Ang Pagdaloy Ng Dugo Sa Katawan Ng Tao
-
Upload
precious-dianne-enanoria-bardon -
Category
Documents
-
view
943 -
download
2
Transcript of Ang Pagdaloy Ng Dugo Sa Katawan Ng Tao
Ang Pagdaloy ng Dugo sa Katawan
ng Tao
Ipinasa ng Pangkat 4 Ipinasa kay:
BMLS 1-B Gng. Tessie S. Suguran
Bardon, Precious Dianne E.
Nepomuceno, John Maruel C.
Galeon, Bethel Marie O.
Evardo, Mariel D.
Camacho, Roedelle D.
Paragele, Kimberly Claire R.
Tan, Kristin Denise S.
Lim, Kathleen Q.
Talaan ng Nilalaman
1. Ang Pagdaloy ng Dugo sa Katawan ng Tao -Bardon, Precious Dianne
2. Kahalagahan ng Dugo sa Buhay ng Tao -Nepomuceno, John Maruel
3. Ang Bato ng Tao -Galeon, Bethel Marie
4. Daanan ng Pagkain at Pagtunaw -Evardo, Mariel
5. Sikmura -Camacho, Roedelle
6. Kabuuan ng Nerbiyo -Paragele, Kimberly Claire
7. Gawain ng Utak at Medula Ispaynal -Tan, Kristin Denise
8. Ang Kahalagahan ng Mata sa Tao -Lim, Kathleen
Ang Pagdaloy ng Dugo sa Katawan ng Tao
Precious Dianne E. Bardon
Kapag narinig ang terminong “cardiovascular system” agad na
pumapasok sa isip ng karamihan ay ang puso. Palagi nating
nararamdaman ang bawat pintig at tibok ng ating puso oras-oras, kung
minsan kapag tayo’y ninerbiyos. Ang mahalagang ginagampanan ng puso
ay matagal ng alam at napag-aralan ng mga eksperto, marami na ding mga
kanta, literal man o hindi ang naisulat tungkol dito. Lingid sa kaalaman ng
iba ang “cardiovascular system”, ay hindi lang binubuo ng puso. Sa mga
siyentipiko at medikal na pahayag, ito ay importante upang malaman natin
kung bakit nga ba ang sistemang ito ay napakahalaga sa buhay ng tao.
Ang masikip na trapiko palabas at papasok sa isang pagawaan ay
para lang uod, kung ikukumpara sa walang hanggang aktibidad sa ating
katawan. Araw at gabi, bawat minuto, ang trilyong mga cells ay nagdadala
ng mga nutrisyon at bitamina sa katawan at naglalabas ng dumi sa
katawan ng tao. Habang natutulog ang tao ang paggalaw ng mga ito ay
humihina ngunit nananatili at patuloy parin itong gumagana sa
nakasanayang aktibidad nito, sapagkat, kapag ito’y huminto ang tao ay
mamamatay. Ang mga cells ay nagtatrabaho at nakikipag-ugnayan sa
mga katabi lang nitong mga likido. Sa madaling salita, ang pagpapalit at
pagbabago ng mga likidong ito ay kinakailangan para mapanatili ang
kaayusan sa loob ng ating katawan. Ang pagdaloy ng mga nutrisyon at
pagpigil sa pagrami ng mga masasamang elemento sa ating katawan, ay
katulad din sa mga nagyayari sa isang pagawaan. Ang katawan ay dapat
magkaroon ng sistema ng transportasyon para magdala ng iba’t-ibang
karga patungo at pabalik sa dapat nitong puntahan. Kung may mga
himpapawid at simentong daanan at mga “fly over”, ang ating katawan ay
may rota din na sinusundan, ito ang mga iba’t-ibang ugat na matatagpuan
sa iba’t-ibang bahagi ng ating katawan.
Sa madaling salita, ang pinakamahalagang ginagampanan ng
“cardiovascular system” ay transportasyon. Gamit ang dugo, bilang
sasakyan, ang sistemang ito ay nagdadala ng oksiheno, nutrisyon, mga
dumi, mga hormones, at iba pang mga sustansya na kailangan sa
pagpapanatili ng kaayusan sa katawan ng tao. Ang pwersa na
nagpapadaloy ng dugo sa ating buong katawan ay ang pangunahing
gawain ng ating puso.
