Ang Kasaysayan Ng Komisyon Sa Wikang Filipino

8
Ang Kasaysayan ng Komisyon sa Wikang Filipino Itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) alinsunod sa Batas Komonwelt Blg. 184 na nilagdaan ng Pangulo ng Komonwelt, si Manuel L. Quezon noong Nobyembre 13, 1936. Ang pangunahing layunin ng Surian ay piliin ang k atutubong wika na gagamiting batayan ng pagpapalaganap at pagpapatibay ng wikang pambansa ng Pilipinas. Ang batas ay pag-alinsunod sa Konstitusyon ng 1935 na nagtatadhanang “ang Kongreso ay gagawa ng hakbang upang linangin at palaganapin ang wikang pambansa sa isang wikang katutubo.” Noong Enero 13, 1937, hinirang ng Pangulo ang mga kagawad ng SWP. Si Jaime C. de Veyra ang naging unang direktor. Ang naging unang tahanan ng Surian ay ang isang maliit na silid sa Department of Public Information. Pagkaraan, nagpalipat- lipat ito: napatira sa Silid Blg. 326 ng Kongreso, nagkaroon ng silid sa Malacañang, nalipat sa Philippine Columbian, at noong 1940, napunta sa gusali ng UP Alumni sa Padre Faura. Noong 1942, napunta naman ito sa Philippine Normal School (naging College at ngayo’y University) bago napalipat sa “radio room” ng Mataas na Paaralang Mapa noong 1946. Nagbalik ito sa Malacañang noong 1947 bago napunta sa Philippine School at Arts and Trade. Nagkaroon din ito ng opisina sa isang “Japanese Temple” sa kalye Lipa, Maynila. Nang itadhana ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 94 at ang Batas ng Pagbabagong Tata g ng 1947, inilipat ang pangangasiwa ng SWP sa Kagawaran ng Pagtuturo, at ito ay nanahanan sa gusali ng Edukasyon sa Arroceros. Tumagal ito roon ng 34 na taon. Noong 1984, nang buwagin ang nasabing gusali at nalipat ang noo’y Ministri (ngayo’y Kagawaran) ng Edukasyon, Kultura at Isports sa Palacio del Gobernador, lumipat ang SWP sa ikatlo at ikaapat na palapag ng Gusaling LDCI sa kanto ng EDSA at East Avenue, Lungsod Quezon.  Noong Enero taong 1987, batay sa nilagdaang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 ng Pangulong Corazon C. Aquino, ang SWP ay pinalitan ng Linangan ng mga Wika ng Pilipinas na pagkaraan ay binuwag naman nang buuin ang Bagong Konstitusyon ng Pilipinas noong 1987. Petsa Agosto 14, 1991 nang likhain sa bisa ng Batas Republika Blg. 7104 ang Komisyon sa Wikang Filipino. May atas ang

Transcript of Ang Kasaysayan Ng Komisyon Sa Wikang Filipino

7/15/2019 Ang Kasaysayan Ng Komisyon Sa Wikang Filipino

http://slidepdf.com/reader/full/ang-kasaysayan-ng-komisyon-sa-wikang-filipino 1/8

Ang Kasaysayan ng Komisyon sa Wikang Filipino 

Itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) alinsunod sa Batas Komonwelt

Blg. 184 na nilagdaan ng Pangulo ng Komonwelt, si Manuel L. Quezon noong

Nobyembre 13, 1936. Ang pangunahing layunin ng Surian ay piliin ang katutubong

wika na gagamiting batayan ng pagpapalaganap at pagpapatibay ng wikang

pambansa ng Pilipinas. 

Ang batas ay pag-alinsunod sa Konstitusyon ng 1935 na nagtatadhanang “ang

Kongreso ay gagawa ng hakbang upang linangin at palaganapin ang wikang

pambansa sa isang wikang katutubo.” 

