Ang FLEMMS, Sistema Ng Edukasyon at Ang Wika

9
Michael Wilson I. Rosero Prof. Mary Ann Bacolod 2007-00303 Linguistics 180 Ang FLEMMS, Sistema ng Edukasyon, at ang Wika I. Introduksyon Sa loob ng mahabang panahon, pinanghahawakan natin ang reputasyon na tayo ay isa sa mga bansang papaunlad na may mataas na antas ng edukasyon at literasya. Kumpara sa ibang bansa,-aral. Subalit hindi na ngayon. Habang patuloy na sumusulong ang mga karatig-bansa natin sa Asya, nananatiling huli at tila di makausad ang Pilipinas. Anumang naging kalamangan ng Pilipinas na maaaring ipagmalaki nito sa yamang-tao nito ay unti-unti nang nauungusan habang ang mga bansang tulad Thailand, Indonesia, Malaysia at maging ng Vietnam ay patuloy na nakakapagtala ng mataas na bilang ng enrollment rate kahit sa antas ng sekundarya (tingnan ang Figure 1). Karagdagan pa dito ay ang malaking bilang ng mga batang nakakatuntong sa huling baitang ng pag-aaral. Umaabot lamang ng 8% ng mga nakapag-aral ang nakakapagtapos ng kolehiyo (FLEMMS, 2003). Figure 1: Net enrollment rates sa antas ng primarya at sekondarya (Silangang Asya, 2000) Kinakatawan ng striped bars ang antas ng primarya at solid bars ang sa sekundarya. Walang nakuhang datos sa China at Thailand sa sekondarya. Data Sources: UNESCO, 2003; World Bank, 2003 Subalit higit sa mababang bilang ng mga pumapasok sa paaralan at antas ng natapos ay ang malaking suliranin sa mababang kalidad ng edukasyon sa bansa. Marami sa mga mag-aaral ang hindi natututo sa dapat nilang natutunan sa paaralan. At ito ay maiuugnay sa mga polisiya at mga programang ipinapatupad at sa mismong sistema ng edukasyon mayroon ang ating bansa.

Transcript of Ang FLEMMS, Sistema Ng Edukasyon at Ang Wika

Page 1: Ang FLEMMS, Sistema Ng Edukasyon at Ang Wika

Michael Wilson I. Rosero Prof. Mary Ann Bacolod

2007-00303 Linguistics 180

Ang FLEMMS, Sistema ng Edukasyon, at ang Wika

I. Introduksyon

Sa loob ng mahabang panahon, pinanghahawakan natin ang reputasyon na tayo ay isa sa

mga bansang papaunlad na may mataas na antas ng edukasyon at literasya. Kumpara sa ibang

bansa,-aral. Subalit hindi na ngayon. Habang patuloy na sumusulong ang mga karatig-bansa natin sa

Asya, nananatiling huli at tila di makausad ang Pilipinas. Anumang naging kalamangan ng Pilipinas na

maaaring ipagmalaki nito sa yamang-tao nito ay unti-unti nang nauungusan habang ang mga

bansang tulad Thailand, Indonesia, Malaysia at maging ng Vietnam ay patuloy na nakakapagtala ng

mataas na bilang ng enrollment rate kahit sa antas ng sekundarya (tingnan ang Figure 1). Karagdagan

pa dito ay ang malaking bilang ng mga batang nakakatuntong sa huling baitang ng pag-aaral.

Umaabot lamang ng 8% ng mga nakapag-aral ang nakakapagtapos ng kolehiyo (FLEMMS, 2003).

Figure 1:

Net enrollment rates sa antas ng primarya at sekondarya (Silangang Asya, 2000)

Kinakatawan ng striped bars ang antas ng primarya at solid bars ang sa sekundarya.

Walang nakuhang datos sa China at Thailand sa sekondarya.