Ang “cardiovascular system” ay maihahalintulad sa lokal na
patubigan ng ating syudad na may isang kontroler at isang sistema na
nagtataglay ng malalaki at maliliit na tubo na dinadaluyan ng dugo. At ang
dugo naman, bilang ang sasakyan na nakakarating sa iba’t ibang parte ng
katawan. Ang puso bilang bomba, at ang mga ugat bilang mga tubo na
daluyan ng dugo.
Ang iyong puso ay parang bomba. Ito ay kasinglaki ng iyong kamao
na matatagpuan sa kaliwang bahagi ng iyong dibdib.
Ang puso ay nahahati sa kanan at kaliwang bahagi, ang dibisyong ito
ang nagpoprotekta sa dugong nagtataglay ng oksiheno na mahalo sa
dugong nagtataglay ng kaunting oksiheno.
Sa kabuuan, ang iyong puso at mga ugat ang bumubuo ng iyong
kardyobaskyular na sistema na nagpapadaloy ng dugo sa katawan ng tao.
Basi sa mga pananaliksik, ang puso ay nagpapadaloy ng dugo sa
katawan ng higit kumulang limang litro kada minuto at tumitibok sa
estimeyt na isang daang libong beses kada araw at aabot naman ito ng
mga tatlongput-limang milyon kada taon.
Sirkulasyon ng Dugo
Sa termino pa lang malalaman na kung ano ang ibig sabihin nito. Ang
dugo ay dumadaloy sa katawan sa isang paikot na paraan. Pabalik-balik at
pauli-ulit lamang.
Ang dugo ay walang patid na dumadaloy sa mga ugat. Ang dugong
nasa loob ng ugat ay tumatakbo mula kamay patungong balikat. Ang dugo
ay tumatakbo sa ugat dahil sa pagkilos o pagtibok ng puso.
Tingnan natin ang larawan ng puso sa ibaba:
Ang isang malaking ugat na parang tubo na nakadugtong sa itaas ng
dakong kaliwa ng puso ay tinatawag na aorta. Ito’y pataas at nagsasanga
sa ulo at kamay. Ito’y nakabaluktot paibaba sa likod ng puso. Muli itong
nagsasanga at nagdadala ng dugo sa lahat ng bahagi ng katawan,
maliban sa ulo at kamay.
Sa pagtibok ng puso, ang dugo ay napipilitang dumaloy papunta sa
aorta at sa lahat ng ugat na bahagi ng katawan, ang dinadaluyan nitong
ugat ay paliit ng paliit, ang pinakamaliit na ugat ay tinatawag na kapilyares
kung saan nangyayari ang pagpapalit ng dugong may oksiheno sa
pagiging dugong may carbon dioxide. Galing sa mga kapilyares, ang
dugong asul o dugong may carbon dioxide ay dadaloy sa malalaking ugat
na tinatawag na veins papunta sa inferior at superior vena cava. Ang mga
dugong nasa itaas ng puso ay papasok sa superior vena cava at ang
nasa ibaba naman nito na parte ay sa inferior vena cava. Kung bibiyakin
natin ang puso nang pahaba may kaliwa at kanan itong bahagi. Mula sa
inferior at superior vena cava as pupunta ang dugo sa kaliwang atrium,
dadaan sa tricospid valve papunta sa kaliwang ventricle. Pagtibok na
naman ng puso ulit ay lalabas ang asul na dugo sa pulmonary artery
papunta sa baga at doon mangyayari ang pagpapalit ng dugong may
carbon dioxide sa paggiging pulang dugo, o dugong nagtataglay ng
maraming suplay na oksiheno. Pagkatapos ay papasok ang pulang dugo
sa pulmonary veins at tutuloy sa kanang atrium. Ang dugo na galing sa
kanang atrium ay papasok sa kanang ventricle sa pamamagitan ng
bicospid valve, pagkatapos ay babalik naman sa aorta kapag tumibok na
naman ang puso. Ang prosesong ito ay pabalik-balik lang habang buhay pa
ang isang tao. Titigil lang ito kapag ang tao ay patay na.