Noong Enero 13, 1937, hinirang ng Pangulo ang mga kagawad ng SWP. Si Jaime C.

de Veyra ang naging unang direktor. Ang naging unang tahanan ng Surian ay ang

isang maliit na silid sa Department of Public Information. Pagkaraan, nagpalipat-

lipat ito: napatira sa Silid Blg. 326 ng Kongreso, nagkaroon ng silid sa Malacañang,

nalipat sa Philippine Columbian, at noong 1940, napunta sa gusali ng UP Alumni sa

Padre Faura. Noong 1942, napunta naman ito sa Philippine Normal School (naging

College at ngayo’y University) bago napalipat sa “radio room” ng Mataas na

Paaralang Mapa noong 1946. Nagbalik ito sa Malacañang noong 1947 bago

napunta sa Philippine School at Arts and Trade. Nagkaroon din ito ng opisina sa

isang “Japanese Temple” sa kalye Lipa, Maynila. 

Nang itadhana ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 94 at ang Batas ng

Pagbabagong Tatag ng 1947, inilipat ang pangangasiwa ng SWP sa Kagawaran ng

Pagtuturo, at ito ay nanahanan sa gusali ng Edukasyon sa Arroceros. Tumagal ito

roon ng 34 na taon. Noong 1984, nang buwagin ang nasabing gusali at nalipat ang

noo’y Ministri (ngayo’y Kagawaran) ng Edukasyon, Kultura at Isports sa Palacio

del Gobernador, lumipat ang SWP sa ikatlo at ikaapat na palapag ng Gusaling LDCI

sa kanto ng EDSA at East Avenue, Lungsod Quezon. 

Noong Enero taong 1987, batay sa nilagdaang Kautusang Tagapagpaganap Blg.

117 ng Pangulong Corazon C. Aquino, ang SWP ay pinalitan ng Linangan ng mga

Wika ng Pilipinas na pagkaraan ay binuwag naman nang buuin ang Bagong

Konstitusyon ng Pilipinas noong 1987. Petsa Agosto 14, 1991 nang likhain sa bisa

ng Batas Republika Blg. 7104 ang Komisyon sa Wikang Filipino. May atas ang

7/15/2019 Ang Kasaysayan Ng Komisyon Sa Wikang Filipino

http://slidepdf.com/reader/full/ang-kasaysayan-ng-komisyon-sa-wikang-filipino 2/8

Komisyon na magsagawa, mag-ugnay at magtaguyod ng mga pananaliksik para sa

pagpapaunlad, pagpapalaganap at preserbasyon ng Filipino at ng iba pang mga

wika ng Pilipinas. 

Ang pagpapabilis ng pagsasakatuparan ng atas ay isinagawa sa pamamagitan ng

pagbabalangkas ng mga patakaran, mga plano at mga programa ng iniuugnay sa

iba’t ibang tanggapang pampamahalaan at maging pribado man (RA 7104, Sek.

14-g). 

Sa kasalukuyan, ang komisyon sa Wikang Filipino ay nasa ilalim ng Tanggapan ng

Pangulo ng Pilipinas at nakabahay sa ikalawang palapag (second floor) ng

Gusaling Watson, 1610 J.P. Laurel Street, San Miguel, Maynila. 

Mga Naging Direktor/Tagapangulo Surian ng Wikang Pambansa, Linangan ng

mga Wika sa Pilipinas at Komisyon sa Wikang Filipino 

RICARDO MA. DURAN NOLASCO(2006-Kasalukuyan).

Guro, iskolar at linggwista. Nakatuon sa ang komitment sa multilinggwal na adhikain. Ang katwiran nito ay

ibinatay sa pagiging multilinggwal at pagiging multikultural ng mga Pilipino. Ang kasalukuyang

administrasyon ng KWF ay naniniwala sa napakalaking bentahe ng pagkakaroon ng Pilipinas ng mahigit na

170ng wika sa halip na isang disbentahe. Ang natural na kundisyon ng karaniwang Pilipino at ng karaniwang

mamamayan sa daigdig ay hindi lang iisa ang alam na wika. Kinikilala ng KWF ang kahalagahan ng mga

wikang ginagamit ng mga Pilipino – ang katutubong wika para sa literasiya at edukasyon ng mga

mamamayan, etnikong pangangailangan at pang-araw-araw na gamit; ang wikang pambansa para sa

pambansang kamalayan, pagkakaunawaan, pakikipag-ugnayan at pagkakakilanlan; at ang mga wikang

pang-ibayong dagat na tutugon sa pangangailangan ng wika ng malawak na komunikasyon (language of 

wider communication) at wika ng ugnayang pang-internasyonal.

