Ang Buhay ni Abraham
Transcript of Ang Buhay ni Abraham
1
Ang Buhay ni Abraham
Tomo 93, Bilang 1
January – March, 2017
MGA ARALING PANGSABADO MULA SA BIBLIA
Sangay ng Nakatatanda
2
Mga Nilalaman
1. Ang Pagkatawag kay Abraham........................ 05
2. Ang Pananampalataya ni Abraham................. 10
3. Ang Ipinangakong Binhi................................... 15
4. Ang Dalawang Anak ni Abraham.................... 20
5. Ang Tunay na mga Anak ni Abraham............. 26
6. Ang Walang Hanggang Tipan.......................... 31
7. Walang Hanggang Biyaya................................. 36
8. Isang Pananampalatayang Gumagawa............ 41
9. Tagapagligtas ni Abraham................................ 47
10. Pagtitiyaga ni Abraham.................................... 52
11. Nagsusumamo para sa Makasalanan............... 57
12. Ang Mana ni Abraham...................................... 62
Mga Aralin Mula sa Biblia, isang programa para sa araw-araw na
pag-aaral, na batay lamang sa Biblia at Espiritu ng Hula na walang
idinagdag na opinion. Ang mga sipi ay sinikap na mapaikli, upang
maibigay ang maikli, tuwirang mga kahulugan. Ang mga panaklong [ ]
ay ginamit sa ilang pagkakataon upang tiakin ang malinaw, tamang
kahulugan, at maayos na pagbasa. Ang malawakang pag-aaral sa mga
pinagkunan ng mga sipi ay matapat na iminumungkahi.
3
Paunang Salita
Tumingin tayo sa ating palibot ngayon at ating makikita ang mga kalamidad na
nangyayari sa bawat dako: karahasan, pagdanak ng dugo, natural na mga sakuna, at
mga walang ulirang kasamaan. Ang lahat ng ito’y nagpapaalala sa atin na ang
pangalawang pagparito ng ating Panginoong Jesus ay tiyak na malapit na. Upang
malampasan ang mga hamong ito, upang maging handa sa pagsalubong sa ating
Panginoon sa ulap ng langit, kinakailangan natin ang matatag na pananampalataya,
ang pananampalataya ni Abraham.
“Yaong mga nag-aangking naghihintay sa nalalapit na pagparito ng ating
Tagapagligtas ay kinakailangang magkaroon ng pananampalataya na gaya ng kay
Abraham, isang pananampalataya na pinahahalagahan sapagkat para nilang binili ito,
isang pananampalataya na gumagawa na may pag-ibig at nagpapadalisay sa kaluluwa.
Ang nakatalang halimbawa ni Abraham ay iniwan para sa atin na nasa huling mga
yugto ng sanlibutan. Dapat paniwalaan natin na ang Diyos ay may hangarin sa atin, at
siya’y hindi dapat lapastanganin. Siya ay tapat sa Kanyang sinasabi, at hinihingi Niya
ang lubos na pananampalataya at kusang pagsunod mula sa atin. Pagkatapos ay
Kanyang paliliwanagin ang Kanyang liwanag sa atin, at tayong lahat ay magiging
liwanag sa Panginoon.”—The Signs of the Times, April 1, 1875.
Sa kuarter na ito ay ating pag-aaralan ang tungkol sa buhay ni Abraham. Ang tao
ng Diyos na ito ay dumaan sa maraming pagsubok ng pananampalataya. Sa bawat
pagsubok ay nabigyang pagkakataon si Abraham upang ipamalas ang kanyang tiwala
sa Diyos at sa pangako na ibinigay sa kanya—na siya’y magiging isang “ama ng
maraming nasyon”. May mga pagkakataon na ang kanyang pananampalataya’y nag-
alinlangan noong kanyang sinubukang tuparin ang mga pangako ng Diyos sa kanyang
sariling panahon at pamamaraan. Gayunpaman, pinatunayan ng Diyos ang Kanyang
katapatan, at sa nakatakdang panahon, ang unang ipinangako na anak ay naisilang kay
Abraham. Ngunit inilaan ng Diyos ang pinakamahirap na pagsubok para kay
Abraham, hindi sa panahon na siya’y bata at malakas pa, kundi sa panahon ng
kanyang katandaan.
“Malupit na nasubukan si Abraham sa kanyang katandaan. Waring ang mga salita
ng Panginoon ay kahila-hilakbot at hindi inaasahan, ngunit kailan man ay hindi siya’y
nagtatanong hinngil sa hustiya ng mga ito o nag-atubili sa kanyang pagsunod. Maaari
siyang magmakaawa at idahilan na siya’y matanda at mahina, at hindi kayang
ihandog ang anak na nagbibigay aliw sa kanyang buhay. Maaari niyang ipaalala sa
Panginoon na ang utos na ito’y hindi sang-ayon sa mga pangakong ibinigay hinggil sa
anak na ito. Ngunit walang pagrereklamo o pagsisisi ang pagsunod ni Abraham.
Lubos ang kanyang patitiwala sa Diyos.”—4T, p.253. “Pinapayagan ng Diyos na maranasan ng kanyang bayan ang mga pagsubok upang sa
kanilang katapatan at pagsunod, sila mismo ay lumago sa espirituwal, at ang kanilang
halimbawa ay mapagkukunan ng iba ng lakas. . . . Ang mga pagsubok na matinding susubok sa
ating pananampalatayawin at gagawing parang tinalikaran na tayo ng Diyos ay ang siyang maglalapit sa atin kay Kristo, upang iwanan ang lahat nating bigatin sa kanyang paanan at
maranasan ang kapayapaan na kanyang ibibigay.”—PP, p. 129.
Ibigay nawa ng Diyos sa atin ang pananampalataya ni Abraham. Hari nawa na ang
pananampalatayang ito ang magtulak sa atin upang mabuhay ng maayos upang matulad tayo ni Abraham na kung saan ang bawat isa sa atin ay tatawaging “ang kaibigan ng Diyos.”
The General Conference Sabbath School Department
4
SABBATH JANUARY 7, 2017
First Sabbath Offering
for Headquarters and Chapel in Malawi
The Republic of Malawi is a landlocked country in southeast Africa.
Formerly known as Nyasa-land, it is bordered by Zambia to the
northwest, Tanzania to the northeast, and Mozambique to the
southwest, and southeast. The country is also nicknamed “The Warm
Heart of Africa.” Malawi has an estimated population of over 16
million, the majority of whom identify as Christians (82%), including
Ro-man Catholics, Presbyterians, Anglicans, Baptists, and Seventh-day
Adventists. A significant minority identify as Muslims (13%).
The work in Malawi started in 2008 when one missionary decided
to visit this country. A couple from a Protestant church received him
and helped him find accommodation. The missionary gave them Bi-ble
studies and shared also some portions from the Spirit of Prophecy. The
couple became very interested in the message of Present Truth and provided a place for worship, inviting others also to attend every Sabbath.
When the missionary left Malawi, he made an appeal to our fel-low
believers in Zambia to see if someone would be available to go to
Malawi to assist with this interest. By the grace of God one brother
responded to the call, saying, “I am ready to go anywhere that God
wants to send me.” Upon his arrival in Malawi in 2009, this brother
encouraged those interested and went from one place to another
preaching the message. Today there are many places where souls are
interested in our message. There are about 60 baptized members and
more than 900 Sabbath School members, many of whom are study-ing
our Principles in preparation for baptism.
By God’s grace, this country was organized as a Mission in 2013.
We still are very grateful because some of our brothers and sisters in
Brazil donated money to buy land in Lilongwe, the capital city. Here
the believers in Malawi plan to build the headquarters and a chapel.
However, the country is very poor. Our members do not have mon-ey
to fulfill this project. That is why we are now appealing to all our
brothers, sisters, and friends around the world.
— GC Sabbath School Department,
on behalf of the Malawi Mission
5
Leksiyon 1 Sabbath, Enero 7, 2017
Ang Pagkatawag ni Abraham
“Gagawin kitang isang malaking bansa, ikaw ay aking pagpapalain,
gagawin kong dakila ang iyong pangalan, at ikaw ay magiging isang
pagpapala” (Genesis 12:2).
“Si Abraham ay lumaki sa kalagitnaan ng pamahiin at paganismo. . . .
Subalit ang tunay na pananampalataya ay hindi dapat mawala. Laging may
nalabi na inilaan ang Dios upang maglingkod sa Kanya.”—PP, p. 125.
Mungkahing Babasahin: Patriarchs and Prophets, p. 125-131.
Linggo Enero 1
1. TINAWAGAN NG DIYOS SI ABRAHAM
a. Ano ang panawagan ng Diyos kay Abraham upang gawin, at sino ang
sumama sa kanya? Gen. 12:1-4; Gawa 7:4.
“Pagkatapos ng paghiwa-hiwalay mula sa Babel ay muling lumaganap
ang idolatriya, at sa katagalan ay iniwanan ng Panginoon ang mga matigas na
mananalansang upang sundin ang kanilang masamang mga gawain, habang
pinili Niya si Abraham, mula sa lahi ni Shem, at ginawa siyang tagapangalaga
ng Kanyang utos para sa darating na mga henerasyon.”—PP, p. 125.
b. Bakit hindi agad sinabi ng Diyos kay Abraham ang lugar kung saan
siya’y tinatawagan upang pumaroon? Heb 11:8. Anong pasya ang
kinakailangang gawin ni Abraham sa pagsunod sa panawagan ng
Diyos? Gen. 12:1; Mat. 10:34-38.
“Ang walang pagtatanong na pagsunod ni Abraham ay isa sa mga
kapansin-pansin na katibayan ng pananampalataya na matatagpuan sa buong
Biblia. . . . Hindi magaan na pagsubok ang ibinigay kay Abraham, hindi maliit
na sakripisyo ang hiniling mula sa kanya. May matitibay na mga relasyon na
maaring bumigkis sa kanya sa kanyang bansa, sa kanyang kamag-anak at sa
kanyang tahanan. Ngunit hindi siya nag-atubili na sundin ang panawagan.
Wala siyang katanungan tungkol sa lupang pangako. . . . ang Diyos ang
nagsabi, at ang Kanyang lingkod ay dapat susunod; ang pinakamasayang
lugar sa lupa para sa kanya ay ang lugar na nais ng Diyos para sa kanya.”—
Ibid, p. 126.
6
Lunes Enero 2
2. ANG MGA PANGAKO
a. Ano ang mga naunang ipinangako ng Diyos kay Abraham? Gen. 12:2,
3.
“Tinawagan ng Diyos si Abraham mula sa kanyang hindi maka-Diyos na
mga kamag-anak at pinag-utusang manirahan sa lupain ng Canaan sa layunin
na maibigay ang pinakamabuting mga kaloob ng langit para sa lahat ng tao sa
lupa. ‘Gagawin kitang isang malaking bansa,’ sinabi Niya, ‘ikaw ay aking
pagpapalain, gagawin kong dakila ang iyong pangalan, at ikaw ay magiging
isang pagpapala’ (Gen. 12:2). Tinawagan si Abraham para sa isang mataas na
karangalan—ang maging ama ng isang bansa na sa loob ng maraming siglo ay
magiging tagapangalaga at tagapag-ingat ng katotohanan ng Diyos sa
sanglibutan, ang bayan na sa pamamagitan nito ay mabibiyayaan ang lahat ng
mga bansa sa pagdating ng ipinangakong Mesyas.
“Malapit nang makalimutan ng mga tao ang kaalaman tungkol sa tunay na
Diyos. Ang kanilang isipan ay pinadilim ng idolatriya. Sa lugar ng mga
palatuntunan ng Diyos, na siyang ‘banal, at matuwid, at mabuti’ (Rom. 7:12),
nagsusumikap ang mga tao upang palitan ng mga batas na naaayon sa mga
layunin ng kanilang malupit at makasariling mga puso. Ngunit sa awa ng
Diyos ay hindi sila binura sa kawalan. Layunin Niya na bigyan sila ng
pagkakataon upang makilala Siya sa pamamagitan ng Kanyang iglesiya.
Pinanukala Niya na ang mga prinsipyong naihayag sa Kanyang bayan ang
siyang magiging daan upang maibalik ang moral na wangis ng Diyos sa
tao.”—PK, p. 15, 16.
b. Anong lupain ang ipinangako ng Diyos kay Abraham at ng kanyang
binhi? Gen. 12:5-7; 13:14-18.
k. Ano ang kahalagahan ng paninirahan ni Abraham at ng kanyang mga
anak sa mga tolda? Heb. 11:9, 10, 13-16. Anong parehong saloobin
ang tayo’y tinatawagan upang ipamuhay? 2 Pedro 3:11-14.
“Pagsikapan natin na maging Kristiyano (kalutad ni Kristo) sa bawat
kahulugan ng salita, at hayaan na ang ating pananamit, pananalita at mga
gawa ang siyang mangaral na si Kristo ay nabuo sa ating kalooban, na siyang
pag-asa ng kaluwalhatian, at tayo’y naghihintay sa mapalad na pag-asa at
maluwalhating pagpapakita ni Jesus. Ipakita natin sa mga nakapalibot sa atin
na ang mundong ito ay ‘di natin tahanan, na tayo’y mga manlalakbay at
estranghero rito.”—RH, June 10, 1852.
7
Martes Enero 3
3. ANG MALAKING PAGKAKAMALI NI LOT
a. Sa anong tukso nahulog si Lot nang siya’y naglalakbay patungo sa
lupang pangako kasama si Abraham? Gen. 13:5-11; 1 Juan 2: 16, 17.
“Ang pinakamayabong na rehiyon sa buong Filistia ay ang lambak ng
Jordan, ipinapaala nito sa mga nakatingin ang tungkol sa nawalang Paraiso at
pumapantay sa ganda at mabungang kapatagan ng Nile na kamakailan lamang
ay kanilang iniwanan. . . . Nasilaw sa pangitain ng makamundong
pakinabang, hindi pinansin ni Lot ang moral at espirituwal na kasamaan na
maaaring maranasan [sa mataong merkado ng mayaman at magandang mga
siyudad]. Ang mga nananahan sa kapatagan ay mga ‘lubhang makasalanan sa
harap ng Panginoon;’ ngunit siya’y ignorante sa bagay na ito, o kaya’y,
kanyang nalalaman, ngunit hindi niya gaanong binigyan ng halaga. Kanyang
‘pinili para sa kanya ang buong libis ng Jordan,’ at ‘inilipat ang kanyang tolda
hanggang sa Sodoma’ (Gen. 13:11, 12). Gaano kaliit ang kanyang nakita sa
kakila-kilabot na bunga ng makasariling pagpiling yaon!”—PP, p 133.
b. Ano ang nais makamtam ng demonyo sa pamamagitan ng masamang
pita ng mga mata? Marco 4:18, 19; Mat. 4:8-10.
Kung ang mga pangangailanan at alalahanin pagsusumakit ng sanglibutan
ang siyang hayaang umukupa sa lahat ng ating panahon at pagiisip, ang ating
espirituwal na mga kapangyarihan ay hihina at mamamatay sapagkat sila’y
hindi pinapagana.”—This Day With God, p. 87.
k. Paano mangyari na ang lugar na ating pipiliin na pagtayuan ng ating
tolda ay maaaring makasira sa ating espirituwal na buhay at ng ating
mga pamilya? Gen. 13:12, 13; 19:1, 12-16.
“Marami . . . sa pagpili ng isang tahanan . . . ang higit na tumitingin sa
lumilipas na mga pakinabang na maaari nilang makamit kaysa sa moral at
sosyal na impluwensya na magpapalibot sa kanila at sa kanilang mga pamilya.
Pinipili nila ang maganda at mayabong na bansa, o lumipat sa umuunlad na
siyudad, sa pag-asa na makakakuha ng higit na kasaganaan; ngunit ang
kanilang mga anak ay napalibutan ng tukso, at kadalasan ay nakabubuo sila
ng samahan na hindi nakatutulong sa pag-unlad ng paggalang at sa pagbuo ng
tamang pag-uugali. Ang kapaligiran na maluwag ang moralidad, na walang
pananampalataya, na may pagwawalang bahala sa relihiyon, ay maaaring
humadlang sa impluwensya ng mga magulang. . . . Marami ang bumuo ng
pakikisama sa mga taong hindi naniniwala sa relihiyon at sa mga hindi
mananampalataya, at nakipagsapalaran sa mga kaaway ng Diyos.”—PP, p.
168, 169.
8
Miyerkules Enero 4
4. MAKASALANANG KAPALIGIRAN
a. Ano ang matutunan natin sa karanasan ng asawa ni Lot? Gen. 19:26;
Lucas 17:28-33.
“[Ang asawa ni Lot] ay naghimagsik laban sa Diyos sapagkat kasamang
nasira ang mga ari-arian at mga anak niya sa paghatol ng Diyos. . . .
“Ang paanyaya ng awa ay para sa lahat; at dahil tinanggihan ng ating mga
kaibigan ang pagsusumamo ng pag-ibig ng Tagapagligtas, tayo rin ba ay
tatalikod? Ang pagtubos ng kaluluwa ay mahalaga. Nagbayad si Cristo ng
hindi masukat na halaga para sa ating kaligtasan, at walang sinuman na
kumikilala sa halaga ng malaking sakripisyo na ito o ang halaga ng kaluluwa
ang hahamak ng iniaalok na awa sa dahilan na pinili ng iba na gawin ito.”—
PP, p.161, 162.
b. Bagamat nakatakas ang mga anak na babae ni Lot mula sa Sodoma,
paano nasira ang kanilang moralidad? Gen. 19:30-38, Lev. 18:6, 7.
“Naglakad si Lot sa mga bundok at nanirahan sa isang kweba. Nawala sa
kanya ang lahat, na sa hangaring makamtan ang mga ito ay lakas loob niyang
ipinailalim ang kanyang pamilya sa mga impluwensya ng isang masamang
siyudad. Ngunit ang sumpa ng Sodoma ay sumunod sa kanya maging dito.
Ang masamang gawa ng kanyang mga anak na babae ay bunga ng masamang
pakikisalamuha nila sa lugar na iyon. Ang moral na katiwalian ay naging
kabahagi ng kanilang pag-uugali kung kaya’t hindi nila nakikilala ang
pagkakaiba ng mabuti at masama. Ang tanging lahi ni Lot, ang mga Moabita
at Ammonita, ay masasama, mga tribo na nagsisisamba sa diyus-diyosan, mga
naghimagsik laban sa Diyos.”—Ibid., p.167, 168.
k. Sa mga huling araw na ito, saang lugar ang pinakaligtas na pagtayuan
ng ating mga tolda habang tayo’y naglalakbay patungo sa lupang
pangako, at bakit? Gen. 2:7, 8; Judas 5-7.
“Hangga’t binibigyan ako ng kapangyarihan ng Diyos upang magsalita sa
ating mga tao, patuloy akong mananawagan sa mga magulang upang umalis
sa mga siyudad at manirahan sa kabukiran, kung saan kanilang linangin ang
lupa at matutunan ang leksyon ng kadalisayan at kababaang-loob mula sa
libro ng kalikasan. Ang mga bagay sa kalikasan ang siyang tahimik na mga
ministro ng Panginoon, na ibinigay sa atin upang ituro sa atin ang mga
espirituwal na katotohanan. Sila’y nagsasalita sa atin ng pag-ibig ng Diyos at
nagpapahayag ng karunungan ng dakilang dalubhasang Pintor.”—AH, p 146,
147.
9
Huwebes Enero 5
5. PAGSIKAPANG PATATAGIN ANG PAGKATAWAG
a. Sapagkat tayo’y tinawagan patungo sa lupang pangako gaya ni
Abraham, ano ang dapat nating isa-isip? 2 Ped. 1:10, 11; Mat. 22:14.
“Wala ni isa ang kailangang mawalan ng buhay na walang hanggan.
Bawa’t isa na araw-araw ay pinipili niyang matuto ukol sa makalangit na guro
ay kanyang mapapatatag ang kanyang pagkatawag at pagkapili. Tayo’y
magpakumbaba sa harapan ng Diyos, at sumunod sa Kanya na ang pagkakilala
sa Kanya ng wasto ay nanganahulugan ng buhay na walang hanggan….
“Huwag nating payagan ang anumang bagay na makapaghihiwalay sa atin
mula sa Diyos at sa langit. Sa buhay na ito ay kinakailangang tayo ay maging
kabahagi ng likas ng Diyos. Mga kapatid kong mga lalaki at mga babae
mayroon lamang kayong isang buhay upang ipamuhay. Ito nawa’y isang mabuting buhay, isang buhay na nakatago kasama ni Kristo sa Diyos!”--HP, p. 29.
b. Sino lamang ang makararating sa Lupang Pangako? Apoc. 17:14;
Heb. 3:12-14.
“Ang gawain ng pagdaig ng masama ay magampanan sa pamamagitan ng
pananampalataya. Mapagtatanto ng mga hahayo sa digmaan na kailangan nilang isuot
ang buong kasuotang pandigma ng Diyos. Ang kalasag ng pananampalataya ang
kanilang depensa at magpaging higit pa sa kanila na mga manlulupig. Wala ng ibang
makatutulong kundi ito—pananampalataya sa Panginoon ng mga hukbo, at pagsunod
sa Kanyang mga utos. Ang maraming hukbo na binigyan ng lahat ng kagamitan ay
magaing walang kabuluhan sa huling tunggalian. Kung walang pananampalataya, ang
kahit isang hukbong anghel ay hindi tutulong. Buhay na pananampalataya lamang ang
makagawa sa kanila na hindi-matatalo at magbigay sa kanila ng kakayahan upang
makatayo sa masamang araw, matatag, hindi natitinag, at upang mapanghawakan nila
ng matatag ang simula ng kanilang pagtitiwala hanggang sa katapusan.”—Counsels to
Parents, Teachers, and Students, pp. 182, 183.
Biyernes Enero 6
Personal na mga Katanungan para sa Pagbabalik-aral
1. Ano ang kahulugan ng pagmahal natin ng ating mga pamilya ng higit
sa pagmahal natin kay Kristo?
2. Paano natin masasabi na tayo’y mga manlalakbay at estranghero sa
ngayon?
3. Ipaliwanag kung paano na ang pipiliin nating lugar upang manirahan
ay makakaapekto sa ating kapalaran?
4. Ano ang mga panganib ng paninirahan malapit sa makasalanang
siyudad?
5. Bakit hindi lahat ng tinawagan ay napili rin?
10
Leksiyon 2 Sabbath, Enero 14, 2017
Ang Pananampalataya ni Abraham
“Sumampalataya siya [Abraham] sa Panginoon; at ito’y ibinilang na
katuwiran sa kanya.” (Genesis 15:6).
“Maaaring sanayin ang ating sarili upang sumampalataya, turuan upang
umasa sa Salita ng Diyos.”—Our High Calling, p. 119.
Mungkahing Babasahin: Testimonies, vol. 6, pp. 91-99.
Linggo Enero 8
1. PINAKAMALAKING PAG-AALALA NI ABRAHAM
a. Ano ang pinamalaking pag-aalala ni Abraham hinggil sa mga
pangako ng Diyos? Gen. 12:7; 15:1-3.
“Dahil walang anak si Abraham, sa una ay kanyang inisip na ang kanyang
pinagkakatiwalaang alipin nasi Eliezer ang magiging ampon niyang anak at
tagapagmana. Ngunit ipinaalam ng Diyos kay Abraham na hindi ang kanyang
alipin ang magiging anak niya at tagapagmana, kundi siya nga’y
magkakaroon ng isang anak.”—The Story of Redemption, p. 77.
b. Paano muling tiniyak ng Diyos kay Abraham na hindi Niya
kinalimutan ang Kanyang pangako? Gen. 15:4, 5; Isa. 55:10, 11.
