Ang Kasaysayan Ng Depto Ng Linggwistiks - Pinaikling Bersyon

5
ANG KASAYSAYAN NG DEPARTAMENTO NG LINGGWISTIKS Ernesto Constantino Ang Simula: Department of Philippine Linguistics Ang Departamento ng Linggwistiks ay dumaan sa maraming pagbabago hindi lang sa pangalan kundi gayon din sa direksyon at oryentasyon. Nagsimula ang departamentong ito sa pangalan na Department of Linguistics o Departamento ng Linggwistiks ng Pilipinas na itinatag noong Agosto 28, 1922. Naging unang pangulo ng departamento ang kilalang ilustrado na si Trinidad Pardo de Tavera na noon ay Profesor ng Español sa Unibersidad ng Pilipinas. Sa pagkakatatag ng departamento, inaasahan ang magiging papel at kahalagahan ng departamento sa edukasyon at kapakanan ng mga Pilipino, hindi lang noong panahong iyon kundi lalao na sa kasalukuyan at sa mga darating na panahon na kinakaharap at kahaharapin ng mga Pilipino ang kanilang problema sa wika. Sa katunayan, ang mga probleman pangwika sa edukasyon at pambansang komunikasyon ang nagsilbing pinakamalakas na pwersa sa pagkakatayo sa UP ng unang departamento ng mga wika ng mga Pilipino. Ito ang tinawag na nasyunalistikong kilusan na tumungo at kasama sa pagkakatayo ng Department of Philippine Linguistics sa UP. Sa mga unang buwan ng taong 1922, madalas lumabas sa mga dyaryo sa Maynila, lalo na sa Philippines Herald at Manila Times, ang mga report at editoryal tungkol sa kahilingan ng maraming Pilipino at ilang mga dayuhan na magturo sa UP ng mga kurso tungkol sa mga wika sa Pilipinas, lalo na ang mga pangunahing wika tulad ng Tagalog at Bisaya. Una ay dahil sa ang Pilipinas daw ang dapat na maging sentro ng pag-aaral ng mga wika natin; ang mundo raw ay umaasa sa ating bansa na magbigay ng iskolarsip at direksyon sa pag-aaral ng mga wikang ito. Ang ikalawang dahilan ay may kinalaman sa pabubuo ng wikang pambansa. Dapat pag-aralan at ituro sa UP ang mga wikang ito sa isang wika na siyang magsisilbing wikang pambansa. Mabilis ang pagkakatatag ng Department of Philippine Linguistics. Noong Hunyo 20, bumuo ang presidente ng isang ‘advisory committee’ tungkol sa isyung ito. Kasama sa komiteng ito ay sina Tavera, na siyang tserman, Epifanio de los Santos at Otto Scheerer. Noong Agsto 10, 1992, isinumite ng nasabing komite ang kanilang ulat sa Presidente ng UP. Sa report na ito, hindi sumang-ayon ang komite sa kahilingan na bumuo ang UP ng isang ‘sintetik na wika’ batay sa pagsasama-sama ng mga wika natin. Hindi naniniwala ang nasabing komite na posibleng makabuo ng isang wika sa ganitong paraan. Hindi rin sang-ayon ang komite sa pagtuturo ng alinman sa mga wikang ito. Inirekomenda nila ang pagtuturo ng ng ‘Philippine Linguistics.’ Ayon sa komite, ang Philippine Linguistics ay ang sayans ng pag-aaral ng mga wika sa arkipelago. Pinagkukumpara ang mgawikang ito sa isa’t isa para malaman ang kanilang kalagayan o katayuan at ang kanilang relasyon at kaugnayan sa isa’t isa. Pag-aaralan din ang pinanggalingan ng mga wikang ito at dahilan ng kanilang pagkakaiba. Batay sa paliwanag ng nasabing komite ang "Philippine Linguistics" ay iyong sayans na gumagawa ng mga pag-aaral ng mga wika sa ating arkipelago. Sa sayans na ito, pinagkukumpara ang mga wikang ito sa isa't isa para malaman ang kanilang kalagayan o katayuan at ang kanilang relasyon at kaugnayan sa isa't isa. Pinag- aaralan din sa sayans na ito ang pinanggalingan ng mga wikang ito, at ang dahilan ng kanilang pagkakaiba. Layunin ng "Department of Philippine Linguistics" na magkaroon ng sayans na magbibigay sa mga estudyante ng kakayahang bumuo ng sapat, malaya at intelehenteng pananaw tungkol sa kinabukasan ng mga sariling wika natin. Nagsimula ang pagtuturo ng mga kurso sa Department of Philippine Linguistics noong pasukan 1923-24. Dalawang kurso lang na kapwa elektiv at may 3 puntos na kredit ang itinuro 1. Philippine Linguistics 101. History and methodology of the comparative study of languages. 2. Philippine Linguistics 102. History of the exploration of Oceanic languages.