Kaugnay ng bagong bisyon ng KWF, nagkaroon ito ng mga bagong programa at proyekto, tulad ng mga

sumusunod: pinalalakas nito ang mga programa sa leksikograpiya; programa sa balarila ng Pilipinas;

programa sa ponolohiya, ponetika at ortograpiya; pambansang programa sa pagsasalin; proyekto sa sa

pagmamapa ng mga wika sa Pilipinas; proyekto sa bibliograpiya ng mga wika sa Pilipinas; programa para sa

endangered languages; corpus ng mga wika sa Pilipinas. Sinisikap ng KWF na itayo ang Library at Archives

of Philippine languages; napataas ang kantidad at kalidad ng mga publikasyon; nagdadaos ng mga

7/15/2019 Ang Kasaysayan Ng Komisyon Sa Wikang Filipino

http://slidepdf.com/reader/full/ang-kasaysayan-ng-komisyon-sa-wikang-filipino 3/8

seminar, workshop, lektyur, at iba pang aktibidad na pang-edukasyon; pinapaganda

ang website; nagkakaloob ng mga research grants o tinutulungan ang mga stakeholder na makakuha ng mga

research grants; nagtatayo ng mga language councils sa mga rehiyon; pinalalakas ang mga kakayahang

pang-IT at pampananaliksik, at higit sa lahat sinisikap na magkaroon ng sarili tahanan at gusali ng wika.

NITA P. BUENAOBRA (1999-2006)

Guro at manunulat. Binigyang tuon ang pagpapatibay sa mga proyekto ng mga Panrehiyong Sentro sa

Wikang Filipino (PSWF) sa bawat etnolinggwistikong rehiyon na nakabase sa isang pang-estadong

unibersidad o kolehiyo. Binigyang pagpapahalaga at pansin ang mga rehiyunal na wika sa pamamagitan ng

paghanda/pagbuo ng mga diksyunaryong traylinggwal.

PONCIANO B.P. PINEDA (1970-1999).

Manunulat, guro, linggwista at abogada. Tatlong rebolusyonaryong pagbabago ang ibinunsod ng SWP sa

kanyang pangunguna: ang Edukasyong Bilinggwal noong 1974, ang wikang Filipino na ang nucleus ay

Pilipino (na unang inlunsad noong 1983 at naging batayan ng probisyong pangwika ng Konstitusyon ng 1986)

at ang Alpabetong Filipino na pinagtibay noong 1987. Itinatag ang 12 Panrehiyong Sentro ng Wikang

Filipino sa buong kapuluan.

JOSE VILLA PANGANIBAN (1955-1970) (1946-1947)

Makata, lexicographer at linggwista. Pinagtuunan ng pansin ang pagpapaunlad ng wika. Nagdaos ng mga

pasanayan sa korespondensya opisyal sa buong bansa. Binalikat ang pagsasalin at pananaliksik. Bunga nito

ang paggamit ng wikang pambansa sa mga diploma, pasaporte, atb. Nailathala angEnglish-Tagalog 

Dictionary na sinimulan sa panahon ng panunungkulan ni Cirio H. Panganiban, at sinimulan ang talasalitaan

ng walong pangunahing wika sa Pilipinas. Noong 1959, ang Wikang Pambansa na batay sa Tagalog ay

tinawag na Pilipino.

7/15/2019 Ang Kasaysayan Ng Komisyon Sa Wikang Filipino

http://slidepdf.com/reader/full/ang-kasaysayan-ng-komisyon-sa-wikang-filipino 4/8

CECILIO LOPEZ (1954-1955)

Iskolar at linggwista. Binigyang-diin ang linggwistika at pinasigla ang makabagong linggwistikong pag-aaral

sa wikang pambansa at iba pang mga katutubong wika sa Pilipinas.