Kahalagahan ng dugo sa buhay ng tao
John Maruel C. Nepomoceno
Ang dugo ay isang natatanging pluidong biyolohikal na kinalalamnan
ng “red blood cell”, ng “white blood cell” at “platelet” na nakalutang sa
masalimuot na pluidong kilala sa tawag na plasma ng dugo. Ang plasma
ang likidong bahagi ng dugo, kung saan nakalutang ang mga selula ng
dugo. Binubuo nito ang may 55 bahagdan ng kabuuang bulumen ng dugo.
Ang mga selula ng “red blood cell” ang may pinakamaraming bilang.
Naglalaman ito ng hemoglobin na siyang nagbibigay ng pulang kulay sa
kaniyang sarili. Ang bahaging heme ng hemoglobin, naglalaman ng yero,
ang nag-uudyok sa pagdadala ng oksiheno at karbong dioksido na kapwa
sadyang patungo sa hemoglobin sa pamamagitan ng mapiling pagbigkis sa
mga hanging ito at sadyang nagpapataas ng pagkakatunaw nila sa dugo.
Tumutulong ang mga selula ng “white blood cell” sa pagsasanggalang ng
mga impeksiyon, at mahalaga ang mga “platelet” sa pagpapatuyo ng dugo.
Dinadala ang dugo sa palibot ng katawan sa pamamagitan ng mga
sisidlan ng mga dugo dahil sa pagbobomba ng puso. Ibinubuga ang dugo
mula sa malakas na kaliwang bentrikulo ng puso sa pamamagitan ng mga
malalaking ugat patungo sa mga panlabas na tisyu at nagbabalik sa
kanang atrium ng puso sa pamamagitan ng mga maliliit na ugat na
pambaga. Papasok naman ngayon ang dugo sa kanang bentrikulo at
padadaluyin papasok sa kaliwang bentrikulo upang mapaikot muli. Ang
dugong arteryal ang siyang nagdadala ng oksihendo mula sa nalanghap na
hangin sa loob ng mga baga patungo sa lahat ng mga selula ng katawan,
samantalang ang dugo mula sa mga bena ang may dala ng karbong
dioksido patungo sa mga baga para ibuga palabas.
Ang Bato ng Tao
Bethel Marie O. Galeon
Ang bato ng tao ay dalawa sa mga mahalagang lamang loob ng
katawan. Kapag ang mga ito ay nasira o nawala sa katawan, tiyak na
mahihirapan ng lubusan ang katawan at maaaring ito ay hindi makatagal.
Ang mga bato sa katawan ng tao ang may malaking bahagi sa
pagkakaroon ng balanse sa iba’t ibang gawain ng katawan.
Pangkalahatang Katangian:
Paglalarawan:
Ito ay hugis patani at kulay alasan.
Malukong sa mahabang bahagi at lukob sa
kabaligtarang bahagi.
Ito ay pinapalibutan ng pinagpatong-
patong na tisyu: ang kapsula ng bato, matabang kapsula at ng bato fascia
na nangangalaga sa bato at humahawak sa tama nitong puwesto.
Sukat:
Ang bato na nasa tamang gulang ay 12 sentimetro (5 pulgada) ang
haba, 6 na sentimetro (2.5 pulgada) ang lapad, at 3 sentimetro (1 pulgada)
and kapal.
Bigat:
Sa matandang lalaki ito ay tumitimbang ng 150 gramo (0.15 kilo), at
sa matandang babae naman, ito ay tumitimbang ng 135 gramo (0.135 kilo)
Kinalalagyan:
Ito ay karaniwang matatagpuan sa mataas na bahagi ng tiyan lukab,
salungat sa likurang bahagi, nakahiga sa makabilaang
gilid ng gulugod sa pagitan ng
mga antas ng ika-12 thoracic at
ikatlong panlikod na vertebrae,
at sa labas ng peritoniyum, ang
lamad na linya sa tiyan.
