Ang daigdig sa mga panulat

13
ANG DAIGDIG SA MGA PANULAT Abigail Alfaro

description

 

Transcript of Ang daigdig sa mga panulat

Page 1: Ang daigdig sa mga panulat

ANG DAIGDIG SA MGA

PANULAT Abigail Alfaro

Page 2: Ang daigdig sa mga panulat

Talumpati sa Inagurasyon ni Barack H. Obama II

Ika-44 na Pangulo sa Estados Unidos

Washington , D.C. , Enero 20, 2009

Salin ni Alvin Ringgo Reyes

Mga kababayan ko:

Ako’y nasa harap ninyo ngayon, may pagpapakumbaba sa tungkuling sa ati’y naghihintay, puno ng pasasalamat sa tiwalang inyong ipinagkaloob, malay sa mga sakripisyong pinagdaanan ng ating mga ninuno. Pinasasalamatan ko si Pangulong Bush sa pasisilbi niya sa bansa, gayundin sa pagiging bukas palad at sa pakikiisa sa transisyong ito ng pamamahala.

Apatnapu’t apat na Amerikano na ang nanumpang pangulo. Binigkas ang panunumpa kung kailan namamayani ang kasaganaan at kapayapaan sa bansa. Gayunpaman, marami ring pagkakataon na ginanap ang panunumpa sa gitna ng ulap at unos na sa ati’y sumusubok. Sa mga sandaling tulad nito, nananatili tayong nakatayo hindi lamang dahil sa kakayahan o kahandaan ng mga nasa kapangyarihan kundi dahil Tayong mga Mamamayan ay nanatiling tapat sa mga paniniwala ng ating mga ninuno at totoo sa isinasaad ng mga dokumentong nagtatag sa atin.

Gayon tayo noon. Kaya dapat lamang na maging gayon din ang kasalukuyang henerasyon ng mga Amerikano.

Page 3: Ang daigdig sa mga panulat

Ganap na ngayong nauunawaang tayo’y nasa panahon ng krisis. Ang ating bansa ay nakikidigma laban sa sanga-sangang karahasan at poot na malayo na ang nararating. Lubhang nanghihina ang ating ekonomiya hindi lamang dahil sa kasakiman at kawalang pananagutan ng ilan, kundi dahil din sa pangkalahatang kabiguan nating makagawa ng mabibigat na pasiya at maihanda ang bansa sa makabagong panahon. Maraming nawalan ng tahanan; maraming natanggalan ng trabaho; maraming nagsarang negosyo. Naging napakamahal nag pangangalaga sa ating kalusugan; lubhang marami ang di makapasok sa ating mga paaralan; at bawat araw na lumilipas ay lalo lamang nagpapatunay na ang paggamit natin ng enerhiya ay lalong nagpapalala sa ating mga problema at nagbabanta sa ating daigdig.

Ang mga ito ang mga pananda ng isang krisis , na inaayunan ng mga datos at estadistika. Bagama’t hindi gaanong nasusukat, isang simbigat na suliranin ang pagkawala ng tiwala ng mga mamamayan bunsod ng di maalis na takot na wala nang makakapigil sa pagbagsak ng Amerika at hindi na makakapangarap nang mataas ang susunod na henerasyon.

Ngayon, sinasabi ko sa inyong totoo ang mga pagsubok na ating kinakaharap.

Seryoso ang mga ito ay sadyang marami. Hindi madaling mahaharap ang mga ito at malulutas sa maikling panahon lamang. Ngunit, tandaan mo, Amerika: mapagtatagumpayan ang mga pagsubok.

Page 4: Ang daigdig sa mga panulat

Sa mga araw na ito, nagsasama sama tayo upang iyahag ang pagtapos sa walang-kabuluhang mga daing at bulaang pangako, ang mga putik na ibinabato at gasgas na paniniwalang sumakal sa ating politika sa nakalipas na mahabang panahon.

Nananatili tayong isang batang bansa, ngunit ayon nga sa wika ng Banal na Kasulatan, dumating na ang panahon upang isantabi ang mga gawaing pangmusmos. Dumating na ang panahon upang pagtibayin ang ating di nagmamaliw na diwa; upang pumili ng isang mas magandang kasaysayan; upang isulong ang isang mahalagang biyaya, ang isang dakilang kaisipang ipinapasa-pasa sa bawat salinlahi. Ang pangakong binitawan ng Panginoon na lahat ay pantay, lahat ay malaya, at lahat ay nararapat magkaroon ng pagkakataong abutin ang kanilang ganap na kaligayahan.

Sa muling pagkilala sa kadakilaan ng ating bansa, natatalos nating hindi ito basta ipinagkaloob sa atin. Ito’y pagsisikapan nating matamo. Kailanman, ang ating paglalakbay ay hindi naging pagpili sa mas madaling daan o sa pagiging masaya sa kung ano na lang ang mayroon.

