Ang Daan ng Krus

6

Click here to load reader

description

Script written for the re-enactment of the Stations of the Cross performed by the Parish Youth Ministry, St. Joseph the Worker Parish, Cloverleaf, Balintawak, Quezon City, Philippines.

Transcript of Ang Daan ng Krus

Page 1: Ang Daan ng Krus

1

Sa direksyon ni Marjorie Patriarca

Panulat nina Mary Grace Pablo at Mark Angelo Ordonio

Unang Istasyon: Si Hesus ay hinatulan ng kamatayan

Mga Tauhan Mga

Gagamitin Mga Linya sa Bawat Istasyon

Hesus Pilato

Barabas Mga Punong Saserdote Mga Kawal Mga Tao

Narrator: Tuwing Pasko ng Paskuwa, kinaugalian na ng gobernador ang

magpalaya ng isang bilanggo - sinumang mahiling ng taong-bayan. Noon ay may isang kilalang bilanggo na nagngangalang Barabas. Kaya‟t nang magkatipon ang mga tao, tinanong sila ni Pilato:

Pilato: Sino ang ibig ninyong palayain ko, si Barabas o si Hesus na tinatawag na Kristo?

Narrator: Ang mga tao nama‟y sinulsulan ng mga punong saserdote at ng

matatanda ng bayan na hilingin kay Pilato na si Barabas ang palayain, at si Hesus ay ipapatay. Muli silang tinanong:

Pilato: Sino sa dalawa ang ibig ninyong palayain ko?

Mga Tao: Si Barabas po!

Pilato: Kung gayon, ano ang gagawin ko kay Hesus na tinatawag na Kristo?

Mga Tao: Ipako sa krus!

Pilato: Bakit, anong masama ang ginawa niya?

Mga Tao: Ipako sa krus!

Pilato: Ipapako ko sa krus ang inyong hari?

Mga Tao: Wala kaming hari kundi ang Cesar!

Pilato: (nagpakuha ng tubig para maghugas ng kamay) Wala akong

pananagutan sa kamatayan ng taong ito. Bahala kayo! Ipahahagupit ko siya at pakakawalan.

Narrator: Si Hesus ay dinala ng mga kawal ng gobernador sa pertoryo at

nagtipon ang buong batalyon sa paligid niya. Siya ay hinubaran nila at sinuotan ng balabal na pula. Naglikaw sila ng halamang matinik at ipinutong sa kanya, saka pinaghawak ng tambo sa kanang kamay at siya‟y pinaghahampas sa ulo. Matapos kutyain, kanilang inalisan siya ng balabal at sinuotan ng sariling damit.

(10 seconds pause, freeze ang characters)

Narrator: Tinanggap ni Hesus ang hatol ng kamatayan na ibinigay ni

Pilato. Hindi ipinagtanggol ni Hesus ang kanyang sarili kahit na ito‟y nangangahulugan ng tiyak na kamatayan. Pinili niyang maghirap at mamatay para sa amin. Ako ba ay handang maghirap alang-alang kay Hesus? O Hesus, tulungan mo kami.

Page 2: Ang Daan ng Krus

2

Ikalawang Istasyon: Ang Pagpasan ni Hesus ng krus

Mga Tauhan Mga

Gagamitin Mga Linya sa Bawat Istasyon

Hesus Pilato

Mga Kawal Mga Tao

Mga Punong Saserdote

Narrator: Si Hesus ay ibinigay sa kanila ni Pilato upang ipako sa krus.

Kinuha nga nila si Hesus. (pause. Palakarin si Hesus bago magsalita ulit) Lumabas siya pasan ang kanyang krus, patungo sa lugar na kung tawagi‟y “Dako ng Bungo.”

(10 seconds pause, freeze ang characters)

Narrator: Pinasan ni Hesus ang krus na walang pagdaing. Nais kong

tulungan si Hesus. Gusto kong maging matapang sa gitna ng kahirapan. Panginoon, turuan mo ako.