Ang kanang bato ay mas
mababa ng konti sa kaliwang
bato, ito ay dahil sa malapit ito sa atay; ang kaliwang bato naman ay mas
mahaba ng konti at ito ay mas malapit sa median plane.
Mga Tungkulin
Naglilinis ng dugo at isinasa-ayos ang mga komposisyon nito.
Ang nag-aalis ng mga hindi kailangang produkto sa katawan, tulad ng
nitrohenus na mga dumi at lason.
Ang nagbabalanse sa dami ng likido sa katawan.
Nagpapanatili ng tubig at balanse sa mga electrolyte ng dugo.
Ang nag titiyak sa tamang pH ng dugo.
Mga Bahagi ng Bato
1. Bato piramide
2. Arterya ng interlobular
3. Arterya ng Bato
4. Ugat ng bato
5. Hilum ng bato
6. Pelvis ng bato
7. yuriter
8. Takupis menor
9. Kapsula ng bato
10. Mababang kapsula ng bato
11. Mataas na kapsula ng bato
12. Ugat ng interlobular
13. Nephron
14. Takupis menor
15. Malaking takupis
16. Papilla ng bato
17. Haligi ng bato
Mga Paraan sa Tamang Pag-aalaga ng Bato
Uminom ng 6 hanggang 8 baso ng tubig araw-araw.
Kumain ng mga pagkain na masustansya upang makakuha ng
mga bitamina at mineral na kinakailangan ng katawan.
Iwasan ang paninigarilyo, pag-inom ng alak at ang paggamit ng
mga pinagbabawal na mga gamot o droga.
Alam mo ba?
Mas maraming dugo ang dumadaloy sa bato kaysa sa atay, puso o
utak.
Ang bawat bato ng tao ay may nilalaman na isa hanggang dalawang
milyong nepron.
Kapag kulang ng isang bato ng ipinanganak, ang natirang bato ay
lalaki hanggang sa ito ay katimbang na ng dalawang pinagsamang
bato.
Mahigit sa 400 na galon ng nagamit muling dugo ang binubomba sa
bato bawat araw.
Daanan ng Pagkain at Pagtunaw
Mariel D. Evardo
Ang mga bahaging katawan na may kinalaman sapagtunaw ng
pagkain ay tinatawag na daanan ng pagkain. Ito’y isang mahabang tubo na
nagmumula sa bibig at umaabot hanggang sa ibaba ng malaking bituka
(tumbong). Ang kalagitnaanan nito ay palikaw-likaw. Samatanda ito ay
umaabot hanggang tatlumpung talampakan ang haba. Mula sa bibig,
lalaugan, sikmura, maliit na bituka at malaking bituka.
Ang pagkain sa bibig ay kailangang duruging mabuti ng ngipin.
Habang nginunguya ang pagkain ito’y nahahaluan ng laway buhat sa anim
na kulani (gland) na kilala sa tawag na kulaning laway. Ang laway ay
tumutulong sa gawain ng pagtunaw kung kaya di dapat madaliin ang
paglulon ng pagkain sa halip ay pakaduruging mabuti upang mahaluan ng
mga katas na pantunaw bago lunukin ang pagkain. Mula sa bibig ang
pagkain ay daraan muna sa lalaugan, bago magtuloy sa sikmura.
LABI
Ang mga labi o nguso ay ang nakikitang organo sa bibig ng mga
tao at maraming mga hayop. Malambot ang kapwa labi, nakaungos,
naigagalaw at pangunahing nagsisilibing daanan ng pagkain, bilang
organong pandama, at gamit sa pagsasalita.
NGIPIN
Ang mga ngipin ay ang mga istrukturang nakikita sa loob ng panga
O bibig ng maraming mga vertebrate at ginagamit sa pagkagat, pagngasab
at pagnguya ng pagkain. Ginagamit din ang mga ngipin para sa
panananggalang at pangangaso ng ilang mga hayop, lalo na ang mga
kumakain ng karne. Natatakpan ng mga gilagid ang mga ngipin.