Data Sources: UNESCO, 2003; World Bank, 2003

Subalit higit sa mababang bilang ng mga pumapasok sa paaralan at antas ng natapos ay ang

malaking suliranin sa mababang kalidad ng edukasyon sa bansa. Marami sa mga mag-aaral ang hindi

natututo sa dapat nilang natutunan sa paaralan. At ito ay maiuugnay sa mga polisiya at mga

programang ipinapatupad at sa mismong sistema ng edukasyon mayroon ang ating bansa.

Page 2: Ang FLEMMS, Sistema Ng Edukasyon at Ang Wika

Naaayon sa Konstitusyon ang karapatang mabigyan ng mataas na kalidad ng edukasyon ang

lahat ng mamamayan sa lahat ng antas at tungkulin ng Estado na ipagtanggol ang karapatang ito.

Iniaatas din ng Konstitusyon sa Estado ang gampaning magsagawa ng mga karampatang hakbang

upang gawing bukas at para sa lahat ang nasabing kalidad ng edukasyon. At dahil dito, isinagawa ang

2003 Functional Literacy, Education and Mass Media Survey o FLEMMS na may layuning magbigay ng

isang balangkas o plano na siyang magiging batayan ng mga polisiya at pogramang pang-edukasyon

na ipapatupad sa bansa.

Ang 2003 FLEMMS ay ikatlo sa serye ng mga survey sa functional literacy na isinasagawa ng

National Statistics Office (NSO). Naisagawa ang unang dalawa pa noong 1989 at 1994. Tumutulong

din ang Literacy Coordinating Council (LCC) at Department of Education (DepEd) sa paggawa at

pagpapaunlad ng mga questionnaire na ginagamit sa survey.

Sa papel na ito, tatalakayin ang kinalabasan ng pinakahuling survey sa functional literacy at

susuriin ang mga polisiyang ipinatupad batay sa naging resulta nito at kaugnayan nito sa umiiral na

sistema ng edukasyon sa bansa. Sa magiging pagsusuri, titingnan ang mga polisiya at naging epekto

nito sa kalidad ng edukasyon at antas ng literasya sa bansa. Tutukuyin kung ang mga polisiya at

programang ibinatay sa mga nagdaang FLEMMS ay nakatulong upang mapagbuti ang sektor ng

edukasyon sa Pilipinas. Bibigyang-pansin ang mga programa/polisiya sa pagtuturo, partikular na sa

wikang panturo at ang mga implikasyon nito. At bilang tugon sa lumalalang kalagayan ng edukasyon

sa bansa, susubukan ng papel na ito na magmungkahi ng solusyon na makakatulong sa pagpapabuti

nito.

II. Ang FLEMMS

A. Ang Survey

Ang Functional Literacy, Education and Mass Media Survey (FLEMMS) ay isang pambansang

suvey na nangangalap ng impormasyon tungkol sa estado ng basic at functional literacy ng

populasyon, edukasyunal na kwalipikasyon at exposure ng mga tao sa midya. Ang survey na ito ay

isinasagawa upang makakuha ng mga datos na siyang magiging batayan ng mga polisiyang at

programang pang-edukasyon na magpapabuti sa kalagayan at kalidad ng edukasyon sa bansa. Ito ay

isinasagawa ng National Statistics Office sa pakikipagtulungan ng Literacy Coordinating Council (LCC)

at Department of Education (DepEd).

Layunin ng FLEMMS na makapagbigay ng isang kantitatibong balangkas mula sa mga nakalap

na datos na siyang magiging batayan sa paggawa at pagpapatupad ng mga polisiya at programang

pang-edukasyon sa bansa. Sa survey na ito, nilalayon na tantyahin ang proporsyon ng populasyon ng

10 taong gulang pataas na basically literate/illiterate at proporsyon ng populasyong may edad 10

taong gulang hanggang 64 taon na functionally literate/illiterate. Layunin din nito na alamin ang mga

Page 3: Ang FLEMMS, Sistema Ng Edukasyon at Ang Wika

edukasyunal na kwalipikasyon ng populasyon batay sa pormal na pag-aaral at exposure ng mga tao sa

midya.