“Nais ng Diyos na tayo’y tumanggap ng maraming pagpapala. Ang
Kanyang mga pangako ay malinaw na nakasulat kaya walang dahilan ng
kawalang-katiyakan. Nais Niya tayong maniwala sa Kanyang salita. May mga
pagkakataon na tayo’y nasa malubhang kabalisahan at hindi alam kung ano
ang gagawin. Ngunit sa mga panahong ito ay pribilehiyo natin na kunin ang
Biblia at basahin ang mga mensaheng Kanyang ibinigay; at lumuhod sa
panalangin upang hilingin ang Kanyang tulong. Paulit-ulit na Kanyang
ipinakita ang katibayan na Siya’y isang Diyos na nakikinig at tumutugon ng
panalangin. Tinutupad Niya ang Kanyang mga pangako ng higit pa sa
inaasahan nating tulong na matatanggap. . . .
“Nasaan man tayo, obligasyon natin bilang mga alagad ng ating
Panginoon at Pinuno, na ating iunay ang ating pananampalataya sa mga
pangako ng Diyos.”—The Watchman, May 1, 1914.
11
Lunes Enero 9
2. LUBOS NA NAHIMOK
a. Bakit nagpasiya si Abraham na maniwala sa ipinangakong anak ng
Diyos? Gen. 15:6 (unang bahagi); Rom. 4:20, 21.
“Yaong pananampalataya na gumagawa na may pag-ibig at dumadalisay
sa kaluluwa ay hindi isang simbuyo ng damdamin lamang. Ito’y nangangahas
sa mga pangako ng Diyos, matatag na sumasampalataya na ano man ang
kanyang sinabi ay kayang Niya itong ganapin.”—Our High Calling, p. 119.
“[Filipos 4:4-7 sinipi.] Ang pangako mismo ay walang halaga maliban na
lamang na ako’y lubos na nanampalataya na yung nangako ay may
kakayahang ipatupad ito, at mayroong walang katapusang kapangyarihan
upang gawin lahat ang Kanyang sinabi.”—This Day With God, p. 156.
b. Ano ang naging gantimpala niya sa pagsampalataya sa pangako ng
Diyos? Gen. 15:6 (huling bahagi); Rom. 4;22.
“Sa sandaling manampalataya ang makasalanan kay Kristo, siya ay
tumatayong walang hatol sa harapan ng Diyos; sapagkat ang katuwiran ni
Kristo ay kanya: ang sakdal na pagsunod ni Kristo ay ibinilang na kanya.
Subalit kinakailangan niyang makipagtulungan sa kapangyarihan ng Diyos, at
gamitin ang kanyang makataong pagsisikap upang lupigin ang kasalanan, at
tumayong buo kay Kristo.”—Fundamentals of Christian Educ., pp. 429, 430.
“Maaari tayong manahan sa Diyos, hindi dahil sa sarili nating merito,
kundi dahil ang katuwiran ni Kristo ay ibinilang na atin. Ilayo ang paningin
mula sa sarili patungo sa dalisay na Kordero ng Diyos, na walang ginawang
kasalanan; at sa pagtingin sa Kanya na may pananampalataya tayo ay
magiging gaya Niya.”—GW (1892), p. 429.
k. Kailan tunay na nasasanay ang pananampalataya? Heb. 11:1; Hab.
2:3.
“Ang pananatili sa pananampalataya ay nangangahulugan ng pagsantabi
ng damdamin at makasariling mga nais, paglakad na may pagpapakumbaba
kasama ang Panginoon, pag-angkin ng Kanyang mga pangako, at paggamit ng
mga ito sa lahat ng pagkakataon, pagtitiwala na gagawin ng Diyos ang
Kanyang mga plano at layunin sa iyong puso at buhay sa pamamagitan ng
pagpapakabanal ng iyong ugali; ganap na umasa, magtiwala ng walang
pagdududa, sa katapatan ng Diyos. Kung ito ay nasunod, makikita ng iba ang
natatanging bunga ng Espiritu na nahahayag sa buhay at pag-uugali.”—
Fundamentals of Christian Education, pp. 341 342.
12
Martes Enero 10
3. INAARING-GANAP NG DIYOS ANG MASAMA
a. Ano ang nagpapakita sa atin na si Abraham ay isang makasalanan na
nangangailangan ng pag-aaring-ganap? Rom. 3:9-12, 23; Gen. 12:11-20.
“Sa kanyang pamamalagi sa Ehipto, si Abraham ay nagbigay ng
katunayan na hindi siya yung taong walang kahinaan at kasiraan. Sa pagtatago
ng katotohanan na asawa niya si Sara, inilantad niya ang kanyang kawalan ng
pagtitiwala sa pag-aaruga ng Dios, isan kakulangan ng matayog na
pananampalataya at tapang na madalas at marangal na naipapakita sa kanyang
buhay.”—PP, p.130.
b. Ano ang sabi ng Biblia tungkol sa pag-aaring-ganap kay Abraham sa
harapan ng Diyos? Rom. 4:1-8; 3:28.
“Ang pagtangap ng Diyos sa atin ay tiyak sa pamamagitan lamang ng
Kanyang minamahal na Anak, at ang ating mabubuting gawa ay bunga ng
pagkilos ng Kanyang mapagpatawad na pag-ibig. Hindi kredito ang mga ito
para sa atin, at walang anomang ibinigay sa atin na mga puntos dahil sa mga
mabubuti nating gawa na maari nating angkinin na nakatulong sa kaligtasan
ng ating mga kaluluwa. Ang kaligtasan ay kaloob na walang bayad para sa
mananampalataya, ibinigay sa kanya ng dahil kay Kristo lamang. Ang
naguguluhang kaluluwa ay maaaring makahanap ng kapayapaan sa
pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo, at ang kanyang kapayapaan ay
ayon sa sukat ng kanyang pananampalataya at pagtitiwala. Hindi niya
magagamit ang kanyang mabubuting gawa na siyang dahilan para sa
kaligtasan ng kanyang kaluluwa.”—The SDA Bible Commentary [E.G. White
Comments], vol. 5, p. 1122. “Alalahanin na naparito si Kristo upang iligtas ang mga makasalanan. Wala
tayong taglay na ano mang bagay na puedeng magpaging karapatdapat sa atin sa
harapan ng Diyos; ang ating maisusumamo ngayon at mapakailan man ay ang ating
kalagayan na kung saan wala tayong magagawa upang mailigtas ang ating sarili, na
siyang dahilan kung bakit kinakailangan natin ang kanyang makapagliligtas na
kapangyarihan. Matapos nating talikuran lahat na pagtitiwala sa sarili ay maaari
tayong tumingin sa krus ng kalbaryo.”—MH, p.65.
c. Anong mangyayari sa isang makasalanang tao kapag pinili niyang
sumampalataya ng buong puso sa Diyos? Rom. 6:17, 18; 10:9, 10;
1:17.
“Sa sandaling isuko natin ang ating sarili sa Diyos, na naniniwala kay Jesus, nasa
sa atin na ang katuwiran ni Kristo. Napagtanto natin na tayo’y natubos na mula sa
kasalanan at pinapahalagahan ang Kanyang sakripisyo sa pagbili ng ating
kalayaan.”—Manuscript Releases, vol. 5, p. 34.
13
Miyerkules Enero 11
4. ISANG TANDA NG PAGBABALIK-LOOB
a. Anong panlabas na gawa ang inawa ni Abraham upan ipakita ang
panloob na pagbabago sa kanya? Gen. 17:10, 11; Rom. 4:11.
“Ang seremonya ng pagtutuli . . . ay kinakailangang gawin ng patriyarka
[Abraham] at ng kanyang salinlahi bilang tanda na sila’y tapat sa kanilang
paglilingkod sa Diyos at hiwalay mula sa mga nagsisisamba sa diyus-diyosan,
at tinanggap sila ng Diyos bilang Kanyang natatanging kayamanan. Sa
pamamagitan ng seremonyang ito ay sumumpa sila na tuparin, sa kanilang
bahagi, ang mga kondisyon ng tipan na ginawa kay Abraham. Hindi sila
makikipag-asawa sa mga pagano; sapagkat sa paggawa nito ay mawawala ang
kanilang paggalang sa Diyos at sa Kanyang banal na utos; sila’y matutukso na
gumawa ng mga masasamang gawain ng ibang mga bansa at maakit sa
pagsamba sa ma dios-diyosan.”—PP, p. 138.
b. Bakit mahalagang maunawaan na si Abraham ay naibilang na banal
bago pa siya natuli? Rom. 4:8-12; 2:28, 29.
“Ang kabanalan ay siyang pagsunod sa kautusan. Hinihiling ng kautusan
ang kabanalan, at ito ay obligasyon ng makasalanan na ibiay sa kautusan;
ngunit wala siyang kakayahan upang ibigay ito. Ang tanging paraan upang
kanyang maabot ang kabanalan ay sa pamamagitan ng pananampalataya. Sa
pamamagitan ng pananampalataya ay kanyang maihaharap sa Diyos ang
merito ni Kristo, at ilalagay ng Panginoon ang pagsunod ng Kanyang Anak sa
pangalan ng makasalanan bilang kanyang katuwiran. Ang kabanalan ni Kristo
ay tinatanggap na kahalili ng kabiguan ng tao, at and tinatanggap ng Diyos,
pinatatawad, pinawawalang-sala, ang nagsisisi at sumasampalatayang
kaluluwa, itinuturing siyang parang isang banal, at siya’y mamahalin gaya ng
pagmamahal Niya ng Kanyang Anak…. “Marami ang nalilihis sa tamang landas, sa pag-iisip na kailangan nilang umakyat
sa langit, na kailangan nilang gumawa ng ilang bagay upang magkaroon ng karapatan
o maging karapatdapat para tumanggap ng pabor mula sa Diyos. Sinisikap nilang
maging mas mabuti sa kanilang sariling pagsisikap na walang tumutulong sa kanila.
Hindi nila ito kailan man magaganap. Gumawa si Cristo ng daan sa pamamagitan ng
kanyang kamatayan bilang ating handog, sa pamamagitan ng pamumuhay niya bilang
ating halimbawa, sa pamamagitan ng kanyang pagiging ating saderdote. Kanyang
ipinahayag, ‘Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay’ (Juan 14:6). Kung sa
pamamagitan ng ating sariling pagsisikap ay makakaabante tayo ng isang hakbang,
ang salita ni Kristo ay hindi magiging totoo. Ngunit kapag tinanggap natin si Kristo,
ang mabubuting mga gawa ay mahahayag bilang patotoo na tayo ay nasa landas ng
buhay, na si Kristo ang ating daan, at tayo’y lumalakad sa tunay na landas patungong
langit.”—Faith and Works, pp. 101, 102.
14
Huwebes Enero 12
5. TULI SA PUSO
a. Bago tayo mabinyagan sa tubig (ang gawain sa bagong tipan na
kapalit ng pagtutuli), ano ang kailangang unang mangyari sa loob
natin? Juan 3:5-8; Col. 2:10-13.
“Lahat ng pumapasok sa bagong buhay kay Kristo, bago sila mabinyagan,
ay dapat maunawaan na hinihingi ng Diyos ang kanilang buong pagmamahal.
. . . Ang pagbubunga ang magpapatotoo ng katangian ng puno. Ang isang
mabuting puno ay hindi magbubunga ng masama. . . . Kinakailangan ang
isang lubos na pagbabalik-loob sa katotohanan.”—Evangelism, p 308.
“Bawat kaluluwang nakiki-isa kay Kristo ay magiging isang buhay na
misyonero sa lahat ng nakapalibot sa kanya.”—Ibid., p.319.
b. Anong mangyayari sa mga Kristiyano na iniaasa ang kanilang
kaligtasan sa panlabas lamang na anyo ng pagbibinyag, gaya ng mga
Hudyo na iniaasa ang kanilang kaligtasan sa pagtutuli? Rom. 10:1-3;
Mat. 23:25-28.
“Ang inyong ugnayan sa iglesya, ang paraan kung paano ka ituring ng mga
kapatiran, ay magiging walang kabuluhan maliban na ikaw ay maniwala kay
Kristo. Hindi sapat na paniwalaan ang tungkol sa Kanya; kailangang
magtiwala ka sa Kanya. Kailangang lubus na magtiwala ka sa Kanyang
makapagliligtas na biyaya.”—Testimonies, vol. 5, p.49.
“Mayroong gawain ang Panginoon na pinagagawa sa ating lahat. At kapag
ang katotohanan ay hindi nakaugat sa puso, kapag ang likas na pag-uugali ay
hindi nabago ng Banal na Espiritu, kailan man ay hindi tayo magiging
kamanggagawa ni Jesu-Kristo. Patuloy na lilitaw ang sarili, at ang ugali ni
Kristo ay hindi mahahayag sa ating mga buhay.”—The SDA Bible
Commentary [E. G. White Comments], vol. 7, p. 969.
Biyernes Enero 13
Personal na mga Katanungan para sa Pagbabalik-aral
1. Paano tayo magkakaroon ng tiwala sa mga pangako ng Diyos?
2. Ano ang kahulugan ng napanatag ng salita ng Diyos?
3. Anong mapagpalang biyaya ang mapapasaatin kapag tayo’y sumuko
sa Diyos?
4. Ano ang sinisimbulohan ng pagtutuli?
5. Ano ang mas mahalaga, pagkabinyag na pangloob o panglabas?
15
Leksiyon 3 Sabbath, Enero 21, 2017
Ang Ipinangakong Binhi
“Ngayon, ang mga pangako ay ginawa kay Abraham at sa kanyang
binhi. Hindi sinasabi, ‘At sa mga binhi,’ na tungkol sa marami; kundi
tungkol sa iisa, ‘At sa iyong binhi,’ na si Kristo ” (Galacia 3:16).
“Ang kaloob kay Abraham at ng kanyang binhi ay hindi lamang kasama
ang lupain ng Canaan kundi ang buong mundo.”—PP, p. 170.
Mungkahing Babasahin: Patriarchs and Prophets, pp. 145-155.
Linggo Enero 15
1. ANG BINHING IPINANGAKO
a. Kahit na isang binhi ang hiningi ni Abraham para magiging
tagapagmana, ilang mga anak ang ipinangako ng Diyos na ibibigay
bilang pagpapala sa kanya? Gen. 13:15, 16; 15:2-5.
b. Paano inihayag ni apostol Pablo na ang mga pangako na ginawa ng
Diyos kay Abraham ay magaganap sa pamamagitan ng isang napaka-
espesyal na binhi, si Jesu-Kristo? Gen. 17:1-8; Gal. 3:16; Heb. 2:14-16.
“Malinaw at tiyak na mga hula ang naibinigay tungkol sa paglitaw
“Yaong Naipangako.” Naibigay kay Adan ang katiyakan ng pagdating ng
Manunubos. Ang pasya na sinabi kay Satanas, ‘Maglalagay ako sa iyo at sa
babae ng pagkapoot sa isa’t isa, at sa iyong binhi at sa kanyang binhi. Ito ang
dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog sa kanyang sakong’ (Gen. 3:15),
ay isang pangako sa ating unang magulang ng pagtubos na isasakatuparan sa
pamagitan ni Kristo.
“Kay Abraham naibigay ang pangako na sa kanyang lahi manggagaling
ang Tagapagligtas ng sanlibutan: ‘Sa pamamagitan ng iyong binhi ay
pagpapalain ang lahat ng bansa sa lupa.’ ‘Hindi sinasabi, At sa mga binhi, na
tungkol sa marami; kundi tungkol sa iisa, At sa iyong binhi, na si Kristo’
(Gen. 2218; Gal. 3:16).”—AA, p. 222.
16
Lunes Enero 16
2. ANG KAPANGANAKAN NG IPINANGAKONG BINHI
a. Paano natin malalaman na alam ni Abraham na ang mga pangako ay
darating sa pamamagitan ng isang napaka-espesyal na binhi, si Jesu-
Kristo? Juan 8:56.
“Ipinakita kay [Abraham] ang banal na handog para sa kasalanan. Tungkol sa
handog na ito ay may paglalarawan sa kanyang sariling karanasan. . . . Sa altar o
dambana ng handog ay ipinahiga niya ang anak ng pangako, ang anak na kung saan
nakasentro ang kanyang pag-asa. . . .
“Natutunan ni Abraham mula sa Diyos ang pinakadakilang leksyon na ibinigay
sa tao. Ang Kanyang dalangin na makita si Kristo bago siya mamatay ay nasagot.
Nakita niya si Kristo; nakita niya ang lahat na maaaring makita ng tao, at mabuhay.
Sa pamamagitan ng lubos na pagpapasakop, kanyang naunawaan ang pangitain ukol
kay Kristo, na naibigay sa kanya. Naipakita sa kanya na sa pag-aalay ng Kanyang
Tanging Anak upang iligtas ang mga makasalanan mula sa walang-hanggang
pagkasira, ang Diyos ay gumagawa ng isang lalong higit at lalong kahanga-hangang
sakripisyo na maaaring gawin ng tao.”—DA, pp. 468, 469.
b. Nang makita na si Sara ay lampas na sa edad ng panganganak, ano
ang kailangan ni Abraham at Sara bago sila magka-anak? Gen. 17:15-
19; 18:9-14; Marcos 10:27.
“Nais ko na mapagtanto ng lahat kung ano ang mga posibilidad at
maaaring mangyari sa lahat ng nagtitiwala at ibinilang si Kristo na kanilang
kasapatan. Ang buhay na nakatagong kasama ni Kristo sa Diyos ay laging
may kanlungan; maaari niyang sabihin, ‘Lahat ng mga bagay ay aking
magagawa sa pamamagitan niyang nagpapalakas sa akin’ (Filipos 4:13).”—
Country Living, p. 28.
k. Sa anong mga paraan na ang milagrong pagsilang kay Isaak ay
sumisimbulo sa milagrong kapanganakan ng ipinangakong binhi, si
Jesu-Kristo? Isa. 7:14; Mat. 1:18-23.
“Ang pagkasilang ng isang anak kay Zakarias, gaya ng pagkasilang ng
anak ni Abraham, at yaong kay Maria, ay nagtuturo ng isang dakilang
katotohanang pang-espirituwal, isang katotohanan na mabagal nating
matutunan at handang makalimutan. Sa ating sarili wala tayong kakayahang
gumawa ng anumang mabuti; ngunit yaong hindi natin kayang gawin sa ating
sarili ay magagawa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos sa bawat
kaluluwang nagpapasakop at naniniwala. Ang ipinangakong anak ay naibigay
dahil sa pananampalataya. Dahil sa pananampalataya na ang espirituwal na
buhay ay nabubuo at tayo’y pinagkalooban ng kakayahan upang gumawa ng
kabanalan.”—DA, p. 98.
17
Martes Enero 17
3. KAMATAYAN NG IPINANGAKONG BINHI
a. Ilarawan kung paano inihula ng Diyos ang kamatayan ng
ipinangakong binhi, si Jesu-Kristo, sa pamamagitan ng pag-aalay kay
Isaac. Gen. 22:1-3, 9-13; Rom. 8:31, 32; Isa. 53:4-7.
“Ang tupang naihandog kapalit ni Isaak ay kumakatawan sa Anak ng
Diyos, na siyang maihahandog bilang kahalili natin. Nang ang tao ay
hinatulang mamatay ng dahil sa pagsuway sa batas ng Diyos, ang Ama, na
nakatingin sa kanyang Anak, ay nagsabi sa makasalanan, ‘Mabuhay ka:
Ako’y nakatagpo ng katubusan.’
“Ito’y upang ikintal sa isipan ni Abraham ang mga katotohanan ng
ebanghelyo, gayon din upang masubukan ang kanyang pananampalataya,
kung kaya’t ipinag-utus sa kanya ng Diyos na paslangin ang kanyang anak.
Ang matinding paghihirap na kanyang tiniis sa panahon ng madilim na mga
araw ng nakakatakot na pagsubok ay pinayagan upang maunawaan niya sa
kanyang sariling karanasan ang kadakilaan ng sakripisyong ginawa ng
walang-hanggang Diyos para sa pagtubos ng tao. Walang ibang pagsubok ang
magdudulot kay Abraham ng ganun kasidhing paghihirap ng kalooban na
tulad ng pag-alay ng kanyang anak. Ibinigay ng Diyos ang Kanyang Anak sa
isang kamatayang puno ng paghihirap at nakakahiya. Ang mga anghel na
nakasaksi sa kahihiyan at dalamhati ng Anak ng Diyos ay hindi pinayagang
maki-alam, gaya sa kaso ni Isaak. Walang tinig na nagsasabi, ‘Tama na.’ Sa
pagligtas ng nahulog na lahi, inialay ng Hari ng kaluwalhatian ang Kanyang
buhay. Mayroon pa bang maibibigay na mas matibay na patunay ng walang
hanggang awa at pag-ibig ng Diyos?”—PP, p. 154.
b. Anong ang kahagahan ng pahayag na ‘iyong bugtong na anak’ na
sinabi ng Diyos kay Abraham? Gen. 22:2; Marcos 1:11; 1 Juan 4:9.
“Isinuko ng ating Ama sa langit ang kanyang minamahal na Anak sa
matinding paghihirap ng pagpako sa krus. . . . Ang mahal na Anak ng Diyos,
ang Manunubos ng sanlibutan, ay inalipusta, kinutya, pinagtawanan, at
pinahirapan, hangga’t niyuko Niya ang Kanyang ulo sa kamatayan. Anong
mas dakilang patunay ang puedeng ibibigay ng walang hanggang Diyos sa
atin ukol sa Kanyang banal na pag-ibig at awa? [Rom. 8:32 sinipi].”—That I
May Know Him, p. 20.
“Kaya tayo nga’y magalak na magdusa ng anumang bagay ng dahil kay
Kristo, ipako ang sarili araw-araw, at maging kabahagi sa paghihirap ni Kristo
dito, upang tayo’y maging kabahagi Niya sa Kanyang kaluwalhatian, at
maputungan ng kaluwalhatian, karangalan, walang kamatayan, at walang
hanggang buhay.”—EW, p. 114.
18
Miyerkules Enero 18
4. MULING PAGKABUHAY NG IPINANGAKONG BINHI
a. Paano ipinakita ng Diyos kay Abraham na ang binhing ipinangako, si
Jesu-Kristo, ay siyang magiging Tagapagligtas ng sanlibutan? Gen.
22:7, 8, 11-13; Heb. 11:17-19.
“Nang ibinigay ang utos kay Abraham na ialay ang kanyang anak, ang
interes ng lahat ng makalangit na nilalang ay nakuha. Maalab nilang pinanood
ang bawat hakbang ng katuparan ng utos na ito. Nang sa nagtanong ni Isaac,
‘Nasaan ang korderong handog na susunugin?’ ay sumagot si Abraham, ‘Ang
Diyos ang magkakaloob ng korderong handog na susunugin’ (Gen. 22:7, 8);
at nang ang kamay ng ama ay napatigil sa pagpaslang ng kanyang anak, at ang
tupang ibinigay ng Diyos ay naihandog kapalit ni Isaak—nagliwanag ang
misteryo ng pagtubos, at pati ang mga anghel ay nakaunawa ng mas malinaw
sa kahanga-hangang kaloob na ibinigay ng Diyos para sa kaligtasan ng
tao.”—PP, p. 155.
b. Anong kahanga-hangang katotohanan ang tiniyak kay Abraham
habang kanyang pinanghahawakan ang pangakong, “Sa
pamamagitan ni Isaak papangalanan ang iyong binhi” (Gen. 21:12)?