Transcript of Ang Kasaysayan Ng Depto Ng Linggwistiks - Pinaikling Bersyon

Page 1: Ang Kasaysayan Ng Depto Ng Linggwistiks - Pinaikling Bersyon

ANG KASAYSAYAN NG DEPARTAMENTO NG LINGGWISTIKS

Ernesto Constantino

Ang Simula: Department of Philippine Linguistics

Ang Departamento ng Linggwistiks ay dumaan sa maraming pagbabago hindi lang sa pangalan kundi

gayon din sa direksyon at oryentasyon. Nagsimula ang departamentong ito sa pangalan na Department of

Linguistics o Departamento ng Linggwistiks ng Pilipinas na itinatag noong Agosto 28, 1922. Naging unang

pangulo ng departamento ang kilalang ilustrado na si Trinidad Pardo de Tavera na noon ay Profesor ng

Español sa Unibersidad ng Pilipinas.

Sa pagkakatatag ng departamento, inaasahan ang magiging papel at kahalagahan ng departamento sa

edukasyon at kapakanan ng mga Pilipino, hindi lang noong panahong iyon kundi lalao na sa kasalukuyan at sa

mga darating na panahon na kinakaharap at kahaharapin ng mga Pilipino ang kanilang problema sa wika. Sa

katunayan, ang mga probleman pangwika sa edukasyon at pambansang komunikasyon ang nagsilbing

pinakamalakas na pwersa sa pagkakatayo sa UP ng unang departamento ng mga wika ng mga Pilipino. Ito ang

tinawag na nasyunalistikong kilusan na tumungo at kasama sa pagkakatayo ng Department of Philippine

Linguistics sa UP.

Sa mga unang buwan ng taong 1922, madalas lumabas sa mga dyaryo sa Maynila, lalo na sa

Philippines Herald at Manila Times, ang mga report at editoryal tungkol sa kahilingan ng maraming Pilipino

at ilang mga dayuhan na magturo sa UP ng mga kurso tungkol sa mga wika sa Pilipinas, lalo na ang mga

pangunahing wika tulad ng Tagalog at Bisaya. Una ay dahil sa ang Pilipinas daw ang dapat na maging sentro

ng pag-aaral ng mga wika natin; ang mundo raw ay umaasa sa ating bansa na magbigay ng iskolarsip at

direksyon sa pag-aaral ng mga wikang ito. Ang ikalawang dahilan ay may kinalaman sa pabubuo ng wikang

pambansa. Dapat pag-aralan at ituro sa UP ang mga wikang ito sa isang wika na siyang magsisilbing wikang

pambansa.

Mabilis ang pagkakatatag ng Department of Philippine Linguistics. Noong Hunyo 20, bumuo ang

presidente ng isang ‘advisory committee’ tungkol sa isyung ito. Kasama sa komiteng ito ay sina Tavera, na

siyang tserman, Epifanio de los Santos at Otto Scheerer.

Noong Agsto 10, 1992, isinumite ng nasabing komite ang kanilang ulat sa Presidente ng UP. Sa report

na ito, hindi sumang-ayon ang komite sa kahilingan na bumuo ang UP ng isang ‘sintetik na wika’ batay sa

pagsasama-sama ng mga wika natin. Hindi naniniwala ang nasabing komite na posibleng makabuo ng isang

wika sa ganitong paraan. Hindi rin sang-ayon ang komite sa pagtuturo ng alinman sa mga wikang ito.

Inirekomenda nila ang pagtuturo ng ng ‘Philippine Linguistics.’

Ayon sa komite, ang Philippine Linguistics ay ang sayans ng pag-aaral ng mga wika sa arkipelago.

