Ang morpema ay ang pinakamaliit na elemento ng pananalita o pagsusulat ngunit ito ay makahulugan at...
-
Upload
kristina-evora -
Category
Documents
-
view
20.731 -
download
0
description
Transcript of Ang morpema ay ang pinakamaliit na elemento ng pananalita o pagsusulat ngunit ito ay makahulugan at...
Evora, Maria Kristina Cassanda
Ang morpema ang pinakamaliit na bahagi ng wika na nagtataglay ng sariling kahulugan. Hindi ito dapat ipagkamali sa pantig na likha ng mga salita kung isinusulat o ang bawat saltik ng dila kapag binibigkas. Maraming mga pantig ang walang kahulugan sa sarili kaya Hindi maaaring tawaging morpema. Ang morpema ay maaaring isang salita o bahagi lamang ng isang salita.
May tatlong anyo ang morpema : ang morpemang salitang - ugat, ang morpemang panlapi, at ang morpemang binubuo ng isang ponema.
1. Morpemang salitang-ugat - ito ay binubuo ng salitang walang kasamang pan- lapi. Ito ay mga salitang payak. Tinatawag din itong malayang morpema. Halimbawa : ilog, bahay, araw, lupa, bandila
2. Morpemang panlapi - ito ay may taglay na kahulugan sa sarili. Ngunit Tina- tawag ang ganitong morpema na di-malayang morpema. Hindi sila makakatayo sa kanilang sarili. kinakailangan pa itong samahan ng isang malayang morpema upang magkaroon ng ganap na kahulugan. Iba - ibang pusisyon ang kinalalagyan ng panlapi sa salita kaya may iba - ibang uri din ng panlapi ayon sa pusisyon nila sa loob ng salita.
Unlapi - kapag inilalagay sa unahan ng salita. Halimbawa : magbasa, umibig, paalis, makahuli
Gitlapi - kapag nakalagay sa loob ng salita. Halimbawa : sumayaw, lumakad, sinagot, ginawa
Hulapi - kapag nakalagay sa hulihan ng salita. Halimbawa : ibigin, sulatan, sabihan, gabihin
Kabilaan - kapag ang isang pares ng panlapi ay nakalagay sa unahan at ang isa ay nasa hulihan ng salita. Halimbawa : mag-awitan, paalisin, kaibigan, kadalagahan
Laguhan - kapag makikita ang mga panlapi sa unahan, gitna at hulihan ng salita. Halimbawa : magdinuguan, pagsumikapan, ipagsumigawan
3. Morpemang binubuo ng isang ponema - makikita sa mga sumusunod na halimbawa : doktor - doktora, abogado - abogada
3.1 Ponemang patinig - Sa mga sumusunod na mga halimbawa ay makikitang ang patinig /a/ sa hulihan ng mga salita sa hanay sa gawing kanan ay nangangahulugang na pagiging babae.Mga Halimbawa:a. doktor doktorab. abugado abugadac. lolo lolad. sekretaryo sekretaryae. tindero tinder
Ang Morpema
Ang morpema ay pinakamaliit na yunit ng isang salita
na nagtataglay ng kahulugan. Ang salita ay binubuo ng
pinagsama-samang pantig. Hindi lahat ng pinagsamasamang pantig ay makakabuo ng salita.Ang morpemang dimalaya ay tinatawag ding panlapi. Ang morpemang malaya
ay tinatawag ding salitang ugat.
Halimbawa:
1.Morpema di-malaya
ma-, mag-, -um-, -in
2.Morpemang Malaya
galing, sipag, linis, linaw, dilim, dasal 3.Morpemang Di-malaya + Salitang Ugat
Unlaping nag- + salitang ugat = nagdasal
Gitlaping –um- + salitang ugat = bumili
Hulaping -in + salitang ugat = linisin
3.Morpemang Di-malaya + Salitang Ugat
Unlaping nag- + salitang ugat = nagdasal
Gitlaping –um- + salitang ugat = bumili
Hulaping -in + salitang ugat = linisin
Aralin: MORPEMAAng morpema ay ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan. Bawat salita sa isang wika ay binubuo ng mga pantig na pinagsama-sama. Subalit hindi lahat ng pinagsama-samang mga pantig ay makakabuo ng isang salita. May tatlong uri ng morpema: ang morpemang di-malaya (kilala rin bilang panlapi), ang morpemang malaya (kilala rin bilang salitang ugat), at angmorpemang di-malaya na may kasamang salitang ugat.