Ginagamit ng FLEMMS ang mga sumusunod na termino na siya ring gagamitin sa papel na ito.

Ang basic o simple literacy ay ang kakayahan ng isang taong magbasa at magsulat ng may pang-

unawa ng isang simpleng mensahe sa kahit anong wika at diyalekto. Ang functional literacy naman ay

ang mataas na antas ng literasya na tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na magbasa, magsulat at

magbilang at magamit ang mga kakayahang sa epektibong pakikipag-ugnayan gamit ang nakasulat

na wika. Mula sa pagpapakahulugan na ito ay magkakaroon ng apat na antas ng functional literacy:

Level 0 na di kayang magbasa at magsulat; Level 1 na may kakayahang magbasa at magsulat; Level 2,

may kakayahang magbasa, magsulat at magbilang; Level 3, may kakayahang magbasa, magsulat,

magbilang at makaunawa (comprehension) at Level 4, antas ng nakapagtapos ng high school o mas

mataas pa (FLEMMS, 2003).

Ang mga sumusunod na survey form ang ginamit sa 2003 FLEMMS.

• FLEMMS Form 1 – Household Questionnaire

• FLEMMS Form 2 – Individual Questionnaire

• FLEMMS Form 3 – Interviewer’s Assignment Sheet

• FLEMMS Form 4 – Field Supervisor’s Progress Sheet

• FLEMMS Form 5 – Interviewer’s Daily Accomplishment Report

• FLEMMS Form 6 – Spot Check Record

• FLEMMS Form 7 – Re-interview Record

• FLEMMS Form 8 – Folio Cover

Ang FLEMMS Form 1 (Household Questionnaire ay ginagamit upang mangalap ng

impormasyon hinggil sa demograpikong katangian, basic literacy, antas ng edukasyon, trabaho

ng mga miyembro sa bahay at mga gamit sa bahay. Ang FLEMMS Form 1 ay nakasulat sa wikang

Ingles at nakasalin sa anim na pangunahing diyalekto, Tagalog, Ilokano, Bikol, Waray, Cebuano at

Hiligaynon (FLEMMS, 2003)

B. Ang Pinal na Ulat

Edukasyon

Ayon sa 2003 FLEMMS, pinakamalaking proporsyon ng mga Pilipinong may edad 6 na

taong gulang pataas ay nasa elementarya. Noong 2003, 29 na porsyento ng 69 milyong

populasyon ng 6 na taong gulang pataas o 3 sa bawat 10 bata ang ang pumasok sa pang-

elementaryang paaralan subalit hindi natapos ang antas ng elementarya. Isa sa bawat sampu ang

walang pormal na edukasyon (9.0%). Labing-isang porsyento (11%) ang mga nakapagtapos ng

elementarya pero hindi tumuloy sa sekundarya. Labing-anim na porsyento (16%) ang nakatuntong

Page 4: Ang FLEMMS, Sistema Ng Edukasyon at Ang Wika

subalit hindi natapos ang high school samantalang 16 na porsyento din ang nakatapos ng high

school. Sa kolehiyo, 8.3% ang nakatuntong pero ngunit di nakatapos ng kolehiyo at 8.0 naman

ang nakatapos ng kolehiyo o mas mataas na antas ng edukasyon (FLEMMS, 2003).

Sa kabuuan, mapapansin na habang tumataas ang antas ng edukasyon, paunti ng paunti ang

bilang ng may kakayahang makatuntong man lang at makapagtapos ng huling baitang ng edukasyon,

ang kolehiyo.

Literasya

Ang matukoy ang antas ng kakayahang magsulat, magbasa at magbilang at makaunawa at

magamit ang mga ito sa pang-araw-araw na gawain ang layunin ng FLEMMS. Sa pinakahuling

FLEMMS, bumaba ng 0.5 porsyento ang simple literacy rate kumpara sa 1994 FLEMMS, samantalang

tumaas ng 0.3 porsyento ang functional literacy rate.