Pinagkukumpara ang mgawikang ito sa isa’t isa para malaman ang kanilang kalagayan o katayuan at ang

kanilang relasyon at kaugnayan sa isa’t isa. Pag-aaralan din ang pinanggalingan ng mga wikang ito at dahilan

ng kanilang pagkakaiba. Batay sa paliwanag ng nasabing komite ang "Philippine Linguistics" ay iyong sayans

na gumagawa ng mga pag-aaral ng mga wika sa ating arkipelago. Sa sayans na ito, pinagkukumpara ang mga

wikang ito sa isa't isa para malaman ang kanilang kalagayan o katayuan at ang kanilang relasyon at

kaugnayan sa isa't isa. Pinag- aaralan din sa sayans na ito ang pinanggalingan ng mga wikang ito, at ang

dahilan ng kanilang pagkakaiba. Layunin ng "Department of Philippine Linguistics" na magkaroon ng sayans

na magbibigay sa mga estudyante ng kakayahang bumuo ng sapat, malaya at intelehenteng pananaw tungkol

sa kinabukasan ng mga sariling wika natin.

Nagsimula ang pagtuturo ng mga kurso sa Department of Philippine Linguistics noong pasukan

1923-24. Dalawang kurso lang na kapwa elektiv at may 3 puntos na kredit ang itinuro

1. Philippine Linguistics 101. History and methodology of the comparative study of languages.

2. Philippine Linguistics 102. History of the exploration of Oceanic languages.

Page 2: Ang Kasaysayan Ng Depto Ng Linggwistiks - Pinaikling Bersyon

Si Scheerer lang ang nagturo ng dalawang kursong ito. Pito ang mga estudyante niya sa unang

semistre. Isa sa kanila si Cecilio Lopez, ang naging unang linggwist na Pilipino.

Ang Wikang Hapon at Intsik at ang Philippine Linguistics: Department of Oriental Languages

Kung mabilis na itinayo ang Department of Philippine Linguistics mabilis din itong binago. Sa

sumunod na pasukan, 1924-25, inilagay sa departamentong ito ang mga kurso sa mga wikang Intsik at Hapon

at binago ang pangalang ng departamento at ginawang Department of Oriental Languages. Ang Philippine

Linguistics ay naging isa na lang sa tatlong seksyon ng Department of Oriental Languages. Ang dalawang

seksyon ay ang Seksyon sa Wikang Intsik at ang Seksyon sa Wikang Hapon.

Nagkaroon din ang pangulo ng departamento sa taong ito. Noong Agosto 1924, pinalitan ni Scheerer si Tavera

bilang pangulo ng departamento. Dahil nag-iisa lang si Scheerer na linggwist sa departamento at malapit na

syang magretayr, ipinadala noong Agosto 1926 si C. Lopez, na isa sa mga estudyante ni Scheerer at noon ay

instructor sa wikang Pranses, sa Unibersidad ng Hamburg sa Germany para mag-ispesyalays sa linggwistiks.

Natapos ni Lopez ang degring Doktor sa Pilosofi mejor sa Linggwistiks noong 1928, pero hindi sya bumalik

agad sa UP. Nagretayr si Scheerer noong 1929 at nagpatuloy syang magturo bilang Profesor Emeritus.

Bumalik sa UP si Lopez noong 1930 at siya ay naging pangulo ng departamento. Noong Enero 1937

lumipat sya sa Instityut ng Wikang Pambansa na itinayo noong 1936 bilang Secretary and Executive Officer

ng nasabing instityut. Sya rin ay kumatawan sa Tagalog doon. Kaya’t simula ng taong 1937 hanggang sa

pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig wala nang nagturo sa mga kurso sa Philippine Linguistics sa UP

dahil noon lang matapus ang nasabing gyera bumalik si Lopez sa UP.

Gayunman, noong 1938, may malaking pagbabago na naman na nangyari sa Department of Oriental

Languages. Noong Pebrero nang taong iyon inaprubahan ng University Council ang apat na kurso sa wika at

Panitikang Tagalog at inilagay ang mga ito sa Department of Oriental Languages. Pagkatapos, noong Mayo 26,

1938 inaprubahan ng Board of Regents (BOR) ng UP ang apoynment ni Lope K. Santos, isang politiko,

nobelista, makata, mambabalarila at lider ng mga obrero. Bilang Assistant Professor ng Tagalog mula Hunyo

1, 1938 hanggang Mayo 31, 1939. Pagkatapos, sa sumunod na miting ng nasabing BOR noong Hulyo 29, 1938,

ginawang permanent ang apoyntment ni Santos mula Hunyo 1, 1938, iyong mismong petsa ng pagsisimula ng

kanyang apoyntment sa UP. At ipinaalam din ni PangulongQuezon sa nasabing BOR na inapoynt niya si Santos

sa Instityut ng Wikang Pambansa bilang kinatawan ng Tagalog. Dahil dito, ang gramar o balarila ni Santos ng

wikang Tagalog ang naging opisyal na gramar ng wikang pambansa batay sa Tagalog na ng malauna’y tinawag

na Pilipino.