MGA ANYO NG MORPEMA1. Morpemang binubuo ng isang ponema( makabuluhang tunog )-nakikilala ang pagkakaibang ito sa pamamagitan ng [-a]Kinulong natin ang titik a dahil ito ay isang makabuluhang tunog o isang ponemahal. propesora(ibig sabihin dalawang morpema ang mabubuo.) Ang salitang propesor at ponemang a. Bakit? Dahil nung dinagdag natin ang ponemang a, ay nagbago ang kahulugan ng salitang propesor. Nakuha? Punta tayo sa pangalawang anyo.2. Morpemang salitang - ugat ( salitang payak ) mga salitang walang panlapi- ang salitang-ugat ay tinatawag ding malayang morpema dahil nakatatayo sila ng mag-isa kahit wala silang mga panlapihal. bahaybayanikain
ibig sabihin mayroong tig-iisang morpema ang mga nabigay na halimbawa dahil hindi na sila maaaring hatiin pa.o punta tayo sa ikatlong anyo.3.Morpemang panlapiMga PANLAPI: (Narito ang mga iba’t ibang gamit ng mga panlapia. -an o - han•lalagyan ng marami sa bagay na isinasaad ng salitang-ugathal. aklat= aklatan, manok = manukan•pook na ginaganapan ng kilos na isinasaad ng salitang-ugathal. luto = lutuan, tahi = tahian•gantihang kiloshal. damay = damayan, turo = turuan•panahon ng pagganap o maramihang pagganaphal. ani = anihan, tanim = tanimanb. -in o –hin•nagsasaad ng aksyon o galawhal. kamot = kamutin , ihaw = ihawin•relasyong isinasaad ng salitang-ugathal. tiya = tiyahin , ama = amahinc. ka-•kasama sa pangkathal. lahi = kalahi, baro = kabaro•nagsasaad ng relasyon ayon sa sinasabi ng salitang-ugathal. kambal = kakambal, galit = kagalitd. ka – an, han•nagsasaad ng pinakagitna ng salitang-ugathal. sama = kasamaan, sulat = kasulatan•nagsasaad ng kasukdulan ng pangyayarihal. tindi = katindihan, bagsik = kabagsikane. mag-•nagsasaad ng relasyong tinutukoy ng salitang-ugathal. ina = mag-ina, lolo = maglolof. pa-an•nagsasaad ng ganapan ng kiloshal. aral = paaralan, limbag = palimbagan•nagsasaad ng paligsahan ng kiloshal. galing = pagalingan,taas = pataasang. pala - an•nagsasaad ng sistema o pamamaraanhal. bigkas = palabigkasan, tuldik = patuldikanh. pang-/pam-/pan-•nagsasaad ng ukol o para sa bagay na binabanggit ng salitang-ugathal. bata = pambata, sahog = pansahogi. taga-•nagsasaad ng gawainhal. laba = tagalaba, masid = tagamasid•nagsasaad ito ng doon nakatirahal. bundok = tagabundok, Baguio = taga-Baguioj. tag-•nagsasabi ito ng panahonhal. lamig = taglamig, araw = tag-arawk. ma-•nagsasaad ng pagkakaroon ng katangianhal. kisig = makisig, talino = matalino•nagsasaad ng pagkamaramihal. tao = matao, bunga = mabungal. maka-•nagsasaad ng kampi o kapanalighal. tao = makatao, bayan = makabayan
m. mapag-•nangangahulugang “ may ugali “hal. usisa = mapag-usisa, biro = mapagbiroo. pala-•nangangahulugang “ laging ginagawa “hal. dasal = paladasal, tawa = palatawao, natapos tayo sa mga anyo ng mga morpema. Punta naman tayo sa alomorp ng morpemaMGA ALOMORP NG MORPEMA- ang katangian ng morpema na magbagong anyo dahil sa impluwensiya ng kaligiran nitoALOMORP- galing sa salitang Ingles na ALLOMORPH, na hinati sa salitang griyego naALLO ( kapara ) at MORPH ( yunit / anyo )Pang-, Mang-, Sing- Pam-, Mam-, Sim- Pan-, Man-, Sin-a,e,i,o,uK,g,h,m,n,ng,w,y b,p d,l,r,s,tPanggabiManggagawaSinggaling PambansaMambabatasSim PandikdikMandamaySintalino