Figure 2: Simple at Functional Literacy Rate

Ang simple o basic literacy ang kakayahan ng isang taong magbasa at magsulat ng

maypang-unawa ng isang simpleng mensahe sa anumang wika o diyalekto. Sa tinatayang 62

milyong Pilipinong may edad 10 pataas, 93 porsyento ang basically literate. Sa pinakahuling

FLEMMS, siyam sa bawat sampung Pilipino ang marunong magbasa at magsulat Patuloy ang

pagtaas ng bilang ng mga literate ng 10.6 million mula 1994 hanggang 2003 kasabay ng paglaki ng

populasyon ng may edad 10 taon pataas kahit na bumaba ang simple literacy rate ng 0.5

porsyento. Samantala, iregular naman ang naging takbo ng mga bilang ng illiterate. Mula 4.4

milyon noong 1989, bumaba ito sa 3.1 milyon noong 1994, at umakyat muli ng 4.4 milyon noong

2003.

Page 5: Ang FLEMMS, Sistema Ng Edukasyon at Ang Wika

Figure 3: Simple Literacy Rate

Sa 2003 FLEMMS, may apat na lebel ng functional literacy. Level 0 ang mga taong di

marunong magbasa at magsulat. Level 1 naman ang mga basically literate, na marunong magbasa at

magsulat. Functionally literate naman ang Level 2 na marunong magbasa, magsulat at magbilang at

Level 3 na may kakayahang magbasa, magsulat, magbilang at makaunawa. Itinuturing na functionally

literate din ang mga nakapagtapos ng high school o kahit anong mataas na antas ng edukasyon.

Noong 2003, 51 milyon o 88.6 porsyento ng mga Pilipinong may edad 10 hanggang 64 ang

nakakapagbasa at nakakapagsulat. 84.1 porsyento naman ang may kakayahang numerikal,

nakakapagbasa, nakakapagsulat at nakakapagbilang, na nangangahulugan na ang natitirang 4.5

porsyento ay walang kakayahang magbilang.

Sa pinakahuling survey, walo sa bawat sampu o 49 milyon sa 58 milyong Pilipino ay

functionally literate. Makikita sa 2003 FLEMMS na patuloy ang pagtaas ng bllang ng functional

literate, mula 26.4 milyon at 40.2 noong 1989 at 1994 FLEMMS, umakyat ito sa 48.8 noong 2003 kahit

na bumaba ang antas ng pagtaas o pag-unlad nito. Mula 1989 hanggang 1994, umabot ito ng 8.4%

subalit bumaba ito sa 0.3 mula 1994 hanggang 2003. Naitala naman ang pinakamataas na bilang ng

mga functional illiterate noong 2003, tulad ng simple illiterates. Mula 8.6 milyon (base figure) noong

1989, bumaba ito sa 7.8 milyon noong 1994. Subalit muli itong umakyat ng 9.2 milyon noong 2003.

Figure 3: Functional Literacy

Page 6: Ang FLEMMS, Sistema Ng Edukasyon at Ang Wika

Ipinapakita sa Figure 4 na nangunguna ang National Capital Region (NCR) pagdating

sa simple at functional literacy samantalang nahuhuli naman ang Autonomous Region of Muslim

Mindanao sa parehong aspekto.

Ang NCR ang nasa itaas na may 99 porsyento at sinusundan ng Rehiyon 1 (97.4%) at

CALABARZON (97.2%) na simple literacy. Sa kabilang banda, ang ARMM ang nasa hulihan na may

(70.2%), sumunod ang Rehiyon XII (87.3%) at Rehiyon IX (88.9%).