Gen. 22:5; Heb. 11:18, 19.
“Pinalakas niya [Abraham] ang kanyang sarili sa pagmumuni-muni sa
mga katibayan ng kabutihan at katapatan ng Diyos. Ibinigay ang anak na ito
na ‘di inaasahan; at Siya na nagbigay ng mahalagang kaloob ay wala bang
karapatan upang bawiin ang sa Kanya? At inulit ng pananampalataya ang
pangako, ‘Sa pamamagitan ni Isaak papangalanan ang iyong binhi’—isang
binhi na ‘di mabilang gaya ng butil ng buhangin sa baybayin. Si Isaak ay
isang milagrong anak, at ang kapangyarihan na nagbigay sa kanya ng buhay
ay hindi ba Niya kayang ibalik ito? Sa pagtatanaw niya doon sa lampas ng
nakikita, naintintindihan ni Abraham ang salita ng Diyos, na ‘Itinuturing niya
na maging mula sa mga patay ay maaaring buhayin ng Diyos ang isang tao’
(Heb. 11:19).”—Ibid., pp. 151, 152.
k. Paano sumasagisag ang katotohanang ito sa tunay na binhing
ipinangako, si Jesu-Kristo? Gawa 3:25, 26; 1 Ped. 1:18-21.
“[Ang Anak ng Diyos] ay nabuhay na mag-uli mula sa libingan at
ipinahayag Niya sa ibabaw ng libingan ni Jose, ‘Ako ang muling pagkabuhay
at ang buhay’ (Juan 11:25). Isang kapantay ng Diyos ang namatay alang-alang
sa atin. Naranasan Niya ang kamatayan para sa bawat tao, na sa pamamagitan
Niya ang bawat tao ay makabahagi ng walang hanggang buhay.”—In
Heavenly Places, p. 13.
19
Huwebes Enero 19
5. MANA NG IPINANGAKONG BINHI
a. Ano ang manang ipinangako ng Diyos kay Abraham at ng kanyang
binhi? Gen. 17:7, 8; Awit 105:6-11. Paano ito sumisimbulo sa mana ni
Kristo? Daniel 7:13, 14, 18; Mat. 25:31-34.
“Mabibigo ang wika na ipahayag ang halaga ng pamanang walang
kamatayan. Ang kaluwalhatian, kayamanan, at karangalan na inaalok ng Anak
ng Diyos ay nagtataglay ng walang katapusang halaga na hindi kaya ng
kapangyarihan ng mga tao o ng mga anghel na bigyan ng tamang ideya ukol
sa halaga, kahusayan, at kadakilaan ng mga ito.”—Testimonies, vol. 2, p. 40.
b. Paano tayo magkaroon ng kasiguruhan na pangangatawanan ng Diyos
ang Kanyang mga pangako at ibibigay sa kanyang mga anak ang
lupang pangako? Heb. 6:13-18; Juan 14:1-3.
“Matagal na nating hinihintay ang pagbalik ng Tagapagligtas. Ngunit
gayun pa man ay sigurado ang pangako. Sa lalong madaling panahon tayo’y
makarating na sa ating tahanang ipinangako. Dadalhin ni Jesus tayo doon sa
buhay na sapa na dumadaloy mula sa luklukan ng Diyos at ipaliliwanag sa
atin ang mga madilim na pangyayaring pinayagan Niyang maranasan natin sa
lupang ito upang ang ating mga ugali ay mapasakdal. Doon ay ating
pagmasdan ang kagandahan ng naibalik na Eden. Ating ihahagis ang mga
korona na kanyang ipinutung sa ating mga ulo, at tutugtugin ang gintong mga
alpa, at pupunuin ang langit ng papuri sa Kanya na nakaupo sa trono.”—Ibid,
vol. 8, p. 254.
Biyernes Enero 20
Personal na mga Katanungan para sa Pagbabalik-aral
1. Paano ipinahayag ng Diyos ang ebanghelyo kay Abraham?
2. Anong milagro ang nagpapahayag na si Kristo ay nagmula sa
kalangitan?
3. Paano na ang karanasan ni Abraham at Isaac ay nagpapahayag sa
lalim ng sakripisyong ginawa ng Diyos para sa sangkatauhan?
4. Bakit ang muling pagkabuhay ay napakahalaga sa mga
mananampalataya?
5. Ano ang kailanman ay hindi natin dapat kalimutan habang tayo’y
naghihintay sa lupang pamana?
20
Leksiyon 4 Sabbath, Enero 28, 2017
Ang Dalawang Anak ni Abraham
“Sapagkat nasusulat na si Abraham ay nagkaroon ng dalawang anak,
isa mula sa aliping babae, at ang isa ay sa babaing malaya” (Galacia
4:22).
“Ang pananampalataya ay hindi isang masayang bugso ng damdamin; ito
ay simpleng pagtitiwala sa sinabi ng Diyos—naniniwalang tutuparin Niya ang
Kanyang mga pangako dahil sinabi Niyang gagawin niya ito.”—Our High
Calling, p.119.
Mungkahing Babasahin: Our High Calling, pp. 119-122,
Patriarchs and Prophets, pp. 370-373.
Linggo Enero 22
1. ANG ANAK NG PANGAKO
a. Bakit tinawag si Isaac na anak ng pangako? Gen. 15:2, 3; 17:15, 16;
18:9-14 (ihambing sa Galacia 4:22, 23, 27, 28).
b. Paano sinubukan nina Abraham at Sara na tulungan ang Panginoon
sa pagtupad ng pangako ng isang anak? Gen. 16:1-4.
“Walang pagtatanong na tinanggap ni Abraham ang pangako ng isang
anak, ngunit hindi niya hinintay ang Diyos na tuparin Niya ang Kanyang
salita sa Kanyang sariling panahon at pamamaraan. Pinayagan ang pagka-
antala upang masubukan ang Kanyang pananampalataya sa kapangyarihan ng
Diyos; ngunit nabigo siyang tiisin ang pagsubok. Sa pag-iisip na imposibleng
mabigyan siya ng ng isang anak sa kanyang matandang idad, iminungkahi ni
Sara, bilang isang plano na magsasakatuparan ng layunin ng Diyos, na isa sa
kanyang mga lingkod na babae ay kukuning pangalawang asawa ni Abraham.
Naging laganap ang poligamya kung kaya’t hindi na ito itinuturing (ng ma
tao) na isang kasalanan, ngunit ito’y isang paglabag sa batas ng Diyos, at ito’y
nakasisira sa sagrado at payapang ugnayan ng pamilya. Ang pakikipag-asawa
ni Abraham kay Hagar ay nagdulot ng masama, hindi lamang sa sarili Niyang
sambahayan, kundi sa darating pa na mga henerasyon.”—PP, p. 145.
21
Lunes Enero 23
2. ISANG ANAK NG PAGKAALIPIN
a. Ano ang naging reaksyon ng Diyos nang iharap ni Abraham si Ismael
bilang anak ng pangako? Gen. 17:15-21.
“Nang malapit ng maging isang daang taon si Abraham, ang pangako ng
isang anak ay inulit sa kanya, kasama ang kasiguruhan na ang magiging
tagapagmana ay ang anak ni Sara. Ngunit hindi pa naunawaan ni Abraham
ang pangako. Biglang nabaling kay Ismael ang kanyang isipan, kumakapit pa
rin siya sa paniwalang sa pamamagitan niya matutupad ang mga layunin ng
Diyos. Dahil sa pagmamahal Niya sa kanyang anak, sinabi niya, ‘nawa’y
mabuhay si Ismael sa harapan mo!’ (na ang ibig sabihin ay ‘Bakit hindi na
lang si Ismael ang magmana ng mga ipinangako ninyo saakin?’) Muling
ibinigay ang pangako, sa mga salitang hindi maaaring pagkamalan: ‘Hindi!
Ang iyong asawang si Sara ay tiyak na magkakaanak sa iyo, at tatawagin mo
siya sa pangalang Isaac. Itatatag ko ang aking tipan sa kanya’ (Gen. 17:18,
19).”—PP, p. 146.
b. Bakit tumanggi ang Diyos na tanggapin si Ismael bilang binhing
ipinangako? Galacia 4:22, 23, 30; Rom. 14:23 (huling bahagi).
“Ang kakulangan ng pananampalataya sa bahagi ni Abraham at Sara ay
nagbunga sa kapanganakan ni Ismael, ang pakikisalamuha ng banal na binhi
sa masama. Ang impluwensiya ng ama sa kanyang anak ay nahadlangan ng
mga hindi maka-diyos na kamag-anak ng ina at ng koneksyon ni Ismael sa
paganong mga asawa.”—Ibid, p. 174.
k. Anong mahalagang katotohanan ang mapapalampas ni Abraham
kung tinanggap ng Diyos si Ismael bilang binhing ipinangako? Rom.
4:1-5, 21, 22.
“Ang gantimpala ay hindi dahil sa mga gawa; upang magmayabang ang
sino man; kundi an lahat na ito ay sa biyaya.”—COL, p. 401.
“Kapag bawat isa sa atin ay manalig kay Kristo, na may buong
kasiguruhan ng pananampalataya, na nagtitiwala lamang sa bisa ng Kanyang
dugo na siyang malilinis sa atin sa lahat ng ating kasalanan, tayo’y
magkakaroon ng kapayapaan sa paniniwalang si Kristo ay may kakayahang
gumanap sa lahat sinabi Niya.”—SM, bk. 3, p. 181.
“[Filipos 4:4-7 sinipi.] Ang pangako mismo ay walang halaga maliban na
ako’y lubos na maniwala na Siya na nangako ay may kakayahang
masaganang tumupad, at may walang hanggang kapangyarihan na gawin ang
lahat ng Kanyang sinabi.”—This Day With God, p.156.
22
Martes Enero 24
3. MGA ANAK NG PAGKAALIPIN
a. Ipaliwanag kung anong klase ng mga tao ang espirituwal na
kinakatawanan ni Ismael at ang kanyang inang si Hagar, at bakit.
Gen. 16:4-6; Gal. 4:22, 23.
b. Bakit inilarawan ni apostol Pablo ang mga Hudyong nanirahan sa
Jerusalem sa kanyang kapanahunan bilang mga aliping nakatali,
tulad ni Hagar at Ismael? Juan 8:31-36; Rom. 9:6-8.
“Bawat kaluluwang tumatangging ibigay ang kaniyang sarili sa Diyos ay
nasa ilalim ng isa pang kapangyarihan. Siya’y hindi sa kanyang sarili. Maaari
siyang magsalita ukol sa kalayaan, ngunit siya ay nasa pinakamababang uri ng
pagkaalipin. Hindi siya pinapayagang makita ang kagandahan ng
katotohanan, sapagkat ang kanyang isipan ay kontrolado ni Satanas. Habang
pinupuri niya ang kanyang sarili na sumusunod siya sa dikta ng kanyang
sariling paghatol, siya’y sumusuod sa kalooban ng prinsipe ng kadiliman.
Pumarito si Kristo upang putulin ang kadena ng pang-aalipin mula sa
kaluluwa.”—DA, p.466.
“Napakaraming ginawa ang Diyos upang maging posible para sa atin na
maging malaya kay Kristo, malaya mula sa pang-aalipin ng maling mga gawi
at masamang mga inklinasyon. Minamahal na mga nakababatang kaibigan,
hindi ba kayo magsisikap na maging malaya kay Kristo?”—Our High
Calling, p.29.
k. Sa kanino at saan inilagay ng mga Hudyo sa laman (ang literal na lahi
ni Abraham) ang kanilang pagtitiwala sa pagtanggap ng mga biyaya
ng Diyos? Juan 8:37-40; Filipos 3:3-9; Galacia 6:12, 13.
“Ang mga Hudyo ay nag-aangking nanggaling kay Abraham; ngunit sa
pagkabigo na gawin ang mga gawa ni Abraham, pinatunayan nila na hindi sila
tunay na mga anak niya. Sila lamang na nagpapatunay sa kanilang sarili na sa
pangespirituwal na mga bagay ay may pakikiisa kay Abraham sa
pamamagitan ng pagsunod sa tinig ng Diyos, ang pinaniniwalaang tunay na
lahi.”—COL, p.268. “Sinabi ni Pablo na ‘ayon sa katuwirang nasa kautusan’— kung ang panlabas na
mga kilos ang pinag-uusapan—siya ay ‘walang kapintasan’ (Filipos 3:6); ngunit nang
ang espirituwal na katangian ng kautusan ay naintindihan, nakita niya ang kanyang
sarili na isang makasalanan. Kung husgahan ayun sa titik ng kautusan gaya ng
paggamit ng mga tao sa panlabas na pamumuhay, siya’y umiwas sa kasalanan; ngunit
nang siya’y tumingin sa lalim ng kautusan, at nakita niya kung paano siya nakita ng
Diyos, yumuko siya na may kahihiyan at pinagtapat ang kanyang kasalanan.”—SC
29, 30.
23
Miyerkules Enero 25
4. ISANG ALEGORYA
a. Kapag tayo’y nagtitiwala sa ating sariling mga gawa na siyang
basehan ng pagtanggap ng Diyos sa atin, sa halip na kay Kristo, sa
anong kasunduan tayo nahulog? Gal. 4:21-25; 3:10; 2 Cor. 3:14, 15.
“Hindi naunawaan ng mga tao ang kasamaan ng kanilang sariling mga
puso, at kapag wala si Kristo ay imposibleng masunod nila ang kautusan ng
Diyos; at sila’y dali-daling pumasok sa pakikipagtipan sa Diyos. Pakiramdam
nila ay kaya nilang maitatag ang katuwiran sa kanilang sarili, kaya kanilang
sinabi, ‘Lahat ng sinabi ng Panginoon ay aming gagawin, at kami ay
magiging masunurin’ (Ex. 24:7); . . . ngunit pagkalipas lamang ng ilang
linggo ay kanilang sinira ang kanilang kasunduan sa Diyos, at yumuko upang
sumamba sa isang larawang inanyuan. Hindi sila makaaasa sa pabor ng Diyos
sa pamamagitan ng isang kasunduang kanilang sinira; at ngayon, nang
kanilang makita ang kanilang kasamaan at pangangailangan ng kapatawaran,
kanilang naramdaman ang kanilang pangangailangan ng Tagapagligtas na
nahayag sa tipanan ni Abraham at naanino sa paghahandog ng mga hain.
Ngayon sa pamamagitan ng pananampalataya at pag-ibig sila’y nakagapos sa
Diyos bilang kanilang tagapagligtas mula sa pang-aalipin ng kasalanan.
Ngayon sila’y naging handa na pahalagahan ang mga biyaya ng bagong
kasunduan. . . . “Ang ‘bagong kasunduan’ ay naitatag sa ‘mas mabuting mga pangako’—ang
pangako ng kapatawaran ng mga kasalanan at ang biyaya ng Diyos na magbago sa
puso at dalhin ito sa pakikiisa sa mga prinsipyo ng kautusan ng Diyos. . . .
“Ang kautusan na nai-ukit sa tapyas ng bato ay siya ring kautusan ang isinulat ng
Banal na Espiritu sa tapyas ng puso. Sa halip na humayo tayo at itatag ang ating
sariling katuwiran ay tanggapin natin ang katuwiran ni Kristo. Dugo niya ang
kabayaran ng ating mga kasalanan. Tinanggap ang kanyang pagsunod para sa atin. At
ang pusong nabago ng Banal na Espiritu ay magbubunga ng mga ‘bunga ng Espiritu’.
Sa biyaya ni Kristo ay mamumuhay tayo sa pagsunod sa kautusan ng Diyos na
nakasulat sa ating mga puso. Dahil nasa atin ang espiritu ni Kristo, tayo’y lalakad
tulad ng kanyang paglakad.”—PP, pp.371, 372. b. Bakit malinaw na ang isang tao ay hindi kayang gawing matuwid ang
kanyang sarili sa harapan ng Diyos sa pagsunod ng kautusan? Gal.
2:21; 3:11, 12.
“Kung hindi dahil sa nagbabayad-salang sakripisyo ni Kristo, walang anuman na
nasa atin ang kalulugdan ng Diyos. Lahat ng likas na mabuti sa tao ay walang
kabuluhan sa paningin ng Diyos. Hindi Siya nalulugud sa kanino man na pinananatili
ang kanyang dating likas, at hindi nabago sa kaalaman at biyaya upang maging isang
bagong nilalang kay Kristo.”—God’s Amazing Grace, p. 66.
24
Huwebes Enero 26
5. PAG-UUSIG NG KAPATID
a. Anong pangyayari ang ginamit na paglalarawan ni apostol Pablo sa
pag-uusig ng mga Hudyo sa Kristiyanong iglesiya? Gal. 4;28, 29; Gen.
21:6-10.
b. Bakit ang mga anak sa espiritu ay laging uusigin ng mga anak sa
laman? Juan 15:17-22; Juan 3:19, 20; Gal. 5:17 (unang bahagi).
“Kinasuklaman at pinaslang ni Cain ang kaniyang kapatid, hindi dahil sa
anumang pagkakamaling nagawa ni Abel, ngunit ‘sapagkat ang kanyang mga
gawa ay masasama at ang mga gawa ng kanyang kapatid ay matuwid’ (1 Juan
3:12). . . . Ang masunuring buhay ni Abel at ang kanyang tapat na
pananampalataya, ay isang patuloy na pagsaway para kay Cain . . . . Ang
makalangit na liwanag kapag mas maliwanag na naihahayag sa ugali ng mga
tapat na tagasunod ng Diyos, mas malinaw na naibubunyag ang kasalanan ng
mga masama, at mas higit na maging diterminado sila sa kanilang pagsisikap
na sirain yaong mga gumagambala sa kanilang katahimikan.”—PP, p. 74.
“Ang sinaunang mga Kristiyano ay tunay ngang mga natatanging bayan.
Ang kanilang walang bahid na pagkilos at hindi paglihis sa pananampalataya
ay patuloy na saway na gumagambala sa katahimikan ng makasalanan. Kahit
na kaunti sa bilang, walang kayaman, walang katayuan, o kagalang-galang na
ranggo, sila’y isang sindak sa mga gumagawa ng masama tuwing ang
kanilang ugali at mga doktrina ay nahahayag. . . . Ito rin ang dahilan kung
bakit ang Tagapagligtas ay tinanggihan at ipinako sa krus ng mga Hudyo—
sapagkat ang kadalisayan at kabanalan ng Kanyang ugali ay isang patuloy na
saway sa kanilang pagkamakasarili at katiwalian. Mula sa mga araw ni Kristo
hanggang ngayon ang Kanyang tapat na mga disipulo ay gumigising sa galit
at pagsalungat ng mga umiibig at sumusunod sa kaparaanan ng kasalanan.”—GC, p. 46.
Biyernes Enero 27
Personal na mga Katanungan para sa Pagbabalik-aral
1. Paano lamang matutupad ang mga pangako ng Diyos?
2. Bakit kailan man ay hindi tatanggapin ng Diyos ang mga gawain ng
laman bilang katuwiran?
3. Bakit kailan man ay hindi natin dapat mailagay ang ating pagtitiwala
sa ating mana, sa ating laman o sa ating mga gawa?
4. Bakit hindi tayo puedeng ariing-ganap sa paggawa ng kautusang
5. Ilarawan ang uri ng labanan na aasahan ng mga Kristiyano dahil sa
kanilang pananampalataya?
25
SABBATH FEBRUARY 4, 2017
First Sabbath Offering for
World Disaster and Welfare
“[The Lord] executeth judgment for the oppressed: which giveth food to
the hungry” (Psalm 146:7).
The Lord Jesus said, “Bless-ed are the merciful: for they shall obtain
mercy” (Matthew 5:7). The poor are all around us, the distressed, the
afflicted, the sorrowing, and those who are ready to perish. There is a great
need for the exercise of mercy today as there ever was. God has made us His
stewards, and He is not to be charged with the sufferings, the misery, the
nakedness, and the want of hu-manity. The Lord has made ample provision
for all of us. He has given us large supplies with which to alleviate the want of
these sufferers and underprivileged ones.
Every day we hear of earthquakes, war, floods, volcanoes, and other
disasters and troubles all over the world resulting in destruc-tion, great
damage to properties, and loss of life. As soon as we hear about a calamity,
we immediately swing into action to respond to the needs of the people. The
way we respond depends deeply on the nature of the disaster, the country, the
economic and geo-political situation at hand. We immediately begin to assess
the situation to determine the most appropriate actions.
In addition to this, in time of peace the Welfare Department pro-vides
assistance such as funding through proposals, technical assistance, training,
mentorship, and project identification and implementation. Where we have
expertise, we want to assist by providing oversight and guidance as needed.
Our goal is to empower the local church to meet the needs of their
community; whether in the form of food, clothing, blankets, shelter, or
emotional support and counseling.
Sharing God’s love around the world is like an airplane which needs fuel
to propel it. Your liberal offerings are the fuel that pro-pels almost every
aspect of helping these destitute. Without your involvement and this fuel, our
best efforts are sure to be a disaster as well. It is hard for everyone to go to the
site of calamities, but your means can go far. We appeal to you that your heart
may be moved to partake in this noble task. Please give liberally for this
cause.
Your brethren from the Welfare Department
26
Leksiyon 5 Sabbath, Pebrero 4, 2017
Ang Tunay na mga Anak ni Abraham
“Kaya’t inyong nakikita na ang mga sumasampalataya ay mga anak
ni Abraham” (Galacia 3:7).
“Lahat ng magpapakumbaba sa sarili gaya ng isang bata, na tatanggap at
susunod sa salita ng Diyos na may kababaang-loob ng isang bata, ay
makakasama sa pinili ng Diyos.”—Our High Calling, p. 77.
Mungkahing Babasahin: Our High Calling, pp. 75-79;
Prophets and Kings, pp. 367-372.
Linggo Enero 29
1. MGA TUNAY NA ANAK NI ABRAHAM
a. Sino ang kinikilala ng Biblia na mga tunay na anak ni Abraham
bilang tunay na mga Israelita? Rom. 9:6-8; Gal. 3:7-9.
“Naibigay kay Isaias na gawing malinaw kay Juda ang katotohanan na
marami na hindi lahi ni Abraham sa laman ang makakasama sa biling nga
mga tinaurian Israel ng Diyos. Ang turong ito ay hindi tugma sa teolohiya ng
kanyang kapanahunan, ngunit walang takot niyang ipinahayag ang mga
mensaheng binigay ng Diyos sa kanya at nagbigay ng pag-asa sa karamihan
na nag-aasam sa espirituwal na mga biyayang ipinangako para sa binhi ni
Abraham.”—PK, p.367.
b. Paanong ang mga Gentiles, na hindi mga anak ayun sa literal na lahi,
ngayon ay maibibilang na tunay na binhi ni Abraham? Rom. 9:30;
4:11, 12, 16, 17.
“Lahat na sa pamamagitan ni Kristo ay nagiging anak ng
pananampalataya ay mapabilang sa binhi ni Abraham; sila’y mga
tagapagmana ng mga pangako ng tipan; gaya ni Abraham, sila’y tinawagan
upang bantayan at ipaalam sa mundo ang kautusan ng Diyos at ang
ebanghelyo ng Kanyang Anak.”—PP, p.476.