CIRIO H. PANGANIBAN (1948-1954)

Manunulat, makata, mandudula, abogado. lpinagpatuloy ang diksyunaryong pinasimulan ng kanyang sinundan.

Pinasimulan ang paghahanda ng mga ispesyalisadong talasalitaan, tulad ng Legal Terms, Arithmetical and 

GeometrIcal Terms at iba pa. Binuong muli ang Lupong Sanggunian ng SWP.

JULIAN CRUZ BALMACEDA (1947-1948)

Mandudula, makata, nobelista. Nakapagpalimbag ng mga panayam at inumpisahan ang paggawa ng Diksiyunaryong

Tagalog.

LOPE K. SANTOS (1941-1946) 

Makata, mandudula, nobelista, lider manggagawa at pulitiko. Pinasigla ang pagsusulat sa

wikang pambansa. Nagdaos ng mga seminar at pasanayan sa paggamit ng wikang

pambansa sa UP, PNU at iba pa. Ang mga dokumento at palatastasan ng pamahalaan ay

isinalin at ang opisyal na Gazatte ay inilathala sa wikang pambansa. 

JAIME C. DE VEYRA (1937-1941) 

Unang direktor at "tagapagtatag ng wikang pambansa." Sa panahon ng kanyang

panunungkulan, pinag-aralan ang mga wika sa PIlipinas upang piliin ang isa sa mga ito na

7/15/2019 Ang Kasaysayan Ng Komisyon Sa Wikang Filipino

http://slidepdf.com/reader/full/ang-kasaysayan-ng-komisyon-sa-wikang-filipino 5/8

magiging batayan ng wikang pambansa. Napili ang Tagalog at naghanda ng gramatika at

bokabularyo ng nasabing wika na inilathala noong 1940. 

Ebolusyon ng Wikang Pambansa 

  Disyembre 30, 1937, iprinoklama ng Pangulong Quezon na ang wikang Tagalog ang

magiging batayan ng Wikang Pambansa. Magkakabisa ang proklamasyong ito

dalawang taon matapos itong mapagtibay.

  Noong 1940, ipinag-utos ang pagtuturo ng Wikang pambansa sa lahat ng

pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa. 

  Simula Hunyo 4, 1946, nagkabisa ang Batas Komonwelt Blg. 570 na nagproklama na

ang Wikang Pambansa na tatawaging Wikang Pambansang Pilipino ay isa nang

wikang opisyal. 

  Noong 1959 ibinaba ng Kalihim Jose B. Romero ng Edukasyon ang Kautusang

Pangkagawaran blg. 7 na nagsasaad na ang Wikang Pambansa ay tatawagin

nangPilipino upnag mailagan na ang mahabang katawagang “Wikang pambansang

Pilipino” o “Wikang Pambansa Batay sa Tagalog”. 

  Ngayon, Filipino na ang ngalan ng wikang pambansa, alinsunod sa Konstitusyon ng

1987 na nagtatadhanang "ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino." Ito ay hindi

pinaghalu-halong sangkap mula sa iba't ibang katutubong wika; bagkus, ito'y may

nukleyus, ang Pilipino o Tagalog. 

Ebolusyon ng Alpabetong Filipino 

Nang dumating ang mga Kastila noong Dantaon 16, may sarili nang palatitikan ang ating

mga ninuno, ang Alibata o Baybayin, na binubuo ng 14 katinig at 3 patinig. 

Pinalitan ito ng mga Kastila ng alpabetong Romano. 

7/15/2019 Ang Kasaysayan Ng Komisyon Sa Wikang Filipino

http://slidepdf.com/reader/full/ang-kasaysayan-ng-komisyon-sa-wikang-filipino 6/8