Figure 4: Regional Performance

Mass Media

Isa sa mga tanong sa FLEMMS ay ang pagpili kung anong anyo ng midya ang

nakakapagbigay sa isang tao ng kaalaman at impormaasyon. Mula sa labindalawang anyo ng

midya, ang telebisyon (61.8%) ang nangungunang pinagmumulan ng impormasyon at kaalaman,

partikular ng mga may edad 15-29 taon. Pumapangalawa ang radyo (56.7%) at sumunod ang

dyaryo (46.5%). Ilan pa sa pinagkukunan ng impormasyon ay ang magazine o libro (35.7%), mga

pulong sa barangay, simbahan o organisasyon (32.2%) at computer/Internet (20.0%).

Figure 5: Mass Media Exposure

Page 7: Ang FLEMMS, Sistema Ng Edukasyon at Ang Wika

III. Ang FLEMMS at Sistema ng Edukasyon sa Bansa

Ang FLEMMS ay isang pambansang survey na dapat isinasagawa kada bawat limang

taon, na may layuning mangalap ng impormasyon at datos hinggil sa kalagayan ng literasya ng bansa

at makapagbigay ng kantitatibong balangkas mula sa mga nakalap na datos na siyang magiging

batayan ng mga polisiya at programang pang-edukasyon ipapatupad sa bansa. Mahalaga ang papel

na ginagampanan nito sapagkat ang resulta nito ang magdidikta sa mga susunod na polisiyang

ipapatupad katulad ng gagamiting wikang panturo. Sa nagdaang mga taon, pagkatapos ng dalawang

FLEMMS, 1989 at 1994, pinapalaganap pa din ang paggamit ng wikang Ingles sa mga paaralan sa

buong kapuluuan.

Sa pinakahuling survey, ang 2003 FLEMMS, lumalabas sa survey na patuloy ang

pagtaas ng bilang ng mga basically at functionally literate na Pilipinong may edad 10 hanggang 64,

kasabay ng paglaki ng populasyon ng bansa. Kung tuutuusin, maituturing na isa itong magandang

tanawin. Subalit sa mga nakalipas na taon, patuloy na bumaba ang kalidad ng edukasyon sa bansa at

ang ipinagmamalaki nating mataas na antas ng literasya ay unti-unti nang nauungusan ng mga

karatig-bansa. Patuloy ang pagbaba ng bilang ng mga pumapasok sa paaralan at mga nakakatapos

ng pag-aaral sa pinakamataas na lebel ng edukasyon (UNESCO, 2003). Higit pa rito ay ang lumalalang

problema sa panig ng mga mag-aaral na hindi na nauunawaan ang mga itinuturo sa paaralan na isa sa

mga pangunahing dahilan ay ang paggamit ng isang wika sa mga paaralan na hindi gaanong

naiintindihan ng mga mag-aaral (Nolasco, 2008). Nakakabahala din ang mataas na antas ng

mga functionally illiterate. Ito ay sa kabila ng magandang resultang ipinapakita ng mataas na antas ng

literasya ng mga nagdaang tatlong FLEMMS. Hindi pa rin maitatanggi na kailangang mapagbuti ang

sistema ng edukasyon na umiiral sa bansa.

Isa sa naging hakbangin upang harapin ang ganitong isyu ng mababang kalidad ng

edukasyon ay ang patuloy na pagsusulong na palakasin ang paggamit ng wikang Ingles bilang wikang

panturo sa mga paaralan. Noong 2006, sinuportahan ng Departamento ng Edukasyon ang pag-iisyu

ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng Executive Order No. 210, ‘Establishing the Policy to

Page 8: Ang FLEMMS, Sistema Ng Edukasyon at Ang Wika

Strengthen the Use of English Language as a Medium of Instruction.’ Layunin nito na palakasin ang

paggamit ng wikang Ingles at dagdagan ang oras na ilalaan sa paggamit ng Ingles sa mga klase.