27
Lunes Enero 30
2. MGA AMPON NA ANAK NI ABRAHAM
a. Sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo bilang binhi ni
Abraham ayon sa pangako, sa anong pamilya tayo inampon? Rom.
8:14-16; Gal. 4:4-7.
“Kagustuhan ng Diyos na ang lahat ay maligtas; sapagkat maraming
paghahanda ang ginawa, sa pagbibigay ng Kanyang bugtong na Anak upang
bayaran ang katubusan ng tao. Yaon mga mawawaglit ay mawawaglit
sapagkat tumangi silang ampunin ng Diyos bilang kanyang mga anak sa
pamamagitan ni Kristo Jesus. Ang pagmamataas ng tao ang humahadlang sa
kanya upang tanggapin niya ang mga probisyon ng kaligtasan.”—OHC, p. 78.
b. Paanong ang sakripisyo ni Jesu-Kristo ay gawing anak ng Diyos ang
isang tao, maging isang anak ng pananampalataya, at kanino ito
tumutukoy? Gal. 3:27-29.
“Ang tao’y maaaring magsagawa ng dakilang mga gawa sa paningin ng
mundo; ang kanilang mga nagawa ay maaring marami at may mataas na
katayuan sa paningin ng mga tao, ngunit ang lahat ng talento, lahat ng
kahusayan, lahat ng kakayahan ng mundo ay mabibigong baguhin ang ugali at
gawing isang anak ng Diyos at tagapagmana ng langit ang isang napasamang
anak ng kasalanan. Walang kapangyarihan ang tao na ariing-ganap ang
kaluluwa, na pabanalin ang puso. . . . Ang pinakadakilang biyaya ng langit,
ang Bugtong na anak ng Ama, na puno ng biyaya at katotohanan, ang tanging
may kakayahang tumubus ng nawaglit. . . . Ang sakripisyo ni Kristo sa krus
ng kalbaryo ay isang kabayaran na hihigit sa lahat ng nakapipinsalang
kapangyarihan ng kasalanan; at kapag ang nalalamang kasalanan ay idinidiin
ang puso, at ang dalahin ay tila hindi na matiis, inaanyayahan siya ni Jesus na
tumingin sa Kanya at mabuhay.”—The Signs of the Times, May 2, 1892.
k. Ipaliwanag kung bakit ang mga anak ni Abraham ay mula sa bawat
tribo at nasyon sa halip na sa Israel lamang. Apoc. 7:9, 10; Gen. 17:4-
6; Gawa 10:34, 35.
“Si Kristo ay walang kinikilalang pagkakaiba ng kabansaan o ranggo o
doktrina. Ang mga Eskriba at mga Pariseo ay nagnanais na gumawa ng isang
local at pambansang pakinabang sa lahat ng biyaya ng langit at huwag isama
ang lahat ng natitirang pamilya ng Diyos sa mundo. Ngunit pumarito si Kristo
upang alisin ang bawat pader ng pagkahatihati. Pumarito Siya upang ipakita
na ang Kanyang kaloob na habag at pag-ibig ay walang limitasyon gaya ng
hangin, liwanag o ng pagbuhos ng ulan na sumasariwa sa lupa.”—9T, p.190.
28
Martes Enero 31
3. HINDI TUNAY NA MGA ANAK NI ABRAHAM
a. Bakit karamihan sa mga literal na lahi ni Abraham ay nawala nila ang
kanilang karapatan bilang tunay na mga Israelita sa mata ng Diyos?
Rom. 10:1-4.
“Ang mga Hudyo, sa pamamaitan ng kanilang mga kasalanan, ay
humiwalay mula sa Diyos. Hindi nila nakilala ang lalim ng espirituwal na
kabuluhan ng kanilang makahulugang serbisyo. Sa kanilang sariling
katuwiran sila’y nagtiwala sa kanilang sariling mga gawa, sa mga handog at
palatuntunan mismo, sa halip na magtiwala sa merito ni Kristo na siyang
pinapatungkulan ng lahat na ito. Sa gayon ‘sa pagsisikap nilang maitayo ang
sariling pagiging matuwid’ (Rom. 10:3), pinalago nila ang kanilang sarili sa
ganap na pagtitiwala sa sariling kakayahan. Dahil sa kakulangan ng Espiritu
at biyaya ng Diyos, sinikap nilang punuan ang kakulangang ito sa
pamamagitan ng mahigpit na pagtalima sa pangrelihiyong mga seremonya. Sa
hindi nila pagkakontento sa mga kautusang ibinigay mismo ng Diyos, ay
kanilang dinagdagan ang banal na utos ng hindi mabilang na mga
palatuntunan na sila mismo ang gumawa. Habang humahaba ang kanilang
agwat sa Diyos, lalu naman silang humihigpit sa pagtalima sa mga anyo
(seremonya).”—PK, p. 708, 709.
b. Ano ang tanging paraan na tayo’y aariing ganap sa harapan ng
Diyos? Gal. 3:11, 12; 2:16. Anong pagbabago ang makikita sa buhay
ng mga inaring ganap sa pamamagitan ng pananampalataya?
“Ang pag-aaring ganap ay lubos na sa biyaya at hindi makukuha sa
pamamagitan ng anumang gawa na ginagawa ng nahulog na tao.”—FW, p. 20.
“Ang mapagmataas na puso ay nagsisikap na kitain/trabahoin ang
kaligtasan; ngunit kapwa na ang karapatan natin sa langit at ang ating
kaangkupan rito ay matatagpuan sa katuwiran ni Kristo. Walang magagawa
ang Panginoon sa pagpapabuti ng tao hangga’t siya’y mahikayat sa sariling
kahinaan, at maalis lahat ng pagiging sapat sa sarili, at kanyang isuko ang
sarili sa pamamahala ng Diyos. Pagkatapos ay matatanggap na niya ang
kaloob na hinihintay ng Diyos na ibigay.”—DA, p.300. “Yaong nagsusumikap na marating ang langit sa pamamagitan ng kanyang
sariling gawa sa pagsunod ng kautusan ay nagtatangkang gawin ang isang bagay na
imposible para sa kanya. Walang kaligtasan sa tao na mayroon lamang isang legal na
relihiyon, isang anyo ng kabanalan. Ang buhay Kristiyano ay hindi isang pagbabago o
pagpapabuti ng dati, ngunit isang pagbabago ng likas. Mayroong isang pagkamatay sa
sarili at sa kasalanan, at isang bagong buhay sa kabuuan. Ang pagbabago na ito ay
mangyayari lamang sa pamamagitan ng paggawa ng Banal na Espiritu.”—Ibid, p. 172.
29
Miyerkules Pebrero 1
4. MGA LINGKOD NI ABRAHAM
a. Sila na hindi tumaggap sa pananampalataya ni Abraham kay Kristo
bilang binhing ipinangako, ay ibinilang na mga lingkod, sa halip na
mga anak na lalaki at babae. Anong mangyayari sa kanila? Gen. 16:3-
6; Gal. 4:30, 31.
“Si Noe at ang kanyang sambahayan ay nasa loob ng arka, ‘at kinulong
siya ng Panginoon sa loob.’ . . . ang malaking pinto, na imposibleng isara ng
mga nasa loob, ay dahan-dahang isinara ng hindi nakikitang mga kamay. Si
Noe ay nakulong sa loob, at ang mga tumanggi sa biyaya ng Diyos ay
napagsarhan sa labas. Ang tatak ng Langit ay nasa pinto na iyun; isinara ito ng
Diyos, at Diyos lamang ang makapagbubukas nito. Kaya’t kapag si Kristo ay
huminto sa Kanyang pamamagitan para sa mga taong makasalanan, bago ang
Kanyang pagparito sa alapaap ng langit, ang pinto ng awa ay magsasara.
Pagkatapos nito ay hindi na pipigilan ng makalangit na biyaya ang mga
masama, at si Satanas ay magkakaroon ng ganap na pamamahala sa mga
tumanggi ng awa.”—PP, p. 98.
b. Sa kanino at sa ano sila tunay na mga lingkod? Juan 8:31-35; 39-44.
“‘Kung kanino ninyo inihahandog ang inyong mga sarili bilang alipin sa
pagsunod, kayo’y mga alipin niya na inyong sinusunod’ (Rom.6:16). Kung
tayo’y nagpakasawa sa galit, kalibugan, kasakiman, pagkamuhi,
pagkamakasarili, o ano mang ibang kasalanan, tayo’y nagiging alipin ng
kasalanan. ‘Walang makapaglilingkod sa dalawang panginoon’ (Mat. 6:24).
Kapag tayo’y naglilingkod sa kasalanan, tayo’y hindi maaaring maglingkod
kay Kristo.”—RH, Nov. 15, 1887.
k. Bakit ang mga tumanggi kay Kristo ay hindi kailan man maaaring
makapasok sa lupain ng Canaan na ipinangako kay Abraham at sa
kanyang binhi? Heb. 3:17-19; Gawa 4:10-12; Gal. 3:9.
“Sa apatnapung taon ang kawalan ng pananampalataya, pagbubulong-
bulong, at paghihimagsik ang humadlang sa pagpasok ng sinaunang Israel sa
lupain ng Canaan. Parehong mga kasalanan ang nag-antala sa pagpasok ng
modernong Israel sa makalangit na Canaan. Sa alinmang kaso’y hindi
nagkulang ang mga pangako ng Diyos. Ang kawalan ng pananampalataya,
ang pagkamakamundu, ang hindi pagpapakabanal, at pag-awayaway sa gitna
ng mga nag-aangking bayan ng Panginoon ang siyang nagpapanatili sa atin ng
maraming taon dito sa mundo ng kasalanan at kalungkutan.”—Eva., p. 696.
30
Huwebes Pebrero 2
5. ISANG BABALA SA IGLESIYA
a. Anong babala ang ibinigay sa iglesya na nasa Galacia, at bakit? Gal.
3:1-6; 4:7-11.
“Ang pagtubos na ginawa para sa atin ng ating Panginoon sa krus ng
kalbaryo ang siyang magdadala sa atin sa pagsunod sa utos ng Diyos, na
ginawang posible, sa pamamagitan ng Kanyang katuwiran na ibinilang na
atin, na matupad natin ang utos ng Diyos. . . .
“Walang lubhang nakagagalit sa Diyos gaya ng kasalanan. Sa halip na
gawing walang bisa ang kautusan ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapatuloy
sa kasalanan, ang bawa’t kaluluwang tunay na nagbalik-loob ay lalakad sa
landas ng mapagpakumbabang pagsunod sa lahat ng kautusan ng Diyos.
Sasaliksikin nila ang Biblia upang kanilang malaman ang katotohanan.
Sinong gumayuma sa hindi nagsisisi, sa mananalansang, ano pa’t kasalanan
ang pinili sa halip na pagsunod? Kapangyarihan ni Satanas ang dumating kina
Adan at Eba sa Eden, ang nakalilinlang, nakagagayumang kapangyarihan ng
nahulog na anghel.”—The Upward Look, p. 209. b. Paanong ang pagsusumikap ni Abraham sa kanyang sariling
pananampalataya ay maging isang leksyon para sa atin? Gen. 15:3-6;
17:17, 18; Heb. 4:1, 2. Sa kabilang banda, anong ibibigay sa atin ng
tunay na pananampalataya? 1 Juan 5:4, 5.
“Ang buhay Kristiyano ay dapat ka-isa ng pananampalataya, ng
tagumpay, ng kagalakan sa Diyos . . . . Ang Diyos ay may kakayahan at
handang magkaloob sa Kanyang mga lingkod ng lahat ng kalakasang
kailangan nila, at magbigay sa kanila ng karunungan para sa iba’t ibang
kahilingan ng kanilang pangangailangan. Mas higit Niyang tutuparin ang
pinakamataas na mga inaasahan ng mga nagtiwala sa Kanya.”—The Faith I
Live By, p. 126.
Biyernes Pebrero 3
Personal na mga Katanungan para sa Pagbabalik-aral
1. Gaano kahalaga ang pananampalataya sa isang Kristiyano?
2. Bakit maaaring tawagin ng isang Kristiyano ang Diyos na kanyang
Ama?
3. Paano natin maiiwasang isumpa ng Diyos?
4. Anong kaibahan ng pagiging lingkod ni Abraham sa pagiging anak na
lalaki at babae niya?
5. Paano tayo magagayuma ng demonyo para sirain ang ating
pananampalataya?
31
Leksiyon 6 Sabbath, Pebrero 11, 2017
Ang Walang Hanggang Tipan
“Aking itatatag ang aking tipan sa iyo at sa iyong binhi kahit sa iyong
pagkamatay sa buong lahi nila, isang tipang walang hanggan, upang
maging Diyos mo at ng iyong binhi” (Genesis 17:7).
“Ang tipan ng biyaya ay hindi isang bagong katotohanan, sapagkat ito’y
nasa isip ng Diyos mula pa sa walang hanggan. Ito ang dahilan kung bakit
ito’y tinawag na walang hanggang tipan.”—The Signs of the Times, August
24, 1891.
Mungkahing Babasahin: The Faith I Live By, pp. 76-78, 360-364.
Linggo Pebrero 5
1. ANG WALANG HANGGANG TIPAN
a. Ano ang nagpapakita na ang tipang ginawa kay Abraham ay ito rin
yung tipan na pinagtibay ni Kristo sa kalbaryo? Gen. 22:16; Heb.
6:13-18; 9:16.
“Ang tipan kay Abraham ay pinagtibay sa pamamagitan ng dugo ni
Kristo, at ito’y tinawag na ‘pangalawa,’ o ‘bagong,’ tipan sapagkat ang dugo
na nagselyo o nagpatibay nito ay naibuhos pagkaraan ng dugo ng unang tipan.
Ang patunay na ang bagong tipan ay may bisa sa kapanahon ni Abraham ay
malinaw na ipinahihiwatig ng katotohanan na sa panahon na yun ay
pinagtibay kapwa ng pangako at ng panunumpa ng Diyos, —‘dalawang bagay
na di-mababago, na dito’y hindi maaaring magsinungaling ang Diyos.’ Heb.
6:18.”—PP, p.371.
b. Ano ang ipinangako sa ilalim ng tipang ito at paano tumugon si
Abraham? Gen. 17:1-8; 15:6; 26:5; ihambing Gal. 3:8, 16; Rom. 4:20-
22.
“Ang tipang ito ay naghahandog sa lahat ng tao ng kapatawaran at biyaya
ng Diyos na tumutulong para sa panghinaharap na pagsunod sa pamamagitan
ng pananampalataya kay Kristo. Ipinangako rin nito ang walang hanggang
buhay sa kondisyon ng katapatan sa utos ng Diyos.”—Ibid., p. 370.
“Ang kautusan ng Diyos ang batayan ng tipang ito, na kung saan ito’y isa
lamang pamamaraan upang muling ibalik ang tao sa pakikiisa sa banal na
kalooban, inilalagay sila kung saan maaari nilang sundin ang utos ng
Diyos.”—Ibid., p. 371.
32
Lunes Pebrero 6
2. ISANG WALANG HANGGANG UGNAYAN
a. Sa anong paraan ipinahayag ng Diyos ang ugnayang pakikipagtipan
na itinatag Niya kay Abraham at sa kanyang binhi? Lev. 26:12.
Ihambing sa Gen. 17:7, 8; Deut. 14:2; 29:13.
b. Ano ang ibinigay ng Diyos kay Abraham bilang tanda ng isang
pakikipagtipan, at bakit? Gen. 17:11; Rom. 4:11.
“Ibinigay kay Abraham sa panahong ito ang seremonya ng pagtutuli
bilang ‘isang tatak ng pagiging matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya
na nasa kanya nang siya’y hindi pa tuli’ (Rom. 4:11). Ito ay isasakatuparan ng
patriyarka at ng kanyang lahi bilang isang tanda na sila’y tapat sa
paglilingkod sa Diyos at sa gayun ay hiwalay sa mga nagsisisamba sa diyus-
diyosan at sila’y tinanggap ng Diyos na Kaniyang natatanging kayamanan.”—
PP, p. 138.
“Ang [pagtutuli] ay isang tanda na silang tumanggap nito ay mga tapat sa
paglilingkod sa Diyos—isang pangako na sila’y mananatiling hiwalay mula sa
mga nagsisisamba ng diyus-diyosan at susunod sa utos ng Diyos.”—Ibid., p.
363.
k. Anong mahalagang karanasan ang dapat mapasa-atin ngayon upang
tayo’y makapasok sa parehong ‘bagong’ pakikipagtipan sa Diyos?
Deut. 10:16; Col. 2:11; Heb. 8:10; 2 Cor. 6:16, 17.
“Dapat nating paniwalaan na tayo’y pinili ng Diyos, na maliligtas sa
pagsasanay ng pananampalataya, sa pamamagitan ng biyaya ni Kristo at ng
gawain ng Banal na Espiritu; at tayo’y dapat magbigay papuri at luwalhati sa
Diyos dahil sa isang kahanga-hangang pagpapahayag ng Kanyang tampat
(unmerited) na pabor. Ang pag-ibig ng Diyos ang humahatak ng kaluluwa kay
Kristo, upang magiliw na matanggap, at maiharap sa Ama. Sa pamamagitan
ng gawain ng Espiritu ang banal na relasyon sa pagitan ng Diyos at ng
makasalanan ay nabago. Sinabi ng Ama: ‘Ako’y magiging isang Diyos sa
kanila, at sila’y magiging bayan Ko. Aking igagawad ang mapagpatawad na
pagmamahal sa kanila at ipagkakaloob sa kanila ang Aking kagalakan. Sila’y
magiging isang natatanging kayamanan sa Akin; sapagkat ang bayang ito na
aking binuo para sa Akin ay magpapakilala sa Aking puri.”—The Signs of the
Times, January 2, 1893. “Ang kondisyon upang matanggap sa pamilya ng Panginoon ay ang
paglabas sa sanlibutan, paghiwalay mula sa lahat ng nakahahawang mga
impluwensya nito.”—God’s Amazing Grace, p. 57.
33
Martes Pebrero 7
3. ISANG WALANG HANGGANG PAGKASASERDOTE
a. Bakit si Kristo ay tinawag na isang saserdote ayon sa pagkasaserdote
ni Melquisedec at hindi ayon sa pagkasaserdote ni Aaron? Heb. 5:5, 6;
7:11-16; Mat. 1:1, 2.
“Ang pinakapunong saserdote ay ginawa sa isang espesyal na paraan
upang siya ang kumatawan kay Kristo, na siyang magiging isang
pinakapunong saserdote magpakailan man ayon sa pagkapari ni Melquisedec.
Ang pagkasaserddoteng ito ay hindi ililipat sa iba, o papalitan ng iba.”—The
SDA Bible Commentary [E. G. White Comments], vol. 7, p. 930.
b. Sa anong paraan na ang pagkapari ni Melquisedec ay may kaugnayan
sa walang hanggang pagkapari ni Kristo, at bakit ito higit na mataas
kaysa pagkapari ni Aaron? Ihambing ang Heb. 7:1-3 sa Heb. 7:20-25;
6:18-20.
“Si Kristo ang nagsalita sa pamamagitan ni Melquisedec, ang pari ng
kataas-taasang Diyos. Si Melquisedec ay hindi si Kristo, ngunit siya ang tinig
ng Diyos sa mundo, ang kinatawan ng Ama.”—SM, bk. 1, p.409.
“Ang pangalan ng mahinang sanggol na iyan . . . ang siyang pag-asa ng
nahulog na sangkatauhan. Ang bata na kung saan ang salaping pangtubos ay
ibinayad para sa kanya ang siyang magbabayad ng katubusan ng kasalanan
nang buong mundo. Siya ang tunay na ‘pinakapunong pari sa bahay ng
Diyos,’ ang ulo ng ‘isang hindi mapapalitang pagkapari,’ ang tagapamagitan
sa ‘kanan ng Kamahalan sa kaitaasan’ (Heb. 10:21; 7:24; 1:3).”—DA, pp. 52, 55.
k. Anong pagkakatulad mayroon ang pagkain na inihandog ng pari ng
Diyos kay Abraham? Ihambing ang Gen. 14:18-20 sa 1 Cor. 10:16;
11:23-26.
“Ang tinapay at ang alak ay kumakatawan sa katawan at sa dugo ni
Kristo. Gaya ng tinapay na pinutul-putol, at ang alak na naibuhos, gayun din
na sa krus ang katawan ni Kristo ay nabali, at ang Kanyang dugo ay naibuhos
upang iligtas tayo.
“Sa pamamagitan ng pagkain ng tinapay at pag-inom ng alak, ipinapakita
natin na tayo’y naniniwala rito. Ipinapakita natin na tayo’y nagsisisi sa ating
mga kasalanan, at ating tinanggap si Kristo bilang ating Tagapagligtas.”—The
Story of Jesus, p.98.
34
Miyerkules Pebrero 8
4. ISANG WALANG HANGGANG PAG-AARI
a. Anong walang hanggang lupain, ang siyang anino ng makalupang
lupain, ang ipinangako ng Diyos kay Abraham? Gen. 17:8; Heb. 11:8-
10; Apoc. 21:2.
“Ang iba’t ibang karanasan ng mga Hudyo ay isang paaralan ng
paghahanda para sa kanilang ipinangakong tahanan sa Canaan. Nais ng Diyos
na ang Kanyang bayan sa mga araw na ito ay kanilang suriin na may
mapagpakumbabang puso at espiritu na madaling turuan ang mga pagsubok
na dinanas ng sinaunang Israel, upang sila’y makapulot ng aral para sa
kanilang paghahanda para sa makalangit na Canaan.”—PP, p.293.
“Hayaan na ang lahat ng magaganda sa ating makalupang tahanan ang
magpaalala sa atin sa kristal na ilog at berdeng bukirin, sa kumakaway na mga
puno at ang buhay na balon, sa nagniningning na siyudad at sa mga
nakaputing mang-aawit, ng ating makalangit na tahanan—yaong mundo ng
kagandahan na walang pintor ang makapagpipinta, walang mortal na dila ang
makapaglalarawan.”—The Faith I Live By, p. 279.
b. Kailan at paano matatanggap ni Abraham at ng kanyang binhi ang
kanilang walang hanggang pamana? Mat. 25:31, 34; Juan 14:1-3;
Dan. 7:27.
“Ang nasira at hindi pantay-pantay na ibabaw ng lupa ngayon ay
nagmumukhang pinatag at ginawang isang malawak na kapatagan. Ang
buong sansinukob ng Diyos ay malinis, at ang malaking tunggalian ay natapos
na magpakailanman. Saan man kami tumingin, lahat ng makikita ng mata ay
maganda at banal. At lahat ng mga natubos, matanda at bata, malaki at maliit,
ay inihagis ang kanilang kumikinang na mga korona sa paanan ng kanilang
Manunubos, at sila’y nagpatirapa sa pagsamba sa Kanya, at sinamba Siya na
nabubuhay magpakailan man. Ang magandang bagong lupa, kasama lahat ng
kaluwalhatian nito, ang siyang walang hanggang mana ng mga banal. Ang
kaharian at kapangyarihan, at ang kadakilaan ng kaharian sa ilalim ng buong
langit, ay ibinigay sa mga banal ng Kataas-taasan, sila na mag-aangkin nito
hanggang sa magpakailanman.”—EW, p. 295. “Ang lubos na pagtatatag ng kaharian ng Kanyang kaluwalhatian ay hindi
mangyayari hanggang sa pangalawang pagparito ni Kristo sa mundo. ‘Ang kaharian,
ang kapangyarihan, at ang kadakilaan ng mga kaharian sa silong ng buong langit, ay
ibibigay sa bayan ng mga banal ng Kataas-taasan’ (Dan. 7:27). Kanilang mamanahin
ang kahariang inihanda para sa kanila ‘mula sa pagkatatag ng sanlibutan’ (Mat.