Noong 1940, sa kanyang Balarila ng Wlkang Pumbansa, binuo ni Lope K. Santos ang

Abakada, na may 20 titik: 

a b k d e g h i I m n ng o p r s t u w y 

Noong Oktubre 4,1971, pinagtibay ng Sanggunian ng SWP ang pinayamang alpabeto, na

binubuo ng 31 letra: 

a b c ch d e f g h i j k 1 11 m n ñ ng o p q r rr s t u v w x v z 

Kaugnay ng pagbago ng Konstitusyon, muling nireporma ng SWP ang alpabetong Filipino at

mga tuntunin ng palabaybayang Filipino. Ito ay bilang pagtugon sa mabilis na pagbabago,

pag-unlad at paglaganap ng wikang pambansa. Matapos ang seryengmga simposyum at

sangguniang pulong na dinaluhan ng mga linggwista, edukador, guro, manunulat at iskolar

ng wika, nabuo ang sumusunodna Alpabetong Filipino, na may 28 letra: 

a b c d e f g h i j k I m n ñ ng o p q r s t u v w x y z 

Noong 2001, muling nagkaroon ng rebisyon sa alpabetong Filipino upang tugunan angpatuloy na development at/o istandardisasyon ng sistema ng pagsulat sa

Filipino. Itinaguyod ng rebisyong ito ang leksikal na pagpapayaman ng Filipino sa

pamamagitan ng pagluluwag sa panghihiram ng salita at pagsasalin, karamihan mula sa

Ingles at Kastila, gamit ang walong karagdagang letra ng alpabeto, ang mga letrang c, f, j,

ñ, q, v, x, z. Sa rebisyong ito, sinasabi na pinaluwag ang paggamit ng walong dagdag na

letra. Ipinagagamit ang mga ito sa ispeling ng lahat ng hiram na salita anuman ang barayti

nito kasama ang hindi pormal at hindi teknikal na barayti, o iyong tinatawag na karaniwang

salita. 

Gayunpaman, nagkaroon ng maraming negatibong reaksyon at feedback mula sa mga guro,

estudyante, magulang at iba pang tagagamit ng wika sa 2001 rebisyon sa ispeling. Kaugnay

nito, noong Oktubre 9, 2006 ang Kagawaran ng Edukasyon sa kahilingan ng KWF ay

nagpalabas ng isang memorandum na pansamantalang nagpapatigil sa implementasyon ng

 “2001 Revisyon ng Alfabeto at patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino”. 

Noong Agosto, 2007, inilabas ng KWF ang borador ng Ortograpiya ng Wikang Pambansa na

binuo ng KWF sa pamamagitan ng serye ng mga konsultasyon sa mga guro, dalubhasa sa

wika, superbisor sa Filipino at sa mga larangang ito sa buong bansa noong 2007 hanggang

2007. ang pinal na bersyon ng patnubay ay ipalalabas ng KWF bago matapos ang 2007. 

Ano ang pinagmulan ng wikang Pilipino?

Ang salitang Tagalog ay hinango sa salitang taga-ilog, galing sa unlaping tagá- na nangangahulugang

"katutubo ng" na idinagdag sa harap ng salitang ilog, kaya't may ibig sabihing "mga taong naninirahan

sa tabi ng ilog." Walang mga halimbawang kasulatan ng orihinal na Tagalog bago dumating ang mga

Kastila. Sinasabi ng ilan na marahil sinunog ng mga unang paring Kastila ang mga ito, dahil sinasabi

ring masademonyo ang mga halimbawang ito. Kakaunti lamang ang kaalaman tungkol sa kasaysayan

7/15/2019 Ang Kasaysayan Ng Komisyon Sa Wikang Filipino

http://slidepdf.com/reader/full/ang-kasaysayan-ng-komisyon-sa-wikang-filipino 7/8

ng wikang ito, ngunit sa haka-haka ng mga dalubhasa sa pananalita, katulad nina Dr. David Zorc and

Dr. Robert Blust, nagmula ang mga ninuno ng mga Tagalog sa hilagang-silangang Mindanao o sa

silangang Kabisayaan, kasama ng mga kamag-anak nitong wika ng mga taga-Gitnang Pilipinas.[3][4] 

Ang Doctrina Cristiana (Doktrinang Kristiyano) ang pinakaunang aklat na naisulat sa Tagalog, na

inakdaan noong 1593. Nakasulat ito sa Kastila at dalawang uri sa Tagalog: nakasulat ang una