Subalit hindi ang paggamit at pagsusulong ng paggamit ng wikang Ingles ang

solusyon sa lumalalang kalagayan ng edukasyon sa bansa. Isang batayang problema ng edukasyon sa

bansa ayon kay Nolasco (2008), dating Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filpino, ang di pagkatuto

ng mga bata dahil hindi nila maintindihan ang kanilang pinag-aaralan. Ito ay dahil sa banyaga ang

wikang ginagamit sa pagtuturo

Bilang alternatibong solusyon sa lumalalang krisis sa edukasyon, iminumungkahi ni

Rep. Magtanggol Gunigundo sa kanyang Multilingual Education (MLE) at Literacy Bill (HouseBill no.

3719) na gamitin ang sariling wika sa bilang wikang panturo sa lahat ng antas ng paaralan. Ang

panukalang batas na ito ni Rep. Gunigundo ay sinusuportahan ng akademya, mga pribadong

organisasyon, at mga dalubhasa sa pag-aaral sa wika mula sa Unibersidad ng Pilipinas at Linguistics

Society of the Philippines.

Sinusuportahan din ito ng mga survey na isinagawa sa isang klase ng Linggwistiks 180

– Mga Problemang Pangwika sa Pilipinas. Lumalabas na sa kabila ng mga umiiral na patakarang

nagtataguyod ng wikang Ingles, Filipino/Tagalog at mga rehiyonal na wika pa rin ang mas

ginagamit sa mga paraalan. Madali itong maintindihan sapagkat ang mas malapit ang wikang Filipino

sa mga mag-aaral at gamit ito ay mas madaling naipapahayag ng mga mag-aaral ang kanilang

saloobin. Sa isa pang survey tungkol sa Preferens ng Akademikong Sektor partikular sa Siyensya at

Matematika, lumilitaw na Filipino at mga rehiyonal na wika ang wikang gustong gamitin at ginagamit

sa mga gawaing pangwika may kinalaman sa apat na pangunahing mekanismo ng komunikasyon.

Sa ilalim ng programang Multilingual Education (MLE), ang mga mag-aaral mula pre-

school hanggang ikaanim na baitang (Grade 6) ay tuturun ng kanilang sariling wika (L1). Kasama dito

ang pagtuturo ng mga asignatura tulad ng Mathematics, Science, Health at Agham Panlipunan.

Habang natututo sila at nagkakaroon ng matatag na pundasyon sa paggamit ng kanilang L1, ituturo

sa kanila ang mga wikang opisyal tulad ng Filipino at Ingles sa paraang oral at sa pagtagal ay

nakasulat na. Ituturo na hiwalay na asignatura ang Ingles at Filipino. Sa ganitong paraan, mas

magiging gamay ng mga mag-aaral ang kanilang wika at mas matututo sapagkat pamilyar sa kanila

ang wikang ginagamit na panturo.

IV. Kongklusyon at Rekomendasyon

Ang FLEMMS ay isinasagawa upang alamin ang kalagayan ng literasya at edukasyon

sa bansa na siyang magiging batayan ng mga bubuuing polisiya at programang pang-edukasyon.

Ayon sa mga nagdaang FLEMMS, patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga Pilipinong basically at

functionally literate. Subalit sa kabilang banda, patuloy din ang pagdami ng bilang ng mga functionally

illiterate. Patuloy din ang pagbaba ng bilang ng mga pumapasok at nakakatapos ng hanggang sa

Page 9: Ang FLEMMS, Sistema Ng Edukasyon at Ang Wika

huling antas ng edukasyon. Higit pa dito ang lumalalang problema ng mga mag-aaral – hindi

nauunawaan ng mga mag-aaral ang mga itinuturo sa paaralan dahil ito ay itinuturo sa wikang

banyaga, sa Ingles. Bago pa man naging popular ang Multilingual Education (MLE), laganap ang

paggamit ng wikang Ingles bilang wikang panturo. At masasabing isa ito sa mga naging hadlang

upang mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa bansa.