25:34). At kukunin ni Kristo sa Kanyang sarili ang Kanyang dakilang kapangyarihan
at maghahari.”—Thoughts From the Mount of Blessings, p. 108.
35
Huwebes Pebrero 9
5. WALANG HANGGANG BUHAY
a. Ano ang pinakadakila sa lahat ng mga pangakong ibinigay sa
pamamagitan ng walang hanggang tipan? Gal. 3:29; 1 Juan 5:11;
Apoc. 21:3, 4.
“Ang araw ay paparating kung saan ang giyera ay napaglabanan, ang
tagumpay ay napanalunan. Ang kalooban ng Diyos ay magaganap sa lupa
katulad ng sa langit. Ang tinubos na mga bansa ay walang kikilalaning ibang
kautusan maliban sa kautusan ng langit. Lahat ay magiging isang masaya,
nagkaka-isang pamilya, nadamtan ng kasuotan ng papuri at pasalamat—ang
balabal ng katuwiran ni Kristo.”—MH, p. 506.
“[Sa langit], walang kabiguan, walang kalungkutan, walang kasalanan,
walang magsasabing, ‘Ako’y may sakit.’ Doon, doon ay walang nakahelerang
libingan, walang pagluluksa, walang kamatayan, walang hiwalayan, walang
sawing mga puso; at si Jesus ay naroon, kapayapaan ay naroon. . . . Sa
Kanyang kinaroroonan ay puno ng kasiyahan, sa Kanyang kanang kamay ay
may kagalakan magpakailan pa man!”—My Life Today, p.349.
b. Sa anong pag-asa na tayo’y hindi dapat susuko? Tito 2:11-13; Heb.
10:35-37.
“Maging matiisin, Kristiyanong kawal. Sandali na lamang, at Siya na darating, ay
darating. Ang gabi ng nakaiinip na paghihintay, at pagbabantay, at pagluluksa ay
malapit nang matapos. Ang gantimpala ay malapit nang ibigay; ang walang hanggang
araw ay magbubukang liwayway. Walang panahon upang matulog ngayon—walang
panahon upang magpakasasa sa walang kabuluhang panghihinayang. Siya na
nagbabaka-sakaling maidlip ngayon ay mawawalan ng mahahalagang pagkakataon na
makagawa ng mabuti. . . . Bawat kaluluwang maliligtas ay karagdagang bituin sa
korona ni Jesus, ang ating kaibig-ibig na Manunubos.”—CS, p. 275.
Biyernes Pebrero 10
Personal na mga Katanungan para sa Pagbabalik-aral
1. Paano tayo magkakaroon ng tiwala sa Salita ng Diyos?
2. Paano tayo magkakaroon ng parehong ugnayang pakikipagtipan sa
Diyos na gaya nang na kay Abraham?
3. Ipaliwanag kung papaano tayo magkakaroon ng tiwala sa walang
hanggang pagkasaserdote ni Kristo.
4. Ano ang mapalad na pag-asa ng mga anak ni Abraham?
5. Bakit ang walang hanggang buhay kasama ang Diyos ang siyang
mapalad na pag-asa ng mga Kristiyano?
36
Leksiyon 7 Sabbath, Pebrero 18, 2017
Walang Hanggang Biyaya
“Sapagkat sa biyaya kayo’y naligtas sa pamamagitan ng
pananampalataya, at ito’y hindi sa pamamagitan ng inyong sarili, ito’y
kaloob ng Diyos” (Efeso 2:8).
“Ang kahulugan ng biyaya ay isang pabor na iginawad sa isang hindi
karapat-dapat, sa isang nawaglit. Ang katotohanan na tayo’y makasalanan, sa
halip na tayo’y pagsarhan palayo sa awa at pag-ibig ng Diyos, ay ito pa nga
ang dahilan kung bakit kailangan natin ang pag-ibig ng Dios upang tayo ay
maligtas.”—Selected Messages, bk. 1, p.347.
Mungkahing Babasahin: Patriarchs ang Prophets, pp. 363-373;
Faith and Works, pp. 15-28.
Linggo Pebrero 12
1. ANG BAGONG TIPAN NG PANGAKO
a. Sa anong paraan ginawa ng Diyos ang bagong tipan kay Abraham—at
ano ang ginawa ng Diyos sa kalaunan upang pagtibayin ang tipan na
ito at bakit? Gal. 3:14-18; Heb. 6:13-18.
b. Ano ang ginawa ni Abraham sa kanyang sarili upang maging karapat-
dapat sa mga bendisyon o pagpapala ng tipan—at ano ang itinuturo
nito sa atin tungkol sa pagtingin ng Diyos sa mga makasalanan? Gen.
12:1-3; Rom. 3:10-12.
“Ang biyaya ay isang katangian ng Diyos na ibinibigay sa hindi karapat-
dapat na tao. Hindi natin ito hinanap, ngunit ito’y pinadala upang hanapin
tayo. Kinagagalak ng Diyos na ipagkaloob sa atin ang Kanyang biyaya, hindi
dahil tayo’y karapat-dapat, ngunit dahil tayo’y lubos na hindi karapat-
dapat….
“Kaluwalhatian ng [Diyos] ang magpatawad ng pinuno ng mga
makasalanan.”—MH, p. 161.
“Kapag higit na ‘di karapat-dapat ang tumatanggap, lalong higit na
dakilala ang biyaya ng Diyos.”—General Conference Daily Bulletin, January
28, 1893.
37
Lunes Pebrero 13
2. ANG LUMANG TIPAN NG MGA GAWA
a. Bakit gumawa ng isa pang tipan ang Diyos sa pamamagitan ni Moses
pagkalipas ng 430 na taon—at bakit hindi nito maaaring ipawalang-
bisa ang bagong tipan ng pangako? Deut. 4:12, 13; Ex. 19:5-7; Gal.
3:17; 1 Ped. 1:18-20.
“Sa kanilang pagkaalipin ang bayan ng [Israel] ay nawalan ng kaalaman
sa Diyos at sa mga prinsipyo ng tipan kay Abraham. . . . Sinikap ng Diyos na
ipahayag sa kanila ang Kanyang kapangyarihan at ang Kanyang awa, upang
sila’y mahimok na mahalin at pagkatiwalaan Siya. . . . upang kanilang
mapagtanto ang lubos na kawalan nila ng magagawa, ang pangangailangan
nila ng makalangit na tulong; at pagkatapos ay gagawin niya ang pagpapalaya
sa kanila. . . .
“Dahil sa kanilang paninirahan sa gitna ng idolatriya at katiwalian, sila’y
walang tunay na pagkaunawa ng kabanalan ng Diyos, ng lubhang
pagkamakasalanan ng kanilang mga puso, ng kanilang lubos na kawalan ng
kakayahan, sa kanilang sarili, upang sumunod sa kautusan ng Diyos, at ang
kanilang pangangailangan ng isang Tagapagligtas. Lahat ng ito’y kailangang
ituro sa kanila.”—PP, pp.371, 372. “Ang ‘lumang’ tipan—ay nabuo sa pagitan ng Diyos at ng Israel sa Sinai, at
pagkatapos ay pinagtibay ng dugo ng isang hain. Ang tipanan kay Abraham ay
pinagtibay sa pamamagitan ng dugo ni Kristo, at ito’y tinawag na ‘pangalawa,’ o
‘bagong,’ tipan, sapagkat ang dugo na nagselyo nito ay naibuhos pagkatapos ng dugo
ng unang tipan.”—Ibid., p.371.
b. Paano tumugon ang mga tao sa kahilingan ng Diyos sa ilalim ng
lumang tipan? Ex. 19:8. Paano tayo maaaring mahulog sa parehong
panganib?
“Hindi napagtanto ng mga tao ang kasamaan ng kanilang mga puso, at kapag
wala si Kristo ay imposibleng masunod nila ang kautusan ng Diyos.”—Ibid., pp. 371.
“Yaong mga hindi nakararamdam ng pangangailangan ng dugo ni Kristo, na
pakiramdam nila ay kahit wala ang biyaya ng Diyos ay kaya nilang matamu sa
pamamagitan ng kanilang sariling mga gawa ang pagsang-ayun ng Dios, ay
gumagawa ng parehong pagkakamali gaya ng pagkakamali ni Cain. Kapag hindi nila
tanggapin ang nakapaglilinis na dugo, sila’y nasa ilalim ng paghatol.”—Ibid., p.73.
“Ang (pagtitiwala sa) sariling katuwiran ang siyang panganib sa panahong ito;
inihihiwalay nito ang kaluluwa mula kay Kristo. Sila na nagtitiwala sa kanilang
sariling katuwiran ay hindi makakaunawa kung paano na ang kaligtasan ay dumating
sa pamamagitan ni Kristo. Tinatawag nilang kasalanan ang katuwiran at ang
katuwiran ay kasalanan. Wala silang paghanga sa kasamaan ng paglabag, walang
pang-unawa sa sindak ng kautusan; sapagkat hindi nila iginagalang ang moral na
pamantayan ng Diyos.”—Faith and Works, p. 96.
38
Martes Pebrero 14
3. MULA SA LUMA TUNGO SA BAGO
a. Ano ang layunin ng moral na kautusan sa lumang tipan at anong
layunin ang ginagampanan pa rin nito ngayon? Rom. 7:7, 9-13, 20;
3:19-20.
“Ang kautusan ay ibinigay upang hatulan sila ng kasalanan, at maihayag
ang kanilang pangangailangan ng isang Tagapagligtas.”—DA, p. 308.
b. Sa bagong tipan, paano binabago ng Diyos ang ating pagtingin sa
Kanyang kautusan at anong pagbabagong-likas ang makikita sa ating
buhay? Heb. 8:10; Awit 40:8; Ezek. 36:26, 27; Col. 3:9, 10.
“Ang parehong kautusan na naiukit sa mga tapyas ng bato ay isinulat ng
Banal na Espiritu sa mga tapyas ng puso. Sa halip na humayo at magtatag ng
sarili nating katuwiran ay ating tanggapin ang katuwiran ni Kristo. Ang
Kanyang dugo ang nagtubos sa ating mga kasalanan. Tatanggapin ang
Kanyang pagsunod para sa atin. At ang pusong binago ng Banal na Espiritu
ay magbubunga ‘ng mga bunga ng Espiritu.’ Sa pamamagitan ng biyaya ni
Kristo tayo’y mamumuhay sa pagsunod sa kautusan ng Diyos na naisulat sa
ating mga puso.”—PP, p. 372.
“Ang pagbabago sa puso ng mga tao, ang pagbabagong-likas ng pag-
uugali, ay isang milagro na nagpapahayag sa isang Tagapagligtas na palaging-
buhay, na gumagawa upang iligtas ang mga kaluluwa.”—DA, p. 407.
k. Paanong ang karanasan ng bagong tipan ay ganap na tumupad sa
diwa at layunin ng kautusan—at ano ang sinabi tungkol kay Abraham
sa bagay na ito? Mat. 5:20-22, 27, 28, 31-48; Rom. 13:8-10; Gen. 26:5.
“Ang pagsunod ay hindi lamang panlabas na pagtalima, kundi
paglilingkod ng pag-ibig. Ang kautusan ng Diyos ay isang pagpapahayag ng
Kanyang tunay na likas; ito ay isang sagisag ng dakilang prinsipyo ng pag-
ibig, kaya’t ito ang pundasyon ng Kanyang gobyerno sa langit at lupa. Kapag
nabago ang ating puso sa wangis ng Diyos, kapag ang banal na pag-ibig ay
naitanim sa kaluluwa, hindi ba mahahayag sa buhay ang kautusan ng Diyos?
Kapag ang prinsipyo ng pag-ibig ay naitanim sa puso, kapag ang tao’y nabago
alinsunod sa wangis Niya na lumikha sa kanya, ang pangako ng bagong tipan
ay matutupad, ‘Ilalagay ko ang aking mga kautusan sa kanilang mga puso, at
isusulat ko ang mga iyon sa kanilang pag-iisip’ (Heb. 10: 16). At kung ang
kautusan ay nasusulat sa puso, hindi ba nito huhubugin ang buhay?—SC, p.
60.
39
Miyerkules Pebrero 15
4. SA PAMAMAGITAN NG BIYAYA BATAY SA
PANANAMPALATAYA
a. Anong libreng kaloob ang ibinigay ng Diyos kay Abraham sapagkat
pinili niyang maniwala? Rom. 4:22; Gal. 3:6.
“Ang kaisipan na ang katuwiran ni Kristo ay ibinilang na ating katuwiran,
hindi dahil sa ano mang merito sa bahagi natin, ngunit bilang isang libreng
kaloob mula sa Diyos, ay isang mahalagang kaisipan. Ang kaaway ng Diyos
at ng tao ay hindi gusto na ang katotohanang ito ay malinaw na maituro;
sapagkat alam niya na kapag ito’y lubos na tinanggap ng mga tao, ang
kanyang kapangyarihan ay masisira.”—GW, p.161. “Ang biyaya ni Kristo ay malaya upang ariing ganap ang makasalanan na walang
merito o karapatan sa kanyang bahagi. Ang pag-aaring ganap ay isang lubos, ganap
na pagpapatawad ng kasalanan. Sa sandaling tinanggap ng isang makasalanan si
Kristo sa pamamagitan ng pananampalataya, sa sandaling yaon siya’y pinatawad. Ang
katuwiran ni Kristo ay itinuring na kanyang katuwiran, at hindi na niya kailan man
pagdudahan pa ang mapagpatawad na biyaya ng Diyos.”—TFILB, p. 107.
b. Ano ang ginawa ni Abraham upang maipahayag na siya’y matuwid—
at paano lamang na ang mga mananampalataya ay maligtas sa ganun
ding paraan? Rom:4:1-5; Efeso 2:8, 9.
“Ang pagtangap ng Diyos sa atin ay tiyak sa pamamagitan lamang ng Kanyang
minamahal na Anak, at ang mabubuting gawa ay bunga ng pagkilos ng Kanyang
mapagpatawad na pag-ibig. Hindi kredito ang mga ito para sa atin, at walang
anomang ibinigay sa atin na mga puntos dahil sa mga mabubuti nating gawa na maari
nating akuin na nakatulong o nakabahagi sa kaligtasan ng ating mga kaluluwa. Ang
kaligtasan ay kaloob na walang bayad para sa mananampalataya, ibinigay sa kanya ng
dahil kay Kristo lamang.”—SDA Bible Commentary [E.G.W. Comments], vol. 5, p. 1122.
k. Bagama’t ang pananampalataya mismo ay isang kaloob (tingnan Rom.
12:3 (huling bahagi)), ano ang gagawin natin nito? Juan 3:16; Lucas
7:1-9; Rom. 10:17.
“Ang pananampalataya na nagpakilos sa atin upang tanggapin ang kaloob
ng Diyos ay isang kaloob din, na kung saan ang bawat tao ay pinagkalooban
ng ilang sukat ng pananampalataya. Ito’y lumalago habang ginagamit sa
pagtanggap ng salita ng Diyos. Upang mapalakas ang pananampalataya,
kailangang lagi natin itong iugnay sa salita (ng Diyos).”—Ed., pp. 253, 254.
“Ang mga lalaki at mga babae ay hindi maliligtas maliban na sila mismo
ang magsanay na manampalataya, at magtayo sa tunay na pundasyon, maliban
na kanilang payagan ang Diyos na muling likhain sila muli sa pamamagitan
ng Banal na Espiritu.”—The Signs of theTimes, February 14, 1900
40
Huwebes Pebrero 16
5. PABOR SA DI KARAPATDAPAT
a. Anong pabor sa di karapatdapat, ang ipinangako sa ilalim ng bagong
tipan, ang ipinakita ng Diyos upang iligtas ang sangkatauhan? Gen.
12:3; 1 Juan 4:14; Efeso 2:4-8; Rom. 5:15-18.
“Bagaman sa ating pagsuway ay ating natamo ang sama ng loob at
paghatol ng Diyos, hindi Niya tayo pinabayaan.”—GAG, p. 10.
“Yaong mga papasok sa langit ay hindi nila aakyatin ang pader nito sa
pamamagitan ng sarili nilang katuwiran, ni hindi sila pagbubuksan ng mga
pinto dahil sa kanilang mamahaling mga handog na ginto o pilak, ngunit
makakapasok sila sa mga maraming mansyon sa tahanan ng Ama sa
pamamagitan ng merito ng krus ni Kristo.”—Ibid., p. 179.
b. Paano nakamtan ng isang makasalanan ang gayong libreng kaloob ng
kaligtasan sa pamamagitan ni Jesu-Kristo? Juan 1:12; Rom. 5:17; Heb.
11:8.
“Lahat nang nananampalataya na si Kristo ang pangtubos na handog ay
maaaring dumating at tumanggap ng kapatawaran ng kanilang mga kasalanan;
sapagkat sapamamagitan ng merito or karapatan ni Kristo, nabuksan ang
ugnayan sa pagitan ng Diyos at ng tao. Maari akong tanggapin ng Diyos
bilang Kanyang anak, at maaari ko Siyang angkinin at magalak sa Kanya
bilang aking mapagmahal na Ama. Kailangan nating isentro ang ating pag-asa
ng langit kay Kristo lamang, sapagkat Siya ang ating kahalili at garantiya.”—
SM, bk. 1, p. 363.
k. Anong dalawang bagay ang sinira ng Diyos sa pamamagitan ng
kanyang dakilang biyaya? Rom. 8:2; 1 Juan 3:5, 8; 2 Tim. 1:10.
Biyernes Pebrero 17
Personal na mga Katanungan para sa Pagbabalik-aral
1. Ipaliwanag ang salitang ‘pangako’ sa liwanag ng kawalan ng
kakayahan ng Diyos na magsinungaling.
2. Bakit naibigay ang lumang tipan—at bakit ito walang
pananampalataya?
3. Paano isusulat ng Diyos ang kanyan kautusan ng pag-ibig sa ating
mga puso at pag-iisip?
4. Bakit hindi natin maaaring akuin ang papuri sa ating mabubuting
gawa sa kaligtasan?
5. Bakit hindi natin kailan man ipagmalaki ang ating pananampalataya?
41
Leksiyon 8 Sabbath, Pebrero 25, 2017
Isang Pananampalatayang Gumagawa
“Hindi ba ang ating amang si Abraham ay inaring-ganap sa
pamamagitan ng mga gawa, ng kanyang inihandog si Isaac na kanyang
anak sa ibabaw ng dambana?” (Santiago 2:21).
“Marami ang nabibigong unawain ang kaugnayan ng pananampalataya at
mga gawa. Sinasabi nila, ‘Maniwala ka lamang kay Kristo, at ikaw ay ligtas.
Ikaw ay walang kinalaman sa pagsunod ng kautusan.’ Ngunit ang tunay na
pananampalataya ay mahahayag sa pagsunod.”—Patriarchs and Prophets,
pp. 153, 154.
Mungkahing Babasahin: Faith and Works, pp. 47-54, 111-116.
Linggo Pebrero 19
1. ISANG GUMAGAWANG PANANAMPALATAYA
a. Paano natin malalaman na si Abraham ay nanampalataya sa salita ng
Diyos? Gen. 22:1-5; Santiago 2:21-24.
“Nanampalataya si Abraham sa Diyos. Paano natin alam na siya’y
nanampalataya? Ang kanyang mga gawa ang nagpatotoo sa katangian ng
kanyang pananampalataya, at ang kanyang pananampalataya ay ibinilang sa
kanya na katuwiran.”—Reflecting Christ, p. 79.
b. Ano ang ugnayan sa pagitan ng pananampalataya at mga gawa?
Santiago 2:17, 18; Mat. 7:16-20. Anong uri ng bunga ang ibubunga ng
isang Kristiyano?
“Ang mabubuting gawa ay hindi kailan man makabili ng kaligtasan,
ngunit ang mga ito ang ebidensiya ng pananampalataya na gumagawa na may
pag-ibig at nagpapadalisay sa kaluluwa.”—DA, p. 314.
“Gaya ng isang mabuting puno na nagbubunga ng mabuting bunga, gayon
din ang puno na tunay na naitanim sa hardin ng Panginoon ay mamunga ng
mabuti para sa walang hanggang buhay. Ang bumibitag na mga kasalanan ay
napananagumpayan; masasamang kaisipan ay hindi pinahihintulutan sa
isipan; masasamang kinaugalian ay nililinis mula sa templo ng kaluluwa. . . .
Isang lubos na pagbabagong-likas ang naisagawa.”—The SDA Bible
Commentary [E. G. White Comments], vol. 6, p. 1080.
42
Lunes Pebrero 20
2. MGA GAWA NG DIYOS
a. Paano ipinakita ni Abraham ang kanyang pananampalataya sa Diyos?
Nang siya’y gumawa ayon sa kanyang pananampalataya, ano ang
inihayag ni Abraham hinggil sa kanyang pananampalataya? Sant.
2:22; Gen. 22:12.
“Ang pananampalataya ay gumagawa na may pag-ibig at dumadalisay sa
kaluluwa. Ang pananampalataya ay umuusbong at namumulaklak at nagbibigay ng
ani ng mamahaling mga bunga. Kung nasaan ang pananampalataya, ang mabubuting
gawa ay lumilitaw.”—SM, bk. 1, p. 398.
b. Saan nagmumula ang mabubuting gawa? Ihambing ang Jer. 17:9;
Rom. 3:12 sa Efeso 2:10; Tito 2:13, 14.
“Ang tunay na pananampalataya ay nahahayag sa mabubuting mga gawa;
sapagkat ang mabubuting mga gawa ay bunga ng pananampalataya. Habang
gumagawa ang Diyos sa puso, at isinusuko ng tao ang kanyang kalooban sa Diyos, at
nakikipagtulungan sa Diyos, kanyang isinasakabuhayan kung ano ang ginawa ng
Diyos sa loob sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, at mayroong pagkakaisa sa
pagitan ng layunin ng puso at ang gawi sa buhay. Bawat kasalanan ay kailangang
talikuran bilang kasuklam-suklam na bagay na siyang dahilan sa pagkapako ng
Panginoon ng buhay at kaluwalhatian, at ang mananampalataya ay kinakailangang
magkaroon ng lumalagong karanasan sa pamamagitan ng patuloy na paggawa ng mga
gawain ni Kristo. Ang biyaya ng pag-aaring ganap ay mapapanatili sa pamamagitan
ng patuloy na pagsuko ng kalooban, ng patuloy na pagsunod.”—Ibid., p. 397.
“Kapag tayo’y tapat sa paggawa ng ating bahagi, sa pakikipagtulungan sa
Kanya, isasagawa ng Diyos sa pamamagitan natin ang mabuti Niyang kalooban.
Ngunit hindi makagagawa ang Diyos sa pamamagitan natin kung tayo’y hindi
magsisikap. Kung ating makamtan ang buhay na walang hanggan, kinakailangan
nating gumagawa, at masigasig na gumawa.... Kailangan nating tularan ang halimba-
wang iniwan ni Kristo sa atin, nagpapasakop sa Kanya sa lahat ng bagay. Ang ating
kalooban ay kinakailangang nakatugma sa Kanyang kalooban.”—RH, 6/11/1901.
k. Bago ang Kristiyano ay mamumunga ng mabubuting mga gawa ng
Diyos, ano muna ang kinakailangang mangyari? Efeso 2:1-5; Gal.