Ikatlong Istasyon: Ang pagkadapa ni Hesus sa unang pagkakataon

Mga Tauhan Mga

Gagamitin Mga Linya sa Bawat Istasyon

Hesus Mga Kawal Mga Tao

Mga Punong Saserdote

Narrator: Pinanood ng mga tao si Hesus sa pagpasan ng kanyang krus.

Dala ng pagod ay natumba siya sa kanyang pagkakabuhat. Habang hinahampas, napalibutan siya ng mga tawa‟t pagpapahiya mula sa mga nagmamasid.

(10 seconds pause, freeze ang characters)

Narrator: Pagod na pagod ka na, O Hesus. Hindi ka na nakatulog sa buong magdamag. Ikaw ay hinampas, kinutya at pinagtawanan. Hindi ka man lang binigyan ng pagkain o inumin. Naaawa kami sa iyo dahil ang mga kasalanan namin ang nagpahirap sa iyo. Patawarin mo kami.

Ika-apat na Istasyon: Nasalubong ni Hesus ang Kanyang ina

Mga Tauhan Mga

Gagamitin Mga Linya sa Bawat Istasyon

Hesus Mga Kawal Mga Tao

(Birheng Maria, Maria

Magdalena, Juan)

Narrator: Nang masalubong ni Maria ang mga mata ni Hesus,

nakaramdam siya ng kirot sa kanyang puso. Dito naunawaan ni Maria ang misteryo ng pag-ibig ng kanyang anak na si Hesus.

Maria: (habang nagsasalita ang Narrator, manggagaling siya sa maraming

tao) Anak ko! (iiyak)

(10 seconds pause, freeze ang characters)

Narrator: Ano kayang naramdaman ni Maria nang makita niyang si Hesus

ay naghihirap? Pasan ang krus, duguan, pawisan, at halos „di na makilala? Siya ay naghirap alang-alang sa lahat ng tao. O Inang Maria, ipanalangin mo kaming mga anak mong makasalanan.

Ikalimang Istasyon: Si Hesus ay tinulungan ni Simon Cireneo

Mga Tauhan Mga

Gagamitin Mga Linya sa Bawat Istasyon

Hesus Mga Kawal Mga Tao

Mga Punong Saserdote

(Simon

Narrator: Paglabas nila ng lungsod, kanilang nakita ang isang lalaking

nagngangalang Simon, isang taga- Cirene. Pilit nilang ipinapasan sa kanya ang krus ni Hesus.

Kawal 1: Ikaw, halika dito!

Simon: Ako?

Page 3: Ang Daan ng Krus

3

Cireneo) Simon: (bubuhatin ang krus tapos tuloy sa paglalakad)

(10 seconds pause, freeze ang characters)

Narrator: Hesus, walang alam si Simon sa dahilan ng iyong pagkakapako sa krus ngunit sa pagpaparanas mo sa kanya ng iyong katapangan at pagmamahal, natulungan ka niya ng walang pag-aalinlangan. Tulungan mo kaming makita ang kaligayahan sa pagtulong sa aming kapwa.

Ika-anim na Istasyon: Pinunasan ni Veronica ang mukha ni Hesus

Mga Tauhan Mga

Gagamitin Mga Linya sa Bawat Istasyon

Hesus Mga Kawal Mga Tao

Mga Punong Saserdote (Veronica)

Narrator: Hindi inalintana ni Veronica ang dami ng tao para malapitan si

Hesus. Lumapit si Veronica kay Hesus upang punasan ang duguang mukha ni Hesus gamit ang isang puting tela. Ang naiwang larawan ang siyang pinakamabisang daan upang makita ang mukha ng Diyos dito sa mundo.

(10 seconds pause, freeze ang characters)

Narrator: Si Veronica ay mabait at matapang. Hindi siya natakot sa mga

sundalo at nakipagsiksikan siya para mapunasan ang iyong duguang mukha. Hesus, tulungan mo kaming magkaroon ng lakas ng loob na maging mabuti sa aking kapwa.