Nagturo si Santos sa UP ng mga kurso sa wika at literaturang Tagalog mula 1938 hanggang 1941

noong dumating ang gyerang Hapon. Nang matapos ang gyera at magbukas muli ang UP noong 1945, bumalik

si Lopez sa Department of Oriental Languages. Hindi na bumalik si Santos. Nag-iisa si Lopez sa departamento.

Sa sumunod na pasukan nagkaroon siya ng kasama sa departamento, si E. Arsenio Manuel, na nagturo ng mga

kursong Tagalog. Nagtagal si Manuel sa departamento ng dalawang taon. Pinalitan siya ni Jose V. Añonuevo

noong pasukan 1948-49. Nagretayr si Añonuevo noong 1962 at pinalitan sya agad ni Tomas N. Aguirre na

humiwalay sa departamento kasama ang mga kurso sa Pilipino (na pumalit sa Tagalog) noong Enero 1966.

Samantala, noong dekada ng 1950, may dalawang pangyayari na naging dahilan ng malaking

pagbabago sa departamento. Ang una dito ay ang pagpunta ni Dr. Lopez sa Amerika noong 1950 bilang fellow

ng John Simon Guggenheim Memorial Foundation para kumuha ng mga "advance courses" sa linggwistiks.

Pagkatapos ng isang taon sa Amerika bumalik si Dr. Lopez sa departamento at inintrodyus nya ang mga kurso

mula sa "American Linguistics" para sa degri ng MA sa linggwistiks.

Simula sa sumunod na pasukan, 1952-53, nagturo naman ng linggwistiks sa departamento ang

Amerikanong linggwist na miyembro ng Summer Institute of Linguistics. Itinuro nila ang mga kurso sa

‘American Linguistics’ para sa degri na MA at noong 1955, nagtapos ang unang gradweyt ng departamento sa

linggwistiks sa degring MA.

Page 3: Ang Kasaysayan Ng Depto Ng Linggwistiks - Pinaikling Bersyon

Bago matapos ang dekada ng 1950, nadagdagan ang departamento ng isang linggwist na Pilipino.

Naging myembro si Dr. Ernesto Constantino ng departamento noong 1959 pagkatapos makuha ang kanyang

Ph.D. degree mejor sa linggwistiks sa Amerika. Sa kanyang pagsama sa fakulti ng departamento parang lalong

lumakas ang Amerikanong Linggwistiks sa departamento.

Simula sa dekada ng 1950 mabilis ang pag-unlad ng linggwistiks sa departamento. Dumami ng

dumami ang mga estudyanteng kumuha ng mga kurso sa linggwistiks, lalo na iyong mga kurso sa "descriptive

linguistics." na galing sa Amerika.

Noong 1962, nagsimula ang mga reserts projek sa departamento tungkol sa mga wika sa Pilipinas.

Mahigit na 15 taon na sinuportahan ng UP ang mga projek na ito. Sa pamamagitan ng mga projek na ito,

pinag-aralan ng departamento ang mga wika sa Pilipinas para gamitin ito bilang batayan ng linggwistik sa

departamento. Noong 1970, sinimulan ng departamento ang programa para sa Ph.D. sa Philippine Linguistics.

Nagtapos noong 1977 ang unang gradweyt sa programang ito.

Ang Linggwistiks bilang Sosyal Sayans: Department of Linguistics

Noong 1971 sinimulan sa departamento ang pagroteyt o pagpapaikot sa posisyon ng tserman. At

noong 1973, pinalitan ang pangalan ng departamento at naging Department of Linguistics and Asian

Languages. At noong maghiwalay ang College of Arts and Sciences sa tatlong magkakahiwalay na kolehyo

noong 1983 sumama ang aming departamento sa College of Social Sciences and Philosophy at inigsian ang

pangalan nito sa Department of Linguistics. Gayunman na nanatili pa rin sa departamentong ito ang mga

kurso sa Asian languages. Noong Enero, 1977 pormal na inaprubahan ng departamento ang mga sumusunod

bilang pangunahin at pangalawang layunin ng departamento.