Page 5: Ang daigdig sa mga panulat

Hindi ito naging landas para sa isang duwag—para sa mga taong higit na pinipili ang paglilibang kaysa paggawa o hinahabol lamang ang kasiyahang dulot ng kayamanan at kabantugan. Sa halip, ang mga taong sumubok, kumilos, lumikha ng mga bagay—ang ilan sa kanila’y kilala ngunit ang mas marami’y karaniwan, mga taong walang natatanggap na pagkilala sa kanilang mga pagsisikap—ang umakay sa atin sa mahaba at mabatong daan tungo sa kasaganaan at kalayaan.

Para sa atin, dinala nila ang ilan nilang mga ari-arian at naglakbay sa mga karagatan upang tumuklas ng bagong buhay.

Para sa atin, nagtrabaho silang mabuti at inihanda ang Kanluran; tiniis nila ang hagupit ng latigo at nilinlang ang matigas na lupa.

Para sa atin, lumaban sila at namatay sa lugar tulad ng Concord at Gettysburg; Normandy at Khe Sahn.

Muli’t muli , ang kalalakihan at kababaihang ito’y nagsikap at nagsakripisyo at kumilos hanggang sa malamog ang kanilang mga kamay upang magtamasa lamang tayo ng mas mabuting buhay. Nakita nila ang Amerika nang higit pa sa lahat ng ating mga pagkakaiba-iba sa kapanganakan, yaman, o pangkat na kinabibilangan.

Page 6: Ang daigdig sa mga panulat

Ito ang paglalakbay na ipinagpapatuloy natin ngayon. Nananatili tayong pinakamaunlad at pinakamakapangyarihang bansa sa daigdig. Lalong naging mabunga ang ating manggagawa sapul nang magkaroon ng krisis. Lalong naging malikhain ang ating mga isip, lalong kinailangan ang ating mga produkto’t serbisyo noong nakalipas na linggo, buwan o taon. Hindi nababawasan ang ating kakayahan. Gayunpaman, siguradong lumipas na ang mga yugto ng kawalan ng paninindigan, pangangalaga sa mabababaw na interes at pagbuo ng mga di tamang pasya. Simula sa araw na ito, dapat tayong tumayo, ihanda ang ating mga sarili at muling simulan ang paglikha sa bagong Amerika.

Saanmang dako natin ibaling ang ating paningin, may gawaing dapat tapusin. Nananawagan ng pagkilos ang ekonomiya, at kikilos tayo mang matapang at mabilis hindi lang upang makalikha ng mga bagong trabaho kundi upang maglatag ng bagong pundasyon para sa paglago. Magtatayo tayo ng mga daan at mga tulay, ang nagsisilbing mga kawad ng kuryente at kable ng teleponong bumubuhay sa ating mga negosyo at nagbubuklod sa atin. Muli nating iluluklok ang agham sa dapat nitong kalagayan at lulubusin ang mga biyaya ng teknolohiya upang maitaas ang kalidad ng pangangalagang pangkalusugan at maibaba ang halaga nito. Lilinangin natin ang araw at ang hangin at ang kalupaan upang paandarin ang ating mga sasakyan at pakilusin ang ating mga pabrika. Babaguhin din natin ang ating mga paaralan, kolehiyo, at unibersidad upang makatugon sa mga kahingian ng makabagong panahon. Lahat ng ito’y magagawa natin. Lahat ng ito’y gagawin natin.

Page 7: Ang daigdig sa mga panulat

Sa kasalukuyan, may mga kumukuwestiyon sa mga hangganan ng ating mga pangarap, may mga nagsasabing hindi kayang pangatawanan ng kasalukuyan nating sistema ang napakaraming malaking plano. Madali silang makalimot. Nabura na sa kanilang alaala kung ano na ang nagawa ng bansang ito; kung ano ang maaaring maabot ng malalayang kalalakihan at kababaihan kapag ipinagsama sama ang kanilang pagkamalikhain at tapang tungo sa iisang layunin.

Page 8: Ang daigdig sa mga panulat

Ang hindi nauunawaan ng mga walang samapalataya ay hindi na umaayon sa kanila ang mga pangyayari—hindi na angkop ang kanilang mga nilulumot na paninindigang pampolitikang matagal na ating pinakikinggan. Hindi na natin ngayon itinatanong kung lubha bang malaki o maliit ang ating pamamahalaan, kundi kung ito’y kumikilos—kung tinutulungan ba nito ang mga pamilyang makahanap ng trabahong may sapat na kita, abot-kayang pangangalagang pangkalusugan, pagreretirong may dignidad. Kung saan oo ang sagot, doon tayo magpapatuloy. Kung saan hindi ang sagot, wala tayo roong programang sisimulan. At tayong mga nangangasiwa sa kaban ng bayan ay pananagutin—upang gumastos nang nararapat, magtama ng mga buktot na gawi, magtrabaho nang matuwid—sapagkat ito lang ang paraan upang muling maibalik ang tiwala ng mga mamamayan sa kanilang pamahalaan.