2:20; Jer. 29:13.
“Ang tanging paraan upang ating matiyak ang tulong ng Diyos ay sa
pamamagitan ng paglagay ng ating sarili ng buong buo sa Kanyang kamay at
magtiwala na Siya’y gagawa para sa atin. Habang Siya’y ating
pinanghahawakan sa pamamagitan ng pananampalataya, gagampanan Niya
ang gawain. Ang mananampalataya ay magtiwala lamang. Habang ang Diyos
ay gumagawa, maaari tayong gumawa, na nagtitiwala sa Kanya at gumagawa
ng Kanyang kalooban.”—6 BC (E. G. White Comments], vol. 6, p. 1080.
43
Martes Pebrero 21
3. ISANG PATAY NA PANINIWALA
a. Ano ang kaibahan ng buhay na pananampalataya sa patay na
paniniwala? Santiago 2:19, 20; Marcos 7:6, 7.
“Ang tunay na pananampalataya, na buong nagtitiwala kay Kristo, ay
mahahayag sa pamamagitan ng pagsunod sa lahat ng hinihiling ng Diyos. . . .
Sa lahat ng panahon ay mayroong mga nag-aangkin ng karapatan sa biyaya ng
Diyos maging kanila mang winawalang-bahala ang ilan sa Kanyang mga utos.
Ngunit ang Biblia ay nagsabi na sa pamamagitan ng gawa ang
‘pananampalataya ay naging ganap’; at, kapag walang gawa ng pagsunod, ang
pananampalataya ‘ay patay’ (Santiago 2:22, 17).”—The Faith I Live By, p. 91.
“Marami ang kontento sa paglilingkod sa salita lamang, at kakaunti
lamang ang may matapat, masigasig, magiliw na pananabik sa Diyos.”—4T,
p.535.
b. Maaari ba na ang isang tao na may patay na paniniwala ay
makagagawa ng mabubuting gawa? Mat. 23:27, 28; 7:21-23.
“Ang mabuting tao, mula sa mabuting yaman ng puso, ay maglalabas ng
mabubuting bagay. Bakit? Sapagkat si Kristo ay nananahan sa kaluluwa. Ang
nakapagpapabanal na katotohanan ay isang tahanan ng kayamanan ng
karunungan sa lahat ng gumagawa sa katotohanan. Bilang isang buhay na
batis ito’y bumubukal hanggang sa walang hanggang buhay. Siya na hindi
pinananahanan ni Kristong ang kanyang puso ay magpapakasawa sa walang
kabuluhang usapan, sumosobrang mga pahayag, na lumilikha ng pinsala. Ang
dila na nagsasabi ng pangit na mga bagay, karaniwang mga bagay, bulgar na
mga salita, ang dilang iyan ay kinakailangang gamutin ng mainit na uling ng
juniper.”—Mind, Character, and Personality, vol. 2, p. 577.
“Walang taong magkakaroon ng espiritu at pag-iisip ni Kristo ang hindi
mapabubuti sa pamamagitan nito sa lahat ng mga ugnayan at mga tungkulin
sa buhay. Ang pagiging mapagbulong-bulong, mapagreklamo, at mapagyamut
na damdamin ay hindi bunga ng mabuting mga prinsipyo o paninindigan.”—
4T, p. 347.
k. Ano ang palaging kulang sa mga gawa ng isang patay na
mananampalataya? 1 Juan 4:20, 21; Juan 8:37-41.
“Ang pagsunod sa salita ay nagbubunga ng kinakailangang kalidad—
‘tunay na pag-ibig sa isa’t-isa’ (1 Ped. 1:22). Ang pag-ibig na ito ay
nanggaling sa langit at nagdadala sa dakilang mga motibo at hindi
makasariling mga kilos.”—AA, p. 520.
44
Miyerkules Pebrero 22
4. ANG UGAT O ANG BUNGA?
a. Anong mangyayari kapag ang mabubuting gawa ng pagsunod ay
siyang naging ugat ng Kristiyanong karanasan sa halip na siyang
bunga nito? Mat. 23:5.
“Hinangad ng mga Pariseo ang higit na kagalinga sa pamamagitan ng
kanilang kasuklamsuklam na mga seremonya at ng karangyaan ng kanilang
pagsamba at kanilang mga kawanggawa. Pinatutunayan nila ang kanilang
kasigasigan sa relihiyon sa pamamagitan ng paggawa nito bilang tema ng pag-
uusap. Ang pagtatalo sa pagitan ng magkaibang sekta ay maingay at mahaba,
at karaniwang maririnig sa mga kalye ang tinig ng galit na pagtatalo mula sa
mga pantas na doctor ng kautusan.
“Malaki ang kaibahan sa lahat na ito ang buhay ni Jesus. Sa buhay Niya
ay walang maingay na pakikipagtalo, walang marangyang pagsamba, walang
pagkilos upang makakuha ng papuri, ang nasaksihan kailan man. Si Kristo ay
naikubli sa Diyos, at ang Diyos ang naihayag sa ugali ng Kanyang Anak.”—
MH, p. 32.
b. Ano ang dapat na palaging siyang ugat ng Kristiyanong karanasan?
Gal. 6:14.
“Pinarangalan at linuwalhati ng mga anghel si Kristo, sapagkat maging
sila man ay hindi ligtas maliban na sila ay tumitig sa paghihirap ng Anak ng
Diyos. . . . Kung wala ang krus ay hindi sila ligtas laban sa masama tulad ng
mga anghel bago ang pagkahulog ni Satanas. . . . Lahat ng nagnanais ng
katiwasayan sa lupa man o sa langit ay kinakailangang tumingin sa Tupa ng
Diyos. . . .
“Kung ang mga tao ay kanilang bulay-bulayin ang pag-ibig ni Kristo, na
naipakita sa krus, ang kanilang pananampalaya ay mapapalakas upang
pahalagahan ang mga merito ng kanyang dugong naibuhos, at sila’y magiging
malinis at mailigtas mula sa kasalanan.”—The SDA Bible Commentary [E. G.
White Comments], vol. 5, pp. 1132, 1133.
k. Paano ibibilang ng tunay na Kristiyano ang kanyang sariling mga
gawa sa liwanag ng mga nagawa ni Kristo? Filipos 3:4-9; Isa. 6:5.
“Habang mas lalong nakikita ng mga tagasunod ng Diyos ang pag-uugali
ni Kristo ay mas lalo silang magiging mapagpakumbaba, at mas lalong
mababa ang kanilang paningin sa kanilang sarili. . . . Ang sarili ay nawawala
sa paningin nila bunga ng kanilang pagkamalay ng kanilang kawalan ng
karapatan at ng kahanga-hangang kaluwalhatian ng Diyos.”—That I May
Know Him, p. 122.
45
Huwebes Pebrero 23
5. NAGBUBUNGAN MGA KRISTIYANO
a. Bakit nais ng Diyos na punuin ang buhay ng Kristiyano nang
mabubuting gawa na nagmula sa pusong nabago? Mat. 5:14-16; 1
Pedro 2:9.
“Plano ng [Diyos] na ang lahat na nakabahagi ng dakilang kaligtasan ay
magiging mga misyonero para sa Kanya. Ang kabanalan ng isang Kristiyano
and siyang ginagawang pamantayan ng mga taong makamundo upang sukatin
ang ebanghelyo. Ang mga pagsubok na matiyagang dinadala, mga biyayang
nagagalak na tinanggap, kaamuan, kabaitan, habag, at pag-ibig, na laging
naipapakita, ang mga ito ang mga liwanag na nagniningning sa ugali sa
harapan ng mundo, na naghahayag ng kabaliktaran ng (gawa ng) kadiliman na
nagmumula sa makasariling likas ng puso.”—PP, p. 134. “Kapag ang biyaya ni Kristo ay naipapahayag sa salita at mga gawa ng
mga nananampalataya, ang liwanag ay magniningning sa mga nasa kadiliman;
sapagkat habang ang mga labi ay nagsasalita ng papuri sa Diyos, ang kamay
naman ay nakaunat upang magbigay saklolo sa mga nawawaglit.”—Sons and
Daughters of God, p. 276.
b. Sa buong kasaysayan, anong kaalaman ang palaging mayroon kay
Kristo hinggil sa Kanyang iglesiya? Apoc. 2:2, 9, 13, 19; 3:1, 8, 15.
Bakit napaka-interesado ni Jesus sa mga gawa ng Kanyang mga
tagasunod? Santiago 2:21, 22, 24; Apoc. 22:12.
“Ang mga mata ng sanglibutan ay nakatingin sa atin, at tayo’y pinagmamasdan
ng marami na kung saan wala tayong alam tungkol sa kanila. May mga ilan na may
nalalaman sa mga doktrina na ating pinaniniwalaan, at kanilang pinapansin ang
epekto ng ating panananampalataya sa ating mga ugali.”—SM, bk. 2, p. 386.
“Ang sanlibutan ngayon ay humihiyaw sa pangangailangan ng isang kapahayag
ni Kristo Jesus sa katauhan ng Kanyang mga banal.”—In Heavenly Places, p. 313.
Biyernes Pebrero 24
Personal na mga Katanungan para sa Pagbabalik-aral
1. Paano lagging gumagawa ang tunay na pananampalataya?
2. Paano natin masisiguro na ang ating mga gawa ay laging mula sa
Diyos?
3. Bakit ang isang hindi nahikayat na puso ay kailan ma’y hindi
magdudulot ng hindi makasariling pag-ibig?
4. Ipaliwanag ang kaibahan ng ugat at bunga ng ating karanasan.
5. Ano ang hinihintay na makita ng Diyos at ng sanlibutan sa
Kristiyanong iglesiya?
46
Sabbath Marso 4, 2017
First Sabbath Offering
for a chapel in Bengaluru India
Bengaluru (formerly known as Bangalore) is the capital city of the
Karnataka State in India. It is the fifth largest metropolis, having a population
of over eleven million (2016). Bengaluru is considered the “Silicon Valley of
India” due to its role as the nation’s leading informa-tion technology exporter.
The work of our church was estab-lished here, when in early 2009, a
brother, along with a group of souls interested in our message, expressed a
desire to join our Move-ment. After having been guided through the present
truth, they were accepted into Christ’s fold.
For the next several years, the group worshipped in a small rent-ed
place. In 2014, due to the church outgrowing the first rented place, they
moved to another rented place that had ample room for all. However, the
meeting room, being on the second floor of the building, was only accessible
by stairs. The need to go up and down the stairs for each meeting made it
difficult for the aged believers. The brethren also desired to have a permanent
place of worship. Plans were then made to procure a parcel of land. Finding a
plot of land to purchase proved quite difficult, as land is very expensive in a
city like Bengaluru. People throng the city to find employment and do
business, causing alarming escalations in the real estate market. However, by
the help of the Lord, the brethren managed to find and purchase a suitable
piece of land.
Now the brethren are looking forward to building a monument for the
Lord in this “Silicon City,” a place from which the gospel may be proclaimed
in power to the lost. We are praying that God will open the windows of
heaven and pour out showers of blessings on this project.
In the meantime, we would like to appeal to you, our worldwide
brotherhood, to help us accomplish this project. It is our prayer that God will
open your hearts to give willingly this First Sabbath. Please know that any
support you can give us will be a means of great joy to the believers in
Bengaluru. We also request that you would please pray for this project so that
it may be materialized.
May God richly bless you in your generous support of the project this
Sabbath.
Your brethren and sisters from Bengaluru
47
Leksiyon 9 Sabbath, Marso 4, 2017
Tagapagligtas ni Abraham
“Nagalak ang inyong amang si Abraham na makita niya ang aking
araw. Nakita niya ito at siya’y nagalak” (Juan 8:56).
“Sa pamamagitan ng symbolo at pangako ang Diyos ay ‘ipinahayag ang
ebanghelyo nang una pa man kay Abraham’ (Gal. 3:8). At ang
pananampalataya ng patriyarka ay nakatuon sa darating na Manunubos.”—
Patriarchs and Prophets, p. 154.
Mungkahing Babasahin: The Desire of Ages, pp. 752-760; 785-787.
Linggo Pebrero 26
1. ISANG SAGISAG NI KRISTO
a. Sino ang sinasagisagan ni Isaac? Gen. 22:7-9; Heb. 11:17-19.
“Si Isaac ay sumasagisag sa Anak ng Diyos, na siyang naihandog dahil sa
mga kasalanan ng sanglibutan. Nais ikintal ng Diyos sa isip ni Abraham ang
ebanghelyo ng kaligtasan ng tao. Upang magawa niya ito, at gawin ang
katotohanan na isang riyalidad o totoo sa kanya at upang subukin din ang
kanyang pananampalataya, Kanyang hiniling na paslangin niya ang kanyang
sinisintang si Isaac. Lahat ng kalungkutan at matinding paghihirap ng
kalooban na tiniis ni Abraham sa madilim at nakakatakot na pagsubok na iyon
ay upang malalim na maikintal sa kanyang pang-unawa ang plano ng
pagtubos para sa nahulog na tao. Naipaunawa sa kanya sa pamamagitan ng
kanyang sariling karanasan kung paano na hindi mabigkas ang pagtanggi sa
sarili ng walang hanggang Diyos sa pagbigay ng Kanyang sariling Anak para
mamatay upang iligtas ang tao mula sa lubos na pagkasira.”—3T, p. 369.
b. Paano pinahayag ng Diyos kay Abraham ang araw ni Kristo? Gen.
22:13; Juan 1:29; Isa. 53:7.
“Kay Abraham . . . ay naipakita na sa pagbigay [ng Diyos] ng Kanyang
bugtong na Anak upang iligtas ang mga makasalanan mula sa walang
hanggang pagkasira ay gumagawa ang Diyos ng isang mas dakila at mas
kahanga-hangang sakripisyo kaysa sa anumang maaaring gawin ng tao.”—
DA, p. 469.
48
Lunes Pebrero 27
2. ANG PANGHULING SAKRIPISYO
a. Ilarawan kung paano sinubukan ng Diyos na ihayag kay Abraham
ang lalim ng dakilang sakripisiyong Kanyang ginagawa sa pagbigay
ng Kanyang bugtong na Anak. Gen. 22:11, 12, 16; 1 Juan 4:9, 10.
“Isinuko ng ating makalangit na Ama ang Kanyang minamahal na Anak
sa matinding paghihirap ng pagpako sa krus. Maraming lehiyon ng mga
anghel ang nakasaksi sa kahihiyan at dalamhati ng kaluluwa ng Anak ng
Diyos ngunit sila’y hindi pinayagan na makialam gaya sa kaso ni Isaac.
Walang tinig ang narinig upang pigilan ang handog. Ang sinisintang Anak ng
Diyos, ang Manunubos ng sanglibutan, ay inalipusta, tinuya, pinagtawanan, at
pinahirapan, hangga’t iniyuko ang kanyang ulo sa kamatayan. Anong mas
higit pang patunay ang ibibigay ng walang hanggang Diyos hinggil sa
Kanyang banal na pag-ibig at awa sa atin?”—That I May Know Him, p. 20.
“Ang matinding paghihirap na tiniis ni [Abraham] sa panahon ng
madidilim na mga araw ng nakakatakot na pagsubok na iyon ay pinayagan
upang kanyang maunawaan mula sa kanyang sariling karanasan ang isang
bagay hinggil sa kadakilaan ng sakripisyong ginawa ng walang hanggang
Diyos para sa ikatutubos ng tao.”—PP, p. 154.
b. Ipaliwanag kung paanong alam ni Jesus, gaya ng pagkaalam ni Isaac,
na ang Kanyang Ama ang siyang naghahandog sa Kanya bilang
sakripisyo para sa buong sanglibutan. Gen. 22:10; Mat. 26:38, 39; Fil.
2:8.
“Iniwan ni Jesus ang Kanyang tahanan sa langit at pumarito sa madilim
na mundo upang abutin ang kailaliman ng kasawian ng tao, upang Kanyang
iligtas ang mga malapit nang malipol.”—The Bible Echo, January 1, 1893.
k. Ano ang pinakamatinding sakit ang tiniis ni Jesus sa panahon ng
Kanyang panghuling sakripisyo? Awit 69:18-21; Isa. 53:4, 10, 12.
“Ang matinding pagdadalamhati ni Jesus na dulot ng pagkahiwalay niya
mula sa pabor ng Kanyang Ama ang siyang nagpaging malubha sa paghihirap
ng kalooban ni Kristo. . . . Ang Kanyang kakila-kilabot na pagdadalamhati
dulot ng kaisipan na sa oras na ito ng Kanyang pangangailangan ay
tinalikuran Siya ng Diyos, ang siyang naglalarawan sa matinding hinagpis na
mararamdaman ng isang makasalanan sa panahon na, pag huli na ang lahat,
ay mapagtanto na niya na ang Espiritu ng Diyos ay inalis na sa kanya.”—
Mind, Character, and Personality, vol. 2, pp. 464, 465.
49
Martes Pebrero 28
3. TINALIKURAN DAHIL SA KASALANAN
a. Bakit si Kristo ay tinalikuran at si Isaac ay hindi? Gen. 22:12; Mat.
27:42, 43, 46; Juan 3:17; 12:27; 2 Cor. 5:21.
“Ang mga anghel ng langit ay nakiramay sa kanilang minahal na Pinuno.
Masaya sana nilang iniwan ang kanilang mga linya/hilera at tinulungan Siya.
Ngunit hindi ito ang plano ng Diyos.”—The Upward Look, p. 223.
“Kusa na inilantad ng ating banal na Kahalili ang Kanyang kaluluwa sa
tabak ng hustisya, upang tayo’y hindi mamatay kundi magkaroon ng buhay na
walang hanggan.”—SM, bk. 1, p.322.
b. Ano ang kahulugan ng pagpapaiwan ng alipin ni Abraham at tanging
ang ama at anak lamang ang magkasamang pumunta sa altar? Gen.
22:3-5, 8; Juan 16:32.
“May paghangang nasaksihan ng mga anghel ang desperadong
pagpapakasakit ng Tagapagligtas. Ang hukbo ng langit ay nagtakip ng
kanilang mga mukha mula sa nakakatakot na tanawin. Ang walang buhay na
kalikasan ay nagpahayag ng pakikiramay sa kanyang inalipusta at namamatay
na May-ari. Ang araw ay tumangging tumingin sa katakot-takot na tanawin.
Ang kanyang buo, maliwanag na sinag ay nagliliwanag sa lupa sa kalagitnaan
ng araw, nang bigla na lamang itong tila nawala. Lubos na kadiliman, gaya ng
isang damit-panglibing, ang bumalot sa krus. . . .
“Sa makapal na kadilimnan na iyan ang presensya ng Diyos ay naitago....
Ang Ama ay kasama ng Kanyang Anak. Ngunit ang Kanyang presensya ay
hindi naihayag. Kung ang Kanyang kaluwalhatian ay kumislap mula sa ulap,
bawat taong nakatingin ay maaaring namatay. At sa kakilakilabot na oras na
iyan si Kristo ay hindi maaaring aliwin ng presensya ng Ama.”—DA, pp. 753,
754.
k. Paano natin alam na si Kristo ay tinalikuran ngunit hindi nawala? Isa.
54:7, 8; Gawa 2:22-24, 27; 1 Cor. 15:55-57.
“Si Jesus ay ibinurol sa libingan. Siya’y dumako sa kadiliman ng libingan
at dinanas ang kamatayan para sa bawat tao. Ngunit hindi Siya tumagal na
nanatili sa ilalim ng kapangyarihan ng kaaway. Isang makapangyarihan na
anghel ang dumating mula sa langit at iginulong ang bato mula sa libingan….
Si Kristo ay lumabas mula sa libingan na isang matagumpay na manlulupig at
pinatnubayan niya palabas mula sa libingan ang maraming bihag.”—The
Signs of the Times, Nov. 25, 1889.
50
Miyerkules Marso 1
4. ISANG NABUHAY MULI NA TAGAPAGLIGTAS
a. Ilarawan paano na si Abraham ay naniwala sa kapangyarihan ng
muling pagkabuhay? Gen. 22:5; Heb. 11:19.
“Ang anak na ito [si Isaac] ay naibigay nang hindi inaasahan; at Siya na
nagbigay ng mamahaling kaloob na ito ay wala ba siyang karapatan na bawiin
ang sa Kanya? At inulit muli ng pananampalataya ang pangako, ‘Sa
pamamagitan ni Isaac papangalanan ang iyong binhi’—isang binhing hindi
mabilang gaya ng mga butil ng buhangin sa baybayin (Gen. 21:12). Si Isaac
ay anak ng isang milagro, at ang kapangyarihang nagkaloob sa kanya ng
buhay ay hindi ba niya kayang ibalik ito? Tumigin siya sa unahan pa ng
nakikita, hinawakan ni Abraham ang banal na salita, ‘Itinuring niya na
maging mula sa mga patay ay maaaring buhayin ng Diyos ang isang tao’
(Heb. 11:19).”—PP, p. 151.
b. Ipaliwanag ang kahulugan ng kamatayan at muling pagkabuhay ni
Kristo sa sangkatauhan? Heb. 2:14, 15; 2 Tim. 1:10; Rom. 6:5.
“Hindi maaaring hawakan ng mahigpit ni Satanas ang mga patay kapag
ang Anak ng Diyos ay nagsabing sila’y mabubuhay. Hindi niya mahahawakan
sa espiritwual na kamatayan ang isang kaluluwa na sa pananampalataya ay
tumanggap sa makapangyarihang salita ni Kristo. Sinasabi ng Diyos sa lahat
ng patay sa kasalanan, ‘Gumising ka, ikaw na natutulog, at bumangon mula sa
mga patay’ (Efeso 5:14). Ang salitang iyan ay walang hanggang buhay.”—
DA, p. 320.
k. Gaano kamahalaga sa mananampalataya ang tagumpay ni Kristo
laban sa kamatayan? 1 Cor. 15:12-19; 1 Ped. 1:3; Juan 11:25, 26.
“Ang mga bihag na kinuha mula sa mga libingan sa panahon ng muling
pagkabuhay ni Jesus ay Kanyang mga tropeo bilang isang manlulupig na
Prinsipe. Sa gayon ay Kanyang pinatunayan ang Kanyang tagumpay laban sa
kamatayan at sa libingan; sa gayon ay Kanyang ibinigay ang isang pangako at
isang paunang bahagi ng pagkabuhay muli ng lahat na matuwid na
namatay.”—The SDA Bible Commentary [E. G. White Comments], vol. 5, p.1109.
“Siya lamang . . . na may kakayahan . . . na buhayin ang Kanyang mga
banal mula sa libingan at damtan sila ng imortalidad, bigyan sila ng walang
hanggang tagumpay laban sa kamatayan at sa libingan, ang pwede sa ngayon
na makapag-ingat sa mga kaluluwa ng lahat na ipinagkatiwala sa Kanya para
sa araw na iyon at iligtas sila sa kanilang mga kabalisahan.”—MR, vol. 21, p.
273.