I. Mga Pangunahing layunin:

1. ipagpatuloy ang pagdebelop sa departamento bilang pangunahing sentro para sa pag-aaral at pag-aarkayv

ng mga wika at dayalek sa Pilipinas:

2. magkontribyut sa pangkalahatan at teoretikal na linggwistiks, unang-una batay sa pag-aaral ng mga wika at

dayalek ng Pilipinas; at

3. batay sa mga sarbey at pag-aaral ng mga wika at dayalek sa Pilipinas, tumulong nang diretsahan at nang

makabuluhan sa pagkilala, paglilinaw at solusyon ng mga problema sa wika sa Pilipinas, lalo na sa edukasyon

at sa pambansang komunikasyon at integrasyon.

II. Pangalawang Layunin:

1. Gawing mas mabuti ang pagtuturi ng mga pambansang wika sa Asya alinsunod sa pangangailangan ng mga

Pilipino.

Mga Kontribusyon ng Departamento sa Pagdevelop ng Wikang Pambansa

1. Si Dr. Lopez na noo'y pangulo ng departamento ang kinuhang Secretary and Executive Officer ng instityut

wikang pambansa at namahala sa paggawa ng mga komparitibong pag-aaral ng mga wika natin na syang

ginamit na batayan sa pagpili ng Tagalog bilang batayan ng ating wikang pambansa na pinangalanang Pilipino

noong 1936. Si Lope K. Santos na isang miyembro ng fakulti naman ang sumulat ng Balarila ng Wikang

Pambansa, opisyal na gramar ng wikang pambansa.

2. Nang tanggihan ng 1971 Kombensyon Konstitusyunal ang wikang Pilipino bilang wikang pambansa natin,

ang proposal ng ating departamento kasama ang Departamento ng Pilipino at Panitikan ng Pilipinas para sa

pagdevelop ng wikang ito ang tinanggap ng nasabing kombensyon. Nakilala ang proposal na ito sa pangalang

"universal approach" o "paraang unibersal" na naglalayon idevelop ang ating wikang pambansa batay sa mga

iba't ibang wika natin. Ang wikang pinili bilang wikang pambansa alinsunod sa proposal na ito ay tinawag na

Filipino. Ito ring wikang ito ang pinili ng 1986 Konstitusyonal Komisyon at ang disisyong ito ay inilagay sa

ating kasalukuyang konstitusyon.

3. Wala ng ibang departamento sa bansa ang nagtuturo ng linggwistiks alinsunod unang-una sa istruktura at

katangian ng mga wika natin at hindi alinsunod sa istruktura at katangian ng wikang Ingles o mga banyagang

wika.

Page 4: Ang Kasaysayan Ng Depto Ng Linggwistiks - Pinaikling Bersyon

Mabilis ang pag-unlad at pagsulong ng linggwistiks sa ating departamento simula noong 1962 nang

gamitin namin ang linggwistiks sa pag-aaral ng mga iba't ibang wika natin. Noong 1962, sinimulan ang

intensibong pag-aaral ng mga wika natin sa pamamagitan ng mga reserts prodyik. Pinlanong kumolekta ng

mga materyales o data sa lahat lahat ng mga wika mula sa mga tagapagsalita ng mga wikang ito sa mga lugar

na kanilang tinitirhan. Nangulekta din kng mga epiko at ibang bagay sa oral na literatura ng mga iba't ibang

etnolinggwistikong grupo para naanalays ang mga ito sa paraan ng linggwistiks.

Sa panahong ito, isa lang ang programa ng ating departamento para sa degri - ang programa para sa

degri ng M.A. sa Ling. Noong 1970, sinimulan namin ang programa para sa degring Ph.D. sa Phil. Ling.. Ang

noong 1975 dahil sa kahilingan ng maraming estudyante na naging interesado sa linggwistiks, sinimulan

namin ang programa para sa degring B.A. sa linggwistiks. Kayat kumpleto na ang akademikong programa sa

linggwistiks ng departamento. Sinimulan din ang paggamit ng wikang Filipino sa departamento sa pagtuturo

ng mga kurso at sa pagsulat ng mga reserts paper. Gumagawa rin ang departamento ng mga pag-aaral tungkol

sa wikang pambansa na Filipino. Hanggang sa kasalukuyan, patuloy ang departamento sa pagtataguyod ng

masigla at aktibong pag-aaral ng wika at paglulunsad ito ng mga programang nagsusulong ng kahalagahan ng

wika sa lipunang Pilipino.

Page 5: Ang Kasaysayan Ng Depto Ng Linggwistiks - Pinaikling Bersyon