Ang mga ngipin ang ilan sa mga pinakanatatangi at pang matagalang
Bahaging mgae spesyeng mamalya. Ginagamit ng mga paleontologo ang
Mga ngipin para makilala ang mga espesye batay sa mga kusilba
(Ingles: fossil) at malaman ang kanilang mga kaugnayan. May
kauganayan ang hugis ng mga ngipin ng isang hayop sa kaniyang mga
kinakain. Bilanghalimba, mahirap tunawin ang mga halaman, kaya
maraming mga molar (makakapal na mga ngipin) na pangnguya ang mga
hayop na kumakain ng halaman lamang (mga herbibor). Samantalang
kailangan ng mga canine (matutulis at matatalim na mga ngipin) ang mga
hayop na kumakain ng karne para makapaslang at makapunit ng laman.
Mga dipyodonta ang mga tao, na nangangahulugang nagkakaroon sila ng
Dalawang uring mga ngipin. Ang unang uri ay ang kumpol ng mga ngiping-
pangbata o pangunahing kumpol ng ngipin (desiduwo) na karaniwang
nagsisimula ng lumitaw sa gulang na anim na buwan, bagaman mayroong
isa o higit pang nakikitang mga ngipin ang ibang mga sanggol at kilala
bilang ngipin-pangbagong-silang. Mahapdi para sa isang sanggol ang
normal na pagtubo ng mga ngipin sa mahigit-kumulang na anim na buwang
gulang.
Nagkakaroon lamang ng isang kumpol ng ngipin ang ilan sa mga
hayop (ang mga monopyodonta) habang nagkakaroon ng maraming
kumpol ang iba (ang mga hayop na polipyodonta). Some animals develop
only one set of teeth (monophyodont) while others develop many sets
(polyphyodont). Bilang halimbawa, sinisibulan ng mga bagong kumpol ng
mga ngipin angMga pating tuwing ikalawang linggo upang mapalitan ang
mga sirang ngipin. Tumutubo at tuluy-tuloy na kusang napuputol ang mga
pangkagat na ngipin (o mga incisor) ng mga daga sa pamamagitan ng
pagngatngat kaya napapanatili ang kainam ang haba. May ibang uri na
man ng mga dagang may mga ngiping tuluy tuloy ang paglaki ng mga
ngiping pangnguya bilang karagdagan sa mga ngiping panghiwa, katulad
ng sa mga dagang-kosta.
DILA
Ang dila (Ingles: tongue; Kastila: lengua) ay isang bahagi ng katawan
ng tao na nasa loob ng bibig, at kasangkapan ng tao sa pagsasalita. Gamit
ito ng mga hayop upang makalikha ng tunog
KULANI
Ang glandula o kulani ay ang bahagi ng katawa ng nagbibigay ng
mahahalagang katas o sekresyon. Ito ang organo ng kumukuha ng mga
partikular na sustansiya mula sa dugo at gumagawa mula sa mga itong isa
pa o iba pang sustansiyang kailangan ng katawan. Katulad ng isang
pagawaan o pabrika ng mga kemikal ang bawat isang glandula ng
katawan.
Sikmura
Roedelle D. Camacho
Ang sikmura o stomach ay parte ng ating digestive system na
naglalaman ng gastriko o gastric juice (Hydrochloric acid) na tumutulong
tumunaw ng ating mga kinain. Ang gastric juice ay gawa sa mga enzymes
na may kakayahan tumunaw at gawing simple ang pagkain upang
masipsip ang mga bitamina at minerals na nasa pagkain. Dito mismo
dumadaan ang lahat ng pagkain natin upang salain ang mga pagkain.
Ang paggamit ng mga ngipin sa pagdurog ng mga pagkain natin ay
isang paraan upang maibsan ang trabaho ng ating sikmura. Karamihan sa
tao ay nagkakaroon ng kanser sa sikmura dahil sa pag-abuso o hindi nila
inaalagaan ng mabuti ang mga sikmura. Ang pagkain ng wala sa oras o
hindi pagkain ay nakakasama sa sikmura dahil maaring tunawin ng gastric
juice ang mismong sikmura. Kaya dapat ingatan ang sikmura dahil malaki
ang magiging epekto nito sa indibidwal.