51
Huwebes Marso 2
5. ANG KAGALAKAN NG KALIGTASAN
a. Ano ang naramdaman ni Abraham nang inihayag ng Diyos na si
Kristo ang Tagapagligtas laban sa kasalanan at kamatayan? Juan
8:56; Bakit ang mga Kristiyano ang dapat na pinakamasayang mga
tao? Fil. 4:4; Gawa 2:25-27; 1 Tesalonica 5:16.
“Noong si Pablo ay nasa lubos na nakapanghihinang kalagayan, na
maaaring magdulot ng kalungkutan sa mga Kristiyanong hilaw, si [Pablo] ay
may matatag sa puso, puno ng tapang at pag-asa at kagalakan, na nagsasabi,
‘Magalak kayong lagi sa Panginoon; muli kong sasabihin, Magalak kayo’ (Fil
4:4). Nakitaan Siya ng parehong pag-asa at kagalakan nang siya’y nasa
palapag ng barko, ang bagyo ay pumapalo sa kanya, ang barko ay patungo sa
pagkawasak. Siya’y nagbigay ng utos sa kumander ng barko at naging ligtas
ang buhay ng lahat na nakasakay. Bagama’t siya ay isang bilanggo, siya ang
totoong pinuno ng barko, ang pinakamalaya at pinakamasayang tao na
nakasakay.”—My Life Today, p. 334.
b. Bakit ang pagkakanta at pagpupuri sa Panginoon ay isang
mahalagang parte sa ating pananampalataya? Awit 98:1-6; 95:1-8;
Apoc. 15:2-4.
“Habang ang bayan [ng Israel] ay naglalakbay sa ilang, maraming
mahahalagang mga leksyon ang naikintal sa kanilang isipan sa pamamagitan
ng awit. . . .
“Sa gayon ang kanilang mga kaisipan ay naalis mula sa mga pagsubok at
kahirapan sa daan, ang hindi mapalagay, at maligalig na espiritu ay
naginhawaan at napanatag, ang mga prinsipyo ng katotohanan ay naitanim sa
isipan, at ang pananampalataya ay napalakas.”—Ed., p. 39.
Biyernes Marso 3
Personal na mga Katanungan para sa Pagbabalik-aral
1. Sa anong mga paraan na si Isaac ay isang simbolong kumakatawan
kay Kristo?
2. Paano na naipapahayag ng karanasan ni Abraham ang lalim ng
sakripisyo ng Diyos?
3. Ipaliwanag kung bakit kailangang danasin ni Kristo ang pakiramdam
ng mga taong tinalikuran ng Dios?
4. Ano ang kahalagahan ng pagkabuhay muli sa isang Kristiyano?
5. Ano ang pinakamabisang gamot para sa kalungkutan?
52
Leksiyon 10 Sabbath, Marso 11, 2017
Pagtitiyaga ni Abraham
“Maghintay ka sa Panginoon, magpakalakas ka at magpakatapang
ang iyong puso; Oo, maghintay ka sa Panginoon” (Awit 27:14).
“Kapag tayo’y nasa kabalisahan, bago pa man natin buksan sa Kanya ang
ating pagkabalisa, ang [Diyos] ay gumagawa na ng paraan para sa ating
paglaya”—Our High Calling, p. 316.
Mungkahing Babasahin: Steps to Christ, pp. 93-104;
Our High Calling, pp. 315-319. Linggo Marso 5
1. ANG MGA HANGARIN NG PUSO
a. Ano ang hangarin ng puso ni Abraham? Gen. 15:1-3. Ano ang
ipinangako ng Diyos sa mga nananampalataya sa Kanya? Awit 37:4,
5; Mat. 21:21, 22.
“Bawat pangako sa Salita ng Diyos ay para sa atin. Sa iyong mga
panalangin, ipahayag ang pangako ng salita ni Jehovah at sa pamamagitan ng
pananampalataya ay angkinin ang Kanyang mga pangako. Ang salita Niya
ang kasiguruhan na kung ikaw ay hihingi na may pananampalataya,
matatanggap mo lahat ng espirituwal na mga pagpapala. Patuloy kang
humingi, at ikaw ay makatatanggap ng lubhang masagana higit pa sa lahat ng
iyong hiningi o inisip. Turuan mo ang sarili mo na magkaroon ng walang
hangganan na pagtitiwala sa Diyos. Ilagak mo sa kanya ang lahat mong
kabalisahan. Matiyaga kang maghintay sa Kanya, at kanya itong gagawin.”—
In Heavenly Places, p. 71.
b. Kapag tayo’y nananalangin upang ganapin ng Diyos ang isang
hangarin ng ating puso, ano pa ang palagi nating kailangang idagdag
sa ating kahilingan? San. 4:13-15; Mat. 26:39.
“Ang mabuting laging gawin ay ipagkatiwala ang ating mga hangarin sa
ating matalino sa lahat na Ama sa langit, at pagkatapos, kasama ang sakdal na
pagtitiwala, ay ipagkatiwala lahat sa Kanya. Alam natin na pakikinggan tayo
ng Diyos kapag tayo’y hihingi ayon sa kanyang kalooban. Ngunit ang
pagsasabi ng ating mga kahilingan na walang pagpapasakop ng kalooban ay
hindi tama; ang ating mga panalangin ay kailangang gawin, hindi sa paraan na
pautos, kundi sa paraan na naghihingi.”—MH, p. 230.
53
Lunes Marso 6
2. NAGHIHINTAY NG MAS MATAGAL KAYSA SA INAASAHAN
a. Ipaliwanag paano sinagot ng Diyos ang panalangin ni Abraham sa
sandaling natapos niya ang kanyang paghingi? Gen. 15:3, 4.
“Dahil si Abram ay walang anak, sa una ay kanyang naisip na ang
kanyang pinagkakatiwalaang alipin, na si Eliezer, ay dapat magiging ampon
niyang anak, at tagapagmana. Ngunit pinaalam ng Diyos kay Abram na ang
kanyang alipin ay hindi niya magiging anak at tagapagmana, subalit siya
mismo ay magkakaroon ng isang anak.”—Spiritual Gifts, vol. 3, pp. 100, 101.
b. Bagaman agad na pinangakuan ng Diyos si Abraham ng isang anak,
bakit hindi Niya pinahayag sa una pa lang ang araw ng kapanganakan
ng anak ni Abraham? Gawa 1:6, 7; Kawikaan 16:9; Awit 34:8.
“Layunin ng Panginoon na patunayan ang matatag na pananampalataya at
pananalig ni Abram sa mga pangakong Kanyang ginawa sa kanya.”—Ibid., p.
101.
“Hindi natin kailangang asahan na laging sisikat ang araw sa mundong
ito. Magkakaroon din ng mga ulap at bagyo sa palibot natin, at kailangang
nakahanda tayo na panatilihin ang ating mata na nakatingin kung saan natin
huling nakita ang liwanag. Ang sinag nito’y maaaring nakatago ngunit . . .
nananatiling sumisikat sa kabila ng ulap. Gawain natin ang maghintay,
magbantay, manalangin, at manampalataya. Higit nating Pahahalagahan ang
liwanag ng araw pagkatapos na ang mga ulap ay mawawala. Ating makikita
ang kaligtsan ng Diyos kapag tayo’y magtiwala sa Diyos sa kadiliman pati na
sa liwanag.”—Our High Calling, p. 318.
k. Kapag ang panalangin ay hindi sinagot sa panahong inaasahan, nasa
anong panganib tayo nahaharap? 1 Cor. 10:9, 10; Heb. 3:12-14. Saan
ito patutungo? Gen. 16:1-6.
“Kapag ang ating mga panalangin ay tila hindi sinasagot, tayo’y kumapit
sa pangako; sapagkat ang panahon ng pagsagot ay siguradong darating, at
ating matatanggap ang biyayang pinakakailangan natin. Ngunit ang
paniniwala na ang panalangin ay laging sasagutin sa paraan at para sa
particular na bagay na ating hinangad, ay kapangahasan. Ang Diyos ay
napakapantas upang magkamali, at napakabuti upang pigilin na hindi
maibigay ang anumang mabuting bagay sa kanila na lumalakad na matuwid.
Kung ganun ay huwag matakot na magtiwala sa Kanya, kahit na hindi mo
nakikita ang agarang sagut ng iyong mga panalangin. Magtiwala sa sigurado
Niyang pangako, ‘Humingi kayo, at kayo ay bibigyan’ (Mat. 7:7).”—SC, p. 96.
54
Martes Marso 7
3. ANG TAGAPAGBIGAY GANTI NG PANANAMPALATAYA
a. Sa anong dalawang bagay ang nais ng Diyos paniwalaan natin? Heb.
11:6. Ano ang unang pagpapakita (ng pananampalataya) ni
Abraham? Gen. 15:4-6.
“Hindi natin dapat ilahad ang ating mga kahilingan sa Diyos upang
patunayan kung kaya ba Niyang tutuparin ang Kanyang salita, kundi dahil
tutuparin niya ito; hindi upang patunayan Niya na mahal Niya tayo, kundi
dahil mahal Niya tayo.”—DA, p. 126.
b. Nang tinanggihan ng Diyos si Ismael bilang binhing ipinangako,
ilarawan kung paano nakaapekto ang panahon sa pananampalataya
nina Abraham at Sara sa pagtupad ng Diyos sa Kanyang pangako.
Gen. 17:15-18; 18:9-12.
“Nang malapit ng mag-isang daang taon si Abraham, ang pangako ng
isang anak ay inulit sa kanya, na may kasiguruhan na ang tagapagmana sa
hinaharap ay ang anak ni Sara. Subalit hindi pa naunawaan ni Abraham ang
pangako. Ang kanyang isipan ay biglang natuon kay Ismael, humahawak siya
sa paniwala na sa pamamagitan [ni Ismael] ay matutupad ang mga
mahabaging layunin ng Diyos.”—PP, p. 146.
k. Ano ang nakasama sa bawat panalanging may kasagutan? Gen. 18:14;
21:1, 2. Ano ang kailangan nating lagging alalahanin tungkol sa
“timing” ng Diyos kung ihambing sa “timing” natin. Habakuk 2:3.
“Sa bawat taos-pusong panalangin ang sagut ay darating. Hindi man ito
darating ayon sa iyong hangarin, o sa panahon na inaasahan mo; ngunit ito ay
darating sa paraan at sa panahon na pinakakailangan mo. Ang mga panalangin
na iyong inihandog sa panahon ng kalungkutan, kapaguran, pagsubok, ang
Diyos ay sumasagot, hindi laging ayon sa iyong mga inaasahan, ngunit laging
para sa iyong kabutihan.”—GW, p. 258.
“Hindi laging sinasagot ng Diyos ang ating mga panalangin sa unang
pagtawag natin sa Kanya; sapagkat kung ito’y Kanyang gagawin, maaari
nating ipalagay na tayo’y may karapatan sa lahat ng mga biyaya at pabor na
Kanyang ibinibigay sa atin. Sa halip na suriin ang ating mga puso upang
makita kung may mga kasamaan na ating tinataglay, kung may kasalanang
pinagbibigyan, tayo’y maging pabaya at mabigo na mapagtanto ang ating
pagtitiwala sa Kanya, at ang ating pangangailangan sa Kanyang tulong.”—
RH, March 27, 1913.
55
Miyerkules Marso 8
4. ANG PANGANGAILANGAN NG PAGTITIYAGA
a. Bakit hindi laging pinapayagan ng Diyos na ang katuparan ng isang
panalangin ay maganap agad? Santiago 1:2-4; Rom. 8:24, 25.
“Lahat tayo’y naghahangad ng agaran at direktang mga tugon sa ating
mga panalangin, at natutuksong madismaya kapag ang tugon ay naantala o
dumating sa isang anyong hindi inaasahang. Ngunit ang Diyos ay lubhang
pantas at mabuti upang lagi Niyang tugunan ang ating mga panalangin sa
panahon at paraan na ating hinahangad. Siya ay gagawa ng mas higit pa at
mas mabuti para sa atin kaysa sa pagtupad ng lahat nating kagustuhan. At
dahil ating mapagkakatiwalaan ang Kanyang karunungan at pag-ibig, huwag
nating hilingin na Siya’y pumayag sa ating kagustuhan, bagkus hangaring
pumasok sa kasunduan at ganapin ang Kanyang layunin. Ang ating mga
hangarin at interes ay dapat mawala sa Kanyang kalooban. Itong mga
karanasan na sumusubok ng pananampalataya ay para sa ating kabutihan. Sa
pamamagitan ng mga ito ay maipapakita kung ang ating pananampalataya ay
totoo at taos-puso, na sumasandig lamang sa salita ng Diyos, o ito’y walang
kasiguruhan at nagbabago depende sa sirkumstansiya. Napapalakas ang
pananampalataya sa pagsasanay nito.”—MH, p. 230, 231.
b. Anong katiyakan mayroon tayo sa mga pangako ng Diyos kahit na
sila’y hindi laging natutupad sa panahon na ating inaasahan? Heb.
6:13-18; Isa. 55:8-11; Awit 27:14.
“Gumawa na may pananampalataya, at ipasa Diyos ang mga resulta. Manalangin
ng may pananampalataya, at ang misteryo ng Kanyang probidensya ay magdadala ng
kasagutan nito. Kung minsan tila ikaw ay hindi magtatagumpay. Ngunit gumawa at
manampalataya, at ilagay sa iyong mga pagsisikap ang pananampalataya, pag-asa, at
tapang. Pagkatapos mong gawin ang puede mong magawa, hintayin ang Panginoon,
ipihayag ang kanyang katapatan, at gagawin niya ang Kanyang sinabi. Maghintay,
hindi sa maligalig na pagkabahala, ngunit sa walang takot na pananamapalataya at
matatag na pagtitiwala.”—7T, p. 245.
“Maghintay sa Panginoon, at muli kong sasabihin, maghintay sa
Panginoon. Maaari tayong humingi sa makataong kinatawan at hindi
makatanggap. Maaari tayong humingi sa Diyos at Kanyang sasabihin, kayo’y
makatatanggap. Kaya’t alam ninyo kung sino ang inyong hahanapin; alam
ninyo kung sino ang pagkakatiwalaan ninyo. Hindi ka dapat magtiwala sa tao
o gawing armas ang laman. Sumandal ng malakas hangga’t gusto mo sa
Makapangyarihan na nagsabing, ‘Kumapit sila sa akin upang mapangalagaan,
makipagpayapaan sila sa akin, makipagpayapaan sila sa akin’ (Isa. 27:5). Pagkatapos ay maghintay at magbantay at manalangin at gumawa, na panatilihin ang
iyong mukha na patuloy na nakaharap sa Araw ng Kabanalan.”—RC, p. 119.
56
Huwebes Marso 9
5. ANG PAGTITIAGA NG MGA BANAL
a. Anong katangian ang naglalarawan sa nalabi na bayan ng Diyos?
Apoc. 14:12. Bakit ang pag-ibig, na siyang pinakamataas na saklaw ng
Kristiyanong hagdan, ay hindi nabanggit? 2 Ped. 1:5-7; San. 5:7, 8.
“Ang matibay na layunin, ang hindi napapagod na pagsisikap, ang siyang
makakamit ng tagumpay sa wakas. Yaong makapagtitiis hanggang sa wakas
ang maliligtas. Sila na nagtitiyagang nakapagpatuloy sa kawang-gawa ang
magkakaroon ng buhay na walang hanggan at imortal na gantimpala. . . .
Lahat ng nakikibahagi sa labanang ito kay Satanas at sa kanyang kawan ay
mayroong isang malapit na gawain sa harapan nila. Sila’y hindi dapat
madaling mabago tulad ng waks o kandila, na madaling matunaw ng apoy sa
ano mang porma. Kailangan nilang tiisin ang paghihirap bilang tapat na mga
sundalo, manatili sa kanilang puestong kinalalagyan, at maging tapat sa bawat
oras.”—2T, pp. 101, 102.
b. Ipaliwanag paano ginagamit ng Diyos ang ating kasalukuyang mga
pagsubok upang ihanda tayo sa pagbabalik ng ating Panginoon. Heb.
10:35-39; Mat. 25:5; 24:13, 42-44.
“Sa relihiyosong buhay ng bawat kaluluwa na sa bandang huli ay maging
matagumpay ay mayroong mga pangyayari na katakot-takot na kabalisahan at
pagsubok; ngunit ang kanyang kaalaman sa banal na kasulatan ay makatutulong sa
kanya upang alalahanin ang mga nakasisiglang pangako ng Diyos, na aaliw sa
kanyang puso at magpapalakas sa kanyang pananampalataya sa kapangyarihan ng
Makapangyarihan. . . . Ang pagsubok ng pananampalataya ay mas mahalaga kaysa
ginto. Ang lahat ay kailangang matuto na ito’y isang bahagi ng pagdidisiplina sa
paaralan ni Kristo, na mahalaga upang dalisayin at linangin sila mula sa dumi ng
pagkamakamundo.”—God’s Amazing Grace, p. 81.
Biyernes Marso 10
Personal na mga Katanungan para sa Pagbabalik-aral
1. Ipagkakaloob ba ng Diyos bawat hangarin ng ating puso?
2. Paano tayo magreak kapag bawat panalangin ay hindi sinasagot sa
paraan na iniisip natin?
3. Bakit ‘panahon’ ang pinakamalaking hamon sa ating
pananampalataya?
4. Sa mundo ng mabilisang teknolohiya, anong katangian ang kailangan
nating linangin?
5. Bakit yung mga nabigong linangin ang isang matiising pagtitiwala sa
Salita ng Diyos ay mahuhulog?
57
Leksiyon 11 Sabbath, Marso 18, 2017
Nagsusumamo para sa mga Makasalanan
“Ang nagpapanumbalik sa isang makasalanan mula sa pagkaligaw sa
kanyang landas ay magliligtas ng kaluluwa mula sa kamatayan, at
magtatakip ng napakaraming kasalanan” (Santiago 5:20).
“kailangan ang mga lalaki at ma babae na masigasig at nagsasakripisyo ng
kanilang sarili, na lalapit sa Diyos at kasama ang malakas na pananangis at
luha ay magsusumamo para sa mga kaluluwang nasa bingit ng pagkasira.”—
GW, p. 26.
Mungkahing Babasahin: Patriarchs and Prophets, pp. 156-170.
Linggo Marso 12
1. SODOMA AT GOMORRA
a. Anong parusa ang dinanas ng siyudad ng Sodoma at Gomorra? Gen.
19:24, 25; Luc. 17:29.
“Nagpaulan ang Panginoon ng asupre at apoy mula sa langit sa mga
siyudad at mabungang kapatagan; sa mga palasyo at mga templo nito, sa
mamahaling mga tirahan, sa mga hardin at mga ubasan, at sa mga taong lasing
at naghahanap ng kasiyahan na sa nakaraang gabi lamang ay hinamak ang
mga mensahero ng langit—lahat ay nalipol.”—PP, p. 162.
b. Para kanino magsilbing halimbawa ang Sodoma at Gomorra? 2 Ped.
2:6; Judas 7.
“Ang mga apoy na lumipol sa mga siyudad ng kapatagan ay nagbigay ng
kanilang babalang liwanag maging hanggang sa ating kapanahunan. Naituro
sa atin ang nakakatakot at solemneng leksyon na habang ang awa ng Diyos ay
matagal na nagtitiis sa mananalansang, mayroong hangganan na ang tao’y
hindi na maaaring magpatuloy pa sa kasalanan. Kapag ang hangganan na
iyan ay narating, aalisin ang iniaalok na awa, at ang pangangasiwa ng
paghatol ay magsisimula. . . .
“Ang kapalaran ng Sodoma ay isang solomneng paalala, hindi lamang sa
mga nagkakasala, kundi sa lahat ng hindi nagpapahalaga sa liwanag at mga
pribilehiyong ibinigay ng langit.”—Ibid, pp. 162, 165.
58
Lunes Marso 13
2. ANG PAGMAMAKAAWA NI ABRAHAM
a. Saan nanirahan si Lot na pamangkin ni Abraham? Gen. 13:10-13;
19:1.
“Pinakamaganda sa mga siyudad ng lambak ng Jordan ay ang Sodoma, na
nailagay sa isang kapatagan na ‘gaya sa hardin ng Panginoon’ sa kanyang
pagkamayabong at kagandahan. Dito lumago ang masaganang mga halaman
ng tropiko.”—PP, p. 156.
b. Nang ipinahayag ng Panginoon kay Abraham na Kanyang sisirain ang
Sodoma at Gomorra, paano nagsumamo ng hindi deretsahan si
Abraham para sa pamilya ni Lot? Gen. 18:22-32.
“At ang tao ng pananampalataya ay nagsumamo para sa mga nananahan sa
Sodoma. Minsan nang iniligtas sila ni [Abraham] sa pamamagitan ng kanyang tabak,
ngayon siya’y nagsusumikap na iligtas sila sa pamamagitan ng panalangin. . . .
“Taglay ang malalim na paggalang at pagpapakumbaba na kanyang
binigkas ang kanyang pagmamakaawa . . . . Wala siyang pagtitiwala sa sarili,
walang pagmamalaki ng kanyang sariling katuwiran. Hindi siya humingi ng
pabor dahil sa kanyang pagsunod, o nang mga sakripisyong kanyang ginawa
sa pagganap ng kalooban ng Diyos. Bilang isang makasalanan, siya’y
nagsumamo alang-alang sa makasalanan. Ang gayong espiritu ang kailangang
angkinin ng lahat na lumalapit sa Diyos. Gayunman ipinakita ni Abraham ang
pagtitiwala ng isang anak na nagsusumamo sa isang mahal na ama. Siya’y
lumapit sa makalangit na Mensahero at taimtim na sinabi ang kanyang
kahilingan. . . . Inisip ni Abraham na sa mataong siyudad na iyon ay tiyak na may ibang mga sumasamba sa tunay na Diyos. . . . Hindi lamang minsan na humiling
si Abraham, kundi maraming beses. Nang naging matapang dahil sa pagkakaloob ng
kanyang kahilingan, siya’y nagpatuloy sa pagmamakaawa hangga’t natamo niya ang
kasiguruhan na kung mayroon lamang kahit sampung mga banal na matatagpuan dito,
ang siyudad ay hindi parurusahan.
“Pag-ibig sa mga nasawing kaluluwa ang nag-udyok sa panalangin ni Abraham.
Bagama’t nasusuklam Siya sa mga kasalanan ng masamang siyudad na iyan,
hinangad niya na maligtas ang mga makasalanan. Ang kanyang matinding malasakit
sa Sodoma ay nagpapakita sa balisa na dapat nating maramdaman para sa hindi
pagsisisi. Dapat mayroon tayong pagkapoot sa kasalanan, ngunit may awa at pag-ibig
para sa makasalanan. Sa ating palibot ay nariyan ang mga kaluluwang patungo sa
pagkawasak bilang walang pag-asa, bilang kahila-hilakbot, na gaya ng sinapit ng
Sodoma. Bawat araw ang pagkakataon ng ilan ay nagsasara. Bawat oras ang ilan ay
lumalampas na hindi na maaabot pa ng awa. At nasaan ang mga tinig ng babala at
pagmamakaawa upang pagsabihan ang makasalanan na tumakas mula rito sa
nakatatakot na kamatayan? Nasaan ang mga kamay na nakaunat upang kunin siya
mula sa kamatayan? Nasaan yung mga may pagpapakumba at may matiyagang
pananampalataya na nagsusumamo sa Diyos para sa kanya?”—Ibid, pp. 139, 140.
59
Martes Marso 14
3. SINAGOT NA PANALANGIN
a. Ipaliwanag kung paano sinagot ng Diyos ang panalangin ni Abraham
na huwag parusahan si Lot. Gen. 19:1-3, 12-16, 27-29.