Baybayin habang ang sa mga titik ng Latin naman ang isa. Pinaniniwalaang hinango rinang Tagalog mula sa salitang taga-irog dahil kilala ang pangkat ng mga kayumangging ito sa pag-irog

sa sinisintang kabiyak at sa pagiging tapat din sa pakikipag-ugnayan sa pinili niyang makakasama sa

buhay. Batay ito sa isang nakaraang kaganapan, noong may higit pang katinuan at takot sa Diyos ang

mga tao. May kaugnayan ang salitang ito sa isang kasabihang Tagalog na "mahirap mamangka sa

dalawang ilog (o irog). Wala pang nailathalang aklat na nagsasabi kung gaano katanda ang wikang

Tagalog, subalit may dokumento o kasulatang nakalimbag sa tanso na nagpapatunay na ang isang

matandang uri ng wikang pinagmulan ng wikang Tagalog ay umiiral at ginagamit na mahigit sa isang

libong taon nang nakalipas. Ito ang Sulat ng Platong Tanso ng Laguna ng taong 822 A.D., isang bagay

na patuloy pang inuusisa at pinag-aaralan ng mga nagdalubhasa sa wika. Ipinapalagay na sangay na

kauri ng wikang Tagalog ang iba pang mga katutubong wika sa Pilipinas, at patuloy pa ring ginagamit

ang mga ito sa bawat rehiyon at mga lalawigan ng bansa. Nang dumagsa ang mga Kastila sa

kapuluan ng bansang ito, nasumpungan nila na may kabihasnan na dito: na may wika, panulat na

baybayin, at mga payak na lipunang may pinunong tinatawag na datu ng bawat pangkat o barangay.Sa pagtuturo ng mga dayuhan ng kanilang kaalaman mula sa Europa, nahubog ang kaisipan at

kalinangan Pilipino sa kaisipang dayuhan, na nagpatuloy hanggang sa pagdagsa sa bansa ng mga

Amerikano at mga Hapones sa paglipas ng mga panahon. Sa kabila ng impluwensiyang ito, nakilala

ang wikang Tagalog bilang isang pambansang wika na nakalalamang sa ibang mga diyalekto, at

naging higit din sa mga wikang Ingles at Kastila.

Panitik ng baybaying Tagalog o ang alibata.

Sa kahabaan ng 333 taong pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, mayroon mga nasulat na mga

pambalarila at mga talahuluganan ang Kastilang kaparian katulad ng Vocabulario de la LenguaTagala ni Pedro de San Buenaventura (Pila, Laguna, 1613), Vocabulario de la lengua tagala (1835)

at Arte de la lengua tagala y manual tagalog para la administración de los SantosSacramentos (1850). Itinuturing ang mmakatang si Francisco Baltazar (1788-1862) bilang

pinakamahusay na manunulat na Tagalog. Ang Florante at Laura ang kaniyang pinakabantog na akda,na naisulat noong ika-19 daantaon.

Noong 1937, napili ng National Language Institute ang Tagalog bilang batayan ng pambansang wika

ng Pilipinas. Noong 1939, tinawag ni Pangulong Manuel L. Quezon ang Tagalog bilang ang WikangPambansa. Noong 1959, muli itong pinangalanang Pilipino ni Jose Romero, ang Sekretaryo ng

Edukasyon noon, upang mabigyan ang Tagalog ng isa pambansang tatak at diwa, sa halip na

pangpangkat etniko lamang. Subalit hindi nagresulta ang pagpapalit ng pangalan ng Tagalog sa

pagtanggap, sa diwang nakadarama, ng mga hindi Tagalog, partikular na ang mga Sebwano, na hindi

sumang-ayon sa pagkakapili ng Tagalog bilang wikang pambansa. [5].

Noong 1971, muling binalikan an paksang pangwikang ito, at may isang kinalabasang kasunduan-

isang "makapandaigdigang" gawi sa pagkakaroon ng wikang pambansa, na tatawaging Filipino, sa

halip na Pilipino. Nang ibalangkasa ang bagong konstitusyon ng 1987, tinawag na Filipino ang wikang

pambansa.[5] Nilahad ng konstitusyon na habang umuunlad at nagbabago ang wikang Filipino, lalo pa

itong pauunlarin at pagyayamanin batay sa buhay na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.