Page 9: Ang daigdig sa mga panulat

Hindi rin itinatanong kung kabutihan ba o kasamaan ang pinaggagamitan ng mga pamilihan. Hindi matatawaran ang kakayahan nitong magbunga ng kayamanan at magpalawig ng kalayaan, ngunit pinaaalalahanan tayo ng krisis na ating kinakaharap—at hindi magtatagal, pati ang kasaganaan ng isang bansang kumikiling lamang sa mayayaman. Ang tagumpay ng ating ekonomiya’y hindi lamang laging nakasalaysay sa kabuuang laki ng ating gross domestic product, kundi sa naaabot ng ating yaman; sa kakayahan nating mabigay ng pagkakataon sa mga pusong nakahandang sumubok—hindi dahil sa pagkakawanggawa kundi dahil ito ang tiyak na daan tungo sa kagalingang panlahat.

Page 10: Ang daigdig sa mga panulat

…( Ang panghuling bahagi ng talumpati)Ito ang gantimpala at pangako ng

pagkamamamayan.Ito ang pinagmumulan ng ating tiwala sa sarili—

ang karunungang inaasahan sa atin ng Panginoon upang mahubog ang isang bukas na walang katiyakan.

Ito ang kabuluhan ng ating kalayaan at ating paniniwala—kung bakit ang mga kalalakihan kababaihan at kabataan ng bawat lahi at pananampalataya’y maaaring magsama-sama sa loob ng dakilang bulwagang ito, at kung bakit nagagawa na ng isang tao na tumayo sa harap ninyo ngayon upang bumigkas ng napakabanal na sumpa gayong ang ama niya ay ayaw pagsilbihan sa isang lokal na kainan 60 na taon na ang nakalilipas.

Page 11: Ang daigdig sa mga panulat

Ipagdiwang natin ang araw na ito nang ginugunita kung sino tayo at kung gaano na kalayo ang ating nararating. Sa taon ng pagkasilang ng Amerika, noong pinakamalamig na buwan ng taon, isang maliit na pulutong ng mga makabayan ang nagsama-sama sa pampang ng isang nagyeyelong ilog. Iniwan ang punong lunsod. Parating na noon ang mga kaaway. Tumilamsik ang dugo sa niyebe. Nang sandaling iyon ng kawalang katiyakan sa kahahantungan ng ating rebolusyon, iniutos ng ama ng ating bansa na bigkasin ang sumusunod na pahayag sa mga mamamayan:

“Hayaan ninyong mabatid ng mga tao sa hinaharap… na sa kalaliman ng taglamig, kung kailan walang maaaring mabuhay kundi pag-asa at pagpapahalaga… ay nagsama-sama ang mga bayan at bansa upang harapin ang iisang panganib.”

Page 12: Ang daigdig sa mga panulat

Amerika. Sa harap ng iisang panganib, sa malamig na panahong ito ng mga paghihirap, alalahanin natin ang mga pananalitang nabanggit. Muli nating harapin ang mga nagyeyelong alon at suungin ang anumang bagyong darating nang may pag-asa at pagpapahalaga. Hayaan ninyong masabi ng mga anak ng ating mga anak na noong panahong tayo’y sinubok, hindi natin tinalikuran ang paglalakbay na ito, na hindi tayo sumuko o pinanghinaan ng loob; at gamit ang mga paninging nakatanaw sa panginorin at sa mga biyaya ng Panginoon, tinanganan natin ang dakilang kalayaang inihandog sa atin at ipinasa ito nang may pag-iingat sa mga sumusunod sa atin.

Page 13: Ang daigdig sa mga panulat

MGA TANONG: Pansinin ang panimulang pangungusap. Ginamit ng

tagasalin ang konstruksiyong may “ay”. Ano kaya ang naging epekto kung ang karaniwang ayos ng pangungusap ang ginamit na panimula ng diskurso?

Suriin ang siping ito: Ito ang kabuluhan ng ating kalayaan at ating paniniwala—kung bakit ang mga kalalakihan, kababaihan, at kabataan ng bawat lahi at pananampalataya’y maaaring magsama-sama sa loob ng dakilang bulwagang ito, at kung bakit nagagawa na ng isang tao na tumayo sa harap ninyo ngayon upang bumigkas ng napakabanal na sumpa gayong ang ama niya ay ayaw pagsilbihan sa isang lokal na kainan 60 na taon na ang nakalilipas.