Dumadaan ang pagkain natin mula sa ating bibig. Pagkatapos
dadaan sa ating esophagus ang pagkain. Ang peristalsis ay ang paggipit
ng mga muscles ng lalamunan at pagluwang kaya ang pagkain ay hindi na
bumabalik pataas. Lahat ng pagkain ay dadaan sa sikmura parang salain.
Tumatagal ang pagkain sa sikmura sa loob ng 30 minuto o ilang oras.
Pagkatapos nito ay dadaan sa small intestines na kukuha sa mga
sustansya na naroon sa pagkain at matitipon ang lahat ng pagkain bilang
dumi sa large intestines natin. Lalabas ang ating mga dumi sa ating
rectum. Ang dahilan ng mabahong amoy ng mga ito ay dulot ng ating
enzymes. Ibang pagkain ay nagiging tubig na kaya ito’y naiipon na sa ating
bladder.
Kabuuan ng Nerbiyo
Kimberly Claire R. Paragele
Ang katawan ng tao ay maraming sangkap. Bawat isa sa mga
sangkap na ito ay may mga kanya-kanyang gawain, tulad ng sikmura na
tumutulong sa pagtutunaw ng pagkain, ang bato na tumutulong sa
pagpapalabas ng duming may lason at ang puso sa pagpapadaloy ng
dugo. Ang lahat ng ito ay kontrol ng isang importanteng sistema sa
katawan ng tao at iba pang nilalang.
Katulad ng hukbo ang katawan ay nangangailangan ng isang
mamumuno at mag-uutos sa lahat ng bahagi nito, ito ay ang kabuuan ng
nerbiyo. Ang tungkulin ng nerbiyo ay pakilusin ang lahat ng bahagi ng
katawan sa tamang panahon o gawain. Ang dalawang malaking istraktura
na matatagpuan sa kabuuan ng nerbiyo ay ang Utak at Medula Ispaynal.
Ang dalawang ito ay nagtutulungan upang magampanan ng tama ang
kanilang tungkulin sa katawan ng isang nilalang.
Ang Utak ay ipinagsasanggalang o nakapaloob sa bungo. Ang utak
ay ang sentro ng kontrol sa pagtulog, pagdama ng gutom at uhaw at ang
iba pang mahahalagang aktibidadis upang mabuhay ang isang tao. Ang
lahat ng emosyon ng tao- kasama na ng pag-ibig, galit, takot at lungkot- ay
kinokontrol parin ng utak.
Ang medula ispaynal ay karugtong o bahagi lamang ng utak na tulad
ng isang lubid na kasinlaki ng kalingkingan. Nakakabit ito sa ibaba ng utak
at lumalabas sa isang malaking butas sa gitna at sa pagkakapatong ng
mga butong itong gulugod ay nagkakatamatama ng butas at nagiging
parang isang tubong buto para sa medula ispaynal. Ito’y umaabot at
lumalabas sa isang malaking butas ng bungo. Ang medula ispaynal ay
umaabot hanggang sa sasapnan sa may balakang. Mula sa utak at
medula ispaynal ay maraming maliliit na gatil (nerbiyo) na ang iba ay
kasing liit halos ng hibla ng sutla at kumakalat sa lahat ng bahagi ng
katawan. Napakarami at napakasinsin ng mga pagkakalat ng gatil na ito na
ang iba’y hindi maaring maduro ng pinakamaliit na karayom.
Kung ang utak at medula ispaynal ay mahihimay makikita natin na
ito’y binubuo ng maraming maliliit na hiblang mapuputi na tulad ng sinulid.