“Natuliro ng kalungkutan, si [Lot] ay nagtagal, na ayaw lumisan. Kung
hindi dahil sa mga anghel ng Diyos, silang lahat ay maaaring namatay sa
pagkawasak ng Sodoma. Ang makalangit na mga sugo ang kumuha sa kanya,
sa kanyang asawa at mga anak na babae sa pamamagitan ng kamay at
pinalabas sila sa siyudad.”—PP, p. 160.
b. Anong sangkap ang kailangan natin laging isama sa ating mga
panalangin upang magkaroon ng kapangyarihan? Heb. 11:6; Mat.
17:14-20; Mat. 9:29.
“Manalangin ng may pananampalataya. At siguraduhing itugma ang
iyong buhay sa iyong mga panalangin, upang iyong matanggap ang mga
biyaya na iyong pinagdasal. Huwag mong payagang humina ang iyong
pananampalataya, sapagkat ang biyayang natanggap ay kasukat ng
pananampalatayang ipinakita. ‘Mangyari sa inyo ang ayon sa inyong
pananampalataya.’ ‘At anumang bagay na inyong hingin sa panalangin na
may pananampalataya ay inyong tatanggapin’ (Mat. 9:29; 21:22).
Manalangin, manampalataya, magalak. Umawit ng mga papuri sa Diyos
sapagkat Kanyang dininig ang iyong mga panalangin. Paniwalaan ang
Kanyang salita. ‘Siya na nangako ay tapat’ (Heb. 10:23). Walang ni isang
taos-pusong hinaing ang mawawala.”—7T, p. 274.
“Kailangan nating panghawakan ng mas mahigpit ang di nagmimintis na
mga pangako ng Diyos. Kailangang magkaroon tayo ng pananampalatayang
hindi maitatanggi, pananampalataya na kumakapit sa hindi nakikita,
pananampalataya na matatag, na hindi natitinag. Ang ganitong
pananampalataya ang magdadala ng biyaya ng langit sa ating mga
kaluluwa.”—My Life Today, p. 8.
k. Paano tayo magkakaroon ng tiwala na laging ililigtas ng Diyos ang
matuwid? 1 Ped. 3:12; Awit 145:18, 19; 55:22.
“Sa pinakamadilim na mga oras, sa ilalim ng mga kalagayang higit na
nakakahadlang, ang Kristiyanong mananampalataya ay maaaring panatilihin niya ang
kanyang kaluluwa sa pinagmumulan ng lahat ng liwanag at kapangyarihan. Araw-
araw, sa pamamagitan ng pananampalataya sa Diyos, ang kanyang pag-asa at tapang
ay maaaring magpanibago. . . . Tutuparin ng Panginoon ng mas higit pa ang
pinakamataas na inaasahan ng mga nagtitiwala sa Kanya. Ibibigay Niya sa kanila ang
karunungang hinihingi ng kanilang iba’t-ibang pangangailangan.”—Ibid., p. 55.
60
Miyerkules Marso 15
4. PAGSUSUMAMO PARA SA MGA KALULUWA
a. Ano ang kalagayan ng mundo bago ang pagbabalik ni Jesus? Luc.
17:28-30; 2 Tim. 3:1-6.
“Naipakita sa akin ang kalagayan ng mundo, na ito’y mabilis na pinupuno
ang kopa ng katampalasanan. Pinupuno ng sarisaring karahasan at krimen ang
ating mundo, at ginagamit ni Satanas ang bawat paraan upang gawing laganap
ang krimen at bisyong nakakasira o nakakahiya. Ang mga kabataang
lumalakad sa mga kalye ay napapalibutan ng mga pulyeto at paabiso ng
krimen at kasalanan, na naihahayag sa ilang nobela o naisasadula sa ilang
teatro/sinehan. Ang kanilang mga isipan ay naturuan sa kaalaman ng
kasalanan. Ang mga gawain ng mga taong hamak at kasuklam-suklam ay
naipapakita sa kanila sa mga pang-araw-araw na periyodiko, at lahat ng bagay
na nakakagising sa pagkamausisa at pumupukaw sa makahayop na hilig ay
naipamamalas sa kanila sa paraang nakakakilig at nakatutuwang mga kwento. “Ang mga panitikang nagmula sa mga tiwaling intelehente ang lumalason sa
isipan ng libo-libo sa ating sanglibutan. Ang kasalanan ay hindi lubhang masama sa
paningin. Napakarami silang napapakinggan at nababasa na nakakahiyang krimen at
kasamaan na kung saan ang minsa’y malambot na konsensiya na umuurong sa
panginginig sa takot ay naging napakapurol na kaya na nitong manatili sa nakakahiya
at bulgar na mga pananalita at mga gawa ng mga tao na may sakim na pagkawili.”—
3T, pp. 471, 472.
“Ang karamihan ay nagsisikap na kalimutan ang Diyos, at sila’y sabik na
tumatanggap ng mga gawa-gawang kwento lamang, upang maaari silang magpatuloy
sa landas ng pagpapalayaw sa sarili nang hindi ginagambala.”—The SDA Bible
Commentary [E. G. White Comments], vol. 5, p. 1122.
b. Ipaliwanag kung paano tayo magkaroon ng parehong saloobin sa
panalangin gaya ng na kay Abraham. Ezek. 9:4; Santiago 5:16-20.
“Hindi tayo dapat humatol ng iba; hindi natin ito gawain; ngunit dapat nating
mahalin ang bawat isa at ipanalangin ang bawat isa. Kapag nakita natin ang isa na
naligaw mula sa katotohanan, maaari natin siyang iyakan gaya ng pag-iyak ni Kristo
sa Jerusalem.”—5T, pp. 345, 346.
“Kapag ang isang kapatid ay naligaw, ito ang panahon na maipakita mo ang
iyong tunay na malasakit sa kanya. Lumapit ka sa kanya na may kabaitan, at
manalangin ka kasama niya at para sa kanya, habang inaalala mo ang hindi masukat
na halaga ng ibinayad ni Kristo para sa kanyang katubusan. Sa ganitong paraan ay
maaari mong mailigtas ang isang kaluluwa mula sa kamatayan at maikukubli ang
maraming kasalanan.”—Ibid., pp. 58, 59.
“Ang mga taong hindi nakararamdam ng pagkalungkot sa pagbaba ng kanilang
espirituwal na kalagayan, o magluksa sa mga kasalanan ng iba, ay maiiwan na walang
selyo ng Diyos.”—Ibid., p. 211.
61
Huwebes Marso 16
5. ANG HINIHINTAY NA HATOL
a. Mula saan natin dapat subukan na tulungan ang mga kaluluwa upang
makatakas? Apoc. 14:7, 10, 11; 15:1.
“Hindi tututulan ng masasamang tao ang isang uri ng kabanalan, o
tatanggihan ang isang kilalang ministeryo na walang inihahayag na krus para
ipapasan sa kanila. Ang likas na puso ay hindi seryosong tumututol sa isang
relihiyon na walang ginagawa upang ang mga lumalabag sa kautusan ay
mayanig, o walang ginagawa upang ang puso at konsensya ay mamulat sa
nakakatakot na katotohanan ukol sa isang paghatol na darating. Ang pagkilos
ng Espiritu at kapangyarihan ng Diyos ang pumupukaw ng pagtutol, at nag-
uudyok sa likas na puso upang magrebelde. Ang katotohanan na magliligtas
sa kaluluwa ay hindi lamang manggagaling sa Diyos, kundi ang Kanyang
Espiritu ay kinakailangang kasamang gumawa sa panganaral nito sa iba, at
kung hindi ang katotohanan ay babagsak na walang kapangyarihan sa harapan
ng sumasalungat ng mga impluwensya.”—GW (1892), p. 66.
b. Gaya ng karanasan ni Lot, paano natin alam na marami ang halos
hindi makatatakas sa paghatol na darating? Gen. 19:17; Luc. 17:28-
32; 1 Ped. 4:17, 18.
“Ang paghatol ng Diyos ay malapit ng maibuhos sa lupa. ‘Tumakas ka
alang-alang sa iyong buhay’ ang siyang babala mula sa mga anghel ng Diyos
(Gen. 19:17). Ang ibang mga tinig ay narinig na nagsasabing, ‘Huwag kang
mabibigla; walang dahilan para maalarma.’ Sila na namamahinga sa Ziyon ay
sumigaw ‘Kapayapaan at kaligtasan,’ habang ang langit ay nagpahayag na
ang mabilis na pagkawasak ay malapit ng dunating sa mga mananalansang. . .
. Ganyan ang nangyari sa pagkawasak ng lumang mundo at noong ang
Sodoma at Gomorra ay nalipol ng apoy.”—5T, p. 233.
Biyernes Marso 17
Personal na mga Katanungan para sa Pagbabalik-aral
1. Anong babala ang naibigay sa atin mula sa karanasan ng Sodoma?
2. Ano nawa ang dalahin ng bawat Kristiyano?
3. Ipaliwanag paano ang isang panalangin na may pananampalataya ay
maaaring makapagliligtas ng kaluluwa.
4. Anong saloobin ang kailangan natin ngayon ng higit pa kaysa dati?
5. Ipaliwanag bakit ang huling babala ay kailangang maibigay ng
madalian?
62
Leksiyon 12 Sabbath, Marso 25, 2017
Ang Mana ni Abraham
“Sapagkat [si Abraham] ay umaasa sa lungsod na may mga
kinasasaligan, na ang nagplano at nagtayo ay ang Diyos” (Hebreo 11:10).
“Tayo lamang ay mga manlalakbay at mga estranghero sa mundong ito.
Tayo’y umaasa sa lungsod na hinihintay ni Abraham, na ang nagplano at
nagtayo ay ang Diyos.”—In Heavenly Places, p. 112.
Mungkahing Babasahin: Testimonies, vol. 1, pp. 346-353;
The Faith I Live By, p. 304.
Linggo Marso 19
1. ISANG PANGAKO NG PAMANA
a. Anong pamana ang ipinangako ng Diyos kay Abraham at sa kanyang
binhi? Gen. 17:7, 8; 1 Cronica 16:15-18; Rom. 4:13.
“Ang kaloob kay Abraham at sa kanyang binhi ay kasama hindi lamang
ang lupain ng Canaan, kundi ang buong mundo. . . . At malinaw na itinuturo
ng Biblia na ang mga pangakong ginawa kay Abraham ay matutupad sa
pamamagitan ni Kristo.”—PP, p. 170.
b. Ano ang sinisimbolohan ng makalupang lupang pangako ng Canaan?
Heb. 11:8-10, 13-16; Apoc. 21:1-3.
“Ang tinig ng Diyos ay narinig, na nagpahayag kay [Abraham] na huwag
umaasa ng agarang pag-aangkin ng Lupang Pangako, at itinuturo ang
hinaharap na paghihirap ng kanyang salinlahi bago ang kanilang pagtira sa
Canaan. Ang plano ng pagtubos ay nabuksan sa kanya rito, sa kamatayan ni
Kristo, ang dakilang handog, at ang Kanyang pagparito na may kaluwalhatian.
Nakita rin ni Abraham na ang lupa ay naibalik sa kanyang Eden na
kagandahan, na ibibigay sa kanya bilang isang walang hanggang pagmamay-
ari, bilang huli at ganap na katuparan ng pangako.”—Ibid., p. 137.
63
Lunes Marso 20
2. MGA TAGAPAGMANA NG KAHARIAN
a. Sino ang iisang tunay na tagapagmana ng kahariang pangako? Mat.
21:33-39; Gal. 3:16; Heb. 1:1, 2.
“Si Kristo ang ‘itinalaga [ng Ama] na tagapagmana ng lahat ng mga
bagay, na sa pamamagitan din niya’y ginawa Niya ang mga sanlibutan.’ Siya
ang ‘kaningningan ng Kanyang kaluwalhatian at tunay na larawan ng kanyang
likas.’ At kanyang inaalalayan ang ‘lahat ng bagay sa pamamagitan ng
kapangyarihan ng kanyang salita’ (Heb. 1:2, 3). Angkin Niya ang banal na
karilagan at kadakilaan. Nalulugod ang Ama na sa Kanya’y lubos na
nananahan ang lahat. Minagaling ng Ama na ang buong kapuspusan ay
Manahan sa kanya. At ‘hindi Niya itinuring na isang bagay na dapat
panghawakan ang pagiging kapantay ng Diyos’ (Fil. 2:6). Gayun pa man ay
ipinagpalit ni Kristo ang isang luklukan ng liwanag at kaluwalhatian na nasa
Kanya kasama ng Kanyang Ama, na hindi Niya ibinibilang na isang bagay na
hahangaring maging kapantay ng Diyos, samantalang ang tao ay napahamak
sa kasalanan at paghihirap. Siya’y dumating mula sa langit patungong lupa,
dinamitan ang Kanyang pagkaDiyos ng pagkatao, at pinasan ang sumpa
bilang kasiguruhan para sa nahulog na lipi. Hindi Siya pinilit na gawin ito;
kundi pinili Niya na pasanin ang mga resulta ng pagsalansang ng tao upang
ang tao’y makatakas sa walang hanggang kamatayan.”—ST, Feb. 20, 1893.
b. Paano tayo magiging mga tagapagmana kasama ni Kristo na maging
kabahagi ng Kanyang mana? Rom. 4:13-17; Gal. 3:26-29.
“Sila lamang na nagpahalaga sa biyaya ni Kristo, na siyang nagpaging
tagapagmana sa kanila ng Diyos at kasamang tagapagmana ni Jesus, ang babangon
mula sa libingan na taglay ang larawan ng kanilang Manunubos.”—SM, bk. 1, p. 259.
“Ang katuparan ng pangako na tayo’y magiging kasamang tagapagmana
ni Kristo ay nakasalalay sa ating pagpayag na itanggi ang sarili.”—The Upward Look, p. 235.
k. Habang inihahayag natin ang ating pananampalataya kay Jesu-Kristo
na sa Kanya ibinigay lahat ng mga pangako ng Diyos, ano ang
Kanyang itinawag sa atin? Rom. 8:14-17; Gal, 4:4-7.
“Ang mga yaman ng walang hanggan ay naibigay sa pangangalaga ni
Jesu-Kristo, upang ibigay sa kanino man Niyang nais; ngunit nakakalungkot
dahil napakarami ang mabilis na nawalan ng pagtingin sa maalagang biyaya
na iniaalok sa kanila sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kanya. Kanyang
ibibigay ang mga makalangit na yaman sa mga maniniwala sa Kanya,
tumitingin sa Kanya, at namamalagi sa Kanya.”—SM, bk. 1, p. 138.
64
Martes Marso 21
3. ISANG WALANG HANGGANG KAHARIAN
a. Bilang mga anak na lalaki at babae ng Diyos, sa pamamagitan ng
pananampalataya, anong uri ng kaharian ang ipinangako sa atin?
Dan. 2:44; 7:27; 2 Ped. 1:11.
“Ang mga layunin ng Panginoon para sa Kanyang bayan ay pareho noon
pa man. Hangad Niyang igawad sa mga anak ng tao ang mga kayamanan ng
isang walang hanggang pamana. Ang Kanyang kaharian ay isang walang
hanggang kaharian. Kapag ang mga pumili na maging masunuring mga sakop
ng Kataas-taasan sa wakas ay naligtas sa kaharian ng kaluwalhatian, ang
layunin ng Diyos sa sangkatauhan ay matutupad.”—RH, December 26, 1907.
b. Gaano katagal tatamasahin ng mga mananampalataya itong walang
hanggang kaharian? Tito 3:7; 1 Juan 5:11-13.
“Ang buhay na ito’y isang paaralan ng pagsasanay, kung saan tayo’y
mababago, madadalisay, at magiging karapat-dapat para sa samahan ng mga
banal sa kaharian ng Diyos, na kung kanino natin inaasahang makasalamuha
sa buong kapanahunan ng walang katapusan.”—The Bible Echo, July 29,
1895.
k. Paano natin alam na nais ng Diyos na ang bawat isa ay makibahagi sa
pamanang ito? 2 Ped. 3:9; Ezek. 18:32; Juan 3:16.
“Hindi kalooban ng Panginoon na may kaluluwang mawawaglit. Ang
Kanyang awa ay hindi mabilang, at hindi Niya hahayaan ang Kanyang
biniling pagmamay-ari na Kanyang ibinigay ang Kanyang sariling buhay
upang tubusin ay magiging laruan ng mga tukso ni Satanas. Ang buong langit
ay ibinigay sa lahat ng nananampalataya Kay Jesu-Kristo bilang kanilang
kasalukuyang personal na Tagapagligtas.”—The Upward Look, p. 150.
“Ang Liwanag ng sanlibutan ay nagliliwanag sa atin upang ating makuha
ang banal na sinag at hayaan na ang liwanag na ito’y magniningning sa iba sa
mabubuting gawa upang maraming kaluluwa ang maakay upang luwalhatiin
ang ating Ama na nasa langit. Siya’y mapahinuhod, hindi nais na sino man ay
mawaglit, kundi ang lahat sana’y magsisi, at nagdadalamhati ang puso ni
Jesus na napakarami ang tumatanggi sa inihahandog na Kanyang awa at
walang kapantay na pagmamahal.”—MR, vol. 2, pp. 237, 238.
65
Miyerkules Marso 22
4. PAGHAHAWAKAN ANG ATING PAGTITIWALA
a. Ano ang iminumunkahi sa atin na ating panghawakan? Heb. 3:14;
10:23, 35, 36; Apoc. 3:11.
“Ang mga pasya ay maaaring gawin sa isang sandali na magtatakda sa
kalagayan ng isang tao magpakailan man. . . . Ngunit alalahanin na
kinakilangan ang habam-buhay na pagawa upang mabawi ang ano mang
naitapon ng isang sandaling pagsang-ayon sa tukso at katangahan. . . .
“Yaong manalo ng langit ay gagamitin ang kanilang marangal na
pagsisikap at gagawa na may pagtitiyaga, upang kanilang maani ang bunga ng
kanilang trabaho. May isang kamay na magbubukas ng malawak sa mga pinto
ng Paraiso para sa mga nanindigan sa pagsubok ng tukso at pinananatili ang
isang mabuting konsensya sa pamamagitan ng pagtalikod sa mundo, sa
kanyang karangalan, sa kanyang papuri, para sa pag-ibig ni Kristo, kaya
ipinapahayag nila Siya sa harapan ng mga tao at matiyagang naghihintay
upang ipahayag Niya sila sa Kanyang Ama at sa mga banal na anghel.”—My Life Today, p. 322.
b. Ipaliwanag kung paano na ang karamihan sa literal na mga anak ni
Abraham ay tangihang pagkalooban ng pamana? Mga Bilang 13:25-
33; 14:1; Heb. 3:18, 19; Judas 5.
“Sa loob ng apatnapung taon, ang sinaunang Israel ay hindi nakapasok sa
lapain ng canaan dahil sa kawalan ng pananampalataya, pagbubulong-bulong,
at pagrerebelde. Ang mga kasalanang ito rin nakaantala sa pagpasok ng
modernong Israel sa makalangit na Canaan. Sa parehong kaso ay hindi
nagkamali ng pangako ng Diyos. Ang kawalan ng pananampalataya,
pagkamakamundo, kawalan ng pagpapakabanal, at alitan sa pagitan ng mga
nag-aangking bayan ng Panginoon ang nagpapanatili sa atin dito sa mundo ng
kasalanan at kalungkutan ng maraming mga taon”—Evangelism, p. 696.
k. Ano ang dapat na unang prayoridad ating buhay? Mat 6:33; Lucas
12:31-34; Col. 3:1, 2.
“Tumingin palayo sa mundong ito tungo sa walang hanggan. Gamitin ang
iyong pinakamasugid na mga pagsisikap upang makamtan ang mga bagay na
pinahahalagahan ng Diyos, at ibinigay ni Kristo ang Kanyang mahal na buhay
upang ito’y maaari mong makamta. Ang Kanyang sakripisyo ang maluwang
na nagbukas sa iyo ng mga pinto ng makalangit na kalakal. Ilagak mo ang
iyong yaman sa tabi ng luklukan ng Diyos sa pamamagitan ng paggamit ng
puhunan na binigay sa iyo upang gawin ang hinahangad Niyang magawa sa paghikayat ng mga kaluluwa sa pagkaalam ng katotohanan.”—CS, pp. 225, 226.
66
Huwebes Marso 23
5. ISANG NAGKAKAISANG KAHARIAN NG DIYOS
a. Gaano karami sa mga anak ni Abraham ang makakasama niya sa
pagpupuri sa Diyos habang siya’y pumapasok sa kanyang pamana?
Heb. 11:39, 40; 1 Tes. 4:16, 17; Isa. 66:23.
“Hindi tayo kailangang mawalan ng pag-asa kapag ating nakikita ang iba
na linalabanan ang panghihina ng kanilang kalooban na gaya natin, sila’y
nahulog din sa mga tukso na gaya natin, subali’t sila ay nakabangon at
nabiyayaan ng Diyos. Ang mga kinasihang mga salita ay nag-aaliw at
nagpapasaya sa nagkakamaling kaluluwa. Bagaman ang mga patriyarka at
mga apostol ay may mga makataong mga kahinaan, ngunit sa pamamagitan
ng pananampalataya ay nakamit nila ang isang mabuting patotoo,
nakipagbaka sa kanilang mga labanan sa lakas ng Panginoon, at
maluwalhating nagtagumpay. Sa ganitong paraan maaaring rin tayong
magtiwala sa bisa ng handog sa kasalanan at maging mga mananagumpay sa
pangalan ni Jesus.”—4T, p. 15.
b. Ano ang gagawin ng bawat naligtas na mananampalataya kapag
harap-harapan na nakita nila si Jesu-Kristo bilang Tagapagligtas?
Filipos 2:9-11; Apoc. 7:9, 10. At ano ang gagawin ni Jesus pagkatapos?
1 Cor. 15:24-28.
“Lahat [ng natubos] ay nagka-isa sa pagpuri [sa Tupa] na namatay upang
ang mga tao ay magkaroon ng buhay na sumusukat sa buhay ng Diyos. Ang
labanan ay natapos na. Ang pagdurusa at awayan ay nagwakas na. Mga awit
ng tagumpay ang pumuno sa buong langit habang inaawit ng mga natubos ang
masayang awit, Karapat-dapat, karapat-dapat nga ang Tupang napaslang, at
nabuhay muli, na isang matagumpay na manlulupig.”—AA, p. 602.
Biyernes Marso 24
Personal na mga Katanungan para sa Pagbabalik-aral
1. Anong uri ng lupain ang hinahanap ni Abraham?
2. Paano lamang tayo magiging kabahagi ng pamana ni Abraham?
3. Ano ang hinahangad ng Diyos para sa bawat tao dito sa mundo?
4. Paano natin panghahawakan ng matatag ang ating pagtitiwala
hanggang sa wakas?
5. Anong uri ng mga awit ang makakasamang aawitin ng mga natubos
sa makalangit na koro?
67
Tala ______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
Ipinapaalam sa lahat ang mga sumusunod na kaganapan sa ating
Iglesia:
National Youth Convention: (Para sa lahat ng Nais dumalo)
Abril 27-Mayo 6, 2017- Kalibo, Aklan.
PUC Triennial Session: (Para sa mga delegado lamang)
Mayo 8-10, 2017 - Kalibo, Aklan.
68
69