Ikapitong Istasyon: Ang pagkadapa ni Hesus sa ikalawang pagkakataon

Mga Tauhan Mga

Gagamitin Mga Linya sa Bawat Istasyon

Hesus Mga Kawal Mga Tao

Mga Punong Saserdote

Narrator: Hindi niya ginantihan ng alipusta ang nag-aalipusta sa kanya;

hindi niya binantaan ang nagpahirap sa kanya kundi ipinaubaya ang sarili sa matuwid humatol. Ang ating mga kasalanan ang pinasan niya at taglay ng kanyang katawan sa krus upang makaalis tayo sa kasalanan at mamuhay sa kabanalan.

(10 seconds pause, freeze ang characters)

Narrator: Pagod na pagod na si Hesus sa kanyang ikalawang

pagkakadapa, ngunit muli siyang bumangon at pinasan ang krus. Ito ay kanyang ginawa para sa atin. Hesus, labis-labis ang iyong pagmamahal sa amin. Ipaalala mo sa amin ang iyong halimbawa nang kami‟y sumiglang uli.

Ikawalong Istasyon: Kinausap ni Hesus ang mga babaeng taga-Herusalem

Mga Tauhan Mga

Gagamitin Mga Linya sa Bawat Istasyon

Hesus Mga Kawal Mga Tao

Mga Punong Saserdote

(Mga babaeng taga-

Herusalem)

Narrator: Sinusundan si Hesus ng maraming tao kabilang ang mga

babaeng nananaghoy at nananambitan dahil sa kanya. Nilingon sila ni Hesus at sinabi sa kanila:

Hesus: (hihinto ang paglalakad habang nakapalibot ang mga babae) Mga

kababaihan ng Herusalem, huwag ninyo akong tangisan. Ang tangisan ninyo‟y ang inyong sarili at ang inyong mga anak.

Mga babae: (patuloy sa pag-iyak)

(10 seconds pause, freeze ang characters)

Page 4: Ang Daan ng Krus

4

Narrator: Sinabi ni Hesus: “Mga kababaihan ng Herusalem, huwag ninyo

akong iyakan, kundi ang inyong sarili at inyong mga anak.” Hesus, turuan mo kaming iyakan ang aming mga kasalanan dahil ang mga ito ang lubos nagpahirap sa iyo.

Ikasiyam na istasyon: Ang pagkadapa ni Hesus sa ikatlong pagkakataon

Mga Tauhan Mga

Gagamitin Mga Linya sa Bawat Istasyon

Hesus Mga Kawal Mga Tao

Mga Punong Saserdote

Narrator: Siya‟y pinagmalupitan at nagpakababa, ngunit hindi nagbuka ng

bibig. Tulad ng korderong dinadala sa patayan, at tulad ng tupang walang imik na ginugupitan, hindi siya nagbuka ng bibig. Hinuli siya at hinatulan, siya‟y kinuha. At sinong makaiisip na ito‟y kanyang sinapit? Ihiniwalay siya sa lupain ng mga buhay at pinarusahan dahil sa sala ng bayan.

(10 seconds pause, freeze ang characters)

Narrator: Si Hesus ay halos mamamatay na sa matinding sakit at hirap,

ngunit patuloy siyang umakyat sa kalbaryo alang-alang sa amin. Diyos ko, ilang ulit pa rin kaming nahuhulog sa kasalanan. Tulungan mo kami sa aming kahinaan.

Ikasampung Istasyon: Si Hesus ay hinubaran ng kanyang damit

Mga Tauhan Mga

Gagamitin Mga Linya sa Bawat Istasyon

Hesus Mga Kawal Mga Tao

Mga Punong Saserdote

Narrator: Pagkarating sa Kalbaryo, si Hesus ay duguan, pawisan, at

amoy-araw. Dumikit ang kanyang damit sa kanyang mga sugat. Pagkatapos, biglang hinatak ng mga sundalo ang kanyang mga damit. Muling nabuksan at nagdugo ang kayang mga sugat.

