon ay tumanggap ng 4.7% na kita.