Ito ang nerbiyo ng fibra at sa bawa’t dulo nito ay may malaking tumpok na
tulad ng isang buhol na kung tawagin ay nerbiyo ng selula. Halos lahat ng
mga nerbiyo ng selula ay nasa utak at medula ispaynal. Ang nerbiyo ng
selulang ito ay bahagi ng utak na umiisip, umaalala at nagpapakilos o
namamahala sa lahat ng bahagi ng katawan. Ang nerbiyo ng fibra ay
siyang nagkakabit ng lahat ng bahagi ng katawan sa nerbiyo ng selula,
tulad din sa pagkakabit ng kawad ng telepono sa malaking bukirin o sentro
ng tanggapan. Samakatuwid tungkulin ng nerbiyo ng fibra ang maghatid
ng mga pasabi o habilin sa pagitan ng utak o medula ispaynal at ng ibang
bahagi ng katawan.
Napakaimportante talaga ng Kabuuan ng Nerbiyo. Kunting pagkasira
lamang sa anumang bahagi nito ay maaring makadulot ng iba’t ibang
problema sa katawan ng tao, maari tayong maparalisa o mamatay pa.
Ang Kabuuan ng Nerbiyo
Kabuuan ng Nerbiyo
Gawain ng Utak at Medula Ispaynal
Kristin Denise S. Tan
Ang pag-iisip ay isang gawain ng tao upang malaman ng tao ang
pamamaraan kung paano gawan ng paraan upang mapadali ang isang
bagay na sakanya ay sadyang mahirap. Ang sentro nito ay ang utak, ito ay
umiisip, dumaramdam at umaalala. Ito rin ang dahilanan ng ating pagibig
sa isang kapwa tao at nagbibigay saya sa atin araw-araw, ito rin ang
kadahilanan ng ating pagiyak dahil sa tayo ay nasaktan at namumuhi satin.
Ang utak ay tumatanggap at nagbibigay ng mensahe upang malaman kung
ano ang ating gawin. Ito ang nagsisilbing alalay sa ating Gawain sa pang
araw-araw, nagpapahatid ng mga utos sa mga kaalaman at nagpapatibok
ng ating puso. Ang halimbawa nito ay ang pagkapaso ng kamay habang
tayo ay nagpapainit ng tubig at pag tayo ay nasaktan magpapadala agad
ng mensahe ang ating utak sa ating katawan upang maramdam natin at
agad-agad nating maaalis ang ating kamay sa kumukulong tubig.
Minsan ang pag-iisip ay labag sa kalooban ng maraming tao at
marami sa atin ang nasasaktan dahil dito karamihan ay nasisiraan ng utak
at nahihirapan magisip. Kung tayo ay nakakita ng ahas at malinaw sa ating
mata na tayo ay tutukain ng ahas agad-agad magpapadala ng mensahe an
gating utak sa atin akatawan upang tayo ay lalayo sa ahas. An gating
nerbiyo ng fibra ang nagpapadama o nagsasabi kung saang bahagi n
gating katawan ay naiinitan, nalalamigan at nahihirapanang dahil sa sakit
na ating nararanasan. Maaaring tayo ay nasaktan sa pamamagitan nang
tayo ay nadapa at nagkaroon ng sugat. Kapag naputol an gating nerbiyo ng
fibra sa parte n gating paa o kamay maaaring tayo ay maging lumpo at
wala nang mararamdamang sakit o kahit na ano. Ang ating isipan ay may
kinalaman sa ating kabuuan ng nerbiyo at sa ating kalakasan ng buong
katawan. Halimbawa ay kung tayo ay natatakot ito ay nangangahulugang
ninenerbiyos ang isang tao o di kaya’y kung tayo ay nabigo sa isang bagay
at galit na galit ka dahil ditto at nalulungkot din maaaring mawawalan ka ng
ganang kumain ng ilang araw at kokonti na lang ang kinakain mo at hindi
na rin masyadong lumalabas ng bahay.
Bakit nga ba natin iwasan ang madalas na galit sa isipan ng tao?
Dahilanan ng ibang tao ang nagpapakamatay dahil sa isip nila ay wala na
silang silbi sa mundong ito, kung kaya’t naiisip nila ang mga nabibitawang
masasakit na salita at ginawa saknila ng kanilang mahal at karamihan din
sa kadahilanang ito ay sadyang nasisiraan na ng bait at hindi na tla
matanggal sa kanilang utak at isipan ang mga nangyari at tuluyan ng
nasiraan ng ulo. Madalas ay nadadala natin ang ating pagkagalit sa iba tao
at doon natin ito binubuhos kung kaya’y mas lalong nadadagdagan ang init
ng ulo. Kailangan din natin iwasan ang madalas na galit sa isipan ng tao
dahil ito ang magiging dahilanan ng pagbibitaw ng maling desisyon at
maaaring masaktan ang ibang tao.