(10 seconds pause, freeze ang characters)

Narrator: Ito ang ginawa nila kay Hesus: kapag hinubaran mo ang damit

ng isang tao sa harap ng publiko, katumbas nito ang pagyurak ng kanyang pagkatao at pag-alis ng kanyang dangal bilang tao. O Hesus, patawarin mo kaming lahat sa paulit-ulit naming pagkakasala sa iyo.

Ikalabing-isang Istasyon: Ipinako si Hesus sa krus

Mga Tauhan Mga

Gagamitin Mga Linya sa Bawat Istasyon

Hesus Mga Kawal Mga Tao

Mga Punong Saserdote

Mga Magnanakaw (Mga taong

magsasalita)

Narrator: Pagdating sa “Dako ng Bungo,” binigyan sila ni Hesus ng alak na hinaluan ng apdo, ngunit nang matikman niya ay hindi ininom. (paiinumin ng sundalo so hesus pero itatpon din) Sumulat si Pilato ng ganitong pangugusap at ipinalagay sa krus:

Pilato: (itaas ang papel) Si Hesus na taga-Nazareth, ang Hari ng mga

Hudyo.

Punong Saserdote 1: Huwag ninyong isulat na Hari ng mga Hudyo kundi

“Sinabi ng taong ito, ako ang Hari ng mga Hudyo.”

Pilato: Ang naisulat ko‟y nakasulat na. (iaabot sa kawal ang papel)

Page 5: Ang Daan ng Krus

5

Narrator: Si Hesus ay ipinako sa krus, kasama ng dalawa pang salarin:

isa sa gawing kanan at isa sa kaliwa. Pagkatapos ipako sa krus, nagsapalaran ang mga kawal upang malaman kung alin sa kanyang kasuutan ang mapupunta sa isa‟t isa.

Hesus: Ama, patawarin mo sila sapagkat hindi nila alam ang kanilang

ginagawa!

Tao 1: Hindi ba‟t ikaw ang gigiba ng templo at muling magtatayo nito sa

loob ng tatlong araw? Iligtas mo ang iyong sarili?

Tao 2: Kung ikaw nga ang Anak ng Diyos, bumaba ka sa krus!

Tao 3: Iniligtas ang iba, ngunit ang sarili‟y „di mailigtas!

Punong Saserdote 2: „Di ba siya ang hari ng Israel? Bumaba lang siya

ngayon at maniniwala kami sa kanya!

Punong Saserdote 3: Nananalig siya sa Diyos at sinasabi niyang siya ang

Anak ng Diyos. Iligtas siya ng Diyos kung talagang iniibig siya!

Narrator: Hindi lang ang mga punong saserdote, mga eskriba, at mga tao

ang nanunutya kay Hesus. Tinuya din siya ng isa sa mga salaring nakabitin. Magnanakaw 1: Hindi ba ikaw ang Mesias? Iligtas mo ang sarili, pati na

kami!

Narrator 1: Ngunit pinagsabihan siya ng kanyang kasama:

Magnanakaw 2: (to magnanakaw 1) Hindi ka ba natatakot sa Diyos? Ikaw

ma‟y pinarurusahang tulad niya? Matuwid lamang na tayo‟y parusahan nang ganito dahil sa ating mga ginawa; ngunit ang taong ito‟y walang ginawang masama. Hesus, alalahanin mo ako kapag naghahari ka na.

Hesus: Sinasabi ko sa iyo; ngayon di‟y isasama kita sa Paraiso.

(10 seconds pause, freeze ang characters)

Narrator: Narinig ng lahat ang pagpapako kay Hesus sa krus. Bumaon

ang mga pako sa mga kamay at mga paa niya. Kaylulupit nila! Ngunit ang ating mga kasalanan ang nagpako kay Hesus sa krus. Mahabaging DIyos, patawarin mo kami!

Ikalabindalawang Istasyon: Si Hesus ay namatay sa krus

Mga Tauhan Mga

Gagamitin Mga Linya sa Bawat Istasyon

Hesus Mga Kawal Mga Tao

(Mga taong magsasalita) Mga Punong Saserdote

Mga Magnanakaw

Narrator: Mula sa tanghaling tapat hanggang sa ikatlo ng hapon ay

nagdilim sa buong lupain. Nang mag-iikatlo ng hapon, sumigaw si Hesus:

Hesus: Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?