Ang Pinagmulán ng mga Wikà ng Filipinas

Sinu-sino ang mga dayuhang nagdalá ng ibá’t ibáng wikà sa Filipinas? Iyán ang katanunganng isáng panauhin dito sa Sarisari etc.

7/15/2019 Ang Kasaysayan Ng Komisyon Sa Wikang Filipino

http://slidepdf.com/reader/full/ang-kasaysayan-ng-komisyon-sa-wikang-filipino 8/8

Maraming lahì ang nagdalá ng kaní-kaniláng salitâ sa Filipinas noóng unang panahón, ngunitang mga wikang dinatnán nilá sa Filipinas ay taál na Filipino.

Dati'y may teoryang ang tawag ay wave theory . Ayon sa wave theory , ang mga ninunò nglahing Filipino ay dumayo sa Filipinas nang iláng ulit o wavesng pandarayuhan sapamamagitan ng mga tuláy na lupà na nalantád dahil mas mababaw ang mga dagat noong

panahón ng kalamigang pandaigdíg (Ice Age). Nanggaling daw silá sa Indonesia, Malaysiaat ibá pang lugár. Libu-libong taón daw ang pagitan ng bawat panahón ng pandarayuhan.Diumanó’y itó raw ang sanhî kung bakit may mga Ita, Ifugáw at modernong Filipino saFilipinas. Subalit ngayón ay hindî na tinátanggáp ang teoryang itó.

Ayon sa mga bagong pananaliksík sa larangan ng wikà (comparative linguistics,lexicostatistics), ang mga wikà ng ibá't ibáng grupo sa Filipinas ay masyadongmagkakahawig kayâ hindî máaaring may iláng libong taón ang pagitan ng kaní-kanilángpagdatíng. Makikita rin sa mga bagong ebidensyá sa larangan ng arkeolohiya na tulúy-tulóyat hindî paulit-ulit ang nagíng pandarayuhan sa Filipinas.

May relasyón sa bawat isá ang mga wikà sa Filipinas. Ang pangalan ng pamilya ng mgawikang itó ay Austronesian o Malayo-Polynesian. Ang mga wikang Austronesian ay mga

wikà mula sa mga pulô ng Southeast Asia hanggáng sa Easter Island na malapit sa South America.

Malamáng na ang unang mga taong nagsasalitâ ng íisáng wikang Austronesian ay dumatíngsa Filipinas mula sa hilagà (north) limáng libong taón na ang nakalipas. Nagkahiwá-hiwaláysilá at nagsikalat sa buóng kapuluán. Dahil sa habà ng panahón na nagkahiwaláy silá, untí-untíng nagbago ang kanilang pagsasalitâ. Dumatíng ang panahón na ang mga grupong itóay hindî na nagkaintindihan. Ang ibig sabihin ay nagíng bago na ang mga wikà atpagsasalitâ ng ibá’t ibáng grupo. Ito ang mga wikang kilala natin sa Filipinas ngayón tuladng Ilokano, Tagalog, Cebuano at marami pang ibá.

Ganitó rin ang nangyari sa ibáng mga bahagi ng Timog-Silangan tulad ng Malaysia at

Indonesia. Nang simulán nilá ang pangangalakal sa mga pulô, nadalá rin nilá ang kanilángmga bagong salitâ sa Filipinas - patí yaóng mga salitáng natutuhan nilá sa ibá pang masmalalayong bansá tulad ng India.

Mula noon hanggáng ngayón, ang mga Filipino, tulad ng lahát ng lahì sa daigdíg, aynanghíhirám ng mga salitâ mulâ sa maraming dayuhang lahì. Masasabi nating patuloy nanagbabago ang mga wikà sa mundó dahil lahát tayo ay patuloy ang panghíhirám atpaggamit ng mga bagong salitâ sa ating pangungusap.

Bagamá’t may mga wikang dayuhan na nagkaroón ng impluwensiyá sa paglagô ng mgawikang Filipino, ang Filipinas ay may sariling mga taál na wikà bago pa man itó nápuntahánng mga dayuhan.