Ang ating utak at ang iba’t ibang kabilang dito ay nagsisilbing
nagbibigay ng mensahe patungo sa ating mga nerbiyo upang magalaw ang
ating katawan at maikilos ito. Madalas sa ibang tao ay nagkakaroon ng
diperensya ang kanilang kalahati ng katawan sapagkat ito ay ang
pagkawalang gana ng mga nerbiyo sa kalahating katawan.
Bakit nga ba kailangan iawasan ang pagiisip ng masama? Ito ay dahil
labag ito sa ating panginoon at kung ano ang utos ng utak ay syang
gagawin ng katawan dahil konektado ng utak ang ating katawan at
maaaring maigawa ang kilos sa maling panahon at makakagawa ka ng
malaking kasalanan.
Ang Kahalagahan ng Mata sa Tao
Kathleen Q. Lim
Ang mga mata, busilig, o buliga ang organo ng paningin na
nakadarama ng liwanag. Iba't ibang uri ng mga madaling-makaramdam na
mga organo ang matatagpuan sa mga magkakaiba't ibang mga organismo.
Walang ginagawa ang mga pinakapayak ng mga mata kundi ang dumama
ng liwanag at kadiliman sa kapaligiran, habang nakakapansin naman ng
mga hugis at kulay ang mga mas masalimuot na uri ng mga mata.
Malawakang nagkakasanib-sanib ang mga nasasakop ng pananaw ng ilan
sa mga ganitong uri ng mga masalimuot na mga mata: katulad ng
pagpapahintulot ng mas mainam na pagpuna sa antas ng kalaliman
(paninging binokular o paninging tila-largabista) sa mga tao; at
nakaposisyon naman ang ibang mata upang mabawasan ang
pagkakapatung-patong ng mga nasasakop ng pananaw, katulad ng sa
mga kuneho at sa mga kamelyon. Karaniwang tumutukoy ang buliga sa
kabuoan ng bilog ng mata; samantalang sa harap ng mata o sa buong
bilog din ng mata ang busilig. Ang mata ng tao ay organo ng paningin. Ang
mata ay nagbibigay sa atin ng kahulugan ng paningin, na nagpapahintulot
sa amin upang malaman ang higit pa tungkol sa mga nakapaligid sa
mundo. Ang mata ay ang
dahilan upang makita at
bigyan natin ng kahulugan
ang mga hugis, kulay, at
mga sukat ng mga bagay
sa mundo. Ang mata ay
maaaring makakita sa
liwanag, ngunit hindi ito nakakakita ng mga bagay kapag walang ilaw.
Mahalaga an gating mga mata dahil ginagamit natin ang ating mga mata
sa halos lahat ng aktibidad. Tulad ng pagbabasa, panonood ng telebisyon,
at sa iba pang mga paraan. Ito ay mahalaga para sa wika, at nakakaapekto
sa pag-unlad pag-aaral, pakikipag-usap, sa trabaho, kalusugan at kalidad
ng buhay. Ito rin ay importante sa komunikasyon. Ang kawalan nito ay
isang malaking balakid sa pakikipagkomunika natin sa iba’t ibang mga tao.
Ang kawalan ng paningin ay napakahirap. Ito’y dahil hindi kayang gawin ng
mga bulag ang lahat ng mga bahay na nais nilang gawin. Samakatuwid,
napakahalagang alagaan ang iyong paningin. Ang mga sumusunod ay ilan
sa mga paraan upang mapangalagaan ang ating mata. Mainam na huwag
daw magbasa sa isang madilim na lugar dahil ito ay nakakasira sa ating
paningin. Maging ang sobrang liwanag ay nakakasama rin sa ating mata.