Narrator: Narinig ito ng ilan sa mga nakatayo roon at may isang nagwika:

Tao 2: Tinatawag niya si Elias! (sabay bulungan)

Narrator: Agad tumakbo ang isa sa kanila at kumuha ng isang espongha,

tinigmak ng alak, inilagay sa isang dulo ng tambo at ipinasipsip kay Hesus. Ngunit sinabi naman ng i:

Tao 3: Hintay muna, tignan muna natin kung darating nga si Elias upang iligtas siya.

Narrator: Sa huling pagkakataon, muling sumigaw si Hesus:

Hesus: Ama, sa mga kamay mo‟y inihahabilin ko ang aking espiritu!

Narrator: Pagkasambit nito‟y saka siya nalagutan ng hininga.

Page 6: Ang Daan ng Krus

6

(10 seconds pause, freeze ang characters)

Narrator: Hesus, sinasamba ka namin. Nais naming mabuhay at mamatay

nang dahil sa iyo sapagkat ikaw ay namatay nang dahil sa amin.

Ikalabintatlong Istasyon: Si Hesus ay ibinaba sa krus

Mga Tauhan Mga

Gagamitin Mga Linya sa Bawat Istasyon

Hesus Mga Kawal

Mga Punong Saserdote

(Birheng Maria, Maria

Magdalena Mga babaeng

taga-Herusalem)

Narrator: Pumaroon ang mga kawal. Ibinaba nila si Hesus sa krus. Siya'y

inilagay sa kandungan ng Mahal na Birheng Maria. Matinding kalungkutan ang nadama niya nang tanggapin niya si Hesus.

Kawal: (habang nagsasalita ang Narrator, ibaba si Hesus sa krus)

(10 seconds pause, freeze ang characters)

Narrator: Tahimik na ang paligid. Sa kabila ng kalungkutang nadarama

mo, Mahal na Ina, ikinalulungkot rin namin ang nangyari. Napakabuti mo upang maghirap para sa amin. Ipanalangin mo kaming iyong mga anak.

Ikalabing-apat na Istasyon: Si Hesus ay dinala sa Kanyang libingan

Mga Tauhan Mga

Gagamitin Mga Linya sa Bawat Istasyon

Hesus Jose na taga-

Arimatea Juan

Narrator: Pagkatapos humingi ng pahintulot kay Pilato, nagtungo si Jose na taga-Arimatea at si Nicodemo upang dalhin ang bangkay ni Hesus na ibinalot sa lino. Sa pinagpakuan kay Hesus ay may isang halamanan, at ditoý may isang bagong libingang hindi pa napaglilibingan. Yamang noon ay araw ng Paghahanda ng mga Hudyo, at dahil sa malapit naman ang libingang ito, doon nila inilibing si Hesus.

(nasa akto sina Jose at Nicodemo sa pagbuhat ng bangkay ni Hesus)

(10 seconds pause, freeze ang characters)

Narrator: Magpahinga ka na, Panginoong Hesus. Tapos na ang iyong

paghihirap. Mabubuhay kang muli pagkatapos ng tatlong araw bilang tagumpay sa kamatayan. Nananalig kami sa Iyo, Ikaw ang aming bayani, ang aming Diyos.

Hesus

Pilato

Barabas

Mga Punong Saserdote (3)

Mga Kawal (4)

Mga magnanakaw (2) Mga Tao

o Tatlo na magsasalita o Simon Cireneo o Mga babaeng taga-Herusalem (5) o Jose na taga-Arimatea o Nicodemo o Veronica o Birheng Maria o Maria Magdalena

o Juan

______________________________ ______________________________ ______________________________ ______________________________ ______________________________ ______________________________ ______________________________ ______________________________ ______________________________ ______________________________ ______________________________ ______________________________ ______________________________ ______________________________ ______________________________ ______________________________